Term Paper (Populasyon)

download Term Paper (Populasyon)

of 7

description

TERM PAPER

Transcript of Term Paper (Populasyon)

A. PANIMULANapakahalaga para sa atin na malaman ang nangyayari sa ating bansa. Sa pamanahong papel na ito tinatalakay ang patuloy na paglaki ng populasyon sa ating bansa, at kung ano ang epekto nito sa ating pamumuhay. Isang malaking suliranin ang paglobo ng ating populasyon. Kailangan nating maunawaan at pag-aralan ang problemang ito para rin maiwasan natin ang kahirapan.

B. LAYUNIN NG PAG-AARALNais makamit ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod na layunin:

1. paglalahad ng kasalukuyang kalagayan ng populasyon sa mundo: 2. pagtatala ng mga sanhi at salik na nakatutulong sa paglaki ng populasyon:3. pagsusuri ng mga programang magpapabuti at magpapaunlad ng kalagayan ng populasyon ng mga bansa: at 4. pagpapaliwanag ng implikasyon ng mga programa sa pagpapatupad ng sustainable development at mapabuti ang panirahan ng tao sa hinaharap.

B. 1. Kalagayan Populasyon sa DaigdigTinatayang may 6.8 bilyon na ang kasalukuyang populasyon sa mundo at lumalaki ito ng 76 milyon bawat araw o 209,000 bawat araw. Bagamat bumaba na ang porsiyento ng paglaki ng populasyon mula sa dalawa noong 1970 hanggang sa 1.5 porsiyento sa kasalukuyan, ang lumalagong populasyon ay dahil na rin sa napalaking populasyon sa kasalukuyan kaysa noong 1970 na 3.7 milyon lamang. Kung ang porsiyento ng paglaki ng populasyon ay hindi bababa, ang populasyon ng mundo ay magiging doble sa taong 2040. Ang ganitong kalaking populasyon ay makaapekto sa kaunlaran maraming pamayanan at sa sistemang ekolohikal sa daigdig. (Project EASE Araling Panlipunan III Modyul 22, p. 7)

B. 2. Salik na Nakatutulong sa Paglaki ng Populasyon1. Ang pandarayuhan o migration ay ang paglipat ng tao sa ibang lugar. Ang lugar na ito ay maaaring bagong pamayanan, bayan, lalawigan, lungsod, o bansa. Nangyayari ang pandarayuhan dahil sa sumusunod:a. Hanapbuhay nangyayari dahil sa sumusunod. Kadalasang lumilipat sa lungsod upang makahanap ng trabaho. Ang ilan ay pumupunta sa ibang bansa upang makasahod nang malaki at magkaroon ng magandang kalagayan sa pagtatrabaho. Ang paglipat dahil sa hanapbuhay ay pansamantala lamang, pero may mga pagkakataon na nananatili nang permanente sa lugar na nilipatan nila ang ibang tao. Ang mga halimbawa ng mga migrant workers (mga taong nagpupunta sa ibang lugar upang magtrabaho) ay ang Overseas Filipino Workers (OFWs) upang magtrabaho bilang seamen o katulong sa Hongkong at Singapore.b. Pag-iwas sa gulo at digmaan Ang mga tao ay lumilipat din sa ibang lugar sa dahilang may gulo o digmaan sa dati nilang lugar. Naghahanap sila ng tahimik na lugar na kung saan maaari silang mamuhay nang normal at tahimik. Ang iba sa ating mga kapatid na Muslim sa Mindanao ay lumilipat sa Metro Manila dahil sa digmaan sa Mindanao. Mayroon ding refuge camp sa lalawigan ng Palawan na inilaan para sa mga taga-Vietnam na umalis sa kanilang lugar upang makahanap ng mapayapang kapaligiran.c. Mga kalamidad Maaari ring mangyari ang paglikas kung sapilitang umalis ang mga tao sa kanilang tinitirhan dahil sa mga kalamidad. Ang halimbawa nito, ang ilang kapatid natin sa Pampanga ay nang inilipat sa ibat ibang pamayanan sapagkat nasa daanan ng lawa ng Mt. Pinatubo ang kanilang tahanan.

