Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1...

56
1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang bagay na namamasid dito, ngunit hindi pinagtutuunan ng pansin. Maaaring maraming suliranin ang iyong pamayanan ngunit hindi matukoy ang mga ito. Sana makilala natin ang mga suliranin para mabigyan ng kaukulang solusyon. Sa modyul na ito hindi mo lang tutukuyin ang mga suliranin kung hindi malalaman mo rin kung sinu-sino ang dudulugan mo para malutas ang mga suliraning kinakaharap ng iyong pamayanan Bago mo simulan ang modyul na ito ay kinakailangang mayroon kang kaalaman tungkol sa: polusyon, pangangasiwa ng basura at ang antas ng polusyon sa pamayanan. Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin: Aralin 1 – Ano ang Pagsisiyasat sa Komunidad? Aralin 2 – Pagtuklas sa mga Suliranin ng Iyong Komunidad Aralin 3 – Paggamit ng Pagsisiyasat sa Komunidad Upang Makatulong sa Paglutas ng mga Suliranin sa Komunidad Anu-ano ang mga Matututuhan mo sa Modyul na Ito? Matapos pag-aralan ang modyul na ito, inaaasahang iyong magagawa na ang sumusunod: natutukoy ang layunin ng pagsisiyasat sa komunidad; naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng pagsisiyasat sa komunidad; naitatala ang mga obserbasyon sa kondisyon ng komunidad gamit ang gabay sa pagsisiyasat; nakabubuo ng gawang konklusyon tungkol sa komunidad batay sa mga datos na nakuha gamit ang pagsisiyasat sa komunidad; nakapagbibigay ng mga rekomendasyon sa mga tao o awtoridad na may kinalaman upang tumulong lutasin ang mga natukoy ng suliranin; at naipakikita ang resulta ng pagsisiyasat sa komunidad.

Transcript of Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1...

Page 1: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

1

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang bagay na namamasid dito, ngunithindi pinagtutuunan ng pansin. Maaaring maraming suliranin ang iyong pamayananngunit hindi matukoy ang mga ito.

Sana makilala natin ang mga suliranin para mabigyan ng kaukulang solusyon.

Sa modyul na ito hindi mo lang tutukuyin ang mga suliranin kung hindi malalamanmo rin kung sinu-sino ang dudulugan mo para malutas ang mga suliraning kinakaharapng iyong pamayanan

Bago mo simulan ang modyul na ito ay kinakailangang mayroon kang kaalamantungkol sa: polusyon, pangangasiwa ng basura at ang antas ng polusyon sa pamayanan.

Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin:

Aralin 1 – Ano ang Pagsisiyasat sa Komunidad?

Aralin 2 – Pagtuklas sa mga Suliranin ng Iyong Komunidad

Aralin 3 – Paggamit ng Pagsisiyasat sa Komunidad Upang Makatulong sa Paglutas ng mga Suliranin sa Komunidad

Anu-ano ang mga Matututuhan mo sa Modyul na Ito?

Matapos pag-aralan ang modyul na ito, inaaasahang iyong magagawa na angsumusunod:

� natutukoy ang layunin ng pagsisiyasat sa komunidad;

� naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng pagsisiyasat sa komunidad;

� naitatala ang mga obserbasyon sa kondisyon ng komunidad gamit ang gabay sapagsisiyasat;

� nakabubuo ng gawang konklusyon tungkol sa komunidad batay sa mga datos nanakuha gamit ang pagsisiyasat sa komunidad;

� nakapagbibigay ng mga rekomendasyon sa mga tao o awtoridad na maykinalaman upang tumulong lutasin ang mga natukoy ng suliranin; at

� naipakikita ang resulta ng pagsisiyasat sa komunidad.

Page 2: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

2

Anu-ano na ang mga Alam Mo?

Bago mo simulan ang pag-aaral sa modyul na ito, gawin mo muna ang simplengpagsusulit na ito upang malaman kung ano ang alam mo tungkol sa paksa.

Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Kung ikaw ay sumasang-ayon dito,maglagay ng tsek (�) sa patlang sa ilalim ng kolum na Sang-ayon. Kung ikaw ay hindisang-ayon dito, maglagay ng tsek (�) sa patlang sa ilalim ng kolum na Hindi Sang-ayon. Tandaan na kailangang isa lamang ang tsek para sa bawat pangungusap.

Sang-ayon Hindi Sang-ayon

1. Ang mga suliranin ng komunidad tulad ng dumiat basura ay hindi nakaaapekto sa mga tao sakomunidad. _______ _______

2. Hindi kailangang suriin ng mga tao angsitwasyon o kondisyon na kanilang komunidad,sapagkat hindi naman ito makaaapekto sakanilang pang-araw-araw na buhay. _______ _______

3. Ang pagsasagawa ng pagsisiyasat sa komunidaday isang uri ng pagsusuri sa sitwasyon oknodisyon ng ating komunidad _______ _______

4. Ikaw ay isang responsableng residente kungalam mo ang mga suliranin ng iyongkomunidad at ikaw ay may ginagawa tungkoldito. _______ _______

5. Ang lahat ng mga komunidad ay kinakailangangmagkaroon ng batayan upang tukuyin angkanilang mga suliranin, tulad ng pagsisiyasatsa komunidad. _______ _______

6. Ang pagsisiyasat sa komunidad ay tungkol sakondisyon ng mga tao sa komunidad. _______ _______

7. Ang mga namumuno sa komunidad ay walangresponsibilidad sa pagsasagawa ng pagsisiyasatsa komunidad. _______ _______

8. Ang mga napiling mga pamilya lamang sabarangay ang kabilang sa pagsisiyasat sakomunidad. _______ _______

9. Matapos magsagawa ng pagsisiyasat sakomunidad, mahalaga ang gumawa ng ulat. _______ _______

Page 3: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

3

10. Mahalaga ang kumuha ng konklusyon batay samga resulta ng pagsisiyasat sa komunidad. Itoay makatutulong sa mga tao at awtoridad upangtukuyin ang totoong suliranin ng komunidad. _______ _______

11. Ang mga resulta ng pagsisiyasat sa komunidaday hindi kailangang ipakita sa mga pinuno ngkomunidad o barangay. _______ _______

12. Ang mga rekomendasyon at suhestiyon samga kaukulang tao o awtoridad ay kung paanoipapaalam ang mga natukoy na suliranin sakomunidad. _______ _______

13. Ang sinumang indibidwal ay maaaringmagsagawa ng pagsisiyasat sa komunidad. _______ _______

14. Ang ulat sa pagsisiyasat sa komunidad aykailangang malinaw at simple. _______ _______

15. Ang mga miyembro ng komunidad ay walangbahagi sa pagtatalakay ng mga resulta ngpagsisiyasat. _______ _______

Kamusta ito? Sa palagay mo ba ay nasagot mo ng tama? Ikumpara ang iyong mgasagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 44–45.

Kung lahat ng iyong sagot ay tama, magaling! Nagpapakita ito na marami ka ngalam tungkol sa mga paksa sa modyul na ito. Maaari mo pang pang-aralan ang modyulupang balik-aralan ang iyong mga nalalaman. Malay natin, mayroon ka pang matutuhanmula dito.

Kung ikaw ay nakakuha ng mababang iskor, huwag mabahala. Nangangahulugan itona ang modyul na ito ay para sa iyo. Ito ay makatutulong sa iyo na maunawaan angmahahalagang konsepto na maaari mong gamitin sa iyong pang-araw-araw na buhay.Kung pag-aaralan mo ng mabuti ang modyul, natutukoy mo ang mga tamang sagot salahat ng bilang ng pagsusulit at marami pang iba! Handa ka na ba?

Maaari ka ng magsimula sa susunod na pahina upang simulan ang Aralin 1.

Page 4: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

4

ARALIN 1

Ano ang Pagsisiyasat sa Komunidad?

Natanong ka na ba ng isang tao o awtoridad tungkol sa mga suliranin ng iyongkomunidad? Kung hindi mo pa nararanasan ang pagsagot sa mga pagsisiyasat o kungikaw ay hindi pa natatanong tungkol sa mga suliranin ng iyong komunidad, huwag mag-alala. Ang araling ito ay makatutulong sa iyo na maunawaan kung ano ang pagsisiyasat sakomunidad. Malalaman mo din ang mga pamamaraan sa pagsasagawa ng pagsisiyasat sakomunidad. Mahalaga sa lahat, ito ay magtuturo sa iyo ng kahalagahan kung paanonakatutulong ang pagsisiyasat sa komunidad sa pagtukoy ng mga suliranin atpangangailangan ng iyong komunidad. Halimbawa, ang iyong komunidad ay mayroongsuliranin sa pagkolekta ng basura at pag-iilaw sa mga lansangan. Ang mga suliraning itoay maaaring matukoy sa pamamagitan ng pagsisiyasat sa komunidad. Handa ka na ba?Ating simulan ang aralin.

Pagkaraang tapusin ang araling ito, inaasahang:

� naipaliliwanag ang kahulugan ng pagsisiyasat sa komunidad;

� nailalarawan ang hangarin ng pagsisiyasat sa komunidad; at

� naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng pagsisiyasat sa komunidad.

Pag-aralan at Suriin Natin

Basahin ang istorya sa ibaba.

Ang Barangay Mapayapa ay isang komunidad sa Lungsod ng Quezon namayroong 500 pamilya. Ito ay mayroong mga bahay-kalakal at mga paaralan.Ito ay mayroong magandang lokasyon sapagkat ito ay malapit sa iba’t ibangmga lungsod sa Metro Manila.

Page 5: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

5

Sagutan ang mga sumusunod:

1. Ilarawan ang Barangay Mapayapa.

2. Anu-ano ang mga suliranin sa Barangay Mapayapa?

Subalit, ang mga residente sa barangay ay nagrereklamo tungkolsa mga nagkalat na basura at mga dumi sa komunidad.

Kakulangan ng ilaw sa lansangan . . . At mga napabayaang plasa o liwasang bayan.

Page 6: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

6

3. Paano mo matutulungan ang Barangay Mapayapa na tukuyin ang mgapangangailangan at suliranin nito?

4. Paano mo matutukoy ang suliranin ng Barangay Maligaya?

Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 45–46.

Pag-isipan Natin Ito

Ano sa palagay mo ang hangarin ng pagsisiyasat sa komunidad?

Magbasa upang malaman kung ang iyong ideya ay tama.

Gumagawa ng pag-aaral sa pamayanan upang matukoy ang mga suliranin nito o isyuna may kinalaman dito. Sa paraang ito, matutukoy ang suliranin ng komunidad sa isangparaang makaagham.

Magpatuloy ng pagbabasa upang matuklasan ang marami pa tungkol sa pagsisiyasatsa komunidad.

Page 7: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

7

Pag-aralan at Suriin Natin Ito

Basahin ang pangyayaring sumusunod.

Nais gumawa ng pagsisiyasat si G. Carlos Rivera, ang kapitan ng Barangay tungkolsa mga suliranin ng pamayanan.

Ang mga pangunahing suliranin ng barangay ay: 1) Ang wastong pagtatapon ngbasura. 2) kakulangan ng ilaw sa mga lansangan, 3) ang di maayos na liwasan ngpamayanan.

Itinalaga ni G. Rivera si G. Celso Garcia ang sekretaryo ng barangay para maihandaang pulong ng pamayanan. Lahat ng kagawad ng barangay ay dadalo.

Kumusta, Celso! Posible bang tumawag ngisang pulong ang barangay kasama ang mgakonsehal sa darating na Sabado? Bakit, Carlos?

Nais ko sanang talakayin sa kanilaang tungkol sa pagsasagawa ngisang pagsisiyasat sa komunidad.

Aba, narinig ko nga ang tungkolsa pagsisiyasat na iyan satelebisyon. Marahil ito ayisang mabuting paraanupang malaman ang mgapangangailangan at suliraninsa ating komunidad.

Page 8: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

8

Sagutan ang mga tanong na ito.

