VOLUME 2 ISSUE NUMBER 1 BLI 1 - mmpm.newsmmpm.news/wp-content/uploads/2017/09/MMPM-Vol-2... ·...

6

Transcript of VOLUME 2 ISSUE NUMBER 1 BLI 1 - mmpm.newsmmpm.news/wp-content/uploads/2017/09/MMPM-Vol-2... ·...

Page 1: VOLUME 2 ISSUE NUMBER 1 BLI 1 - mmpm.newsmmpm.news/wp-content/uploads/2017/09/MMPM-Vol-2... · populasyon, magandang lokasyon at teknolohiya sa rehiyon, magkakaroon ng mas ... ng

1BALITAVOLUME 2 ISSUE NUMBER 1

Page 2: VOLUME 2 ISSUE NUMBER 1 BLI 1 - mmpm.newsmmpm.news/wp-content/uploads/2017/09/MMPM-Vol-2... · populasyon, magandang lokasyon at teknolohiya sa rehiyon, magkakaroon ng mas ... ng

SETYEMBRE 1-15, 2016

2 3BALITA BALITAVOLUME 2 ISSUE NUMBER 1 VOLUME 2 ISSUE NUMBER 1

BIMP-EAGA upang matututukan ang pagpapayabong ng trade, investment at tourism sa focus areas sa rehiyon.

Malayo man ang mga lugar sa sentro ng mga bansang kasapi sa BIMP-EAGA, malaki ang potensiyal nito dahil magkakalapit naman ang mga ito sa isa’t isa. Sa rehiyon pang ito matatagpuan ang pinakamayamang kalikasan sa buong mundo.

APAT NA STRATEGIC PILLARSMay apat na strategic pillars o sandalang haligi na

binibigyang-pansin ang BIMP-EAGA; ang enhanced connectivity, food basket strategy, tourism development at environment.

1. Enhanced Connectivity Layunin ng haliging ito na pabilisin ang pagkilos ng

mga produkto, serbisyo at tao habang tinitiyak na magka-karoon ng nararapat na pisikal na imprastruktura, pagpa-paunlad ng power interconnection at renewable energy, pagpapahusay ng pasilidad at serbisyong ICT at pagpapa-tibay ng kalakalan sa rehiyon. Ito ay upang magkaroon ng “land, sea and air connectivity” sa BIMP-EAGA.

2. Food Basket StrategyNabuo ang istratehiyang ito upang makasabay ang fo-

cus areas sa capital cities ng bawat bansang kasapi. Han-gad din ng istratehiyang ito na mas mapakinabangan ang likas na yaman na siya namang makatutulong para maib-san ang kahirapan at para magkaroon ng food security sa sub-region.

3. Pag-unlad ng TurismoPrayoridad din ng BIMP-EAGA ang pagpapaunlad

ng community-based ecotourism (CBET) para mapan-galagaan ang natural at cultural resources ng sub-region na siya namang makakatulong sa mga bansang kasapi na sumabay sa pag-unlad ng mga kalapit na lugar.

4. KalikasanLayunin ng mga bansang kasapi na magkaroon ng

sustainable development o tuluyang pag-unlad at para makamtan ito, nais nilang tiyakin ang proteksyon at ta-mang pamamahala ng likas na yaman at ang biodiversity sa rehiyon sa pamamagitan ng mga programa at initiative na makakabuti sa kalikasan. Dani Mei Manuel

BIMP-EAGA: ANG HULING TANGGULAN

NG SOUTHEAST ASIA

KASABAY ng pagiging chairman ng 50th founding anniversary ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), magig-

ing tagapangulo rin ang Pilipinas ng Brunei Darus-salam-Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA) ngayong 2017.

Pormal na tinanggap ng bansa ang chairmanship noong Nobyembre ng nakaraang taon sa ginanap na 25th Senior Officials meeting (SOM) ng BIMP-EAGA sa Princesa Garden Island Resort and Spa sa Puerto Princesa, Palawan. Tinalakay ang mga programa at proyekto ng BIMP-EAGA Vision (BEV) 2025 na na-katutok sa layunin ng Resilient, Inclusive, Sustainable and Economically Competitive (RISE) BIMP-EAGA pagsapit ng 2025. Nakaangkla ito sa ASEAN 2025 roadmap na may layuning “Forging Ahead Togeth-er.” Magiging mahalaga ang papel ng Pilipinas bilang chairman dahil magsisimula ang pagpapatupad ng BEV 2025 ngayong taon.

