Wold Unit Plan

download Wold Unit Plan

of 14

description

a

Transcript of Wold Unit Plan

PAMAGAT NG ARALINUNANG MARKAHAN: Heograpiya ng Asya

ASIGNATURAAraling Panlipunan

BAITANGIkapito

STAGE I DESIRED RESULTS

Pangkalahatang Tunguhin(Established Goal) Naipamamalas ang pag-unawa sa interaksiyon ng tao sa kaniyang kapaligiran na nagbibigay-daan sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan na nagkakaloob ng mga pamanang humobog sa pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon.Pamantayan sa pagganap:(Performance Standards) Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa pangangalaga ng kapaligiranat preserbasyon ng mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan ng Daigdig para sa kasalukuyan at sa susunod na henerasyon.

Transfer

Nais kong maunawaan ng aking mag-aaral ang kahalagahan ng pag-aaral ng heograpiya nang sa gayon ay malinang ang kanilang kamulatan at higit na maging responsableng mamamayang may pagkalinga at pagpapahalaga sa ating kultura.

Meaning

UnderstandingMauunawaan ng mga mag-aaral na Ang kapaligirang pisikal ay hinubog at binibigyang yaman ng pakikipag-ugnayan ngkasaysayan ang kultura o paraan ng pamumuhay ng mga tao sa Asya. Ang napapanahong isyu sa loob at labas ng bansa, bilang produkto ng nakaraan na may implikasyon sa hinaharap ang nagmumulat at gumagabay sa tao sa pagbuo ng opinion, desisyon at pagkilos upang makatugon sa pagbabago ng lipunan.Essential Questions Paano nakakaapekto ang interaksyon ng tao sa kanyang kapaligirang nagbibigay-daan sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan ng mga nagkaloob ng mga pamanang humubog sa pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon

Acquisition of Knowledge and Skills

Knowledge Skill

STAGE 2 EVIDENCE

Transfer Task ( Pagsasalin ng Natutuhan )

Bilang bahagi ng isang exhibit sa WORLD EXPO na nagpapakilala ng ibat ibang komunidad sa mundo, bumuo ng isang fact sheet o information guide ng isang bansa o ng iyong sariling komunidad para sa mga turista o dayuhang mamumuhunangamit ang limang tema ng heograpiya. Maaring idisenyo bilang poster, brochure, o collage ang produkto. Gamiting gabay sa paglikha ng produkto ang mga sumusunod na tanong1.Saan matatagpuan ang bansa?2.Anu-ano ang katangiang pisikal at kultural o pantao nito?3.Paano mauuri ang rehiyon?4.Anong paggalaw ang nagyari sa bansa?5.Paano umaangkop o nakikibagayang mga tao sa kanilang kapaligiran?

STAGE 3 LEARNING PLAN

Malalaman ng mga mag-aaral ang

Heograpiya ng Daigdig Limang tema ng Heograpiya Lokasyon Topograpiya Katangiang pisikal ng daigdig(Anyong lupa,anyong tubig, klima, at yamang likas)Heograpiyang Pantao Natatanging kultura ng mga Rehiyon,Bansa, at mamamayan sa daigdig(lahi,pangkat-etniko,wika, at relihiyon sa daigdig)

Evidence at the level of understandingPagpapaliwanag Naipapaliwanag ang kahalagahan ng kasaysayan , heograpiya at tao sa pagbuo at pag-unlad ng sinaunang kabihasnang Asyano.

Interpretasyon Nabibigyang-puna at pagpapahalaga ng bawat mamamayan ang pangangalaga at preserbasyon ng pamanang cultural at kasaysayan ng bawat bansa sa Daigdig?

Paglalapat Paglahok sa mga aktibidad o maihahayag ang paninindigan sa mga isyung pangkapaligiran at likas na yaman at preserbasyon ng mga kalinangang Daigdig Natutukoy at nagagamit nang mahusay ang mga naging ambag sa kasalukuyan ng mga unang kabihasnan sa Asya, Egypt, at America Nagagamit ang mga kaalamang heograpikal sa masusing pag-aaral ng pinagmulan ng mundo at ng tao

Perspektibo Nailalahad ang pansariling perspektibo tungkol sa mga naitatag na kabihasnan sa Asya, Egypt, at America Naihahambing ang mahahalagang elemento ng mga unang kabihasnan sa daigdig

Pagsasaalang-alang ng Damdamin ng Iba Nailalagay ang sarili bilang taong nabuhay sa mga kabihasnan sa Mesopotamia, mga lambak ng Huang Ho, Indus, Nile, at AmericaPagkilala sa Sarili Naisasaloob ang mga katangian ng sinaunang kabihasnan sa daigdig na mailalapat sa pansariling pamumuhay sa kasalukuyan

Ang mga mag-aaral ay:

Naipapamalas ang kasanayan sa paggamit ng mapa at globo Nababakas ng mga lokasyon at kinaroroonan ng mga bansa Nasusuri sa implikasyon ng heograpiya sa paraan ng pamumuhay

Evidence at the level of Performance

A. Rubrics para sa performance taskB. Rubrics para sa weather report

Other Evidences

1. Maikli at mahabang pagsusulit2. Reflection time3. Pangkatang Gawain4. recitation

Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig Mga Gawain at Estratehiya

A. Pagtuklas1. Magbalik-aral tungkol sa pinagmulan ng daigdig, teorya tungkol dito, at ibat ibang mga kaganapan sa daigdig.2. Atasan ang mga mag-aaral na ipaskil ang mapa ng daigdig sa pisara at mga larawan kung saan makikita ang pisikal na anyo ng mundo. Ipakita rin sa klase ang globo. Itanong sa klase ang sumusunod:a. Ano ang pagkakatulad o pagkakaiba ng globo sa mapa?b. Paano inilalarawan ng globo o mapa ang pisikal na anyo ng daigdig?c. Ano ang kaugnayan ng globo, mapa, at mga larawan sa paksang talakayin sa araw na ito?3. Ipakita sa klase ang larawan ng istruktura ng daigdig sa pahina 13 ng batayang aklat kung saan makikita ang mga bahagi nito ang crust, mantle, at core.4. Bumuo ng K-W-L chart para matuklasan ang kaalaman at antas ng pag-unawa ng mga mag-aaral tungkol sa istruktura ng daigdig. Gagawin ito sa pagtatapos ng Aralin 1.

