'Tinerorismo’: Paglantad sa terorismo ng estado sa demolisyon Ng kabahayan sa Sitio San Roque...

37
1 | Siapo Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at Sining Kagawaran ng Agham Panlipunan 'Tinerorismo’: Paglantad sa terorismo ng estado sa demolisyon Ng kabahayan sa Sitio San Roque noong Enero 27, 2014 Gian Zechariah Siapo 2010-46137 Political Science 198 Propesor Fatima Alvarez Castillo Tagapayo

description

Sa pag-aaral na ito nilapat ang alternatibong konsepto ng terorismo upang ipakita ang terorismo ng estado sa kaso ng demolisyon sa mga komunidad maralita. Ang sinuring kaso ay ang naganap noong Enero 27, 2014 sa gawing Agham Road ng komunidad ng Sitio San Roque, Lungsod Quezon.Sa ‘alternatibong’ depinisyon, ang terorismo ay karahasang may mga sumusunod na katangian: (1) may pang-ekonomiya at pampulitikang pakay, (2) hayagang ginagawa ng organisadong pwersa o ahensiya, (3) target ay maaring mga sibilyan, (4) susog sa karahasang likas nang mula sa estado – bilang ito’y tagapanatili ng monopolyo sa rekurso ng iilan, at (5) laganap sa panahong humihina ang estado sa paggampan ng mga batayan nitong tungkulin.Sa pamamagitan ng pagsisiyasat, natuklasan na terorismo ang naganap na karahasang mula sa armadong pwersa ng estado laban sa mga maralitang residente. Partikular na dito ang arbitraryong pang-aaresto at paggamit sa matataas na kalibre ng armas ng kapulisan. Pinatunayan din ang pakikinabang lalo ng mga malalaking negosyante partikular ang Ayala Land Inc. (ALI) sa nangyari. Ang ALI ang ‘partner’ ng National Housing Authority (NHA) sa proyektong nais bigyang daan ng demolisyon – ang Quezon City Central Business District (QC CBD).

Transcript of 'Tinerorismo’: Paglantad sa terorismo ng estado sa demolisyon Ng kabahayan sa Sitio San Roque...

Page 1: 'Tinerorismo’: Paglantad sa terorismo ng estado sa demolisyon Ng kabahayan sa Sitio San Roque noong Enero 27, 2014

1 | Siapo

Unibersidad ng Pilipinas Maynila

Kolehiyo ng Agham at Sining

Kagawaran ng Agham Panlipunan

'Tinerorismo’:

Paglantad sa terorismo ng estado sa demolisyon

Ng kabahayan sa Sitio San Roque noong

Enero 27, 2014

Gian Zechariah Siapo

2010-46137

Political Science 198

Propesor Fatima Alvarez Castillo

Tagapayo

Page 2: 'Tinerorismo’: Paglantad sa terorismo ng estado sa demolisyon Ng kabahayan sa Sitio San Roque noong Enero 27, 2014

2 | Siapo

TALAAN NG NILALAMAN

Abstrak ............................................................................................................................ 2

Panimula ......................................................................................................................... 3

Mga katanungan sa pananaliksik ................................................................................. 4

Balangkas ng pag-aanalisa ............................................................................................. 5

Metodolohiya at mga etikal na konsiderasyon ............................................................... 14

Metodolohiya .............................................................................................................. 14

Mga etikal na konsiderasyon...................................................................................... 21

Mga natuklasan at diskusyon ........................................................................................ 22

Ang karanasan ng Sitio San Roque bilang maralitang komunidad ............................ 22

Mga pangkalahatang katangian ng komunidad.......................................................... 22

Karanasan ng komunidad sa pagpapaalis at demolisyon .......................................... 23

Pagtalakay sa katangian ng demolisyon noong Enero 27, 2014................................ 24

Ang natutunggaling interes ng maralita at estado ...................................................... 24

Ang estado sa pagpapatupad ng demolisyon ............................................................ 25

Ang ginampanan ng armadong pwersa ng estado sa demolisyon ............................. 27

Ang mga nakinabang sa demolisyon ......................................................................... 28

Pagsusuri sa karahasang naganap bilang ‘terorismo’ ................................................ 29

Konklusyon .................................................................................................................... 31

Talasanggunian ............................................................................................................. 32

Abstrak

Sa pag-aaral na ito nilapat ang alternatibong konsepto ng terorismo upang

ipakita ang terorismo ng estado sa kaso ng demolisyon sa mga komunidad maralita.

Page 3: 'Tinerorismo’: Paglantad sa terorismo ng estado sa demolisyon Ng kabahayan sa Sitio San Roque noong Enero 27, 2014

3 | Siapo

Ang sinuring kaso ay ang naganap noong Enero 27, 2014 sa gawing Agham Road ng

komunidad ng Sitio San Roque, Lungsod Quezon.

Sa ‘alternatibong’ depinisyon, ang terorismo ay karahasang may mga

sumusunod na katangian: (1) may pang-ekonomiya at pampulitikang pakay, (2)

hayagang ginagawa ng organisadong pwersa o ahensiya, (3) target ay maaring mga

sibilyan, (4) susog sa karahasang likas nang mula sa estado – bilang ito’y tagapanatili

ng monopolyo sa rekurso ng iilan, at (5) laganap sa panahong humihina ang estado sa

paggampan ng mga batayan nitong tungkulin.

Sa pamamagitan ng pagsisiyasat, natuklasan na terorismo ang naganap na

karahasang mula sa armadong pwersa ng estado laban sa mga maralitang residente.

Partikular na dito ang arbitraryong pang-aaresto at paggamit sa matataas na kalibre ng

armas ng kapulisan.

Pinatunayan din ang pakikinabang lalo ng mga malalaking negosyante partikular

ang Ayala Land Inc. (ALI) sa nangyari. Ang ALI ang ‘partner’ ng National Housing

Authority (NHA) sa proyektong nais bigyang daan ng demolisyon – ang Quezon City

Central Business District (QC CBD).

Panimula

Dulot ng gahum o hegemony ng mga makapangyarihang estado tulad ng US,

naibaling ang tuon ng terminong terorismo sa mga marahas na gawain ng mga grupong

laban sa estado.

Ang ganitong paggamit ay taliwas sa kasaysayan ng konsepto – kung paanong

orihinal na binabanggit ang terorismo bilang karahasang dulot ng estado laban sa

itinuturing nitong mga ‘kaaway’.

At ano nga ba ang estado? Sa Marxistang pananaw, ang estado ay istrukturang

sadyang marahas – nabuo upang magkaroon ng ‘kaayusan’ sa lipunang binubuo ng

mga uring antagonistiko sa isa’t isa. Sa bawat yugto ng kasaysayan, ang estado’y

gumagamit ng dahas upang manatili sa poder ang naghaharing uri at supilin ang iba

pang mga uri.

Page 4: 'Tinerorismo’: Paglantad sa terorismo ng estado sa demolisyon Ng kabahayan sa Sitio San Roque noong Enero 27, 2014

4 | Siapo

Bilang sektor na binubuo ng mga uring api sa lipunang Pilipino, likas lamang na

‘target’ ang maralitang tagalungsod ng karahasan ng estado. Ang karahasang ito ay

kadalasang tumatampok sa mga sapilitang pagpapaalis at demolisyon laban sa mga

maralitang komunidad.

Ngunit mas maiging tanungin – sa pagkakataon ba ng pagpapaalis at

demolisyon, ang maralita ba’y ‘tinerorismo’ ng estado? Ang pagsagot sa tanong na iyan

inialay ang mga sumusunod na kabanata ng seminar paper na ito.

Mga katanungan sa pananaliksik

Pangkalahatang katanungan:

Paano ang sapilitang pagpaalis o demolisyon sa mga komunidad ng maralitang

tagalungsod ay nagpapatunay ng terorismo ng estado?

Mga tiyak na katanungan:

1. Ano ang ‘terorismo’?

a. Ano ang kasaysayan ng konseptong ito?

i. Paano nabuo at unang ginamit ang konseptong ito?

b. Sa kasalukuyan, paano ito ginagamit?

i. Sino ang mga gumagamit ng konseptong ito?

c. Paano nakikita ang papel ng kapangyarihan sa iba’t-ibang gamit ng

konspetong ito?

i. Ano ang pakay ng mga gumagamit ng konsepto?

ii. Ano ang mga magkasalungat na interes ang makikita sa iba’t-ibang

gamit ng konseptong ito?

iii. Ano ang mga pagkakaiba ng gamit sa konsepto at ano ang dahilan

ng pagkakaiba?

2. Ano ang mga katangian ng sapilitang pagpaalis o demolisyon sa mga komunidad

ng maralitang taga-lungsod?

a. Sino ang mga partidong kasangkot dito?

i. Anong kanilang mga interes?

b. Ano ang mga dahilan sa sapilitang pagpaalis o demolisyon?

Page 5: 'Tinerorismo’: Paglantad sa terorismo ng estado sa demolisyon Ng kabahayan sa Sitio San Roque noong Enero 27, 2014

5 | Siapo

3. Bakit nagiging marahas ang sapilitang pagpaalis o demolisyon sa mga

komunidad ng maralitang taga-lungsod?

a. Sino ang mga partidong kasangkot dito?

b. Sino ang mga biktima?

4. Ano ang ginagawa ng mga maralitang komunidad tuwing may nakaambang

pagpapaalis o demolisyon?

a. Bakit nila ito ginagawa?

b. Ano ang kanilang naranasan?

5. Kung ilapat ang iba’t-ibang gamit ng konseptong terorismo, sino ang terorista sa

pangyayaring ito?

a. Bakit sila?

b. Ano ang mga implikasyon nito sa popular na pag-unawa at gamit ng

konsepto?

6. Paano pinapakita sa pangyayaring ito ang terorismo ng estado?

Balangkas ng pag-aanalisa

Terorismo at ang popular nitong depinisyon

Ang terorismo ay manipestasyon ng karahasan; ngunit kailan ba masasabi na

terorismo ang isang insidenteng karahasan? Sa pagbabalik-tanaw, unang ginamit ang

terminong terorismo ng mga kritiko ng French Revolution kasama ang Ingles na si

Edmund Burke (Kushner, 2003). Inilarawan bilang ‘rehimen ng terorismo’ (Fr. – ‘regime

de la terreur’) ang rebolusyonaryong rehimeng Jacobin matapos nitong ipabitay ang

higit 40,000 na tinaguriang ‘kaaway ng mamamayan’ (‘enemies of the people’). Malinaw

na ang orihinal na gamit ng termino ay ang bansagan ang karahasang dulot ng estado

o partikular na rehimen (Kushner, 2003). Pero sa parehong pagkakataon, ginamit din ito

ng mga koserbatibong intelihensiya tulad ni Burke upang paboran ang noo’y status quo

na sistemang pyudal sa ilalim ng monarkiya.

