Tungkolsakatamaranngmgapilipino 120923191850-phpapp01

3
BUYA, SHIELA JANE A. H-381 “TUNGKOL SA KATAMARAN NG PILIPINO” Nakakatamad basahin ang sanaysay ang haba, patunay nga na tamad ako hahaah joke lang Sir tawa ka muna. Game! Naalala ko ang mga kwento ng nanay ko noon, kung gaano kasipag ang lolo at lola ko kaya namana niya ito maging ang tatay ko ay ganoon din. Sa palagay ko ang katamaran ay dulot din ng ibang mga magulang na ayaw maranasan ng kanilang mga anak kung gaano kahirap ang buhay na sinapit nila noon kaya ang mga kabataan ngayon madalas ay hindi na marunong sa gawaing bahay at dahil doon ay nasanay na walang ginagawa. Kung tutuusin ay ang mga kastila ang tamad at ang mga Pilipino ang inaalipin nila tulad nalang nga mga imprastraktura sa Maynila ngayon ang Intramuros noong panahon ng mga Espanyol na binuo ng daan daang Pilipino at ang mga Espanyol na masisipag sa pagpapahirap at panglalamang. Paunti-unti nang nagging tamad ang mga Pilipino at sa katunayan ang mga Pilipino ay tamad hanggang ngayon. Naalala ko ang sabi ng kaklase ko noon sa mataas na paaralan “Kung nabubuhay lang si Rizal ay madaming Pilipino na ang binatukan niya dahil sa

Transcript of Tungkolsakatamaranngmgapilipino 120923191850-phpapp01

Page 1: Tungkolsakatamaranngmgapilipino 120923191850-phpapp01

BUYA, SHIELA JANE A. H-381

“TUNGKOL SA KATAMARAN NG PILIPINO”

Nakakatamad basahin ang sanaysay ang haba, patunay nga na tamad ako

hahaah joke lang Sir tawa ka muna. Game! Naalala ko ang mga kwento ng nanay ko

noon, kung gaano kasipag ang lolo at lola ko kaya namana niya ito maging ang tatay ko

ay ganoon din. Sa palagay ko ang katamaran ay dulot din ng ibang mga magulang na

ayaw maranasan ng kanilang mga anak kung gaano kahirap ang buhay na sinapit nila

noon kaya ang mga kabataan ngayon madalas ay hindi na marunong sa gawaing

bahay at dahil doon ay nasanay na walang ginagawa. Kung tutuusin ay ang mga kastila

ang tamad at ang mga Pilipino ang inaalipin nila tulad nalang nga mga imprastraktura

sa Maynila ngayon ang Intramuros noong panahon ng mga Espanyol na binuo ng daan

daang Pilipino at ang mga Espanyol na masisipag sa pagpapahirap at panglalamang.

Paunti-unti nang nagging tamad ang mga Pilipino at sa katunayan ang mga

Pilipino ay tamad hanggang ngayon. Naalala ko ang sabi ng kaklase ko noon sa

mataas na paaralan “Kung nabubuhay lang si Rizal ay madaming Pilipino na ang

binatukan niya dahil sa katamaran.” Totoo naman talaga na tamad ang Pilipino at

parang sayang lang ang mga pinaghirapan ni Rizal na makamit noon para sa mga

Pilipino kung hindi uunlad ang Pilipinas.

Bagama’t tunay ngang tama ang pagiging tamad ng mga Pilipino ay pinakita

naman ni Rizal sa sanaysay na ito ang mga dahilan kung bakit nagiging tamad ang mga

Pilipino. Pinatunayan ni Rizal sa sanaysay na ito ang pagbibintang ng mga Kastila sa

mga Pilipino sa pagiging tamad. Ipinakita ni Rizal na ang mga Kastila ang sanhi ng

Page 2: Tungkolsakatamaranngmgapilipino 120923191850-phpapp01

ganoong kaasalan sapagkat higit pa silang tamad kaysa sa kanilang

pinagbibintangan. Ngunit para sa akin ang mga Kastila ay hindi din dapat

masisi sa dahil sa aking opinyon ay ang bawat nilalang ang binigyan ng

sariling kaisipan at pagpili sa nais nilang gawin. May sariling pag-iisip ang

lahat ng tao kahit Espanyol man o Pilipino. Para sa akin ay hindi sapat na

dahilan ang mga nasabi ni Rizal.

Maraming klase ang katamaran at madami ding dahilan kung bakit

nagiging tamad. Hindisapat na rason para sa katamaran ang pagbabago ng

panahon o di kaya'y ang pagbagong lugar na kinalakihan.  Pagkawala ng ikabubuhay at

kawalan ng pampasigla ay hindi din dahilan. Marahil kaya sila ganito ay wala silang

tapang. Tapang na harapin ang problema at magsimula muli kung ano ang nawala.

Walang tapang o lakas ng loob kaya pinababayaan nalang ang ganitong sitwasyon.

Impluwensya ng sugal tulad ng sabong ay hindi naman sumisimbolo sa katamaran

bagkus para sa akin ito ay sa dahilang hindi nila mapigilan ang “desire” nila. Sa

panahon ngayon ay isang pinaka-magandang halimbawa ay ang pagkalulong ng

kabataan sa Facebook at iba pang “social networks” kaya’t hindi nakakapag-aral ng

mabuti at bumabagsak sa pagsusulit.

Ang katamaran sa Pilipinas ay isang katamarang pinasagwa,lalong lumala

habang tumatagal ang panahon. Ang kasamaan ay wala sa pagkakaroonng katamaran

ngunit sa walang-tigil na paghikayat ng ganitong ugali. Ang katamaran ay bunga, at

hindi sahi, ng kasamaan. Habang tayo ay nabubuhay, hindi tayo dapat

nawawalan ng pag-asa para sa pagbabago. Hindi dapat ibuntong ang lahat ng sisi sa

kay batman este sa mga Pilipino. Ito ang nais na ipakita ni Rizal sa sanaysay na ito.