1. Bakit gusto ni G. Rivera na magpatawag ng isang pulong?

2. Bakit gusto niyang magsagawa ng isang pagsisiyasat sa komunidad?

Tama iyan. Nakarinig ako ngmga reklamo tungkol sa ilangmga suliranin at naobserbahanko ang mga suliraning iyon.

Sang-ayon ako sa iyo, Carlos. Angating mga liwasan ay napapa-bayaan din at kaunti lamang angmga ilaw sa ating lansangan.Maging ang pagtatapon ng basuraay suliranin din.

Eksakto! Sa tingin ko din aymayroong iba pang mgasuliranin na kinakailangangmalaman. Kailangan matukoyito ng ating mga mamamayan.

Naniniwala ako na nais ng atingmga konsehal na pag-usapanang tungkol sa pagsisiyasat sakomunidad. Tatawagan ko silangayon din.

Page 9: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

9

3. Sa iyong palagay, bakit mabuting ideya ang pagsasagawa ng pagsisiyasat sakomunidad?

4. Sa paanong paraan magiging matagumpay ang gagawing pagsisiyasat sabarangay ni G. Rivera?

5. Sa iyong palagay kailangan bang magsagawa ng isang pagsisiyasat saiyong komunidad? Bakit?

Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 46.

Subukin Natin Ito

Halimbawa ng Pagsisiyasat sa Komunidad

Sagutan ng matapat sa abot ng iyong kaalaman.

1. Paano mo aalamin ang mga sumusunod na serbisyo sa iyong komunidad?

Maglagay ng tsek (�) sa wastong kolum. Gamitin ang sistema ng pagsagotsa ibaba.

A MagalingB SapatC Hindi sapatD Hindi alam Serbisyo sa Komunidad A B C D

a. liwasanb. drainage systemc. pananatili sa lansangand. pagkolekta ng basurae. proteksyon sa sunogf. proteksyon ng mga pulisg. serbisyo ng ambulansyah. pag-inspeksyon ng gusalii. kontrol ng mga hayopj. pagpapailaw ng lansangan

Page 10: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

10

2. Sa ibaba ay listahan ng mga serbisyo na nangangailangan ng buwis para sapagpapanatili at konstruksyon. Nais mo bang magbayad ng mas malakingbuwis kung ang salapi ay gagamitin para sa mga proyekto ng komunidad?Maglagay ng (�) sa kolum na nababagay sa iyo (Oo o HIndi).

Oo Hindi

3. Paano mo susukatin ang mga sumusunod na pangkapaligirang kondisyon saiyong komunidad? Maglagay ng (�) sa wastong kolum. (A – Magaling,B – Sapat, C – Hindi Sapat, D – Hindi Alam)

A B C D

4. Ipakita kung gaano kalakas ang iyong pagsang-ayon o hindi pagsang-ayon samga sumusunod na pangungusap sa susunod na pahina.

LS Lubos na sumasang-ayonS Sang-ayonN NeutralHS Hindi sang-ayonLHS Lubos na hindi sumasang-ayon

LS S N HS LHS

a. maglagay ng karagdagang liwasanb. pagandahin ang maga liwasanc. pagandahin ang mga drainage systemd. pagandahin ang mga lansangan at daane. paunlarin ang koleksyon ng basuraf. paunlarin ang proteksyon mula sa sunogg. paunlarin ang proteksyon ng mga pulish. paunlarin ang serbisyo ng ambulansyai. paunlarin ang pag-iilaw sa mga lansanganj. magbigay ng mga pasidad para sa libangank. gumawa ng bagong bangketa sa iba’t ibang lugar

a. pagpapanatili sa mga liwasan sa lungsodb. kondisyon ng mga bakanteng lotec. anyo ng mga gusali at establisimentod. kontrol sa mga alikabok, putik, kalat at mga lugar ng konstruksyone. kaligtasan sa mga tawiran

a.Kailangan natin ng mas maramingpasilidad para sa ating pangunahingliwasan.

b.Kailangan natin ng mas maramingpermanenteng bukas na ispasyo

c.Kailangan natin ng mas maraming punopara sa ating komunidad.

d.Ang trapik ay problema sa atingkomunidad.

Page 11: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

11

5. Gamit ang parehong pagtantiya sa mga bilang 1 at 3, paano mo tatantiyahinang mga sumusunod na serbisyong pangkalakalan sa iyong komunidad.

A B C D

6. Anong uri ng prioridad ang kailangang ibigay ng iyong komunidad sa pagpapa-unlad ng bawat isa sa mga sumusunod?

1 Pangunahing prioridad2 Mabilis na prioridad3 Pinakamaliit na prioridad4 Hindi alam

1 2 3 4

Karagdagang Impormasyon:

(Maglagay ng tsek sa kaukulang impormasyon)

1. Ikaw ba ay: ____ Lalake ____ Babae

2. Ilang taon ka ng naninirahan sa iyong komunidad?

___1-3 taon ___11-15 taon___4-6 taon ___16-25 taon___7-10 taon ___higit sa 25 taon

3. Sa tingin mo ba’y naninirahan ka pa sa iyong komunidad limang taon mulangayon?

___ Oo ___ Hindi ___ Hindi Alam

a. mga tindahanb. mga botikac. mga tindahan ng kasuotand. mga kainane. mga nagbibigay sayaf. tindahan ng hardwer/kahoyg. mga serbisyo sa sasakyanh. mga serbisyo sa bangko

a. murang pabahayb. mga opisina sa negosyoc. mga sari-saring tindahand. mga kainane. mga nagbibigay sayaf. mga negosyo sa tahanan o programang

pangkabuhayang. mga paaralan o kolehiyoh. mga serbisyong pangkalusugani. iba pa (tiyakin) pagpapanatili ng lansangan

Page 12: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

12

4. Ikaw ba ay nangungupahan o may sariling bahay?

___ Nangungupahan ___ Sarili

5. Ilang miyembro ng pamilya ang nakatira sa iyong bahay?

___ 1 ___ 5___ 2 ___ 6___ 3 ___ 7___ 4 ___ 8 o higit pa

6. Ano ang kasalukuyang edad o gulang ng bawat miyembro ng pamilya nanakatira sa iyong bahay?

a. Unang miyembro ng pamilya: ___taong gulang

b. Ikalawang miyembro ng pamilya: ___taong gulang

c. Ikatlong miyembro ng pamilya: ___taong gulang

d. Ikaapat na miyembro ng pamilya: ___taong gulang

e. Ikalimang miyembro ng pamilya: ___taong gulang

f. Ikaanim na miyembro ng pamilya: ___taong gulang

g. Ikapitong miyembro ng pamilya: ___taong gulang

h. Iba pang miyembro ng pamilya: _________taong gulang

7. Ikaw ba ay pumapasok sa paaralan?

___ Oo ___ Hindi

8. Ilan sa miyembro ng pamilya ang pumapasok sa paaralan: ______

Bilang ng mga miyembro ng tahanan na pumapasok sa paaralan: ______

___ Elementarya___ Sekondarya___ Kolehiyo o Unibersidad___ Mga programang pag-aaral sa tahanan

9. Ano ang pangunahing pinagkakakitaan ng inyong pamilya?

___Agrikultura ___Finance, Insurans, Lupa

___Pagmimina ___Pamahalaan

___Konstruksyon ___Edukasyon/Pagsasanay

___Paggawa ___Mga serbisyo

___Pagbebenta ___Retiro na

___Transportasyon, Komunikasyon ___Sa tahanan lamang at Pampublikong gawain ___Mag-aaral

Page 13: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

13

10. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa kabuuang kita ng iyong pamilyanoong nakaraang taon?

___mas mababa sa P30,000___P30,000-P69,999___P70,000-P99,999___P100,000-P129,999___P130,000-P169,999

___P170,000 at higit pa

11. Ano ang antas ng edukasyon ang iyong natapos?

___Elementarya ___Bokasyonal___Sekondarya ___Postgraduate

___Kolehiyo

Kung ikaw ay may karagdagang puna sa iyong komunidad, isulat ito sa ibaba.

(Ang pagsisiyasat na ito ay batay sa Utah Community Progress SampleCommunity Survey.)

Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa mga pahina 46-51.

Kumusta! Nagawa mo bang sagutan ang lahat ng bilang sa pagsisiyasat? Kung oo,magaling! Ipinakikita nito na ikaw ay mabuting magmasid at marami kang nalalaman saiyong komunidad. Kung ang iyong sagot ay hindi, huwag mag-aalala. Mayroon pangsapat na panahon upang makilala ang komunidad kung saan ka naninirahan. Angkaalaman sa iyong komunidad ay makatutulong sa iyo na tukuyin ang mga suliranin nakailangang lutasin. Ang pagsisiyasat sa komunidad ay makatutulong sa iyo upangmapansin ang mga suliranin sa komunidad at tukuyin ang mga suliranin nanangangailangan ng mabilis na aksyon o mga suliranin na kailangan munang pagtuunanng pansin.

Pag-isipan Natin Ito

Paano tayo magsasagawa ng isang pagsisiyasat sa komunidad? Isulat ang iyongmga ideya sa ibaba.

Page 14: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

14

Basahin Natin Ito

Ang isang pagsisiyasat sa komunidad ay isinasagawa sa pamamagitan ng panayam.Ang panayam ay isang paraan ng pananaliksik kung saan ang isang tao ay nagtatanongtungkol sa isang paksa. Ang mga nagsasagawa ng pagsisiyasat ay pumupunta sa mgatahanan at nagtatanong tungkol sa komunidad. Ang mga tagasagot ay mga tao natutugon sa mga tanong na kailangang masagot. Ang ibang magsasagawa ng pagsisiyasatay nag-iiwan ng porma sa pagsisiyasat sa pinakamatanda sa tahanan at kokolektahin angnasagutang porma sa napagkasunduang petsa. Mayroon malalaking komunidad nanagsasagawa ng pagsisiyasat sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga porma ngpagsisiyasat kung personal mong pupuntahan sa kanilang bahay upang sa gayo’y anglahat ng katanungan ay masagot.

Subukin Natin Ito

Ang mga sumusunod ay ang mga gawain sa pagsasagawa ng pagsisiyasat.

1. Magdala ng mga kopya ng pagsisiyasat. Kung ang iyong barangay ay mayroonng pagsisiyasat, humingi sa kanila ng kopya. Magdala din ng mga piraso ngpapel at panulat.

2. Bisitahin ang isang kapit-bahay. Batiin muna ang mga tao na daratnan attanungin siya kung maaari mo siyang kapanayamin. Maaari mong ipakilala ngiyong sarili.

Halimbawa:

“Magandang umaga! Ako po si Maya dela Cruz. Ako ay isang mag-aaralng ALS at nais ko po kayong kapanayamin.”

Maaari ka ding mag-isip ng ibang pambungad na maaari mong gamitinpara sa iyong panayam.

3. Sabihin ang uri ng panayam. Ipaliwanag sa kanya ang hangarin ngpagsisiyasat.

4. Itanong ang mga pambungad na tanong bago magpatuloy sa pagsisiyasat. Angmga tanong na ito ay naglalayong matuklasan ang mga pangunahingimpormasyon tungkol sa tagasagot. Isulat ang mga kasagutan ng tagasagot saisang pirasong papel.

a. Ano ang iyong pangalan?

b. Ilang taon ka na?

c. Saan ka nakatira?

d. Gaano katagal ka ng naninirahan sa iyong komunidad?

Page 15: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

15

e. Paano mo ilalarawan ang iyong komunidad?

f. Ano sa palagay mo ang mga suliranin ng iyong komunidad?

g. Anong mga pagbabago o pag-unlad ang nais mong mangyari sa iyongkomunidad?

Ang mga katanungang ito ay gabay lamang. Kung mayroon ka pang ibangkatanungan na nais mong itanong, ipakita ito sa iyong tagapangasiwa para samga komento.