3. Ipasagot ang Talasalitaan sa pahina 20 ng batayang aklat.Sagot:1. e 4. b2. a 5. c3. d4. Ipakita muli sa klase ang globo. Ipahanap sa klase ang mga linya sa globo at mapa.a. latitude c. equatorb. International Date Line d. longitude 5. Ipaliwanag sa klase ang kahalagahan ng mga linya sa globo sa pag-aaral ng heograpiya ng daigdig. Itanong: Ano ang mga katangiang pisikal ng daigdig? Paano naninirahan ang tao sa daigdig sa kabila ng ibat iba nitong katangiang pisikal?6. Hatiin ang klase sa tatlong pangkat. Papiliin ang bawat pang- kat ng kanilang lider. Bigyan ang bawat pangkat ng paksang pag-aaralan. Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga gabay na tanong sa pp. 20-21 ng batayang aklat para sa mas mabisang pag-uulat.

B. Paglinang1. Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga gabay na tanong sa pp.20-21 ng batayang aklat.2. Pagamitin ang bawat pangkat ng mga graphic organizer na nagpapakita ng larawan at datos na magbibigay-linaw sa pag-uulat ng bawat pangkat.3. Ihanda ang klase sa gagawing pag-uulat ng bawat pangkat.Sabihin sa mga mag-aaral na may mga pamantayan na dapat isaalang-alang sa pagsasagawa ng ulat. Banggitin ang rubric na makikita sa Apendiks ng manwal na ito.

C. Pagpapalalim1. Atasan ang mga mag-aaral na gumamit ng concept map upang lubusang maipakita at matalakay ang kasalukuyang suliranin ng daigdig sa aspektong pangkapaligiran o ekolohikal nito.2. Itanong sa mga mag-aaral:a. Ano ang mga sanhi ng ibat ibang suliraning pangkapaligi- ran at ekolohikal ng daigdig?b. Bakit dapat pangalagaan ang daigdig?3. Pangkatin ang klase at magtakda ng isang isyung pangka- paligiran sa bawat pangkat tulad ng global warming, ozone depletion, acid rain, oil spill, polusyon, at iba pa. Pabuuin ng malikhaing pagpapahayag ang bawat pangkat ukol sa isyung nakatakda sa kanila. Ipakita rin kung paano nararapat pangalagaan ang daigdig.

D. Paglalapat1. Ipaliliwanag ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng daigdig bilang tirahan ng tao.2. Magpasulat sa mag-aaral ng sanaysay tungkol sa ginawang pag-aakma o pag-aangkop ng tao sa kanyang kapaligiran.3. Ipaliwanag isa-isa ang mga nasa Pagbubuod sa pahina 20 ng batayang aklat.4. Magpabuo ng mga paglalahat tungkol sa mga katangiang pisikal ng daigdig. Ituon ang pagbubuo ng mga paglalahat sa unang mahalagang tanong para sa Yunit I.5. Tasahin o tayahin ang malikhaing pagpapahayag ng bawat pangkat gamit ang rubric.

E. Pagpapahalaga1. Ipasagot ang mga tanong sa Pagpapahalaga sa pahina 20 ng batayang aklat.2. Ipasagot ang sumusunod na katanungan sa mga mag-aaral:a. Ano ang damdaming napukaw sa inyo sa mga kalamidad na naranasan ng tao sa ibat ibang panig ng daigdig?b. Paano ka naaapektuhan ng mga pangyayaring ito?c. Sa iyong pananaw, ano ang mensahe sa iyo ng mga kaganapang pandaigdig tulad ng climate change, malawakang pagbaha, lindol, at pagputok ng bulkan?d. Ano sa palagay mo ang dapat na gawin ng tao upang mapangalagaan ang kanyang nag-iisang tirahan, ang mundo?

Mga KagamitanBatayang aklat; mapa ng mundo; globo; mga larawan ng pisikal na anyo ng daigdig

Aralin 3 Ang Pinagmulan ng Tao Mga Gawain at Estratehiya

A. Pagtuklas1. Magpakita sa klase ng mga larawan tungkol sa mga unang tao sa daigdig. Itanong sa klase:a. Ano ang nakikita ninyo sa mga larawan?b. Batid ba ninyo ang kanilang pinagmulan?c. May mga kwento ba kayong alam na naglalarawan kung saan nagmula ang tao?d. Alin sa mga paniniwala tungkol sa pinagmulan ng tao ang higit ninyong pinaniniwalaan? Bakit?2. Ipasagot ang Talasalitaan sa pahina 30 ng batayang aklat.Sagot:a. Hindi d. Oo b. Oo e. Oo c. Hindi3. Itanong ang unang mahalagang tanong para sa yunit na ito: Paano maipaliliwanag ang pinagmulan ng daigdig at tao? Bigyang-diin na ito ang isa sa mga pokus ng yunit na ito.4. Pangkatin ang klase sa tatlo. Papiliin ang bawat pangkat ng kanilang lider. Bigyan ang bawat pangkat ng paksang kanilang tatalakayin. Para sa mas mabisang pag-uulat, ipasagot sa mga mag-aaral ang mga gabay na tanong sa pp. 30-31 ng batayang aklat.5. Ipabasa ang Aralin 3: Ang Pinagmulan ng Tao, sa pp. 22-29 ng batayang aklat.B. Paglinang

1. Ipabasang muli ang mahalagang tanong.

2. Sabihin sa lider ng bawat pangkat na pangunahan ang pag- talakay sa kani-kanilang paksa. Ipasagot sa mga kasapi ng pangkat ang mga tanong tungkol sa kanilang paksa sa pp.30-31 ng batayang aklat.