2. Mga bagong gamot at kasangkapang pangmedisina. Sa paglipas ng mga taon, nakatuklas ang agham ng mga paraan upang mapaunlad ang kalusugan ng mga tao. May mga tuklas pangmedisina antibiotic, bakuna, paracetamol, analgesics, chemotherapy, at iba pa na nakatulong sa mga tao upang mapangalagaan ang mga sarili sa mga sakit na itinuturing na nakamamatay sa mga nagdaang panahon. Halimbawa, nagkaroon ng maagang pagkatuklas ng kanser sa mga tao ang agham pangmedisina. Lahat ng uri ng kanser ay mapanganib kapag nasa kritikal na antas na ang mga ito. Dahil madali nang malaman ang mga sintomas ng kanser, mas madali na para sa mga doktor na malaman ang gamut at madali na para sa mga maysakit ang magpagamot. Ang mga makabagong kaalamang pangmedisina bunga ng pananaliksik ay nakatutulong sa pagtuklas ng mga bagong pamamaraan para sa paggamot ng marami pang sakit. Ang mga kagamitang pangmedisina tulad ng respirator at X-ray machines ay pinaunlad upang bigyang-lakas ang mga bagong tuklas sa panggagamot. Nagpapaunlad din sa kaalaman ng mga doktor sa pag-oopera ang pananaliksik pangmedisina. Halimbawa, kaya na nilang maglipat ng mga organ at dugo. May mga tuklas ding bagong bakuna at pinaunlad ito upang malabanan ang mga karaniwang sakit tulad ng polyo, Hepatitis A at B, tigdas, at TB.

Ang pagtuklas sa mga bagong paggamot at kagamitan ang naging daan upang magkaroon ng mababang bilang ng pagkamatay ng mga sanggol at ng mahabang buhay ng mga tao. Ito rin ang dahilan ng mataas na paglaki ng populasyon.a. Ang low infant mortality ay tumutukoy sa mababang bilang ng pagkamatay ng mga sanggol. Dahil ito sa kaunlaran ng mga bagong gamot tulad ng mga bakuna laban sa TB, tigdas, hepatitis A at B, at polyo na nakatutulong upang maiwasan ang mga sakit. Ang pagbibigay ng mga kaalaman tungkol sa pag-aalaga ng sanggol ay nakatutulong din sa mababang bilang ng pagkamatay ng mga sanggol.b. Ang mahabang pagkabuhay ay nangangahulugan ng matagal na buhay ng tao. Dahil sa paggagamot at pag-oopera, napagagaling ang mga karaniwang sakit tulad ng TB. Ang mga pananaliksik pangmedisina ay nakatuklas din ng bagong paraan upang mapaunlad ang kalusugan at pagkain ng tao.

3. Ang bilis ng pag-aanak (Birth rate) ay tumutukoy sa bilang ng tao na isinisilang sa bawat taon. Kung ang bilis ng pag-aanak sa isang lugar ay mas mataas sa nagdaang taon, mayroong paglaki ng populasyon. Ang mataas na bilis na pag-aanak ay nangangahulugan na maraming sanggol ang ipinanganganak.

4. Ang bilis ng pagkamatay (Death rate) ay tumutukoy sa bilang ng tao na namamatay bawat taon. Kapag ang bilis ng pagkamatay sa isang lugar ay mababa, tumataas ang populasyon. Sa isang dako, ang mataas na bilang ng pagkamatay ay nangangahulugan na maraming tao ang namamatay, na sanhi ng pagbaba ng populasyon. Ang mataas na bilang ng pagkamatay ay nangyayari kapag may digmaan, sakit, gutom, o masaker (maramihang pagpatay ng isang lahi, grupong pulitikal o kultural).

B. 3. Mga Programa Ukol sa PopulasyonBilang mga mamayanan ng isang bansa, mahalaga ang kapakanan ng mga tao para sa pamahalaan. Ang yaman ng isang bansa ay nasusukat sa kalidad ng yamang tao o ng mamamayanan nito. Ang kaunlaran ng isang bansa ay nakasalakay sa malusog, matalino, at aktibong mamayanan sa may malaking kontrobibusyon sa paglinang ng kaunlarang pang-ekonomiya at kagalingang panlipunan.Ibat ibang programa na ang sinubukan, isinasagawa at pinagpaplanuhan ng mga bansa sa daigdig upang mapabuti ang kapakanan ng populasyon sa buong mundo. May mga ahensiya na sadyang binuo upang magsagawa ng nga programang iyan.

Mga Organisasyon at ang Kanilang Programa Ukol sa Populasyon

ORGANISASYONPROGRAMA

United Nations Fund for Population Assistance(UNFPA) Itinatag ng United Nations noong 1967. May pinakamalaking pandaigdig na pondo na inalalaan sa pagtulong sa mga umuunlad na bansa ukol sa isyung pampopulasyon. Tungkulin ng UNPFA na tumulong sa pangangailangan ng populasyon at pagpaplano ng pamilya; paunlarin ang kaalaman ukol sa ibat ibang salik na kaugnay sa populasyon tulad ng paglaki ng populasyon, fertility, migrasyon at mortalidad, at tulungan ang mga pamahalaan sa programa at mga proyekto nila sa populasyon, at magbigay ng pinansyal na tulong para sa implementasyon ng mga ito.