Sa ngayon, ang popular na notion sa terorismo ay bilang politically-motivated na

karahasang dulot ng mga non-state agents. Ang ganitong paggamit ay sunod pa rin sa

‘tradisyon’ ng mga kritiko ng radikal na pagbabagong panlipunan. Ayon nga sa

Page 6: 'Tinerorismo’: Paglantad sa terorismo ng estado sa demolisyon Ng kabahayan sa Sitio San Roque noong Enero 27, 2014

6 | Siapo

pakahulugang gamit ng US Department of State mula nang ilunsad nito ang Global War

on Terror – ang terorismo ay politically-motivated na karahasang idinudulot pangunahin

ng mga grupong “sub-national” laban sa mga “non-combatant targets” upang

makaimpluwensya (Jackson, 2008). Ayon naman sa entry ng ‘terorismo’ sa

Encyclopedia of Terrorism ni H. W. Kushner (2003), ang terorismo ay “karahasan laban

sa mga sibilyang target sa intensyong manakot at gumawa ng panlipunan at

pampulitikang pagbabago”.

Sa ‘tradisyon’ din nakapaloob ang mga balangkas na ginamit nina Claude

Berrebi (2007) at James Piazza (2006) hinggil sa relasyon ng terorismo sa kahirapan at

mababang antas ng economic development. Ang balangkas ng pag-aaral ni Piazza

(2006) ay nakatuon sa relative deprivation ni Ted Gurr at political opportunity theory ni

Charles Tilly. Ayon kay Gurr, ang relative deprivation ang link sa pagitan ng economic

disparity (‘di pagkakapantay-pantay sa larangan ng ekonomiya) at ng propensity o

tendensiya na magdulot ng karahasang politically-motivated (Piazza, 2006). Sa teorya

naman ni Tilly, mas bulnerable sa terorismo ang mga estadong naglalaan ng mas

maraming daan upang makapagpahayag ng dissent o disgusto ang mamamayan

(Piazza, 2006).

Kritisismo sa popular na depinisyon

Bukod sa tradisyong panig sa status quo o ang gahum (‘hegemony’) ng mga

Kanluraning estado, ang mga naunang teorya partikular ng kay Gurr ay tinumbok ang

kahirapan bilang ugat ng politically-motivated na karahasan tulad ng terorismo. Sa

ganitong konteksto, ang karahasang maituturing bilang terorismo ay idudulot lang ng

mga ahenteng mula sa mga mahihirap at developing na bansa.

Ayon nga kay Richard Jackson sa kanyang An Argument for Terrorism (2008),

kadalasan ang binabansagan bilang mga terorista ay ang mga grupo o rehimeng laban

sa interes ng mga Kanluraning estado partikular ang US. Ito’y habang ang mga grupo at

rehimeng may signipikanteng bilang ng mga human rights violations ngunit panig

partikular sa US ay hindi binabansagang terorista. Halimbawa diyan ang mga

sumusunod: ang armadong Contras sa Nicaragua, mga diktaturyang militar sa South

Page 7: 'Tinerorismo’: Paglantad sa terorismo ng estado sa demolisyon Ng kabahayan sa Sitio San Roque noong Enero 27, 2014

7 | Siapo

America tulad ng kina Pinochet sa Chile at Videla sa Argentina, mga diktaturya sa

Asya-Pasipiko tulad ng kina Chiang Kaishek sa China, Marcos sa Pilipinas at Ngo Dinh

Diem sa Viet Nam, at iba pang rehimeng militar mula sa Africa (Sison, Imperialist

Globalization and Terrorism, 2002).

Dagdag ni Jackson (2008), hindi “intellectually sustainable” ang argumentong

hindi maaring ituring na terorismo ang karahasang dulot ng mga estado; bilang ang

termino’y una namang ginamit upang ilarawan ang karahasang gawa ng estado. At

kung ipagpapalagay na “ang mga estado’y maari maging terorista din”, lilitaw na malaki

ang bilang ng mga biktima mula sa mga karahasang dulot ng mga estado tulad ng

genocide, democide (ayon kay R. Rummel 1 – pagpatay ng estado sa kanyang

mamamayan) sapilitang kagutuman at iba pa mula noong ika-20 na siglo. Higit itong

mas malaki sa bilang ng mga biktima samga insidente ng karahasang naitala ngunit

dulot naman ng mga ‘sub-national’ na grupo (Jackson, 2008).

Ang estado bilang ‘terorista’

Ang balangkas na magpapalagay na “ang estado ay ang terorista” ay ginamit

nina Emizet Kisangani at E. Wayne Nafziger (2006) sa The Political Economy of State

Terror. Ginamit sa pag-aaral ang konseptong democide upang ilarawan ang terorismo

ng estado sa bawat bansang sinuri. Tiningnan sa pag-aaral kung ano ang relasyon ng

mga democide sa bilang ng mga “rent-seeking” na gawaing sinukat naman sa dami ng

eksport sa yamang-mineral (Kisangani & Nafziger, 2006).

Napatunayan sa pag-aaral na sa 39 na bansang sinuri, directly proportional ang

bilang ng mga insidente ngterorismo ng estado at bilang ng mga “rent-seeking” na

gawaing pang-ekonomiya mula 1995 hanggang 2002 (Kisangani & Nafziger, 2006). Isa

pang mahalagang punto na isinaad sa pag-aaral ay may mga “estadong mahihina”

(‘weak states’) ang mga bansang sinuri (Kisangani & Nafziger, 2006). Ayon kina K.

Holsti at W. Zartman, ang kahinaangito ay ang “pagbaba ng paggawa ng estado sa

mga batayang gampanin tulad ng pagkakaroon ng lehitimong kapangyarihan at

awtoridad, paggawa ng batas, pagpapanatili sa kaayusan, at pagbibigay ng mga

1 Ang konsepto’y binanggit sa Political Economics of State Terror ni Kisangani at Nafziger (2006).

Page 8: 'Tinerorismo’: Paglantad sa terorismo ng estado sa demolisyon Ng kabahayan sa Sitio San Roque noong Enero 27, 2014

8 | Siapo

batayang serbisyong panlipunan”2. Ang kahinaang ito’y maaring samantalahin ng mga

indibidwal na “rent-seeking” – upang gamitin ang makinarya ng estado sa pagkamal ng

yaman (Kisangani & Nafziger, 2006).

Ang gagamiting depinisyon ng terorismo

Sa puntong ito tutukuyin ang ginamit na depinisyon ng terorismo sa pag-aaral.

Hindi angkop na gamitin ang konsepto ng democide para ilarawan ang terorismo dahil

sa katangian ng kasong sisiyasatin (na walang indibidwal na pinaslang). Dahil naman

sa lantarang pagpanig sa status quo, hindi ginamit ang popular na nosyon sa terorismo

partikular ang galing sa US Department of State.

Upang umusad, dapat munang maglinaw sa konsepto ng karahasan dahil ang

‘terorismo’ ay isang manipestasyon nito. Isasaalang-alang dito ang depinisyon at

tipolohiya ng karahasan ni Johan Galtung (1969) upang matukoy ang mga pagkakataon

kung saan nagkaroon o may nagdulot ng karahasan. Ayon kay Galtung (1969), ang

karahasan ay ang nagdudulot ng pagkakaiba sa pagitan ng aktuwal at potensyal na

realisasyon. Ito’y habang ang pagkakaiba ay maaring maiwasan kung walang

monopolyo ang iilan sa pagkukunan ng yaman at iba pang rekurso. Dagdag ni Galtung

(1969), ang karahasan ay may mga dimensyon. Sa pag-aaral, gagamitin ang

sumusunod na dimensyon: (1) maaring pisikal o sikolohikal, (2) maaring merong

bagay/indibidwal na sinasaktan o wala, (3) maaring personal (merong aktor para idulot

ang karahasan) o istruktural (walang aktor at hindi direkta ngunit ito’y balakid sa

pagkamit ng aktuwal na realisasyon sa potensyal nito), (4) maaring sadya (intended) o

hindi, at (5) maari ding hayag (manifest) o tago (latent).

Gamit ang tipolohiya ni Galtung at mga tinalakay, ang terorismo ay nasa mga

partikular na dimensyon ng may sinasaktan (‘targets’), ‘personal’, ‘sadya’, at ‘hayag’. At

ayon naman sa artikulong War on Terror as Reign of Terror ni Bobby Tuazon (2005),

magiging partikular sa mga hindi armadong indibidwal o grupo na kumikilos para sa

pampulitika at pang-ekonomiyang pagbabago ang “target” ng terorismo. Ngunit limitado

sa “low intensity conflict” ang terorismo sa ganitong balangkas (Tuazon, 2005).

2 Binanggit sa Political Economy of State Terror (Kisangani & Nafziger, 2006).

Page 9: 'Tinerorismo’: Paglantad sa terorismo ng estado sa demolisyon Ng kabahayan sa Sitio San Roque noong Enero 27, 2014

9 | Siapo

Ayon naman kay Noam Chomsky (2001), napatunayan sa karahasang dulot ng

mga pwersang Contras sa Nicaragua na ang mga “target” ng terorismo ay mga

sibilyang hindi na kailangang sangkot o kasapi ng mga radikal o progresibong

organisasyon. Ang mga Contras na hayagang sinuportahan ng gobyernong US ay

pumatay ng ilang libong buhay at nanira ng mga mahahalagang pasilidad pang-

ekonomiya ng Nicaragua (Chomsky, 2001).

Ngunit anong kaiba sa terorismo mula sa ibang manipestasyon ng karahasan?

Sa pa-aaral nina Kisangani at Nafziger (2006), ang terorismo ay may pampulitika at

pang-ekonomiyang pakay. Mas nagiging laganap ang terorismo sa paghina ng

estadong gumampan at pagiging kasangkapan nito sa mga ‘rent-seeking’ na mga

indibidwal (Kisangani & Nafziger, 2006). Ang estado’y isang istrukturang likas na

marahas at kasangkapan ng naghaharing-uri sa bawat yugto ng pag-unlad (Lenin,

State and Revolution, 1918). Samakatuwid, ang karahasang likas sa estado ay

istruktural; hinahadlangan nito ang pag-usad patungo sa mga bagong moda ng

produksyon (Lenin, State and Revolution, 1918).

Ang makina ng estado ay maaring gamitin ng mga ‘rent-seeking’ na indibidwal

para marahas na mapalawig ang monopolyo sa pang-ekonomiya’t pulitikal na rekurso

(Kisangani & Nafziger, 2006). Tinukoy ni Lenin bilang bumubuo sa makina ng estado

ang mga burukratikong ahensiya at ang hukbong sahuran nito (Lenin, State and

Revolution, 1918).

Sa proseso, ang karahasang istruktural (na likas nang idinudulot ng estado) ay

susugan ng karahasang ‘personal’ – sapagkat ito’y ginagawa ng mga ahensiya ng

estado sa direktiba ng mga ‘rent-seeking’ na indibidwal. Dapat ding bigyang-diin na ang

ahensiya bilang isang organisasyon ang pangunahing aktor na nagdudulot ng

karahasan. At ang ganitong karahasan ang matatawag bilang terorismo (Kisangani &

Nafziger, 2006).

Ang kritikal na batayan ng ‘estado bilang terorista’

Ginamit sa pag-aaral ang palagay na “ang estado ay maaring maging terorista”.

