PRODUKSYON AT KITA NG PAMBANSANG EKONOMIYA
Dalawang sektor ang pinanggalingan ng kita ng bukas naekonomiya…ang panloob na sektor at ang eksternal nasektor..
PANLOOB NA SEKTOR
Nagsasagawa ng desisyon sa loob ng pambansangekonomiya.
Kabilang na dito ang sambahayan,bahay-kalakal,atpamahalaan.
EKSTERNAL NA SEKTOR
Binubuo ng mga aktor ng pambansang ekonomiya naaktibo sa kalakalang panlabas.
Kabilang dito ang bahay-kalakal na umaangkat atnagluluwas ng mga produkto.
Kabilang din ang mga aktor ng sambahayan nanakikipagsapalaran sa dayuhang ekonomiya.
Kasama na rin dito ang mga namumuhunan at umuutangsa dayuhang ekonomiya.
PAGSUKAT NG PRODUKSYON AT PAMBANSANG KITA
Sa isang bukas na ekonomiya,may dalawang pakahulugan angpambansang ekonomiya.Unang pakahulugan nito ang umiiralna ekonomiya sa isang bansa.Ikalawang pakahulugan ang lawakng gawain ng mga aktor ng isang ekonomiya sa iba’t –ibangpanig ng daigdig.
Sa pagsukat ng pambansang kita,naisasaalang-alang naman angdalawang kahulugan ng pambansang ekonomiya.Isa sa mgapanukat ng kita ng bansa ang Gross National Pruduct (GNP).
Ang GNP ay halaga ng kabuuang produksyon ng mamayan ngisang bansa sa loob at labas ng pambansang ekonomiya
Ang ikalawang panukat naman ay ang Gross Domestic Product (GDP).
Ang GDP naman ay ang halaga ng kabuuang produksyon saloob ng pambansang ekonomiya.Isinasama rito ang produksyonng mga dayuhang aktor na nasa loob ng pambansangekonomiya.
Bilang mga panukat ng pambansang kita,ang GNP at GDP ay tinatawag na National Income Accounts.
Tinatawag na National Income Accounting ang pagsukat saGNP at GDP.
Tatlo ang pamamaraan ng National Income Accounting.
Ang unang pagsukat ay sa pamamaraan ng gastusin o expenditure apprach.
Ang ikalawa ay sa pamamaraan ng kita o income approach.
At ang ikatlo ay sa pamamaraan ng value added approach.
PAMAMARAAN NG GASTUSIN
Sinusukat ng pamamaraan ng gastusin ang pinaggamitan ngkita ng pambansang ekonomiya.Sa isang pamamaraan nggastusin,ang pormula ng pambansang kita ay:
GNP= C + I + G + (X - M) + NFIAGNP=GDP +NFIAC = Gastusin ng sambahayan o PERSONAL CONSUMPTION EXPENDITURE.
G = Gastusin ng pamahalaan o GOVERNMENT CONSUMPTION.
I = Gastusin ng bahay-kalakal sapamumuhunan o CAPITAL FORMATION.
X = Kita sa export o EMPORT REVENUES.
M = Pinambayad sa import o IMPORT SPENDING.
X - M = Balance of trade o NET EXPORTS.
NFIA = Net Factor Income from Abroad.
NFIA = Kita ng pambansangekonomiya mula sa mga salik ngproduksyon na nasa ibang bansa.-Pambayad sa dayuhang ekonomiyapara sa angkat na mga salik ngproduksyon.
Ipinapakita sa talahanayan 18.1 sa susunod na pahina angpagkwenta ng GNP at GDP ng Pilipinas .Gamit dito angexpenditure approach para sa mga taong 2004 hanggang2007.May tala na statistical discrepancy sa talahanayan.
Layunin ng statistical discrepancy na maisaayos angpagkuwenta ng pambansang kita.Ngunit hindi ito sakopng talakayan ng araling ito.