ANG REHIYON NG BIMP-EAGANagsimula ang usapin ng pagbubuo sa BIMP-EA-

GA noong 1992 dahil sa inisyatiba ni dating Pangu-long Fidel Ramos at sa pakikipag-usap niya sa mga matataas na opisyal ng mga bansang kalauna’y naging kasapi ng organisasyong ito.

Itinatag ang BIMP-EAGA noong Marso 24, 1994 sa Davao City sa Mindanao upang mapaunlad ang ekonomiya sa mga piling lugar sa apat na miyembrong bansa partikular na ang Sultanato ng Brunei Darus-salam; ang siyam na probinsiya sa Kalimatan, Sulawesi at ang mga isla ng Maluku at Papua sa Indonesia; ang mga federal state ng Sabah at Sarawak, at ang federal territory ng Labuan sa Malaysia; ang 26 na probinsiya sa Mindanao at ang probinsiya ng Palawan sa Pilipi-nas.

Ayon sa website ng Mindanao Development Au-thority, sakop ng BIMP-EAGA ang 70 milyong pop-ulasyon at ang land area na 1.54 million square kilo-meters. Bagaman at itinuturing daw ang lugar bilang “Southeast Asia’s last frontier,” hindi ito kasing-unlad ng iba pang mga lugar sa rehiyon. Kaya itinatag ang

2 3

Page 3: VOLUME 2 ISSUE NUMBER 1 BLI 1 - mmpm.newsmmpm.news/wp-content/uploads/2017/09/MMPM-Vol-2... · populasyon, magandang lokasyon at teknolohiya sa rehiyon, magkakaroon ng mas ... ng

SETYEMBRE 1-15, 2016

4 5BALITA BALITAVOLUME 2 ISSUE NUMBER 1 VOLUME 2 ISSUE NUMBER 1

PEOPLE MOBILITY

MASTERPLAN: PARA SA ‘ASEAN CONNECTIVITY

2025’

MAGIGING makasaysayan ang taong 2017 para sa Pilipinas. Bukod kasi sa pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng

Association of Southeast Asian Nations o ASEAN, magiging tagapangulo rin ang Pilipinas sa pagda-raos ng golden jubilee anniversary ng pagkatatag ng nasabing organisasyon.

Bilang isa sa limang founding members ng ASEAN, naging kaagapay ang Pilipinas sa loob ng limang dekada sa hangarin ng organisasyong magkaroon ng “collective will of the nations of Southeast Asia to bind themselves together in friendship and cooperation and, through joint efforts and sacrifices, secure for their peoples and for posterity the blessings of peace, freedom and prosperity.”

Sa patuloy na paghahangad na magkaroon ng

“One Vision, One Identity, One Community” para sa rehiyon, napagkasunduan sa ASEAN summit na ginanap sa Vientiane, Laos noong Setyembre noong nakaraang taon ang Master Plan on ASEAN Connectivity 2025 (MPAC 2025). Nais ng ASEAN Connectivity 2025 na magkaroon ng maaliwalas at katangi-tanging ugnayan sa pagbubuklod na mag-papatingkad sa paligsahan, pagkakaisa at dakilang sustansiya ng pagkakomunidad.

Upang makamtan ito, bibigyang atensyon ang li-mang strategic areas sa rehiyon; ang sustainable in-frastructure, digital innovation, seamless logistics, regulatory excellence at people mobility. Sinun-dan ng MPAC 2025 ang naunang Master Plan on ASEAN Connectivity noong 2010 kaya ang ilang pinasimulan sa MPAC 2010 ay sinuri at inilahok sa MPAC 2025.

Dani Mei Manuel

Para masuportahan ang pag-unlad sa rehiyon, kailangang ng ASEAN ng humigit-kumulang na $110 bilyon na halaga ng infrastructure investment kada taon. Dahil dito, layunin ng MPAC 2025 na magamit ang kasalukuyang mapagkukunan ng yaman para masuportahan ang infrastructure projects sa ASEAN. Matutulungan ang mga investor na makakuha ng mga oportunidad sa pagpalago ng imprastruktura sa pamamagitan ng project preparation, infra-structure productivity at capability building.