Sinusuportahan ang palagay ng Marxistang pananaw hinggil sa estado: (1) isang

Page 10: 'Tinerorismo’: Paglantad sa terorismo ng estado sa demolisyon Ng kabahayan sa Sitio San Roque noong Enero 27, 2014

10 | Siapo

marahas na istrukturang bunga ng hindi pagkakasundo ng mga uri, at kailangan upang

hindi gumuho ang lipunan sa walang humpay na pakikipagtunggali ng mga uri sa isa’t

isa; (2) ang kapangyarihan nito ay nakuha sa pamamagitan ng marahas na tunggalian

at pananaig ng isang uri upang angkinin ang mga gamit sa produksyon (means of

production); (3) ang estado’y merong monopolyo sa lehitimong paggamit ng karahasan

sa nasasakupan nito, sa pamamagitan ng mga organo nito tulad ng pamahalaan at

sandatahang lakas; at (4) sa pamamagitan ng karahasan ay napapanatili nito ang

pananaig ng naghaharing uri sa isang yugto ng lipunan o ‘moda ng produksyon’ (‘mode

of production’)3 (Lenin, 1918).

Upang ipaliwanag ang ‘moda ng produksyon’ – ito ang pamamaraan ng lipunan

upang tugunan ang pangangailangan nito (na may mga gampanin sa proseso ng

produksyon batay sa kanilang uring pinagmulan) gamit ang likas-yamang kaya nitong

anihin sa loob ng isang panahon (Sison, On the mode of production, 1998).

Ang estado at ang mga naghaharing uri sa lipunang Pilipino

Sa kasalukuyan, ang lipunang Pilipino’y nanatiling malapyudal ang moda ng

produksyon. Ang malapyudalismo ay pagkatali ng produksyon sa (1) pag-eksport ng

mga hilaw na materyales at lakas-paggawa tungo sa mga mas mauunlad na

imperyalistang bayan tulad ng US, (2) pag-import o pagtambak ng sobra-sobrang

puhunan at gawang produkto mula sa mga nasabing bayan, at (3) atrasadong

ekonomiya na kinakalakal ng mura ang likas-yaman at lakas-paggawa (Sison, Krisis at

Rebolusyong Pilipino, 1986).

Ang imperyalismo o monopolyo kapitalismo nama’y ang sinasabing “huling

yugto” ng kapitalistang moda ng produksyon na may sumusunod na katangian: (1)

konsentrasyon ng produksyon at kapital sa iilang mga mauunlad na estado kagaya ng

US, (2) paglitaw ng mga institusyong kokontrol sa pandaigdigang pinansyapara sa

ganansya ng mga nasabing estado, (3) ang pag-eksport ng sobrang kapital tungo sa

mga atrasadong bayan at dating kolonya tulad ng Pilipinas, (4) pagkakahati ng mundo

3 Ang konseptong mode of production ay inilinaw ni Jose Maria Sison sa akdang On the mode of

production (1998)

Page 11: 'Tinerorismo’: Paglantad sa terorismo ng estado sa demolisyon Ng kabahayan sa Sitio San Roque noong Enero 27, 2014

11 | Siapo

sa mga pangkat pangkalakalang kontrolado ng mga imperyalistang estado, at (5)

teritoryal na pagkakahati ng mundo sa mga imperyalista at kani-kanilang mga

malakolonya (Lenin, Imperialism: The Highest Stage of Capitalism, 1916).

Ang Pilipinas ay maituturing bilang malakolonya sapagkat nakikinabang sa

atrasadong ekonomiya nito ay ang imperyalismong US (Sison, Krisis at Rebolusyong

Pilipino, 1986). Upang manatili ang imperyalistang kontrol, kailangan ang estadong

sumusunod sa dikta ng US. Ang ‘papet’ na estado’y pamumunuan ng mga lokal na

naghaharing uri – ang mga malalaking burgesya kumprador at panginoong maylupa.

Ang mga kumprador ay mga negosyanteng may sapat na kapital upang

makapag-eksport ng mga hilaw na materyales mula Pilipinas, makapag-import ng

sobrang gawang produkto, at mangengganyo ng dagdag pang mamumuhunan mula sa

mga imperyalistang estado (Sison, Krisis at Rebolusyong Pilipino, 1986).

Sa paglalagak ng puhunan, kailangan ng lupa o espasyong malapit din sa

pagkukunan ng murang lakas-paggawa. Sa ganitong proseso, madalas na damay ang

mga maralitang komunidad sa lungsod man o nayon. Aagawan ng espasyo ang

komunidad gamit ang mga makinarya ng estado tulad ng batas o armadong pwersa.

Ang komunidad o mga karatig nito ang siya ring pagkukunan ng mga manggagawang

sahuran sa mababang halaga (Sison, Krisis at Rebolusyong Pilipino, 1986).

Ang mga panginoong maylupa naman ang mga nagmamay-ari ng mga lupaing

higit sa 50 ektarya na kadalasa’y ginagawang mga asyenda; kung saan nagmumula

ang mga kailangang hilaw na materyales pang-eksport. Sila ay hindi lumalahok sa

produksyong pagsasaka sa inangking lupa (Sison, Krisis at Rebolusyong Pilipino,

1986).

Ang monopolyo sa lupa ng iilang panginoon at pamilya mula pa noong panahon

ng kolonyalismong Español ay nagdudulot ng kahirapan sa malawak na hanay ng

magsasaka sa kanayunan. Kaya napipilitan ang mga dalitang magsasaka na lumuwas

patungong lungsod upang maghanapbuhay (Guerrero, 1970).

Ang mga aping uri at sektor, at ang maralitang tagalungsod

Page 12: 'Tinerorismo’: Paglantad sa terorismo ng estado sa demolisyon Ng kabahayan sa Sitio San Roque noong Enero 27, 2014

12 | Siapo

Ang kalakhan ng mamamayan sa lipunang Pilipino ay naghihirap at

pinagsasamantalahan ng imperyalismo at mga naghaharing uri – (1) ang uring

magsasakang bumubuo ng higit 75% ng populasyon, (2) ang uring manggagawa na

bumubuo ng 15% ng populasyon, at (3) ang mga nakabababang saray ng burgesya na

nasa 9% ng populasyon (Sison, Krisis at Rebolusyong Pilipino, 1986). Bukod sa mga uri

ay meron ding mga espesyal na sektor sa parehong sistemang panlipunan tulad ng

mga kabataan, kababaihan, mga pambansang minorya, mga mala-manggagawa,

maralitang tagalungsod at iba pa (Sison, Krisis at Rebolusyong Pilipino, 1986).

Noong una, ang maralitang tagalungsod ay hindi kabilang sa mga espesyal na

sektor. Ayon kay Roland Simbulan sa pananaliksik na pinamagatang Ang Maralitang

Tagalungsod sa Kalakhang Maynila (2000) – ang maralitang tagalungsod sa Pilipinas

ay “kalipunan” ng mga naghihirap na batayang sektor at uri sa lipunang Pilipino at

napadpad sa kalunsuran. Merong mga nakababang antas ng mga propesyonal at

sektor tulad ng mga kabataan at kababaihan na kasama sa maralitang tagalungsod.

Pero kalakhan sa lupon na ito ay mula sa uring manggagawa at mga mala-

manggagawa (Simbulan, 2000).

Ngunit nilinaw ni Gloria “Ka Bea” Arellano (2014), pambansang pangulo ng

Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY), na ang maralitang tagalungsod ay

itinuturing na ngayon bilang espesyal na sektor. Ipinaliwanag ni Ka Bea na dati’y

tinatanaw na ang usapin ng maralitang tagalungsod ay sunod sa usapin ng mga

manggagawa at mala-manggagawa (2014). Ngunit sa karanasan, may mga usaping

partikular sa maralitang tagalungsod at kanilang mga komunidad (Arellano, 2014). At sa

mga maralitang komunidad ng lungsod, hindi lamang mga manggagawa at mala-

manggagawa ang naninirahan (Simbulan, 2000).

Sinasabi din mula sa Philippine Society and Revolution na ang mga

manggagawa at mala-manggagawa ang unang mga maralita sa mga lungsod ng

Pilipinas (Guerrero, 1970). Kung magbabalik-tanaw, malawakang kinamkam ang lupa

sa kanayunan ng mga mananakop na Espanyol at mga Pilipinong kampi rito. Ang mga

Page 13: 'Tinerorismo’: Paglantad sa terorismo ng estado sa demolisyon Ng kabahayan sa Sitio San Roque noong Enero 27, 2014

13 | Siapo

magsasakang inagawan ng lupa’y sapilitang pinagtanim sa mga asyenda4 o kaya’y

iniluwas tungo sa mga kabisera para magtrabaho ng walang bayad sa ilalim ng

patakarang polo y servicio (Guerrero, 1970).

Ang mga nagtrabaho sa ilalim ng polo ang naging unang saray ng mga

manggagawang Pilipino. Ang lakas-paggawa nilang inuupa sa maliit o sukdulang

walang halaga ang yumari sa mga daungan at daang-bakal. Kasunod nito ang

pagyabong ng komersyo sa mga kabisera (Guerrero, 1970). Umunlad ang mga

kabisera upang maging ganap na mga lungsod. Bunsod nito, mas maraming Pilipino pa

ang dumagsa dito upang maghanap ng kabuhayang ipinagkakait sa kanayunan

(Guerrero, 1970).

Sapilitang pagpapaalis at demolisyon bilang ‘terorismo ng estado’

Batay sa mga naunang pahayag, nabuo ang depinisyon ng terorismo bilang

karahasang nasa mga dimensiyong ‘personal’, ‘sadya’, at ‘hayag’. Sa dimensiyong

personal, ang mga aktor ay kadalasang organisado bilang ahensiya o pwersa.

Ang pakay naman ng terorismo ay pampulitika at pang-ekonomiya – pabor sa

interes at gawain ng mga ‘rent-seeking’ na indibidiwal. Ang mga ‘target’ naman nito ay

maaring mga indibidwal, grupo o institusyon – at hindi kailangang may mga progresibo

o radikal na oryentasyon ang mga ito.

At dahil sa reaksyunaryo (kasangkapan ng mga ‘rent-seeking’ na naghaharing-

uri) at marahas na katangian nito, ang estado ay kadalasang gumagawa ng ‘terorismo’.

Sa pamamagitan ng mga makinang tulad ng armadong hukbo, pamahalaan at batas,

isinasagawa ang karahasan laban sa mga aping uri. Ito’y para naman sa pagpapalawig

ng monopolyo sa rekurso ng dominanteng uri.

Sang-ayon sa mga naunang isinaad, maituturing ang sapilitang pagpapaalis at

demolisyon laban sa mga maralitang komunidad bilang ‘terorismo’ partikular ng estado.

Ang mga maralitang tagalungsod bilang api sa malakolonyal at malapyudal na lipunang

4 Ang ‘asyenda’ ay lupaing pinagtatamnan ng mga hilaw na materyales para i-kalakal sa labas ng bansa

(Guerrero, 1970).