International Planned Parenthood Association (IPPA) Binubuo ito ng mahigit nna 100 samahan na humihikayat sa pagpaplano ng pamilya. Mahigit sa kalahati ang galing sa mga bansa ng kasapi sa Overseas Economic Cooperation Development (OECD). Pinakamalaki ang tulong na tinatanggap ng Brazil, Columbia, India, Korea at Mexico. Ginagamit ng mga unibersidad at institusyon sa pananaliksik ang ikaapat na bahagi ng tulong mula sa Estados Unidos, ang Family Planning International Assistance and Population Council, at Pathfinder Fund.

Kagawaran ng Kalusugan Philippine Population Management Program (PPMP) Ito ang kabuuang programa ng ating pamahalaan ukol sa pagkontrol ng populasyon. Nilikha ito upang suportahan at sang-ayunan ang kabuuang programang pang-ekonomiya ni Pangulong Fidel Ramos, ang Medium Term Philippine Development Plan (MTPDP) na mas kilala sa tawag na Philippines 2000. Ayon dito, hindi magiging tagumpay ang Philippines 2000 kung walang kaukulang programa sa ating populasyon. Binubuo ang PPMP ng ibat ibang sangay ng pamahalaan. Ang kagawaran ng Kalusugan ang pangunahing tagapagtupad nito. May bahagi rin ang Kagawaran ng Edukasyon sa pamamahagi ng kaalaman ukol sa populasyon sa pamamagitan ng pagsasanib nito sa mga kurikulum ng mga paaralan. Kabilang sa PMPP ang mga programang may direktang kaugnayan sa pagkontrol ng populasyon tulad ng pagpaplano ng pamilya. Nakapaloob din ang programang pampopulasyon sa mga programang pang-ekonomiya at pangkapaligiran.

Commision on Population and Development (CD) (dating Population Comission o POPCOM) May 27 kasapi ito at itinatatag ng Economic and Social Council (ECOSOC) ng UN noong 1947. Tungkulin nito na magbibigay ng payo at gumawa rin ng pag-aaral tungkol sa mga isyu sa populasyon, mga patakaran at programa, integrasyon ng populasyon sa pag-unlad ng bansa kaugnay ng ibat-ibang salik sa populasyon, at ibang mga katanungan tungkol sa populasyon.

Family Planning Organization of the Philippines (FPOP) Itinatag noong ika-4 ng Agosto, 1969 ang FPOP upang itaguyod ang pagpaplano ng pamilya. Isa itong pribadong organisasyon at isa sa 150 organisasyon sa 128 na bansa na magkakatulad ang layunin. Kasapi ang FPOP sa International Planned Parenthood Foundation (IPPF) na nakabase sa London. Nagbibigay ito ng payo, impormasyon at serbisyo sa klinika at pamayanan. Kumikilos ang FPOP batay sa paniniwala na ang responsableng pagkamagulang at kalusugan ng pamilya ay nakaambag sa magandang uri ng pamumuhay at sa pambansang kaunlaran. Sa kasalukuyan, naglilingkod sa bansa ang FPOP sa pamamagitan ng 215 na pamunuan, 1362 na mga boluntaryo sa 35 na mga klinika at siyam na mga sentro ng kalusugan. Naglilingkod ito sa 200,000 na mga kliyente na karamihan ay nasa malalayong lugar na walang mga manggagamot.

C. KAHULUGAN NG MGA SALITANG GINAMITAng mga katagang ginamit sa pamanahong papel na ito ay nagpapadali para sa mga mambabasa na maunawaan ang bawat detalye. Nandito ang mga sumusunod na salita.

Populasyon ang kabuuang bilang ng tao sa isang bansa o lugar. Ang lugar na ito aymaaaring pamayanan, bayan, lalawigan, lungsod, bansa, o ang buong mundo.

Overpopulation ay tumutukoy sa kalagayan ng pagkakaroon ng masyadong maraming tao na nakatira sa isang bansa o lugar sa iisang panahon.

Sanggunian:AklatALS Accreditation and Equivalency Learning Material, Bureau of Alternative Learning Center Kagawaran ng Edukasyon, pp. 7 13Project EASE Araling Panlipunan III Modyul 22, p. 7DyaryoBalita, Leonel Abasola, Nobyembre 1, 2011The Palawan Times, Tinig ng Masa, M. V. AsuncionThe PHILIPPINE STAR , Alex V. Villamayor, Agosto 24, 2012Websites: