Wika at Katauhang Babae

5
Wika at Katauhang Babae: ika at Katauhang Babae: ika at Katauhang Babae: ika at Katauhang Babae: ika at Katauhang Babae: Mula Mito Mula Mito Mula Mito Mula Mito Mula Mito Hanggang P anggang P anggang P anggang P anggang Panahong Moderno* anahong Moderno* anahong Moderno* anahong Moderno* anahong Moderno* Ruth Elynia S. Mabanglo Ruth Elynia S. Mabanglo Ruth Elynia S. Mabanglo Ruth Elynia S. Mabanglo Ruth Elynia S. Mabanglo [email protected] Mahalaga ang pangalan at panawag sa alinmang lipunan. Sa maraming pagkakataon, mapatutunayang nagagamit ang mga ito sa paglikom ng kapangyarihan o lakas para sa makasariling layon. Hindi mahirap unawaing nakatutulong ang panawag/diskripsyon o kasabihan at salawikain o imahen sa literatura at sining, sa pagbubuo ng tao ng sarili niyang palagay o konsepto ng kanyang sarili. Binibigyan ng kahulugan at kabuluhan ng wika ang pagkatao at katauhan ng tao. Sabi nga nina Francine Frank at Frank Ashen, “kung pag-aari ng pinangalanan ang pangalan, ang karapatan sa pagpapangalan ay nagtataglay ng kapangyarihang bigyang-kahulugan ang pinangalanan.” Tinatalakay sa papel na ito ang ilang mga larawan at imahen ng babae na matatagpuan sa mga mito hanggang sa kasalukuyang panahon. Partikular na tinitingnan ang papel ng wika sa patuloy na pagpapanatili ng negatibong imahen na malayo sa tunay na katauhan ng babae. Mga susing termino: wika, pagpapangalan, imahen ng babae, mito, panahong moderno, pagbuo ng palagay at konsepto Names and labels are important in any society. In many instances, it can be proven that these are used in garnering of power and strength towards a selfish goal. It’s not difficult to understand that the label/description or saying and proverb or image in the literature and the arts help in the formation of the person of his own perception or concept of a person. Language gives meaning and significance to the identity and nature of a person. According to Francine Frank and Frank Ashen, “if the name is a possession of the named, the right to name possesses the power to give meaning to the one named.” Discussed in this paper are some of the pictures and images of the women that can be found in the myths until the present times. The paper particularly deals with the language in the persistence of retaining the negative image that is far from the real identity of the women. Keywords: language, labeling, images of women, women myths, conceptualizing, modern times, woman identity MALAY 22.1 (2009): 85-90 © 2009 Pamantasang De La Salle, Filipinas * Panayam para sa Seryeng Lope K. Santos ng Departamento ng Filipino, De La Salle University, Tereso Lara Seminar Room, Hulyo 24, 1990. * MALAY Tomo IX, Blg. 1, 1990-1991

Transcript of Wika at Katauhang Babae

Page 1: Wika at Katauhang Babae

WWWWWika at Katauhang Babae:ika at Katauhang Babae:ika at Katauhang Babae:ika at Katauhang Babae:ika at Katauhang Babae:Mula Mito Mula Mito Mula Mito Mula Mito Mula Mito HHHHHanggang Panggang Panggang Panggang Panggang Panahong Moderno*anahong Moderno*anahong Moderno*anahong Moderno*anahong Moderno*Ruth Elynia S. MabangloRuth Elynia S. MabangloRuth Elynia S. MabangloRuth Elynia S. MabangloRuth Elynia S. [email protected]

