Tech No Scribe Newsletter (June-November 2011)

16
HULING PAGPUPUGAY. Sama-sama ang mga mag-aaral, mga guro at kawani ng RMTU sa pagbibigay-pugay sa Ama ng Pamantasan na si Cong. Antonio M. Diaz ng Ikala- wang Distrito ng Zambales sa ginanap na Misa ng Pagpaparangal sa St. Williams Parish, Ago. 7 Binawian ng buhay sa edad na 83 ang tina- guriang “Ama ng RMTU” na si Cong. Antonio M. Diaz ng Ikalawang Distrito ng Zambales dahil sa multi-organ failure na kumplikasyon ng sakit na diabetes sa St. Luke’s Medical Cente.r, Quezon City noong Ago. 3. Ang Ramon Magsaysay Technological Univer- sity (RMTU) ay nagdalamhati sa pagkawala ng kongresista na siyang pangunahing may-akda ng Republic Act 8498 o ang batas na nagtatatad- hana ng pag-iisa ng Ramon Magsaysay Polytech- nic College (RMPC) sa Iba, Western Luzon Agri- cultural College (WLAC) sa San Marcelino at Can- delaria School of Fisheries (CSF) sa Candelaria upang maging isang pamantasan. Ang nasabing batas, na pinagtibay noong Peb.12, 1998, ang itinuturing na pinakamalaking ambag ni Diaz sa larangan ng edukasyon sa la- lawigan. Bilang pagpaparangal sa kanya, idinaos ang isang misa ng pagpupugay at pasasalamat sa St. William’s Parish sa bayan ng San Marcelino noong Ago. 7, na dinagsa ng mga estudyante, guro at kawani ng RMTU San Marcelino at Castillejos Campus. Dumalo rin sa nasabing misa ang ilang mata- taas na opisyal ng pamahalaan na isa-isang nag- pahayag ng pagpupugay sa beteranong kongre- sista. Ayon kay dating gobernador Vic Magsaysay, na pinsan din ng nasirang representante, “masipag mag-aral si “Toniaz,” mahirap tuma- basan ang pagmamahal niya sa Zambales.” “Kung meron man akong kasalanan sa’yo, patawarin mo ako, at pinapatawad na rin kita sa mga kasalanan mo,” dagdag pa ni Magsaysay na nagpahalakhak sa madla. Dumalo rin sa nasabing pagpaparangal sina Olongapo City Mayor James Gordon, Jr. at ang may-bahay nito na si Anne, Zambales Vice- Governor Ramon Lacbain, Board Member Pan- gan at ang mga kamag-anak ni Diaz. Nagbigay rin ng mensahe si Zambales Gover- nor Hermogenes Ebdane kung saan binigyang- diin niya na “ang araw na ito ay hindi araw para maging malungkot kundi alalahanin ang mga nagawang tulong ni Cong. Diaz.” Ang labi ni Diaz ay isinama sa labi ng kanyang kabiyak alinsunod sa kanyang habilin “upang sila’y magsama muli ng kanyang pinakamamahal na asawa.” Hinahangang Mambabatas Nagpaabot rin ng pakikiramay ang matataas na opisyal ng bansa sa pagpanaw ng mambaba- tas. “His demise is a great loss to the people of Zambales, whom he faithfully represented and served during his extensive years of service at the House of Representatives,” ayon kay House Speaker Sonny Belmonte. Inilarawan naman ni Manila Bulletin Chair- man Dr. Emilio T. Yap si Diaz bilang “ loyal, dedi- cated public servant, and a good and faithful friend.” Isang necrological service ang isinagawa sa Batasang Pambansa session hall noong Ago. 4 bilang pagpupugay sa mambabatas. Lingkod Publiko Nagsimulang maglingkod si Diaz sa pamaha- laan bilang Deputy Customs Commissioner noong 1963. Nagsilbi rin siyan Tagapangulo sa legal de- partment ng Land Reform Commission mula 1964-1965 at nahalal na vice governor ng Zam- bales noong 1967. Naging kasapi siya ng 7th Congress mula 1969-1973 kung saan kinatawan niya ang dating nag-iisang distrito ng Zambales at naging assem- blyman ng Interim Batasang Pambansa mula 1984-1986. Noong 1992, naging kinatawan si Diaz ng ikalawang distrito ng Zambales hanggang 2001 matapos ang tatlong termino. Makalipas ng tatlong taon, muli siyang naha- lal na kongresista mula 2004 hanggang sa siya’y bawian ng buhay. NINA JAMES E. ROBISON AT DANILO V. ROGAYAN JR. BALITA • Ramonian, nakasungkit ng tanso • Iskolars nakilahok sa prayer rally • Espiritu: Tuloy ang laban! EDITORYAL • Adios Buenas Diaz! LATHALAIN • Ay Em A Pilipino • Ghost Leaders PANITIKAN • Puti at Itim DEVCOM • Green Tea: Nandito Na! MGA NILALAMAN

description

Campus Paper of RMTU San Marcelino Campus

Transcript of Tech No Scribe Newsletter (June-November 2011)

Page 1: Tech No Scribe Newsletter (June-November 2011)

HULING PAGPUPUGAY. Sama-sama ang mga mag-aaral, mga guro at kawani ng RMTU sa pagbibigay-pugay sa Ama ng Pamantasan na si Cong. Antonio M. Diaz ng Ikala-wang Distrito ng Zambales sa ginanap na Misa ng Pagpaparangal sa St. Williams Parish, Ago. 7

Binawian ng buhay sa edad na 83 ang tina-guriang “Ama ng RMTU” na si Cong. Antonio M. Diaz ng Ikalawang Distrito ng Zambales dahil sa multi-organ failure na kumplikasyon ng sakit na diabetes sa St. Luke’s Medical Cente.r, Quezon City noong Ago. 3. Ang Ramon Magsaysay Technological Univer-sity (RMTU) ay nagdalamhati sa pagkawala ng kongresista na siyang pangunahing may-akda ng Republic Act 8498 o ang batas na nagtatatad-hana ng pag-iisa ng Ramon Magsaysay Polytech-nic College (RMPC) sa Iba, Western Luzon Agri-cultural College (WLAC) sa San Marcelino at Can-delaria School of Fisheries (CSF) sa Candelaria upang maging isang pamantasan. Ang nasabing batas, na pinagtibay noong Peb.12, 1998, ang itinuturing na pinakamalaking ambag ni Diaz sa larangan ng edukasyon sa la-lawigan. Bilang pagpaparangal sa kanya, idinaos ang isang misa ng pagpupugay at pasasalamat sa St. William’s Parish sa bayan ng San Marcelino noong Ago. 7, na dinagsa ng mga estudyante, guro at kawani ng RMTU – San Marcelino at Castillejos Campus. Dumalo rin sa nasabing misa ang ilang mata-taas na opisyal ng pamahalaan na isa-isang nag-pahayag ng pagpupugay sa beteranong kongre-sista. Ayon kay dating gobernador Vic Magsaysay, na pinsan din ng nasirang representante, “masipag mag-aral si “Toniaz,” mahirap tuma-basan ang pagmamahal niya sa Zambales.” “Kung meron man akong kasalanan sa’yo, patawarin mo ako, at pinapatawad na rin kita sa mga kasalanan mo,” dagdag pa ni Magsaysay na nagpahalakhak sa madla.

Dumalo rin sa nasabing pagpaparangal sina Olongapo City Mayor James Gordon, Jr. at ang may-bahay nito na si Anne, Zambales Vice-Governor Ramon Lacbain, Board Member Pan-gan at ang mga kamag-anak ni Diaz. Nagbigay rin ng mensahe si Zambales Gover-nor Hermogenes Ebdane kung saan binigyang-diin niya na “ang araw na ito ay hindi araw para maging malungkot kundi alalahanin ang mga nagawang tulong ni Cong. Diaz.” Ang labi ni Diaz ay isinama sa labi ng kanyang kabiyak alinsunod sa kanyang habilin “upang sila’y magsama muli ng kanyang pinakamamahal na asawa.” Hinahangang Mambabatas Nagpaabot rin ng pakikiramay ang matataas na opisyal ng bansa sa pagpanaw ng mambaba-tas. “His demise is a great loss to the people of Zambales, whom he faithfully represented and served during his extensive years of service at the House of Representatives,” ayon kay House Speaker Sonny Belmonte. Inilarawan naman ni Manila Bulletin Chair-man Dr. Emilio T. Yap si Diaz bilang “ loyal, dedi-cated public servant, and a good and faithful friend.” Isang necrological service ang isinagawa sa Batasang Pambansa session hall noong Ago. 4 bilang pagpupugay sa mambabatas. Lingkod Publiko Nagsimulang maglingkod si Diaz sa pamaha-laan bilang Deputy Customs Commissioner

noong 1963. Nagsilbi rin siyan Tagapangulo sa legal de-partment ng Land Reform Commission mula 1964-1965 at nahalal na vice governor ng Zam-bales noong 1967. Naging kasapi siya ng 7th Congress mula 1969-1973 kung saan kinatawan niya ang dating nag-iisang distrito ng Zambales at naging assem-blyman ng Interim Batasang Pambansa mula 1984-1986. Noong 1992, naging kinatawan si Diaz ng ikalawang distrito ng Zambales hanggang 2001 matapos ang tatlong termino. Makalipas ng tatlong taon, muli siyang naha-lal na kongresista mula 2004 hanggang sa siya’y bawian ng buhay.

NINA JAMES E. ROBISON AT DANILO V. ROGAYAN JR.

BALITA • Ramonian, nakasungkit ng tanso • Iskolars nakilahok sa prayer rally • Espiritu: Tuloy ang laban! EDITORYAL • Adios Buenas Diaz! LATHALAIN • Ay Em A Pilipino • Ghost Leaders PANITIKAN • Puti at Itim DEVCOM • Green Tea: Nandito Na!

MGA NILALAMAN

Page 2: Tech No Scribe Newsletter (June-November 2011)

Upang hasain ang kakayahan ng mga pin-unong mag-aaral ng RMTU – San Marcelino Campus sa pamumuno at paghahanda ng mga dokumentong pansamahan, ginanap ang isang Leadership Training and Writing Workshop sa Research, Extension and Training (RET) Center, Ago. 20. Isinagawa ang nasabing pagsasanay sa pan-gunguna ng Supreme Student Government (SSG) na dinaluhan ng mga pangulo, kalihim at ingat-yaman ng bawat samahang pang-mag-aaral ng pamantasan. Naging tagapagsalita sa gawaing ito si Danilo V. Rogayan Jr., ang dating kalihim ng SSG at dat-ing patnugot ng TECHNOSCRIBE. Hinubog ni Rogayan ang mga delegado sa tunay na kahulugan ng pamumuno na nakabase sa prinsipyo ng servant leadership. Sinanay rin ng UNAP Outstanding Youth Leader ang 50 pinunong mag-aaral sa pagha-handa ng mahahalagang dokumentong pansamahan tulad ng pagsulat ng pormal na liham, paghahanda ng katitikan ng pagpupulong, paggawa ng mga resolusyon, pagbabalangkas ng action plan at paghahanda ng pahayag pampi-nansiyal. Matapos ng halos apat na oras na pagsa-sanay, iginawad kay Rogayan ang katibayan ng pasasalamat na pinangunahan ni Christian G.Awilan, pangulo ng SSG. Natapos ang programa sa paggagawad ng mga katibayan ng pakikiisa sa lahat ng mga nag-sidalo.

NI JAMES E. ROBISON

NI KIMBERLY NICOLE GARCIA Alinsunod sa Proklamasyon Bilang 1041, muling idinaos ang Buwan ng Wikang Filipino sa Ramon Magsaysay Technological University (RMTU) – San Marcelino na ginanap sa Campus Covered Court, Ago. 19. Sa pangunguna ng SIKAT Filipino, Supreme Student Government (SSG), at sa pakikipagtulun-gan ng TECHNOSCRIBE, naging tampok sa pagdiri-wang ang iba’t ibang patimpalak na nilahukan ng mga mag-aaral mula hayskul at kolehiyo. Inilunsad muli sa ikatlong pagkakataon ang Tekno sa Filipino na nanguna naman sa mga patimpalak sa pagsulat. Tampok rin sa kulminasyon ng pagdiriwang ang mensahe ng naging pangunahing pandangal. Nagsilbing tagapagsalita sa taunang pagdiri-wang na ito si Gng. Estrellita F.Torno, bagong guro sa Filipino ng kampus. “Ang wikang Filipino ay saplot ng kaalaman na dapat ay pagyamanin at gamitin upang matahak natin ang tuwid na landas,” hamon ni

Torno. Ang talumpati ng panauhin ay batay sa tema ng pagdiriwang, “Ang Wikang Filipino ay Wikang Panlahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas.” Matapos ng kanyang pananalita, iginawad kay Torno ang sertipiko ng pagkilala nina Dr. Emma C. Ventura, Chancellor, at ni Dr. Beverly I. Agustin, Campus Registrar at Director for Instruction. Tampok rin sa pagdiriwang ang pagtatanghal ng Sining Folkloric Group (SFG) na nagpamalas ng mga sayawing kultural, sa ilalim ng pagsasanay ni G. Jim Barry Ordillas, Cultural and Literary Affairs (CLA) Director. Itinananghal rin sa kulminasyon ang mga lakan at lakambini mula sa iba’t ibang departa-mento suot ang mga kasuotang Filipiniana kung saan iginawad ang G. Lakan kay Resty Susano Jr., at ang Bb. Lakambini kay Karen Dagtiquis. Ginawaran din ng sertipiko ng pakilala at cash award ang mga mag-aaral na nagwagi sa iba’t ibang patimpalak.