Page 14: 'Tinerorismo’: Paglantad sa terorismo ng estado sa demolisyon Ng kabahayan sa Sitio San Roque noong Enero 27, 2014

14 | Siapo

Pilipino ang target ng terorismo. Gamit ang mga makina tulad ng armadong pwersa ng

estado, pinapaalis ang mga maralita sa kanilang tinitirahan. Bunga ng karahasang ito

ang ibayong paghihirap ng maralita, at mga proyektong para sa ganansya ng mga

malalaking burgesya kumprador at panginoong maylupa.

Sususog pa dito ang natagpuan nina Kisangani at Nafziger (2006) na relasyon

ng paglaganap ng terorismo at ‘paghina’ ng estado. Binanggit ang ‘kahinaan’ na ayon

kina K. Holsti at W. Zartman bilang – “pagbaba ng paggawa ng estado sa mga

batayang gampanin tulad ng pagkakaroon ng lehitimong kapangyarihan at awtoridad,

paggawa ng batas, pagpapanatili sa kaayusan, at pagbibigay ng mga batayang

serbisyong panlipunan” (Kisangani & Nafziger, 2006).

Ang mga maralita ay biktima ng ganitong kahinaan ng estado; bilang ang mga

karapatan sa batayang serbisyo lalo ang disenteng pabahay ay hindi nila nararanasan.

Samakatuwid, lalo silang nagiging bulnerable sa ‘teroristang’ atake ng mga pwersang

tulad ng sa estado. At ang parehong kahinaan ay sinasamantala naman ng iilang

kumprador upang maglagak ng dagdag na puhunan at magkamal pa ng yaman.

Metodolohiya at mga etikal na konsiderasyon

Metodolohiya

Case study bilang disenyo ng pananaliksik

Ginamit sa pananaliksik ang disenyong case study. Sa isang case study, ang

konklusyon ay inaasahan mula sa pangangalap ng datos – upang suriin ang

kongkretong pangyayariayon sa kontekstong nais ilarawan (Jison, 2013). Ang

pangyayaring sinuri ay ang marahas na demolisyong naganap noong Enero 27, 2014

sa gawing Agham Road ng Sitio San Roque.

Ang Sitio San Roque sa Lungsod ng Quezon bilang lokasyon ng pananaliksik

Tinatayang 10,000 pamilyang maralita ang naninirahan sa 30-ektaryang Sitio San

Roque. Naganap ang pananaliksik partikular sa gawing Agham Road ng komunidad.

Ang lokasyon ay napili sa mga sumusunod na batayan:

Page 15: 'Tinerorismo’: Paglantad sa terorismo ng estado sa demolisyon Ng kabahayan sa Sitio San Roque noong Enero 27, 2014

15 | Siapo

1) Ang pagiging ‘recent’ ng naranasan ng komunidad na pagpapaalis at demolisyon

– Wala pang tatlong buwan mula noong Enero 27, 2014 nang maganap ang

pananaliksik. Inasahang malinaw pa sa gunita ng mga katugon ang

mganaganap, kaya makakapangalap ng sapat na datos nang mailarawan ang

pangangyari.

2) Ang “madaling pag-angkop sa lugar” – ayon kay John Raymond Jison, dapat

ding isaalang-alang ang aspetong ito sa pagpili ng lokasyon (Jison, 2013). Ang

mananaliksik ay hindi nahirapang umangkop dahil may karanasan na sa pag-

integrate sa maralitang komunidad. Bukod pa doon, ang mga lokal na balangay

ng mga organisasyong ANAKBAYAN at KADAMAY ay tumulong lalo na sa

pagtukoy ng mga katugon sa pag-aaral.

Critical social research bilang dulog sa pananaliksik

Layunin ng pananaliksik na suriin ang kongkretong pangyayari (pagpapaalis at

demolisyon sa komunidad ng maralita) sa kontekstong nais itong ilarawan, salungat sa

kumbensyunal na paglalarawan. Nais ilarawan sa pananaliksik ang isang kalagayang

nakaugat sa makasaysayang tunggalian ng mga uri. Upang masakatuparan ang

ganitong layunin, ginamit ang dulog na critical social research (Muncie, 2006).

Mga kaparaanang ginamit upang mangalap ng datos

Upang makalap ang datos na kailangan sa pag-aanalisa, ginamit ang mga

sumusunod na pamamaraan:

1) Pagkuha ng mga salaysay – hiningi mula sa mga lider ng mga organisasyong

maralita sa komunidad. Sila’y mga residente ng komunidad at humimok sa mga

kapwa residente na tutulan ang demolisyong naganap noong Enero 27, 2014.

Ito’y upang magkaroon ng kamalayan hinggil sa katangian at karanasan ng Sitio

San Roque bilang maralitang komunidad.

2) In-depth interviews – para sa mga mamamayang tinukoy bilang dinanas o kaya’y

magpapatunay sa karahasang naganap sa demolisyon noong Enero 27, 2014.

Akma ang mga in-depth interviews sa layuning mailarawan ng mas malalim ang

karahasan sa perspektiba ng mga naging saksi o biktima (Boyce & Neale, 2006).

Page 16: 'Tinerorismo’: Paglantad sa terorismo ng estado sa demolisyon Ng kabahayan sa Sitio San Roque noong Enero 27, 2014

16 | Siapo

3) Focused group discussion – ginamit ang paraang ito kalahok ang iba pang

miyembro ng mga maralitang organisasyon sa komunidad. Ito’y upang makuha

ang pananaw hinggil sa kontekstong nais mahalaw mula sa nangyaring

demolisyon.

Talahanayan ng mga kaparaanang ginamit sa pananaliksik:

Kaparaanan Petsa ng pagkuha

ng datos

Lugar Bilang ng mga

tumugon

Pagkuha ng mga

salaysay

Abril 6, 2014 Sitio San Roque,

Quezon City

2

In-depth interviews Abril 6, 2014 Sitio San Roque,

Quezon City

5

Focused group

discussion

Abril 6, 2014 Sitio San Roque,

Quezon City

3

Sampling

Ginamit ang iskemang purposive sampling upang matukoy ang mga kalahok sa

mga ginamit na kaparaanan ng pananaliksik.

Pagpili sa mga kinunan ng salaysay

Pinili ang mga kinunan ng salaysay bilang sila ay mga kinikilalang namumuno ng

mga organisasyong masang may lokal na balangay sa Sitio San Roque:

1) “Kasamang L” – siya ay 18 taon nang residente sa komunidad. Siya ay nasa

pamunuan ng lokal na organisasyong layuni’y isulong ang mga batayang karapatan sa

paninirahan at kabuhayan ng mga maralitang mamamayan ng Sitio San Roque.

2) “Ka Inday” – siya ay 31 taon nang residente ng Sitio San Roque, nasa pamunuan ng

pambansang tanggapan ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) at Alyansa

Page 17: 'Tinerorismo’: Paglantad sa terorismo ng estado sa demolisyon Ng kabahayan sa Sitio San Roque noong Enero 27, 2014

17 | Siapo

Kontra Demolisyon (AKD). Si Ka Inday ay isa sa mga unang nanirahan sa lugar - na

noo’y ‘kangkungan’5 pa lamang bago dumami ang kanyang mga kapitbahay.

Pagpili ng mga katugon sa ‘in-depth interview’

Ang mga piniling kapanayam ay pawang mga residente ng Sitio San Roque bago

pa man sumapit ang Enero 27, 2014. Sila ay dumanas o nakapagpatunay sa

karahasang naganap at kaugnay sa demolisyong tumampok sa nabanggit na petsa.

Para sa profile ng mga katugon, ang pagkakasunod ng mga pangalan ay ayon

sa oras nang sila’y makapanayam.. Apat sa mga panayam ay ni-record gamit ang

cellular phone; at isa ang tumanggi.

Nanay N

Si Nanay N ay 49 taong gulang at wala pang isang taong naninirahan sa

komunidad noong makapanayam. Tubong Leyte at nakapagtapos ng antas

elementarya si Nanay N.

Umaasa ang mag-anak ni Nanay N sa pagtitinda ng basahan at pagpasada ng

pedicab ng kanyang panganay na 17 taong gulang. Tinatayang P300 ang kinikita ng

buong pamilya kada araw. At noong Enero 27, 2014, kasama ang kanilang tinitirahan

sa mga giniba.

Nanay M

Si Nanay M, 50 taong gulang at residente ng Sitio San Roque mula pa noong

1986. Nakapagtapos ng antas elementarya si Nanay M. Ang ikinabubuhay ng kanyang

mag-anak ay maliitang pagtitinda; at pagpasada ng pedicab ng kabiyak. Hindi bababa

sa P300 ang kita kada araw ng pamilya.

Kasama ang bahay nina Nanay M sa mga giniba upang bigyang daan ang

diumano’y 11.3 widening ng Agham Road.

“Jhun”

5 Ayon ito sa paglalarawan ni Ka Inday. Masasabing ‘swampy’ ang inisyal na katangian ng lupa ng Sitio

San Roque.

Page 18: 'Tinerorismo’: Paglantad sa terorismo ng estado sa demolisyon Ng kabahayan sa Sitio San Roque noong Enero 27, 2014

18 | Siapo

Si Jhun6, 28 taong gulang at magwawalong-taon nang residente sa komunidad.

Si Jhun ay nakatuntong kolehiyo hanggang ikatlong taon. Kumikita siya bilang

manggagawa sa construction o kaya’y sa pagpepedicab; at dito umaasa ang kanyang

mag-anak na may anim na miyembro. Taya ni Jhun na P300 hanggang P350 ang

kanyang kinikita kada araw.

Kasama ang kanilang bahay sa giniba para sa diumano’y 11.3 meter widening

na gagawin sa Agham Road.

Nanay B

Si Nanay B ay 53 taong gulang, tubong Sorsogon at 26 taon nang naninirahan

sa komunidad. Nakapagtapos si Nanay B ng high school. Ang pangunahing kabuhayan

nina Nanay B ay ang pagtitinda ng merienda7; tinataya niyang P400 ang kanyang

kinikita kapag malakas ang benta.

Giniba din ang bahay ng mag-anak ni Nanay B noong Enero 27, 2014.

Tatay D

Si Tatay D, 47 taong gulang at 17 taon nang residente ng komunidad.

Nakapagtapos siya ng kolehiyo. Ayon kay Tatay D, siya’y manggagawa sa isang

construction firm sa Lungsod Quezon.

Bagamat hindi apektado ng mga nakaraang demolisyon ang kanyang bahay, si

Tatay D ay lumahok sa mga barikadang bayan noong Setyembre 23, 2010 at Enero 27,

2014.

Pagpili ng mga kalahok sa ‘focused group discussion’

Sa kaparaanang ito, maikling tinalakay ang konsepto ng terorismo ayon sa

balangkas ng pananaliksik – ang orihinal na gamit ng termino, ang popular na

depinisyon nito, at ang nabuong depinisyon na gagamitin sa pananaliksik. Pwera sa

6 Ito ang ginamit na pangalan ng respondent upang mapangalagaan ang kanyang seguridad.

7“merienda” – snacks; nagtitinda ng mga produktong tulad ng camote at banana cue si Nanay B

Page 19: 'Tinerorismo’: Paglantad sa terorismo ng estado sa demolisyon Ng kabahayan sa Sitio San Roque noong Enero 27, 2014

19 | Siapo

mananaliksik, ang mga kalahok ay pinili sa katangiang sila ay may kamulatan bilang

mga organisador sa mga komunidad ng maralitang tagalungsod.

