Becoming · Web view- TAGALOG - (BIBLICAL FOUNDATION 1) Workbook GABAY PARA SA MAG-AARAL ANG DAAN...

68
Christ’s Commission Fellowship - TAGALOG - (BIBLICAL FOUNDATION 1) PAGSISIMULA NG INYONG PAGKAROON NG PAKIKIPAG-UGNAYAN SA DIYOS

Transcript of Becoming · Web view- TAGALOG - (BIBLICAL FOUNDATION 1) Workbook GABAY PARA SA MAG-AARAL ANG DAAN...

Becoming

Pagsisimula ng Inyong Pagkaroon ng pakikipag-ugnayan....…….......…2 =======================================================

Christ’s Commission Fellowship

- TAGALOG -

(BIBLICAL FOUNDATION 1)

Workbook

GABAY PARA SA MAG-AARAL

ANG DAAN NG DIYOS

TUNGO SA LANGIT

Magandang __________ . Welcome (Mabuhay) sa Pagsisimula ng inyong pagkaroon ng pakikipag-ugnayan sa Diyos. Ako si_______________. Sana makarating kayo sa mga susunod pa nating mga miting. Puwede sigurong ipakilala natin ang ating mga sarili. Sabihin ang :

· Pangalan

· Nickname

· Tirahan

· Trabaho o eskuwelahan

· Pamilya

SALITA:

Intro:

Naitanong na ba ninyo sa inyong mga sarili ang mga sumusunod: “Paano ba makararating ang tao sa langit?” “Ano ba ang daan ng Diyos patungo sa langit?”

______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Sa ating panimulang aralin ngayon, malalaman natin kung ano talaga and Daan ng Diyos patungong Langit.

Sa Katunayan, may 4 NA BAGAY na kailangan nating maintindihan para matiyak ang pagtungo sa langit.

UNA – PAG-IBIG AT LAYUNIN NG DIYOS

Ang unang bagay na dapat nating maintindihan ay ang katunayang MAHAL TAYO NG DIYOS AT MAY LAYUNIN SIYA PARA SA ATIN.

May layunin o pakay o gusto ang Diyos na mangyari sa ating buhay.

· Basahin ang Juan 3:16. Ano ang layunin o gustong mangyari ng Diyos sa talatang ito?

___________________________________________

Para sa inyo, ano ang ibig sabihin ng “buhay na walang hanggan?” _____________________________________

__________________________________________________________________________________________________________________________________________

Isulat ang “Juan 3:16 BUHAY NA WALANG HANGGAN” gaya ng nasa Figure 1

· Basahin ang Juan 10:10. Ayon sa talatang ito, ano ang layunin o gusto ng Diyos para sa atin?

Isulat ang “Juan 10:10 BUHAY NA MASAGANA” gaya ng ipinakita sa Figure 1

· Sa ngayon, bakit maraming tao ang hindi nakakaranas ng ganitong uri ng buhay na ibig o gusto ng Diyos para sa bawat isa sa atin. Ang sagot ay matatagpuan sa susunod nating pag-uusapan...

PANGALAWA – ANG PROBLEMA NG TAO

Isulat ang mga salitang “PROBLEMA NG TAO” gaya

ng ipinapakita sa Figure 1

· Nakasulat sa Biblia na noong nilikha ng Diyos sina Adan at Eba, inilagay niya sila sa Halamanan ng Eden. Namuhay silang nakikibagay at nakikipag-ugnayan sa Kanya. Ibinigay ng Diyos sa kanila ang lahat ng kanilang kailangan at ang malinaw na utos tungkol sa Puno ng Kaalaman sa Mabuti at Masama. Isang araw, may nangyari sa Halamanan na naging mitsa ng mga problema ng tao.

Isulat ang salitang “TAO” sa kaliwang bahagi at “DIYOS”

sa kanang bahagi nito. Gumuhit din ng tao.

May naging dahilan para magkaroon ng balakid sa pamamagitan ng Tao at ng Lumikha sa kanya kaya naputol ang pag-uugnayan ng dalawa.

Gumuhit ng dalawang bangin sa ilalim ng “TAO” at

“DIYOS”

· Pwuede ba ninyong sabihin sa akin kung ano iyon? Ang hindi nila pagsunod sa utos ng Diyos nang kainin nila ang bunga ng puno.

· Oo, pinili nina Adan at Eba na pakinggan ang pambobola ng ahas kaysa sundin ang utos ng Diyos. May salitang ginamit sa Biblia sa kanilang pagsuway na ito. Alam ba ninyo kung ano iyon? Kasalanan.

Isulat ang “KASALANAN (Roma 3:23)”

· Nabanggit ito sa Biblia sa Roma 3:23. pakibasa nga ang talata. __________________________________

___________________________________________

· Ayon sa nabasa, ilan ang nagkasala? _____________

· Ibig sabihin ba nito, ako ay nagkasala? ____________

· Ibig bang sabihin nito kayo rin ay nagkasala? _______

· Mahalaga ba rito kung magaan o mabigat ang kasalanan ninyo, marami o kakaunti? Puwede bang basahin ninyo ang Santiago 2:10?

Tingnan natin ang ilan sa mga epekto ng kasalanan sa buhay ng bawat isa sa atin.

· Pakibasa lang ang Isaias 59:2 at sabihin kung ano ang epekto ng kasalanan sa buhay ng bawat tao. ______________________

· Puwede mong basahin ang Roma 6:23? ___________ _________________________________________________________________________________________________________________________________

· Ano ang kabayaran ng ating kasalanan? ___________

Isulat “KAMATAYAN Roma 6:23)”

· Tuwing mababanggit ang kamatayan, ang pumapasok sa isip ng tao ay ang kamatayang pisikal. Pero ang tinutukoy ng Biblia ay ibang uri ng kamatayan. Mayroon bang puwedeng magbasa ng Pahayag 21:8?

· Ano ang pangalawang kamatayan? ______________ ___________________

Isulat ang “PANGALAWANG KAMATAYAN (Pahayag 21:8).”

· Sinu-sino ang mga nabanggit na makararanas ng Pangalawang Kamatayan?

Ngayon, kung totoo ngang ang lahat ng tao ay nagkasala, at ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan at pagkawalay sa Diyos, darating ang araw na lahat ng mga nagkasala ay ihuhulog sa Dagat-dagatang Apoy... Hindi magandang pangitain ito, ano po?

Noon pa man ay alam na ito ng tao at sinikap na niyang gumawa ng paraan para mailapit ang sarili sa Diyos.

· Ano sa palagay ninyo ang mga bagay na ginagawa ng tao para mailapit ang kanilang mga sarili sa Diyos? __ ___________________________________________________________

· Ano ang sinasabi sa Roma 3:20 tungkol sa Sampung Utos ng Diyos? ______________________________

_________________________________________________________________________________________________________. Basahin din ang Galacia 2:16.

Isulat ang “Galacia 2:16 HINDI MGA GAWA” na makikita

sa Figure 1.