NI BRYAN JESTER S. BALMEO

Nahabol ni Reynaldo Orpia, BEED 4 student ang titulong fastest runner of RMTU ng mauna-han nito ang iba pang kalahok na sumali sa naganap na Fun Run noong Oct. 17, sa Brgy. Nagbunga, San Marcelino, Zambales. Napataob ni Orpia ang 109 pang kalahok na nagmula sa iba’t ibang kolehiyo sa pamantasan, na karamihan ay mag-aaral ng P.E. Ang tatlong kilometrong karera ay nagsimula sa Brgy. Nagbunga Plaza at natapos sa RMTU San Marcelino Covered Court. Bukod kay Orpia, kinilala rin ang galing nina Dustin Fabregas ng DAT I na pumangalawa na sinundan naman ni Michael Cortez ng DAT I na nalaglag sa ikatlong pwesto. Bukod sa kabutihan sa kalusugan na dulot ng pagtakbo, ang naganap na aktibidad ay isina-gawa upang makalikom ng pondo na gagamitin para sa pagbili ng mga bagong sport equipment at iba pang kagamitan sa cultural affairs. Dahil dito, ang bawat kalahok ay nagbayad ng halagang 5o pesos bilang registration fee. Labis-labis ang pasasalamat ni Ordillas sa lahat ng mga tumulong upang “maging mata-gumpay” ang nasabing gawain.

Nakapagtala ang RMTU San Marcelino Campus ng 13.1% na pagtaas ng populas-yon nito sa pagbubukas ng taong panuruang 2011 – 2012 na umabot sa kabuuang 683 na mag-aaral mula sa dating 604. Ayon kay Dr. Beverly Agustin, campus registrar, ang paglaki ng populasyon ng kam-pus ay bunsod ng patuloy na pagbibigay ng mga scholarship grants ng iba’t ibang ahensya. Nabanggit rin ni Agustin na “malaking tulong ang ginaga-wang career guidance” na isi-nasagawa sa mga paaralang pansekundarya ng lalawigan. Base sa opisyal na buod ng populasyon, ang College of Education, Arts and Sciences (CEAS) ang nanguna sa mga dalubhasaan ng kampus na nakapagtala ng 384 na mag-

aaral, 299 sa teacher education program at 85 sa computer science program. Nakapagtala ng 109 kum-para sa 91 noong nakaraang taon ang kursong Bachelor of Secondary Education (BSEd). Tumaas naman ng 7 ang nagpatala sa Bachelor of Ele-mentary Education (BEEd) mula 83 na mag-aaral noong na-karaang taon. Ang mga mag-aarala ng Associate in Computer Science (ACS) ay tumaas ng 89 mula sa dating 65. Pumangalawa naman ang College of Agriculture and Vet-erinary Medicine (CAVM) sa mga dalubhasaan ng kampus na may pinakamalaking popu-lasyon. Nananatili pa rin ang Di-

ploma of Agricultural Techno- logy (DAT) sa mga programa ng CAVM na may pinakamataas na bilang ng mag-aaral na umabot ng 84 mula sa bilang na 61. Tumaas naman sa ka-buuang 24 na mag-aaral mula sa dating 7 ang kumuha ng BSA samantalang nagtala ng tig-16 na mag-aaral ang mga kursong Bachelor of Science in Animal Husbandry (BSAH) at Bachelor of Agricultural Technology (BAT). Ang College of Hotel and Restaurant Management (CHRM) ay nakapagtala ng 60 na mag-aaral sa kurso nitong Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management (BSHRM). Samantala, ang RMTU SM LHS ay nakapag-ambag ng 195 mula sa dating 194 na bilang ng mag-aaral.

NINA IULUS RODOLFO P. FLORES II AT JOCELYN R. RACOMA

LAKAN AT LAKAMBINI. Ang mga kandidato ng Lakan at Lakambini 2011 sa ginanap na pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa RMTU San Marcelino Campus, Ago. 19. (James Tabiolo)

Page 3: Tech No Scribe Newsletter (June-November 2011)

Sa ikatlong pagkakataon, muli na namang nagbigay ng nominasyon ang RMTU para sa Ayala Young Leaders Congress (AYLC) kung saan ang pangulo ng Supreme Student Govern-ment (SSG) ng RMTU – San Marcelino Campus ay kabilang

sa mga opisyal na nominado. Si Christian G. Awilan, pangulo ng SSG, ay isa sa mga opisyal na kinatawan ng RMTU sa pristihi-yosong search para sa pinakamahuhusay na lider sa bansa. Ang AYLC ay programa ng Ayala Group of Companies na patuloy na kumikilala sa mga pin-unong mag-aaral sa bansa na nagpapamalas ng mga kahusayan sa pamumuno, may huwarang katangian at may malasakit sa pagbabago ng lipunan. Kasama ni Awilan sa nasabing nominasyon sina Rhaian M. Corpuz ng RMTU – Sta. Cruz; Joel Ebalan, Tamy Oraya, Phil Collins Nequinto at Jo-rald Mangohig ng RMTU – Masinloc; John dela Cruz ng RMTU – Candelaria at Norvin de Ocampo ng RMTU – Iba. Mula sa tigsasampung nominado ng 150 pamantasan at dalubhasaan sa buong Pilipnas, magkakaroon ng dalawang proseso ng pagpili hangga’t masala ang Top 150 na pinakamahu-husay na lider. Ang 150 na napiling ito ay aanyayahan ng AYLC Secretariat para sa isang panayam na maga-ganap sa darating na Nobyembre sa Tower One, Makati City. Mula sa mga kinapanayam, ay pipili ng Top 80 na siyang dadalo sa 14th AYLC na gaganapin sa darating na Pebrero ng susunod na taon sa Al-fonso, Cavite.

NI EDJOHN HAROLD F. TOMBOC

CARAMOAN, Camarines Sur – Muling pi-natunayan ng Ramon Magsaysay Technological University (RMTU) ang kakayahan nitong maki-pagtagisan sa mga primyadong pamantasan at dalubhasaan sa bansa, matapos makuha ng mag-aaral mula sa RMTU – San Marcelino Campus ang ikatlong puwesto sa National Envi-ronment Essay Writing Contest na ginanap rito, Abr. 30. Nasungkit ni Danilo V. Rogayan Jr., BSED IV, ang tansong medalya sa pagsulat ng sanaysay na nakatuon sa usaping pangkalikasan. Ang nasabing patimpalak-pagsulat ay isa sa mga gawain na inilunsad ng Students’ Actions Vital to the Environment and Mother Earth (SAVE ME) Movement kaugnay ng 6th National Kampo Kalikasan. Sa paksang, “The Challenge of Environ-mental Degradation: Towards a Common Cause in Preserving Life on Earth,” tinalakay ni Ro-

gayan sa kanyang sanaysay ang iba’t ibang uri ng pagkasira ng kalikasan at kung paano ito matutugunan tungo sa pagpapanatili ng buhay sa mundo sa tulong ng nagkakaisang adhikain ng mga tao. Ang Tagapangasiwang Patnugot ng TECHNO-

SCRIBE ay tumanggap ng katibayan ng pagkilala sa ginanap na Gawad Parangal noong Mayo 1. Nagsilbing tagasanay ni Rogayan si Engr. Jerry S. Cristobal. Matatandaan na si Rogayan ay nakapag-uwi rin ng karangalan sa pamantasan nito lamang Disyembre 2010 matapos magwagi ng ikatlong puwesto sa National Rizal Essay Writing Contest na inorganisa naman ng Order of the Knights of Rizal na ginanap sa Baguio City. “Ang karangalang ito ay hindi lamang para sa akin kundi para rin sa RMTU. At sana’y mag-ing inspirasyon ito ng mga kapwa ko mag-aaral ,” sabi ni Rogayan.

“Hindi ako tuluyang maw-awala. Sapagkat magsisilbi ninyo pa rin akong boses upang maiparinig natin ang ating mga saloobin nang walang takot at walang inuu-rungan.” Ito ang mariing sinabi ng dating pangulo ng Supreme Student Government (SSG) na si Bryan Jester S. Balmeo sa kanyang talumpati ng pamamaalam sa ginanap na Induction Ceremonies and Acquaintance Party ng RMTU – San Marcelino, Hul. 15. Nagsilbi ng dalawang taon bilang pangulo ng SSG si Bal-meo mula noong 2009-2010 hanggang 2010 – 2011 . “Alam ko, ipinagmamalaki ko, na ako’y mamamaalam sa gabing ito. Sapagkat pinatu-nayan ko ang asal ng isang

tunay na lider. Ang tanggapin ang salitang tama na, ang tanggapin ang katapusan ng paglilingkod. Hindi lahat ng lider kayang gawin yan,” dag-dag pa ni Balmeo. Biningyang-diin din niya ang mahalagang gampanin ng mga mag-aaral sa pag-unlad ng pamantasan at hinikayat silang huwag maging palaasa at matutong kumilos. “Let us roll our sleeves and support the new administra-tion. The new set of SSG offi-cers badly need the support coming from all of you. Hindi nila kayo bibiguin, pero wag nyo rin silang biguin,” hamon ni Balmeo. Pinasalamatan din nya ang lahat ng mga taong tumulong

sa kanya sa dalawang taon niyang “pakikibaka.” Nanumpa bilang bagong pangulo ng SSG si Christian G. Awilan, BSED III, na dating Pangalawang Ingat-Yaman ng samahan. Sa talumpati ng pagtang-gap ni Awilan, ipinangako niya na gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya upang mapaglingkuran ang lahat ng mga mag-aaral. Samantala, naging taga-pagsalita sa Induction Ceremo-nies si Jesus Vicente “Jobo” H. Masaysay na ikinatawan ni Rowena Quejada. Sa talumpati ni Quejada, binigyan diin niya ang kahala-gahan ng pakikinig ng isang lider upang maging matagum-pay ang isang samahan. Binanggit din ng tagapag-salita ang mga naging maha-halagang proyekto ni Congw. Mitos Magsaysay na nagbigay-inspirasyon sa mga taga-pakinig. Si Quejada ang tumayong tagpagpanumpa sa humigit-kumulang 150 pinunong mag-aaral ng pamantasan. Matapos ng maramihang panunumpa, sinundan ito ng Acquaintance Party na kina-tampukan ng Search for Mr. and Ms. Face of the Night. Nakuha nina Rowell Ico, BSHRM I, at Jenelyn Canlas, BSED III, ang nasabing titulo.

NI DANILO V. ROGAYAN JR.

NI DANILO V. ROGAYAN JR.

NI MANUEL Q. GARCIA JR.

“I would like to say three things to all of you… Thank you, congratulations and good luck! Thank you for choosing RMTU - San Marcelino Campus as your school. Congratulations for investing your future in this institution. And good luck to your stay here.” Ito ang pahayag ni Prof. Luz N. Corpuz, Direktor ng Office of the Student Affairs (OSA) sa kanyang pangwakas na pananalita sa ginanap na Welcome and Orientation Program para sa mga bagong mag-aaral at transferees ng Ramon Magsaysay Techno-logical University (RMTU) – San Marcelino Campus, Hun. 14. Ipinakilala ni Dr. Beverly I. Agustin ang iba’t ibang dekano at dekana ng mga dalubhasaan sa campus. Ang ikalawang bahagi ng programa ay ang pagpapaliwanag sa mga mag-aaral ng iba’t ibang serbisyo na ibinibigay ng pamantasan. Katuwang sa pag-oorganisa ng nasabing pro-grama si Prof. Ma. Milmor M. More, guidance counselor ng kampus. Natapos ang kalahating araw na programa sa pangwakas na pananalita ng direktor ng OSA.

AWILAN

KABATAANG PANGARAP NI RIZAL. Tumanggap ang BSED IV ng katiba-yan ng pasasalamat mula kay CEAS Dean Dr. Nestor Z. Rondina sa ginanap na Rizal Festival: Pepe at 150, Hun. 17.

Page 4: Tech No Scribe Newsletter (June-November 2011)

Sa gulang na 83, natapos ang ilang dekadang pagbibigay ng serbisyo publiko ng itinuturing na ama ng RMTU na si Cong. Antonio Diaz matapos nitong bawian ng buhay sa sakit na multi-organ failure noong Agosto 3 sa St. Lukes Medical Center, sa siyudad ng Quezon. Si Diaz ay tinawag na ama ng pamantasan matapos nitong isabatas ang Republic Act No. 8498 na nagtatatag sa RMTU bilang isang pamantasan. Bukod pa rito, patuloy na nagbi-gay ng tulong ang butihing kongresista sa mga mag-aaral ng RMTU at sa iba pang kabataang nag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng iskolarship na naging malaking tulong lalo na sa mga estudyan-teng hirap tumawid sa pag-aaral. Bilang Ramonian, kinikilala ng publikasyon ang natatanging kontri-busyon ni Diaz sa pamantasang patuloy na naglalabas ng mga produktibong mamamayan ng lalawigan ng Zambales, maging ng buong bansa. Ang buong buhay ng kongresista

ay inilaan niya sa pagtulong sa iba, hindi lamang sa ikalawang distrito ng lalawigan kung hindi sa lahat ng kabataang naabot ng kanyang pagtulong.

Sa natitira niyang sandali sa piling ng mga mahal

niya sa buhay, patuloy siyang nagbigay ng suporta sa kanyang mga na-sasakupan, katunayan ng kanyang pag-panaw habang kasalukuyang nakaupo bilang representante ng ikalawang dis-trito ng lalawigan. Sa ngalan ng kanyang mga anak sa RMTU, pinapahatid namin ang lubos naming pakikiramay sa pagpanaw ng isa sa tinitingalang tagapaglingkod sa bansa. Para sa lahat ng kanyang natu-lungan, lubos pusong pasasalamat na lamang ang kayang isukli sa kabutihan ng nag-iisang Cong. Antonio Diaz. At para sa lahat ng mag-aaral ng pamantasang itinuring siyang ama, paglu-luksa at pagbibigay-pugay ang natatang-ing hakbang na kaya nilang ialay. Adios Buenas Diaz! Salamat, ama!