Ang National Economic Development Authority (NEDA) ang opisyal na tagalabas ng tala ng pambansang kita ngbansa.Nakaatang naman sa isang sangay ng NEDA ..angNational Statistical Coordination Board (NSCB), angincome accounts.
Itinatala ng NSCB ang GNP at GDP sa national income accounts.Kasama ang GNP at GDP,ang lahat ngpambansang estadistika ay tinitipon ng NSCB sa Philippine Statistical Yearbook.
Talahanayan 18.1 Pambansang kita sa pamamaraan nggastusin.(Sa milyong piso,presyo sa kasalukuyang panahon)
Detalye 2004 2005 2006 2007
I.Personal consumption Expenditure(C) 3,346,716 3,772,249 4,229,502 4,611,884
II. Government consumption(C) 429,110 527,045 589,930 646,676
III. Capital Formation(I)A. Fixed Capital1. Constration2. Durable Equipment3.Breeding Stocks and Orchard DevelopmentB. Change in Stocks
815,981784,066369,053351,65763,35631,915
793,989783,404365,910351,85965,63510,585
874,583845,882415,244358,26572,37328,701
1,013,941985,499524,877381,93578,68628,442
IV. Exports(X)A. Merchandise exports
B. Non-Factor Services
2,480,9662,186,749
294,217
2,589,7392,247,575
342,164
2,851,3902,402,448
448,942
2,833,6342,295,667
537,966
V. Minus: Imports(M)A. Merchandise importsB. Non-Factor Services
2,659,0092,507,035
151,974
2,816,2432,649,311
166,932
2,894,6942,716,261
178,433
2,802,6592,616,922
185,667
VI. Statistical Discrepancy 394,790 577,260 382,124 344,770
Gross Domestic Product (GNP) 4,871,555 5,444,039 6,032,835 6,648,245
VII. Net Factor Income From Abroad (NFIA) 376,509 447,145 500,940 601,078
Gross National Product (GNP) 5,248,064 5,891,183 6,533,775 7,249,323
ang mga salik ng produksyon na iniluluwas at inaangkat ng pambansang ekonomiya mula sadayuhang ekonomiya ay kasamang kinukuwenta saGNP.
Pumapasok ang mga ito sa aytem na Net Factor Income From Abroad(NFIA). Ang ibang katawagan saNFIA ay Net Factor Income From The Rest Of The World..
Matutunghayan sa talahanayan 18.2 sa pahina 225 angpagkuwenta sa NFIA. Naglalaman ito ng mga aytem namga inflow at outflow.
Ang mga inflow ay mga salik ng produksyon na iniluluwassa ga dayuhang ekonomiya kung saan kumikita angpambansang ekonomiya.
Ang mga outflow naman ay mga salik ng produksyon nainaangkat mula sa mga dayuhang ekonomiya. Ang mgaoutflow ay binabayaran ng pambansang ekonomiya.
Ang difference ng nakuwentang infow at outflow angsinasabing NFIA. Kinakailangang positibo ang NFIA upangmakatulong sa paglago ng ekonomiya. Ibig sabihin,masmaraming kinikita ang pambansang ekonomiya kaysabinabayarang gastusin sa pag-aangkat ng mga salik ngproduksyon.
Talahanayan 18.2: Net Factor Income From Abroad (NFIA) ngPilipinas. (Sa milyong piso,presyo sa kasalukuyang panahon)
Detalye2004 2005 2006 2007
Inflow (export)CompensationProperty IncomeKABUUANG BAYARIN
540,35348, 981
589,334
622,96057,577
680,536
706,92883,685
790,613
762,496113,511876,007
Out Flow (import)Compensationproperty IncomeKABUUANG BAYARIN
_____212,825212,825
_____233,392233,392
_____289,674289,674
_____274,929274,929
Net Factor Income 376,509 447,145 500,940 601,078
Dalawang salik ng produksyon ang ibinibilang sa ngainflow at outflow.
