Z P Araling Panlipunan · 2021. 1. 28. · Sa pamamagitan ng modyul na ito, masusuri mo ang...

11
Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul 6: Ang Pamilihan: At ang Konsepto Nito Zest for Progress Zeal of Partnership 9 Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: __________________________ Name of School: ___________________________

Transcript of Z P Araling Panlipunan · 2021. 1. 28. · Sa pamamagitan ng modyul na ito, masusuri mo ang...

  • Republic of the Philippines Department of Education

    Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

    Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul 6:

    Ang Pamilihan: At ang Konsepto Nito

    Zest for Progress Zeal of Partnership

    9

    Name of Learner: ___________________________

    Grade & Section: __________________________

    Name of School: ___________________________

  • Alamin

    Sa nakaraang aralin iyong natutunan ang mga konsepto ng Demand at Supply at ang interaksiyon nito sa isa’t isa sa ekonomiya ng ating bansa. Bilang pagpapatuloy ng aralin, tunghayan natin ang mahahalagang papel na ginagampanan ng Pamilihan. Kung saan dito matatagpuan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Mangyayari rin sa Pamilihan ang interaksyon ng dalawang actor ang konsyumer at prodyuser.

    Sa pamamagitan ng modyul na ito, masusuri mo ang mahahalagang

    konsepto ng Pamilihan at ang iba’t ibang estruktura nito. Inaasahan ang sumusunod pagkatapos ng aralin:

    Nasusuri ang kahulugan ng iba’t ibang istruktura ng Pamilihan

    • Napapahalagahan ang konsepto ng Pamilihan bilang bahagi sa pang-araw-araw na pamumuhay

    • Nasusuri ang ugnayan at interaksyon ng konsyumer at prodyuser sa Pamilihan

    Balikan

    Bago natin sisimulan ang talakayan, sagutin muna ang mga tanong na nasa ibaba. Piliin lamang ang titik sa tamang sagot. 1. Isang kalagayan ng pamilihan na ang dami ng handa at kayang

    bilhing produkto o serbisyo ng mga konsyumer at ang handa at kayang ipagbiling produkto o sebisyo ng mga prodyuser ay pareho ayon sa presyong pinagkasunduan. A. Demand B. Supply C. Ekwilibriyo D. Schedule

    2. Ayon sa kanya, kapag nagaganap ang ekwilibriyo ay natatamo ang kasiyahan ng parehong konsyumer at prodyuser. A. Adam Smith B. Mankiw C. Maslow D. Brue

    3. Ang Ekwilibriyo sa pamilihan ay ang punto kung saan ang quantity demanded at quantity supplied ay _______________. A. Mataas B. mababa C. mataas at mababa D. Pantay

    4. Anumang sitwasyon na hindi pareho ang quantity demanded at quantity supplied ay _____________. A. Ekwilibriyo B. Disekwilibriyo C. Shortage D. Surplus

    5. Ang pamilihan ay maaaring makaranas ng __________ kung saan marami ang quantity supplied kaysa quantity demanded.

  • Tuklasin Gawin 1: Pangyayari sa Pamilihan! Panuto: Suriin ang mga kaganapan sa Pamilihan. Pagkatapos sagutin ang sumusunod na tanong. Lina: Magandang umaga sa iyo, Manang! Pabili po ng karneng baboy. Aling Marta: Magandang umaga naman sa iyo, Eneng. Ilang kilo ba ang gusto mo.? Lina: Magkano po ang isang kilo? Aling Marta: P200.00 ang isang kilo. Eneng! Lina: Naku! Nagmahal pa ang bilihin ngayon. Pwede P180.00 lang po ang isang kilo, kukulangin yata badyet ko. Aling Marta: Eneng, malulugi yata ako sa iyo, o sige ngayon lang ha…Sige P180.00 na lang sa iyo. Lina: Maraming salamat, Manang. Huwag ka mag-alala simula ngayon suki mo na talaga ako. Aling Marta: O siya..siya…..baka hinanap ka ng nanay mo…pakisabi ng nanay mo na sa akin na rin siya bumili ng gulay .. Lina: Oo naman Manang…Sasabihin ko ko sa kanya…Mauna nap o ako, Manang… Aling Marta: O sige, mag-ingat ka sa daan….

    Sagutan ang mga tanong:

    1. Naranasan mo na ba ang ganitong pangyayari? 2. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Eneng, hindi ka ba mahihiya sa

    ginawa mo? Bakit? 3. Gaano kaya kahalaga sa iyo ang Pamilihan? Ipaliwanag

    Aralin 6

    ANG PAMILIHAN: KONSEPTO AT ISTRUKTURA NITO

  • Suriin

    Suriin ang teksto.

    Ang pamilihan ay mahalagang bahagi ng buhay ng prodyuser at konsyumer. Ito ay nagsisilbing lugar kung saan makakamit ng isang konsyumer ang sagot sa marami niyang pangangailangan at kagustuhan sa pamamagitan ng mga produkto at serbisyong handa at kaya niyang ikonsumo. Ang mga prodyuser naman ang siyang nagsisilbing tagapagtustos ng mga serbisyo at produkto upang ikonsumo ng mga tao. Sa pamilihan itinakda kung anong produkto at serbisyo ang gagawin at kung gaano ito karami. Dalawang Pangunahing Tauhan sa Pamilihan:

    1. Konsyumer – bumibili ng mga produktong gawa ng mga prodyuser 2. Prodyuser – ang gumagawa naman ng mga produktong kailangan ng mga

    konsyumer sa pamamagitan ng salik ng produksiyon.

    Itinuturing na pangunahing tauhan o dalawang actor sa pamilihan ang konsyumer at prodyuser. Ang mga prodyuser ay naghahanap ng mga epektibong proseso upang masiguro ang pagkakaroon nila ng kita. Ang mga konsyumer na may kapangyarihang bumili ( purchasing power) ang target ng mga prodyuser. “ Markets are usually a good way to organize economic activity”. Ito ay ipinaliwanag ni Adam Smith sa kaniyang aklat na An inquiry into the nature and causes of the wealth of nations (1776) na ang ugnayang ng konsyumer at prodyuser ay naisasaayos sa pamilihan. Ang presyo ay tinatawag na invisible hand ni Adam Smith, isang intrumento para maging ganap ang palitan sa pagitan ng konsyumer at prodyuser. Ito rin ang siyang batayan ng prodyuser sa kanilang kahandaan at kakayahan nilang magbenta ng mga takdang dami ng mga produkto at serbisyo at sa mga konsyumer ang presyo ay siya ring batayan kung gaano karami an gang kanilang mabibili. Ang pamilihan ang siyang mabisang nagpapakita ng ugnayan ng demand at supply. Kapag mataas ang demand ng mga konsyumer reresulta ng pagtaas ng presyo, kung kaya’t ito ang dahilan ng pagnanais ng prodyuser na magdagdag ng mas maraming supply.

  • Pagyamanin Gawain 2: CONCEPT MAP! Panuto: Mula sa teksto na nabasa ay sagutin ang mga tanong sa ibaba.

    1. Ano ano ang iyong natutunan mula sa teksto? 2. May mahalaga bang konsepto na nakapaloob sa tekstong

    nabasa? 3. Pumili ng apat na salita na sa iyong palagay ay may kaugnayan

    sa Pamilihan. Isulat naman sa textbox ang nabuo mong paliwanag mula sa mga salitang napili kung paano ito nagkakaugnay.

    PAMILIHAN

    ______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

    ______________

  • Isaisip Panuto : Isulat ang tamang salita upang mabuo ang pahayag. Pumili lamang sa kahon.

    Konsyumer Demand Presyo Pamilihan Prodyuser Maslow Adam Smith Supply Brue

    1. Ang ____________ ay nagsisilbing lugar kung nagtatagpo ang

    konsyumer at prodyuser.

    2. Ayon sa kanya ____________ ang ugnayan ng konsyumer at prodyuser ay naisasaayos sa Pamilihan.

    3. Ang _________ ang siyang bumibili ng mga produkto o serbisyo para sa pang-araw-araw niyang pangangailangan o kagustuhan.

    4. Gumagawa ng produkto at serbisyo sa pamilihan ang isang ______________.

    5. Ang ______________ at _______________ ay maituturing na dalawang pangunahingbtauhan sa pamilihan.

    6. Kapag mataas ang _________tataas ang presyo ng mga produkto o serbisyo.

    7. Mababa ang supply kapag mababa ri ang _____________.

    8. ___________ sa mga produkto o serbisyo ang nagsisilbing batayan ng konsyumer at prodyuser sa pagbili o pagbebenta ng produkto o serbisyo.

    9. Tinatawag na ___________ ni Adam Smith ang presyo bilang gabay sa ugnayan ng dalawang actor sa pamilihan.

    10. Ang pamilihan ay pamilihan ay mabisang nagpapakita sa ugnayan ng ________ at __________.

    Tayahin

    Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Piliin lamang

  • ang titik sa tamang sagot.

    1. Alin sa sumusunod na sitwasyon nagpapahiwatig sa kahalagahan taglay ng isang Pamilihan sa komunidad na iyong kinabibilangan? A. May panindang bigas at isda si Aling Lina sa talipapa kung kaya

    bihira na lamang ang pagpunta ni Celia sa bayan. B. Si Jose ay kumakayod araw araw para makabili ng pandesal pang

    alamusal ng kanyang pamilya. C. Nag-alinlangan si Berto na magtahi ngayong araw dahil sa walang

    sinulid D. Hindi kinaya ni Mang Tomas ang dinanas niyang gutom kahapon

    kaya siya ay nahimatay.

    2. Bakit mahalaga ang Pamilihan sa buhay ng isang tao? A. Dahil sa marami ang pagkain doon. B. Dahil nagbibigay ito ng aliw sa tao. C. Dahil doon nagtatarabahi ang tao. D. Dahil doon matatagpuan ang kailangan ng tao.

    3. Alin sa sumusunod ang siyang batayan ng prodyuser sa kanilang

    kahandaan sa pagbebenta ng mga produkto? A. Demand B. Supply C. Presyo D. Pamilihan

    4. Sa pagkakaroon ng mataas na demand, nagiging dahilan naman ito ng

    pagtaas ng presyo. Ano ang mahahalagang dulot nito para sa mga prodyuser? A. Mataas ang pagnanais ng mga prodyuser na magdagdag ng

    maraming supply para malaki rin ang kita. B. Mababa ang pagnanais ng mga prodyuser na magdagdag ng

    maraming supply. C. Balanse lamang ang gagawing produkto ng mga prodyuser.

    D. Hindi malulugi ang mga prodyuser.

    5. Lahat tayo ay kinikilala bilang isang konsyumer. Ano ang tawag sa lugar kung saan tayo bumibili n gating pangangailangan at kagustuhan? A. Department Store B. Pamilihan C. Talipapa D. Tiangge

    Karagdagang Gawain

    Gawain 3: Pagsulat ng Sanaysay!

    Panuto: Sumulat ng isang maikling sanaysay ukol sa kahalagahan ng isang Pamilihan sa inyong komunidad. Isulat kung paano ka makakatulong bilang isang mag-aaral at konsyumer para mapaunlad ito. Sagutin ang tanong sa ibaba upang makabuo ng sanaysay ukol sa paksa.

    Tanong:

  • Bilang isang mag-aaral at konsyumer, ano ang iyong magagawa sa inyong Pamilihan? Paano mo mabibigyan ng kahalagahan ang Pamilihan mayroon sa inyong komunidad?

    _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

    Susi sa Pagwawasto

    BALIKAN 1. A 2. D 3. C 4. A 5. B

    ISAISIP 1. PAMILIHAN 2. ADAM SMITH 3. KONSYUMER 4. PRODYUSER 5. KONSYUMER AT

    PRODYUSER 6. DEMAND 7. PRESYO 8. PRESYO 9. INVISIBLE HAND 10. KONSYUMER

    AT PRODYUSER

    TAYAHIN 1. A 2. D 3. C 4. A 5. B

  • Sanggunian: (Smith 1776) References Smith, Adam. An Inquiry into the Nature of the Wealth and Causes of Nations. 1776.

    (Mankiw n.d.) Mankiw, Gregory. 6th Principle of Economics. n.d.

    Smith, Adam. An Inquiry into the Nature of the Wealth and Causes of Nations. 1776.

    (Google.com n.d.)

    (Module n.d.)

  • 1

    Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

    Here the trees and flowers bloom Here the breezes gently Blow, Here the birds sing Merrily, The liberty forever Stays, Here the Badjaos roam the seas Here the Samals live in peace Here the Tausogs thrive so free With the Yakans in unity

    Gallant men And Ladies fair Linger with love and care Golden beams of sunrise and sunset Are visions you’ll never forget Oh! That’s Region IX

    Hardworking people Abound, Every valleys and Dale Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos, Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos, All of them are proud and true Region IX our Eden Land

    Region IX Our.. Eden... Land...

    The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a dream. I dreamed that I was walking along the beach with the LORD.

    In the beach, there were two (2) sets of footprints – one belong to me and the other to the LORD.

    Then, later, after a long walk, I noticed only one set of footprints.

    “And I ask the LORD. Why? Why? Why did you leave me when I am sad and helpless?”

    And the LORD replied “My son, My son, I have never left you. There was only one (1) set of footprints in the sand, because it was then that I CARRIED YOU!

    I think that I shall never see A poem lovely as a tree. A tree whose hungry mouth is prest Against the earth’s sweet flowing breast; A tree that looks at God all day, And lifts her leafy arms to pray; A tree that may in Summer wear A nest of robins in her hair; Upon whose bosom snow has lain; Who intimately lives with rain. Poems are made by fools like me, But only God can make a tree.