PAMATNUGUTAN

Opisyal na Pahayagang Pang-Mag-aaral ng

Ramon Magsaysay Technological

University, San Marcelino Campus

TAONG PANURUAN 2011 - 2012

Bryan Jester S. Balmeo, Punong Patnugot

· Manuel Q. Garcia Jr., Pangalawang Pat-

nugot · Danilo V. Rogayan Jr., Tagapan-

gasiwang Patnugot / Patnugot sa Pag-

aanyo · James E. Robison, Patnugot sa

Balita at Isports · Luzzel P. Antonio, Pat-

nugot sa Lathalain at Panitikan · Jhouven

Lyndon M. Rabara, Debuhista · Alvin F.

Panes, Tagapamahala sa Sirkulasyon · Edjohn Harold F. Tomboc, Grace Ann E. Azurin, April Joy D. Valdez, Cindy F. de

Asis, Kolumnista · Divine Grace Valencia, Krizia de Guzman, Junalyn Gallardo,

Tagapagbigay-Ulat · Kimberly Nicole Gar-cia, Verna Morales, Jillian Ragadio, An-jannette Paje, Hazel Joy Espiritu, Iulus Rodolfo Flores, Jocelyn Racoma, Mi-chael Macabulos, Noralyn Jimenez, Jaz-mene Esguerra, Trisha Aliven, Ronniel John Manahan, Patricia Jane Amiller

Tagapangalap-Balita · John Michael Faba-bier, Victor Marvic Bondoc, Christian

Dimalaluan, Kartunista · James Tabiolo,

Ednalyn Arabe, Litratista.

Reyna Lyn Angulo - Sahagun Tagapayo

“Buhay ko na ang Tekno, pero minsan, kailangan mong isakrispisyo ang sarili mong bu-hay para mabuhay ang iba…” Alam mo ba yung feeling na sobra kang nagulat sa isang bagay na nalaman mo tapos parang natulala ka na lang bigla at nanginig ang tuhod mo na parang hindi ka nakakain ng dala-wang buwan? Yan, yang pakiramdam na yan ang nadama ko ng umalis si Ma’am Lorz, ang aming dating adviser, sa tekno. Nakakabaliw. Hindi kapani-paniwala. Nakakasira ng utak. Bakit ba maraming ayaw sa tekno? Hindi naman kami nakikipag-away. Kung puwede nga lang gumawa ng isang dyaryo na puno ng maga-gandang balita sa kampus ang laman ginawa na namin para masaya. Pero hindi BROCHURE ang TECHNOSCRIBE. Sumasalamin lang kami sa katotohanan. Kapag may nagcomment sa Tinig Tekno na nirereklamo ka sa isang bagay na ginawa mo naman talaga, kahit ka pa presidente o sekyu, wala kaming magagawa dahil opinyon yun ng estudyante, hindi namin. Kapag may nabalita sa dyaryo tungkol sa

extension ni University President, wala kaming kontrol dun, dahil sinasabi lang namin ang ka-totohanan, at bahala na ang babasa na magbigay ng opinyon tungkol sa nabasa niya. Kapag na-blind item ka dahil sa paggawa mo ng kabalbalan, wag kami ang sisihin mo, kundi ang sarili mo dahil ikaw ang gumawa ng kabulastugan. Aktibista kami agad? Hindi ba puwedeng “advocates of truth” muna? Mahal namin si Mamita, dahil siya ang reyna naming mga pusit. Pero kinailangan niyang umalis dahil may mga pwersang makulit na paulit-ulit na umaaligid sa trono niya. Spell consistent? Sila ang mga pwersang hiyang-hiya naman kami dahil super kapal ang mukha. Teka, mali ata ang pronoun ko. Parang singular lang ‘ata dapat yung subject ko. Ang isang publikasyong iniipit ay isang pamantasang walang laya. Iniipit nga ba ang Tekno? Wala nga bang laya ang RMTU? Pasensya na, pero liliwanagin ko lang. Hindi kami naiinggit sa maya’t mayang alis ng ibang opisyal patungo sa kung saan-saan na parang nagfi-field trip lang pero seminar pala gamit ang pera na sa amin mismo nanggaling. Ang tanong lang namin, karapat-dapat ba yan? Hindi kami kamag-anak ng mga contractual na delayed ang sahod. Ang tinatanong lang namin, hindi kaya makaaapekto sa amin kung ang mga guro ay demotivated dahil walang la-man ang sikmura? Sundan sa pahina 13

BRYAN JESTER S. BALMEO [email protected]

“Sa ngalan ng kanyang mga anak sa RMTU, pinapahatid namin ang lubos

naming pakikiramay sa pagpanaw ng isa sa tinitingalang tagapaglingkod sa

bansa - Cong. Antonio M. Diaz.”

Page 5: Tech No Scribe Newsletter (June-November 2011)

Wala akong makita. Wala akong marinig. Wala akong maramdaman. Naninikipan-gaki ng dibdib. Basang-basa ako. Wala akong maalala kundi ang pagluha ng aking mga mata. Hindi ko maipaliwanag ang nangyayari kundi ang biglang pag-ihip ng hangin. Animo’y bagyo sa sobrang lakas na halos tangayin ang lantay kong katawan. Walang sambit ang aking narining kundi “Halika” nasa akin naman’y nakatawag pansin. Sabi ng aking Tiya Clarissa, magiging Sikat na manunulat ako. Pamana sa lahi naming mamamahayag, sa diyaryo man o telebisyon. Pagkat sa halip daw ng umire ang nanay ko noon, ay balita ang binibigkas nito. Siyam na taong gulang ako at nasa ika-limang baiting sa elementarya. Matalino ako at top 1 sa iskul. Larawan ng isang masipag, mabait, at mapagmahal na anak. Tuwang-tuwa sa ’kin ang aking pamilya. At lagi nilang sinasabi na magiging magaling na manunulat daw ako baling araw.

Lumipas ang maraming taon. Nagtapos akong hayskul bilang balidiktoryan. Kinuha ko ang kursong Mass Communication ayon na rin sa gusto ng aking pamilya. Isa kasing Sikat na broadcaster ang aking ina. Manunulat na-man sa diyaryo ang aking ama. Angkor sa radio si kuya. Samantalang si ate grumadu-weyt ng summa cum laude sa Mass Communication din. Hindi nga nahuhuli sa balitaan ang aming pamilya. Sa katunayan punong-puno ng diyary ang aming sala. Bukas ang radio para mapakinggan si kuya, at sa T.V nama’y inaabangan si mama. Hindi ko na alam ang aking gagawin. Sobrang ingay sa amin. Biruin mo, tinatanong sa akin ang mga balitang kanilang sinasabi. Nagmimistulan na ring kwadra ang sala, ipagupit ba naman sa aking lahat ng mga artikulong nilimbag ng aking ama. Kasabay pa nito angpagbabasa sa mga librong ginamit ni ate. Lagi akong mag-isa sa bahay. Hindi na halos makakain sa sobrangpuyat at pagod dala ng aking walang katapusang pag-aaral ng lek-syon. Hindi ako komportable sa aking ginagawa. Gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala. Hanggang sa nagdilim ang aking isipan. Umalis ako ng bahay. Ilang Buwan akong hindi nagpakita sa aking pamilya. Di ako pumapasok. Palaboy sa lansangan at nalulongsa alak at masamang bisyo. Pero wala akong tawag na natatanggap galing sa aking mga magulang. Umuwi ako ng bahay. Walang pinagbago. Hindi

na ata ako naalala ng aking mgamagulang. Tu-makbo ako. Tumakbo nang tumakbo. Isa lang ang naisip kong gawin. Isa lang ang naisip kong

puntahan. Takbo rito takbo roon. Dalaang luhang aking paghihinag-pis. Tumilapon ako. Basag

ang ulo at wala na ang kanang

braso. Halos di ako makilala. Nai-

balita ako sa T.V. naipahayag sa

radyo at nasulat sa diyaryo. Na-

matay ako. Ngunit kahit masakitsa kin ang nan-

gyari, Masaya ako at tinanggap ng maluwag sa

dibdib. Dahil sa pinakasandali ng aking buhay,

nakatulong ako sa aking pamilya. Di man taga-

pamalita, pero ako ang laman ng balita.

[email protected] DANILO V. ROGAYAN JR.

[email protected]

MANUEL Q. GARCIA JR.

[email protected] JHOUVEN LYNDON M. RABARA

Karamihan sa mga estudyante ay bomoto sa inyo dahil sa pinagkakatiwalaan nila kayo subalit nangangala-hati na ang taon kahit isang hibla ng inyong mga anino ay hindi makita ng mga estudyante. Umasa kami sa mga mabulaklak na pangako na nagtulak sa amin upang kayo’y iboto.

Minsan na akong nagtanong sa grupo ng mag-aaral sa ating unibersidad kung kamusta ang SSG, ang kanilang sagot… “Malay ko!” Sa aking paglilibot, meron naman akong nakitang dayuhan na galing sa Defend Zambales organization na itatago natin sa pangalang Agent L na nagtanong sa akin kung kumikilos ba ang SSG… Sumagot ang ilang estud-yante sa kanya,, “may SSG ba dito?” Aking mga kaibigan, isang semestre na lang ang nalalabi at umaasa kaming maipakikita ninyo na kapaki-pakinabang ang bawat tinta na nagamit namin noong eleksyon. Hangad kong ang kolum na ito ay magmulat sa inyo ng nara-rapat niyong gawin!

Nakatutuwang isipin na hawak-hawak ninyo ngayon ang pahayagang ito na sa hinagap ay hindi namin inakalang maililimbag. Ang buhay naming mga student journalist ay kakaiba sa buhay ng nakararaming mag-aaral. Nasabi ko ito sapagkat kami ang inatasang mag-ing mga opisyal na tagapaghatid ng mahaha-lagang balita at impormasyon hindi lamang tungkol sa pamantasan bagkus maging sa karatig na pamayanan. Ang hamon ay hindi lamang nakasandig sa mga balitang ikakalap kundi sa mas malaki pang usapin - ang usapin ng pondo. Ang RMTU San Marcelino Campus ang isang napakaliit na kampus kumpara sa iba kung kaya’t ang ponsong nailalaan para sa publikas-yon ay hindi rin ganoon kalaki. Tuwing sasapit ang pagpapalimbag ng diyaryo, una naming iniisip may pambayad kaya tayo para sa printing press? Hindi sa pagmamalaki, ngunit ang mga manunulat ng na bumubuo ng publikasyong ito ay mga manunulat na nagwawagi sa regional, national at international na mga patimpalak sa pagsulat. Sa kabila ng kahusayang ito ay ang aming maalab na hangaring makapaglingkod sa aming mga mambabasa mula pamantasan hang-gang sa mga pamayanan. Nakalulungkot lamang sapagkat ang suporta para sa amin ay hindi ganoon kalaki. Sumusulat kami nang walang hinihintay na kapalit kahit simpleng meryenda o pangkain tuwing may mga presswork. Gayunpaman... Ito ang aming buhay.... Ang ang maghatid ng aming paglilingkod na walang hinihintay na kapalit kundi ang inyong pasa-salamat!

“Dahil sa pinakasandali ng

aking buhay, nakatulong

ako sa aking pamilya. Di

man tagapamalita, pero

ako ang laman ng balita.”

Page 6: Tech No Scribe Newsletter (June-November 2011)

Magandang araw! Narito na ang bagong tagapaghatid ng men-sahe sa kolum na ito. Maghahatid sa inyo ng mahihiwagang puri at komento ng mga solid RAMO-NIANS!! We’ll try to accommodate all your messages, mind you, lim-ited lang space natin so make the most of it. Kuha niyo? To Educ!! Wow! Ang galing naman po ninyo, Hindi lang kayo mga fu-ture teachers, may future na din kayo sa pagtatanim , hahaha!!! Ecologist nga ba o agriculturist? (WONDERER) To SSG: Nasolve na po ng past ad-ministration yung about sa ilaw sa humanities, pwede po yung CR na-man po, kulang po kasi sa tubig eh.. (HANEP) Para sayo!! Grabe!!! NakakaWOW naman po ang presyo ng CEdAS T-Shirt niyo… OVER PRICE!! (EDUCATORS) To Admin: Sayang naman po yung building sa quadrangle… Sana po irepair as soon as possible ng ma-pakinabangan pa po…. (LINTA) To Smokers: Maawa naman po kayo sa amin hihikain po kami dahil sa inyo at makakasama pa sa kalusu-gan ninyo… (DANGER_11) To Boy Sipag: Salamat po sa walang sawa niyong paglilinis sa mga facili-ties natin… paano na po kaya kung wala na kayo?... Salamat po ng marami… (IDOL) To SFG: HANEP!! NakakaWOW sa galing ang mga mananayaw ng RMTU SMC lalong-lalo na sa kanilang D.I na si Sir. JIM.. We are proud of you Sir. (R.M_25) To BSED-III: Stay strong!!!! Keep up the good work….isang taon na lang…AJA!!!! (MUWAHH) To BSED-IV Success ang Past rizal festival film viewing po sa RET… Kayo na po ang

best actors and actresses… Can I grab a copy?...hehe (ADIK) To Dormitorians: Guys, be aware naman po kayo sa lahat ng ginagawa ninyo.. Sana magkaroon naman kayo kahit konting HIYA!!!! (NAPATINGIN LANG) To whom it may concern: Huwag ninyong gawing freedom wall ang mga benches lalo na kung my pina-patamaan kayo… Alam niyo kung sino kayo …. yearly ding pinipintura-han tapos yearly ding sinusula-tan..?? ( INIZ) To SSG President: Knock-knock!! Hoooooooooy ! Gising ! Imulat mo po ang iyong mga mata ,kumilos ka naman. Huwag pa petiks petiks.. Do your responsibility!! (IRITADO) To RMTU Choir: Naks! Ang gagaling nyo po. Salamat at naibalik na rin ang choir sa school na ito .. Good-luck ! (SMILEY) To all students of RMTU SMC: Study well po tayo.Wag laruin ang pag aaral..Hirap maging TAMBAY… (-^-^-) To ADMIN: Ang galing po ! First time in history na tumagal ang INTRAMS ng 2 weeks ..sumabay pa ang bagyo.. (OBSERVER) To ADMIn: Kala ko po lumuwag ang OVAL, ang linis po kasi eh…From forest to clean environment . (LAKAD) To whom it may concern: Napansin ko lang po parang dumami po ata ang class disruption ngayon.. paano na lang po kaya second sem na. (ESTUDYANTE) To all the tricycle drivers: Huwag naman po sanang sumama ang loob niyo sa tuwing naglalakad ang mga estudyante pauwi. Nagiging wais lang po kami !! heheh! (CHORVALOO) Big Library: Sana naman po pakibili-san ang systema ng kalakaran sa library.. Matatapos na po ang 1st sem wala pa rin po kaming library card. (FAIRYPIXIE) AYAN ahh!! Ayaw talaga paawat ng mga etech!. Sa mga hindi naisama dito, pasensya na po…Next issue na lang…SEE YAH! Hangang sa muli…tsk!