Kasama ng mananaliksik sa talakayan ang tatlong organisador mula sa

Pambansang Tanggapan ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY-National)

– sina Ka Bea, “Migs”, at si “Yumi”.

Pagsuri ng primaryang datos

Ang mga tugon ay itinala gamit ang sound recorder feature ng isang cellular

phone. Ang paggamit ng nahuling instrumento ay kung nais lamang ng katugon.

Ang datos na nakalap ay ginawan ng transcription. Sumunod ay nilapatan ng

iskemang coding upang makuha ang impormasyong ayon sa temang nais palitawin sa

diskusyon.

Kinumpol ang datos mula sa mga transcription. Mula sa mga kumpol o lumps ng

datos ay lumitaw ang sumusunod na mga codes at subcodes:

1) Tayang populasyon ng komunidad a. Pana-panahong pagdami at pagbawas ng bilang

2) Katangian ng mga residente a. Karaniwang kabuhayan ng mga residente

i. Kinabubuhay ng mga tumugon 3) Kasaysayan ng komunidad

a. Inisyal na katangian ng lupain b. Unang paggamit sa lupain ng komunidad

4) Karaniwang katangian ng kabahayan a. Laki at materyales ng bahay b. Ang pagmamay-ari ng bahay

5) Naunang karanasan sa demolisyon ng komunidad a. Karahasan noong Setyembre 23, 2010 b. Ang ginampanan ng mga pwersa at ahensiya ng estado sa demolisyong

ito c. Bilang ng mga apektado sa demolisyong ito d. Ang binibigyang daan ng demolisyon

6) Ang karanasan sa demolisyon noong Enero 27, 2014 a. Karahasang naganap sa proseso ng demolisyon

i. Mga paglabag sa batas at karapatang-pantao sa nangyaring demolisyon

ii. Karahasang dinanas ng mga katugon b. Ang mga ahensiya at pwersa ng estadong sangkot sa demolisyon

Page 20: 'Tinerorismo’: Paglantad sa terorismo ng estado sa demolisyon Ng kabahayan sa Sitio San Roque noong Enero 27, 2014

20 | Siapo

i. Ang ginampanan ng mga pwersa at ahensiya ng estado sa demolisyong ito

c. Ang kalagayan ng mga apektado i. Bilang ng mga apektado ii. Kalagayan ng mga tumugong apektado

d. Ang dahilan ng demolisyon i. Ang tunay na binibigyang daan sa demolisyon ii. Ang mga nakinabang sa demolisyon

7) Ang kalagayan sa relokasyon a. Hinaing ng mga residente hinggil sa relokasyon

8) Kaalaman hinggil sa ‘barikadang bayan’ laban sa demolisyon a. Ang layunin ng pagbubuo ng barikadang bayan

i. Pag-unawa sa layunin ng barikadang bayan ng mga tumugon b. Ugnayan ng barikadang bayan at karahasan

i. Pag-unawa sa karahasang idinulot ng barikadang bayan ng mga tumugon

9) Pampulitikang paninindigan ng mga tumugon a. Mga organisasyong kinalahukan ng mga tumugon

i. Pag-unawa sa paninindigan ng organisasyong kinalahukan b. Pagtanaw sa sapilitang pagpapaalis at demolisyon ng mga komunidad

maralita i. Kaalaman hinggil sa binibigyang-daan ng mga naranasang

demolisyon ng komunidad ii. Pagtanaw sa pananagutan ng estado sa mga demolisyon at

pagpapalis iii. Pagtanaw sa pananagutan ng mga nakinabang sa mga demolisyon

at pagpapaalis c. Antas ng paglahok ng mga tumugon sa ‘barikadang bayan’

i. Personal na layunin sa paglahok ng mga tumugon d. Pananaw sa karapatan bilang maralita

i. Pagtanaw sa kasalukuyang batas para sa paninirahan 10) Pag-unawa sa konseptong terorismo ng mga tumugon

a. Inisyal na pag-unawa ng mga tumugon sa terorismo b. Pananaw ng mga tumugon sa ‘popular’ na nosyon sa terorismo c. Palagay ng mga tumugon sa Marxistang pananaw sa estado at kalikasan

nito d. Palagay ng mga kalahok sa tinukoy sa balangkas ng pag-aanalisa bilang

mga katangian ng karahasang maituturing na ‘terorismo’

Ang mga codes at subcodes ay inihanay naman sa sumusunod na mga kategorya:

1) Pangkalahatang katangian ng maralitang komunidad 2) Ang karanasan ng komunidad sa mga pagpapaalis at demolisyon 3) Ang mga pwersa’t ahensiya ng estadong sangkot sa pagpapaalis at demolisyon 4) Ang mga nakinabang sa demolisyon

Page 21: 'Tinerorismo’: Paglantad sa terorismo ng estado sa demolisyon Ng kabahayan sa Sitio San Roque noong Enero 27, 2014

21 | Siapo

5) Kalagayan ng mga residenteng apektado ng demolisyon 6) Mga organisasyon sa komunidad at layunin ng mga ito 7) Ang ‘barikadang bayan’ at layunin nito 8) Pananaw ng mga tumugon hinggil sa karapatan at batas sa paninirahan 9) Pananaw hinggil sa terorismo ng mga maralitang tumugon

Bukod sa mga binanggit, may code din para sa datos hinggil sa pagkakakilanlan ng

mga tumugon. Ito ay bilang pagsiguro sa kaligtasan ng mga tumugon; at dahilan nito’y

ang sitwasyon ng komunidad na tatalakayin sa susunod na bahagi.

Mga etikal na konsiderasyon

Kahit sa panahon ng pagkakasulat nito, hinaharap pa din ng komunidad sa Sitio

San Roque ang banta ng pagpapaalis at demolisyon. Binakuran narin ang mga

bahaging giniba at may mga armadong security guards na nagbabantay rito. Ang mga

guwardiya ay nagsasagawa din ng ronda bawat gabi kahit sa mga bahaging tinitirahan

pa. Sa ganitong sitwasyon, masasabing high risk ang kalikasan ng pananaliksik na ito

(Jison, 2013).

Dahil sa kalikasang ito ng pananaliksik, siniguro ng mananaliksik ang paghingi

ng pahintulot sa pamamagitan ng free prior informed consent form (FPIC) at

pagpapaliwanag sa mga karapatan ng mga katugon. Ipinaliliwanag na maaring itago

ang pagkakakilanlan, umiwas sa dokumentasyon sa pamamagitan ng kahit anong

electronic recording device at tumangging sagutin ang anumang tanong bago isagawa

ang bawat kaparaanan.

Kinikilala din ang bulnerabilidad ng mga katugon lalo na ang mga dumanas ng

karahasan noong Enero 27, 2014. Kaya ipinaliliwanag bago ang mga panayam o

talakayan na maari itong ipatigil kahit nakapirma na sa FPIC form.

Partikular sa focused group discussion, hiningi ng mananaliksik ang pahintulot

mula sa mga kalahok upang itala ang talakayan sa pamamagitan ng electronic

recording device. Dagdag pa dito ang paghingi ng pahintulot sa pagbanggit at

paglathala ng pagkakilanlan ng mga kalahok bago magsimula ang talakayan.

Page 22: 'Tinerorismo’: Paglantad sa terorismo ng estado sa demolisyon Ng kabahayan sa Sitio San Roque noong Enero 27, 2014

22 | Siapo

Sa paglathala ng pananaliksik, itinago ang pagkakakilanlan ng mga katugon

maliban sa ilang hayag na mga lider ng mga organisasyong antas pambansa. Hindi

inilathala ang mga datos na maaring tumukoy sa kanilang pagkakakilanlan. Ito ay

ginawa upang protektahan lalo ang mga residenteng naninirahan pa din sa komunidad.

Para naman sa seguridad ng mananaliksik, minabuting humingi muna ng

pahintulot sa isang contact person upang magakaroon ng oryentasyon sa sitwasyon ng

lugar. Ang nasabing contact person ay miyembro din ng isa sa mga organisasyong

maralita sa Sitio San Roque.

Mga natuklasan at diskusyon

Ang karanasan ng Sitio San Roque bilang maralitang komunidad

Mga pangkalahatang katangian ng komunidad

Talahanayan para sa seksyong ito:

Kasalukuyang lawak ng komunidad 30 ektarya

Tayang populasyon 10,000 na pamilya (2010); 6,000 na pamilya (2014; ayon kay Kasamang L)

Karaniwang kabuhayan ng mga residente

Pagiging manggagawa (karaniwan ay sa konstruksiyon), maliitang pagtitinda, pagmamaneho, pagpasada ng pedicab, at iba pang mala-manggagawang empleyo (bilang security guard o parte ng ‘service crew’ sa mga kalapit na estabilisimento)

Iba pang katangian ng mga residente Karamihan ng mga residente ay nangungupahan upang mapalapit sa lugar ng trabaho. Ayon pa kay Ka Inday, marami sa mga nangungupahan ay maralitang pinaalis sa lungsod tungo relocation sites sa mga probinsiya.

Maiksing kasaysayan Dating kangkungan 8 ang lugar; tinambakan ng pamahalaan upang maging panandaliang relokasyon sa mga maralita

Karaniwang katangian ng kabahayan Maliliit at gawa sa light materials (ayon kay Ka Inday, ‘sa lona at tagpi-tagping plywood’)

Bilang ng mga natuloy/tangkang Dalawa mula sa anim na tangka ang

8 “Swampy” ang katangian ng lupa

Page 23: 'Tinerorismo’: Paglantad sa terorismo ng estado sa demolisyon Ng kabahayan sa Sitio San Roque noong Enero 27, 2014

23 | Siapo

demolisyon mula 2010 natuloy; ang una’y noong Setyembre 23, 2010, sa gawing EDSA ng komunidad

Bilang ng mga apektado sa mga demolisyon

130 kabahayan noong 2010; higit 300 na pamilya naman noong 2014

Dahilan ng mga demolisyon Mula 2010, para bigyang-daan ang proyektong Quezon City Business District (QC CBD)

Relokasyon ng mga apektadong residente

Ang mga apektado sa demolisyon noong Enero 2014 ay napunta sa may Montalban, Rizal. Binanggit ni Ka Inday na may relokasyon din sa may Brgy. Muzon, Lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan

Karaniwang daing sa mga relokasyon Malayo sa kabuhayan, at walang serbisyo para sa edukasyon at kalusugan. Partikular naman sa relokasyon sa Montalban ay mga sira-sirang yunit ng pabahay, at kawalan ng serbisyo ng tubig at kuryente

Mga grupong namumuno sa paglaban sa pagpapaalis at demolisyon

Mga lokal na organisasyong nasa ilalim ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY), Alyansa Kontra Demolisyon (AKD), at September 23 Movement.