Ang ibig sabihin nito, lahat ng ginagawa ng tao ay hindi aabot sa Kanyang pamantayan. Ang nakalulungkot na katotohanan ay wala tayong magagawa para mailigtas ang ating sarili.

Ang tanging lunas ay ibinigay misimo ng Diyos...

PANGATLO – ANG LUNAS NG DIYOS

Ngayon, dumako tayo sa Juan 14:6

· Pakibasa lang ang talata (“Sabi ni Jesus, ‘Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay; walang makakarating sa Ama kundi sa pamamagitan Ko.’”)

· Sino ang nagsasalita? _____________

· Ano ang pagkakaiba ng “ang daan” at “isang daan?” ______________________________________________________________________________________

Isulat ang “LUNAS NG DIYOS – JESUS (Juan 14:16)” sa

pagitan ng dalawang bangin.

Bakit? Ano ang ginawa ni Jesus? Tingnan natin sa Roma 5:6,8.

· Pakibasa lang ang talata (“Sa itinakdang panahon, noong tayo’y mahihina pa, namatay si Cristo para sa mga masasama... Ngunit, ipinadama ng Diyos ang kanyang pagmamahal sa atin sa pamamagitan nito: Habang tayo ay mga makasalanan pa, namatay na si Cristo para sa atin.”)

Ano ngayon ang dapat na maging tugon natin sa ginawang pag-alay ni Jesus ng kanyang buhay para huwag tayong mapunta sa lawa ng apoy at habang buhay na mawalay sa Diyos?

PANG-APAT – TUGON NG TAO

Isulat ang “TUGON NG TAO” sa ilalim ng bangin sa kanan gaya ng nasa Figure 1

Basahin natin ang Efeso 2:8-9 (“Dahil sa kagandahang loob ng Diyos ay naligtas kayo dahil sa inyong pananalig at hindi mula sa inyo, ito ay kaloob ng Diyos; hindi dahil sa inyong mga gawa nang walang sinumang makapagmamalaki.”)

1. paano ipinapaliwanag ang kaligtasan ng mga talatang ito? ___________________________________________

______________________________________________

· Ano ang papel na ginagampanan ng Diyos sa ating kaligtasan? __________________________________ Ipinapaliwanag ang G.R.A.C.E. bilang God’s Riches At Christ’s Expense o Ang Kaharian ng Diyos (ay mapapasa-iyo ng) dahil kay Cristo.

· Bakit dahil kay Cristo? _________________________ _________________________________________________________________________________________________________________________________

· Ano daw ba ang dapat nating maging tugon ayon sa talata? ______________________

Isulat ang “PANANALIG” (Efeso 2:8-9)

Para matanggap ninyo si Cristo, kailangang buksan ninyo ang pinto ng inyong puso at buhay at papasukin Siya.

· Mayroon sana akong itatanong sa inyo kaya lang ay napakapersonal. Puwede? Nasaan kayo ngayon sa ilustrasyong ito (ituro ang figure na ginawa), sa Kampo ng Tao, o sa Diyos?

· Para matulungan kayong sagutin ito, mayroon pa akong isang tanong—kung mamamatay kayo at haharap sa Diyos sa mga oras na ito at tatanungin Niya kayo ng: “Anong dahilan at papapasukin kita sa langit?” Ano ang magiging sagot ninyo? Alam na nating ang ating kaligtasan ay hindi dahil sa ating mga gawa kundi sa pananalig lamang kay Jesus at pagtanggap sa lahat ng kanyang ginawa sa krus. Kailangang TANGGAPIN ninyo si Jesus sa pamamagitan ng pananalig sa Kanya.

· Ang susunod na tanong ko ay ito—saan mo gustong maging bahagi? Siyempre, sa kampo ng Diyos, hindi ba?

· Para marating mo ang kampo ng Diyos mula sa kampo ng Tao...

Gumuhit ng pana na nagpapakita ng paglapit mula sa “TAO” tungo sa “DIYOS.”

...wala kang ibang gagawin kundi ang pagsisihan ang lahat ng iyong kasalanan at humingi sa Diyos ng tatlong bagay:

1. Patawarin ang iyong mga kasalanan;

2. Pumasok Siya sa iyong buhay at tulungan kang magbago ayon sa Kanyang kagustuhan.

3. Ibigay sa iyo ang regalong buhay na walang hanggan para makapiling mo Siya habang buhay.

Mayroon akong maikling panalangin na magpapahayag ng iyong pagnanais na tanggapin Siya.

Ganito iyon:

Panginoong Jesus, kailangan kita. Salamat sa Iyong pagkamatay sa krus para tubusin ako sa aking mga kasalanan. Inaamin kong malaki ang naging kasalanan ko sa iyo. Patawarin Mo ako sa aking mga kasalanan. Hindi ko na po matandaan kung anu-ano ang mga ito kasi napakarami po. Binubuksan ko ngayon ang pintuan ng aking puso at tinatanggap Kita bilang aking Panginoon at Tagapagligtas. Salamat sa pagpapatawad Mo sa aking mga kasalanan. Salamat sa Iyong regalong buhay na walang hanggan na tinatanggap ko rin ngayon. Maghari ka sa aking buhay. Baguhin mo ang aking katauhan nang naaayon sa Iyong kagustuhan. Amen.

MGA GAWA

Kung ang dalanging ito ay sang-ayon sa kagustuhan ng inyong puso sa mga oras na ito, hinihiling kong sumunod kayo sa akin habang binibgkas ko ito...

ANG PINAKAMAHALAGANG

IMPORMASYON SA MUNDO

MABUHAY:

“Ang tatlong pang-uri na aking ginagamit sa paglalarawan ng sarili ay...”

SALITA:

Intro:

Ang sabi ng iba, tayo ngayon ay nabubuhay na sa “information age.” Maaari mo nang malaman ang halos lahat ng maisipang bagay sa pamamagitan ng “internet.” Ano ang pinakamahalgang impormasyon na nalaman mo sa iyong buong buhay?

Ang kuwento ng isang tao na nakatagpo ng isang lumang bote sa dalampasigan. Noong pinunasan niya ito at binuksan, may isang “Genie” na lumabas at sa pasasalamat sa kanyang paglaya, sinabi ng “Genie” na maaari siyang humiling ng isang bagay at ito ay magkakatotoo. Pagkalipas ng malalim na pag-iisip, hiniling niya na bigyan siya ng isang kopya ng susunod na linggong pahayagan kung saan ay nakasulat ang kombinasyon ng numerong magwawagi sa mega-lotto. Sa isang kisap-mata ang pahayagan ay lumitaw sa harap niya, kung saan nakasulat nga ang mga numero ng mananalong kombinasyon. Wika ng tao, “sa impormasyong ito ako ay mayamang mayaman na!” noong makita niya ang obituaryo sa pinakalikod ng pahayagan, gayon na lamang ang kanyang pagkagulat nang makita niyang nakasulat ang kanyang pangalan dito na nagsasabing siya ay pumanaw na. Ano sa palagay ninyo ang mas mahalgang impormasyon sa dalawang ito?