Kasama rin sa istratehiyang ito ang palitan ng kaalaman hinggil sa “smart urbanisation models” sa ASEAN Member States para maitaguyod ang paglago ng ekonomiya at ang pag-angat ng kalidad ng pamumuhay.

SUSTAINABLE INFRASTRUCTURE

Aabot sa $625 bilyon ang halaga ng digital technologies sa ASEAN pagsapit ng taong 2030 bilang resulta ng pagpapayabong ng kahusay-an at pagpapaunlad ng makabagong produkto at serbisyo sa rehiyon. Bilang tugon sa pag-unlad ng digital innovation, kinakailangang magka-roon ng regulatory framework sa pagbibigay ng digital services; pagsu-porta sa pagpapalitan ng kaalaman at kasanayan hinggil sa open data; at ang pagbibigay sa mga micro, small at medium enterprises (MSMEs) ng kakayahan para magkaroon ng access sa makabagong teknolohiya.

DIGITAL INNOVATION

Magkakaroon ng logistics competitiveness para makamit ang Asean Con-nectivity. Kung mapapahusay ang logistics, magiging mas madali ang palitan ng mga produkto sa ASEAN community na magreresulta sa mas maraming oportunidad para makapagnegosyo ang ASEAN citizens.

Bagaman at hindi nakamit ang orihinal na plano noong MPAC 2010 para sa mas mahusay na logistics efficiency, naniniwala pa rin ang ASEAN na makakamit ito sa pamamagitan ng MPAC 2025. Kasama sa bagong layunin na mapabilis ang tagal ng proseso at mapabuti ang transportasyon sa rehiyon. Layunin ding mapaigting ang koordinasyon sa pagitan ng mga pamahalaang miyembro ng ASEAN. Kailangan ding gumawa ng paraan para masuportahan ang kasunduan ukol sa logistics firms, academic institutions at ASEAN Mem-ber States para mapaunlad ang supply chains sa rehiyon.

Iminumungkahi rin ng MPAC 2025 na magkaroon ng palitan ng impor-masyon hinggil dito at ang pagbibigay ng atensyon sa mga isyung kinaka-harap ng mahahalagang trade routes sa ASEAN.

SEAMLESS LOGISTICS

Malaki na ang ibinaba ng tariff sa ASEAN Member States kaya nagbe-nepisyo ito sa mga konsyumer sa rehiyon.

Ngunit kailangan pa rin ang good regulatory practice (GRP) sa prepa-rasyon, adoption, at implementasyon ng mga patakaran, regulasyon at pamamaraan sa rehiyon. Layon ng MPAC 2025 na tutukan ang stan-dards harmonisation, mutual recognition at technical regulations, mag-ing ang trade-distorting non-tariff measures para magkamit ang regula-tory excellence.

REGULATORY EXCELLENCE

Maaaring umabot sa 150 milyon ang bilang ng mga turista galing sa labas ng ASE-AN sa 2025. Kaya inalis ang travel restrictions ng mga ASEAN nationals sa rehiyon.

Ngunit may iuunlad pa ang mobility sa ASEAN. Kaya tututukan ng MPAC 2025 ang pagbibigay ng komprehensibong impormasyon tungkol sa travel options at ang pag-ii-sip ng mga paraan upang mapadali ang visa application process sa rehiyon.

Layunin din na mas mapaigting pa ang skills mobility sa ASEAN region kaya bubuo ng isang qualification framework sa vocational occupations na susundin ng ASEAN Member States para sa “greater mobility” sa pagitan ng ASEAN university students.

Kung matutupad ang MPAC 2025 at kung magagamit nang wasto ang batang populasyon, magandang lokasyon at teknolohiya sa rehiyon, magkakaroon ng mas maraming oportunidad para sa ASEAN citizens, lalo na pagdating sa ekonomiya at edukasyon. Sa pamamagitan ng pagkakaisa ng ASEAN bilang isang nasyon, makaka-mit ang hangaring magkaroon ng mas malakas at mas maunlad na rehiyon.4

Page 4: VOLUME 2 ISSUE NUMBER 1 BLI 1 - mmpm.newsmmpm.news/wp-content/uploads/2017/09/MMPM-Vol-2... · populasyon, magandang lokasyon at teknolohiya sa rehiyon, magkakaroon ng mas ... ng

SETYEMBRE 1-15, 2016

6 7BALITA BALITAVOLUME 2 ISSUE NUMBER 1 VOLUME 2 ISSUE NUMBER 1

INIHAYAG ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na ang ASEAN 2017 ay opisyal na ilulunsad sa Davao SMX Convention

Center ngayong Enero 15, 2017. Dadalo sa event si Pangulong Rodrigo maging ang kanyang mga Cabinet officials at miyembro ng diplomatic community.