Mga hakbanging ginagawa laban sa demolisyon

Pagbubuo ng mga ‘barikadang bayan’ laban sa demolisyon. Alinsabay nito ang pagsusulong ng pambansang moratorium at iba pang legal na hakbangin laban sa mga naka-ambang demolisyon sa mga komunidad maralita.

Karanasan ng komunidad sa pagpapaalis at demolisyon

Talahanayan na nagsusuma ng dalawang demolisyong dinanas ng komunidad:

Setyembre 23, 2010 Enero 27, 2014

Binibigyang-daan na proyekto

Ang Public-Private Partnership ng NHA at ALI na Quezon City Central Business District (QC CBD)

11.3 meter road widening ng Agham; kinalaunan ay inihayag din na para sa QC CBD9

Bilang ng pinadalang mga tagapatupad ng demolisyon

300 na kapulisan, 2 SWAT teams, kasama ng 600 kataong demolition team

700 na kapulisan, kasama ang 100 kataong demolition team

May unang tangka upang gibain ang kabahayan?

Walang binanggit Meron, noong Hulyo 1, 2013

9 Batay na rin sa artikulong After demolition, Agham slum folk off to Bulacan ni Julie Aurelio (2014)

Page 24: 'Tinerorismo’: Paglantad sa terorismo ng estado sa demolisyon Ng kabahayan sa Sitio San Roque noong Enero 27, 2014

24 | Siapo

Karahasang idinulot ng mga residenteng nagbarikada

Pamumukol ng bato, bote at paputok

Pamumukol ng bato, bote, paputok at dumi10

Karahasang idinulot ng mga armadong pwersa ng

estado

Pamamalo ng batuta, paggamit ng water cannon at panunutok ng baril sa mga nakabarikada

Pamamalo ng batuta, paggamit ng water cannon, pagpapaputok ng baril at paggamit ng tear gas sa mga residente; arbitraryong pag-aresto sa mga hininalang sangkot sa barikadang bayan

Bilang ng mga nasaktan 14, at pito ay mula sa mga residente

Ayon sa media, 29 ang nasaktan at 9 ang inaresto11. Ngunit taya ng mga residente, aabot sa 80 ang nasaktan. Diumano’y meron ding isang namatay

Bilang ng mga giniba 130 kabahayan Kabahayan ng higit sa 300 na pamilya

Pagtalakay sa katangian ng demolisyon noong Enero 27, 2014

Ang natutunggaling interes ng maralita at estado

Sa demolisyon noong Enero 27, 2014, nagtutunggali ang mga interes ng mga

maralita residente ng Sitio San Roque at ng estado. Ang pinapahayag na interes ng

mga tumugon bilang maralita ay ang paghahangad ng ‘disenteng’ paninirahan. Habang

ang interes naman ng estado na inihayag ng mga ahensiyang kasangkot ay ang

ipatupad ang pagpapaalis at demolisyon sa komunidad ng maralita.

Ang interes at hinaing ng maralitang tagalungsod

Sa paglalarawan ng ninanais na paninirahan, ginamit ang terminong ‘disente’

upang ilarawan ang pagkakaroon ng probisyon para sa batayang serbisyo tulad ng

tubig at kuryente. Ngunit higit sa lahat, hangad ng maralita ang paninirahang abot-kaya,

malapit sa mga pasilidad para sa edukasyon at kalusugan, at may sapat na oportunidad

para sa kabuhayan.

Hinggil dito, ipinapahayag ng mga kapanayam at katalakayan na hindi nila ito

nakakamit dahil sa kanilang katayuan bilang maralita. At ayon sa kanilang mga tugon,

hindi din naman ito nakamit buhat nang mapaalis at gibain ang bahay noong Enero 27,

10

Mula sa artikulong 29 hurt, 9 arrested at Quezon City demolition ni Rouchelle Dinglasan (2014) 11

Ibid.

Page 25: 'Tinerorismo’: Paglantad sa terorismo ng estado sa demolisyon Ng kabahayan sa Sitio San Roque noong Enero 27, 2014

25 | Siapo

2014. Dumagdag pa sa kanilang suliranin ang kawalan ng paninirahan habang wala o

kulang naman ang tulong na hatid ng mga ahensiya sangkot sa demolisyon.

Ang estado sa pagpapatupad ng demolisyon

Ang mga pahayag ng mga tumugon ay nagkakaisa sa puntong ang interes ng

estado ay ang ang ipatupad ang demolisyon noong Enero 27, 2014. Ang dahilan

diumano ay ang 11.3 meter widening ng Agham Road. Ngunit mula sa natuklasan, ang

demolisyo’y para bigyang-daan ang ‘joint venture’ ng pamahalaan at Ayala Land Inc. na

Quezon City Central Business District. Ang sumusunod ay pagpapalawig kung bakit

salungat ang binanggit na interes ng estado sa interes naman ng mga maralitang

apektado ng demolisyon.

Kahon blg. 1 – Kawalan ng kompensasyon para kina Nanay N at M

Ang pamilya ni Nanay N ay nanirahan sa bahay ng kapatid na lumipat sa relokasyon. Wala pa ring isang taon na naninirahan sina Nanay N noong siya’y makapanayam. Gayunpaman, walang nakasaad sa UDHA na hindi maaring maging kwalipikado ang mag-anak para sa relokasyon at kompensasyon bunsod ng mga binanggit.

Sa panahon ng panayam o higit dalawang buwan matapos ang demolisyon, wala pa ring binigay na relokasyon o kompensasyon ang mga tagapatupad sa mag-anak. Tumitigil ang mag-anak sa tabi lamang ng Agham Road sa panahon ng panayam. Pangamba din nila na kung magsasagawa ng general cleaning ang pamahalaang lungsod, maaring madamay ang kanilang tinitigilan.

Ang pamilya naman nina Nanay M ay hindi nakakuha ng relokasyon. May mga gumamit ng kanyang pangalan at nagpanggap bilang mga ‘kamag-anak’ niya upang makakuha ng relokasyon. Hindi niya kilala ang mga pangalang inilista bilang ‘kamag-anak’; at hindi niya din matukoy kung sino ang gumawa nito. Dahil dito, nadiskwalipika sina Nanay M para sa panibagong yunit na paglilipatan.

Sa panahon ng panayam, higit dalawang buwan na ding naninirahan sa tabi ng Agham Road ang mag-anak ni Nanay M. Hinaing nila ang pagkakaroon ng relokasyon at kompensasyon – dahil naubos na ang kanilang ipon para sa mga arawang gastusin. Wika ni Nanay M:

“Kaya nga ‘di pa kami nakakaalis dahil ‘di pa kami inire-relocate, ‘di pa kami binibigyan ng ganito-ganyan; kasi kapag nabigyan na kami ihahatid na kami sa (relokasyon). Wala pa eh. (Ang) tagal na kaya namin dito, magtatatlong-buwan na kaya kami rito.”

Page 26: 'Tinerorismo’: Paglantad sa terorismo ng estado sa demolisyon Ng kabahayan sa Sitio San Roque noong Enero 27, 2014

26 | Siapo

Ang batas sa paninirahan at pagpapahintulot sa demolisyon

Ginamit ng pamahalaan ang mga probisyon mula sa Section 28 ng Republic Act

7279 o Urban Development and Housing Act (UDHA) of 1992, upang ipatupad ang

demolisyon noong Enero 27, 2014. Lumalabas sa mga pahayag ng mga tumugong

miyembro ng mga organisasyong tumutol sa demolisyon, na pawang ginamit lang ang

proyektong ‘road widening’ upang maging ‘lehitimo’ ang ginawang paggiba.

Ito’y habang hindi sumusunod sa patakaran sa ilalim ng Section 28 lalo hinggil sa

pagbibigay ng relokasyon ang ginawang demolisyon.

Kahon blg. 2 – Ang mga pahintulot para sa demolisyon ng UDHA

Pinahihintulutan ang pagpapaalis at demolisyon sa UDHA Section 28 (b) – “When government infrastructure projects with available funding are about to be implemented”. At sa kaso ng QC CBD, pinondohan na ito noong 2010 ng P22 bilyon bilang joint project ng NHA at ALI (Suarez & Abella, 2010).

Pinahihintulutan din ang pagpapaalis at demolisyon sa Section 28 (a) – “when persons or entities occupy danger areas such as esteros, railroad tracks, garbage dumps, riverbanks, shorelines, waterways, and other public places such as sidewalks, roads, parks, and playgrounds”. Sa pamamagitan ng probisyong ito, ang demolisyong naganap para sa 11.3 meter widening ng Agham Road ay maaring ituring na lehitimo.

Page 27: 'Tinerorismo’: Paglantad sa terorismo ng estado sa demolisyon Ng kabahayan sa Sitio San Roque noong Enero 27, 2014

27 | Siapo

Ang pamahalaan at mga ahensiya nito

Lumitaw sa mga natuklasan na mula antas ng pamahalaang pambansa

hanggang sa pamahalaang lungsod ay pinahintulutan ang nangyaring demolisyon

noong Enero 27, 2014. Buhat ito sa pagpapahintulot sa mga Public-Private

Partnerships ng pambansang pamahalaan – upang bigyang-daan ang mga proyekto

tulad ng QC CBD. Sa parte naman ng pamahalaang lungsod, itinakda ng UDHA na ito

ang pangunahing tagapahintulot at tagapatupad ng demolisyon.

Samantala, daing ng mga tumugon ang kawalan ng kahit anong programa ng

pamahalaan para sa disenteng pabahay at kabuhayan lalo sa mga relokasyon. Ang

pagtugon naman sa nasabing usapin ay obligasyon ng National Housing Authority

Kahon blg. 3 – Mga nilabag na probisyon ng UDHA noong Enero 27, 2014

Nakasaad sa Section 28 (2) ng UDHA – “Adequate consultations on the matter of resettlement with the duly designated representatives of the families to be resettled and the affected communities in the areas where they are to be relocated”. Ngunit nagkakaisa ang mga tumugon na wala namang naganap na konsultasyon para sa mga mamamayang maapektuhan partikular ng demolisyon noong Enero 27, 2014.

Sinasabi naman sa Section 28 (1) ng UDHA – “Notice upon the effected persons or entities at least thirty (30) days prior to the date of eviction or demolition”. Ngunit banggit naman ni Kasamang L, ang huling notice na natanggap nila ay para sa isang demolisyong hindi natuloy noong Setyembre ng 2013. Noong Enero ay wala silang natanggap na panibagong notice; tanging Certificate of Compliance lamang ang naipakita sa mga residente sa mismong araw ng demolisyon.

Dagdag pang paglabag ang paglahok ng mga walang pagkakilanlan o kaya’y di unipormadong ahente mula sa hanay ng mga pulis sa demolisyon (balikan ang Kahon blg. 1 para sa isang insidente). Ito ay hindi tugma sa isinasaad ng Section 28 (4) – “Proper identification of all persons taking part in the demolition”, at (7) – “Proper uniforms for members of the Philippine National Police who shall occupy the first line of law enforcement and observe proper disturbance control procedures”.