5. Ibigay na ang mga katanungan at simulan na ng pagsagot. Sabihan ang tagasagotna huwag magmadali sa pagsagot sa mga katanungan. Hilingin sa tagasagot nasagutan ang bawat tanong.

6. Bilang pang-wakas na katanungan, itanong sa tagasagot kung ano ang kanyangnararamdaman tungkol sa pagsisiyasat.

7. Matapos ang panayam, pasalamatan ang tagasagot dahil sa pagbibigay niya ngoras na makapanayam. Ngayon ay maaari mo ng bisitahin ang ibang mgatagasagot. Maaari mong bisitahin ang tatlo mo pang mga kapit-bahay.

8. Pagkaraan na matapos mo ang pagsisiyasat, ihambing sila sa halimbawangpagsisiyasat na mayroon ka at sa matatagpuan sa Batayan sa Pagwawasto samga pahina 47–49. Talakayin ang impormasyon na iyong nakalap sa iyongtagapangasiwa. Maaari kang magkaroon ng talakayan sa isang miyembro ngiyong pamilya, isang kaibigan o kamag-aral tungkol sa mga resulta ng iyongpagsisiyasat. Maaari mo ding ipamahagi ang iyong nararamdaman tungkol samga panayam na iyong naisagawa.

Galingan mo ang iyong panayam! Ito ay isang magandang pagkakataon upangmakilala ang mga miyembro ng iyong komunidad at kalagayan ng iyong komunidad.

Pag-usapan Natin Ito

Ang nakaraang gawain ay nagbibigay sa iyo ng ideya kung paano magsagawa ngisang pagsisiyasat. Ito din ay nagbibigay sa iyo ng pagkakataon upang matutuhan angtungkol sa mga pangangailangan at suliranin ng iyong komunidad.

Sagutan ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang iyong naramdaman habang isinasagawa ang pagsisiyasat?

Page 16: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

16

2. Ano ang iyong napansin tungkol sa mga tagasagot habang kinapanayam mosila?

3. Ano ang naramdaman ng mga tagasagot tungkol sa pagsisiyasat?

4. Ano ang iyong natutuhan tungkol sa iyong komunidad matapos isagawa angpagsisiyasat?

Ikumpara ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 51.

Basahin Natin Ito

Basahin ang istorya sa ibaba.

Isang araw sa Barangay Mapayapa, si Pedro at si Juan ay nagtatalakayan ukol saisang bagay.

Juan, napag-alaman ko namaaari tayong magsagawang isang pagsisiyasat sakomunidad sa ting barangay.Ito ay makatutulong sa atingmga residente na alaminang mga suliranin ng atingkomunidad at paano natinlulutasin ito.

Iyan ay kahanga-hanga. Dapat ipagbigayalam natin sa barangay ang tungkol ditobago tayo magsagawa ng pagsisiyasat sakomunidad.

Page 17: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

17

Maaari tayong magsagawa ngpagsisiyasat sa komunidad na tayolamang. Maaari ding ipagbigay alamito sa ating mga pinuno ng barangayo organisasyon ng komunidad.

Bakit pa natin kailangang ipagbigayalam ito sa kanila? Kung maaarinaman pala na tayo na lamang angmagsasagawa ng pagsisiyasat sakomunidad, gawin na natin ito

Makatutulong ang barangaykung alam nila. Ang barangayay nagsasagawa din ngpagsisiyasat sa komunidad.Maaari nating ibatay angpagsisiyasat sa mga natukoyna suliranin ng komunidad nanangangailangan ng mabisangaksyon.

Mahalaga ba ang kanilangpartisipasyon sa pagsasa-gawa ng pagsisiyasat sakomunidad?

Ano ang ginagampanan ngorganisasyon ng komunidadsa pagsisiyasat?

Mahalaga na makuha natinang partisipasyon ngorganisasyon sa komunidad.Ang organisasyon aymakatutulong sa atin naipaalam sa lahat ngresidente ang tungkol sagawain at ang hangarin ngpag-aaral na atingisinasagawa. Sila din aymaaaring makilahok sapagsasagawa ngpagsisiyasat.

Page 18: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

18

Pag-isipan Natin Ito

Sagutin ang sumusunod.

1. Sino ang maaaring magsagawa ng pagsisiyasat sa komunidad?

2. Bakit mahalaga ang ipagbigay-alam sa barangay at sa mga residente ngkomunidad ang tungkol sa pagsisiyasat sa komunidad?

3. Ang mga proyekto ba sa iyong komunidad ay dapat batay sa mgapangangailangan ng mga residente sa komunidad? Bakit o bakit hindi?

Nagawa mo bang sagutan ang mga katanungan sa itaas? Ihambing ang iyong mgasagot sa iyong matututuhan sa susunod na pahina.

Oo! Mahalaga angkanilang partisipasyon saisang pagsisiyasat sakomunidad. Paano mokapanayim ang pamilyakung lahat ng miyembronito ay wala sa tahanan?Maliban dito, ang mgaresulta ng pagsisiyasat ayipinakikita sa mgaresidente.

Aba, nakuha ko na. Sa pagsasagawa ng isangpagsisiyasat sa komunidad may kinalaman ang lahat dahilito ay tungkol sa mga suliranin sa ating komunidad. Sinopa ba ang lulutas sa mga suliranin kundi ang mgaresidente nito, tama ba?

Naunawaan mo din ito!Ano, maaari na ba tayongmagtungo sa bulwaganng barangay?

Opo!

Page 19: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

19

Alamin Natin

Kahit sino man ang maaaring magsagawa ng pagsisiyasat sa komunidad. Basta’tsiya, o ang grupo o organisasyon, at alam ang proseso sa pagsasagawa ng isangpagsisiyasat.

Indibidwal Grupo Mga opisyal o organisasyon

Karamihan sa mga komunidad, ang pagsisiyasat sa komunidad ay gawain ng mgaopisyal ng barangay. Ito ay ginagamit upang alamin ang mga pangangailangan ngkomunidad, upang sa gayon sila ay makapagplano at makalikha ng mgaprograma at mga proyekto na tutugon sa mga pangangailangang ito. Kabilang samga programa at proyektong ito ay ang imprastraktura, kalusugan, kabuhayan at maramipang iba.

Mahalaga ang ipagbigay-alam ito sa mga opisyal ng barangay dahil maaari silangmakatulong o gabayan ang indibidwal, grupo o organisasyon na magsasagawa ngpagsisiyasat sa komunidad. Maaari din silang gumamit ng mga nakaraang resulta ngpagsisiyasat sa komunidad na naisagawa ng barangay bilang gabay sa gagawin nilangpagsisiyasat.

Ang resulta ng pagsisiyasat sa komunidad ay maaaring nabigyang pansin na onaipaalam na sa pamahalaan o mga residente ng komunidad. Sa ganitong proseso, anggrupo o indibidwal na nagsasagawa ng pagsisiyasat ay maaaring maghanap ng ibang

Page 20: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

20

proyekto na dapat bigyang pansin at ipaalam sa opisyal ng pamahalaan dahil kailangan ngmga tao sa komunidad.

Alam mo ba ang mga hakbang sa pagsasagawa ng isang pagsisiyasat sa komunidad?Kung alam mo, mabuti! Gayun pa man, mayroon ka pang maaaring matutuhan sa iyongpagbabasa. Kung hindi mo alam, malalaman mo ang maraming bagay tungkol sapagsasagawa ng pagsisiyasat sa iyong komunidad.

Alamin Natin

Narito ang mga paraan sa pagsasagawa ng pagsisiyasat sa komunidad. Pag-aralangmabuti.

Bisitahin ang kapitan ng barangay saiyong komunidad. Talakayin sa kanya kungpaano mo isasagawa ang pagsisiyasat sakomunidad. Talakayin din sa kanya ang hangarinng gawain. Mahalaga na makuha mo ang suportang mga opisyal ng barangay dahil ang kanilangpartisipasyon ay kinakailangan para saikatatagumpay ng pagsisiyasat sa komunidad.

Kung mayroon ng organisasyon sakomunidad, ikaw o ang iyong grupo aymaaaring makipagpulong sa mga opisyal.Ipaalala sa kanila ang tungkol sa gawain. Maaarimong talakayin sa kanila kung ano angpagsisiyasat sa komunidad at ang hangarin nito.Maaari mo din silang hikayatin na gumawa ngpananaliksik sa proyekto ng barangay. Kuninang pagsang-ayon at partisipasyon ngorganisasyon sa pagsisiyasat. Maaari mo dingipaliwanag ang isyu o suliranin na maaaringtugunan ng organisasyon.

Page 21: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

21

Ipakita ang isang halimbawa ngpagsisiyasat sa komunidad sa mga pahina 9-14. Maaari mong imungkahi sa kapitan ngbarangay na humingi sa mga opisyal nglungsod o bayan ng mga kopya ng pormasa pagsisiyasat na angkop para sa iyongkomunidad. Maaari mo pa ding gamitin anghalimbawa ng pagsisiyasat sa modyul na ito atdagdagan, tanggalin o palitan ang mga aytemupang gawing karapat-dapat ang pagsisiyasatsa iyong komunidad. Maaari kang komunsultasa isang eksperto sa pagsisiyasat sakomunidad o ahensya ng pamahalaan upanggawin ito.

Matapos gumawa o pumili ngpagsisiyasat sa komunidad, na angkop para saiyong komunidad, humiling ng isangpagpupulong kasama ang mga residente. Itoay makatutulong sa iyo na maipaliwanag anguri at hangarin ng pagsisiyasat sa komunidad.Ito din ay makatutulong sa iyo o sa iyonggrupo na magtakda ng petsa para isagawa angpagsisiyasat. Ang mga katanungan tungkol sapagsisiyasat ay maaari ding sagutin habangnagaganap ang pagpupulong.

Page 22: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

22

Kapag ang petsa ay naitakda na para sa pagsisiyasat sa komunidad, ikaw at ang mgaopisyal ng barangay ay maaari ng magsimula sa pakikipanayam sa mga residente ngiyong komunidad.

Ngayon ay alam mo na kung paano magsagawa ng pagsisiyasat sa komunidad.Mahalagang malaman na maaari mong maimpluwensyahan ang mga pinuno ng iyongkomunidad upang magsagawa ng pagsisiyasat sa iyong komunidad, lalo na kung nakikitamo ang pangangailangan at kahalagahan nito.

Muling isipin ang mga hakbang sa pagsasagawa ng pagsisiyasat sa komunidad.Natatandaan mo ba lahat sila? Kung hindi mo matandaan lahat, kailangan mong mulingbalikan ang mga hakbang upang maunawaan mo ang mga ito.

Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan

A. Sagutan ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang pagsisiyasat sa komunidad?

2. Ano ang hangarin nito?

3. Paano isinasagawa ang pagsisiyasat sa komunidad?

4. Sino ang maaaring magsagawa ng pagsisiyasat sa komunidad?

5. Sinu-sino ang mga kabilang sa pagsisiyasat sa komunidad? Bakitmahalaga ang kanilang partisipasyon?

6. Paano mo isasahawa ang pagsisiyasat sa komunidad sa iyong kalapit-bahay? Ano ang mga hakbang na dapat mong gawin upang masiguro namaisasagawa mo ng matagumpay ang pagsisiyasat?

Itsek ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 51–52.

Page 23: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

23

Tandaan Natin

Sa araling ito, iyong natutuhan ang mga sumusunod:

� ang pagsisiyasat sa komunidad ay isang pormal o opisyal na pag-aaral naisinasagawa sa isang komunidad. Ito ay naglalayon na tukuyin ang mga suliranino pangangailangan ng komunidad.

� Ang panayam ay isang paraan kung saan ang pagsisiyasat sa komunidad aymaaaring maisagawa.

� Ang sino man sa komunidad ay maaaring magsagawa ng pagsisiyasat sakomunidad, basta’t may kooperasyon ang mga pinuno ng barangay atmga residente nito.