Ayon kay Sec. Andanar, ang pagdaraos ng ASEAN ngayong taon ay magkakaroon ng anim na “thematic priorities” kabilang ang mga sumusunod:

• people-oriented and people-centered region na sasakop sa health, nutrition and social protection for vulnerable sectors

• peace and stability, particularly fighting illegal drugs and terrorism

• maritime security and cooperation• inclusive growth including promoting

entrepreneurship• resilient ASEAN including efforts to make the

region resilient to climate change and disasters• ASEAN as a global player and model of

regionalism. Ang Presidential Communications Operations

Office ay magsasagawa ng mga road shows and seminars sa buong bansa upang magpakalat ng impormasyon sa publiko ukol sa ASEAN.

Ayon sa Kalihim, “Our insights is that while 81 percent of ASEAN citizens have heard of the ASEAN, only 24 percent have a basic understanding of what it is and its purpose. This is alarming because every citizen benefits from this regional organization.”

Dagdag pa niya, “It is the vision of PCOO that every Filipino will know how ASEAN has benefitted them. We created a campaign that speaks to everyone from all walks of life, from government workers, media, NGOs [non-government organizations], civil society, the academe, business sector, the youth, and even the grassroots

VOLUME 2 ISSUE NUMBER 1 COPYRIGHT 2017 © PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OFFICE

‘WALANG MAIIWANG FILIPINO SA ASEAN’—

communities.” Sinabi rin ng Kalihim na may mga representatives mula

sa PCOO na mamamahagi ng newspaper ay iba pang reading materials na nakasulat sa iba’t ibang dayalekto sa bansa upang higit na maunawaan ng masa ang importansya ng summit.

“This way, no one is left behind and we reach those without access to the Internet or traditional media,” pahayag ng Kalihim.

Ang pagiging host country ng Pilipinas ng ASEAN 2017 ay kaalinsabay ng ika-50 anibersaryo ng asosasyon. Ang tema ngayong taon ng gaganaping summit ay “We Are Partners for Change, Engaging the World.”

Ang ASEAN ministerial meetings ay gaganapin sa Maynila sa Abril 26-27 habang ang ASEAN summit ay isasagawa sa April 28-29.

Ang pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng ASEAN at ang ministerial meetings ay idaraos sa Agosto 2-8 habang ang ASEAN summit kasama ang mga dialogue partners ay gaganapin sa Nobyembre 10-14.

SEC. ANDANARISA sa mga layunin ng Association of Southeast Nation (ASEAN) ay ang panatilihing payapa ang lahat ng kasaping bansa. Nais din nito na palakasin ang relasyon ng mga bansang kasapi at magtulungan sa

mga isyu ukol sa ekonomiya, seguridad at socio-cultural. Sa darating na ASEAN Summit 2017, kung saan si Pangulong Rodrigo

Duterte ang Chairman, inaasahan na patatatagin pa niya ang relasyon sa mga karatig-bansa tulad ng Japan at South Korea bukod sa panghihingi niya ng suporta sa kanyang laban kontra sa droga. Naniniwala ang Pan-gulo na isa itong malaking hakbang para sa ikatatatag ng ekonomiya ng ating bansa.

Ayon sa ASEAN Charter, kailangang irespeto ang pagkakaiba sa kul-tura, relihiyon at pananaw sa pulitika ng bawat bansa upang mapanatili ang kapayapaan sa lahat. Alintuntunin din ng ASEAN na itaguyod ang demokrasya, karapatang-pantao at katarungang-panlipunan.

