TB Info Hand-out

2

Click here to load reader

description

Given as a handout to a Filipino family during community duty.

Transcript of TB Info Hand-out

Page 1: TB Info Hand-out

Mga ilang

impormasyon

at paalala

Iprinepara ni: Marie Bernadette

“Bernice” Ares UP College of Nursing

Batch 2014

Nagpapataas ng posibilidad na mahawa ng tuberculosis

Pagkakaroon ng matagal at madalas na interaksyon sa mga taong may TB Mga bata at matatanda

Pagkakaroon ng mga karamdamang nag-papababa ng kapasidad ng katawan na labanan ang sakit, tulad ng: diabetes mel-litus, HIV, sakit sa bato, at kanser o kaya’y kondisyon na may mababang immunity tulad ng matatandang edad

Malnutrisyon Kawalan ng Bakuna (BCG) Hindi sapat na bentilasyon sa tinitirhan Maduming kapaligiran Siksikan sa komunidad Paninigarilyo Hindi pageehersisyo Dating nagkaroon ng TB

Mga Sintomas ng Tuberculosis Ubo na tumagal ng higit pa sa 2 linggo Lagnat lalo na sa hapon

Pananakit ng dibdib o likod na hindi dahil sa problema sa muscle o sa buto

Hemoptysis o plema na may dugo

Biglaang pagkagaan ng timbang Iba pa tulad ng pagpa-pawis, panghihina, pagkahilo at mabilis mahapo

HUWAG KAKALIMUTAN ANG MGA SUMUSUNOD:

Upang maging tuloy tuloy ang pag-galing at makaiwas sa pagbalik at paglala ng tuberculosis, wag kaka-limutang uminom ng gamot.

Kumain ng wastong dami at tamang klase ng pagkain.

Uminom ng maraming tubig Upang matulungan ang katawang la-

banan ang sakit, ugaliing mageher-sisyo.

Maging malinis sa katawan. Ugaliing maligo araw araw at magsipilyo.

Magkaroon ng sapat na tulog at pahinga.

Panatiliing malinis at maayos ang mga gamit sa kapaligiran.

Panatilihing sapat ang bentilasyon sa bahay upang ang hanging may tuber-culosis ay mailabas sa bahay

Hayaang makapasok ang liwanag ng araw sa loob ng bahay dahil ito ay na-kakatulong sa pagpatay ng tuberculo-sis sa hangin

Ugaliing magtakip ng bibig kapag uubo

Wag dudura kung saan saan At, maghugas lagi ng kamay

Page 2: TB Info Hand-out

Ano ba ang Tuberculosis? Ang tuberculosis ay isa sa mga nangungunang naka-

mamatay na sakit sa bansa at nananatiling isa

sa mga pangunahing pam-publikong problema ng

kalusugan ng bansa. Ito ay sanhi ng isang tubercle bacilli na nakakaapekto

madalas sa baga ngunit maaari ring makaapekto sa ibang mga parte ng katawan.

Paano ito naipapasa sa ibang tao

Ito ay napapasa sa iba sa pamamagitan ng pag-ubo, pagsasalita, pagtawa, pagbahing o pagkanta. Maaari rin itong makuha mula sa

laway ng taong may TB at pumatak sa sugat o sa kahit anong bukas na balat ngunit ito ay

madalang na mangyari. Hindi ito nadadala sa mga gamit tulad ng mga damit, libro o uten-sils. Hindi rin ito napapasa sa pamamagitan

ng paghinga lamang.

Mga pagsusuring kinakailangang gawin ng taong may sintomas ng tuberculosis

1. Chest x-ray – upang makita ang laki, hugis at pisikal na anyo ng baga

1. Direct Sputum Smear Microscopy o DSSM – tinitingnan ang plema upang makita kung mayroong mycobacte-rium tuberculosis

2. Tuberculin Skin Test o Mantoux Skin Test – tininting-nan nito kung ang isang tao ay may eksposyur sa my-cobacterium tu-berculosis.

Papaano ito ginagamot? Para sa Category I ng Pulmonary Tuberculo-sis, kinakailangang uminom ng Isoniazid, Ri-fampin, Pyrazinamide at Ethambutol ng 2 buwan at pagkatapos nito ay uminom ng Isoniazid at Rifampin sa susunod na 4 na bu-wan. Ang mga gamot na ito ay para sa pagpa-patigil ng pagrami ng bacteria at sa pagpatay sa mga ito. Importanteng tuloy tuloy ang pag-inom ng gamot dahil sa pagkakataong ito ay itigil nang hindi pa tapos ang 6 na buwan, maaaring bumalik ang tuberculosis at maaari itong maging MDR Tuberculosis o Multi-Drug Resistant Tuberculosis na mahirap gamutin dahil ang mga naunang gamot ay hindi umepekto. Maaari rin naming kailanganin nang turukan ng Streptomycin araw-araw. Upang maiwasan ang mga ito, siguraduhing babalik araw-araw sa health center para sa inyong gamot.

Kadalasang Side Effects ng mga Gamot

1. ISONIAZID - Maaaring magkaroon ng sakit sa atay na maaaring magdulot ng paninilaw ng mata at ba-lat - Tumawag sa doctor kapag nagkaroon ng pagkawala ng gana na hindi nawawala, panghi-hina, pagsusuka, pananakit ng tiyan, pamaman-hid ng daliri sa kamay at paa at pagkalabo ng mata. 2. RIFAMPIN - Maaaring magdulot ng orange na ihi, rashes, at paninilaw - Sabihin sa doctor kapag nagkalagnat, panghihina o biglaang pagkakapagod at labis na pananakit ng tiyan at pagsusuka 3. PYRAZINAMIDE - Nagkakaroon ng rashes kapag matagal na nakababad sa arawan. Iwasang magtagal sa ara-wan. - Maaaring magkaroon ng rashes at pananakit ng tiyan. -Ipaalam sa doctor kapag nagkaroon ng pan-inilaw ng balat at mata, pananakit ng kasu-kasuan at pagsusuka. 4,. ETHAMBUTOL - Ipaalam sa doctor kapag nagdulot ng prob-lema sa paningin, pamamaga ng mukha, nahi-hirapan huminga, pananakit ng kasu-kasuan at ulo, pagsusuka at pagkakaroon ng lagnat

Ibibigay ang mga ito nang sama-sama sa iisang tableta. Sabihin sa doctor, sa nars o sa barangay health worker ka-pag nakaramdam o nakapansin ng mga bagay na na-kasulat sa itaas.