Tula

21
TULA

Transcript of Tula

Page 1: Tula

TULA

Page 2: Tula

LAYUNIN:Nabibigyan ng kahulugan ang tula;Natutukoy ang mga element ng tula; atNabibigyan ng halaga ang bawat pagsulat ng

tula.

Page 3: Tula

A. Pangunahing Pang-unawa:

Ito'y nagpapalawak sa kamalayan ng indibidwal tungo sa isang mas malalim na pagtingin o pananaw sa isang bagay na pinagtutuunan ng pansin ng awtor.ito ay isang instrumento na ginagamitan ng mga baybaying salita at itinutukoy nito ang isang bagay na makasaysayan.

Page 4: Tula

Ano ang tula?

Page 5: Tula

Ang Tula ay isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin sa malayang pagsusulat.Binubuo ang tula ng saknong at taludtod.

Page 6: Tula

Mga Elemento ng Tula1. Sukat2. Saknong3. Tugma4. Kariktan5. Talinhaga6. Anyo7. Tono/Indayog8. Persona

Page 7: Tula

Sukat

Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.

Page 8: Tula

Halimbawa:isda – is da – ito ay may dalawang

pantigis da ko sa Ma ri ve les – 8 pantig

Page 9: Tula

    Mga uri ng sukat

Page 10: Tula

Wawaluhin –    Halimbawa:    Isda ko sa Mariveles     Nasa loob ang kaliskis

Page 11: Tula

Lalabindalawahin –    Halimbawa:     Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad     Sa bait at muni, sa hatol ay salat

Page 12: Tula

Lalabing-animin –    Halimbawa:     Sai-saring bungangkahoy, hinog na at matatamis     Ang naroon sa loobang may bakod pa sa paligid

Page 13: Tula

Lalabingwaluhin –    Halimbawa:     Tumutubong mga palay,gulay at maraming mga bagay    Naroon din sa loobang may bakod pang kahoy na malabay

Page 14: Tula

SaknongAng saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya (taludtod).

2 linya - couplet     3 linya - tercet     4 linya - quatrain     5 linya – quintet    6 linya - sestet    7 linya - septet    8 linya - octaveAng couplets, tercets at quatrains ang madalas na ginagamit sa mga tula.

Page 15: Tula

TugmaIsa itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa tuluyan. Sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog. Lubha itong nakaga- ganda sa pagbigkas ng tula. Ito ang nagbi-bigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog.

Page 16: Tula

   Mga Uri ng Tugma

Hindi buong rima (assonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung     saan ang salita ay nagtatapos sa patinig.   

Halimbawa:    Mahirap sumaya    Ang taong may sala    Kapagka ang tao sa saya’y nagawi    Minsa’y nalilimot ang wastong ugali

Page 17: Tula

Kaanyuan (consonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa katinig.    a. unang lipon, mga salitang nagtatapos sa – b, k, d, g, p, s, t  

  Halimbawa:    Malungkot balikan ang taong lumipas    Nang siya sa sinta ay kinapos-palad

    b. ikalawang lipon, mga nagtatapos sa – l, m, n, ng, r, w, y   

Halimbawa:    Sapupo ang noo ng kaliwang kamay    Ni hindi matingnan ang sikat ng araw

Page 18: Tula

KariktanKailangang magtaglay ang tula ng maririkit na salita upang masiyahan ang mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan.

Page 19: Tula

TalinghagaTumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay.     ○ Tayutay - paggamit ng pagwawangis, pagtutulad, pagtatao ang ilang paraan     upang ilantad ang talinghaga sa tula

Page 20: Tula

Anyo Porma ng tula.

Tono/IndayogDiwa ng tula.

Persona Tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa o ikatlong panauhan

Page 21: Tula