3. Pagkatapos ng pangkatang talakayan, pakuhain ang bawat pangkat ng ulat na maibabahagi sa klase. Imungkahi na gami- tin ang pagkukwento sa pagbahagi ng mga piling pangyayari tungkol sa aralin.4. Sa isasagawang pagkukwento, gumamit ng mga akmang graphic organizer para higit na maging malinaw ang pagba- hagi ng datos sa klase.5. Gamitin ang rubric para sa pagkukwento tungkol sa isang pangyayari sa kasaysayan. Tingnan ang rubric sa Apendiks.

C. Pagpapalalim

1. Pumili ng isang kwento na nauugnay sa pinagmulan ng tao. Isaayos ang mga pangyayari at ibahagi sa klase nang pakwento.2. Itanong:

a. Paano nagsimula ang tao ayon sa ibat ibang relihiyon?

b. Maliban sa kwento nina Malakas at Maganda, mayroon pa ba kayong nalalamang kwento hinggil sa pinagmulan ng tao sa Pilipinas?c. Alin ang higit mong pinaniniwalaan ang konsepto ng natural selection o ang creationism? Ipaliwanag ang sagot.3. Pasulatin ang bawat pangkat ng editoryal tungkol sa pinag- mulan ng tao.4. Ipa-access ang i-learn.vibalpublishing.com para sa web link tungkol sa relihiyon at ebolusyon. Kunin ang reaksyon ng mga mag-aaral sa binasa.D. Paglalapat1. Ipahambing sa mga mag-aaral ang pisikal na anyo ng mga unang tao at ng mga tao ngayon. Itanong: Nagkaroon ba ng pagbabago sa pisikal na anyo ng tao sa pagdaan ng panahon? Magbigay ng halimbawa.2. Ipagawa sa klase ang Gawain sa pahina 31 ng batayang aklat.3. Isa-isang ipaliwanag ang mga Pagbubuod sa pahina 29 ng batayang aklat.4. Sabihin sa mga mag-aaral na magbigay ng mga paglalahat sa pamamagitan ng pagsagot sa unang mahalagang tanong (Essential Question) sa yunit na ito.

E. Pagpapahalaga1. Sagutin ang mga tanong sa Pagpapahalaga sa pahina 30 ng batayang aklat.2. Bigyang-diin sa klase na dapat na papurihan ang pagpupun- yagi ng mga siyentista at iskolar na magsaliksik at mag-aral ukol sa pinagmulan ng tao. Mga KagamitanBatayang aklat; mapa ng mundo; globo; mga larawan tungkol sa mga unang tao sa daigdig

Aralin 4 Mga Panahong Paleolitiko at Neolitiko Mga Gawain at Estratehiya

A. Pagtuklas1. Ipakita sa klase ang larawan ng nahukay na buto ni Lucy at ang rekonstruksyon ng kanyang kaanyuan. Hayaan ang mga mag-aaral na magtanong tungkol sa larawan.2. Ipagpatuloy ang pag-aaral sa pamamagitan ng pagsagot saTalasalitaan sa pahina 40 ng batayang aklat. Sagot:1. paleolitiko 4. neolitiko2. ebolusyon 5. kultura3. dating

3. Ipabasa sa mga mag-aaral ang pangalawang mahalagang tanong: Paano nakaimpluwensya ang heograpiya sa paghubog ng kabihasnang daigdig? Itanong din ang kaugnay na mga tanong:

a. Paano namuhay ang mga tao noong Panahong Paleolitiko at Panahong Neolitiko?

b. Naging makabuluhan ba ang pamumuhay ng mga tao noong panahong prehistoriko? Patunayan ang sagot.

4. Hatiin ang klase sa tatlong pangkat. Bigyan ang bawat pang- kat ng paksa na kanilang masusing pag-aaralan. Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga gabay na tanong sa pahina 41 ng batayang aklat.

B. Paglinang

1. Sa pangkatang gawain, sikaping iugnay ang talakayan sa mahahalagang tanong at kaugnay na mga tanong.

2. Ipasagot sa mga kasapi ng pangkat ang mga tanong sa pahina41 ng batayang aklat.

3. Paghandain ang bawat pangkat ng ulat na maibabahagi sa klase sa pamamagitan ng role play, lalung-lalo na sa pamu- muhay ng mga tao sa Panahong Paleolitiko at Panahong Neolitiko.

4. Gamitin ang rubric para sa role play sa pagsukat ng mga gawaing awtentiko. Tingnan ang rubric sa Apendiks.

C. Pagpapalalim

1. Bumuo ng flowchart na nagpapakita ng mga pangyayari na naganap sa Panahong Paleolitiko at Panahong Neolitiko. Ipaliwanag ang flowchart sa klase.

2. Paghambingin ang pamumuhay ng mga tao sa Panahong Paleolitiko at sa Panahong Neolitiko sa pamamagitan ng Venn diagram.3. Ipagpatuloy ang talakayan sa klase sa pamamagitan ng pag- sagot sa sumusunod:

a. Ano ang mga halimbawa ng mga paraan na isinasagawa upang matukoy ang petsa o edad ng isang bagay na nag- mula sa malayong nakaraan?

b. Nagkaroon ba ng pagbabago sa pamumuhay ng mga tao mula sa Panahong Paleolitiko patungo sa Panahong Neolitiko? Magbigay ng halimbawa.

D. Paglalapat

1. Ipahambing ang pamaraan ng pamumuhay ng mga tao sa kasalukuyan sa pamumuhay ng mga tao sa Panahong Paleolitiko.

2. Magpaguhit ng larawan ng ilang artifact na ginamit ng mga tao noong Panahong Paleolitiko.

3. Ipabasa ang Pagbubuod sa pahina 40 ng batayang aklat.Gabayan ang buong klase sa pagbuo ng paglalahat tungkol sa pamumuhay ng mga tao sa Panahong Paleolitiko at Panahong Neolitiko.