Una na dito ang paggawa. Ang kinikita ng mgamanggagawa na nakikipagsapalaran sa dayuhangekonomiya ay nakatala sa Compensatoin. Ang mgatinatawag na overseas Filipino Worker (OFW) ay nagpapasok ng kita sa Pilipinas.
Tinatawag itong remittance ng mga OFW. Ang remittance ng mga OFW ay laman ng aytem na inflow at tinatawag naCompensation.
Samantala ,ang mga binabayad ng pambansang ekonomiyaparasa mga dayuhang manggagawa ay nabibilang sa aytemna mga outflow at tinatawag na Compensation.
Ang ikalawang salik ay kapital. Ginagamit ito sapamumuhunan sa dayuhang ekonomiya. Gayundin angmga dayuhang ekonomiya ay namumuhunan sapambansang ekonomiya.
Kumikita ang dalawang ekonomiya sa pamumuhunan at itoay tinatawag na Investment o Property Income. Ngunit angInvestment o Property Income ng dayuhag ekonomiya ay Investment o Property Expense sa pananaw ng pambansangekonomiya.
Ang mga anyo ng Investment Income ay angDibidendo,Interes,at Tubo mula sa negosyo.
Ang Dibidendo(dividends) ay ang pinaghahatiang halagang kita ng bahay-kalakal matapos itong mabuwisan.
Pamamaraan ng Kita
Ang ikalaawang panukat ay sa pamamaraan ng kita o Income Approach. Tinutukoy ng Income Approach angpangangailangan ng pambansang kita.
Ayon kay Campbell McConnel isang amerikanong propesorng ekonomiks,ang pormula ng pambansang kiya sapamamaraan ng kita ay:
GNP = capital consumption allowance +indirect business tax + compensation of employees + rents + interests + proprietor’s income + corporate income taxes +dividends + undistributed corporate profits.
Ang halaga ng nagamit na kapital ay consumption allowance.
Ang indiret business tax ay mga buwis na ipinapataw ngpamahalaan sa isang produkto. Halimbawa ay excise tax at value added tax.
Ang compensation of employees ay ang sahod ngmanggagawa.
Ang rent ay ang kita mula sa lupa.
Ang interest ay kita mula sa capital.
Kita ng entreprenyur sa kanyang negosyo ang proprietor’s income.
Ang buwis na galing sa kita ng mga bahay-kalakal ay angcorporate income tax.
Ang natira sa kinita ng bahay-kalakal matapos mabawasanng dividends ay undistributed corporate profits.
Ang ikatlong panukat ay sa pamamaraan ng value added. Sinusukatdito ang ang karagdagang halaga ng produksyon ng bawat sektor ngekonomiya. Ang tinutukoy na sektor ng ekonomiya ay agrikultura,(kasama ang pangingisda at paggugubat),industriya at atpaglilingkod. Dahil sa sektoral na oryentasyon,kinikilala angpamamaraan ng pagsukat na by industrial origin.
Value added ang tinutukoy na karagdagang halaga sa produksyon. Matutunghayan ang halimbawa ng pagkukuwenta nito sa Talahanayan18.3 sa pahina 227.
Halimbawa, ipagpalagay na may limang baitang sa pagbuo ng damit. Ipinakikita sa talahanayan 18.3 na sa (baitang I), ang nagtatanim ngbulak ay nagbebenta ng bulak sa mga nagpoproseso ng sinulid(baitang II) sa halagang Php.120. pinagbibili naman ang sinulid upangmabuo ang tela(baitang III) sa halagang Php. 180. Ang nabuong telanaman ay ipagbibili sa mga nagmamanupaktura ng damit sa halagang
Php. 270 (baitang IV)
Ipagbibili naman ito sa nagtitinda ng damit sa halagang Php. 270 (baitangV) hanggang bilhin ito ng mamimili sa halagangPhp. 350.