Ang isang pampasaherong jeep-ney pag may pumara tumitigil. Bawat pagtigil may bumababa at sumasakay. At bawat pagsakay may hangganan kung hanggang saan niya gustong maglakbay. Sa tatlong taon kong naging bahagi ng pub-likasyon nakamulatan ko na ang nag iisang mamita nito. Kaya nang dumating ang balita na iiwan na niya ito samo’t saring katanungan ang pumasok sa aking isipan. Kaya naman inihahandog ko ang column na ito sa kanya. Nangalap ako ng sagot para sa tanong na “SINO SI LORINA P. BUNDANG SAINYO? Narito ang ilan sa mga sagot ng senior writers.

*** Si Mamita ay isang inang ga-gawin ang lahat para sa kaniyang anak. Ang hindi magregister para sa atspar para ipanggastos ng mga observers, ang magpasaya gamit ang simpleng kape, pagkain, o tin-urbo na chicken, ang magbigay inspirasyon sa lahat, magpatibay ng pakpak at masayang tignan sila sa langit habang siya’y naiwan sa lupa. Isang inang punong puno ng pagsa-sakripisyo. Isang inang hindi ma-lilimutan. Siya lang yun. Siya lang! d’ best sya eh. -Bryan Jester S. Bal-meo Siya ang nag iisang Mamita ng Tekno Pusits at walang makakapan-tay sakanya. Para sa nag iisa naming Mamita salamat po sa halos 4 na taong pagsasama natin sa Techno-scribe. Hindi ko makakalimutan yung joke times at lahat ng drama moments natin. Wish ko lang ay patuloy kang magdala ng voice combo sandwich, saging, cookies at stertilize milk (namimiss ko na). pupunta po ako sa bahay nyo para sa paborito kong Cowhead. Pero Mamita, sana po itapon nyo na po yung expired na prunes. -Luzzel P. Antonio Ikaw na ang very Charming Mamita. salamat sa lahat ng inspi-rasyon, salamat sa pagtyityaga at salamat sa unlimited na bonding at food!(hehe) ikaw ng ng iisa at walang kapantay na mamita sa lahat… Christ above all.. love you Ma’am.. -April Joy D. Valdez Si Mamita ang nag iisang TLC.. salamat sa mga oras na sina-samahan niyo ako sa pagpicture

tuwing may program sa iskul. Lalo na po tuwing may accreditation. Masarap sa pakiramdam na tuwing may dokumentasyon, isinaalang- alang niyo po kami palagi lagging may meryenda, hehe. Sinisigura-dong nakauwi na, grabe po kayo magcare! Mahal po naming kayo! Nag iisa ka talaga! -Arianne P. Eugenio I LOVE YOU MA’AM. -Edjohn Harold Tomboc Siya ang nag iisang fashioni-stang Mamita ng Tekno! Salamat po dahil binigyan mo ako ng pag-kakataon na maibahagi ang aking talent sa pagsulat. Mamimiss aming ang kuwentuhan, tawanan, asaran, pati po yung pagkain na binigay niyo samin lalo na pag screening. Salamat pos a suporta. Ikaw na talaga! -Princes Dela Rosa Si Ma’am Lors ay walang katu-lad. - Danilo V. Rogayan Jr. At ayan ang mga saloobin nang ilan sa mga pusit na naging malapit sa nag iisang mamita. Maaring nag-wakas na ang kaniyang tungkulin ngunit ang bawat aral ay mananatili sa amin. Nang pumara kami upang sumakay sa Tekno, ginabayan niyo kami. At hanggang ngayon nanatili pa rin kami sa pagbagtas sa nais naming marating. Pumara ka man upang bumaba, alam naming ta-tanawin mu pa rin kami para lalong ibahagi ang tinta na ikaw ang nag-patingkad upang magamit paparoon. Sa Bawat ngiti na nagpapalakas ng aming loob para magmulat ng iba pang pusit, SALAMAT! Sa bawat gabay na nagbibigay inspirasyon upang ipagpatuloy ang pagbibigay ng inpormasyon sa mga kapwa naming mag aaral, SALAMAT! At higit sa lahat SALAMAT sa PAGTITI-WALA nung kami’y nag uumpisa pa lamang. Ikaw ang nagpatatag sa kakarampot na tinta ng isang pusit na pag pinagsama sama makakabuo ng isang kasangkapan na magha-hatid sa Kalawakan. Sana pumara ka ulit! Mamita Ikaw na talaga!

ALVIN F. PANES [email protected] [email protected]

GRACE ANN E. AZURIN

Page 7: Tech No Scribe Newsletter (June-November 2011)

Kinilala ang mga bagong luklok na opisyal ng Federated Parents Teachers and Commu-nity Association (FPTCA) ng RMTU – San Marcelino Campus sa ginanap na Oath Taking Rites sa RMTU Covered Court, Ago. 19. Sa pangunguna ni FPTCA President Leo-poldo Fabro, ang mga opisyal ay nanumpa sa katungkulan sa pamamagitan ni Prof. Seth O. Binoya na siyang nagsilbing inducting officer. Kasamang nanumpa sina Elyn Francia, Pang. Pangulo; Aurora Florita, Kalihim; Leah Jean Arriola, Pang. Kalihim; Nila Pilien, Ingat-Yaman; Nora Gayos, Pang. Ingat-Yaman; Gilbert Dacayo at Cecilia Asis, Awditor; Florence Raguine, Jovita Ambrosio, Rogelio Cantil, at Ernesto Esteban,Tagapamahala; Merlita Dela Cruz, Emily Abdon, Myrna Reg, at Eugenio Grospe, Jr., Tagapamayapa. Matapos ng panunumpa, nagbigay ng men-sahe ang pangulo ng FPTCA kung saan binanggit niya na primera ang kalidad ng edukasyon ng institusyon kung saan nagsilbi rin siyang guro. “Nagagalak ako sa mga kaganapan na halos bumuhos ang luha sa aking mata ngunit nakalu-lungkot rin lamang dahil kahabag-habag ang ating unibersidad pagdating sa pondo, RMTU needs help, kahit maliit na bagay iyan ay ta-tanawin nating malaking tulong,” ayon naman kay Binoya.

NI BRYAN JESTER S. BALMEO NI BRYAN JESTER S. BALMEO

Alinsunod sa kapangyarihan ng pangulo ng pamantasan na si Dr. Feliciano S. Rosete, umupo bilang kauna-unahang University Director for Quality Assurance si Dr. Jo A. Espiritu, dating Educational Research Coordinator ng San Marcelino Campus. Si Espiritu ay naglilingkod na sa pamantasan taon pang 1980, mula sa pagiging Secondary School Teacher ng noo’y Western Luzon Agricul-tural College (WLAC) hanggang sa mapunta ito sa pagiging guro sa kolehiyo para sa asignaturang Agricultural Economics. Pagkatapos ng 15 taon, naupo naman ito bilang Research Director na tumagal ng limang taon (1994-1999). “Hindi naging madali o mabilis ang pag-usad sa bawat baitang,” pahayag ni Espiritu. Pinatigil sa paglilingkod bilang Research Di-rector si Espiritu ng kaguluhan sa paglalagak ng bagong pangulo ng noo’y katatatag na bagong pamantasan. Iniluklok siya ng noo’y bagong upo na Univer-sity President Rosete bilang Vice President for Research, Extension and Training. Matapos ng isang taon, kinailangan niyang pagtuunan ng buong atensyon ang kanyang pag-aaral, kaya’t napagdesisyunan niyang iwan su-mandali ang nasabing posisyon. “The position was such a struggle that I felt I was not ready for the position then,” amin niya. Habang nag-aaral ay naging Campus Coordi-nator for Educational Research si Espiritu sa San Marcelino Campus kung saan din siya bumalik

magturo. Nitong Mayo ay nadala siya sa bagong posisyong University Director for Accreditation, na pinalitan din noong sumunod na BOR meeting at ginawang University Director for Quality Assur-ance (QA). “Sinisigurado ng QA na ang misyon ng isang institusyon ay natutupad at humahantong sa produktong may nakakaangat na kalidad. It clari-fies questions such as: Where do we want to go; what are we doing to get there; How are we do-ing it,”paliwanag ni Espiritu ng tanungin kung ano ang trabaho ng isang Quality Assurance Director, “It tries to ensure that graduates are adequately prepared for the world of work.” Bago pa ang nasabing designasyon ay kilala ng kritiko ng administrasyon si Espiritu. Katu-nayan ang liham na ipinasa niya sa Board of Re-gents sampu ng iba pang faculty, students, at alumni na humihiling pagliliwanag ng search para sa bagong pangulo ng RMTU. Matatandaang ito ay isinulat dahil, maliban sa retired na si Dr. Rosete, natapos na niya ang two terms na itinakda ng RA 8292 para sa paninilbi-han ng isang university president. Nang tinanong ng TECHNOSCRIBE kung sa tingin niya ay may kinalaman ba ang nasabing liham sa kanyang designasyon, sinabi niyang maaaring isa nga ito sa naging pangunahing dahilan.

Sundan sa pahina 15

NI BRYAN JESTER S. BALMEO

Pinangunahan ng Office of the Student Affairs (OSA) ng RMTU – San Marcelino Cam-pus ang pagsasagawa ng kauna-unahang campus plan-ning workshop para sa taong panuruang 2011 – 2012 na ginanap sa Research, Exten-sion, Training (RET) Center, Hul. 2. “Ang araw na ito ay inilaan para pag-usapan ang mga ba-gay na dapat nating gawin sa kabuuan ng taon,” pahayag ni Prof. Luz Corpuz, Direktor ng OSA. Dinaluhan ang nasabing planning workshop ng mga opisyal ng pamantasan kabi-lang sina Dr. Emma C. Ventura, Chancellor; Prof. Ma. Milmor More, Guidance Counselor; Gng. Reyna Lyn Sahagun, taga-payo ng TECHNOSCRIBE; Gng. Lea Dollete, tagapayo ng Supreme Student Government; Prof. Marietta Romera, Chief ng Student Body Organization; Bb.

Katherine Lara, campus nurse; at Bb. Nerissa Antonio, dorm parent. Nakiisa din sa nasabing workshop si Bryan Jester S. Balmeo at Grace Ann Azurin, kinatawan ng mga mag-aaral. Tinalakay ng mga dumalo ang mga nagawa ng bawat organisasyon ng nakaraang taon gayun din ang mga plano para sa taong kasalukuyan. Ang program of activities ng kanya-kanyang organisasyon ay isa-isang ipinakita ng bawat kinatawan. Layunin nitong maiwasan ang pag-uulit-ulit ng mga ga-wain na siyang naging posibleng dahilan ng labis-labis na extra-curricular activities ng nakaraang taon. Isa pa sa mga tinalakay sa workshop ay ang pagpapalawig pa lalo ng suporta ng adminis-trasyon sa mga mag-aaral na kumakatawan sa pamantasan sa iba’t ibang patimpalak.

“Kailangang magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang organisasyon para mag-karoon tayo ng mga pangalan ng mga mag-aaral na nananalo sa mga patimpalak na inilulun-sad nila,” mungkahi ni More, “makatutulong ito ng malaki para kung sakaling kailanganin ang mga estudyanteng kakata-wan sa kampus ay mayroon na tayong makukuha, upang makaiwas sa basta-bastang pagkuha sa mga mag-aaral para lamang may mailaban.” Tinalakay rin sa nasabing workshop ang kalagayan ng iba’t ibang pasilidad ng paman-tasan, kabilang na rin ang seguridad at kalinisan ng dala-wang dormitoryo ng kampus na kung saan may ilang kaso na ang naitala hinggil sa mga kag-uluhang nagaganap dito. Ang lahat ng mga awtput ay inaasahang makatutulong sa “mas maayos na pamamalakad ng kampus” sa taong ito.

