Yamang tao ng asya
-
Upload
paulyn-bajos -
Category
Education
-
view
772 -
download
45
Transcript of Yamang tao ng asya
Ang mabilis na pagdami ng populasyon/tao ay nangangahulugang
karagdagang presyur sa likas na yaman ng mundo.
Ang mabilis na pagdami ng populasyon ay nagpapalala sa
matinding suliranin ng kahirapan at gutom na nararanasan ng mga
bansa sa Asya at maging ang pagkasira ng kapaligiran.
Mga suliraning kaakibat ng paglaki ng populasyon:
pagkawala/pagkaubos/pagkasira ng likas na yaman, basura,
kontaminasyon sa hangin, tubig at lupa, at dumarami ang pamayanan na
naghihirap o depressed areas.
Mahalaga ring tingnan ang komposisyon ng
populasyon. Kung ito ba ay may bata o matandang
populasyon.
Bata ang populasyon – marami ang nangangailangan ng
edukasyon at kalusugan at malaki ang bahagdan ng
populasyon ang umaasa sa nakakatanda sa kanilang lipunan
Birth Rate – bilang ng buhay na sanggol na
ipinapanganak sa bawat 1000 populasyon sa loob ng
isang taon
Death Rate – bahagdan ng kabuuang bilang ng namatay sa kabuuang populasyon sa isang partikular na lugar sa
loob ng isang taon
Implikasyon:Mataas na death rate – may kasalatan sa aspetong medical sa lipunan
Mababang death rate – maganda ang aspetong medical
Implikasyon:Marahil dahil sa kaginhawaan sa
buhay at progreso sa larangang medical at teknolohikal nagiging mas mahaba ang buhay ng tao sa
mga mauunlad na bansa.
Gross Domestic Product (GDP) – kabuuang halaga ng
produkto at serbisyong nilikha ng isang bansa sa
loob ng isang taon
Per Capita GDP – ang GDP ng isang bansa ay hahatiin
alinsunod sa dami ng naninirahang mamamayan
dito
Sa pamamagitan ng bilang na ito, matutunghayan ang karaniwang kita (average
income) ng isang indibidwal bawat taon sa bansang kanyang
pinanahanan
Sa pamamagitan ng per capita GDP, nasusukat kung may maunlad o naghihirap
na buhay ang mga mamamayan ng bansa
Unemployment Rate – bahagdan ng populasyon na
walang hanapbuhay o pagkakakitaan kumpara sa
kabuuang bilang ng mga tao sa lakas paggawa
Mga suliraning kaakibat ng kawalan ng hanapbuhay:
Kawalan ng pagkain sa pamilyaPagkabawas ng kakayahang makabili ng mga pangunahing
bilihin
Maraming tao ang nandarayuhan dahil:TrabahoKakulangan ng trabaho sa bansang pinanggalingan
Hindi sapat na kita
Mahalagang salik ang migrasyon sa kaunlaran dahil:Sa paghahanap ng trabaho nakapagpasok sila ng dolyar sa bansa
Pagbalik nila nangangahulugang pag-angkat din ng mga kaisipang nagmula sa ibang bansa na maaaring gamitin sa pansariling kapakinabangan