E. Pagpapahalaga

1. Ipasagot ang mga tanong sa Pagpapahalaga sa pahina 40 ng batayang aklat.

2. Bigyang-diin na dapat kilalanin at bigyang-halaga ang mga pagpupunyagi at karanasan ng mga prehistorikong tao na mapaunlad ang pamumuhay sa pamamagitan ng kanilang mga tuklas na kagamitan.

Mga Kagamitan

Batayang aklat; mapa ng daigdig; globo; mga larawan ng nahukay na buto ni LucyAralin 5 Ang Kabihasanang Mesopotamia sa Asya Mga Gawain at Estratehiya

A. Pagtuklas1. Ipakita sa klase ang mapa ng Asya. Ipahanap ang Mesopota- mia sa mapa. Itanong: Saang bansa sa daigdig matatagpuan ang Mesopotamia sa kasalukuyan?Sagot: Iraq2. Bumuo ng K-W-L chart para malaman kung ano ang alam tungkol sa Mesopotamia ng mga mag-aaral at kung ano-ano pa ang nais nilang malaman. Papunan ang hanay na Learn pagkatapos ng aralin.

KnowWantLearn

3. Itanong sa klase:a. Ano ang Mesopotamia?b. Bakit kilala ang Mesopotamia sa kasaysayan ng daigdig?c. Ipasagot ang Talasalitaan sa pahina 51 ng batayang aklat.Sagot:4. Bigyang-diin muli na ang layunin ng yunit ay matugunan ang mahalagang tanong: Paano naimpluwensyahan ng heograpiya ang paghubog ng kabihasnang daigdig? Sa araling ito, ituon ang talakayan sa papel ng heograpiya sa paghubog ng kabi- hasanang Mesopotamia.5. Pangkatin ang klase sa walo. Bigyan ang bawat pangkat ng paksang kanilang tatalakayin. Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga gabay na tanong sa pp. 51-53 ng batayang aklat.

B. Paglinang1. Ipabasa muli sa klase ang ikalawang mahalagang tanong sa Antas 1. Sabihin sa bawat pangkat na ito ang gabay nila sa pananaliksik.2. Ipasagot sa bawat pangkat ang mga tanong para sa kanilang paksa sa pp. 51-53 ng batayang aklat.3. Sa paghahanda ng ulat, imungkahi sa bawat pangkat na mag- disenyo ng poster na naglalarawan ng nilalaman ng kanilang paksang-aralin.4. Isagawa ang pangkatang pag-uulat sa klase.5. Hayaan ang mga mag-aaral na magtanong tungkol sa ulat ng bawat pangkat.6. Gamitin ang rubric para sa paggawa ng poster sa pagtatayang awtentiko. Tingnan ang rubric sa Apendiks.

C. Pagpapalalim1. Bumuo ng data retrieval chart para maipakita ang ambag sa kabihasnang Mesopotamia ng mga Sumerian, Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean, at Persian. Muling talakayin ang Aralin 5 sa pamamagitan ng pagsusuri sa data retrieval chart.2. Ipagpatuloy ang talakayan sa klase sa pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod na tanong:a. Sa inyong palagay, bakit umusbong ang kabihasnangMesopotamia malapit sa mga ilog?b. Saan matatagpuan ang Fertile Crescent? Mahalaga ba ito sa Mesopotamia? Bakit o bakit hindi?

c. Bakit sinasabing mahalaga ang papel na ginampanan niHammurabi sa kasaysayan ng daigdig?

d. Bakit hindi nagawang ipagtanggol ng mga Assyrian ang kanilang lupain mula sa ibang mga tao?

e. Paano mailalarawan ang mahalagang kaganapan sa paghahari ni Nebuchadnezzar II?

D. Paglalapat

1. Isa-isang ilahad ang mga ambag ng kabihasnang Mesopotamia sa daigdig na bahagi na rin ng kulturang Pilipino.

2. Ipagawa sa klase ang Gawain sa pahina 53 ng batayang aklat.

3. Isa-isang ipaliwanag ang Pagbubuod sa pahina 50 ng batayang aklat.

4. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbibigay ng mga paglalahat tungkol sa kabihasnang Mesopotamia.

E. Pagpapahalaga

1. Ipasagot ang mga tanong sa Pagpapahalaga sa pahina 50 ng batayang aklat.

2. Itanong: Dapat bang hangaan ang ibat ibang pangkat-etniko sa Mesopotamia na bumuo ng kauna-unahang kabihasnan sa daigdig?

Mga Kagamitan

Batayang aklat; mapa ng mundo; globoAralin 6 Ang Kabihasnang Indus sa Asya

Mga Gawain at Estratehiya

A. Pagtuklas

1. Ipakita sa klase ang mapa ng Timog Asya. Ipahanap ang India sa mapa.

2. Magpakita sa klase ng mga larawan ng India. Itanong:

a. Ano ang masasabi ninyo sa bansang India?

b. Paano naiba ang anyong pisikal ng India sa ibang bansa sa Timog Asya?

c. Madali bang malaman kung ang produkto ay galing sa India? Ipaliwanag ang sagot.

3. Ipasagot ang Talasalitaan sa pahina 64 ng batayang aklat.

Sagot:

1. b 6. g

2. f 7. i

3. a 8. j

4. c 9. k

5. d 10. h

4. Itanong: Paano nakaimpluwensya ang heograpiya sa paghu- bog ng kabihasnang Indus?

5. Pangkatin ang klase sa lima. Bigyan ang bawat pangkat ng paksang kanilang masusing pag-aaralan.

a. Pangkat A: Heograpiya ng Lambak ng Indus b. Pangkat B: Ang Kabihasnang Harappac. Pangkat C: Ang Panahong Vedicd. Pangkat D: Pagbubuo ng mga Kaharian at Imperyo e. Pangkat E: Pamana ng Kabihasnang Indus at AryanGabayan ang mga mag-aaral sa pagsagot ng mga kaugnay na tanong:a. Paano mailalarawan ang kabihasnang Indus sa Asya?b. Bakit masasabi na kahanga-hanga ang kontribusyon ng India sa kabihasnang daigdig?

