The women he loved before josephine bracken

19
Mga Pag-ibig ni Dr.Jose Rizal Palacio, Camille Joy R. 1-7

Transcript of The women he loved before josephine bracken

Page 1: The women he loved before josephine bracken

Mga Pag-ibig ni Dr.Jose Rizal

Palacio, Camille Joy R.1-7

Page 2: The women he loved before josephine bracken

Segunda Katigbak

“ Mapupula ang kaniyang pisngi, may

kahali-halinang ngiti, at para siyang ada, ang

buong katauhan niya’y may di- maipaliwanag

na bighani.” – Jose Rizal

“Pag-ibig sa unang tingin”

Page 3: The women he loved before josephine bracken

Segunda Katigbak∞ Ipinanganak sa Lipa, Batangas noong

1863.∞ Kapatid ng kaibigan ni Rizal na si

Mariano Katigbak.∞ Siya ay 14 na taong gulang ng umibig

kay Rizal.∞ Ipinagkasundo na magpakasal kay

Manuel Luz.∞ Itinuturing na unang pag-ibig ni Rizal.

Page 4: The women he loved before josephine bracken

Leonor Valenzuela

“ Isa siyang matangkad na

dalagang napakaganda ng

tindig.” – Jose Rizal

Page 5: The women he loved before josephine bracken

Leonor Valenzuela∞ Anak nina Kapitan Juan Valenzuela at

Kapitana Sanday Valenzuela na tubong Pagsanjan, Laguna.

∞ Ang palayaw ni Leonor ay Orang.∞ Laging bukas ang tahanan ng mga Valenzuela

para kay Rizal dahil sa kanilang paghanga sa husay ng bayani sa salamangka.

∞ Tinuruan ni Rizal si Leonor ng lihim sa pagbasa ng anumang talang nakasulat sa

tintang di-nakikita.∞ Tumigil sa panliligaw si Rizal kay Leonor

Valenzuela.

Page 6: The women he loved before josephine bracken

Leonor Rivera

“Maganda siya, mayumi gaya ng

namumukadkad na bulaklak, na may

mabubuting mata.” – Jose Rizal

Page 7: The women he loved before josephine bracken

Leonor Rivera∞ Ipinanganak noong Abril 11, 1867 sa Camiling, Tarlac.∞ Ang kanyang ama na si Antonio Rivera ay pinsan ng

ama ni rizal na si Francisco Mercado.∞ Siya ay nag-aral sa Kolehiyo ng La Concordia.

∞ Hindi gusto ng magulang ni Leonor si Rizal, kaya’t pinigilan nila ang pagmamahalan ng dalawa.

∞ Nais na sanang pakasalan ni Rizal si Leonor ngunit hindi na sila muling nagkita matapos lumipat ang

pamilya Rivera sa Dagupan, Pangasinan.∞ Ipinakasal si Leonor Rivera kay Henry Charles Kipping

noong Hunyo 17, 1890.∞ Namatay si Leonor Rivera noong Agosto 28, 1893.

Page 8: The women he loved before josephine bracken

Consuelo Ortiga y Perez

“Ang kanyang ganda ay

nakaka-akit.” – Jose Rizal

Page 9: The women he loved before josephine bracken

Consuelo Ortiga y Perez∞ Si Consuelo ay isa sa mga anak ni Don Pablo Ortiga na naging alkalde ng Maynila sa ilalim ni

G.H. Carlos Ma. De la Torre.∞ Ang kanilang pamilya ay naninirahan sa Madrid,

España.∞ Siya ang inspirasyon ng tula ni Rizal na “ A La

Señorita C.O.y.P.”∞ Hindi tinuloy ni Rizal ang kanyang relasyon kay

Consuelo dahil sa dalawang kadahilanan.∞ (1) Si Rizal ay labis pa ring umaasa kay Leonor

Rivera.∞ (2) Ang kanyang kaibigan na si Eduardo de Lete

ay umiibig kay Consuelo.

Page 10: The women he loved before josephine bracken

O-Sei-San (Seiko Usui)

“Ikaw ang kulay ng kamelya, ang

pagkasariwa nito, ang pagiging elegante. O-Sei-San – Sayonara! Sayonara! “ – Jose

Rizal

Page 11: The women he loved before josephine bracken

O-Sei-San∞ Nakilala ni Rizal si O-Sei-San sa kanyang pananatili sa

Japan.∞ Si O-sei-san ay anak ng isang samurai na hindi pa

nakakaranas ng pag-ibig.∞ Si Rizal ay 27 taong gulang at si O-sei-san naman ay

23 taong gulang nang sila ay nagkaroon ng relasyon.∞ Para kay Rizal, si O-sei-san ay hindi lamang isang kasintahan kung hindi isang gabay, tagasalin at guro.∞ Hindi ipinagpatuloy ni Rizal ang kanilang relasyon

dahil sa kanyang mga tungkulin at misyon para sa Pilipinas.

∞ Umalis siya sa Japan sakay ng barkong Belgic noong Abril 18, 1888.