Sa inilabas na dokumentong may pamagat na “ASEAN 2025: Forging Ahead Together”, inaasahan na lahat ng bansang kasama sa asosasyon ay lubusang magkakaisa na nga pagdating ng taong 2025. Nais ng ASEAN na lahat ay magkaroon ng pagkilala at pagtanggap sa pagkakaiba-iba ng bawat isa. Nais din ng asosasyon na ang lahat ng bansang kasapi ay may palagiang ugnayan sa pagpapatupad ng mga napagkakasunduang de-sisyon.

Nasiyahan ang ASEAN nations sa desisyon ng Pangulo na maki-pag-ayos sa China at ito ay nagbigay-daan upang mapalawak at mapalak-as pa ang relasyon ng dalawang bansa.

Isa itong halimbawa ng pagtataguyod ng relasyon sa karatig-bansa sa Asya, hindi lang sa South East Asia. Isang pakikipag-ayos na nagpapati-bay sa ating katayuan, dahil Pilipinas tayo! Patrisha Bagalso

ONE BIG FAMILY ANG ASEAN

Page 5: VOLUME 2 ISSUE NUMBER 1 BLI 1 - mmpm.newsmmpm.news/wp-content/uploads/2017/09/MMPM-Vol-2... · populasyon, magandang lokasyon at teknolohiya sa rehiyon, magkakaroon ng mas ... ng

SETYEMBRE 1-15, 2016

8 9BALITA BALITAVOLUME 2 ISSUE NUMBER 1 VOLUME 2 ISSUE NUMBER 1

“AS the Philippines assumes chairman-ship of the ASEAN 2017 which also coin-cides with its 50th year anniversary, our stride is wade by a sense of pride and excitement as we step into the century and the world hand in hand.”

Ito ang pahayag ni Presidential Commu-nications Secretary Martin Andanar.

Malaking pagkakataon ito para sa Pilipinas pero hindi alam ng lahat ang ibig sabihin, layunin, at mga gawain ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Hindi alam ng mga Filipino, kahit ng il-ang mamamayan sa siyam pang bansang kasapi, na magiging ASEAN citizens na tayo dahil ang lahat ng ASEAN Member States o AMS ay magiging isang malak-ing nasyon na lamang sa sustansiya ng integrasyon.

Ang nakakapansin sa katagang ASEAN

ay 81 porsiyento pero ang nakaunawa rito ay 24 porsiyento lamang. Malaking hadlang sa kaunlaran kapag ang mga mamamayan ay kapos sa kaalaman.

Ito ang malaki ring hamon sa Presiden-tial Communications Operations Office (PCOO). Paano ipararating sa bawat mamamayan ng sampung bansang kasa-pi ang ugnayang maghahatid sa ASEAN sa rurok ng tagumpay sa buong mundo.

Ngayong 2017, higit na bibigyang halaga ang kapakanan ng bawat tao, kapayapaan ng rehiyon, kaunlaran sa pagkakaisa, kaligtasan at kapanatagan sa mga sakop na karagatan at katatagan

EDITORYAL

OPINYON

Maging ASEAN citizenng umuunlad na mundo

ng bawat bansa sa anumang haharaping mga hamon.

Ikaw, ako, tayo, ay bahagi ng tagump-ay. Ngunit magsisimula sa tamang hak-bang para umusad lahat.

Tatlo lang naman ang dapat gawin ng mga Filipino.

Una, dumalo sa mga gaganaping road shows ng PCOO sa inyong mga lugar.

Ikalawa, makitalakay para maunawaan ang hindi pa lubos na alam.

Ikatlo, simulan ang pagbabago sa pa-nanaw, mula sa pagiging Filipino citizen tungo sa pagiging ASEAN citizen.

Makiisa sa pagbabago, makiugnay sa umuunlad na mundo.

“Higit na bibigyang halaga ang kapakanan

ng bawat tao, kapayapaan ng

rehiyon, kaunlaran sa pagkakaisa,

kaligtasan at kapanatagan sa mga sakop na karagatan at katatagan ng bawat

bansa”

ANG Kingdom of Cambodia ay hindi estranghero sa atin. Nagkaroon tayo ng komersyal at pulitikal na relasyon sa loob ng mahabang panahon. Maraming Pinoy musician ang nagtanghal sa kanilang royal court.