B. Paglinang1. Ipabasang muli ang mahalagang tanong. Gamitin itong gabay sa pagtalakay sa aralin.2. Ipasagot ang mga tanong tungkol sa partikular na paksa ng bawat pangkat sa pp. 64-65 ng batayang aklat.3. Pagbigayin ang lider ng bawat pangkat ng lecturette tungkol sa kani-kanilang paksa. Hayaan ang klase na magtanong tungkol sa lecturette.4. Gamitin ang rubric para sa lecturette para sa pagtatayang awtentiko. Tingnan ang rubric sa Apendiks.

C. Pagpapalalim1. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng tsart na naglala- rawan ng mga kaganapan sa pagkatuklas ng kabihasnang Harappa, ang Panahong Vedic, at sa pagbubuo ng mga kaharian at imperyo. Pag-usapan sa klase ang nabuong tsart.2. Ipagpatuloy ang talakayan sa klase sa pagpapasagot sa su- musunod na tanong:a. Paano mailalarawan ang naging pamumuhay ng mga sinaunang Harappa sa India?b. Ano ang naging dahilan ng pagbagsak ng matatandang lungsod ng India?c. Ano ang papel na ginampanan ng mga Aryan sa kasay- sayan ng India?d. Ano ang caste system?e. Ano ang mga halimbawa ng mga istrukturang agrikul- tural na hango sa tradisyong Indian?3. Para sa dagdag-kaalaman, ipabasa sa mga mag-aaral ang artikulo tungkol sa ayurverdic medicine sa link na mata- tagpuan sa i-learn.vibalpublishing.com.

D. Paglalapat1. Ihambing ang lupain sa Indus at ang lupain sa Mesopotamia.Sabihin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang lugar.2. Ipagawa ang Gawain sa pahina 65 ng batayang aklat.3. Basahin ang Pagbubuod sa pahina 63 ng batayang aklat.4. Sabihin sa klase na bumuo ng mga paglalahat tungkol sa kabihasnang Indus sa Asya sa pamamagitan ng pagsagot sa ikalawang mahalagang tanong para sa Yunit I.

E. Pagpapahalaga1. Ipasagot ang mga tanong sa Pagpapahalaga sa pahina 63 ng batayang aklat.2. Bigyang-diin sa mga mag-aaral na tulad ng sa Mesopotamia, dapat pahalagahan ang mga pamana sa daigdig ng kabihas- nang Indus at Aryan.

Mga KagamitanBatayang aklat; mapa ng Timog Asya; globo; mga larawan ng pisikal na anyo ng India noon at sa kasalukyuyan

Aralin 7 Ang Kabihasnang Tsino sa Asya

Mga Gawain at Estratehiya

A. Pagtuklas1. Ipakita sa klase ang mapa ng Silangang Asya. Ipahanap angChina sa mapa.2. Paghambingin ang sukat ng teritoryo ng China sa ibang bansa sa Silangang Asya.3. Itanong sa klase:a. Ano ang alam ninyo tungkol sa China?b. Sa inyong palagay, mayaman ba ang kultura ng China?Patunayan ang inyong sagot.c. Paano maihahambing ang lugar na pinag-usbungan ng kabihasnan sa China sa lugar na pinag-usbungan ng kabi- hasnan sa Mesopotamia? May pagkakatulad o pagkakaiba ba sila?4. Ipasagot ang Talasalitaan sa pp. 75-76 ng batayang aklat.Sagot:1. nomadiko 6. oracle bones2. konsesyon 7. Zhongguo3. orakulo 8. pangangamkam4. warlord 9. paglalayag5. Pax Mongolia 10. barbaro5. Itanong ang sumusunod:a. Paano nakaimpluwensya ang heograpiya sa paghubog ng kabihasnang Tsino?b. Paano umusbong at lumago ang kabihasnang Tsino?c. Bakit masasabi na sa simula pa lamang ay mayaman na ang kabihasnang Tsino?6. Hatiin ang klase sa anim na pangkat. Bigyan ang bawat pangkat ng paksang kanilang tatalakayin. Gamitin ang mga tanong sa pp. 76-77 ng batayang aklat bilang gabay sa pag- talakay ng bawat paksa.

B. Paglinang1. Paghandain ang bawat pangkat ng kanilang pagbabahagi sa klase sa paksang kanilang tatalakayin. Bukod sa pangkatang pag-uulat, ipasadula ang ilang pangyayari sa kanilang datos.2. Magpabuo ng akmang graphic organizer para sa pag-uulat.3. Hayaan ang mga mag-aaral na magtanong tungkol sa ulat at sa ipinalabas sa klase na socio-drama. Gamitin ang rubric para sa socio-drama sa pagtatayang awtentiko. Tingnan ang rubric sa ApendiksC. Pagpapalalim1. Magbigay ng lecturette tungkol sa mga paksa na hindi gaanong natalakay sa presentasyon ng mga pangkat.2. Ipagpatuloy ang talakayan sa klase sa pamamagitan ng pag- sagot sa sumusunod na tanong:a. Ano ang kahalagahan ng Huang Ho River sa kasaysayan ng China?b. Paano tinitingnan ng mga Tsino ang kanilang mga sarili kung ihahambing sa ibang mga pangkat ng tao?c. Anong mga pangyayari ang naganap sa Dinastiyang Shang? d. Ano ang mga kaisipang umusbong sa Dinastiyang Zhou? e. Sino si Shih Huang Di?f. Ano ang mahahalagang kaganapan sa ilalim ng Dinasti- yang Han?g. Bakit itinuturing na dakila ang Dinastiyang Tang sa kasaysayan ng China?h. Anong mga pagbabago ang naganap sa panahon ng mgaMongol sa China?i. Ano ang mga bagay na naimbento ng mga Tsino na gina- gamit pa rin sa kasalukuyang panahon?3. Gumawa ng timeline na nagpapakita ng pag-usbong at pagbagsak ng mga dinastiya sa China. Ipaliwanag ang timeline sa klase.4. Ipanood sa mga mag-aaral ang video ng pagsasagawa ngacupuncture. May link para dito sa i-learn.vibalpublishing.com.