Ngayong araw ay pag-aaralan natin – kung ano ang pinakamahalgang katotohanan na maaaring matutunan ng isang tao sa kanyang buhay.

BASAHIN ANG JUAN 3:1-8.

· Kilalanin ang dalawang katauhan sa talatang ito. ____ ____________________ Ano ang binabanggit sa T. 1 tungkol kay Nicodemus? _______________________ ___________________________

· Ang mga Pariseo ay isang piling-piling grupo – na hindi kailanman humigit sa 6,000 katao ang kanilang bilang – at bawat isa sa kanila ay sumumpa sa harapan ng tatlong kasamahang saksi, na kanyang iuukol ang bawat sandali ng buong buhay sa pagpapatupad ng Sampung Utos, bilang paraan ng pagbibgay lugod sa Diyos.

· Basahin ang Filipos 3:5. paano inilarawan ni apostol Pablo ang kanyang sarili tungkol sa batas na ito? _______________________ Ano sa palagay mo ang gusto niyang ipahiwatig? _______________________ ____________________________________________________________________ Basahin rin ang Gawa 26:5 at Lucas 18:10-12.

· Bilang pinuno ng mga Judio, siya ay kabilang din ng “sanhedrin,” ang sanggunian na binubuo ng pitompung katao at nangangasiwa ng mga kalakalang pang-relihiyon ng buong bansa at may awtoridad sa lahat ng mga Judio sa buong mundo. Ang grupong ito ay halos binubuo lamang ng mga Pariseo.

· Ang paglalarawang ito kay Nicodemus ay nagpapakita sa atin na bihira lamang ang taong maari mong ihambing sa kanya, lalo na sa larangan ng pagpapatupad ng Sampung Utos at pag-uukol ng sarili sa kanyang relihiyon.

· Ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit lumapit si Nicodemus kay Jesus? ________________________ ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________. Paano naman tayo? sa ating mga kaalamang pang-relihiyon, mayroon ba tayong kasiguruhan na kung sakaling tayo ay sumakabilang-buhay sa araw na ito, na tayo ay makakatuloy sa langit?

· Subalit ang isang magandang katangian kay Nicodemus ay ang kanyang pagkakaroon ng isang bukas na kaisipan sapagkat sa kabila ng kanyang katayuan sa buhay, siya ay lumapit pa rin kay Jesus na “nagmula sa Diyos.” Ipinapakita nito na siya ay tunay na naghahanap sa Diyos. Ano ang pangako sa Jeremias 29: 13?

· Paano ipinahiwatig ni Jesus ang kahalagahan ng “katotohanan” na kanyang sinasabi kay Nicodemus? _________________________________________________________________________________________________________________________________

Kapag sinabi ni Jesus na, “katotohanang sinasabi ko sa iyo” – ito ay mahalaga

( e.g. Mateo 5:18, NASB). Kapag sinabi niyang: “katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo” – ito ay mahalagang mahalaga. Kapag sinabi niyang: “katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo” sa tatlong talata sa iisang kabanata – ito ay higit na mahalaga.

· Ano ang katotohanan? _________________________ ________________________________________________________________ paano mo naiintindihan ang salitang: “malibang at hindi niya”? ________________

___________________________________________

· Ano ang pumapasok sa isipan kapag narinig ang salitang “ipanganak na muli”? ___________________

______________________________________________________________________________________

· Ano ba ang tunay na kahulugan ng salitang “ipanganak na muli”? __________________________ _____________________________________________________________ Ano naman ang ibig sabihin ng “ipanganak minsan pa”? o “ipanganak mula sa itaas”? _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

· Base sa kanyang reaksiyon kay Jesus sa T. 4, paano naintindihan ni Nicodemus si Jesus? ______________ ___________________________________________

· Paano ipinaliwanag ni Jesus ang kasabihang “ipanganak na muli”?... madidiskubre natin na mayroong dalawang bahagi sa tunay na kahulugan nito...

I. MAY BAHAGI ANG DIYOS (BASAHIN ANG T. 5-8.)

· Ano ang ibig sabihin ng “tubig at espiritu”? ano ang iba’t ibang kahulugan na ibinibigay ng mga taga-pagsalin? ___________________________________

___________________________________________

· Kung si Juan ay nagsalita at ang mga tagapakinig niya ay hindi naintindihan ang salita na kanyang ginamit sa kanila, sino ang dapat nilang tanungin upang maliwanagan ang kahulugan ng salitang iyon? Pedro, Pablo, Juan, o sarili? _______________

· Paano ginamit ni Juan ang katagang “tubig” sa kanyang ebanghelyo?

______________________________________________________________________________________

Isa-isahin ang mga talatang binanggit. Tanungin mo ang sarili kung ang tubig na ipinahihiwatig ni Juan ay ito nga ang kahulugan?” – nang maipakita sa lahat kung alin sa mga ito ang tunay na nagpapahayag ng may kabuluhan.

· Paano ipinaliwanag ni Juan ang kahulugan ng tubig na inilalarawan sa 7:39? __________________________

___________________________________________

· Paano natin maipapaliwanag ang kahulugan ng 3:5? _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

· Ano naman ang sinasabi sa T. 6-7? ______________ ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

· Sa T. 8, ang katagang “hangin” sa wikang Griyego ay may parehong gamit sa “espiritu.” Sa anong pangyayari nagiging pareho ang hangin sa Espiritu ng Diyos? _____________________________________ _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

· Bilang buod — ano ang masasabi mong bahagi ng Diyos sa ating pagkaka “panganak na muli” o “panganak mula sa itaas”? ______________________ ______________________________________________________________________________________

II. MAY BAHAGI RIN TAYO (BASAHIN ANG T. 10-18)

· Bukod sa “katotohanan, katotohanang” sa T. 11, paano binigyan-diin ni Jesus ang katotohanan na kanyang sinasabi kay Nicodemus? _______________ ______________________________________________________Sino ang tinutukoy ni Jesus noong ginamit niya ang mga panghalip na “kami” at “namin” sa T. 11? ____________________________

· Basahin ang T. 14. ihambing, Bilang 21:4-9.

Ipaliwanag kung paanong ang karanasan ng mga Isrealita sa disyerto ang siyang pinagmulan ng simbolo ng mga manggagamot.

Ano ang layunin ni Jesus sa pag kuwento niya tungkol sa ahas na tanso?

______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Ano ang bahaging iyon? ______

__________________________________________________________________________________________________________________________ Ano ang nangyari sa mga taong tumingin sa ahas na tanso pagkatapos na tuklawin ng ahas? __________________________

(Opsiyonal na pantalakayan)

· Ano ang bahagi ng tao sa kanyang kaligtasan ngayon? ____________________________________

___________________________________________

· Ano ang mangyayari sa mga taong “sumampalataya sa kanya” ayon sa T. 36? _______________________ __________________

· Anong panahon ng wika ang ginamit sa salitang buhay na walang hanggan?_____________________

· Ang ipinapahiwatig ba nito ay may kinalaman sa buhay ngayon o sa kinabukasang pag-asa? _______________________________.

