Tekstong Prosijural
Transcript of Tekstong Prosijural
Tekstong Prosidyural
Alin kaya sa mga sumusunod ang
kaya mong gawin?
Gumawa ng no bake cake
Mag-assemble ng isang simpleng kabinet
Mag-apply ng passport online
Makapaluto ng pansit bihon
Makapagbuo ng bisikleta
Sa iyong tingin, hindi mo ba talaga ito kayang gawin?
Bakit?
Tekstong Prosidyural: ALAMIN ANG MGA HAKBANG
- Uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay
ng impormasyon at instruksyon kung paano isinasagawa ang isang
tiyak na bagay.
MGA HALIMBAWA- recipe sa pagluluto sa Home Economics- Paggawa ng eksperimento sa agham at medisina- Pagbuo ng aparato at pagkumpuni ng mga kagamitan sa teknolohiya.
MGA HALIMBAWA- Pagsunod sa mga patakaran sa paglalaro ng isang bagay- Mga paalala sa kaligtasan sa kalsada- Manwal na nagpapakita ng hakbang-hakbang na pagsasagawa ng iba’t ibang bagay.
Layunin- Makapagbigay ng sunod-
sunod na direksyon at impormasyon sa mga tao upang matagumpay na
maisagawa ang mga gawain ng ligtas, episyente at
angkop sa paraan.
Apat na bahagi ng Tekstong Prosidyural
-Inaasahan o Target na Awput-Mga Kagamitan-Metodo-Ebalwasyon
Inaasahan o Target na Awput
- Kung ano ang kakalabasan o
kakahantungan ng proyekto ng prosidyur.
Inaasahan o Target na Awput
- Maaaring ilarawan ang mga tiyak na katangian ng isang
bagay o kaya ay katangian ng isang uri ng trabaho o ugaling inaasahan sa isang mag-aaral
kung susundin ang gabay.
Mga Kagamitan-Ang mga kasangkapan
at kagamitan na kinakailanganupang
makumpleto ang isinasagawang proyekto.
Mga Kagamitan-Nakalista ito sa pamamagitan ng pagkasunod-sunod kung
kailan gagamitin. Maaaring hindi makita ang bahaging ito sa mga uri ng tekstong prosidyural na
hindi gagamit ng anumang kagamitan.
Metodo
- Serye ng mga hakbang na isinasagawa upang mabuo ang proyekto.
Ebalwasyon- Naglalaman ng mga
pamamaraan kung paano masusukat ang tagumpay ng prosidyur
na isinagawa.
Ebalwasyon-Ito ay sa pamamagitan ng mahusay na paggana ng isang bagay, kagamitan o makina o di kaya ay mga
pagtataya kung nakamit ang kaayusan na layunin ng
prosidyur.
- Mahalaga ang paggamit ng heading, subheading,
numero, dayagram at mga larawan upang
maging mas malinaw ang pagpapahayag ng
instruksyon.
Mahalagang alamin at unawain kung sino ang
nakikinig o nagbabasa ng teksto upang
mapagdesisyunan kung anong uri at antas ng wika ang gagamitin.
Mga Tiyak na Katangian ng
Wikang Madalas Gamitin sa Tekstong
Prosidyural
- Nasusulat sa kasalukuyang panahunan.
- Nakapokus sa pangkalahatang
mambabasa at hindi sa iisang tao
lamang.
- Gumamit ng tiyak na pandiwa para sa
instruksyon.
- Gumamit ng malinaw na pang-ugnay at cohesive
device upang ipakita ang pagkasunod-sunod at
ugnayan ng mga bahagi ng teksto.
- Mahalaga ang detalyado at tiyak na deskripsyon (hugis,
laki, kulay, dami atbp.
Performance Task
- Bumuo ng pangkat na may
apat na miyembro.
- Magplano para sa isang presentasyon na nagpapakita ng isang prosidyur kung paano
gagawin ang isang bagay.
- Kapag natukoy na ang paksang ipapakita, magsanay na sa
pagkasunod-sunod ng presentasyon at kung paano ito malikhaing
maipapakita sa klase.
- Bigyan ng pansin ang apat na mahahalagang nilalaman ng tekstong prosidyural at ang mga tiyak na katangian ng
wikang madalas gamitin dito.
- Bibigyan lamang ang bawat pangkat ng
sampung minuto para sa aktwal na presentasyon.
Paraan ng Pagbibigay ng MarkaBatayan ng Marka Kaukulang
PuntosA. Tumpak ang mga datos at impormasyong ginamit sa presentasyon.
20
B. Napapanahon at kapaki-pakinabang ang paksa.
20
C. Angkop ang paggamit ng cohesive devices, maayos ang pagkasunod-sunod ng prosidyur at malinaw ang pagpapahayag.
20
D. Malikhain at maayos ang kabuuang presentasyon.
40
100 pts.