D. Paglalapat1. Ipahambing sa mga mag-aaral ang heograpiya ng China sa heograpiya ng Mesopotamia at India. Ipaalala sa kanila ang paggamit ng mapa ng daigdig o mapa ng Asya.2. Basahin ang Pagbubuod sa pahina 75 ng batayang aklat.Ipaliwanag ang bawat isa.3. Atasan ang mga mag-aaral na bumuo ng paglalahat sa pamamagitan ng pagsagot sa mga mahalagang tanong para sa yunit na ito. E. Pagpapahalaga1. Ipasagot ang tanong sa Pagpapahalaga sa pahina 75 ng bata- yang aklat.2. Bigyang-diin sa mga mag-aaral na dapat isabuhay ang mabubuting aral at kaisipan ng mga pilosopiya. Gabay ito sa kasaysayan ng lipunan at sa mabuting pamumuno.

Mga KagamitanBatayang aklat; mapa ng Silangang Asya; globo

Aralin 8 Ang Kabihasnang Egyptian Mga Gawain at Estratehiya

A. Pagtuklas1. Ipaskil sa bulletin board ang mapa ng Africa. Ipahanap angEgypt sa mapa.2. Magpakita sa klase ng mga larawan tungkol sa Egypt. Hayaan ang mga mag-aaral na magtanong tungkol sa mga larawan.3. Itanong sa klase:a. May alam ba kayo tungkol sa Egypt?b. Sa inyong palagay, bakit mahalaga ang Egypt sa kasay- sayan at sa pagbuo ng kabihasnang daigdig? Magbigay ng halimbawa ng inyong sagot.4. Ipasagot ang Talasalitaan sa pahina 88 ng batayang aklat.Sagot:1. b 4. d2. f 5. a3. g5. Ipabasa ang unang mahalagang tanong sa Antas 1: Paano na- kaimpluwensya ang heograpiya sa paghubog ng kabihasnang daigdig?6. Hatiin ang klase sa tatlong pangkat. Bigyan ang bawat pangkat ng paksang tatalakayin para sa Aralin 8. Tingnan ang pp. 88-89 para sa pagpapangkat at mga gabay na tanong.Ibigay ang kaugnay na mga gabay na tanong:a. Paano umusbong, lumago, at lumawak ang kabihasnangEgyptian?b. Bakit naging makabuluhan ang kabihasnang Egyptian sa pagdaan ng panahon sa kasaysayan ng daigdig?

B. Paglinang1. Ipasagot ang mga gabay na tanong sa pp. 88-89 ng batayang aklat.2. Simulan ang paghahanda ng pangkatang ulat. Iminumung- kahi na gumamit ng mga buzz session sa pagtatanong at pagsasalita. Pumili ng akmang isyu o pangyayari na mapag- uusapan.3. Bumuo ng graphic organizer kung kinakailangan.4. Hayaan ang mga kasapi ng pangkat na magtanong pagkatapos ng buzz session.5. Gamitin ang rubric para sa brainstorming. Tingnan ang rubricsa Apendiks.

C. Pagpapalalim1. Magpakita pa sa klase ng mga larawan ng iba-ibang artifact na galing sa Egypt. Hayaan ang mga mag-aaral na magtanong tungkol sa mga artifact.2. Magsagawa ng malayang talakayan sa klase gamit ang sumusunod na tanong:a. Ano ang mga tungkulin ng mga pharoah?b. Paano hinahati ang matandang kasaysayan ng Egypt?c. Ano ang kahalagahan ni Menes sa sinaunang kasaysayan ng Egypt?d. Paano pinamahalaan ni Menes ang Egypt?e. Bakit kahanga-hanga ang mga piramideng naipatayo saEgypt?f. Sino si Pepi II?g. Sino si Reyna Hatshepsut?h. Bakit kaiba ang relihiyong pinasimulan ni Akhenaton?i. Sa pagkamatay ni Alexander the Great, ano ang nangyari sa Egypt?j. Sino si Cleopatra VII?k. Paano pinahalagahan ng mga Egyptian ang kanilang yumao?3. Ipakita sa isang flowchart ang pagbagu-bago ng mga panahon sa pamumuno ng Egypt o ang kronolohiya ng mga pangyayari sa Egypt.4. Ipabasa ang artikulong The King Herself sa web link na matatagpuan sa i-learn.vibalpublishing.com. Alamin ang kuru-kuro ng mga mag-aaral tungkol sa artikulo.

D. Paglalapat1. Ipahambing ang heograpiya ng Egypt sa heograpiya ng China at Mesopotamia. Gumamit ng mapa ng daigdig.2. Isa-isang ipaliwanag sa klase ang mga Pagbubuod sa pahina88 ng batayang aklat.3. Bumuo ng mga paglalahat sa pamamagitan ng pagsagot sa ikalawang mahalagang tanong ukol sa papel ng heograpiya sa pag-usbong ng kabihasnang Egyptian.

E. Pagpapahalaga1. Ipasagot ang mga tanong sa Pagpapahalaga sa pahina 88 ng batayang aklat.2. Bigyang-diin ang sumusunod na kaisipang ito:a. Tulad ng iba pang mga sinaunang kabihasnan, nararapat na pahalagahan ang mga pamana sa daigdig ng kabihas- nang Egyptian.b. May mga aral na matututuhan mula sa katangian ng mga pinunong Egyptian at sa pamamaraan ng kanilang pama- mahala.