Higit sa lahat, ang kakulangan sa kumpensasyon at kagyat na relokasyon para sa mga apektado ay labag sa UDHA. Sa ilalim ng Section 28 (8), isinasaad na sa loob ng 45 na araw, dapat may maibigay ng relokasyon ang NHA at lokal na pamahalaan sa mga apektado. Mangyari man na hindi ito maari, kailangang magbigay naman ng kompensasyon sa halaga ng arawang minimum wage – para sa 60 na araw.

Page 28: 'Tinerorismo’: Paglantad sa terorismo ng estado sa demolisyon Ng kabahayan sa Sitio San Roque noong Enero 27, 2014

28 | Siapo

(NHA). Ngunit lumalabas sa mga pahayag ng mga kapanayam na talagang

nagkukulang ang nasabing ahensiya.

Ang ginampanan ng armadong pwersa ng estado sa demolisyon

Tinanaw ng mga tumugon na ang armadong pwersa ng estado ay naroon sa

lugar upang marahas na ipatupad ang demolisyon. Lumalabas din na ang karahasang

idinulot ng mga pwersa ay hindi lamang para buwagin ang barikadang bayan – ito ay

upang magbabala sa mamamayan hinggil sa pagtutol o paglaban. Ang naging batayan

ng mga tumugon ay ang pagsama sa demolition team ng tinatayang 700 pulis at mga

hindi unipormadong ahente para ipatupad ang demolisyon12.

12

Ang bilang ng mga pulis ay mula sa tantiya nina Kasamang L at Ka Inday

Kahon blg. 4 – Kawalan ng oportunidad para sa kabuhayan sa mga relokasyon

Itinituring na ‘karahasan’ ni Nanay B ang pagpapapunta ng mga maralita sa relokasyong ‘wala namang buhay’ o sapat na oportunidad para sa kabuhayan. Wika pa nga ni Nanay B:

“Kaya ang karamihan ngayon sa relokasyon, ibinebenta ang mga unit na ibinigay nila (ng pamahalaan) – para bumalik at maghanapbuhay dito (sa lungsod).”

Kaya bagamat merong yunit sa relokasyon, pinili ni Nanay B na magtirik ng tirahan sa likuran na espasyo ng kanyang ginibang bahay. Ito’y upang mapagpatuloy ang kinasanayan niyang maliitang pagtitinda sa lungsod.

Sinusugan ang puntong ito ng mga pahayag ni Tatay D. Ayon naman sa nahuli, hindi natutupad ang kuno’y ‘livelihood program’ na ipinangako ng pamahalaan sa mga maralitang pinaalis. Binanggit ni Tatay D:

“Lalo na ngayon iyung mga narelocate, pinangakuan rin sila na bibigyan sila ng mga livelihood program. So, anong nangyayari ngayon dun sa mga (narelocate) na nawalan ng kabuhayan? Ang karamihan sa kanila walang mga hanapbuhay.”

Page 29: 'Tinerorismo’: Paglantad sa terorismo ng estado sa demolisyon Ng kabahayan sa Sitio San Roque noong Enero 27, 2014

29 | Siapo

Para sa mga tumugon, malinaw ang banta sa pagpapakita ng malaking bilang at

paggamit ng mga matataas na kalibre ng armas ng kapulisan noong Enero 27, 2014.

Dagdag pa dito ang paggamit sa kapangyarihan bilang tagpagpatupad ng batas upang

arbitrayong mang-aresto ng mga residente. Ito’y kahit malinaw ang kakulangan ng

pamahalaan sa pagtugon lalo sa mga pangangailangan ng mga residenteng apektado

ng demolisyon.

Ang mga nakinabang sa demolisyon

Ang pananaw na tanging nakinabang ay ang pamahalaan at Ayala Land Inc.

Pinanghahawakan ng mga tumugong kasapi ng mga organisasyong lumahok sa

mga barikadang bayan noong Enero 27, 2014 at nakaraan pa, na ang demolisyo‘y

upang bigyang daan ang proyektong QC CBD. Ang nasabing proyekto ay nasa ilalim ng

balangkas ng PPP; ito ay partnership pangunahin ng NHA sa bahagi ng pamahalaan at

Ayala Land Incorporated.

Sa karanasan noong Setyembre 23, 2010, hayag ang demolisyon ay para

bigyang-daan ang nasabing proyekto. Ngunit noong Enero 27, 2014, ginamit ang 11.3

meter road widening upang ipatupad ang demolisyon sa gawing Agham Road. Matapos

ang demolisyon, umamin din ang pamahalaang lungsod na para pa din ito sa

proyektong QC CBD13

Ang kakulangan ng kaalaman hinggil sa demolisyon

13

Sa artikulong “After demolition, Agham slum folk off to Bulacan” ni Julie Aurelio sa Philippine Daily Inquirer, nakasaad na ang ginawang demolisyon ay para sa QC CBD na kasalukuyang ‘dini-develop’ ng pamahalaang lungsod

Kahon blg. 5 – Arbitraryong pag-aresto kay Jhun ng mga hindi-unipormadong ahente

Matapos magpakawala ng tear gas at tuluyang na-disperse ang barikada, agad pumasok si Jhun sa loob ng komunidad. Sa loob ng komunidad ay may mga ahenteng armado ngunit naka-sibilyan. Nang namataan, si Jhun ay arbitraryong inaresto ng mga ito sa akusasyong kasama siya sa mga namukol ng bato sa kapulisan. Tinangka pang pigilan ng asawa’t kamag-anak ni Jhun ang pag-aresto, ngunit sinaktan lamang din kahit ang asawa niya. Gamit ang posas, kinaladkad siya palabas ng komunidad ng mga ahente.

Page 30: 'Tinerorismo’: Paglantad sa terorismo ng estado sa demolisyon Ng kabahayan sa Sitio San Roque noong Enero 27, 2014

30 | Siapo

Para sa mga tumugon na hindi miyembro ng mga organisasyong tutol sa

demolisyon, ang nakinabang ay limitado sa pamahalaang lokal, kasama ang mga

ahente ng estadong namataan nila noong araw na iyon. Bagamat batid na walang

silang mapakinabangan sa demolisyon, banaag ang kakulangan ng kanilang kaalaman

hinggil sa nais bigyang-daan nito bukod sa ‘road-widening’. Pangunahing dahilan nito’y

ang natuklasang kawalan ng maayos na programa para sa mga residenteng apektado,

kasama ang konsultasyong dapat isanagawa ng NHA at lokal na pamahalaan ayon sa

UDHA14.

Pagsusuri sa karahasang naganap bilang ‘terorismo’

Talahanayan para sa paksang ito:

‘Popular’ na nosyon

(karaniwang ipinalalaganap ng

mga estado sa pamamagitan ng corporate mass

media)

Maralitang tagalungsod (taliwas sa nosyong

karaniwang ipinapalaganap)

‘Alternatibong’ depinisyon

Pakay ng ‘terorismo’

Pampulitika – para magdulot ng pagbabago sa sinabing larangan

Pampulitika at pang-ekonomiya – ‘pagsalakay’ sa paninirahan at mga demokratikong karapatan

Pampulitika at pang-ekonomiya – upang panatilihin sa poder ang iilang may monopolyo sa rekurso

Dimensyon ng terorismo bilang karahasan

Hayag at personal – upang magbanta sa estado

Maaring istruktural (pumipigil sa pag-unlad ng kabuhayan ng maralita) o personal (tulad ng karahasang idinulot ng pulisya noong Enero 27, 2014)

Hayag at personal – ginagawa ng mga organisadong pwersa o ahensiya upang magbanta sa mga umaalma

Target ng terorismo

Mga sibilyan – mga kinikilalang mamamayan ng estadong

Mga sibilyan at miyembro ng mga radikal at progresibong grupo

Maaring sibilyan o kaya’y miyembro ng mga radikal at progresibong grupo

14

Sa pagsasagawa ng pagpapaalis o demolisyon, ayon sa UDHA Section 28 (2) – “Adequate consultations on the matter of resettlement with the duly designated representatives of the families to be resettled and the affected communities in the areas where they are to be relocated”

Page 31: 'Tinerorismo’: Paglantad sa terorismo ng estado sa demolisyon Ng kabahayan sa Sitio San Roque noong Enero 27, 2014

31 | Siapo

sinasalakay

Sinusugan ang istruktural na karahasang dulot ng estado?

Hindi Hindi tiyak Oo

Paraan ng paglaganap

Lumalaganap kasabay ng ‘di pagkakapantay-pantay sa larangan ng ekonomiya 15 . Dumadami din ang mga insidente kapag mas maraming pamamaraan na inilalaan ang estado upang magpahayag ng disgusto ang mamamayan nito16

Lumalaganap sa paglala ng krisis sa ekonomiya – sa kaso ng maralitang tagalungsod, ang krisis ang nagtutulak sa mga malalaking burgesya kumprador na ibenta/maglagak pa ng dagdag puhunan sa espasyong kinatitirikan ng mga komunidad maralita17

Lumalaganap sa paghina ng estado sa paggampan ng mga batayang tungkulin nito tulad ng pagpapanatili ng kaayusan at pagbibigay ng serbisyong panlipunan tulad ng disenteng pabahay, edukasyon, alagang pangkalusugan, at iba pa18

Maituturing ba ang pagkakait ng ‘disenteng’ pabahay bilang terorismo?

Hindi Oo Hindi (dahil ito’y likas na karahasan mula sa estadong nais panatilihin ang monopolyo ng rekurso sa naghaharing uri)

Maituturing ba ang karahasang dulot ng ‘barikadang bayan’ laban sa mga pulis/demolition team bilang terorismo?

Hindi Hindi Hindi

Maituturing ba ang karahasang dulot ng armadong pwersa ng estado (kasama ng demolition team;

Hindi Oo Oo

15

Ayon ito sa teorya ni Ted Gurr hinggil sa relative deprivation (Piazza, 2006). 16

Ayon naman sa political opportunity theory ni Charles Tilly (Piazza, 2006). 17

Halaw mula kay Jose Maria Sison sa kanyang Krisis at Rebolusyong Pilipino (1986). 18

Ang depinisyon ng ‘paghina’ ay mula kina K. Holsti at W. Zartman (Kisangani & Nafziger, 2006)

Page 32: 'Tinerorismo’: Paglantad sa terorismo ng estado sa demolisyon Ng kabahayan sa Sitio San Roque noong Enero 27, 2014

32 | Siapo

tulad ng arbitraryong pag-aresto at paggamit ng armas) laban sa mga maralita bilang terorismo?

Merong terorismo ng estadong naganap noong Enero 27, 2014 (sa proseso ng paggiba sa kabahayan sa Sitio San Roque)?

Wala Meron Meron

Konklusyon

Ang terorismo bilang isang porma ng karahasan ay hindi lamang gamit ng mga

grupong laban sa estado; ito ay maaring gawin ng estado mismo. Pinatunayan sa

pananaliksik ang terorismong mula sa estado na nangyari sa demolisyon ng kabahayan

sa gawing Agham Road ng Sitio San Roque noong Enero 27, 2014. Ang karahasang

maituturing bilang terorismo ay partikular sa paggamit ng armas tulad ng tear gas at

baril, at arbitraryong pang-aaresto ng mga armadong pwersang maaring naka-uniporme

o hindi.