Ang kakaibang arkitektura ng Angkor Wat complex ang nagbibigay-diin sa sibilisasyong itinatag ng Khmers. Ang mga sinaunang Khmers ay napadigma sa Siam (Thailand ngayon). Ang ikalawang pinakamahalagang siyudad ng Cambodia ay tinawag na Siem Reap, na ang ibig sabihin ay “where Siam was defeated.” Sa kinatatayuan ng lungsod di kalayuan sa Angkor Wat na natatakpan ng kagubatan, ginapi ng Khmer army ang malaking hukbo na ipinadala ng King of Siam.

Walang nakaaalam kung bakit ang Angkor Wat, ang lungsod na may mga kamangha-manghang templo, ay inabandona ilang dantaon na ang nakararaan. May mga kuwento na nagkaroon doon ng matinding tagtuyot kaya umalis ang mga naninirahan.

Kolonyalismo ang dahilan kaya nagkahiwalay ng landas ang Pilipinas at Cambodia. Napasailalim tayo ng Espanya at Amerika. Noong 19th century, ang Cambodia ay nakaramdam ng pagbabanta mula sa Siam at Vietnam. Humingi ng proteksyon ang Khmer king sa France—at naging kolonya ng French empire.

Ang huling bahagi ng 20th century ay madugo para sa Khmers. Nahatak sila sa malupit na Vietnam War. Ang local communist movement na Khmer Rouge ay nakibaka sa American-sponsored Lon Nol regime at nakakuha ng suporta sa mga Cambodian.

Matapos magwagi, dahil sa krusada ng Khmer Rouge na linisin ang kanilang lipunan, nagkaroon ng mga pagpatay sa kanilang mga mamamayan. Halos ay nasa ikaapat na porsiyento ng kanilang populasyon ang pinaslang ng mahigpit na Maoist cadres.

Posibleng napatay lahat ng Khmer Rouge ang buong populasyon kung hindi nakialam ang Vietnam gamit ang puwersang militar.

Noong early 1980’s ay dinurog ng Vietnamese forces ang Khmer Rouge, ibinilanggo ang mga pinuno at nagtayo ng bagong rehimen. Ang kasalukuyang political leadership sa Phnom Penh ay taglay ang pamana ng kaganapang iyon.

Binuhay natin ang ating diplomatic relation sa Phnom Penh matapos ang Cambodia, kinalimutan ang kalupitan ng Khmer Rouge, at lumahok ito Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Gayunpaman ay tahimik ang ating bilateral relation. Ang Phnom Penh government ay nananatiling pinakapabor sa Beijing sa mga ASEAN countries dahil umaasa ito sa tulong ng China sa maraming aspeto ng kanilang ekonomiya.

Marami sa atin ang makakaalala sa insidente nang mag-host ang Cambodia ng ASEAN summit ilang taon na ang nakalilipas. Iniwasan nito na matalakay ang South China Sea sa final communiqué. Kinuwestyun ni dating Pangulong Benigno Aquino III ang Cambodian nang ipiniprisinta na nito ang communiqué, at iyon ang pinakamababang punto sa ating bilateral relationship.

Marami na ang nabago simula sa malungkot na kaganapang iyon. Nang bumisita si Pangulong

OPINYON

BENJIE REDONDO FELIPEEditor-in-Chief

DEAH RICACHOOperations Officer

KC CORDEROManaging Editor

RICO IBARRAHENRY VERIDIANO

Photographers

CEZAR ZEAProduction Coordinator

Ang MULA SA MASA PARA SA MASA ay inilalathala ng Presidential Communications Office at may tanggapan sa:

3rd Floor, Philippine Information Agency, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City

Ang lahat ng nilalaman ng pahayagang ito ay hindi maaaring gamitin ng sinuman sa anumang porma nang walang pahintulot ng tagapaglathala.

Ang MULA SA MASA PARA SA MASA ay libreng ipinamamahagi ng Presidential Communications Office. May karampatang parusa sa sinuman na mahuhuling nagbebenta ng anumang bahagi, kopya/mga kopya nito.