· Ano ang mangyayari sa mga taong hindi sumampalataya ayon sa T. 18 & 36? _____________ ______________________________________________________________________________________

· Magbigay ng inyong pananaw sa kasabihan ng mga kristiyanong: “ ang ipinanganak na muli ay minsan lamang papanaw, subalit ang ipinanganak lamang ng minsan ay dalawang beses mamamatay.” __________ _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

· Sa pagtatapos, ano ngayon ang dalawang bahagi ng pagiging “born again”? _________________________ _____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

· Gusto mo bang maging “born again” ngayon? Manalangin tayo.

Panginoong Jesus kailangan kita. Salamat sa iyong pagkamatay sa krus upang mabayaran ang aking mga kasalanan. Pinagsisisihan kong lahat ang aking mga kasalanan at hinihiling na sana’y patawarin ninyo ako at linisin muli sa aking mga naging pagkakamali. Binubuksan ko ngayon ang pintuan ng aking puso at inaanyayahan ko kayong pumasok at sakupin ng buo ang aking buhay. Salamat sa inyong kapatawaran. Salamat sa paghahandog ninyo sa akin ng buhay na walang hanggan. Hinihiling ko sa inyo ngayon na gawin ninyo akong tulad ng nais ninyong mangyari sa akin. Amen.

· Dinasal mo ba ang panalanging iyon? Kung oo, nasaan ngayon si Jesus? _______________ Basahin ang Juan 5:11 & 12. sinasabi ba rito na “umaasang magkaroon ng buhay na walang hanggan” kapag ikaw ay namatay? ________________________________ ______________________________________________________________________________________

MGA GAWA

1. SAKSI : sabihan ang iyong mga kasapi na magsama ng

isang mahal sa buhay, kaibigan o kapitbahay sa

susunod na pagkikita.

2. URI NG PAGDADARASAL: humingi ng mga “prayer

requests” sa inyong mga kasamahan at magtapos sa

pamamagitan ng pagdarasal kung saan ay kasama

ninyong ipagdarasal ang mga “prayer requests” na ito.

ANG KATUNAYAN

NG LANGIT AT LUPA

MABUHAY:

Subukan ninyong alamin kung ano ang mangyayari sa inyong buhay pagkalipas ng dalawampung taon. Magsimula sa pinakabata sa inyo hanggang sa pinakamatanda.

SALITA:

Intro:

Ano ang mangyayari kapag tayo ay namatay? (humingi ng kasagutan)

· Mayroong mga naniniwala na ang buhay ay dumaraan sa iba’t ibang uri ng pagkabuhay bilang pamamaraan ng paglinis ng kaluluwa. Ang iba naman ay naniniwala na maaari muli silang mabuhay sa ibang katawan ng tao o hayop na tinatawag na “re-incarnation,” (kung kaya’t sila ay nagiging mga “vegetarians” din sa pangambang makain nila ang kanilang kamag-anak).

· Mayroon namang hindi naniniwala sa “re-incarnation” subalit naniniwala na ang isang kaluluwa na may maliit na pagkakasala ay kinakailangan lamang dumaan sa isang pagbabago o pagpepenitensiya upang makamit ang buhay na walang hanggan.

· Ang iba naman ay hindi naniniwala sa buhay na walang hanggan, at para sa kanila, ang kamatayan ay katapusan na ng buhay.

Napakarami pang mga iba’t ibang paniniwala ang tao tungkol sa mangyayari sa kanila kapag sila ay namatay na. At higit na dumarami pa ang mga katanungan tungkol dito habang ang tao ay nahaharap sa usaping ito. Mayroon pa bang buhay pagkatapos ng buhay sa mundong ito? Totoo bang may langit at impiyerno? Paano makakarating ang isang tao sa langit o maiwasang mapunta sa impiyerno?

BASAHIN ANG LUCAS 16:19-31.

· Kilalanin ang dalawang katauhan sa talatang ito. ____ _________________________________________________________________________________________________________________________________________ Siyasatin natin ang kondisiyon ng kanilang buhay habang sila’y...

I. KONDISYON HABANG NABUBUHAY (19-21)

A. ANG TAONG MAYAMAN

· Ano ang binabanggit sa T.19 tungkol sa mayamang tao? _______________________________________

___________________________________________

· Ang salitang “Gaily living” ay kapareho ng wikang Griyego na ginamit sa Lucas 12:19 kung saan isinalin ito sa salitang “be merry”. Ano sa palagay ninyo ang kahulugan nito? ______________________________

___________________________________________

· Ano ang tawag niya kay Abraham? ______________ ________________ Sino ang mga taong mahilig tumawag kay Abraham na “Ama”? _______________ ___________________________________________

· Ano ang sinasabi dito tungkol sa mayamang tao? _________________________________________________________________________________________________________________________________

· Sino ba ang mga Pariseo? Tingnang muli ang nakaraang liksiyon, no.2 _______________________

___________________________________________

B. LAZARO

· Ano ang binabanggit tungkol kay Lazaro sa T. 20-21? _____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

· Sino ang nagbibigay ginhawa kay Lazaro noong siya’y nabubuhay pa? ______________________________ ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

· Paano inilarawan ni Jesus ang espiritual na buhay ng mayamang tao sa T. 14-17?_____________________ ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

II. KONDISIYON SA KABILANG BUHAY (22-26)

Hihinto ba ang ating kaisipan sa kabilang buhay? O may karugtong ba ito? ________________________________ __________________________________________________________________________________________________________________________________________

A. LAZARO

· Ano ang nangyari kay Lazaro pagkamatay niya? ______________________________________________________________________________________

· Ano ang mangyayari sa mga may pananampalataya kapag sila ay namatay na? _____________________ _________________________________________________________________________________________________________________________________

· Paano inilalarawan ng Biblia ang langit?

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

B. ANG MAYAMANG TAO

· Ano ang nangyari sa taong mayaman noong siya’y namatay? _________________________siya ba’y nakakakita pa o may nadadama pa sa impiyerno? ___ ___________________________________________

· Paano binibigkas ni Jesus ang katotohanan na wala ng pag-asa o posibilidad na maginhawahang muli sa pagdurusa? _________________________________ ______________________________________________________________________________________

· Paano pa inilalarawan ang impiyerno sa ibang kasulatan sa Biblia?

_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

· Sinu-sino ang mga itatapon doon?

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

· Paano ngayon nating maiiwasang mapunta sa impiyerno at tanggapin sa langit?