Sa katapusan ng pag-aaral, masasabi na ang sapilitang pagpapaalis at

demolisyon sa mga komunidad-maralita ay likas na marahas. Sa proseso pa lamang ay

pinagkakaitan na ang maralita ng mga sumusunod – 1) ang paninirahang abot-kaya

ngunit may probisyon para sa mga batayang serbisyo, sapat na oportunidad sa

kabuhayan, at malapit sa mga pasilidad para sa edukasyon at pangangalaga ng

kalusugan; 2) ang malayang pagpapasya kung saan maninirahan.

Sa karanasan ng mga residente ng Sitio San Roque, masasabing huwad ang

pagkilala ng mga kasalukuyang batas sa paninirahan at ahensiya ng estado sa

karapatan para sa ‘disenteng’ paninirahan. Pagkatapos ng bawat pagpapaalis o

demolisyon ay matatagpuan ang mga apektado sa mga relokasyong walang estableng

serbisyo ng kuryente o tubig, malayo sa mga pasilidad para sa edukasyon at

Page 33: 'Tinerorismo’: Paglantad sa terorismo ng estado sa demolisyon Ng kabahayan sa Sitio San Roque noong Enero 27, 2014

33 | Siapo

pangkalusugan, at may kakulangan sa oportunidad para sa kabuhayan. At sa mga

malalang kaso ay sa mga kalye o ‘di kaya’y sa center island sila matatagpuan.

Dahil sa karahasang ito inoorganisa ang mga pagkilos tulad ng barikadang

bayan. Ang barikada ang manipestasyon ng pagtutol ng maralita sa itinakdang

pagpapaalis at paggiba ng kanilang kabahayan. Habang isinusulong ang layunin,

nagdudulot pa rin ng karahasan ang pagbabarikada. Ngunit ang karahasang kayang

idulot nito’y ni-hindi papantay sa karahasang idinulot at kaya pang idulot ng mga

armadong pwersa ng estado laban sa mga residenteng nagbarikada.

Malinaw ang pagiging target o biktima ng mga maralitang tagalungsod sa mga

karahasang idinulot ng estado. Dahil dito, tinanaw ng mga tumugong maralita na

‘terorismo’ kahit ang pagkakait sa kanila ng disenteng paninirahan at iba pang batayang

karapatan. Ngunit kritikal sa puntong ito ang alternatibong depinisyon ng terorismo na

ginamit. May pagkakaiba ang karahasang istruktural o likas ng dulot ng estado bilang

kasangkapan ng naghaharing uri, at ang personal nitong idinudulot upang palawigin pa

ang naunang karahasan.

Kaya ang binanggit na pagkakait ay maihahanay sa karahasang istruktural mula

sa estado; ngunit ito mismo’y hindi terorismo. Sa halip, ito ang kahinaan ng estadong

nagbibigay ng kundisyon upang lumaganap naman ang terorismo.

Talasanggunian

ABS-CBN News. (2012, Mayo 31). Group condemns anti-demolition leader's killing.

Retrieved 8 Disyembre, 2013, from ABS-CBN News.com: http://rp2.abs-

cbnnews.com/nation/metro-manila/05/31/12/group-condemns-anti-demolition-leaders-

killing

Arellano, B. (2014, April 6). Paglilinaw ni Bea Arellano hinggil sa pagiging sektor ng

Maralitang Tagalunsod. (G. Siapo, Interviewer)

Aurelio, J. M. (2014, February 1). After demolition, Agham slum folk off to Bulacan.

Philippine Daily Inquirer .

Page 34: 'Tinerorismo’: Paglantad sa terorismo ng estado sa demolisyon Ng kabahayan sa Sitio San Roque noong Enero 27, 2014

34 | Siapo

Berrebi, C. (2007). Evidence about the Link Between Education, Poverty and Terrorism

among Palestinians. Peace Economics, Peace Science and Public Policy Vol. 13, Issue

1 .

Boyce, C., & Neale, P. (2006). Conducting In-Depth Interviews: A Guide for Designing

and Conducting In-Depth Interviews for Evaluation Input. Pathfinder International.

Chaudhury, N., Friedman, J., & Onishi, J. (2013). Philippines Conditional Cash Transfer

Program Impact Evaluation 2012. World Bank.

Chomsky, N. (2001, November 1). The United States is a Leading Terrorist State: An

Interview with Noam Chomsky. (D. Barsamian, Interviewer)

Colorado State University. (n.d.). Writing Guide for Case Studies. Retrieved April 8,

2014, from Writing@CSU: http://writing.colostate.edu/guides/page.cfm?pageid=1285

Demolition Watch. (2011, November 18). Formal Complaint of Pangarap Village

Organizations, Caloocan City to United Nations Special Rapporteur on Housing Rights.

Retrieved April 8, 2014, from DemolitionWatch.wordpress.com:

https://demolitionwatch.wordpress.com/2011/11/18/formal-complaint-of-pangarap-

village-organizations-caloocan-city-to-united-nations-special-rapporteuron-housing-

rights/

Dinglasan, R. (2014, January 27). 29 hurt, 9 arrested in clashes at Quezon City

Demolition. Retrieved April 9, 2014, from GMANetwork.com:

http://www.gmanetwork.com/news/story/345793/news/metromanila/29-hurt-9-arrested-

in-clashes-at-quezon-city-demolition

Galtung, J. (1969). Violence, peace, and peace research. Journal of Peace Research,

Vol. 6, No.3 , 161-191.

GMA Network. (2013, July 1). Riot Breaks Out between Informal Settlers, Police near

Office of the Ombudsman. Retrieved April 9, 2014, from GMANetwork.com:

http://www.gmanetwork.com/news/story/315354/news/metromanila/riot-breaks-out-

between-informal-settlers-police-near-office-of-the-ombudsman

Page 35: 'Tinerorismo’: Paglantad sa terorismo ng estado sa demolisyon Ng kabahayan sa Sitio San Roque noong Enero 27, 2014

35 | Siapo

Guerrero, A. (1970). Philippine Society and Revolution.

Jackson, R. (2008). An argument for terrorism. Perspectives on Terrorism, Vol. 2, Issue

2 , 25-32.

Jison, J. R. (2013). Kung ang Pagsiil ay Dulot ng Pangingikil: Pagsusuri sa mga

Karanasan at Kamalayan ng mga Mangingisdang naging biktima ng Pangongotong sa

Laot ng mga Ahente ng Pamahalaan sa Barangay X, Tanza, Cavite. Manila.

Kisangani, E., & Nafziger, E. W. (2006). The Political Economy of State Terror. New

York.

Kushner, H. W. (2003). Terrorism, definition and history of. In H. Kushner, Encyclopedia

of terrorism (pp. 359-364). Sage Publications, Inc.

Lenin. (1916). Imperialism: The Highest Stage of Capitalism. Moscow.

Lenin. (1918). State and Revolution. Moscow.

Muncie, J. (2006). The SAGE Dictionary of Social Research Methods. Retrieved April 9,

2014, from SagePub.com: http://srmo.sagepub.com/view/the-sage-dictionary-of-social-

research-methods/n38.xml

Piazza, J. A. (2006). Terrorism, poor economic development, and social cleavages.

Terrorism and Political Violence, 18 , 159-177.

QCPL Law Research Center. (2014, January 16). Quezon City Ordinance No. SP-2247,

S-2013 " An Ordinance mandating all Punong Barangay and the Task Force copriss in

Quezon City to summarily evict all persons conducting on-going.". Retrieved April 9,

2014, from QCPL-lawresearch-center.blogspot.com: http://qcpl-lawresearch-

center.blogspot.com/2014/01/quezon-city-mandating-all-punong_361.html

Quezon City Government. (n.d.). Task Force for the Control, Prevention and Removal of

Illegal Structures and Squatting. Retrieved April 9, 2014, from QuezonCity.gov.ph:

http://www.quezoncity.gov.ph/index.php?option=com_content&view=article&id=273%3A

copriss&catid=63&Itemid=28

Page 36: 'Tinerorismo’: Paglantad sa terorismo ng estado sa demolisyon Ng kabahayan sa Sitio San Roque noong Enero 27, 2014

36 | Siapo

Quezon City Government. (n.d.). The Quezon City Central Business District. Retrieved

April 4, 2014, from QuezonCity.gov.ph:

http://quezoncity.gov.ph/index.php?option=com_content&view=article&id=561:the-

quezon-city-central-business-district&catid=100

Republic Act 7279. (1992). Urban Development and Housing Act. Metro Manila.

Salamat, M. (2011, August 24). 'Real stakeholders' oppose planned evacuation of

mental hospital, sale of Welfareville. Retrieved April 8, 2014, from Bulatlat.com:

http://bulatlat.com/main/2011/08/24/real-stakeholders%E2%80%99-oppose-planned-

evacuation-of-mental-hospital-sale-of-welfareville/

Salem, L. A., & Peñaranda, A. (Marso 20, 2012). Demolisyon. In May Punto Ka Diyan

Radio Program. Quezon City, Philippines: DZUP 1602.

Simbulan, R. (2000). Ang Maralitang Tagalunsod sa Kalakhang Maynila. Manila.

Sison, J. M. (2002). Imperialist Globalization and Terrorism. Amsterdam: International

League for Peoples' Struggle.

Sison, J. M. (1986). Krisis at Rebolusyong Pilipino. Quezon City.

Sison, J. M. (1998). On the mode of production. Manila: Aklat ng Bayan Publishing

House.

Suarez, L. M., & Abella, J. (2010, September 23). Barricades block QC North Triangle

demolition; 14 hurt in clashes. Retrieved April 4, 2014, from GMANews.TV:

http://www.gmanetwork.com/news/story/201776/news/nation/barricades-block-qc-north-

triangle-demolition-14-hurt-in-clashes

Tuazon, B. (2005). War on terror as reign of terror. In I. F. Inc., A new wave of state

terror in the Philippines (pp. 11-15). Manila: IBON BOOKS.

Uyanguren, E., & Claudio, I. (2012, March 23). UDHA Part 2. May Punto Ka Diyan

Radio Program - DZUP 1602 .

Page 37: 'Tinerorismo’: Paglantad sa terorismo ng estado sa demolisyon Ng kabahayan sa Sitio San Roque noong Enero 27, 2014

37 | Siapo

Uyanguren, E., Claudio, I., & Fabonan, J. (2012, March 20). Ang Batas sa Paninirahan.

May Punto Ka Diyan Radio Program - DZUP 1602 .

Uyanguren, E., Claudio, I., Lacorda, B., Salem, L. A., & Teodoro, L. (2012, March 22).

UDHA Part 1. May Punto Ka Diyan Radio Program - DZUP 1602 .

Uyanguren, E., Claudio, I., Salem, L. A., & Peñaranda, A. (2012, March 21).

Demolisyon. May Punto Ka Diyan Radio Program - DZUP 1602 .

Villanueva, R. (2012, April 24). Marahas na demolisyon sa Silverio Compound sa

Parañaque. Sali na, Bayan!

Villanueva, R., Oliveros, B., Bacolod, T., & Pariscal, L. (2012, March 2). Demolition on

Corazon de Jesus, San Juan. Sali na, Bayan!