Sa mga nais makipag-ugnayan sa aming patnugutan, Tumawag lang sa telephone number: (02) 9204336

E-mail: [email protected]: Mula sa Masa Para sa Masa

FAY ZAIRENE MANIAULArt Director

JOHARA MARIE MALIGANGEditorial Assistant

KATE AGNAAdministrative Assistant

CARLO VALENZUELAVINCE ANDREW ONG

JAY ROME PABLOPATRICIA DELARALayout Artists /

Cartoonists

JEFFREY CARREONHead Researcher

TONIE CABIGTINGVIRNARD GABISON

ANGEL SAGALESResearchers

Printing: GEORGE APACIBLEDistribution: Philippine Information Agency

HAROLD CLAVITE - Director GeneralANGELO VILLAR - Deputy Director General

DANI MEI MANUELROSALIE CATACUTAN-

PERIABRASKATHERINA DELGADO

MICH NABREPATRISHA BAGALSOWriters/Reporters

Rodrigo Duterte sa Cambodia kamakailan, ang kanyang working visit ay iniangat ng Phnom Penh sa state visit. Ito ang dahilan kaya nakaharap din niya ang Khmer king.

Nakita marahil ng mga Cambodians kay Pangulong Duterte ang reinkarnasyon ng kanilang former king na si Norodom Sihanouk, ama ng kasalukuyang hari. Pareho silang makulay at magaling magsalita kahit ano ang paksa. Sa kanyang mga talumpati ay napagkaisa ni Sihanouk ang

PTK NISEC

MAS PALAKAIBIGANGKAPITBAHAY

kanyang mga mamamayan sa gitna ng civil war, ang bangungot ng Khmer Rouge at ang pagtawid sa mas modernong pamahalaan na pinamumunuan ng mga lider na may pananaw sa kinabukasan.

Ibinalik naman ni Pangulong Duterte ang mainit na pagtanggap sa kanya. Isinama niya sa kanyang pagbisita si Sen. Manny Pacquiao nang malaman na ang dating Khmer king ay fan ng Filipino boxer. Ang ganitong maliliit na gawi ay nagbibigay ng sigla sa diplomasya.

Page 6: VOLUME 2 ISSUE NUMBER 1 BLI 1 - mmpm.newsmmpm.news/wp-content/uploads/2017/09/MMPM-Vol-2... · populasyon, magandang lokasyon at teknolohiya sa rehiyon, magkakaroon ng mas ... ng

SETYEMBRE 1-15, 2016

10 11BALITA BALITAVOLUME 2 ISSUE NUMBER 1 VOLUME 2 ISSUE NUMBER 1

ANG Pilipinas ay isa sa may pinakamaganda

at pinakamaraming uri ng yamang dagat na pinagmumulan ng ikinabubuhay ng karamihan sa ating mga kababayan.

Ang Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) ang nagpapatupad sa wastong pangangalaga sa ating mga karagatan at iba pang yamang-tubig.

Noong Setyembre 23, 2015 ay naglabas ng opisyal na pahayag ang DA-BFAR ukol sa pagpapatupad ng Republic Act 10654, o ang batas na nag-amyenda sa Philippine Fisheries Code ng 1998.

Pinangangalagaan ng gobyerno ang yamang-dagat ng bansa katulad ng karagatang pangkapuluan, ekslusibo na sonang pangkabuhayan at dagat teritoryal.

Noong Setyembre 9, 2016 ay nagtungo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Jakarta, Indonesia. Nag-usap sila ni Indonesian President Joko Widodo para pagkasunduan ang minimithing progreso sa rehiyon, at kasaganaan sa kani-kanilang bansa. Kabilang na rin sa naganap na pag-uusap ang pagbabawal sa piracy at lawless elements sa dagat, at pagtataguyod ng greater economic and cooperation, pati na rin ang pagpapatupad

ng mga batas sa

pakikipaglaban sa ilegal na droga at

kriminalidad. Samantala, noong

Oktubre 15-18, 2016 ay nakipagkaisa si Pangulong Duterte sa gobyerno ng Brunei na itaguyod ang excellent bilateral at diplomatikong relasyon ng dalawang bansa. Nagkasundo rin sila sa pagpapalawak ng kooperasyon pagdating sa trade and investment, maritime security, at pagkakamit ng Mindanao ng inaasam-asam na lasting peace at pagtataguyod ng mas matatag na ASEAN.

Ang hangaring ito ng mga bansang kasapi ng ASEAN ay isang hakbang upang higit pang mapangalagaan at mapaunlad ang kani-kanilang likas na yaman upang sa gayun ay maaari rin nating ibahagi ang mga kapakinabangan sa mga ito sa ating mga karatig-bansa.