Mga KagamitanBatayang aklat; mapa ng Kanlurang Asya; globo; mga larawan tungkol sa Egypt

A. PAGTUKLAS ( Day 1)1. Panimulang Gawain: Bago simulan ang gawain at talakayan, ibigay sa klase ang KWL chart, Hingin sa klase ang ilang mga kaisipang kanilang natutunan sa pagtalakay ng heograpiya ng Pilipinas noong sila ay nasa unang taon.(prior knowledge) Hingin sa klase ang kanilang mga dating kaalaman ukol sa heograpiya. Itala sa una ay kung ano ang inyong naunawaan sa pagtalakay ng heograpiya noong unang taon, kung may nalalaman na ba kayo ukol sa Asya? Sa ikalawa naman ay itala ang tanong na ano ang inyong nais pang malaman ukol sa heograpiya ng Asya Bibigyan sila ng 10 minuto upang isagawa ang Gawain. Matapos sagutin ay hayaan silang magbahagi ng ilang kaisipan ukol ditto. Matapos ang pagtalakay nito isunod na talakayin ang paggamit ng mapa at globo sa pag-aaral ng heograpiya. Itanong sa kanila kung paano nakatulong ang paggamit ng mapa at globo sa pag-aaral ng kasaysayan ng Pilipinas. Magkaroon ng maikling film viewing: Ito ay ukol sa Continents of the world. Ito ang magsisilbing panimula sa pagtalakay sa heograpiya ng Asya.2. Bago matapos ang sesyon, itanong ang EQ bilang pagtatapos ng araw. EQ: Paano hinubog ng paggamit ng mapa at globo ang pagtingin sa kasaysayan ng isang bansa?(Day 2)3. Sa susunod na pagkikita, muling balikan ang naging matingkad na naunawaan sa kanilang pinanood Magbahagi ng inyong mga bagong natutunan ukol sa pag-aaral ng heograpiya. Itanong sa klase kung paano nagkakaiba-iba ang katangian ng bawat kontinente at ilang bansa bagamat sila ay makikita sa iisang likasyon. Itanong: Ano ang ipinahihiwatig ng ganitong kaisipan? Ayon sa pinanood, Bakit mahalagang malaman natin ang katangian at gamit ng bawat uri ng mapa? Paano ito nagbibigay ng bagong interpretasyon an gating pagtignin sa isang bansa? Bilang paglalagom ng nagging talakayan, hatiin sa anim na pangkat ang klase at itala sa mga sumusunod na kahon ang kanilang nagging realisasyon sa pinanood at ang kanilang naunawaan sa talakayan. Bigyan sila ng 5 minuto upang makabuo ng kanilang realisasyon. Matapos ay gamitin ang ilustrasyon bilang paglalagom ng nagging talakayan sa loob ng dalawang araw.B.PAGLINANG (Day 3)1. Sa pagsisimula ng talakayan, itanong sa klase ang EQ: Paano hinubog ng pisikal na heograpiya ang kasaysayan at kultura o paraan ng pamumuhay ng mga tao? Hingin ang kanilang reaksyon ukol ditto. Magkaroon ng maikling Gawain upang Makita kung gaano kalawak at kalalim ang kanilang pagkilala at kaalaman ukol sa Asya. Maghanda ng ilang piraso ng papel na naglalaman ng ilang kaisipan ukol sa Asya (hal. Kabisera, lugar, kilalang personalidad at pangyayari). Magtawag ng ilang mag-aaral upang bumunot ng papel at kanilang ipapaliwanag o ilalarawan ang kaisipan Magkaroon ng maikling bahaginan ukol ditto. Itanong sa klase ang mga sumusunod na katanungana. Naging madali bas a inyo na ilarawan ang mga kaisipang nabunot? Bakit?b. Ano naman ang dahilan bakit limitado ang inyong kaalaman ukol sa Asya?c. Gaano kaganda ang Asya? Matapos ang bahaginang ito, magkakaroon ng maikling pagsusulit ukol sa paghahating heograpiko ng Asya at uri ng mapa. Pagkatapos ng pagsusulit, magbigay ng takdang aralin ukol sa mga anyong lupa at anyong tubig sa Asya. (Itala ang mga pangunahing anyong lupa at tubig na makikita sa Asya(Day 4 & 5)1. Muling ibalik ang EQ: Paano hinubog ng pisikal na heograpiya ang kasaysayan at kultura o paraan ng pamumuhay ng mga tao? Upang mapalalim pa ang EQ at talakayan sa heograpiya, magkakaroon ng isang pangkatang Gawain, na ang layunin ay mailahad ang mga anyong lupa at tubig ng Asya at maiugnay ito sa angking yaman at ganda ng Asya. Sila ay aatasang gumawa ng isang powerpoint presentation na naglalarawan ng ganda ng Asya. Ito ay lalapatan nila ng akmang mga salita at awit na magpapaliwanag ng kanilang presentasyon. Ang klase ay hahatiin sa anim na pangkat at maglalaan ng isang araw na sesyon upang isagawa ang presentasyon. Ang presentasyon ay tatagal lamang ng 2-3 minuto. Ipaliwanag sa klase na ang araw na ito ay nakalaan upang kanilang mabuo ang isang simpleng powerpoint presentation. Ipaalala sa klase nasa susunod na sesyon/araw ay inaasahang ito ay maisakatuparan ng lahat ng pangkat. Iugnay ang kanilang sagot sa ibinigay na EQ at ito ang magsisilbing paglalagom ng nagging talakayan at Gawain para sa araw na ito. (Day 6)1. Ang araw ay ilalaan sa pagpapamalas ng kanilang nabuong powerpoint presentation. Matapos ang panonood ng kanilang presentasyon, itanong ang mga sumusunod: Ano ang inyong reaksyon sa mga napanood na presentasyon? Paano ipinamalas ng presentasyon ang angking yaman at gandang taglay ng Asya? Ano ang malaking papel ng pisikal na katangian ng Asya sa pamumuhay ng mga Asyano? Maglahad ng ilang halimbawa.2. Matapos ang bahaginan at talakayan, muling ibigay ang EQ: Paano hinibog ng pisikal na heograpiya ang kasaysayan at kultura o paraan ng pamumuhay ng mga tao. Hingin ang kanilang pananaw ukol ditto at ang kaugnayan nito sa nagging talakayan.3. Bago matapos ang sesyon, Ipaalala muli ang kanilang Performance task at ang mga inaasahang Makita sa nasabing Gawain.C. PAGPAPALALIM ( Day 7) 1. Panimulang Gawain: Magkakaroon ng mahabang pagsusulit. Ilahad ang mga panuntunan sa pagkuha ng mahabang pagsusulit 2. Matapos ang pagsusulit Itanong sa klase ang EQ: Ano ang posibleng epekto sa tao ng resulta ng pagbabagong nagaganap sa mundo? Halimbawa ang climate change.3. Matapos ang paglalahad ng kanilang saloobin sa EQ, isang Gawain ang inihanda. Ang gawaing ito ay naglalayong mas maging mulat ang klase sa mga pagbabagong nagaganap sa kanilang kapaligiran.4. Ipaliwanag sa kanila ang gagawin: ang klase ay hahatiin sa 6 depende sa laki ng klase. Sila ay aatasang bumuo ng weather report. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng 10-15 minuto upang makapagplano. Matapo magplano ang bawat pangkat ay mag-uulat sa klase.5. Pag-uulat ng bawat grupo Hingin ang reaksiyon ng kanilang napanood at napakinggan. Itanong sa klase ang mga sumusunodAno ang pangunahing nilalaman ng bawat ulat sa pangkat?Bakit nagkaroon ng ibat-ibang klima o mga pagbabagong ating nararanasan?Sa mga pagbabagong nagaganap ngayon sa ating klima, ano ang masasabi mong posibleng dahilan nito?Ano ang nakikita ninyong epekto nito sa mga tao?Sa inyong narinig na pag-uulat, nakita niyo ba ang kahalagahan ng panonood/pakikinig ng ulat ukol sa panahon? Bskit?Ano ang kaugnayan ng nagging Gawain sa ating talakayan?