Talahanayan 18.3 Value Added sa Bawat Antas NngProduksyon ng Damit
Talahanayan 18.4: Pambansang Kita sa Pamamaraan ng Gross Value added (Sa milyong piso,presyo sa kasalukuyang panahon)
Detalye 2004 2005 2006 2007
I. Gross Value Added of agriculture,fisheryand forestry
A. Agriculture and FisheryB. Forestry
734,171
730,6993,472
778,370
774,1194,251
852,800
847,9784,822
936,415
932,2824,133
II. Gross Value Added of IndustryA. Mining and QuarryingB. ManufacturingC. ConstructionD. Electric, Gas, and Water
1,544,35152,887
1,122,879212,766155,819
1,735,14863,639
1,264,651210,191196,668
1,913,03175,557
1,381,171240,240216,062
2,107,287108,173
1,463,752304,592230,771
III. Gross Value Added ngPaglilingkod(service)
A. Transportation, Communication, and Storage.
B. TradeC. FinanceD. Ownership of Dwellings and Real EstateE. Private servicesF. Government Services
2,593,032
367,352
681,742215,660292,208653,334382,736
2,930,521
413,850
776,949263,448320,409741,984413,880
3,267,044
446,224
877,544311,444350,676830,152450,964
3,604,542
478,389
981,101361,972373,973936,912472,196
GROSS DOMESTIC PRODUCT (GDP) 4,871,555 5,444,039 6,032,835 6,648,245
IV. Net Factor Income from abroad (NFIA) 376,509 447,145 500,9400 601,078
GROSS NATIONAL PRODUCT (GNP) 5,248,064 5,891,183 6,533,775 7,249,323
Isinasama lamang ang Php. 350 sa pagsukat ng GDP dahil ito lamang ang halaga ng tapos na produkto. Kasama na sa halagang ito ang mga intermedyangtransaksiyon na hahantong sa pagbebenta nito.
Ang Value Added ayang pampamilihang halaga(market value) ng output ng bahay-kalakal mataposibawas ang halaga ng input na binili nito sa ibangbahay-kalakal.
Ibat-ibang Pamamaraan ng Pagtalakay sa Pambansang Kita
Inilalarawan ng GNP at GDP ang produksyon ng bansa. Magandang makita na papataas ang GNP at GDP. Ibg sabihinnitotumataas ang produksyon ng bansa. Dumarami ang mgasalik ng produksyon niyo. Dumarami ang kumikita saekonomiya. Maraming nakikinabang sa ekonomiya. Umaangatang kabuhayan ng mga kasapi ng ekonomiya.
Maaari rin namang bumaba ang GNP at GDP. At ito ay isanghindi kaaya-ayang pagkakataon. Maraming salik ng produksyonang hindi nagagamit. Maraming nagsasarang negosyo. Maraming may mababa o walang kita. Marami ang lumiliit angkakayahan na tugunan ang mga pangangailangan at kagustuhan. Kaunti ang nakikinabang sa ekonomiya. Maramingmaghihirap na mga kasapi sa ekonomiya. Isang posibilidad din naman na hindi magbago ang GNP at GDP
Kung susuriin ang talahanayan 18.1 at talahanayan 18.4, tumataas ang GNP at GDP ng bansa mula 2004 hanggang 2007. noong 2004,ang GNP ng Pilipinas ay pumalo sa Php. 5.25 trilyon. Ang GDP noong 2004 ay nasa Php. 4.87 trilyon. Noong 2007,ang GNP ng bansa ay umakyat sa Php. 7.25 trilyon. Samantala angGDP ng bans ay tinatayang nasa Php. 6.65 trilyon.
Ang GNP at GDP sa mga talahanayanng nabanggit ay nasakasalukuyang presyo. Tinatawag din ang mga ito na GNP in current prices at GDP in current prices. Pinakakilala ang mga itosa kayawagang nominal GNP at nominal GDP. Ibig sabihin,angmga umiral na presyo sa nasabing taon ay ginamit upangbigyang-halaga ang produksyon ng bansa. Kung mataas angpresyo sa isang partikular na taon,tumataas din ang GNP at GDP. Kung mababa ang presyo,bumababa rin ang GNP at GDP. Sa ganitong kaayusan,hindi naisasaalang-alang ang tunay napagtaas ng produksyon ng ekonomiya..