Mahalaga ang pangalan at panawag sa alinmang lipunan. Sa maraming pagkakataon,mapatutunayang nagagamit ang mga ito sa paglikom ng kapangyarihan o lakas para samakasariling layon. Hindi mahirap unawaing nakatutulong ang panawag/diskripsyon o kasabihan atsalawikain o imahen sa literatura at sining, sa pagbubuo ng tao ng sarili niyang palagay o konsepto ngkanyang sarili. Binibigyan ng kahulugan at kabuluhan ng wika ang pagkatao at katauhan ng tao.Sabi nga nina Francine Frank at Frank Ashen, “kung pag-aari ng pinangalanan ang pangalan, angkarapatan sa pagpapangalan ay nagtataglay ng kapangyarihang bigyang-kahulugan ang pinangalanan.”Tinatalakay sa papel na ito ang ilang mga larawan at imahen ng babae na matatagpuan sa mga mitohanggang sa kasalukuyang panahon. Partikular na tinitingnan ang papel ng wika sa patuloy napagpapanatili ng negatibong imahen na malayo sa tunay na katauhan ng babae.

Mga susing termino: wika, pagpapangalan, imahen ng babae, mito, panahong moderno, pagbuo ngpalagay at konsepto

Names and labels are important in any society. In many instances, it can be proventhat these are used in garnering of power and strength towards a selfish goal. It’s notdifficult to understand that the label/description or saying and proverb or image in theliterature and the arts help in the formation of the person of his own perception or conceptof a person. Language gives meaning and significance to the identity and nature of a person.According to Francine Frank and Frank Ashen, “if the name is a possession of the named,the right to name possesses the power to give meaning to the one named.” Discussed in thispaper are some of the pictures and images of the women that can be found in the myths untilthe present times. The paper particularly deals with the language in the persistence ofretaining the negative image that is far from the real identity of the women.

Keywords: language, labeling, images of women, women myths, conceptualizing, modern times, womanidentity

MALAY 22.1 (2009): 85-90

© 2009 Pamantasang De La Salle, Filipinas

* Panayam para sa Seryeng Lope K. Santos ng Departamento ng Filipino, De La Salle University, Tereso Lara Seminar Room,Hulyo 24, 1990.* MALAY Tomo IX, Blg. 1, 1990-1991

Page 2: Wika at Katauhang Babae

86 MALAY TOMO XXII BLG. 1

Unang larawan. Maglakbay tayo sa lipunanng mga Sulod. Dito, naniniwala silang pagkamatayng isang tao, ang kaluluwa o umalagad nito aynaglalakbay patungong Lim-awen. Ang Lim-awenay isang malalim na lawang kumukulo atumaalimpuyo ang malapot na tubig hanggang sapinakapusod nito.

Sa pampang ng lawang ito, nakatira ang isangbalbuning higanteng lalaki na nagngangalangBanglae. Malalapad daw ang balikat nito, umaabotng pitong dangaw o pitong dangkal. Siya angnagtatawid ng mga kaluluwa sa kabilang ibayo nglawa.

Gayunman, bago itawid ni Banglae ang mgakaluluwa, tinatanong muna niya ang mga ito kungilan ang naging asa-asawa nila nang nabubuhay pa.Pinarurusahan ang lalaking umalagad kapag iisalamang ang naging asawa niya. Hindi isinasakay niBanglae sa mga balikat patawid sa lawa angganitong kaluluwa; sa halip, pinalalangoy niya itonang nakakapit lamang sa mga buhok na nasapagitan ng kanyang mga hita. Sa kabilang dako,pinarurusahan naman ang babaing umalagad sapagkakaroon ng higit sa isang asawa. Hindimakapagsisinungaling ang kaluluwa sapagkattinatawag ni Banglae ang tuma o kuto ng katawanpara sumaksi sa testimonyo ng tinahanangkatawang babae.

Ikalawang larawan. Ang isang ito ay tungkolsa mga madrasta. Iyon bang tipong Bella Floressa mga pelikula; bagaman ang leyenda ay ukol sakung saan nagmula ang maya. Batay sa paniniwalang mga Kankanay, si Uning ang unang ibong palayna tinatawag natin ngayong maya. Ang ama ni Uningay si Saki-ing na may kauling asawangnagngangalang Cotiling. Malupit si Cotiling kayUning. Ito ang tagapagbantay ng bukid, angtagabulabog ng mga ibong palay na nanginginainng binhi. Madalas, hindi pinakakain ni Cotiling siUning; at kung pakanin man, ilang pirasong tutongna binudburan ng tatlong tinuyong insekto. Samatinding gutom at dalamhati, isang araw na malapitna ang tag-ani, nahibik ni Uning na sana’y magingibong palay na lamang siya yayamang wala nasiyang ina at pinababayaan siya ng kanyang amasa kalupitan ng kanyang madrasta. Hindi na

nakauwi si Uning mula noon. Nang hanapin siyasa bukid at angatin ang basket na dating dala niya,isang kayumangging ibon ang nanginginain;binubusog ang sarili sa binhing dating binabantayanniya.