III. ANG PARAAN PATUNGO SA LANGIT (27 – 31)

· Ano ang naging paraan ng mayamang tao na inaakala niyang magbibigay-daan sa “pagsisisi” ng kanyang mga kapatid? ________________________________ ______________________________________________________________________________________

· Ano naman ang sinabi ni Abraham tungkol dito? ____ _________________________________________________________________________________________________________________________________

· Ano ang ibinubunyag ng pamamaraan ng mayamang tao tungkol sa sarili niya? _______________________ ______________________________________________________________________________________

· Ano ang pinahihiwatig ng hindi pagsang-ayon ng mayamang tao kay Abraham sa T. 30? ____________ _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

· Ano ang naging kasagutan ni Abraham sa T. 31? ____ _________________________________________________________________________________________________________________________________

· Mayroon na bang bumangon sa mga patay at nagpatotoo na ang langit at impiyerno ay totoo? Sino? _______________________.

· Lahat ba ng mga taong nakaalam sa pagbangon muli ni Jesus sa kamatayan ay naniwala at nagsisi? _____ ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

· Base sa araling ito, paano nagaganap ang pagkakaroon ng pananampalataya sa buhay ng isang tao? sa pamamagitan ng pagtanggap at pagbibigay ng ating buong tiwala sa Biblia. Basahin ang Roma10:17.

PAGTATAPOS:

Ibinigay mo na ba ang iyong buong paniniwala sa Biblia? Ano ang sinasabi ng Biblia sa atin?

· Tayong lahat ay makasalanan at walang sinuman ang hindi nagkasala. (Roma 3:10).

· Sabi sa Roma 6:23, “sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na ating Panginoon.

· Ngunit pinaghiwalay kayo ng inyong mga kasamaan sa inyong Diyos, at ang inyong mga kasalanan ay siyang nagkubli ng kanyang mukha sa inyo, anupa’t siya’y hindi nakikinig. (Isaias 59:2).

· Walang sukat ng paggawa ng mabubuting bagay, o pagsunod sa sampung utos, o ang paglilingkod man sa iglesiya ang makapagbabayad ng ating mga kasalanan. Sa katunayan, sinabi ng Biblia na ang lahat ng ating mabubuting gawa ay parang maduming basahan dahil kahit anong bagay ang gawin natin, tayo ay madungis pa rin at ang ating mga gawa ay madumi pa rin. (Isaias 64:6).

Ang MAGANDANG BALITA ay binayaran na ni Jesus ang ating mga kasalanan at ang kaligtasan ay isang handog o regalo sa atin ng Pangninoon. Ngunit ang handog na ito ay iyo lamang makakamit kapag TINANGGAP MO ITO!

· Basahin ang Juan 1:12. sino lamang ang anak ng Diyos? _____________________________________

· Basahin ang 1 Juan 5:11-12. sino lamang ang may buhay na walang hanggan? _____________________ _________________________ At sino ang mga taong walang buhay na walang hanggan? ______________ ___________________________________________.

· Tinanggap mo na ba si Jesus sa iyong panalangin? Kung hindi pa ay kinakailangan mong:

Maunawaan na hindi ka makakapunta sa langit sa sariling kakayahan mo lamang, at si Jesus ang siyang tanging daan; Magsisi sa iyong mga kasalanan; Anyayahan ninyo siyang pumasok sa inyong puso at mamuno bilang Diyos at Panginoon.

· Gusto mo bang “tanggapin si Jesus” ngayon? Manalangin tayo.

Panginoong Jesus kailangan kita. Tinatanggap ko na ako’y makasalanan at nararapat lamang na mapunta sa impiyerno. Salamat sa iyong pagkamatay sa krus upang mabayaran ang aking mga kasalanan. Pinagsisisihan kong lahat ang aking mga kasalanan at hinihiling na sana’y patawarin mo ako at linisin muli sa aking mga naging pagkakamali. Binubuksan ko ngayon ang pintuan ng aking puso at inaanyayahan kitang pumasok at sakupin ng buo ang aking buhay. Salamat sa iyong kapatawaran. Salamat sa paghahandog mo sa akin ng buhay na walang hanggan. Hinihiling ko sa iyo ngayon na gawin mo akong tulad ng nais mong mangyari sa akin. Amen.

· Dinasal mo ba ang panalanging iyon? Kung oo, nasaan ngayon si Jesus? _______________ Basahin ang Juan 5:11 & 12. sinasabi ba rito na “umaasang magkaroon ng buhay na walang hanggan” kapag ikaw ay namatay? ________________________________ ______________________________________________________________________________________

MGA GAWA

1. SAKSI : sabihan ang iyong mga kasapi na magsama ng

isang mahal sa buhay, kaibigan o kapitbahay sa

susunod na pagkikita.

2. URI NG PAGDADARASAL: humingi ng mga “prayer

requests” sa inyong mga kasamahan at magtapos sa

pamamagitan ng pagdarasal kung saan ay kasama

ninyong ipagdarasal ang mga “prayer requests” na ito.

MABUHAY:

1. Ano ang pinakamasamang bagyo na nasaksihan mo sa iyong buhay?

2. Anong bahagi ng inyong buhay ang gusto mong balik-balikan? Bakit?

3. maaaring hindi ko na______________, ngunit alam kong ito’y magiging masaya kung sakaling ito’y magawa ko man.

SALITA:

Intro:

Ang pananamplataya ay isang bagay na ating isinasagawa araw-araw. Tuwing ikaw ay umiinom ng gamot, inilalagay mo ang iyong pananamplataya sa kompanya na gumawa ng gamot na iyon. Tuwing ikaw ay sumasakay ng taxi, ibinibigay mo ang iyong pananampalataya sa taxi driver na inaasahan mong magdadala sa iyo sa lugar na nais mong marating. Noong ikaw ay tinanggap sa iyong pinaglilingkuran bilang isang empleyado, ibinigay mo ang iyong pananampalataya sa kompanyang tumanggap sa iyo na ikaw ay mababayaran pagkalipas ng 15 araw.

Ano ang puntong pinahihiwatig sa paglalarawang ito? Ang ibig ipahiwatig nito ay ang pananalig ng isang tao ay laging may pinagbabasihan. Lalo lamang itong nagiging totoo kapag ang pinag-uusapan ay tungkol sa kaligtasan ng pananampalataya, at kung saan nakasalalay dito ang kaligtasan ng isang tao.

I. ANG KAHALAGAHAN NG PANANAMPALATAYA

1. bakit mahalaga ang pananampalataya base sa nakasaad sa Hebreo 11:6? _____________________ ______________________________________________________________________________________

· Maaari ba tayong mag-alay sa Diyos ngunit ito ay hindi maging kalugod-lugod sa kanya? _________ ________________________________________________________________________________

· Gusto mo bang maging kalugod-lugod sa Diyos?

________________________________________________________________________________

· Sinu-sino ang gusto mong bigyang lugod sa iyong buhay? Ang ibang tao, ang iyong sarili, o ang Diyos?