� Ang mga sumusunod ay ang mga hakbang sa pagsasagawa ng pagsisiyasat sakomunidad:

— Bisitahin ang kapitan ng barangay o lider ng iyong komunidad attalakayin sa kanya ang kahalagahan ng pagsisiyasat sa komunidad.

— Kung mayroon ng organisasyon sa komunidad, ikaw o ang iyong grupoay maaaring makipagpulong sa organisasyon. Ipaalam sa kanila angtungkol sa pagsisiyasat sa komunidad.

— Magdesisyon sa porma ng pagsisiyasat na angkop para sa iyongkomunidad. Maaari kang komunsulta sa mga eksperto sa pagsisiyasat sakomunidad o mga ahensya ng pamahalaan.

— Magkaroon ng pagpupulong sa mga miyembro ng komunidad upangipaliwanag sa kanila ang uri at hangarin ng pagsisiyasat.

— Magtakda ng petsa para sa pagsasagawa ng pagsisiyasat. Mahalaga na anglahat ng mga residente sa komunidad ay makilahok sa pagsisiyasat.

Page 24: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

24

ARALIN 2

Pagtuklas sa mga Suliranin ng IyongKomunidad

Sa aralin 1, iyong natutuhan ang tungkol sa uri at hangarin ng isang pagsisiyasat sakomunidad. Mahalaga na ang lahat ng miyembro ng komunidad ay makilahok sapagsisiyasat. Natatandaan mo pa ba ang mga hakbang sa pagsasagawa ng isangpagsisiyasat?

Sa araling ito, matututuhan mo kung paano natutukoy ng pagsisiyasat ang mgasuliranin at pangangailangan ng iyong komunidad. Matututuhan mo din kung paani suriinat gumawa ng konklusyon tungkol sa datos o impormasyon na iyong nakalap mula sapagsisiyasat.

Matapos pag-aralan ang araling ito, inaaasahan mo nang:

� naitatala ang mga obserbasyon sa kondisyon ng komunidad gamit ang gabay sapagsisiyasat.

� naihahanay ang mga datos na nakalap sa pamamagitan ng pagsisiyasat;

� nasusuri ang mga datos na nakalap upang matukoy ang mga suliraninsa komunidad; at

� nakabubuo ng konklusyon tungkol sa komunidad batay sa mga nakalap nadatos mula sa pagsisiyasat sa komunidad.

Subukin Natin Ito

Ito ay isang gawain sa pagtatala ng impormasyon o mga obserbasyon sa iyongkomunidad. Sundin ang mga kautusan sa ibaba.

1. Kumuha ng isang pirasong papel at panulat.

2. Sa piraso ng papel, ilista ang iyong obserbasyon tungkol sa iyongkomunidad. Ibatay ang iyong mga obserbasyon sa mga sumusunod na paksa.

a. Pagtapon ng basura

Halimbawa, paano itinatapon ng mga mamamayan sa iyong komunidadang kanilang mga basura at dumi?

b. Pagpapanatili ng lansangan

Halimbawa, ano ang kondisyon ng mga lansangan sa iyong komunidad?

Page 25: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

25

Itala ang maraming obserbasyon na iyong magagawa.

Nagawa mo bang makapagtala ng maraming obserbasyon tungkol sa iyongkomunidad? Tungkol saan ang mga obserbasyon ito?

Maaari mong ipakita ang iyong gawa sa iyong tagapangasiwa para sa mga komento.Maaari mo ding tingnan ang halimbawang sagot sa gawaing ito sa Batayan saPagwawasto sa pahina 52.

Pag-isipan Natin Ito

Sa isang pagsisiyasat sa komunidad, mahalaga na itala ang lahat ng kasagutan ngiyong mga tagasagot sa pagsisiyasat. Sisiguraduhin nito na ang lahat ng mga miyembrong komunidad ay nakilahok at nagpahayag ng kanilang mga opinyon at mungkahitungkol sa kondisyon ng iyong komunidad.

Kailangan nating tandaan na ang pagsisiyasat sa komunidad ay naglalayong tukuyinang mga suliranin at pangangailangan ng mga miyembro ng komunidad. Sapamamagitan ng pagtukoy sa mga suliranin at pangangailangang ito, tayo aymakatutukoy din ng mga programa at serbisyo na kailangang maibigay sa mga residenteng komunidad.

Ang mga miyembro ng komunidad ay nagsisilbong batayan sa pagtukoy ng ilangmga proyekto, programa at mga serbisyo na mapakikinabangan nila. Sa pamamagitan ngmga aksyong ito, magkakaroon ng pag-unlad at magiging maayos ang kondisyon ngkomunidad at ang kalidad ng pamumumhay ng mga miyembro nito.

Page 26: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

26

Alamin Natin

Narito ang ilang mahahalagang mga gabay sa pagsasagawa ng isang pagsisiyasat sakomunidad.

1. Kailangang planuhin ng tagapanayam ang kanyang iskedyul sa mga lugar ngkomunidad. Kung siya ay hindi pamilyar sa komunidad, kailangang mayroonsiyang kasama mula sa komunidad upang gabayan siya. Ito ay makatutulong sakanya upang makatipid ng oras sa pagsasagawa ng mga panayam.

2. Mahalaga na ang lahat ng mga aytem sa pagsisiyasat ay masagutan ngtagasagot.

3. Kung ang tagasagot ay mayroong mga katanungan tungkol sa aytem sapagsisiyasat, ang tagapanayam ay kailangang magbigay ng simple at malinawna paliwanag tungkol dito.

Mang Isko, gaanokatagal na kayongnaninirahan dito?

Mga 30 taon na.

Ano ang hangarin ngpagsisiyasat na ito? Bakitmaraming katanungan?

Ang pagsisiyasat na itoay naglalayong tukuyinang mgapangangailangan ngkomunidad. Ang mgakatanungan aymakatutulong sa atinupang malaman kungano ang mgapangangailangang ito.

Page 27: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

27

4. Ang tagapanayam ay kailangang magbigay ng kaukulang atensyon sa tagasagothabang isinasagawa ang panayam.

5. Ang mga aytem sa pagsisiyasat ay kailangang maipaliwanag ng mabuti satagapanayam.

Alamin Natin

Pagkaraan ng isang linggo, sina Juan, Pedro at mga boluntaryo ng komunidad aynakatapos nang magsagawa ng pagsisiyasat sa Barangay Mapayapa. Ngayon ay kanila ngihahanay at susuriin ang mga datos o impormasyon na kanilang nakalap.

Ang aking asawa aynaglalabada at ako namanay isang karpentero.

Ano anginyonghanapbuhay?

Tumutukoy ito sa daanna tatahakin namagbibigay lamang saiyo ng sertioikasyon athindi isang diploma.

Ano angkahulugan ngbokasyon?

Page 28: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

28

Sa isang pag-aaral tulad ng pagsisiyasat sa komunidad, ang mga datos ayinihahanay para sa madaling interpretasyon. Mas madaling tingnan at suriin ang mgadatos kung saan naisaayos nang wasto. Kapag ang datos ay naihanay at nasuri nangmabuti, mas madali para sa mga opisyal ng barangay na talakayin ang mga suliranin atpangangailangan ng komunidad. Ito ay nagpapahintulot sa kanila na magbigay pansin samga tugon ng mga residente at makatutulong sa kanila sa pagtukoy kung anong mgapangangailangan ang dapat bigyan ng priyoridad.

Mahalaga na gawin ang mga sumusunod na datos na iyong nakalap:

1. Alamin ang kabuuan ng mga tagasagot na nakilahok sa pagsisiyasat. Ito aymakatutulong sa iyo upang malaman ang kabuuang bilang ng mga tugon naiyong inaasahan para sa bawat aytem sa pagsisiyasat. Sabihin natin na angkabuuang bilang ng mga tagasagot ay 14. Tayo ay sasangguni sa halimbawa ngpagsisiyasat sa mga pahina 9-14.

2. Ihanay o bilangin ang mga tugon para sa bawat aytem sa pagsisiyasat.

Halimbawa:

Aytem bilang 1: Paano mo tatantiyahin ang mga sumusunod na serbisyo saiyong komunidad?

Iskala ng Pagtatantiya: A MagalingB SapatC Hindi sapatD Hindi Alam

Serbisyo sa Komunidad A B C D

3. Matapos ihanay at bilangin, balikan ang mga sagot sa pagsisiyasat upangsiguraduhin ang iyong paghahanay.

a. liwasan II IIII IIIII IIIb. drainage system II IIIII-I IIII IIc. pananatili sa lansangan II III IIIII-I IId. pagkolekta ng basura I IIII IIIII-III I

Page 29: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

29

4. Suriin at ipaliwanag ang naihanay na mga datos.

Halimbawa:

Aytem bilang 1a: Mga liwasan

Mayroon dalawang tagasagot na nagsabi na ang mga serbisyo sa liwasan sakanilang komunidad ay magaling, apat ang nagsabi sapat lang, lima ang nagsabina hindi sapat at tatlo ang nagsabi na hindi nila alam.

5. Ayusin ang datos batay sa iyong pagsusuri at interpretasyon. Ang pagsisiyasatay nagbibigay pansin sa mga pangangailangan ng komunidad. Kung kaya’t,kailangan mong ayusin ang iyong datos batay sa mga pangangailangan ngkomunidad na ipinakita sa pamamagitan ng mga tugon ng mga miyembronito. Ang karagdagang impormasyon ay hindi kinakailangang uriin tulad nito,subalit kailangan itong maihanay.

Halimbawa:

Aytem bilang 1: Pagtatantiya sa mga serbisyo ng komunidad

Bilang ng mga tugon na nagsasabi na ang mga sumusunod na serbisyo ngkomunidad ay hindi sapat.

Serbisyo sa Komunidad Mga Tugon

6. Gumawa ng mga konklusyon batay sa mga datos na iyong nasuri.

Halimbawa:

Sa listahan ng mga serbisyo sa komunidad na sa tingin ng mga residenteay hindi sapat, ang koleksyon sa basura ang pangunahing gustong pagtuunan ngpansin. Ang ikalawa naman ay ang pagpapanatili sa mga lansangan.

Sa pagsusuri at paggamit ng impormasyon o datos na iyong nakalap,kailangan mong pag-aralan ng mabuti ang mga asytem na tutugon sapagtukoy ng mga pangangailangan o suliranin sa iyong komunidad. Ang mgatugon ng mga residente ay magdudulot sa pagbibigay ng atensyon sakondisyon ng komunidad.

Ang mga tugon sa bawat aytem ay kailangang pag-aralan at timbangin ngmabuti para maunawaan mo ang mga tunay na pangangailangan at suliranin ngkomunidad. Ito ang dahilan kung bakit mahalaga munang ihanay ang lahat ngmga tugon sa mga aytem sa pagsisiyasat. Kailangan mong makolekta atmaihanay ang lahat ng mga tugon bago mo suriin ang mga ito. Ang bawattugon ay mahalaga sa pagtukoy ng mga pangangailangan at suliranin ngkomunidad.

a. koleksyon ng basura 8b. pananatili sa lansangan 6c. mga liwasan 5d. drainage system 4

Page 30: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

30

Halimbawa, muling balikan ang pagsisiyasat sa mga pahina 9-14. Tingnan angunang aytem sa pagsisiyasat. Ang mga serbisyo sa komunidad ay mahalaga para sa pag-unlad ng komunidad. Ang lahat ng mga residente ay makikinabang mula sa mgaserbisyong ito. Kung ang mga serbisyong ito ay hindi sapat, kailangang konsultahin angmga residente upang ang mga programa at proyekto au maisagawa upang maiayos angmga pangangailangan ng komunidad.

Ang mga konklusyon na iyong gagawin ay ang buod ng mga resulta ng iyongpagsisiyasat. Ito ay magbibigay ng kabuuang kondisyon ng komunidad. Maaari mo ngipalagay na ang pag-iilaw sa lansangan ang pangunahing prioridad sa ikauunlad ngkomunidad.