Ikatlong larawan. Ito ang itsura ng mgaselosang asawa. Mula sa epikong Bidasari, nakilalanatin si Lila Sari, kabiyak ni Sultan Mongindra ngkaharian ng Indrapura. Sa sobrang pagkaselosa,umupa ito ng mga espiya para hanapin at ipakidnapang lahat ng pinakamagagandang babae sakaharian. Alam ba ninyo ang dahilan, napaka-insecure niya. Afraid siyang any moment ay iwansiya ng asawa kung maakit ito ng babaing masbeauty sa kanya. Iyon nga ang dahilan kung bakitikinulong ng sultana si Bidasari. Sigurado kongalam na ninyo ang istorya pagkatapos. Isang lokalna sleeping beauty ang lumitaw na natapos din sapraseng “and they lived happily ever after.”

Ikaapat na larawan. Panahon ng Kastila.Larawan ng dalawang babae na ekstremo ang mgakatangian sa literaturang romansa. Isang babaingmatimtiman ngunit mahina, naghihintay na lamangsa kung ano ang igagawad sa kanya ng kapalaran,walang positibong katangian kundi kagandahan atang pagiging mapagsilbi: si Laura. At isa pangbabaing may giting at kalayaan sa pag-iisp na gayang isang lalaki, mahusay manandata, walang takotna hanapin ang sariling kapalaran, at malakas angloob: si Flerida.

Ikalimang larawan. Nagsisimula rito angkontemporaryo. Iba’t Ibang babae sa iba’t ibangsitwasyon. Mas malamang na karikatura sa halipna realista. Mga birhen at puta; mga ina at donya.Ito ang babae ni Rizal sa kanyang dalawang nobela.Kayo na ang humusga.

Ikaanim na larawan. Mas maraming anyo atlarawan ang mga babaing ito. Mga martir na ina;mga kabiyak o nobyang gaga sa pag-ibig kundiman tanga sa ngalang pagsinta; matataray na putangdi paiisa kundi sa kabit o asawa nila; mgastepdaughter na inaalila kundi man inaagawan ngmana ng mga madrasta; mga biyenang babae naumaapi ng manugang kapag wala ang kanilang mgaanak na lalaki; mga sakim at maiinggitingmangkukulam na lagi’t laging talo kay Darna; at

Page 3: Wika at Katauhang Babae

87WIKA AT KATAUHANG BABAE RUTH ELYNIA S. MABANGLO

mga pangit na babaing pagkaraa’y gumaganda nagaya nina Bakekang at Confradia. Marami tayongreferences na makukuha kundi man resourcepersons: umpisahan natin sa mga kast ng dating“Flor de Luna” sa TV hanggang sa mga beteranonggaya nina Alicia Vergel at Gloria Romero; sa mgasikat na sina Vilma Santos, Nora Aunor, at SnookySerna dahil marami na silang nalabasang pelikulana ganitong mga babae ang imahen. Maaari na rinninyong tanungin si Pepe Pimentel na lagingisinusumpa ang kanyang biyenan sa “Kuwarta oKahon.”

Nasa image pa lang tayo. Wala pa salanguage. At ito siguro ang mabigat. Unahin natinang mga salita, simbolo, o idyomang ikinakapit sapagkatao at katauhang babae.