OLONGAPO CITY – Nagsama-sama ang mga daan-daang iskolar ng unang distrito ng Zam-bales sa ginanap na prayer rally sa Columban Church dito, Set. 10. Layunin ng nasabing prayer rally na “ipagdasal na i-release ni Pang. Noynoy Aquino ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) ni Congw. Mitos Magsaysay nang sa ganun ay masuportahan at maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga iskolar.” Dumalo rin sa nasabing pagtitipon ang ilang pulitiko, kasapi ng simbahan at mga magulang na nakikiisa sa adhikain ng kongresista. Ganap na alas-tres ng hapon nang simulan ang misa kung saan ang mga piling iskolar ay nagbigay ng kanilang mga testimonya. Ayon sa sermon ni Fr. Cris Cacho, “sana’y mapatawad ng Diyos ang ating pangulo at sana’y magsisi siya at maawa sa mga kabataang tinanggalan niya ng pangarap.” Binulalas din ng mga iskolar sa nasabing rally ang mga katagang “hindi susi sa kahirapan ang magpamudmod ng condom at ng pills… ang susi sa kahirapan ay edukasyon.” Ang dalawang oras na prayer rally ay pinan-gunahan ni Bb. Rowena Quejada, Chief-of-Staff ng kongresista. “Wag nating hayaang mawala ang pondo na dapat ay nakalaan naman talaga sa mga mamamayan ng unang distrito. Wag niyang hayaang ipagkait sa inyo ang edukasyon na da-pat niyong tamasahin,” wika ni Quejada sa pag-tatapos ng rally.

NI MICHAEL S. MACABULOS

ESPIRITU

Page 8: Tech No Scribe Newsletter (June-November 2011)

Ang Pilipino, este Filipino pala, ay hindi rin naiiba sa karami-han ng lahing naglipana sa buong mundo. Sa pagdaan ng panahon, sa halip na tayo ang magbago sa san-damakmak nating paniniwala ay tayo pa ang nababago ng mga herodes na gawi na ipinackage sa atin ng ibang bansa. Kamusta na-man daw ang pagkatao ng isang Filipino? (take note the F) Kilala pa ba natin ang ating mga sarili? O biktima na tayo ng sarili nating kaugalian- ang panggagaya puto maya sa ibang bansa? Sa paglipas ng panahon, anu-ano nga ba ang mga nabago at hindi nabago sa atin? Anu-ano ang iniambag ng midya sa mga pagbabagong ito? Magkaroon tayo ng saglit na boso sa kabinet ng pinoy at silipin natin ang kalansay sa loob nito sa pamamagitan ng tatlong magkakai-bang isyung yumanig sa sambaya-nang Filipino. 1. Gumiho vs. Maureen Seo: Ang Drama ng Imported Telenovelas

Kamusta naman daw ang mga dramang napapanood mo sa gabi? Isa ka ba sa mga naging adik sa sandamakmak na buntot ni Gu-miho? O isa ka sa mga nakiiiyak sa dalamhati ni Congresswoman Mau-reen Seo? Saan man sa dalawa, adik ka na malamang sa mga im-ported drama na pinatungan ng wika natin para masaya. Ngayon, hindi pa nakontento dun ang mga TV Network, may remaking na rin ng kung anu-anong drama na nagmula sa ibang bansa. Andyan na si Maria del Barrio, si Marimar at Rosalinda. Ginawa na ring favourite concert place ang bansa natin ng kung anu-anong foreign groups o

artists. Tuwang-tuwa tayong pag iniinter-view ng media ang mga linsyak na dayu-hang hindi natin maintindihan dahil sa baluktot nilang Eng-lish na sa-s a m a h a n pa ng

dialog na, “Mahal ko kayow…”gamit ang baluktot na dila. Aliw na aliw tayo sa mga singkit, mapuputi, at mala-goliath na tang-kad na mga dayuhang namamasukang artista sa ating bansa. Tu-wang-tuwa tayong nagmamasid habang unti-unting nilalamon ng ugaling hindi atin ang ating sistema. Gusto niyo akong ta-nungin kung hindi na-man ako masyadong galit sa lagay kong ito? Hindi naman, nagpapaliwanag lang. 2. Azkals vs. Dragonboat Team

“PH Azkals: 0 Golds, 0 tro-

phies, 5 TV ads, 20% Pi-noy

PH Dragonboat team (2011) : 5 Golds, 0 commercials, 90% Pinoy

PH Azkals: with sponsors PH Dragon boat team: inutang

at KKB pamasahe. PH Azkals: complete outfit… PH dragon boat team,;

nanghiram pa ng sagwan sa kalaban.

Sasagwan ka ba sa KARANGALAN o sisipa sa PAPOGIAN?”

Ewan ko na lang sa cellphone o facebook account mo kung hindi napadaanan ng mata mo ang men-sahe sa itaas. Dragon boat team laban sa Azkals? Sa totoo lang, hindi sila ang magkaaway, kung hindi ang kani-kaniyang mga ta-gahanga ng bawat isa. Hindi maalis

sa mga purista kung bakit napuno ng sandamakmak na half breeds ang Team Azkals at kung bakit lagi na lang s i l a

ang inihaharap sa mga interview ng midya at nawala na sa tanglaw ng madla ang mga purong Pilipino. (Dahil ba hindi sila masyadong gu-wapo?) ODK! (O Diyos Ko!) Isa ba itong malinaw (na naman) na kaso ng labis-labis nating pagmamahal sa itsura at gawi ng ibang bansa? Sabi ng iba, hindi naman tayo dapat magtalo pa dahil parehas naman silang nagdadala ng karangalan sa Pilipinas. Ang mahalaga ay may ritmo pa rin ang Dragonboat Team at nakakapag guest pa rin si Phil Younghusband sa TV habang sina-sagot ang isyu sa kanila ni Angel Locsin. Ayiii! Pero teka, nasaan ang football? 3. Pagkatao vs. Pagkatuto: Ang Inarte ni James Soriano

Sabi ni Pareng James sa kan-yang Language, Learning, Identity, Privilege, he makes gamit lang daw Filipino to make utos to his tsimaaa and driver. He uses daw English in basa, sulat, and salita. Sosyal! Siya na talaga ang inglesero. Siya na ang

may slang! Nakakasira ng utak. Ang wikang Filipino daw ay wikang pangkalsada. Sabi pa niya, “it will

never be the lan-guage of the learned”. Nagre-act ang buong Pilipinas sa arti-kulo ni Soriano,

karamihan ay k i n o k o n -dena ang k a n y a n g mga sinabi. Isa daw itong pam-babastos at p a n g h a -hamak sa wikang Fili-pino. Ti-nawag pa nilang ipok-rito si James dahil hindi raw ito ma-

r u n o n g tanggapin

ang pagiging Filipino kaya daig pa raw niya ang malansang isda. Ows talaga? Hindi kaya nagagalit sila dahil tinamaan sila sa artikulo ni James? Bakit ba ganun ang kinahi-natnan ng wikang Filipino? Hindi ba’t dahil sa pagpipilit nating makisabay (na naman) sa takbo ng buhay sa buong mundo? Hindi ba dahil hindi natin binigyan ng pag-kakataon ang ating wika dahil wala raw itong puwang sa globalized economy? Sino ba talaga ang may kasalanan? Si James na nagsiwalat ng totoo o ang mga Filipinong mas piniling balewalain ang sariling wika para makasabay sa agos ng pana-hon? Iba-ibang sitwasyon subalit nagpapakita ng iisang mensahe. Ang Pinoy ay masyado ng nalu-lunod sa mga bagong nangyayari sa kanyang paligid na nakakalimutan na niya ang kanyang sarili. Hindi rin maikakaila ang malaking ambag ng midya sa mga pagbabagong ito. Isang bansang buo ang pagkatao. Hindi ba ito posible? Hindi ba ito maaaring mangyari?

NI BRYAN JESTER S. BALMEO

“Ang Pinoy ay masyado ng nalulunod sa mga bagong

nangyayari sa kanyang paligid na nakakalimutan na niya ang

kanyang sarili. “

Page 9: Tech No Scribe Newsletter (June-November 2011)

It’s SHOWTIME!

Moderno na ang mundo. Hindi lang natin ito napapanood sa TV, napapakinggan sa radyo at nakikita sa paligid. Nasa puso na natin ang pagbabago – magandang pagbabago na kahit papaano ay nagpapaunlad sa akin at sa iyo. At unti-unti ay pinapasunod tayo nito. Tulad na lang ngayon. Jose Maria Borja – Viceral. Hindi mo kilala? Eh kung sabihin kong Vice Ganda? Mala-mang hindi ko pa nasasabi nang buo ang kan-yang pangalan eh sasabihin mo nang, oo. Kilala mo siya. At sino ba naman ang hindi nakakakilala sa kanya ngayon? Sa kanya na siyang naging dahilan kaya halos wala nang makausap na matino sa ating kabataan. Sa kanya na nagpauso ng mga pambabara sa kalye. Sige na, siya na ang kilala nang buong bayan. Siya na ang sikat. At siyempre kapag sikat na personalidad, iniidolo. Ginagaya. Tinitingala. At ‘di magtatagal ay magiging mukha at salamin ng taong-bayan. At ganun na nga ang nangyayari. Hindi na lang natin namalayan ang pagsikat ni Vice. Isang araw nagising na lang tayo na siya na ang bukambibig ng mga tao – bata, matanda, basta kahit sino. Lahat na kilala siya, at lahat gustong gayahin ang mga gingawa niya – kung paano siya

magjoke, kung paano siya mamrangka, kung ano ang personalidad niya. To the fact na siya ang kauna-unahang Filipino celebrity na umabot sa isang milyon ang fans in ding social networking site na Facebook. Sa mga oras na ito ay umaabot na sa apat na milyon ang fans niya. Bongga diba? Siya na talaga. Pero bakit nga ba siya tanggap sa isang lipunang Kato-liko na hindi pinapaboran ang mga nasa third sex? Paano siya naging sikat sa atin? O mas magandang tanungin, ano ang dahilan bakit napabilang ang isang katulad ni Vice Ganda sa mga taong hinahangaan ng mga nakararaming Pilipino? Hindi lingid sa ating kaalaman na marami sa mga nasa ikatlong dimension ang hindi kayang lumabas. Marami ang takot at hindi kayang lumantad nang ganun-ganun na lang dahil na rin sa uri ng lipunan na meron tayong mga Pilipino. Takot sila sa mapanghusgang mga tao na nagkalat sa tabi-tabi. Sa mga bagay na pwedeng ibato sa kanila. At sa lahat-lahat pa na maaaring makasakit sa kanilang mga damdamin. Pero iba na ngayon. At sino ang kanilang hero? The one and only Vice Ganda! Itinayo niya ang naghihingalong bandera ng mga taong katulad niya. Dahil alam ng mga taong ito na naggaling

din siya sa posisyon nila kung saan takot din siyang ilabas ang kanyang totoo at hindi balat-kayong katauhan. Ngunit ngayon ay nasaan si Vice? Nasa bantayog ng kasikatan. Na hanggang

ngayon ay hindi pa rin nag-mamaliw. Dahil sa pag-mamahal sa kanya ng kanyang mga madlang people. Siya ang moder-nong salamin ng moder-nong lipunan. Kabilang siya sa ikatlong dimensi-yon. Nanggaling sa isang p a m i l y a n g h i n d i masyadong nakaririwasa sa buhay ngunit nagsikap upang umunlad. Mapag-mahal sa ina at mga ka-patid katulad din ng isang tipikal na Pilipino. Mapag-biro. Palatawa. Paborito at ginagaya natin siya dahil

nakikita natin sa kanya ang ating mga sarili. Binabago niya tayo sa paraang maipapaha-yag natin ang tunay nating mga sarili. At sa kasa-lukuyang mundo ng press, siya-si Vice Ganda ang mayroong pinakamalaking impluwensiya sa atin. Aminin man natin ito o hindi. “Bago pa maniwala ang ibang tao sa inyo, maniwala muna kayo sa sarili niyo.”- Jose Maria Borja-Viceral, The National Horse of the Philippines

Paalala: Ang bahaging ito ay ‘di pwede sa mg pikon o sensitibo. Bawal ang maasar at walang personalan. Kaya pasintabi lang sa mga mata-tamaan. Pansin ko lang, bakit kaya may mga estudyante ng RMTU-SM na … 1. Ang taas ng energy level sa pag-iingay, tilian, harutan, kantyawan, kwentuhan, sigawan? Pero wag ka! Pag nasa classroom discus-sion, daig pa ang na-comatose o na-paraplegia. Akalain mong halos di makapagsalita at maka-kilos pag ti-natanong ng titser/propesor niya. Hanep ka! 2. Mas gus-tong magpalipas ng oras sa canteen o kahit sa ibang lugar inside the campus habang humihithit ng sigarilyo? Grabe ha! Mapa-babae man o mapa-lalaki naninigarilyo. When they smoke, it seems there is no tomorrow anymore. Maawa naman sana kayo sa mga magulang niyo na nagtatra-baho mabigyan lang kayo ng baon, tapos ibibili niyo lang ng sigarilyo (nasaan ang konsensiya niyo?). Para na rin kayong nagsunog ng pera at di man lang binigyang importansiya ang paghihirap ng mga magulang niyo. At saka mahiya rin kayo

sa mga katabi niyo na nakakalanghap ng mga binubuga niyong usok at nakaka-amoy ng halito-sis galing sa mga bunganga niyo. Yuckness! 3. Ang hilig sa vandalism? Ubusan ng tinta ng pentel pen ang labanan dito kaya ayaw ko ng mag-comment, pero ang maipapayo ko lang sa inyo, pag wala ng space sa mga benches at pader, try niyong sulatan ‘yang mga mukha niyo tapos harap kayo sa salamin. Wow! … gan-

yan karumi ang gawain niyo! 4. Ginagawang upuan ang lamesa at ang upuan ay inaapakan? Defenitely, I’m referring to the benches and tables around the campus. Subukan niyo kayang gawin din ito sa hapag kainan niyo sa bahay! Yung tipong pag kakain kayo e nasa lamesa rin kayo nakaupo katabi ng mga ulam, kanin, plato, kutsara, tinidor, kaldero at kung anu-ano pa. Ahmmm!!! Happy

eating na lang sa inyo! 5. Masaya tuwing walang klase? Mara-hil dahil sa ideya na ‘pag walang klase, wala ring experiments, exercises, assignments, quizzes, etc. Dahil nga walang klase pero may baon, maaaring gamitin ang mahabang oras sa pagla-lakwatsa, paglalaro, pag-iistambay, panliligaw, pakikipagkuwentuhan, at pakikipagbolahan sa mga manliligaw at pag-uubos ng oras ng mga may boyfriend(s) or girlfriend(s) nang magka-sama… ang saya diba? Wala naman sigurong masama doon ngunit bilang mga anak na pina-

pag-aral at iskolar na matatawag dahil sa pag-sagot ng gobyerno sa ibang gastusin sa eskwela-han dapat tayong MAHIYA!!! Dahil hirap at pawis ang kapalit ng ating pag-aaral. Kaya naman dapat din nating pahalagahan ang ating pag-aaral. 6. Mahilig sa long distance call? Yung tipong nag-uusap nang super layo. Malayo na nga yung isa e pilit pa ring tinatawag at kina-kausap ng pasigaw. Halimbawa, ‘yung isa nasa Rizal park tapos yung isa naman ay nasa Magsay-say park. Imagine! Para tuloy nasa bundok. Na-kakahiya. Try niyo kayang mag-usap na iyong isa ay nasa tapat ng vetpark at yung isa naman ay nasa puno ng bangar. Grabeng layo yun ah! Carry nio? Wala naman siguro kayo sa Citizen-ship Advancement Training (CAT) para kailangan-ing sumigaw kapag nag-command ang in-charge officer ng sabayang utos diba? In fairness, I cannot deny the fact na natamaan din ako lalo na sa panglima. Pero, meron mang masamang habits tayong mga Ramonian, may mga nagagawa pa rin naman tayong tunay na maipagmamalaki sa iba. Dapat lang nating itama ang mga maling gawain para mas mapabuti ang ating pamantasan. Tandaan, bawat Ramonian ay may tungkuling dapat gam-panan. Baboo!