KABUHAYANG DAGAT HUWAG SIRAIN NG KALATAng hangarin ng mga bansang kasapi ng ASEAN ay isang hakbang upang higit pang mapangalagaan at mapaunlad ang kani-kanilang likas na yaman.

Ni ROSALIE CATACUTAN-PERIABRAS

LATHALAIN

ANG wastong pangangalaga sa yamang-dagat ay kailangan saan mang dako. Pero paano nga ba ang tamang pangangalaga

sa mga ito?Noong Setyembre 28, 2015, inilathala ng

Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) ang tungkol sa pagpapatupad ng Republic Act 10654. Ito ang batas na nag-amyenda sa Philippine Fisheries Code ng 1998.

Ayon sa pahayag, malaki na ang nawasak sa karagatan ng Pilipinas. Naitala noong 2004 na mahigit sa isang porsiyento (1%) na lamang ang natitirang mga

bahura

(corals) na maayos pa ang kondisyon. Nasa 24% naman ang natitirang mga bakawanan (mangrove) mula sa dating malawak na pagkakalatag ng halamang ito.

Sa mga pangunahing lugar-pangisdaan ng bansa ay sampung porsiyento (10%) ang naitalang may overfishing. Ayon ito sa pag-aaral ng National Stock Assessment Program na sinuportahan naman ng pag-aaral ng UP-MSI.

Ang nasisirang kalikasan at ang labis-labis na pangingisda ay nagresulta sa pag-unti ng huli ng mga mangingisda. Bunga nito, lumaki ang antas ng kahirapan sa sektor na ito. Mula sa 35% noong

2003 ay umabot sa 41.9% noong 2009 ang poverty rate sa mga mangingisda. Sila ang

nangunguna sa listahan ng ganitong datos ng kahirapan.

Patunay na ang pagkasira ng ating yamang-tubig dulot ng illegal, unreported and unregulated (IUU) fishing ay may direktang kaugnayan sa paglala ng kahirapan.

Upang tiyaking may sustainable fish

industry tayo, inamyendahan nga ang Philippine Fisheries Code of 1998.

Layunin nitong palakasin ang batas sa pagtatakda ng mahigpit na parusa upang pigilan ang umaabuso sa ating yamang-dagat.

Ang halaga ng multa ay nakabatay sa uri at laki ng gamit na bangka ng lalabag.

Nakasaad din sa batas ang mga probisyong naglalayong makasunod na ang Pilipinas sa mga pandaigdigang kasunduan kaugnay sa pangangalaga sa yamang-dagat. Kasunduan itong nilagdaan ng Pilipinas kasama ng ibang bansa, kabilang dito ang pagkakabit ng Vessel Monitoring Measures o VMM at pagkakaroon ng Fisheries Observer sa commercial fishing vessels.

Ipatutupad ang pagkakabit ng VMM sa mga barkong may sukat na mahigit sa 200 GT, anim na buwan matapos maging epektibo ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng RA 10654, at sa loob ng isang taon naman para sa mga barkong mula 150 GT hanggang 200 GT.

Samakatwid, hindi kasali ang mga bangkang may sukat na mababa

sa 30 GT sa kakabitan ng VMM at Fisheries

Observer. Matitiyak ng

pamahalaan sa ganitong sistema

na makapangingisda lamang sa mga lugar

na inilaan ng batas ang mga mangingisda, at ang pagpapanatili ng pag-iingat sa yamang-dagat.

Walang itinakdang limitasyon ang naamyendahang batas sa bilang ng mahuhuling isda.

Layunin din ng pamahalaan na tiyaking ang mga katubigang sakop ng mga munisipyo ay mailalaan sa maliliit na mangingisda, kaya’t bawal ang komersyal na pamamalakaya sa loob ng municipal waters.

Sa ASEAN integration, nawa’y mapaigting pa ang mga kasunduan at batas ukol sa wastong paraan ng pangingisda, at sana’y magkaroon din ng pagpapalitan ng makabagong kaalaman sa pagpapaunlad ng nasabing industriya.

NAKABABAHALA!Maling paraan ng pangingisda,

Ni ROSALIE CATACUTAN-PERIABRAS

LATHALAIN