Sa mitong Kapampangan, iniaambil sa babae,kay Mayari, ang buwan; at sa lalaki naman, kayApolaki, ang araw. Pansining ipinahihiwatig nito nawalang sariling liwanag ang babae; samakatuwid,walang sariling lakas. Mayroon din tayongidyomang nagsasabi na “ilaw ng tahanan” ang ina;“haligi” naman ang ama. Ngunit puna nga ngkaibigan kong Lualhati Bautista, mangyayaringmawalan ng ilaw ang isang tahanan, ngunit hindiubrang mawalan ng haligi kailanman. (Siguradongbabagsak iyon kahit wala pang lindol.) Idagdag panatin ang mga ikinakapit na biro sa salitang babaeat lalaki. Kaya raw babae, nangangahulugang “angbaba, e” na derogatori kung ihahambing sa lalakina nangangahulugan daw na “lalaki” na pumupuri.

Kaugnay nito, mapupunang laging derogatorisa babae ang lahat ng “maberdehang usapan” nakaraniwang ginagawa ng mga lalaki sa“mabotehang talakayan.” Sabi nila, kapagpumipitada na ang “alak singko ng hapon,” nag-uumpisa na rin ang mga paglibak at/o pag-uyamsa katauhang babae. At alam po ba ninyo kungsaan laging naglulundo ang usapan? Sapagkabirhen/kabirhenan o pagkawala ngkabirhenan ng isang dalaga. Hindi ito maiiwasandahil sa harap ng mga beer napag-usapan ang mgaasawa, nobya, kerida o sugar mommy ng mganag-iinuman. Sa harap din ng kuwatro kantos ored horse lumilitaw ang iba’t ibang pangamba oproblema ng mga lalaki sa trabaho, negosyo,

pamilya, at iba pa. Doon sila nagkakahingahan,nagkakapayuhan, nagkakalapit ng barkada;kaya nga, “iba na ang may pinagsamahan”—“bumabanggit ng pangalan.”

Umpisahan natin sa dalaga. Maganda ba?Seksi? Mabait? Tapat? Masarap bang magmahal?Karaniwang nagmumula sa kongkreto patungongabstrakto ang diskripsyon. Pansinin ang mgapositibong paglalarawan sa babae:

mahinhin masipag relihiyosamapagmahal maalalahanin pormalmabini malambing karinyosatapat maganda mayumimasuyo maalindog

At kapag napag-usapan ang mga positibongkatangian ng babae, magsusukdol ang inkwisisyonsa tanong: Virgin?

Hindi maikakaila ang dyender ng salita. Birhen:Babae. Nakasalabid ito sa isang sapot na sosyo-kultural. May mito at talinghagang hinulma ngpanahon at pagkakataon. Birhen : Babae. Kungsiya ay dalaga, may kaangkinang hindimatatawaran: malinis, tapat, walang bahid-dungis.Donselya, “never been touched, never beenkissed”; bilang na bilang ang hakbang; sa kilos atpagsasalita, di mapipintasan.

Dahil kaakibat ng dyender ang salita, naghabing mito ang wika:

“Walang matimtimang birhen samatiyagang manalangin.”

“Ang babaing matimtiman, mahinhin sadaan, masipag sa bahay.”

“Ang mahinhing dalaga, sa kilosnakikilala.”

“Ang dalagang nagpopormal sa kanyangkalagayan, hindi pagpapahamakan ninumangwalang pitagan.

Ang istiryutipong imahen ng matimtimang birhenay lalo’t lalong pinatitibay ng mga istorya sa komiks,TV, at pelikula. Mula kay Maria Clara nasinentensyahan ang sarili sa kumbento at kay Hulina nagpakamatay sa pagkalamat ng kanyangkabirhenan, hanggang kina Nena at Neneng na

Page 4: Wika at Katauhang Babae

88 MALAY TOMO XXII BLG. 1

naging padron ng mga pangunahing tauhang babaesa mga kuwento ng pag-ibig. Ang huwarang babaeay lagi nang iyong iniuukol ng sarili sa iisang lalaki.Kaya, beware, hindi patatawarin at hindipatatawarin sa lawa ng Limawen.