Matapo ang bahagian, aking lalagumin ang talakayan ng buong araw.

(Day 8)

1. Sa panimulang gawain, itanong ito sa klase. Mayroon ba kayong ideya kung gaano kalawak ang yamang angkin ng Asya? Upang masagot ang tanong na ito, isang pangkatang gawain ang nakahanda.Pangkat 1 Panuto: Gamit ang ilustrasyon, itala sa mga kahon ang inyong paglalarawan ukol sa AsyaPangkat 2 Panuto: Gamit ang larawan, Itala ang mga impormasyon sa mga kahonPangkat 3 Panuto: Itala sa bilog ang inyong paglalarawan/pagpapaliwanag ukol sa AsyaPangkat 4 Panuto: Sasasagawang paglalarawan. ilustrasyon na ito, maaaring gawing isang anunsyo o patalastas ang inyong 2. Matapos ang pag-uulat ang buong klase ay bubuo ng kanilang pinagsama-samang ideya ukol sa likas na yaman ng Asya. Sa pagkakataong ito, ay ilahad nila ang nagging matingkad na paglalarwan at pagpapaliwanag na ibinahagi ng bawat pangkat. Gamit ang ilustrayon sa ibaba, ilarawan ang ganda at yaman ng Asya.3. Upang mas maging malalim pa ang pagtalakay ng paksa, sa tulong ng isang powerpoint presentation, magpakita ng isang maikling slide presentation ng likas na yaman ng Asya. Hingin ang kanilang reaksyon ukol sa napanood. Itanong ang mga sumusunod:a. Batay sa napanood, gaano kayaman ang Asya?b. Bakit sa kabila ng nakitang likas na yaman ng Asya ay marami pa rin ang mga bansang naghihirap o nagugugtom? Bigyang katwiran ang inyong kasagutan.4. Ipakita muli ang EQ: Ano ang posibleng epekto sa tao ng resulta ng nagaganap sa mundo? Hikayatin muli silang magbahagi ng kanilang reaksyon ukol ditto. Ipasagot sa klase ang mga sumusunod na tanong:a. Mula sa napanood, masasabi mo bang nabibigyan pansin n gating pamahalaan ang likas na yaman ng bansa? Paano nasabi ito?b. Sa usapin ng likas na yaman ng Asya, Nakikita mo bang unti-unti na itong nauubos at nawawala? Bigyang pagpapaliwanag ito?

D. TRANSFER (Day 9)1. Maikling pagsusulit ukol sa likas na yaman.2. Pagkatapos ng pagsusulit, bubuksang muli ang talakayan sa pamamagitan ng awiting Kapaligiran ng Asin,3. Ang awit na ito ang magsisilbing panimulang gawain ng talakayan.4. Matapos marinig ang awit. Itanong sa klase.a. Anong linya ng awitin ang nakatawag ng pansin sa iyo? Bakit?b. Ano ang pangunahing mensahe ng awit?c. Ito rin ay maaring iugnay sa kasalukuyang nagaganap sa kalagayang pangkapaligiran ng Asya? Bakit nasabi ito?d. Ano ang masasabi mong pangunahing isyung pangkapaligiran ng Asya? Paano nasabi ito?5. Matapos ang pagsusuri ng mensahe ng awit at kaugnayan nito sa paksa, Itanong muli ang EQ Ano ang posibleng epekto sa tao ng resulta ng nagaganap sa mundo? 6. Bilang paglalagom, Papaano kayo makababahagi upang makatulong sa preserbasyon ng ganda n gating paligid at yaman ng ating bansa at ng buong Asya? Magbigay ng konkretong sagot.

(Day 10) Pagsasagawa ng Performance TAsk