NI KIMBERLY NICOLE O. GARCIA

NI RAMONITA ECHOSERA

Page 10: Tech No Scribe Newsletter (June-November 2011)

Ang isang matagumpay na insti-tusyon ay nangangailangan ng mga matatatag at matalinong pinuno. But oh my, momay! Paano kung ang mga leaders ay leader-leaderan lang pala? Kunya-kunyarian, pa cute at pabanjing-banjing lang? Eskwela-han ba tayong matatawag o eskwe-eskwelahan lang? Ilang alingasngas mula kay Punong Bangar ang na-karating at ito ang itsinika niya sa akin: Leader A: Galit sa Hayop si Honor-able Siguradong magagalit at susugod ang lahat ng anti animal abuse groups kapag nalaman nila ang karumal-dumal na ginawa ni Leader A. Haggard-haggardan daw kasi ang drama niya at hindi na niya kinaya ang mga bulong ng mga anghel at demonyo sa tenga niya kaya bonggang pinalo niya si mouse kaya nasira. Tsk. Tsk. Kawawang daga. Hindi na nga Malaya sapagkat

ang buntot ay nakatali sa kahon, pinuntirya pa siya ng ngitngit ni hon-orable. Infairness, hindi naman na raw nagtaka ang mga kasama niya, wala naman daw ta-lagang good manners si Kuya, ang alam lang niya ngumiti nang bong-gang bongga. Leader B: Reyna ng mga hihihi Kapag nakita ninyo siyang pabaliktad maglakad, wag ninyo siyang pagtatawanan o pagtakhan. Intindihin ninyo na lang si Queenie, sa sobra raw kasing mahadera niya, marami na siyang kaaway. Mahilig kasing tumira patalikod, kaya pran-ing ang ateng na gantihan siya sa parehong paraan. But wait a min-ute, wag palinlang sa itsura niya. Karamihan sa mga witch, rebonded na. Leader C: Doňa Bakasyunista

Ka-musta naman daw si Dopa, feeling angry bird ang drama kung makalipad at gumala kung saan-saan. Laging wala sa trono at hindi alam kung anong binabanta-yan sa malaking palasyo. Hala, mag-ingat, tirahan ng aha sang opisina

mo sa sobrang hindi mo na na nabibisita. Tsk. Tsk. Uso pa man din ang mga wild animals these past few days. Bakasyunan ‘te? Sa Bora-cay ka na lang sana nagpunta. Leader D: Sleeping Beauty Hindi na naka recover si Sleeping Beauty, hanggang tu-manda, makamasa pa rin ang drama niya, as in masandal tulog. Hala, maiwan ka sa bus ‘la, tulog ka na naman. Matulog daw ba habang nagmimeeting? Ikaw na, the best ka! Leader E: Ms. Goodbye Bahay 2011 Hiyang-hiya naman daw

ako sa ginawa ni Ms. Goodbye Ba-hay 2011. Napapaalis ng mga tao sa bahay ng mga bahay dahil gusto niyang tirahan. Amo ‘te? Kawawa naman ang mga little Indian boys and girls, inalisan mo ng shelter. Malakas kay boss huh? Wala na-mang ganyanan. Ang kay Juan ay kay Juan, ang Pedro kay Juan pa rin ba ang motto mo sa buhay? Naku, delikado yan, bilog ang mundo ‘te. Sila ang ilan lamang sa mga ghost leaders sa kaharian ng Bangar na dapat tapyasan ng ulo, gilingin ang katawan at ipakain sa wild animals. Hindi naman ako masyadong galit. Promise, lagi lang sana nating tandaan na ang posisyon ay hindi lang basta upuan kundi isang pananagutan na dapat gampanan. Na ang mga tao ay hindi bulag at nakikita nila ang mga leader samga nagle-leader-leaderan lang. Na darating ang araw, sa ayaw niyo man o sa hindi, ay babalik din sa inyo ang inyong ginagawa, ma-sama man o masama. Hindi ito ang oras ng taku-

tan. Ilibing 2 million feet under the

ground ang mga mumu sa paman-

tasan at siguruhing hindi na maka-

pamiminsala kaninuman.

NI CASPER WALANG MATA

Rampahan ng mga Maiingay at Tumitira ng Umuusbong na damo. Ito na nga ang makabagong pangalan na sumasakto sa ating pinakamamahal na pamantasan. Siguro sa umpisa ay magtataka ang bagong saltang estudyante kung pamantasan ba talaga o pastulan ang pinasok niya. Ngunit sa paglipas ng mga panahon ay masasanay na rin siya at tila hindi na mapa-pansin ang mga hayop na ito kahit gumawa pa ng milagro ang mga ito sa hara-pan niya. Subalit, ano nga ba talaga ang misyon ng mga kambing na ito sa at-ing unibersidad? Sila ba ay isinugo upang mas lalo tayong maging inspirado sa pag-aaral? “Wala silang ibang ginawa kundi ikalat ang mga basura at manira ng mga halaman. Na-kakadiri pa ang mga dumi nila”. Ito ang nagkakai-sang reaksyon ng mga estudyante ng RMTU – SM Campus kapag tinatanong sila tungkol sa mga kambing. Kontrabida sa kapaligiran at sa mga nagmamalinis. Oo, totoong sinisimot nila ang mga natitirang pagkain mula sa mga plastik ng mga junk foods at sila rin ang salarin sa pagbunot ng mga halamang itinatanim ng mga estudyante

ng NSTP, ngunit mula sa mga aksyon nilang ito ay may itinu-turo silang mahalagang bagay. Iyon ay ang pagkakaroon natin ng pokus at pakialam sa ating kapaligiran. Dahil

sa kanila, napapansin natin na marumi na pala ang ating kapaligiran at ma-bubuo sa atin ngayon ang tunay na disiplina sa kalinisan. Mahuhusay din silang su-pervisors. Mahilig sa paglalakbay sa loob ng campus ang mga kaibigan nating kambing kaya hindi na dapat pang pagtakahan kung pati sa loob ng silid aralan ay matatagpuan sila. Mas mararamdaman pa natin ang kanilang presensya dahil sa mga makabuluhang “meee meee meee” na kanilang tinuturan. Maaaring masasabi natin na nakasisira sila ng momentum sa pag-aaral at sa klase ngunit sila rin ang mga nata-

tanging nilalang na nagpapaalala sa atin na hindi tayo magtatagumpay kung puro kaseryosohan ang ating ipapairal. Ginigising nila tayo upang maging mahinahon at tinuturuan nila tayong ngumiti sa kabila ng paghihirap sa mga exams, projects at mga bayarin. Supervisors sila upang magpakalat ng aliw at kaligayahan sa mga estud-yanteng nawawalan na ng pag-asa at nagiging tulala dahil sa mga problema. Zoo na nga raw na maituturing at hindi na isang unibersidad ang ating campus ngayon. At lahat ng ito ay sinisisi ng ibang estudyante sa mga kambing. Mukha na ngang kagubatan ang

matatanaw sa ating kapaligiran ay nadagdagan pa ng mga hayop. Subalit ang katotohanan ding ito ang siyang nagsisilbing guro natin upang matuto tayong makuntento sa mga bagay bagay na nasa pamantasan natin. Hindi nga ito zoo kaya naman lalo pa nating patunayan na ang campus natin ay sandigan ng karunungan sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti at hindi ng pamimintas at pagiisa-isa sa mga kakulangang nakikita natin. Hayop sila at tayo ay mga estudyante. Mayroon mang kaunting kaibahan ngunit tayo ay may iisang tinuturing na tahanan. Sa ayaw natin at sa gusto ay sila ang lagi nating kasama sa pa-gharap sa mga pagsubok na humahamon sa atin sa araw araw. Sila ang nagiging karamay natin sa pag inda sa mga paghihirap na nararanasan ng unibersidad natin – ang matinding pagbaha tu-wing tag-ulan, ang pagdumi ng kapaligiran at kung anu ano pa. Hindi man sila humaharap sa atin sa klase bilang isang pormal na guro ay hindi naman natin maitatanggi na maraming mga ba-gay ang maaari nilang maituro sa atin. Kahit ilang beses pa tayo mainis sa kanila at kahit ilang ulit pa nating palitan ang kahulugan ng RMTU dahil sa kanila, hindi natin maiaalis ang katotohanan na ang mga kambing ay parte ng ating unibersi-dad. At ang Ramon Magsaysay Technological University San Marcelino Campus ay hindi ma-bubuo ng wala sila. Meee Meee Meee !!! (tama!)

NI CINDY F. DE ASIS

Page 11: Tech No Scribe Newsletter (June-November 2011)

Bumungad sa akin ang hangin na animo’y nag-bibigay babala at liwanag na taliwas na nagpapahiwatig na ito’y isang hamon. … Ump! … Sa bukana ng aking paglalakbay, tila isang napakakinang at napakataas na pangarap ng mga bathala ang gusto nila sa amin maging. Isang mithiing kina-kailangan ng kalidad at mataas na antas ng pagsasalin ng kaalaman … Sa bawat paglubog ng araw at siya namang paglitaw ng buwan … Napansin kong lamang ang kadilimang bumaba-lot sa mga impormasyon na siyang hadlang sa muling paglitaw ng araw … oo’t sa paglitaw ng araw di man gusto ng dilim ay kusa siyang bibitaw. Ngunit papaano kung ang lugar na ito’y, sa bawat katanungan na kanilang binibigyan ng liwanag ay uusbong ang mas madami pang katanungang minamabuting lagpasan kasabay ng isang lagda ng kasiya-han na nagpaluha sa isip pagdating ng talastasan

… Kung kaya’t ang puso ko’y umiiyak sa tuwing ang takdang pagpapamalas naming lahat ay dumating … isang resultang lamang ang itim o patlang kesa sa dapat ay napunan. At hanggang sa ngayon may mga tanong na na-glalaro sa aking isipan … *Nasaan na po ang mga malik-haing proseso na dapat ng nasa inyo? *Nasaan na po ang mataas na antas? … upang kami’y di pikit matang nakatitig sa harapan. … Kaya’t papaano na lang ang ilang di makahabol sa liwanag … Sila ba’y dapat na lang iwanan? O tulungan ng mga makapamgyarihan upang muling makabangon at humabol … Ngunit ito’y nangangailangan na naman ng panibagong responsibilidad … Matinding responsibilidad ng mga bathala dahil sa kanila umaasa ang mga nanganga-rap, na sila lamang ang pinakamabisang daan upang makamtan ang nag niningning na tagumpay … Gising na po please … Gising na po …

NI MICHAEL S. MACABULOS

imperyo

ni Michael Macabulos

Harang ay ‘di umuubra

Kaya’t pasok yaring mga bakterya

Bantay ay natatakasan

Siyempre, malaki ang kanilang mga tiyan.

Bakit nga ba pundasyo’y dukha

Dahil ba, patnubay ay mahina?

Kaya’t yaring obra’y lundo

Tuloy sa hukay ang tagpo.

Mga namumuno sadyang matatag

Ngunit kanilang mga susi ‘y tila maluwag

‘Di masilayan angkop na paraan

Suliraning dapat na lang ba nating pabayaan?

Masasabing imperyo niya’y malinis

Labas pasok naman ay mababangis

Kaya’t estado marapat lang matulis

Upang sila ay ‘di magmalabis.

Talim ng pluma na kanyang bahagi

Sigaw ng letra sa kanya ay bibigti

Upang mamatay, maling pagtugon

At sa pagbangon, handa ng magpayabong.

Turo ng harap ay ‘di maaninag

Kaya patlang ang laging sangkap

Itim at puti ang paboritong kulay

Imbis na makulay, upang utak ay buhay.

Sistema niya’y patong-patong

Kaya’t mga anghel ngayo’y bumubulong

At nag-iiba na ng anyo

Dahil sa makahawang, pikit-matang dulot.