At dahil kapuri-puri ang ganitong uri ng babae,dapat siyang sambahin at tanuran. Gaya ni BirhengMaria, inilalagay ng mga lalaki ang ganitong babaesa isang pedestal na kapwa luho at buho niya.Binabantayan siya kahit hindi niya hinihingi;nilulunod mandin sa kadidilig. Muli, nahabi ang iba’tibang kasabihan batay na rin dito—mga kasabihangtanikala at pumatok ng babae mula noon hanggangngayon:

“Ang dilag ay pagkain ng mata at kalungkutanng kaluluwa.”

“Ang matapat na aruga ay ang higpit ngalaga.”

“Ang babaing napahamak, parang salamingnabasag;

ihinang man nang maingat, nakikita rinang lamat.”

“Walang kareng tinangay ng aso na dinalawayan;

walang humipo ng palayok na dinaulingan.”

(N.B.: Pansining salitang “karne” ang alusyondito sa babae)

Samakatuwid, hindi man sabihin, may mganegatibong katangian ding iniaambil sa mga babae.Ang mga babaing dapat iwasan, hindi dapatpakitunguhan ng mga lalaki, kundi man dapat ituwidng isang ama o asawa o kapatid na lalaki ay angsumusunod:

magaslaw harot talipandaskiri malandi pakipotmahilig makati ma-elmalabiga mabunganga masatsat o

makati ang dilabungangera katakatera usisera o

mahadera

At muli, bumuo na naman ang lipunan ng panupilna kasabihan para sa mga babaing may ganitongkategorya:

“Ang dalaga kung magaso, parang asinsa salero.”

“Ang dalaga kung magaslaw, parangasing nahahanay.”

“Ang babaing palaingos, kadalasa’yhaliparot.”

“Ang babaing magaslaw, haruray sadaan, tamad sa tahanan.”

“Babaing pasalpak-salpak, iilaga’tkandalapak.”

“May dalahirang banayad, maymahinhing talipandas.”

“Nagmamakipot ay maluwang,nagmamapino’y magaspang.”

“May mahinhing kalbitin, may makara’yng di masupil.”

“Bago maalaman ang isang pitis, pagnaraanan na ng pamalis.”

“Kapag di pinuna ang isang kiri, angisang iyan ay dadami.”

“Ang babae sa lansangan, gumigiringparang tandang.”

Malinaw na malinaw sa mga salita at kasabihanang negatibong imahen ng babae. At sa lipunangpyudal at patriarkal, lagi’t laging iniaaral ang ganitosa lalaki upang hindi siya “matimbog,” wika nga,hindi siya “mabulilyaso.” Puwede lang “paglaruan”ng lalaki ang ganitong uri ng babae, hindi dapattotohanin. At narito nga ang siste: samantalanghinahangad ng mga lalaki na makapag-angkin ngmga babaing pwedeng maging aliwan nang hindina kailangang panagutan. Iba na siyempre kung“palay na ang lumapit.” Sabi nga nila, walang manokna tumanggi sa palay (tingnan ninyo’y pagkain nanaman ang alusyon ng babae). Ito na mismo angdahilan kung bakit sa asin mismo iniakibat angganitong babae: balana’y dumukot, balana’ysumawsaw. Kaya nga nagkaroon ng bagongidyoma: “sawsawan ng bayan.” At ganito namanang mga kasabihan nila sa ganitong sitwasyon:

“Ingatan ang iyong bahaw, ang aso ko aymatakaw.”

Page 5: Wika at Katauhang Babae

89WIKA AT KATAUHANG BABAE RUTH ELYNIA S. MABANGLO

“Bago mo matalos ang hakab ngkatawan, bayaan mo munang paniktan ngulan.”

“Ang gandang marungis ang puso’t loobay tulad ng bulaklak na may uod sa ubod.”

“Ang babaing salawahan, hindi dapatpagpaguran.”

“Kung ang nabasaga’y hindi nanghinayang,gasino pa akong nakabasag lamang?”

“Ang huni ng sabukot sa itaas ngsampalok, ang babaing haliparot, mariinghampas ng diyos.”