________________________________________________________________________________

· Ano ang kailangan natin upang maging kalugud-lugod sa Diyos? ___________________________

2. Bakit mahalaga ang pananampalataya base sa nakasulat sa Roma 5:1? _______________________ ___________________________________________

· Ano ang ibig sabihin ng “inaring ganap”? _______ ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

3. Bakit mahalaga ang pananampalataya base sa nakasulat sa Efeso 2:8-9? ______________________ ___________________________________________

· Ano ang ibig sabihin ng “kaligtasan sa mananampalataya”? _______________________ ________________________________________________________________________________

4. Anong bagay ang tinutukoy sa “kaligtasan sa mananampalataya” base sa nakasulat sa Roma 10:17? _____________________________________

· Saan nanggagaling ang “kaligtasan sa mananampalataya”?________________________ ________________________________________

Ngayon naman ay tingnan natin ang sinasabi tungkol sa kaligtasan sa mananampalataya ayon sa nakasulat sa Biblia.

II. PAGLALARAWAN SA PANANAMPALATAYA

· Sa Hebreo 11:7 si Noe ay naging kalugod-lugod sa Diyos dahil sa kanyang pananampalataya. Tingnan natin ng mas mabuti ang kanyang buhay sa Genesis 6 hanggang 8:

· Paano inilalarawan si Noe sa Genesis 6:9? ________ _________________________________________________________________________________________________________________________________

· Ano ang kalagayan ng mundo noong panahon niya?(11-12) _________________________________ ______________________________________________________________________________________

Sa isang “privilege speech” sa senado, sinabi ni senador Tatad ang bagay na ito tungkol sa ating sambayanan: “ang sambayanan ay mayroong karamdaman, tayong lahat ay nagiging mapanganib at walang kinikilalang batas... ang ating krises ay krises ng imoralidad. Lumisan na sa atin ang pagiging makatarungan – ang pagiging wasto sa kung ano ang tama at mali” pagkatapos nito ay nagpahayag siya ng sari-saring mga pangyayari at ebidensiya tungkol sa paglabag sa batas ng taong bayan mula sa pandudura sa kalsada, pag-ihi sa kalye, pagkakalat ng basura kung saan man nito maibigan, pagbibgay ng suhol, pag-iiskuwater, pang-aabuso sa mga kababaihan, kabataan, at polusiyon sa kapaligiran. Sa kanyang pagbibigay-buod sinabi niya na: “ang ating sambayanan ay nalululong na hanggang sa kaibuturan...sa haba ng panahon na lumipas tayo ay patuloy na nabubuhay sa isang makasalanang kultura, makasalanang kasaysayan, at makasalanang pamumulitika.

· Ano ang sinabi ng Diyos kay Noe sa T. 13? ________ ______________________________________________________________________________________

· Paano Niya ito wawasakin?(17) __________________ ___________________________________________.

· Anu-ano ang mga naging tagubilin ng Diyos kay Noe? _________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

· Ang mga kautusan bang ito ng Diyos kay Noe ay makabuluhan? Bakit o bakit hindi? _______________ ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

· Paano ito tinugunan ni Noe?(22) _________________ ______________________________________________________________________________________

· Pansinin din kung ilang ulit binanggit ang salitang: “sinabi ng Diyos kay Noe...” at “ginawa ni Noe” (7:1, 5, 9, 16, / 8:15, 18)

· Gaano katagal inabot si Noe bago niya natapos ang daong? ___________________________

· Ano ang ginawa niya habang tinatayo ang daong? (1 Pedro 3:19, 20; 2 Pedro 2:5) ____________________ ___________________________________________

· Ano sa palagay mo ang naging tingin ng mga kapitbahay at kaibigan ni Noe sa kanya? __________ ___________________________________________

· Ano ang pinapatunayan ng mga talatang ito tungkol kay Noe? ___________________________________ ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

· Ano ang gustong ibahagi sa atin ng araling ito tungkol sa “kaligtasan ng mananampalataya”? ____________ _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

· Ano ang pinakamahalagang elemento sa pananampalataya?____________________________ ___________________________________________

Pagpapaliwanag ng halimbawa:

Isang mama na tumitimbang ng 200 lbs., ay mayroong malaking pananalig na ang nagyelong tubig ng lawa ay makakayanan siyang hawakan, subalit nang tinapakan niya iyon, natumba siya at tuluyang nalaglag sa tubig. Ang pinagbasihan ng kanyang pananalig ( ang yelong manipis pa ang pagkatigas) ay hindi gaanong maaasahan kahit ang kanyang pananampalataya rito ay “MALAKI”.

Isa namang lalaking nagmula sa Canada ay may maliit na pananalig sa yelong tumigas sa lawa, at hindi siya naniniwala na makakayanang hawakan nito ang kanyang sasakyan na dala-dala sa oras na itawid niya ito roon. Ngunit sa kanyang pagtawid, nakita niyang nakayanan ng yelong tumigas ang kanyang sasakyan sapagkat ito ay makapal na sa ilalim, bagamat ang kanyang pananampalataya rito ay hindi gaano.

Ang ating pananampalataya ay kinakailangang may pinagbabasihan o adhikain. Ano ba ang iyong pinagkakatiwalaan? Kung inilalagay mo ang iyong tiwala sa isang bagay na maaasahan, sa gayon ang iyong pananampalataya ay magaganap ano man ang laki o liit nito.

· Ano ang sabi ng Diyos na mangyayari sa mga taong hindi makakapasok sa daong? (Gen. 6:17) _________ ___________________________________________

· Ano ang nangyari sa mga taong hindi nakinig sa babala ng Diyos sa pamamagitan ni Noe? (Gen. 7:17-24) ________________________________________ ___________________________________________

· Bakit kinakailangan nating matuto sa karanasan ni Noe? ______________________________________ ______________________________________________________________________________________

· Paano mo susumahin ang mga tampok na talakayin sa araling ito?

1. ________________________________________________________________________________

2. ________________________________________________________________________________

3. ________________________________________________________________________________

PAGTATAPOS:

· Ano ang gusto ng Diyos na gawin natin? (2 Corinto 13:5) _______________________________________ ___________________________________________

· Paano mo malalaman kung ikaw ay may pananampalataya sa kanya? (5) _________________ ___________________________________________

· Paano mo malalaman kung si Jesus nga ay nasa iyong kalooban? O anu-anong mga katibayan ang mayroon ka na nagpapakita na siya ay nasa kalooban mo?

1. mayroon ka bang pagnanais na maging kalugod-lugod sa paningin ng Diyos?

2. ikaw ba ay uhaw sa salita ng Diyos?

3. buong puso ma bang hinahangad na sundin ang lahat ng utos ng Diyos?

4. ang Diyos lamang ba at hindi ang kung ano pa man ang tanging nilalaman o bagay ng iyong pananampalataya?

MGA GAWA

1. Bigkasin ang Efeso 2:8-9. tumawag ng isang volunteer para basahin ang lahat ng mga talata.

2. TAKDANG ARALIN: “memoryahin ang 1 Juan 1:6-7. gawing personal – gamitin ang salitang “I”, “me”, “my”. Pagnilay-nilayan ang mga ito gabi-gabi bago ka matulog kasama ang Juan 3:16, Awit 119:105 at Juan 14:6. bigkasin ang mga ito ng malakas pagkagising tuwing umaga.”