Isang paraan upang malaman ang pagbabago sa produksyon ay kinakailangan iayon ang GNP at GDP sa pagbabago ng presyo. Kailangang pumili ng basehang taon(base o reference year). Inaalam ang presyo ng bilihin sa basehang taon. Ito angnagiging pamantayan ng pagbabago sa presyo ng mga susunodna taon. Sa Pilipinas,ang basehang taon para sa GNP at GDP ay 1985.
Upang maiayon ang GNP at GDP sa pagbabago ngpresyo,kinukuha muna ang deflator
Ang pormula ng pagkukuwenta ng deflator ay:
deflator= presyo ng sinusuri over presyo ng basehang taon x 100
Ang deflator ng basehang taon ay palaging 100. ipagpalagay na1985 ang basehang taon. Ipinakikilala ito sa mga ulat sapamamagtan ng tanda na (1985=100). Ang deflator ng 1986 ay 120. ibig sabihin tumaas nang 20% ang presyo mula 1985 hanggang 1986.
Talahanayan 18.5: Nominal GNP at Real GNP ng Pilipinas (Sa milyong piso,1985 = 100)
Taon Nominal GNP Real GNP
2001 3,876,603 1,061,283
2002 4,218,883 1,105,695
2003 4,631,479 1,171,431
2004 5,248,064 1,252,331
2005 5,891,183 1,320,000
2006 6,533,775 1,392,005
2oo7 7,249,323 1,502,814
Matutunghayan sa talahanayan 18.5 ang nominal GNP at GDP nh Pilipinas mula 2001 hanggang 2007. Tumaasang nominal GNP sa Php. 7.2 trilyon noong 2007 mulasa Php. 3.9 trilyon noong 2001
Bahagya namang tumaas ang Real GNP. Noong2007,ito ay Php. 1,061 trilyon. Noong 2007 naman ito ay tumaas sa Php. 1.50 trilyon. Ang pagitan sa halaga ngnominal GNP at real GNP ay naipaliliwanag ng pagtaasng presyo.
Talahanayan 18.6:Paglago ng Nominal GNP at Real GNP ngPilipinas, 2002-2007
Taon Paglago ng Nominal
GNP
Paglago ng Real GNP
2002 8.8% 4.2%
2003 9.8% 5.9%
2004 13.3% 6.9%
2005 12.3% 5.4%
2oo6 10.9% 5.5%
2006 10.1% 7.1%
Ang mga natalakay na sukat ng GNP at GDP ay patungkolsa laki ng produksyon. Maaari rin namang sukatin angpagbabago ng produksyon ng bansa.
Ang pormula ay:
Paglago ng GNP = GNPbago -GNPdati over GNPdati x 100
Paglago ng GDP = GDPbago – GDPdati over GDPdati x 100
Halimbawa: 1995 nominal GNP = Php. 500
1996 nominal GNP = Php. 750
Paglago ng nominal GNP 1995 – 1996
= (Php. 750 - Php. 500)
Php. 500
=Php. 250 divided by Php. 500 = 0.5
= 0.5 x 100
= 5o%
Ang nakuwenta na paglago ay 50%. Ibigssabihin,lumago ng 50% ang pambansang kita mula1995 hanggang 1996.
Matutunghayan sa talahanayan 18.6 ang paglago ngNominal GP at Real GNP sa Pilipinas mula 2002 hanggang 2007
Positibo ang paglago ng Real GNP ng Pilipinas mula2002 hanggang 2007. Ibig sabihin ,ang produksyon ngbansa ay tumaas. Pinakamataas na paglago ng Real GNP ng bansa ay 7.1 noong 2007.