At kahit may asawa na ang isang babae, tagilidpa rin ang lagay niya sa wika at perspesyon ngbayan. Lagi’t laging kinakailangang maging“mabuting maybahay” siya; nangangahulugangisang asawang masinop sa bahay, tapat sa kabiyakna lalaki, hindi nagbibigay ng pagkakataon sa ibana pag-alinlanganan siya. Dahil kahit hindi sa mgabeerhouse, nagpapatutsadahan ang mga lalaki,nagpapayuhan para sa ikabubuti ng isa’t isa:

“Kapag ang kaning lamig ay lagi mongpinagpapasensyahan, hindi maglalaon, pare—ang ulo mo’y susungayan.”

“Ang huni ng ibong tikling sa itaas ngbalimbing, kapag ang asawa’y labis kungmaglambing, mag-ingat ka, pare’t puso’ykabilanin.”

“Ang huni ng kilyawan sa itaas ngkaturay, kapag ang lalaki’y pinaglililuhan,kuwelyo ng baro niya’y laging maluwang.”

“Ang huni ng batubato sa itaas ngmabolo, kapag ang lalaki’y niloloko,nagkakasungay ang ulo.”

Ang kaso, hindi patas ang mga kasabihan sapanig ng babae. Samantalang katakut-takot angpintas o atas sa isang lalaki upang matiyak na hindisiya lolokohin ng asawa, iba naman ang sabi samga babaing niloloko ng mga mister nila:

“Ang huni ng maya-kapra sa itaas ng makopa,ang babaing niloloko ng asawa ay lalo panggumaganda.”

Samakatuwid, kitang-kita ninyo, ang imahen ngbabae sa sining man at realidad, sa mito man at

wika, ay hindi laging nakatutulong sa ikatitipunong kanyang pagkatao. Lahat ng mga mura ay labansa babae; samantalang ang mga mura laban sababae ay nakatutulong sa ikadadangal ng kanyangpagkakalalaki. Kahit nga ang mga lalaking ma-elo kahit na iyong kumakalakal ng pagkalalaki ayhindi nanganganib na maging puto. Ano na nga baang itatawag natin sa mga lalaking nagbibili ng aliw?

Mahalaga ang pangalan at panawag saalinmang lipunan. Sa maraming pagkakataon,mapatutunayang nagagamit ang mga ito sa paglikomng kapangyarihan o lakas para sa makasarilinglayon. Hindi mahirap unawaing nakatutulong angpanawag/diskripsyon o kasabihan at salawikain oimahen sa literatura at sining, sa pagbubuo ng taong sarili niyang palagay o konsepto ng kanyangsarili. Binibigyan ng kahulugan at kabuluhan ngwika ang pagkatao at katauhan ng tao. Sabi nganina Francine Frank at Frank Ashen, “kung pag-aari ng pinangalanan ang pangalan, ang karapatansa pagpapangalan ay nagtataglay ngkapangyarihang bigyang-kahulugan angpinangalanan.”

Kung panay na laban sa babae ang mgapangalan, panawag, kasabihan, at paglalarawan,kailan pa siya magkakaroon ng mabuting opinyonng kanyang pagkatao? Kailan siya makaaahon sakinasadlakang balon upang maiparinig sa lipunanang tinig nang walang takot o pangamba, upangtaas-noong mapatunayang kapantay siya ng lalakisa maraming katangian at larangan?

Magiging matipuno ang pagkatao at katauhangbabae kung lalapatan siya ng mga ngalan atpanlarawang magkakaloob sa kanya ng dangal,tiwala sa sarili, tapat at katatagan. Kungmagkakaroon siya ng bagong imahen sa mgabagong mitong nililikha ng anunyo, literatura,pelikula, at kasabihan sa kasalukuyan. Kungtatalikdan niya, halimbawa, ang pagigingmaybahay upang maging kabiyak; kung angsalitang katulong ay magiging kawaksi; kung angkinakasama ay magiging katuwang, at iba pa.

Sabi nga sa Bulakan: “Walang masamang kalapsa mabuting lumapat.”