Subukin Natin Ito

Isulat ang iyong mga konklusyon tungkol sa pagsisiyasat na iyong naisagawa.Ipakita ang iyong mga konklusyon sa iyong tagapangasiwa para sa mga komento.

Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan

A. Ang mga sumusunod ay ang mga hakbang sa paghawak ng mga datos na iyongnakalap mula sa pagsisiyasat sa komunidad. Ayusin at isulat ang bilang 1hanggang 6 sa patlang batay sa wastong pagkakasunud-sunod ng mga hakbang.

___ Suriin at ipaliwanag ang datos

___GUmawa ng iyong mga konklusyon

___ Ihanay ang iyong datos

___Ayusin ang iyong mga datos ayon sa iyong pagsusuri at interpretasyon.

___Alamin ang kabuuang bilang ng mga tao na nakilahok sa pagsisiyasat.

___Muling balikan ang datos at sigurahin na tama ang iyong paghahanay.

Page 31: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

31

B. Sagutan ang mga sumusunod na katanungan.

1. Bakit mahalaga na ihanay at suriin ang mga datos na iyong nakalap?

2. Paano mo ituturing ang bawat tugon sa pagsisiyasat habang sinusuri atipinapaliwanag mo ang iyong datos? Bakit?

3. Ano ang konklusyon tungkol sa pagsisiyasat?

Ikumpara ang iyong sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 52–3.

Tandaan Natin

Sa araling ito, iyong natutuhan na:

� Ang pagsisiyasat ay maaaring matukoy ang mga pangangailangan at suliraninng komunidad. Sa pamamagitan ng pagsisiyasat, ang mga programa atproyekto ay maaaring malikha upang tugunan ang mga pangangailangang ito.

� Kailangan mong gawin ang mga sumusunod sa datos na iyong nakalap mula saiyong pagsisiyasat.

— Alamin ang kabuuang bilang ng mga tao na nakilahok sa pagsisiyasat.

— Ihanay ang iyong datos.

— Muling balikan ang datos upang masiguro na tama ang iyong mgapaghahanay.

— Suriin at ipaliwanag ang datos.

— Ayusin ang iyong datos ayon sa iyong pagsusuri at interpretasyon.

— Gumawa ng iyong mga konklusyon.

� Kailangan mong isipin ang bawat tugon sa pagsisiyasat ay mahalaga dahilang bawat tugon ay nagpapakita ng kondisyon ng komunidad. Ang mga tugonng mga residente ang siyang tutukoy sa mga pangangailangan at suliranin sakomunidad na kailangang mabigyang-pansin.

Page 32: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

32

ARALIN 3

Paggamit ng Pagsisiyasat sa KomunidadUpang Makatulong sa Paglutas ng mga

Suliranin sa Komunidad

Sa anumang pag-aaralm tulad ng pagsisiyasat sa komunidad, mahalaga na maipakitamo ang datos na iyong nakalap. Kailangan mong iulat ang bunga ng iyong konklusyon satamang awtoridad at mga taong may kinalaman dito. Sa araling ito, matututuhan mokung paano ipagbibigay alam sa tamang awtoridad at kinauukulan ang mga ito – atmaging sa mga residente.

Matapos pag-aralan ang araling ito, inaaasahan mo nang:

� nakagagawa ng mga rekomendasyon sa mga tao o awtoridad upang tumulongsa pagtugon sa mga pangangailangan at suliranin na natukoy sa pagsisiyasat sakomunidad; at

� naipakikita na ang bunga sa pagsisiyasat.

Pag-aralan at Suriin Natin Ito

Pag-aralan ang sitwasyon sa ibaba. Pagkatapos ay sagutin ang mga susunod natanong.

Natapos ka ng gumawa ng mga konklusyon tungkol sa datos na iyong nakalap mulasa pagsisiyasat sa komunidad. Isa sa iyong mga konklusyon ay nakatuon sa pagbabagosa pagkokolekta ng basura sa iyong komunidad. Natuklasan mo na sa 350 residente ayang 300 ang naniniwalang ang sistem sa pagtatapon ng basura at mga serbisyo sapagkokolekta ay hindi sapat.

Ano ang iyong irerekomenda o imumunkahi na dapat gawin tungkol sakakulangan ng sistema sa pagtatapon at pagkokoleta ng basura?

Itsek ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 53.

Page 33: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

33

Pag-isipan Natin Ito

Bakit mahalaga na gumawa ng mga rekomendasyon sa mga taong may kinalaman oawtoridad tungkol sa mga pangangailangan at suliranin na natukoy sa pagsisiyasat sakomunidad?

Ang mga rekomendasyon ay mga mungkhai o posibleng solusyon sa mgapangangailangan at suliranin na natukoy sa pagsisiyasat sa komunidad. Maaari nilangmakuha ang atensyon ng mga opisyal ng barangay at mga taong may kapangyarihan ukolsa kondisyon ng komunidad at ang lagay ng mga residente nito.

Kailangan mo ding konsultahin ang mga miyembro ng komunidad sa mgarekomendasyon na iyong nagawa ukol sa mga resulta ng pagsisiyasat. Maaaring silaay mayroong mga mungkahi kung paano tutugunan ang mga pangangailangan ngkomunidad, sapagkat sila ang naaapektuhan ng mga suliraning kinakaharap ngkomunidad.

Subalit, kailangan mong tandaan na hindi lahat ng mga rekomendasyo ayepektibong solusyon sa mga suliranin ng iyong komunidad. Kailangan mong talakayinsa mga pinuo at miyembro kung alin sa mga rekomendasyon ang epektibo at maaaringgamitin sa pagtugon sa mga pangangailangan ng komunidad.

Karagdagan dito, ang ilang rekomendasyon ay maaaring patuloy pa na pinag-aaralan ang tungkol sa kondisyon ng komunidad. Halimbawa, pagkaraang tapusin ngisang rural health unit (RHU) ang pagsisiyasat sa komunidad, antuklasan na maramingbata sa komunidad ang hindi malusog o kulang sa timbang dahil sa maling kinakain.

Aking iminumungkahi nahikayatin natin angmga miyembro ngkomunidad na mulinggamitin ang mga compostpits upang mabawasanang ating suliranin sapagtatapon ng basura.

Page 34: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

34

Iminumungkahi na magsagawa ng isang pagsisiyasat na pangkalahatan upangmalaman ang mga bilang ng kaso hinggil sa kakulangan ng nutrisyon sa bansa.

Nakagawa ka ba ng rekomendasyon sa paglutas ng suliranin sa iyongkomunidad? Kung oo, ano ang suliranin at ano ang iyong rekomendasyon?

Ihambing ang iyong mga sagot sa halimbawang rekomendasyon sa Batayan saPagwawasto sa pahina 53.

Pag-usapan Natin Ito

Matapos mong ilista ang iyong mga rekomendasyon batay sa resulta ng iyongpagsisiyasat, kailangan mong ipakita ang mga ito sa mga opisyal at miyembro ngkomunidad.

Bakit mahalaga na ipakita ang mga resulta ng pagsisiyasat at ang iyong mgarekomendasyon sa mga suliraning natukoy?

Bakit mo kailangan ipakita ang mga resulta at rekomendasyong ito sa komunidad?

Nasagutan mo ba ang mga tanong sa itaas? Magbasa upang malaman mo kung tamaang iyong mga ideya.

Ang presentasyon ay ang paraan kung saan ang mga tao sa komunidad ay matututotungkol sa resulta ng pagsisiyasat. Mahalaga na ipakita ang resulta ng pagsisiyasat sakomunidad upang sa gayo’y malalaman ng mga opisyal at residente ang mgapangangailangan na kailangang bigayn pansin sa omunidad. maaari mo ding ipakita angiyong mga resulta sa mga organisasyon sa komunidad o mga ahensya na maaaringmakatulong sa pangangailangan ng komunidad.

Page 35: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

35

Basahin Natin

Kailangan mo din ng isang ulat sa pagsisiyasat sa komunidad. Ang iyong ulat aymaglalaman ng mga resulta ng pagsisiyasat, paghahanay, pagsusuri, interpretasyon,konklusyon at mga rekomendasyon.

Narito ang ilang gabay kung paano gumawa ng ulat sa mga resulta ng iyongpagsisiyasat sa komunidad.

1. Ang ulat ay kailangang maglaman ng buod ng mga resulta ng pagsisiyasat.Kailangan mong sabihin ang pinakamahalagang suliranin na kailangangmabigyan pansin.

2. Gumamit ng maikling mga pangungusap at parapo na malinaw na nagbibigaydin sa mga suliranin at pangangailangan ng komunidad.

3. Gumamit ng pamuhatan upang maituro ang laman ng parapo ng mgapangungusap.

4. Gumamit ng mga talaan at talaguhitan upang malinaw at madahang maipakitaang mga resulta ng pagsisiyasat.

5. Mahalaga na isama ang iyong mga konklusyon at rekomendasyon sa hulingbahagi ng ulat. Ito ang magsasabi kung anong mga aksyon ang dapat gawinupang tugunan ang mga pangangailangan ng komunidad.

6. Gumawa ng mga kpya ng ulat at ibigay ang mga ito sa mga opisyal ngkomunidad at sa mga residente ng komunidad. Ang mga kopyang ito aymaaaring ibigay habang ang mga resulta ng pagsisiyasat ay ipinapakita attinatalakay sa pagpupulong ng barangay.

Alamin Natin

Paano mo ipakikita ang mga tugon ng mga residente sa mga aytem sapagsisiyasat? Sa ibaba ay ilang mga paraan upang maipakita ang iyong mga resulta. Pag-aralan sila ng mabuti.

1. Gumamit ng mga talaan. Ang mga halimbawa ay matatagpuan sa mga pahina 29-30. Pinadadali ng mga talaan para sa iyo ang pagpapakita ng mga resulta sapagsisiyasat. Ang mga opisyal ng pamahalaan kung kanino mo ipakikita angmga datos ay dapat malinaw at madaling makikita ang mga resulta.

Halimbaw: Sumangguni sa halimbawa ng pagsisiyasat sa mga pahina 9-14. Angmga aytem ay naayos na ayon sa kanilang kahalagahan na naipakita sapamamagitan ng bilang ng mga tugon. Ang kabuuang bilang ng mga nakilahoksa pagsisiyasat ay 14.

Page 36: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

36

Aytem bilang 1: Ang mga bagay na gustong paglaanan ng malaking buwisng mga tao sa komunidad.

Aytem Oo Hindi

2. Gumamit ng talaguhitan. Ang talaguhitan ay nagbibigay ng mas malinawna larawan ng mga resulta ng pagsisiyasat dahil hinahayaan nitong makita moang mga pagkakaiba sa pagitan o sa mga tugon.

Narito ang isang halimbawa:

Aytem bilang 2: Ang kagustuah na magbayad ng mgas malaking buwis kungang salapi ay gagamitin upang ayusin ang mga lansangan atdaan.

Halimbawa:

Aytem bilang 2: Ang kagustuhan na magbayad ng mas marming buwis kungang salapi ay gagamitin para sa mga sumusunod nahangarin:

A – upang ayusin ang mga lansangan at daanB – upang pagandahin ang drainage systemC – upang ayusin ang mga liwasanD – upang magbigay ng karagdagang mga liwasan

a. upang ayusin ang lansangan at daan 13 1b. upang pagandahin ang mga drainage system 10 4c. upang ayusin ang mga liwasan 7 7d. upang magbigay ng karagdagang liwasan 4 9

Page 37: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

37

3. Maaari kang gumamit ng bahagdan. Ang bahagdan ay tumutukoy sa bilang ngtugon laban sa kabuuang bilang ng mga tugon. Multiplikahin mo ito sa 100.Siguraduhin na alam mo ang kabuuang bilang ng mga nakilahok sapagsisiyasat.