∞ Makalipas ang maraming taon, nagpakasal si O-sei-san kay G. Alfred Charlton at nagkaroon sila ng isang

anak na babae na ang pangalan ay Yuriko.

Page 12: The women he loved before josephine bracken

Gertrude Beckett

“Siya ay isang dalagang may asul

na mga mata, mapupulang pisngi at buhok na kulay-

kayumanggi.” – Jose Rizal

Page 13: The women he loved before josephine bracken

Gertrude Beckett∞ Si Gertrude Beckett ay ang panganay sa

magkakapatid na anak ni Charles Beckett na may ari ng Primrose Hill House.

∞ Dito nanuluyan si Rizal sa kanyang pagdaan sa London.

∞ Ang kanyang palayaw ay “Gettie” at “Tottie”.∞ Naging malapit si Gertrude kay Rizal sa

pamamagitan ng kanyang pagtulong sa pagpipinta at pag-iiskultor ni Rizal.

∞ Ang kanilang pag-iibigan ay nagwakas nang magpasya si Rizal na tumungo sa Paris upang

ipagpatuloy ang kanyang mga misyon noong Marso 19, 1889.

Page 14: The women he loved before josephine bracken

Petite Jacoby∞ Sa sandaling pananatili

ni Rizal sa Brussels, nakilala niya si Petite

Jacoby.∞ Umibig siya rito at

gayundin si Petite ngunit makalipas

lamang ang ilang araw ay umalis na si Rizal patungong Madrid.

Page 15: The women he loved before josephine bracken

Nellie Boustead

“ Isa siyang dalagang tunay

na matalino, masayahin at

matwid.” – Jose Rizal

Page 16: The women he loved before josephine bracken

Nellie Boustead∞ Sa kanyang pagdating sa Biarritz, malugod siyang

sinalubong at tinanggap bilang panauhin ng pamilya Boustead.

∞ Labis na ikinalungkot ni Rizal ang balitang pagpapakasal ni Leonor, sa kanyang pamamalagi sa Biarritz, nabaling ang

kanyang atensyon sa bunsong anak ni G. at Gng. Boustead na si Nellie.

∞ Ipinahayag ni Rizal ang kanyang intensyon na pakasalan si Nellie.

∞ Bago pa man makilala ni Rizal si Nellie ay niligawan na ni Antonio Luna ang dalaga ngunit siya ay nabigo.

∞ Dalawang bagay ang naging hadlang sa kasal ni Rizal at ni Nellie:

∞ (1) Hindi pumayag si Rizal na tumiwalag sa Katolisismo sapagkat mga protestante ang mga Boustead.

∞ (2) Ayaw ng ina ni Nelly na maging manugang si Rizal.∞ Hindi natuloy ang kanilang kasal, nagpasya na lamang si

Rizal na umalis patungong Paris.

Page 17: The women he loved before josephine bracken

Josephine Bracken

“Siya ay balingkinitan, may

buhok na kulay kastanyas, asul na

mga mata, simpleng manamit, at

masayahin.” – Jose Rizal

Page 18: The women he loved before josephine bracken

Josephine Bracken∞ Si Josephine Bracken ay isang irlandes na isinalang sa

Hong Kong noong Oktubre 3, 1876.∞ Nang mapatapon si Rizal sa Dapitan, nabalitaan ito ni G.

George Tauffer na may karamdaman sa mata. Si G. George Tauffer ang umampon kay Josephine ng mamatay ang

kanyang ina.∞ Pumunta ng Dapitan ang dalawa upang ipagamot kay

Rizal ang mga mata ni G. Tauffer.∞ Nagka-ibigan sina Rizal at Josephine sa unang pagkikita pa

lamang. Pagkaraan ang isang buwang ligawan, nagkasundo silang magpakasal.

∞ Tumanggi si Padre Obach, ang pari ng Dapitan, na ikasal ang dalawa.

∞ Nagalit si G.Tauffer sa planong magpakasal ni Josephine. Bumalik siyang mag-isa sa Hong Kong. Naiwan si Josephine

sa Maynila.

Page 19: The women he loved before josephine bracken

Josephine Bracken∞ Lumipas ang ilang araw, nagbalik si Josephine sa

Dapitan.∞ Dahil walang pari na nais magkasal sa kanila ni Rizal,

ipinahayag na lamang nila sa harap ng Diyos ang kanilang pagiging mag-asawa.

∞ Taong 1896, nagkaroon ng anak na lalaki si Rizal at Josephine subalit nabuhay lamang ito ng tatlong oras.

∞ Ang pangalan ng sanggol ay Francisco, bilang parangal sa ama ni Rizal na si Don Francisco Mercado.

∞ Matapos patayin si Rizal noong Disyembre 30, 1896, tumulong si Josephine sa pagagamot sa mga

rebolusyonaryo.∞ Bumalik din si Josephine sa Hong Kong at dito siya nagkaroon ng bagong pamilya kasama si Vicente Abad

at ang kanilang anak na babae na si Dolores.∞ Namatay si Josephine Bracken noong Marso 15, 1902

dahil sa sakit na Tuberculosis.