3. TURUAN SILA KUNG PAANO MAGDASAL

Sabihan ang iyong grupo na bawat isa sa inyo ay magdarasal ng dalawang pangungusap na dasalin. Ang unang pangungusap ay dapat nakatuon sa Diyos at ang isa naman ay ang iyong petisiyon. Bilang kanilang cell servant, kailangang simulan mo at maging halimbawa ka sa uri ng pagdarasal. gawin ito ng paikot. Pagkatpos na makapagdasal ang lahat, magtapos sa pamamagitan ng isang pasasalamat.

MABUHAY:

Pumili ng isang tanong na pang “ice breaker”.

a. Anong bahagi ng Pilipinas ang iyong gustong puntahan sakaling mabigyan ka ng pagkakataon?

b. Kung sakaling ang iyong talambuhay ay isapelikula, sino ang gusto mong gumanap sa katauhan mo?

c. Ano ang bagay na higit na ikinagagalit mo?

SALITA:

Intro:

Tuwing may makikilala kang tao na nagsasabi sa iyong tinanggap na niya si Jesus bilang kanyang Panginoon at tagapagligtas, at siya ay anak ng Diyos at nakasisiguro sa buhay na walang hanggan, subalit siya ay, halimbawa ay nakikipag-live-in sa isang tao ng hindi kasal, o di kaya ay walang interes sa pagbabasa ng Biblia at hindi sumasamba na kasama ng ibang mananampalataya, ano ang pumapasok sa iyong isipan? Sa palagay mo ba ang taong iyon ay tunay nga na kristiyano?

Ang sagot dito ay hindi tayo nakasisiguro sapagkat ang mga kristiyano ay may kakayahan pa ring magkasala. Subalit kung ang gawaing ito ay nagpatuloy na parang wala siyang halaga sa paggawa o hindi ng kasalanan, makasisiguro ka na hindi kilala ng taong ito ang Panginoon.

Ang katunayan ay—maraming nagsasabi na sila ay mga kristiyano subalit sa katotohanan sila’y hindi naman pala. Sila’y NAGPAPANGGAP lamang na kristiyano. Ang Panginoong Jesus mismo ang siyang nagsasabi sa atin nito. Basahin ang Mateo 7:21-23.

I. ANG DI-TUNAY KRISTIYANO

A. Sinu-sino ang mga taong nagsasabing kilala nila ang Panginoon subalit hindi sila pahihintulutang makapasok sa langit sa T. 21? _____________

____________________________________________________________________________

· ano ang problema ng ganitong klaseng mga tao ayon sa T. 21b (tingnan din ang Lucas 6:46)? ________________________________________

· Basahin ang Mateo 25:1-13. ano ang sinabi ng limang birheng hangal sa lalaking ikakasal sa T. 11? ____________________________________

· Ano naman ang sinabi ng lalaking ikakasal sa kanila? (T.12) ____________________________

· Bakit sila itinakwil?(T. 3) ____________________ ________________________________________

· Paano inilarawan ni Jesus ang utusan na hindi handa sa Mateo 24:48-51? __________________ ________________________________________

B. Paano pa inilarawan ni Jesus ang mga palsipikadong kristiyano? __________________ ____________________________________________________________________________

· Anu-ano ang kanilang mga ginawa? ___________ ________________________________________ ________________________________________________________________________________________________________________________

· Ano ang tinawag sa kanila ni Jesus? (T. 23) _____ ________________________________________

· Ano ang pananaw ng Diyos sa kanilang mga gawain? _________________________________

· Bakit? __________________________________ ________________________________________

C. Basahin ang Lucas 13:24-26. paano pa inilarawan ni Jesus ang mga di-totoong kristiyano? _____________________________ __________________________________________________________________________________________________________________

· Sinu-sino ang mga ito? ____________________ ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

D. paano pa inilarawan ni Jesus ang mga palsipikadong kristiyano? (T. 26b)

________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

· sino sila? _______________________________ ______________________________________________________________________________

· Ano ang tinawag sa kanila ni Jesus? _________ _______________________________________

II. ANG KATIBAYAN NG PAGIGING KRISTIYANO

· Basahin ang Lucas 3:7-14. bakit nagpupunta ang karamihang tao kay Juan Bautismo? (T.7) ______________________________________________________________________________

· Bakit hindi maganda ang pakikitungo sa kanila ni Juan Bautismo, at tinawag silang mga ‘lahi ng mga ulupong’? __________________________ ______________________________________________________________________________

· Ano ang inaasahan nilang magliligtas sa kanila? _____________________________________________________________________________________________________________________

· Inaakala ng karamihan na ang karanasan sa pagbabautismo at ang pagiging mga Judio, (“mga pili ng Panginoon”) ang siyang magpapahintulot sa kanila na makapasok sa kaharian ng Diyos. Sa panahong ito, anu-anong mga bagay na sintulad sa mga pangyayaring iyon ang inaasahan ng mga tao na magpapahintulot sa kanilang makapunta sa langit? _________________________________ _____________________________________________________________________________________________________________________

· Ano ang sinabi ni Juan Bautismo na kailangan nila sa kanilang buhay?____________________ _______________________________________

· Ano ang pagsisisi? Sabi sa diksiyonaryo: ______________________________________________________________________________

· Ito ba’y isang magandang paghahayag o paghahalimbawa ng pagsisisi? Ano ang naging pakiramdam ni Judas pagkatapos niyang pagtaksilan si Jesus? (Mateo 27:3-5)_________ _______________________________________

· Ano ang kanyang ginawa upang ituwid ang nagawang kasalanan? ____________________ _____________________________________________________________________________________________________________________

Masasabi mo bang ito’y isang magandang halimbawa ng tunay na pagsisisi? Bakit o bakit hindi?

Pagsisisi o (repentance) – ang ‘pagsisisi’ ay nanggaling sa salitang Griyego na METANOIA, na isang tambalan ng salitang META [pagkatapos] + NOEO [alamin]. Sa literal na pagsalin ang ibig sabihin nito ay – “pagkatapos alamin” o ang pagbabago ng kaisipan bunga ng pagkatpos alamin ang kanyang kasalanan.

Mataos na pagsisisi o (remorse) – sa kabilang dako naman ay METAMELLOMAI, na pagdudugtong ng salitang META [pagkatapos] + MELLOMAI [alagaan ang sarili]. Samakatuwid, ang ibig sabihin nito ay alagaan ang sarili dahil sa bunga ng pagkakasala.

Samantalang,

Ang ibig sabihin ng pagsisisi o (repentance) – ay pagtalikod bunga ng pagbabago ng kalooban.

Ang mataos na pagsisisi o (remorse) – ay walang iba kundi isang makasariling pagkaroon ng takot dahil sa kasalanang nagawa subalit walang pagbabago ng kalooban.

· Maaari ka bang mag-isip ng isang halimbawa ng mataos na pagsisisi o remorse?