Bagkus ‘di naman lahat itim at puti

Meron din ng makulay at masidhi

Ngunit hindi ito sapat mapunan

Sa uhaw na katawan ng isang katauhan.

ang mahiwagang mensahe ni Bryan Jester S. Balmeo

Bulok ang iyong sistema Ni hindi ka na makatayo sa iyong silya Dahil natatakot ka nab aka may sumalisi At maagawan ka ng tronong puno ng sisi. Masyado bang malaki ang iyong tiyan Kaya kaming tuhod ay di mo na makita’t Ang iyong mata’y nakatuon na lamang sa iba? Sinasabi mong nagbago ang lahat Mula ng ang mundo’y makontrol mo sa’yong palad. Dati kami’y kulang lamang Ngayo’y wala na kahit anong ipagyabang. Maawa ka sa iyong sarili Hindi ginagamit ang ilong bilang pandinig Kaya ‘wag mong sabihing pango ka Kaya ‘di mo marinig ang hinaing ng mga taong pwera pa sa iba. Tingnan mo ang aming itsura Halos luray-luray na’t di na mapakinabangan ‘Pag lumalaban sa iba’y mistulang sirkus Kami ang babaeng hinahagisan ng patalim Habang umiikot sa walang hanggang panganib. ‘Wag mong sabihing nadikit ang iyong pwet Kaya ni hindi mo mapigil ang mga baboy at buwaya sa kusina Na nanginginain ng darak para sa iyong mga anak. Hindi ka Diyos. May hangganan ang lahat ng pagpapakasarap.

‘Wag mong sabihing kasimbango ka ng isang bulaklak. Sa isang nguya lang ni kalabaw Lupa ang iyong kasasadlakan. Uungol din si kalabaw, Hintayin mo ang kanyang pagsuwag.

Page 12: Tech No Scribe Newsletter (June-November 2011)

Tsaa para sa makulay na buhay

Sa ating modernong mundo, ang tsaa ang pinakasikat na inuming isinusulong ngayon. At siguro para sa mga taong nahu-humaling sa inuming ito kung saan ang kanilang araw ay hindi mabubuo kung wala ang uri ng inuming ito. Ang tsaa ay maaar-ing hindi ganoon kakilala dito sa Pilipinas dahil mas pamilyar tayo sa ibang mga inu-min katulad ng kape, gatas, atbp., ngunit dahil sa mga kadahilanan at pagbabagong katulad ng pagpapalit ng hen-erasyon,kolonyalismo at mga impluwen-sya,iba’t ibang uri ng tsaa (green tea,black tea at ang katulad) ang malawakang ku-malat sa ating bansa. Gayunpaman,tayo ay mas pamilyar sa “black tea” na uri kung saan ginawa pa ng iba na pang-araw-araw na gawain ang pag-inom nito. Kung kaya’t ang”green tea” bilang isang uri ng tsaa ay me-dyo naisanabi-hanggang ito mismo ang humanap ng dan patungo sa atin. Ang Ramon Magsaysay Technologi-cal University (RMTU) Campus ng San Marcelino at ang da-lubhasaan nito ng Agri-kultura at Veretinary Medicine (CAVM) ay nagsagawa ng pagta-tanim ng nasabing “green tea” ka-makailan lamang. Ang proyekto ng “green tea” ang pinaka-bagong balita mula sa kanila dahil ito ay osang bagong hala-man na maaaring itanim at alagaan ng depar-tamento ng Agrikultura ng pamantasan. Green Tea? Pakiulit?

Mayroong iba’t ibang uri ng green tea ayon sa dahong ginagamit sa pag-proseso ng inuming ito. Ang lasa at epek-tong naidudulot nito ay nakadepende rin sa uri ng dahong itinatanim at ginagamit. Ang green tea na orihinal na nagmula sa ban-sang China ay mayroon na ring plantasyon

sa Rizal, Pangasinan at Zambales sa Pilipi-nas. Hanggang sa nakarating na rin ito sa mga bayan ng Castillejos, San Marcelino at San Antonio sa Zam-bales kung saan ang pagtatanim nito ay binibigyan ng kaukulang pansin. Ayon kay Mr. Sanny Babera, isa sa mga tagapangasiwa ng proyektong pagtatan-nim ng green tea ka-sama ni Dr. Esther Mari-ňas, ang RMTU – SM Campus ay nagsimu-lang magtanim ng green tea (Mesona Chinensis) noong Abril 2010. Sa kasamaang palad, ang mga tanim ay namatay at natuyo dahil na rin sa mainit na panahon. Sa ngayon, ang pamantasan ay muling si-

nusubukan ang pagtatanim at umaasa sa isang positibong resulta. “Ang produksiyon ng green tea sa ating pamantasan ay may layuning magbi-gay ng kumikitang kabuhayan dahil na rin sa patok ito sa merkado. Malinaw sa ating la-hat na ang mga magsasaka ay mahirap ng magbenta ng produkto dahil na rin sa makalumang paraan ng pagtatanim. Wala ng magagawa pa ang pagsisi natin sa

gobyerno.” “Isa pang layunin ng proyektong ito ay ang pagpapakilala ng mga makabagong

tanim sa publiko na magbibigay ng in-teres sa kanila. Maswerte tayo na makarinig ng sari saring komento tungkol sa magan-dang resulta ng pag-tatanim dito. Ngunit hindi natin ito mai-paalam sa mga mag-

sasaka dahil na rin sa uri ng teknolohiya na mayroon tayo sa pagtatanim.” “Kami sa departamento ng Agri-Vet ay nais magkaroon ng sapat na halaga na kikitain mula rito para sa hinaharap na pangangailangan.” paliwanag ni Mr. Babera sa isang panayam.

Green tea tayo!

Ang pag-inom ng green tea ay hindi gaanong karaniwan kumpara sa mga inuming makikita sa ibabaw ng hapag kainan. Maaari nating tanungin kung ano ang lasa nito na magrere-sulta sa ating pagtanggi sa pag-inom nito. Ngunit, bakit hindi tayo magump-isa para sa isang mabuting pamumuhay at isipin ang mortalidad ngayon ng mga tao na unti-unting buma-bata dahil na rin sa pag-sulpot ng iba’t ibang sakit tulad ng kanser at mga sa-kit sa puso. Sino nga ba ang nakakaalam na sa pag inom ng green tea ay nababawa-

san ang mga nakakatakot na sakit na ito at matatamasa ang kaginhawaan at mabuting pakinabang nito sa tao? Hindi naman ma-samang subukan at gawin itong makabulu-han. Minsan maiba naman.

“Tea – is one of those rare treas-ures, enjoyed throughout the world, that actually benefits health.” –Anonymous

NINA KIMBERLY NICOLE GARCIA AT IULUS RODOLFO FLORES

Sa ating modernong mundo, ang tsaa ang

pinakasikat na inuming isinusulong ngayon.

Page 13: Tech No Scribe Newsletter (June-November 2011)

Upang mapagtibay ang misyong magsagawa ng pananaliksik sa agrikultura, teknolohiya, edukasyon at agham, muling ikinasa ng Ramon Magsaysay Technologi-cal University ang 10th Agencu In-House Review na ginanap sa Research Extension and Training (RET) Center noong Hul. 1. Ang taunang palutuntunan ay isi-nasagawa upang ipakita ang kinalabasan ng mga pananaliksik sa taon ng ebalwasyon ng mga panel of specialists gayundin upang

magpakalat ng makabagong impormasyon at pag-unlad ng teknolohiya para sa mga g

umagamit at nakikinabang rito. Ang nasabing aktibidad ay isinasa-gawa ng lahat ng state universities at col-leges upang makalikom ng iba’t ibang kaala-man na maaaring magpaunlad sa kalidad ng buhay. Mga proyektong ibinahagi

Sampung proyekto ang ibinahagi kung saan walo ang natapos at dalawa na-man ang kasalukuyang pinag-aaralan at pinagtitibay. Kabilang sa walong nakumpletong pag-aaral sa Research Category ay ang Field Performance of Multi Rootstock Mango in Lahar Areas Reproductive Stage na iprinis-inta ni Dr. Ester Marioas; Development of Dwarf Mango Using Low-Bark Grafting

Technique: Success of Low Bark Grafting Technique ni G. Ferdinand Domingo; Ex-Situ bioremediation of Oil Contaminated Soils and Species Composition at Distribution of Freshwater Fishes in land Water of Zam-bales ni Rowena Sazon; Chevon Production Under Mango Orchard as Affected by Stock-ing Rate ni Prof. Mariette S. Romera; Impact Assessment of Aeta Farm Students ni Prof. Susana S. Garcia; Placement Assistance to Graduating Students in Agriculture at RMTU

ni DR. Jo A. Espiritu; at Employability of Ag-riculture Graduate in Region III ni Dr. Libna Lucas. Ang mga pananaliksik sa Pest Dy-namics of Sweet Sorghum under Zambales Condition ni G. Narciso Dacayo at Develop-ment of IPM Protocol for the Control of Mango Cecid Fly in Zambales ni Gng. Florida Domingo ay patuloy na pinag-aaralan. Samanatala para naman sa Devel-opment Category, ang Technopreneurial Learning Pro-

ject for Slaughter Goat Production ni G. Sanny Babera; STBF for Singkamas Produc-tion in San Marcelino, Zambales/ Isabelo Del Rosario ni ReminSardo; STBF for Goat Breading in San Felipe, Zambales ni G. Oscar Sebastian at STBF For Rice Production in Palauig, Zambales ni G. Paterno ay kanila ring iprinisenta. Nagwaging Best Paper

Ang mga nagwaging Best Paper sa nasa-

bing in-house review ay magprepresenta sa Central Luzon Agricultural Research and Development Consortium (CLARRDEC) Re-gional Symposium sa Agosto na gaganapin sa Aurora State College of Technology (ASCOT). Napiling best paper ang research na prinesenta ni G. Ferdinand Domingo na De-velopment of Dwarf Mango Using Low-Bark Grafting Technique: Success of Low Bark Grafting Technique para sa Research Cate-

gory. Samantala ang pa-per naman ni G. Sanny Babera na Technopre-neurial Learning Project for Slaughter Goat Pro-duction ang napili para sa Development Cate-gory. Ang naging criteria sa pagpili ng best paper ay creativ-ity, originality and quality of work (30%), significance of findings (40%), manuscript/ write-up (15%) at presentation (15%).

NI JILLIAN RAGADIO

Hindi kami lubusang ma-kikinabang kung pagtutuunan ng pansin ang kampus, dahil aalis din kami rito, at hindi naman kami ang may-ari ng RMTU. Ang tanong lang namin, hindi kaya mas makakahi-kayat ng mga bagong estudyante kung ang pamantasa ay mas maayos na pasilidad?

Marami kaming tanong, hindi ba pwedeng sagutin ng may katoto-hanan at hindi yung pinaiikot-ikot kami na parang mga batang paslit na walang muwang? Kung gusto ninyo na puro magaganda ang laman ng Tekno, gawin ninyo kaming Official Stu-dent BROCHURE ng RMTU San

Marcelino Campus. Pero kayo na ang EIC, kayo na rin ang staff, at kayo na rin ang adviser. Kayo na lahat, da best kayo eh! Gawin ninyo na roon lahat ng gusto niyo, isulat ang lahat ng gustong isulat, gawin ninyong parang nangangampanya para sa susunod, hindi niyo na kailanganing mandaya ng suporta, dahil meron

na kayong mauuto. Da vah? Oo, umalis si Mamita, pero tandaan ninyong nananatili pa rin ang katotohanan. At sa tulong nun, at ng mga estudyanteng naghihin-tay malaman ang tunay na nan-gyayari, magpapatuloy kami, ng taas noo at may prinsipyo. Tuloy ang laban! Nasa Round 1 pa lang tayo kaibigan!

Mula sa pahina 4

AFNR GOAT PROJECT. Ang Techno-preneurial Learning Project (TLP) for Slaugh-

ter Goat Production ang napiling best paper para sa Development Category sa

ginanap na 10th Annual Agency In-House Review, Hul. 1.

“Ang In-house Review ay isi-nasagawa ng lahat ng SUCs upang makalikom ng iba’t

ibang kaalaman na maaaring magpaunlad sa

kalidad ng buhay.”

Page 14: Tech No Scribe Newsletter (June-November 2011)

NINA JHOUVEN LYNDON RABARA AT

MARVIC VICTOR BONDOC

USAPANG ITLOG Ni Marvic Victor G. Bondoc

BAYAD UTANG Ni Marvic Victor G.

KALABAW NI RAMON Ni Jhouven Lyndon M. Rabara

SAGALA Ni Jhouven Lyndon M. Rabara

MAY KASALANAN Ni Marvic Victor G. Bondoc

Page 15: Tech No Scribe Newsletter (June-November 2011)

“Pinag-isipan ko ring mabuti ito bago ko tinanggap. Binalaan ko man ang mga kumausap sa akin na hindi mababago ng alok na yon ang aking paniniwala, madali ring inisip ng ilan na tinanggap ko ito dahil sa mga pansariling dahilan. Sa ganung sitwasyon, naisip ko, di nga kaya mas mabilis ang pagbabago kung manggagaling sa taas pababa imbes na hingin ko pa sa mga guro, mag-aaral at iba pa na magsakripisyo habang isinusulong ang pagba-bago? Mahalaga sa akin na sa lalong madaling panahon ay maisaayos ang Unibersidad struc-turewise lalo na ang kapakanan ng

kaguruan at kasamang mangga-gawa dahil sila ang pangunahing yaman sa pagsasagawa ng mandate na ipinagkatiwala sa Unibersidad. Ang Unibersidad ay itinatag upang hasain ang kakayanan ng mga ka-bataan sa darating na panahon ay siyang magsusulong ng mga kabu-hayan sa probinsyang ito at sa mga karatig nito. At kung hindi ito maga-gawan ng agarang lunas, hindi lang ang mga kaguruan at kasamang manggagawa ang mawawalan kundi ang kabuhayan ng Zam-bales.” Dagdag pa ni Espiritu, “Presidents would come and go but the University remains. A good organization will run the University effectively and efficiently, turning

out good graduates whose eventual impact will be on the progress of the local industries… and whoever installed it will be remembered. Malaking bagay na makapag-iwan ng maayos na organization ang pangulo lalo’t halos tatlong ter-mino na ang inilagi niya sa sis-tema.” Sinabi pa nitong patuloy siyang maninindigan para sa kabutihan ng mas nakararaming kaguruan ha-bang nirerespeto ang kakayahan nitong magtuos at manimbang ng kanilang mga pangangailangan. “Definitely, the faculty has a right to express opinions on matters that concerns them.” At ng tanungin ng Technoscribe kung ano ang mensahe niya sa mga

Ramonian na patuloy na umaasam sa pagbabago, ito ang isinagot niya, “Tuloy ang laban para sa pagba-bago ng RMTU! However, we should remember that the responsi-bility of making this University bet-ter is in the hands of all of us… Alamin din natin, is it a fight for our individual intentions or for a com-mon good?” “Kailangan nating patunayan ang accountability natin bilang isang publicly funded institution. Siguraduhin din natin na sa araw ng pagtutuos ay di masabing tayo ang may pagkukulang. Let us focus on realizing our mission, and attain-ing our goals. Otherwise, we’d end up losing the University,” pagtata-pos ni Espiritu.