Halimbawa:

Aytem bilang 2: Ang kagustuhan na magbayad ng mas malaking buwiskung ang salapi ay gagamitin para sa mga sumusunod nahangarin:

Aytem Oo Hindia. upang ayusin ang mga lansangan at daan 13 1

Bahagdan ng mga “Oo” na tugon: 3/4 × 100 = 92.9

Bahagdan ng mga “Hindi” na tugon: 1/4 × 100 = 7.1%

Ang talaan ay mukhang ganito:

Aytem Oo Hindia. upang ayusin ang mga lansangan at daan 92.9% 7.1%

Kung kailanagan mong malaman ang tungkol sa mga talaan, talaguhitan at bahagdan,sumangguni sa mga modyul na nagtatalakay ng mga paksang ito. Maaari ka dingkomunsulta sa iyong tagapangasiwa.

Laging tandaan na kapag ipapakita mo ang mga resulta ng iyong pagsisiyasat,kailangan na ito ay maging maayos at hindi paligoy-ligoy. Ang iyong ulat aykailangan na malinaw, maikli at madaling basahin, nagbibigay diin sa mga bagay nakailangan munang bigyang pansin.

Page 38: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

38

Subukin Natin Ito

Ating tingnan ang iyong nalalaman kung paano magpakita ng mga resulta ng isangpagsisiyasat. Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Pagkatapos, gumawa ng talaanbatay sa mga datos na ibinigay sa sitwasyon.

Ang organisasyon sa komunidad ng Barangay Mapayapa ay nagkaroon ngpagsisiyasat sa komunidad. Batay sa pagsisiyasat, 150 tagasagot, 10 ang naniniwalana ang serbisyo sa liwasan sa kanilang komunidad ay magaling; 40 ang naniniwala naito ay sapat; 80 ang naniniwala na ang mga ito ay hindi sapat; at 20 ang hindi alam.

Gawin ang iyong talaan dito. Bigyna ng titulo ang iyong talaan.

Ihambing ang iyong talaan sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 54.

Page 39: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

39

Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan

Basahin ang sitwasyon sa ibaba. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong nasumusunod.

Matapos magsagawa ng isang pagsisiyasat at masuri ang mga resulta nito,Natuklasan mo na ang mga serbisyong pangkalusugan sa iyong komunidad aykailangang pagandahin. Batay sa 100 tagasagot, 89 ang nagsasabi na ang mgaserbisyong pangkalusugan sa komunidad ay hindi sapat, habang ang 11 tagasagotang nagsasabi na ang mga serbisyo ay sapat.

1. Ano ang iyong mga rekomendasyon para sa suliraning natukoy sa pagsisiyasatsa komunidad?

2. Kanino mo ipakikita ang mga resulta at rekomendasyon sa pagsisiyasat sakomunidad? Bakit?

3. Paano mo ipakikita ang mga resulta na ito sa iyong pagsisiyasat?

Gumawa ng iyong talaan, talaguhitan o mga bahagdan batay sa sitwasyon.

Itsek ang iyong mga sagot sa Batayam sa Pagwawasto sa pahina 54.

Page 40: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

40

Tandaan Natin

� Ang mga rekomendasyon ay mga mungkahi o posibleng solusyon sa mgapangangailangan at suliranin ng komunidad na natukoy sa pagsisiyasat sakomunidad.

� Kailangan mong ipakita ang mga resulta sa pagsisiyasat sa mga opisyal ngkomunidad at mga miyembro nito upang malaman nila ang mga suliranin atpangangailangan ng komunidad na kailangan bigyan ng pansin.

� Ang ulat ay kailangang gawin batay sa mga resulta ng pagsisiyasat ngkomunidad at kailangang bigyan lahat ng miyembro ng komunidad at mgaopisyal at miyembro ng komunidad.

� Kailangan mong gawin ang iyong presentasyon at ulat na malinaw at madalingmaunawaan, upang ang mga miyembro ng komunidad ay maaaring makilahoksa pagtatalakay ng mga solusyon sa mga pangangailangan at suliranin nanatukoy ng pagsisiyasat sa komunidad. Maaari kang gumamit ng mga talaan,talaguhitan at mga bahagdan upang ang mga miyembro ng komunidad aymakaunawa sa mga resulta ng pagsisiyasat.

Ibuod Natin

Matapos pag-aralan ang modyul na ito, natutuhan mo na:

� Ang pagsisiyasat sa komunidad ay isang pormal o opisyal na pag-aaral naisinasagawa sa komunidad upang matukoy ang mga pangangailangan at suliraninng komunidad. Sa pamamagitan ng pagsisiyasat, ang mga programa atproyekto ay maaaring malikha upang mabigyan pansin ang mgapangangailangan ng komunidad.

� Ang panayam ay isang uri kung saan ang mga tugon ng mga miyembro ngkomunidad sa pagsisiyasat ay nakakalap.

� Ang mga hakbang sa pagsasagawa ng pagsisiyasat sa komunidad ay ang mgasumusunod:

— Bisitahin ang kapitan ng barangay o pinuno ng iyong komunidad attalakayin sa kanya ang uri at hangarin ng pagsisiyasat sa komunidad nanais mong isagawa. Maaari mo ding ipaalam sa mga organisasyon saiyong komunidad ang tungkol sa pagsisiyasat.

— Magdesisyon kung anong porma ng pagsisiyasat ang angkop para saiyong komunidad. Maaari mong konsultahin ang mga ahensiya ngpamahalaan o mga may lubos na kaalaman.

Page 41: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

41

— Magsagawa ng isang pulong sa mga miyembro ng komunidad upangipaliwanag sa kanila ang uri at hangarin ng pagsisiyasat sa komunidad.Ang kanilang partisipasyon ay mahalaga upang matiyak ang tagumpay ngpagsisiyasat.

— Magtakda ng petsa para sa pagsasagawa ng pagsisiyasat. Ito aymakasisiguro na ang lahat ng mga residente ng komunidad aymakikilahok sa pagsisiyat.

� Kung nakalap mo ang mga resulta ng pagsisiyasat, kailangan mong gawin angmga sumusunod:

— Alamin ang kabuuang bilang ng mga tagasagot sa iyong pagsisiyasat.

— Ihanay ang iyong mga datos.

— Balik-aralan ang mga datos upang masiguro na tama ang iyong mgapaghahanay.

— Suriin at ipaliwanag ang mga datos.

— Ayusin ang iyong mga datos ayons a iyong pagsusuri at interpretasyon atmga relasyon ng mga aytem sa pagsisiyasat.

— Gumawa ng iyong mga konklusyon.

� Matapos mong gawin ang mga solusyon, magbigay ng mga rekomendasyonkung paano matutugunan ang mga suliranin at pangangailangan ng iyongkomunidad.

� Ipakita at gumawa ng ulat sa mga resulta ng pagsisiyasat sa mga opisyal ngbarangay at mga miyembro ng komunidad. Ang lahat sa komunidad aykailangang makilahok upang malaman ang mga posible at epektibongsolusyon sa mga suliranin at pangangailangan ng komunidad.

Page 42: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

42

Ao ang Natutuhan Mo?

Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Itsek (�) ang kahon kung ikaw aysang-ayon sa pangungusap. Kung ikaw ay hindi sang-ayon, lagyan ng (�) ang kahon.Ipaliwanag ang iyong mga sagot.

1. Ang pagsasagawa ng pagsisiyasat ay makatutulong sa mga opisyal ngbarangay at residente upang matukoy ang pangangailangan ng kanilangkomunidad.

2. Ang isang layon ng pagsisiyasat sa komunidad ay makatutulong sapag-unlad ng kalidad ng buhay ng mga residente sa komunidad.

3. Hindi mo kailangang talakayin ang pagsisiyasat sa komunidad na naismong isagawa sa iyong mga opisyal at residente ng komunidad.

4. Ang pagsisiyasat sa komunidad ay maghihikayat sa partisipasyon ng mgaresidente sa komunidad.

5. Mahalaga ang gumawa ng ulat sa mga resulta ng pagsisiyasat sakomunidad.

6. Kaunti lamang na mga residente sa komunidad ang kailangang kumuha ngpagsisiyasat sa komunidad.

7. Kailangan nating pag-isipan ang lahat ng mga sagot ng tagasagot sapagsisiyasat.

Page 43: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

43

8. Ang mga rekomendasyon batay sa mga resulta ng pagsisiyasat aykailangan na mabilis na masundan ng mga opisyal at residente ng iyongkomunidad.

9. Ang mga residente at opisyal ng barangay ay kailangang mabigyan ngulat sa mga resulta ng pagsisiyasat sa komunidad.

10. Hindi na kailangan na magsagawa ng pagsisiyasat sa komunidad kahit nanatukoy na ang suliranin ng komunidad.

Kamusta ito? Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa mgapahina 55.

Kung ang bilang ng iyong mga nakuhang sagot ay:

9 – 10 Napakagaling! Marami kang natutuhan mula sa modyul.

6 – 8 Magaling! Balikan na lamang ang mga aytem na hindi mo nasagutan ngtama.

0 – 5 Kailangan mong pag-aralang muli ang buong modyul.

Page 44: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

44

Batayan sa Pagwawasto

A. Anu-ano na ang mga Alam Mo? (pp. 1–3)

1. Hindi sang-ayon. Ang mga suliranin ng komunidad ay direktangnakaaapekto sa mga tao na naninirahan sa komunidad. Ang mga suliranintulad ng maling pagtatapon ng basura at dumi ay nakaaapekto sa kalusuganng mga residente. Maaaring maganap ang mga sakit at karamdaman.

2. Hindi sang-ayon. Sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga pangangailangano suliranin, ang mga programa ng komunidad, mga serbisyo at proyektoay maaaring malikha at maipatupad.

3. Sang-ayon. Ito ay isang pag-aaral na isinasagawa upang malaman angkondisyon ng komunidad.

4. Sang-ayon. Ang isang responsableng residente ay batid ang kondisyon ositwasyon ng kanyang komunidad. Ang kaalaman sa iyong komunidad aymagpapahintulot sa iyo na makilahok sa pagbibigay pansin sa mgapangangailangan at suliranin nito na naitukoy.

5. Sang-ayon. Para umunlad ang isang komunidad, kailangan nitongmatukoy ang mga pangangailangan at suliranin. Ang mga ito ay maaaringmaitukoy sa pamamagitan ng mga pananaliksik at pag-aaral tulad ngpagsisiyasat sa komunidad.

6. Sang-ayon. Ang layunin ng pagsisiyasat sa komunidad ay malaman angkondisyon ng komunidad at ang mga pangangailangan at suliranin nito nakailangang mabigyang pansin.

7. Hindi sang-ayon. Ang mga opisyal ng komunidad ay mayroongmalaking responsibilidad upang tiyakin na ang mga programa, proyektoat serbisyo na kanilang ibinibigay ay tutugon sa mga pangangailangan ngmga residente sa komunidad.

8. Hind sang-ayon. Ang lahat ng residente sa komunidad ay kailangangmakilahok sa pagsisiyasat sa komunidad dahil sila ang makikinabangmula sa mga serbisyo, programa at proyekto na malilikha upangmatugunan ang pangangailangan at suliranin ng komunidad.

9. Sang-ayon. Mahalaga na magawa ang ulat sa mga resulta ng pagsisiyasatsa komunidad. Ang ulat na ito ay kailangang maipakita sa mga opisyal atresidente ng komunidad upang ang mga posibleng programa at proyektoay matalakay ng komunidad na natukoy.

10. Sang-ayon. Ang mga konklusyon ay makatutulong sa mga opisyal ngbarangay upang makita ang kondisyon ng komunidad. Sila din angnagbibigay pansin sa mga suliranin at pangangailangan na kailangangmasolusyunan.

Page 45: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

45

11. Hindi sang-ayon. Ang mga opisyal ng barangay ay kailangang makitaang mga resulta ng pagsisiyasat upang makagawa sila ng mga programa atproyekto na magbibigay pansin sa mga pangangailangan at suliranin ngkomunidad na natukoy sa pagsisiyasat.