1. ________________________________________________________________________________________________________________________

2. ________________________________________________________________________________________________________________________

· Paano nagaganap ang tunay na pagsisisi? _________ _________________________________________________________________________________________________________________________________

· Ano naman ang ibig sabihin ng “ang makamundong pagsisisi ay magdudulot ng kamatayan”? __________ _________________________________________________________________________________________________________________________________

Samakatuwid ang pagsisisi o repentance ay maaaring bigyang kahulugan na:

Isang layunin sa pagpapasiyang

LUMAYO SA KASALANAN +

PAGSIKAPANG MATAMO ANG

KABANALAN

· Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng “apoy” sa T.9? ___________________________________________

· Sino ang mga tinutukoy ng, “bawat punungkahoy na di mabuti ang bunga”? ___________________________ ___________________________________________

· Ano ang mangyayari sa kanila? __________________

· Anu-anong mga katibayan ang sinasabi ni Juan na dapat na makita sa pamumuhay ng isang tao na magpapatotoo na siya ay nagsisisi sa kanyang mga kasalanan? _________________________________ ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

· Anu-anong mga gawain ayon kay apostol Pablo ang nagpapatibay sa uri ng pamumuhay ng mga tao na hindi tatanggapin sa kaharian ng Diyos? (1Corinto 6:9-10).

· Ano ang ibig sabihin ni Pablo noong sinabi niya na “at ganyan ang mga ilan sa inyo noon”? ang mga kasalanang iyon ay nakalipas na.

PAGGAMIT:

1. Anu-anong mga pagbabago sa buhay ang naranasan mo na simula nang tinanggap mo ang Panginoon?

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

2. Isulat ang mga bahagi ng iyong buhay na sa palagay mo ay kailangang sumailalim sa patnubay ni Jesu-Cristo. [iligay ang inisyal ng mga kasalanan at mga kahinaan.]

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

PAGTATAPOS:

· Kung tinanggap mo na si Jesus bilang iyong tagapagligtas at Panginoon, ngunit patuloy ka pa ring nabubuhay sa kasalanan, kailangan mong talikuran ang buhay na ito at pagsikapang matamo ang kabanalan. Kailangan mong pagsisihan at humingi ng kapatawaran sa iyong mga kasalanan.

“kaya’t huwag ninyong paghariin ang kasalanan sa inyong katawang may kamatayan, upang masunod ang mga pagnanasa nito. At huwag din ninyong ihandog ang mga bahagi ng inyong katawan sa kasalanan bilang kasangkapan ng kasamaan tungo sa kasalanan, kundi ihandog ninyo ang inyong sarili sa Diyos, na tulad sa mga buhay mula sa mga patay, at ang mga bahagi ng inyong katawan bilang kasangkapan ng pagiging matuwid tungo sa Diyos.” (Roma 6:12,13)

· Subalit kung hindi mo pa tinanggap si Jesus, ang sabi ng Biblia:

“hindi niya ibig na sinuman ay mapahamak, kundi ang lahat ay dumating sa pagsisisi.”

Kailangan mong pagsisishan ang iyong mga kasalanan at tanggapin si Jesus at ang kanyang handog na buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng pananampalataya.

Pahayag 3:20

“Makinig ka! Ako’y nakatayo sa may pintuan at tumutuktok; kung diringgin ng sinuman ang aking tinig at buksan ang pinto, ako’y papasok sa kanya...”

· Anong pintuan ang tinutukoy dito ni Jesus?

· Ano ang hinihingi niyang gawin ninyo?

· Ano ang pangako ni Jesus sa inyo kapag binuksan ang pintuan?

· Magsisinungaling ba siya sa inyo?

(kung kinakailangan, magtapos sa isang panalangin para sa makasalanan)

MGA GAWA

1. Bigkasin ang 1 Juan 1:6-7 at tingnang muli ang Efeso 2:8-9. sabihin sa mga kasapi na humanap ng katambal at sila’y magsalitan sa pagbigkas ng mga talatang naksulat sa itaas sa bawat isa.

2. Takdang-aralin:

Memoryahin ang 1 Juan 5:11-13. kasama ng mga nakaraang talata, pagnilay-nilayan tuwing umaga at tuwing gabi. Ano ang pinakamalaking pagsisinungaling na sinabi mo sa iyong buhay?

3. Sabihan ang iyong grupo na bawat isa sa inyo ay magdarasal ng dalawang pangungusap na dasalin. Ang unang pangungusap ay dapat nakatuon sa Diyos at ang isa naman ay ang iyong petisiyon. Bilang kanilang cell servant, kailangang simulan mo at maging halimbawa ka sa uri ng pagdarasal. gawin ito ng paikot. Pagkatpos na makapagdasal ang lahat, magtapos sa pamamagitan ng isang pasasalamat.

Isulat sa isang malinis na papel o whiteboard ang mga salitang “LAYUNIN NG DIYOS” gaya ng nasa Figure 1

PAGSISIMULA

NG INYONG PAGKAROON NG

PAKIKIPAG-UGNAYAN

SA DIYOS

1

2

“Ang paliwanag ni Jesus tungkol sa “Born Again”

ITINAAS NI MOISES ANG AHAS ITINAAS SI JESUS SA KRUS

PROBLEMA? : ang lason ng ahas LASON NG ESPIRITU? kasalanan

ILAN BESES KAILANGAN ILANG BESES KAILANGAN

MATUKLAW? : ISA MAGKASALA? : ISA

(Santiago 2:10)

ANO ANG HATOL? : Kamatayan pangalawang kamatayan

SOLUSYON? : tumingin sa ahas maniwala kay Jesus

SINO ANG GUMAWA

NG SOLUSYON? : DIYOS DIYOS

MAY KABULUHAN BA ITO

SA PANG-UNAWA

NG TAO?: walang wala

batayang

pang-siyentipiko

KAILANGAN BANG GUMAWA NG

MABUBUTING BAGAY? : HINDI HINDI (Efeso 2:8-9)

BAHAGI NG DIYOS ? : alisin ang lason bayaran/ patawarin ang kasalanan

BAHAGI NG TAO ? : aminin na siya’y aminin na siya’y

makasalanan(T.7) makasalanan (Lucas 18-maniningil

ng buwis)

Magtiwala sa Solusyon ng Diyos (v.9) Magtiwala sa Solusyon ng Diyos

3

Binabanggit ni Jesus ang Luma at Bagong Tipan sa T. 16. “ang kautusan at mga propeta ay hanggang kay Juan” = LT; ang magandang balita ng kaharian ng Diyos ay ipinangangaral” = simula ng B.T. ang ministeryo ni Juan Bautismo ay ang linyang namamagitan sa Luma at Bagong Tipan.

4

KALIGTASAN SA MANANAMPALATAYA

TALATANG PANG-MEMORYA

EFESO 2:8-9

PAGSISISI

5

TALATANG PANG-MEMORYA

1 JUAN 1:6-7