Mula sa pahina 7

Naging kaugalian na sa buhay estudyante ang pagkakaroon ng taunang palaro sa palaka-san. Ito ay upang malibang at pansamantalang bigyang pansin ang paglinang sa mga angking galing ng mga mag-aaral sa larangan ng isports. Sa bawat panahong iginugugol dito, sa bawat taong panuruan ay kasabay ng mga talentong nahuhubog at nagsisilutangan. Intramurals kung tawagin, sa kaganapang ito marami ang naba-bago. Ang mga pagbabagong ito ay maaring may dulot na kainaman, pwede rin namang kabalintu-naan. Puspusan ang ginagawang paghahanda ng mga punong abala sa tuwing papalapit na ang labanang pampalakasan. Walang pagsidlan ang kasiyahang nararamdaman ng mga estudyante sa ganitong kaganapan. Marahil isa na ito sa mga pinakaaabangan ng karamihan. Pansamantala kasing maiibsan ang pagdurugo ng kanilang isi-pan mula sa apat na sulok ng kwartong instru-mento ng pag-aaral na madibdiban at pahirapan na sa bandang huli ay naghahandog ng tiyak na karunungan. Sa pagkakataong ito rin matutung-hayan ng mga nag-aalab na bangayan at salpu-kan ng mga koponang naggigitgitan. Muli na namang bumuhos ang ulan sa linggo ng Intrams katulad nung nakaraan. Bagaman limang araw ang ginugol sa nakaraang palaro,

ngayo’y naging tatlo na lang sapagkat nabawa-san ng mga koponang magpapalakasan. Gayun-paman, tinutukan ng punong abala ang pagda-raos ng Intrams upang maiwasan ang hindi ka-naisnais na kaganapan. Katunayan, bago ang isports director sa katauhan ni G. Christian S. Romera. Bago rin ang larong soccer sa tampukan ng laro. Ang tanong, may nangyari bang pagba-bago sa sistema ng mga laro at sa mga lugar na pinagdausan? Tulad ng dati, nagmistulang swimming track ng mga palaka ang basketball court ng ating unibersidad sapagkat hindi naman ito covered. Ang covered court na sana ay para sa larong ito,

naroon at nakatiwangwang at hindi magamit sa wasto nitong pagkakagamitan. Naging kalaban din ang pagpagaspas ng hangin sa bawat pa-ghampas sa shuttlecock sa larong badminton. Indoor game ito at idinaos sa labas kung saan ang hangin ay kaylakas. Samantala, napabilang ang larong soc-cer sa listahan ng mga laro. Tunay na nakakapa-god ito at nakakalumpo. Eh paano ba naman, sa oval nga ginanap ang laro, ang field naman ay puno ng maliliit ng bato at tangkay ng talahib na ang pagkakalinis ay hindi swak at pulido. Nariyan ang posibilidad na magasgasan ka at madapa

hindi dahil sa kalaro kundi sa mga bagay na ito. Wala ring sariling billiard hall ang ating unibersidad kung kaya’t kinakailangan pang lumabas ng campus para lamang maidaos ang larong nangangailangan ng bangis na taktika. Kailangan ba magkaroon ng ganitong hall sa atin? Hindi na nga muling ginanap ang track and field sa espaltadong daanan bagkus sa oval na. Ngunit gayunpaman, sana sa susunod ay mas maayos at puro ang pagkakalinis nito. Masakit kayang mai-shoot sa mga butas ng field, nakaka sprain ng paa. Hindi malayong matisod ka ha-bang nakikipagkarera. Sa tatlong taong pagsali ng ilan sa mga mananakbo, gasgas na ang paa nila’y wala pang medalya o sertipiko. Ngunit salamat sa taong ito, ang paltos na kanilang tinamo ay nasuklian na rin sa wakas ng mga medalya at sertipiko, huwag na lang pansinin na kalahating colored paper ito at animo’y hindi ginamitan ng gunting ang paggupit rito. Sa kabilang dako, wag namang pumapel ang labis sa wasto ang ibang tao. Oo nga’t silbi iyang serbisyo sa mga kabaro mo, wag namang pati guro ay turuan mo. Binigay na nga ang resulta na may angkop na pirma, ipababalik mo pa ito at sa kanya’y ipababago. Sino ba ang in-charge sa laro? Hindi ba’t siya? Oo, siya nga, at hindi ikaw. Hindi man natin aminin, tanggapin na nating kulang na kulang sa pasilidad pampalakasan ang RMTU San Marcelino. Kapos ng lubos ang pondo para sa pagsasaayos ng mga istruktura. Paano makalalaro nang maayos ang mga manlalaro kung ganito ang takbo ng sistema? Nawa’y ma-aksyunan kaagad ang ganitong bagay upang ang lahat ay maging organisado. Sana’y dulutan ng angkop na atensyon ang mga ganitong sitwasyon upang hindi tayo pahuli sa usaping pampalaka-san.

[email protected]

JAMES E. ROBISON

Hindi man natin aminin,

tanggapin na nating kulang na kulang sa

pasilidad pampalakasan ang RMTU

San Marcelino.

Naniniwala sa galing ng atletang Pinoy!

Page 16: Tech No Scribe Newsletter (June-November 2011)

Nakatakda na ang ikatlong sagupaan ng dala-wang magigiting na mandirigma sa boxing arena, MGM Grand, Las Vegas Nevada, Nob. 14. Magliliyab ang puso ng dalawang bok-singerong uhaw sa bansag na “Best Fighter”, sa kanilang karera. Walang duda na all-time favorite ang pound-for-pound king, Manny “Pacman” Pacquiao sapagkat wala na siyang dapat patunayan dahil pinabagsak niya na ang ilan sa pinakamahuhusay na boksingero sa sulok ng mundo. Ang mga panalong iyon ay kanyang sinungkit mula sa kamay ng mga nakasagupa gamit ang lakas at tapang, sa iba’t ibang dibisyon. Pinatikim niya ng batong kamao at lahat ng kalaban ay tinalo. Samanatala, si Juan Manuel “El Dinamita” Marquez naman ay hindi rin maitatangging isa sa mga kinikilalang mandirigma sa ibabaw ng ring. Magugunita na sa una nilang bakbakan ay tabla ang naging hatol ng mga hurado. Dumanak ang katapangan at sadyang iba-iba ang naging kumbinas-yon ng mga emosyong dumampi sa MGM Grand. Nagkaroon ng ikalawang salpukan at nanaig si Pacman via unanimous decision. Hindi kumbinsido si Marquez sa hatol ng mga hurado sapagkat ayon sa kanya ay siya ang tunay na nanalo sa labang iyon. Upang matuldukan na ang katanungang sino ba talaga sa kanilang dalawa ang hari ng ring, heto at ating abangan ang napipintong labanan. Nagkaasaran na ang magkabilang kampo kung kaya’t ang ating matutunghayan ay personalang laban lang. Pangalan nila ang nakataya rito. Ang dating pitong linggong ginugugol ni Pacman sa ensayo tuwing may laban ay naging siyam na linggo. Hindi galit ang nararamdaman ni Pacman sa mga patutsada ni Marquez kundi ang gigil na ito’y pabagsakin. Puntirya ni Pacman ang K.O. (Knock Out) sa kanilang laban. Mimitsahan ba ni Dinamita ang pagsabog ng kanyang pagkapanalo? Magagawa kayang kainin ni Pacman si Marquez gamit ang bilis niyang kamaong bato? Atin na lamang tunghayan nang matuldukan na ang bangayan.

NI JAMES E. ROBISON

Walang pakundangang isinubsob ng Unit I ang mga katunggali matapos silang maghari sa iba’t-ibang kategorya ng badminton men at women sa ginanap na taunang pampalakasan, Ago 23-25. Itinanghal na kampeon sina Jhon Regie Ta-gulao at Francis Pabayo matapos nilang butasin ang mga raketa nina Dan Venice Motenegro at Deo Amor Plaza sa Men’s Doubles. Inilampaso rin nila Manuel Garcia at Rina Aguillon sa court sina Edward Candelario at Stephanie Gail Pagal ng Unit II sa mixed dou-bles. Pinalipad din ni Rina Aguillon ang shuttle cock tungo sa tagumpay laban kay Lea Fatima Cadavos ng Unit II sa badminton Single A cate-gory. Pinulbos naman ni Jessica Anne Gallardo ang defending champion na si Simonette Luna sa women’s Single B category. Nakopo rin ng mabibilis at matutulis na hamapas sa shuttle cock ang gintong medalya sa men’s Single B ni Jhon Regie Tagulao at pina-god ng husto si Yannni Glenn Madarang sa pag-takbo a court dahilan sa matitinik na placings. Bumandera rin sa ikalawang pwesto sina Joy Ordillas at Jillian Ragadio buntot sa kampe-ong sina Shrilyn Lucero at Junalyn Gallardo ng Unit III sa women’s doubles category.

Pulidong hampas ang inihambalosng Unit II sa bolang kasing bilis ng kidlat na siyang sumunog sa kanilang katunggali sa gi-nanap na Intramural Meet ng Ramon Magsaysay Tech-nological Univers ity (RMTU) San Marcelino Campus, Ago. 25. Muling nagtuos ang manlalaro ng Agri at COED (Unit I) sa unang laban na nagsilbing eliminasayong sagupaan sa baseball. Ang dating nag aalab na manla-laro ng Unit I ay mistulang naging abo ng tupukin ng Unit II sa gitgitang labanan na umabot ng dapit-hapon. Pinayuko nag Unit II ang dating kampeon sa kanilang gilas sa pagpalo. Humantong ang panalo ng Unit II sa pakikipagham-pasan nila sa bola laban sa Unit III. Ang matitikas na kata-wan ng mga manlalaro ng Unit II ang nagsilbing susi upang maigpaw ang ginto at

pilayin ang katunggali ng hindi mapagbigyang takbu-hin at nasungkit nila ang medalya. Pumalo ng walong pun-tos ang Unit II samanatalang limang puntos ang hinam-pas ng Unit III sa unang inning. Hindi na pinapalo pa sa ikalawang inning ang Unit III at ipinako ng Unit II ang marka, walang nagawang puntos ang Unit III sa pan-galawang inning. Samantala, muling ti-nangka ng UNnit I na ma-panatili ang trono sa sopbol. Ang gigil na Unit II ang muli nilang nakasagupa. Dahilan sa binaldado na ang pag asang mapanatili ang korona sa baseball, determinado ang Unit I na mailigtas muli ang pag-kakanakaw ng kampeonato sa sopbol na kanilang pina-ghirapan noong nakraang taon ng palaro. Bagaman buo ang kum-piyansa ng Unit I, nilugmok

sila ng uhaw na koponan sa iskor na 14-6 sa loob ng tatlong innings. Binigo ng Unit II na maidepensa ng Unit I ang kanilang korona. “Akala ko ay kaya namin silang pataubin sa sopbol ngunit sadyang malalakas at magigilas maglaro ang mga bago nilang manlalaro”, inihayag ni Eric James Abad, Unit I pitcher. “Nahihiya tuloy kami kay Sir Rondina kasi hindi namin naidepensa ang titulo sa dalawang larong ito”, dagdag ni Abad. Dismayado si Dr. Nestor Z. Rondina, coach ng Unit I sa naging resulta ng laro. Matapos ang mapusok na labanan, nagdiwang at nagbunyi ang mga manla-laro ng Unit II at sa wakas ay nailagpak na nila sa pag-katalo ang mortal nilang katunggali sa mga larong ito.

Hindi hinayaang mag marka ng kahit isang puntos sa scoreboard ng Unit II ang Unit III sa kanilang salpukan para sa kampeonato ng basketbol girls sa bakbakan ng intramural, Ago 23-25. Nagtala ng anim na puntos ang Unit II laban sa nabokyang Unit III sa unang kalahati ng laro. Binirahan ng ace player nilang si Lea Fatima Cadavos ang pagbuslo ng bola upang ang iskor ay maitala. Tinangkang makahabol ng Unit III sa ikalawang kalahati ng laro ngunit sila’y binigo ng mapusok na depensa ng Unit II. Hindi na pinagbigyan pa ng Unit II ang kalabang koponan matapos na muling magtala ng anim na puntos ang nagliliyab sa kumpiyansang koponan. “Kagila-gilalas talagang maglaro si Cadavos”, punto ni Simonette Luna ng Unit III. “Hindi namin mapaigting ang opensa dahil sa mahigpit nilang de-pensa”, dagdag pa niya. Umuwing luhaan at duguan ang Unit III sa iskor na 12-0.

NI JAMES E. ROBISON

NI JAMES E. ROBISON