12. Sang-ayon. Ang mga rekomendasyon ay nagbibigay ng mga mungkahikung anong mga proyekto at programa ang kailangang maipatupad upangepektibong masolusyunan ang mga pangangailangan at suliranin ngkomunidad.

13. Sang-ayon. Ang sinumang indibidwal ay maaaring magsagawa ngpagsisiyasat kung siya ay may kaalaman at kakayahan sa paggawa nito.Mahalaga sin na siya ay makipag-ugnayan sa mga opisyal at residente ngkomunidad upang ang pagsisiyasat ay maging matagumpay.

14. Sang-ayon. Ang malinaw na ulat sa pagsasabi ng mga resulta ngpagsisiyasat sa komunidad ay makatutulong sa mga nagbasa nito namaunawaan kung ano ang layunin ng pagsisiyasat sa kasalukuyan. Ito dinay makatutulong para sa isang madaling talakayan sa mgapangangailangan at suliranin ng komunidad at ang mga paraan sa paglutasnito.

15. Hindi sang-ayon. Ang mga residente ay dapat makilahok sapagtatalakay ng mga resulta ng pagsisiyasat dahil sila ang maikinabangmula sa mga proyekto at programa na malilikha para sa mgapangangailangan at suliranin na natukoy.

B. Aralin 1

Pag-aralan at Suriin Natin Ito (pp. 4–6)

1. Ang Barangay Mapayapa ay isang komunidad sa lungsod ng Quezon namayroong 500 pamilya. Ito ay mayroong mga establisimento sa negosyoat paaralan. Ito ay magandang lokasyon dahil ito ay malapit sa ibangmga lungsod sa Metro Manila.

2. Ang mga suliranin ng Barangay Mapayapa ay ang nakakalat na basura atdumi, kakulangan ng mga ilaw sa lansangan at napabayaang mga liwasan.

3. Makatutulong ako sa paglutas ng mga suliranin ng Barangay Mapayapa sapamamagitan ng pagmumungkahi sa mga pinuno ng barangay namagsagawa ng isang pagsisiyasat sa komunidad. Ipaliliwanag ko sa kanyana makatutulong ito na matukoy ang mga pangangailangan at suliranin ngkomunidad. Ang mga resulta ng pagsisiyasat ay magpapakita sa mgapaniniwala ng tao sa kanilang komunidad.

4. Ito ay isang halimbawang sagot. Ang iyong sagot ay depende sa iyongpananaw.

Page 46: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

46

Oo, ang mga suliranin ng Barangay Mapayapa ay maaaring mabigyan pansinkung ang mga pinuno at residente ng komunidad ay magtulung-tulong sapaglutas ng kanilang mga suliranin. Maaaari nilang talakayin kung anongproyekto at progtama ang kailangang maipatupad upang matugunan angpangangailangan ng komunidad.

Maaari mong ipakita ang iyong sagot sa iyong tagapangasiwa para sakaragdagang komento.

Pag-aralan at Suriin Natin Ito (pp. 7–9)

1. Nais ni G. Rivera ba magpatawag ng isang pulong upang talakayin angtungkol sa pagsasagawa ng pagsisiyasat sa komunidad.

2. Nais niyang magsagawa ng pagsisiyasat sa komunidad dahil gusto niya namatukoy ng mga residente ang mga pangangailangan at suliranin ngkomunidad upang ito ay mabigyan pansin.

3. Sumang-ayon si G. Garcia kay G. Rivera dahil sa tingin niya ay kailanganna matukoy ang mga suliranin sa komunidad. Naniniwala siya na ang mgaresidente ay makatutulong na mabigyan pansin ang mga suliraning yaonsa pamamagitan ng isang pagsisiyasat.

4. Sa aking palagay ay maaari silang magsagawa ng pagsisiyasat ngmatagumpay dahil ang lahat ay nais malaman ang kondisyon ngkomunidad. Kung magsagawa ng pagsisiyasat ang mga opisyal ngbarangay, ang mga residente ay makikilahok upang ang kanilang mgareklamo ay matugunan ng wasto ng mga lokal na awtoridad.

5. Ako ay sang-ayon kay G. Rivera na ang pagsisiyasat ay kailangangmaisagawa. Makikinabang ang mga residente ng komunidad sapagsisiyasat na ito. Kapag ang mga suliranin ay naitukoy na, ang mgaproyekto at programa ay maaaring malikha at maipatupad upang lutasinang mga suliraning yaon.

Subukan Natin Ito (pp. 9–13)

Ito ay halimbawang sagot. Ang iyong mga sagot ay maaaring maiba.

1. Paano mo tatantiyahin ang mga sumusunod na serbisyo sa iyongkomunidad?

Maglagay ng tsek (�) sa wastong kolum. Gamitin ang sistem ngpagtatantiya sa ibaba.

Page 47: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

47

Serbisyo sa Komunidad A B C D

2. Sa ibaba ay listahan ng mga serbisyo na nangangailangan ng buwis para sapagpapanatili ng kaunlaran at konstruksyon sa pagsasagawa nito. Nais mobang magbayad ng mas malaking buwis kung ang salapi ay gagamitin para samga proyekto ng komunidad? Maglagay ng tsek (�) sa kolum na nababagay saiyo (Oo o Hindi).

Oo Hindi

3. Paano mo tatantiyahin ang mga sumusunod na pangkapaligirangkondisyon sa iyong komunidad? Maglagay ng tsek (�) sa wastong kolum.(A – Magaling, B – Sapat, C – Hindi Sapat, D – Hindi Alam)

A B C D

a. liwasan �

b. drainage system �

c. pananatili sa lansangan �

d. pagkolekta ng basura �

e. proteksyon sa sunog �

f. proteksyon ng mga pulis �

g. serbisyo ng ambulansya �

h. pag-inspeksyon ng gusali �

i. kontrol ng mga hayop �

j. pagpapailaw ng lansangan �

a. maglagay ng karagdagang liwasan �

b. pagandahin ang maga liwasan �

c. pagandahin ang mga drainage system �

d. pagandahin ang mga lansangan at daan �

e. paunlarin ang koleksyon ng basura �

f. paunlarin ang proteksyon mula sa sunog �

g. paunlarin ang proteksyon ng mga pulis �

h. paunlarin ang serbisyo ng ambulansya �

i. paunlarin ang pag-iilaw sa mga lansangan �

j. magbigay ng mga pasidad para sa libangan �

k. gumawa ng bagong bangketa sa iba’t ibang lugar �

a. pagpapanatili sa mga liwasan sa lungsod �

b. kondisyon ng mga bakanteng lote �

c. anyo ng mga gusali at establisimento �

d. kontrol sa mga alikabok, putik, kalat at mga lugar ng konstruksyon �

e. kaligtasan sa mga tawiran �

Page 48: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

48

4. Ipakita kung gaano kalakas ang iyong pagsang-ayon o hindi pagsang-ayonsa mga sumusunod na pangungusap sa susunod na pahina.

LS Lubos na sumasang-ayonS Sang-ayonN NeutralHS Hindi Sang-ayonLHS Lubos na hindi sumasang-ayon

LS S N HS LHS

5. Gamit ang parehong pagtatantiya sa mga bilang 1 hanggang 3, paano motatantiyahin ang mga sumusunod na serbisyong pangkalakalan sa iyongkomunidad?

A B C D

6. Anong uri ng prioridad ang kailangang ibigay ng iyong komunidad sa pagpapa-unlad ng bawat isa sa mga sumusunod?

1 Pangunahing prioridad2 Mabilis na prioridad3 Pinakamaliit na prioridad4 Hindi alam

1 2 3 4

a.Kailangan natin ng mas maraming�pasilidad para sa ating pangunahing

liwasan.

b.Kailangan natin ng mas maraming �permanenteng bukas na ispasyo

c.Kailangan natin ng mas maraming puno �para sa ating komunidad.

d.Ang trapik ay problema sa ating �komunidad.

a. mga tindahan �

b. mga botika �

c. mga tindahan ng kasuotan �

d. mga kainan �

e. mga nagbibigay saya �

f. tindahan ng hardwer/kahoy �

g. mga serbisyo sa sasakyan �

h. mga serbisyo sa bangko �

a. murang pabahay �

b. mga opisina sa negosyo �

c. mga sari-saring tindahan �

d. mga kainan �

e. mga nagbibigay saya �

f. mga negosyo sa tahanan o programang �pangkabuhayan

g. mga paaralan o kolehiyo �

h. mga serbisyong pangkalusugan �

i. iba pa (tiyakin) pagpapanatili ng lansangan �

Page 49: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

49

Karagdagang Impormasyon:

(Maglagay ng tsek sa kaukulang impormasyon)

1. Ikaw ba ay: ____ Lalake ____ Babae

2. Ilang taon ka ng naninirahan sa iyong komunidad?

___1-3 taon ___11-15 taon

___4-6 taon ___16-25 taon

___7-10 taon ___higit sa 25 taon

3. Sa tingin mo ba’y naninirahan ka pa sa iyong komunidad limang taon mulangayon?

___ Oo ___ Hindi ___ Hindi Alam

4. Ikaw ba ay nangungupahan o may sariling bahay?

___ Nangungupahan ___ Sarili

5. Ilang miyembro ng pamilya ang nakatira sa iyong bahay?

___ 1 ___ 5___ 2 ___ 6___ 3 ___ 7___ 4 ___ 8 o higit pa

6. Ano ang kasalukuyang edad o gulang ng bawat miyembro ng pamilya nanakatira sa iyong bahay? Iyong kasalukuyang edad o gulang.

a. Unang miyembro ng pamilya: 51 taong gulang

b. Ikalawang miyembro ng pamilya: 50 taong gulang

c. Ikatlong miyembro ng pamilya: 23 taong gulang

d. Ikaapat na miyembro ng pamilya: 17 taong gulang

e. Ikalimang miyembro ng pamilya: ___taong gulang

f. Ikaanim na miyembro ng pamilya: ___taong gulang

g. Ikapitong miyembro ng pamilya: ___taong gulang

h. Iba pang miyembro ng pamilya: _________taong gulang

7. Ikaw ba ay pumapasok sa paaralan?

___ Oo ___ Hindi

Page 50: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

50

8. Ilan sa miyembro ng pamilya ang pumapasok sa paaralan: ______

Bilang ng mga miyembro ng tahanan na pumapasok sa paaralan: ______

___ Elementarya

___ Sekondarya

___ Kolehiyo o Unibersidad

___ Mga programang pag-aaral sa tahanan

9. Ano ang pangunahing pinagkakakitaan ng inyong pamilya?

___Agrikultura ___Finance, Insurans, Lupa

___Pagmimina ___Pamahalaan

___Konstruksyon ___Edukasyon/Pagsasanay

___Paggawa ___Mga serbisyo

___Pagbebenta ___Retiro na

___Transportasyon, Komunikasyon ___Sa tahanan lamang at Pampublikong gawain ___Mag-aaral

10. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa kabuuang kita ng iyong pamilyanoong nakaraang taon?

___mas mababa sa P30,000

___P30,000-P69,999

___P70,000-P99,999

___P100,000-P129,999

___P130,000-P169,999

___P170,000 at higit pa

11. Ano ang antas ng edukasyon ang iyong natapos?

___Elementarya ___Bokasyonal___Sekondarya ___Postgraduate

___Kolehiyo

Kung ikaw ay may karagdagang puna sa iyong komunidad, isulat ito sa ibaba.

Page 51: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

51

_______ Kailangang magkaroon ng isang regular na pulong ang barangayupang talakayin ang mga suliranin sa komunidad.

Pag-usapan Natin (pp. 51–16)

Ito ay ang halimbawang sagot. Ang iyong mga sagot ay maaaring maiba.

1. Naramdaman ko na kailangan kong makilala ng lubusan ang akingkapit-bahay at ang mga tao sa komunidad kung saan ako naninirahan.Nararamdaman ko na mayroon akong ginagawa na mahalaga para sa akinat saaking komunidad. Ako ay masaya na ang mga taong aking nakapanayamay matulungin.