Talahanayan 18.7: Per Capita GNP at GDP ng Pilipinas
Detalye 2004 2005 2006 2007
A. Estimate in current prices1.Gross Domestic Product2. Gross National Product3. Personal Consumption
expenditure
58,30062,80640,051
63,85469,09844,245
69,36475,12448,630
74,94681,72251,990
B. Estimte in constant (1985) Prices
1. Gross Domestic product2. Gross National Product3. Personal Consumption
expenditure
13,81414,98710,816
14,20915,48211,113
14,68116,00511.495
15,42916,94111,929
C. Populasyon (sa milyongkatao)
83.56 85.26 86.97 88.71
Sa talahanayan 18.7, ang pambansang kita ay nasa per capita na sukat.
Ang Per Capita na panukat ay ginagamit upang matantiyaang halaga ng produksyon ng bawat Pilipino sa loob ngisang takdang panahon.
Maaari rin itong ipakahulugan na halaga ng gastos bawatPilipino.
Karaniwan, pakahulugan ang per capita GNP at GDP nakita ng bawat Pilipino sa isang takdang panahon..angpormula nito ay:
Per Capita GNP = GNP __
Populasyon
Per Capita GDP = GDP___
Populasyon
Kahalagahan at limitasyon sa paggamit ng GNP at GDP
Mahalagang sukatin ang pambansang kita kita sa isangekonomiya. Nailalarawan nito ang laki at dami ngpinagkukunang-yaman ng isang ekonomiya. Mahihinuharito ang kakayahan ng ekonomiya na itaguyod ang mgapangangailangan at kagustuhan ng bawat kasapi. Masusuridito ang mga pangangailangang pang-ekonomiya na dapatmaunang tugunan.
Magagamit din ang pambansang kita na batayan sapagpapalago ng pambansang ekonomiya. Sa pamamagitanng National Income Accounts,masusuri ang mga aspektong gawain at ang sektor sa pambansang ekonomiya nakailangang pagtuunan ng pansin.
Natunghayan na ang ibang talakayan patungkol dito sa mganaunang bahagi ng araling ito.
Talahanayan 18.8: Korparatibong katayuan ng real GNPng Pilipinas sa Asya, 2004 - 2007
Piling bansa sa Asya 2004 2005 2006 2007
A.Taunang paglago ng Real GDP(%)Pilipinas 6.4 5.0 5.4 7.2
Bangladesh 6.3 6.0 6.6 6.5
Cambodia 10.3 13.3 10.8 10.2
Indonesia 5.0 5.7 5.5 6.3
Singapore 9.0 7.3 8.2 7.7
Thailand 6.3 4.5 5.1 4.8
China 10.1 10.4 11.1 11.9
B.Taunang paglago,Per Capita Real GDP
Pilipinas 4.2 2.8 3.4 5.3
Bangladesh 4.9 4.6 5.2 5.1
Cambodia 8.2 11.2 8.2 7.2
Indonesia 3.7 3.4 5.1 4.7
Singapore 7.6 4.8 4.8 3.3
Thailand 4.6 4.5 4.8 4.0
China 9.4 9.6 10.4 10.4
Ang talahanayan 18.8 ay nagpapakita ng halimbawa ngbenchmarking ng real GDP sa Asya.
Sa benchmarking,ang paglago ng real GDP ng Pilipinas ay mas malaki kung ihahambing sa Indonesia. Ngunit masmabilis naman lumago sa ekonomiya ng Pilipinas angekonomiya ng Cambodia at China.
Ang GNP at GDP ay isa sa maraming sukatan ng pagbuti o pagsama ng pambansang ekonomiya. Kalimitan, nagagamitito upang ipaliwanag ang paglago ng ekonomiya ng isangbansa. Hindi nito nasasaklaw amg usapin ng pagkasira ngkalikasan. Hindi nito buong nasasaklaw ang usapin sakanluran. Hindi rin nito naipaliwanag kung ano angkalidad ng buhay ng mga aktor sa isang ekonomiya. Kalimitan, ang paglago ng pinagkukunang-yaman angnapahihiwatig ng GNP at GDP. Kung sa paanong paraannapabuti nasasaklaw sa usapin ng GNP at GDP.
WAKAS!!!