2. Napansin ko na sila ay matulungin habang kinakapanayam ko sila. Maymga pagkakataon na natagalan sila sa pagtugon sa isang aytem.Naniniwala ako na nagpapakita ito na sila ay seryoso tungkol sa panayam.

3. Sinabi nila na sila ay masaya na natnong sa kanila ang tungkol sa mgapangangailangan ng komunidad. Naramdaman nila na mayroon silangginagampanan na responsibilidad bilang mga miyembro ng komunidad.

4. Marami akong natutuhan mula sa aking mga kasamahan sa pamayanan.Marami palang suliranin at pangangailangan ng komunidad na kailangangmabigyan ng pansin.

Maaari kang kumunsulta sa iyong tagapangasiwa para sa karagdagangmga komento.

Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan (pahina 22)

1. Ang pagsisiyasat sa komunidad ay isang pormal o opisyal na pag-aaral naisinasagawa sa isang komunidad.

2. Ang hangarin nito ay upang maitukoy ang mga pangangailangan atsuliranin ng komunidad.

3. Ang pagsisiyasat sa komunidad ay maaaring maisagawa sa pamamagitanng isang panayam. Ang tagapanayam ay magpupunta sa bahay bahay upangtanungin ang mga tagasagot tungkol sa mga aytem sa pagsisiyasat. Angmga pormularyo ng pagsisiyasat ay maaari ding ihulog bilang isangliham o iwan sa mga pamilya at kokolektahin sa napagkasunduang petsa.

4. Ang sinuman ay maaaring magsagawa ng pagsisiyasat sa komunidadkapag siya ay mayroong kaalaman at kakayahan na magsagawa nito.Kailangan din niyang makipag-ugnayan sa mga pinuno at residente ngkomunidad upang masiguro na ang isasagawang pagsisiyasat ay magigingmatagumpayy.

Page 52: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

52

5. Ang lahat ng komunidad ay kabilang sa pagsisiyasat. Ang partisipasyonng mga residente at pinuno ng komunidad ay makasisiguro na ang mgasuliranin at pangangailangan ng komunidad ay maitutukoy ng tama atmatagumpay.

6. Kailangan kong makipag-ugnayan sa mga pinuno ng barangay sakomunidad upang ipaliwanag sa kanila ang uri at hangarin ng isangpagsisiyasat sa komunidad. Ipapaalam ko din sa mga organisasyon sakomunidad upang sila ay makilahok sa pagsasagawa ng pagsisiyasat.

Matapos na matalakay ko at ng mga opisyal ang kahalagahan ngpagsisiyasat sa komunidad, kami ay magdedesisyon kung anongpormularyo ng pagsisiyasat ang angkop para sa komunidad. Kami aykokonsulta sa mga ahensya ng pamahalaan o mga espesyalista sapagsisiyasat para dito.

Pagkatapos, kami ay magpupulong kasama ang mga residente upangipaliwanag sa kanila ang hangarin ng pagsisiyasat. Kami ay magtatakda ngpetsa kung kailan isasagawa ang pagsisiyasat upang ang lahat aymakalahok dito.

C. Aralin 2

Subukin Natin Ito (pp. 24–25)

Ang mga sumusunod ay halimbawang obserbasyon tungkol sa komunidad.Ang iyong mga obserbasyon tungkol sa iyong komunidad ay maaaring maiba.

1. Pagtatapon ng basura:

Napansin ko na ang mga tao sa aking komunidad ay hindi alam kungpaano magtapon ng basura ng maayos. Ang mga lansangan ay puno ng mgakalat, lalo na dahil ang trak ng basura ay hindi madalasnakakakolekta nito.

2. Pagpapanataili ng lansangan:

Napansin ko na ang mga serbisyo sa pagpapanatili ng lansangan ay hindisapat. Maraming mga butas at ang lansangan ay nagpuputik tuwingumuulan.

Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan (pp. 30–31)

A. 4 Suriin at ipaliwanag ang datos

6 Gumawa ng iyong mga konklusyon

2 Ihanay ang iyong datos

5 Ayusin ang iyong mga datos ayon sa iyong pagsusuri atinterpretasyon.

Page 53: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

53

1 Alamin ang kabuuang bilang ng mga tao na nakilahok sa pagsisiyasat.

3 Muling balikan ang datos at sigurahin na tama ang iyong paghahanay.

B. 1. Mahalaga na itala, suriin at ipaliwanag ang mga datos na nakalapmula sa pagsisiyasat upang maging mas madaling maunawaan ngmga magbabasa nang resulta ng pagsisiyasat. Mas madali dingmabibigyan pansin ang mga suliranin na dapat mabigyan ng solusuonng mga residente.

2. Ang bawat tugon sa pagsisiyasat ay kailangan ituring na mahalagadahil ang bawat tugon ay nagpapakita ng kondisyon ng komunidadmaging ang mga pangangailangan at suliranin nito.

3. Ang mga konklusyon ay mga buod ng mga datos na nakalap sapamamagitan ng pagsisiyasat. Ipinakikita nito ang mga pangunahingsuliranin sa komunidad na naipakita sa mga tugon sa pagsisiyasat.

D. Aralin 3

Pag-aralan at Suriin Natin Ito (pahina 32)

Ito ang mga halimbawang sagot. Ang iyong mga sagot ay maaaring maiba.

Aking iminumungkahi na ang mga residente ay maturuan kung paanomuling gamitin ang kanilang kalat at basura. Maaaring magpulong angmga pinuno ng barangay at mag-imbita ng tagapagsalita na magpapakita samga residente ang iba’t ibang paraan kung paano muling gamitin ang kanilangmga kalat at basura. Maaari ding makipag-ugnayan ang komunidad sa mgapribado o mga pampamahalaang ahensya na mayroong kagamitan sapagreresaykel. Kailangan ding magkaroon ng pulong upang talakayin angregular na koleksyon ng basura sa komunidad.

Pag-isipan Natin Ito (pp. 33–34)

Ito ay mga halimbawang rekomendasyon. Ang iyong mgarekomendasyon ay maaaring maiba.

Ang aking komunidad ay maraming suliranin sa kalusugan at ang mgaserbisyong pangkalusugan ay hindi sapat. Aking imumungkahi na humingi ngtulong ang barangay sa Kagawaran ng Kalusugan na magtayo ng klinika sakomunidad na tutulong sa mga sentro ng kalusugan na magbigay ng mgaserbisyo para sa mga residente sa komunidad. Iminumungkahi ko din na angmga klinika ay magbigay ng libreng seminar at pag-aaral para sa mgamiyembro ng komunidad.

Page 54: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

54

Subukin Natin Ito (pahina 38)

Mga Serbisyo ng mga Liwasan sa Komunidad

Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan? (pahina 39)

1. Narito ang ilang halimbawang mga rekomendasyon. Ang iyong mgarekomendasyon ay maaaring maiba.

Aking imumungkahi na humingi ng tulong ang mga opisyal ng barangaysa Kagawaran ng Kalusugan at mga opisyal sa lungsod upang magbigayng libreng serbisyo para sa mga residente ng komunidad. Maaari silangmagtayo ng mga libreng klinika at magsagawa ng mga seminar sakalusugan at pagsasanay. Imumungkahi ko din na maghanap ang mgaopisyal ng barangay ng mga boluntaryo upang tumulong sa pagbibigay ngmga serbisyong pangkalusugan para sa mga miyembro ng komunidad.

2. Ipapakita ko ang mga resulta at rekomendasyon sa mga opisyal ngbarangay at mga residente upang ang lahat sa komunidad ay makalahok sapaghahanap ng mga posibleng solusyon sa kakulangan ng mga serbisyongpangkalusugan sa komunidad.

3. Ako ay gagamit ng talaguhitan upang ipakita ang resulta ng pagsisiyasat.

Mga Serbisyong Pangkalusugan sa Komunidad

Page 55: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

55

E. Ano ang Iyong Natutuhan? (pp. 42–43)

1. (�) Ang pagsisiyasat sa komunidad ay isang mabuting paaran upangmatukoy ang pangangailangan at suliranin ng komunidad. Ang mga tugonng mga residente sa pagsisiyasat ay magpapakita ng kondisyon ngkomunidad.

2. (�) Ang isang layon ng pagsisiyasat sa komunidad ay upang matukoyang mga pangangailangan at suliranin ng komunidad. Ang mga programaat proyekto ay maaaring malikha at maipatupad upang tugunan ang mgapangangailangan ng komunidad maging ang mga miyembro nito.

3. (�) Hindi mo kailangang talakayin ang pagsisiyasat sa komunidad na naismong isagawa sa iyong mga opisyal at residente ng komunidadupang ang lahat ay makalahok at ang mga tugon ay magpapakita ngkondisyon ng komunidad.

4. (�) Ang pagsisiyasat sa komunidad ay maghihikayat sa partisipasyon nglahat sa komunidad. Ang partisipasyon ng lahat ng miyembro ngkomunidad ay mahalaga para sa ikatatagumpay ng pagsisiyasat.

5. (�) Mahalaga na gumawa ng ulat sa mga resulta ng pagsisiyasat sakomunidad upang ang mga aksyon na gagawin upang bigyan ng pansin angmga pangangailangan at suliranin na natukoy ng pagsisiyasat.

6. (�) Ang mga tao sa komunidad ay dapat kumuha ng pagsisiyasatupang ang mga resulta ay magpapakita ng kondisyon, pangangailangan atsuliranin ng komunidad.

7. (�) Ang lahat ng mga sagot ay mahalaga upang malaman ang mgapangangailangan at suliranin ng komunidad.

8. (�) Kailangan mo ding itanong sa mga opisyal at ibang residente sakomunidad ang ilang mga rekomendasyon para sa pangangailanganat suliranin na natukoy sa pagsisiyasat. Ang partisipasyon ng bawatmiyembro ng komunidad ay mahalaga upang ang mga epektibongprograma at proyekto ay malikha at maipatupad upang tugunan ang mgapangangailangan at suliranin ng komunidad.

9. (�) Ang lahat ng tao sa komunidad ay kailangang mabigyan ng ulat samga resulta ng pagsisiyasat upang sila ay makilahok sa pagdedesisyonkung anong mga programa at proyekto ang angkop para sa mgapangangailangan at suliranin ng komunidad.

10. (�) Kailangan na magsagawa ng pagsisiyasat sa komunidad kahit nanatukoy na ang suliranin ng komunidad. Maaaring mayroon pang ibangmga suliranin at pangangailangan ang komunidad na hindi mo batid.Karagdagan dito, ang ibang mga residente sa komunidad ay maaaringhindi ituring ang suliranin na iyong natukoy bilang isang prioridad.

Page 56: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Pagsisiyasat+sa... · 1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Bahagi ng isang pamayanan. Tiyak na marami kang

56

Glossary

Address Kilalanin, tukuyin o turingin

Analyze Upang pag-aralan o pag-isipan

Classify Upang pagsamahin sa iang grupo at ilagay sa ilalim ng kategorya

Community Isang grupo ng tao na naninirahan sa isang lugar

Community Survey Isang pormal na opisyal na pag-aaral na isinagawa sakomunidad

Conclusion Buod ng mga datos na nakalap

Data Impormasyon na nakalap

Graph Isang ilustrasyon na nagpapakita ng relasyon ng mga aytem, numero obilang

Interpret Upang ipaliwanag o ipaunawa

Interview Bahagi ng pananaliksik kung saan ang isang tao ay nagtatanong tungkolsa isang isyu o paksa

Percentage Ang proporsiyon ng isang tugon laban sa kabuuan bilang ng mgatugon

Recommendation Mungkahi o posibleng solusyon sa isang suliranin

Respondent Isang sumasagot sa pagsisiyasat

Response Sagot o tugon

Synthesize Pagsamahin ang lahat ng mga resulta, pagsusuri at interpretasyon ngpag-aaral

Table Isang pangkat ng datos, katotohanan o bilang na iniayos sa kolum o hanay

Tabulate Upang ayusin sa uri ng talaan