Tapatang Caviteno Special Edition

7
January - June 2012 Vol. 3 Issue 1 Muling gumawa ng kasaysayan ang Cavite bilang kauna-unahang ISO Cerfied Provincial Government sa buong Pilipinas at sa buong Southeast Asia nang igawad ang 9001:2008 cerficaon para sa Quality Management System na magsisilbing pamantayan ng mahusay na pamamahala sa gobyerno parkular sa mga pamahalaang lokal. Ang simbolo ng ISO - katumbas ay tapat at de-kalibreng serbisyo sa mga Kabitenyo. Ang karangalang iginawad ay nasaksihan ni DILG Region IV-A Regional Director Josefina Caslla-Go na nagsilbing panauhing pandangal at pangunahing tagapagsalita, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Vice Governor Recto Canmbuhan, pamunuan ng iba’t ibang munisipyo at lungsod sa pangunguna ng mga alkalde at mga kawani ng pamahalaang panlalawigan noong ika-11 ng Hunyo, 2012 kasabay ng pagtataas ng watawat sa provincial gymnasium sa Trece Marres City. Una rito, ipinagkaloob ng cerfying body na binubuo ng mga kinatawan mula sa Anglo Japanese American (AJA) Registrars ang Cerficate of Aestaon noong ika-3 ng Mayo, 2012 sa pamahalaang panlalawigan matapos ang ikalawang yugto ng external audit kung saan walang nakitang paglabag o non-conformity sa mga tanggapang isinasailalim sa serpikasyon kabilang ang Office of the Provincial Governor, Sangguniang Panlalawigan, Treasury at Assessor’s office gayundin ang ilang support offices kasama ang Human Resource Management Office, Provincial Planning and Development Office at General Services Office. Mas maaga ito ng 27 araw sa target schedule ng pamahalaang panlalawigan. Sundan sa pahina 2 ni Evelyn M. Reyes P.3 P.5

description

Tapatang Caviteno Special Edition

Transcript of Tapatang Caviteno Special Edition

January - June 2012Vol. 3 Issue 1

Muling gumawa ng kasaysayan ang Cavite bilang kauna-unahang ISO Certified Provincial Government sa buong Pilipinas at sa buong Southeast Asia nang igawad ang 9001:2008 certification para sa Quality Management System na magsisilbing pamantayan ng mahusay na pamamahala sa gobyerno partikular sa mga pamahalaang lokal. Ang simbolo ng ISO - katumbas ay tapat at de-kalibreng serbisyo sa mga Kabitenyo.

Ang karangalang iginawad ay nasaksihan ni DILG Region IV-A Regional Director Josefina Castilla-Go na nagsilbing panauhing pandangal at pangunahing tagapagsalita, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Vice Governor Recto Cantimbuhan, pamunuan ng iba’t ibang munisipyo at lungsod sa pangunguna ng mga alkalde at mga kawani ng pamahalaang panlalawigan noong ika-11 ng Hunyo, 2012 kasabay ng pagtataas ng watawat sa provincial gymnasium sa Trece Martires City.

Una rito, ipinagkaloob ng certifying body na binubuo ng mga kinatawan mula sa

Anglo Japanese American (AJA) Registrars ang Certificate of Attestation noong ika-3 ng Mayo, 2012 sa pamahalaang panlalawigan matapos ang ikalawang yugto ng external audit kung saan walang nakitang paglabag o non-conformity sa mga tanggapang isinasailalim sa sertipikasyon kabilang ang Office of the Provincial Governor, Sangguniang Panlalawigan, Treasury at Assessor’s office gayundin ang ilang support offices kasama ang Human Resource Management Office, Provincial Planning and Development Office at General Services Office. Mas maaga ito ng 27 araw sa target schedule ng pamahalaang panlalawigan.

Sundan sa pahina 2

ni Evelyn M. Reyes

P.3P.5

January - June 2012Vol. 3 Issue 1

January - June 2012Vol. 3 Issue 1

HInDI MATATAwARAn ang karangalang hinahakot ng lalawigan ng Cavite sa larangan ng mabuting pamamahala. Pagkilala ito sa masigasig na kampanya ng pamahalaang panlalawigan sa pagsugpo sa korapsyon, paglilinis sa hanay ng mga namumuno sa bawat tanggapan, pagdidisiplina sa mga kawani nito, at pagbibigay ng mas angkop na serbisyo publiko sa mga Kabitenyo.

noong ika-10 ng Pebrero, 2012, muling kinilala ang husay ng mga pamahalaang lokal sa Cavite nang ipagkaloob ng Department of Interior and Local Government (DILG), sa pamamagitan ni Secretary Jesse Robredo at Provincial Director Efren Echavia, ang Seal of Good Housekeeping sa pamahalaang panlalawigan, sa labingsiyam na munisipalidad at tatlong lungsod ng Cavite.

Ang good housekeeping seal ay ipinagkakaloob sa lokal na pamahalaan na nagpapamalas ng kagalingan sa larangan ng planning, budgeting, revenue, mobilization, financial management, budget execution, procurement at resource mobilization. Kinikilala rin nito ang lokal na pamahalaan na nagpapakita ng pagkakaisa sa mga prinsipyo ukol sa malinaw at responsableng pamamahala. Ang mga pinarangalang pamahalaang lokal ay nakatanggap ng tig-isang milyong piso mula sa Performance Challenge Fund (PCF) ng DILG habang ang pamahalaang panlalawigan ay tumanggap naman ng tatlong milyong pisong cash incentive.

Ayon kay Gobernador Remulla, hangad ng pamahalaang panlalawigan na maiangat ang antas ng pamamahala, gayundin ang pagpapabilis sa pagbibigay

2 3Balita Balita

UPAnG LUbOS na palakasin ang turismo sa Cavite, inilunsad noong ika-6 ng Pebrero sa ginanap na Monday flag raising ceremony ang bagong Cavite Travel Guide sa Provincial Gymnasium sa Trece Martires City. Ito ay isa sa mga proyekto ng Cavite Provincial Tourism board, Inc. (CPTbI) at ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ng Provincial Tourism Office.

Humigit kumulang apat na buwan ang ginugol upang mabuo ang nasabing traveler’s guide na nagpapakita ng iba’t ibang pook pasyalan at libangan, resorts, museo, simbahan, hotel, restaurant, at mga travel agency na matatagpuan sa lalawigan. Kasama rin dito ang ilang paksa tungkol sa Cavite at ilang mga mahahalagang impormasyon na maaaring

magamit ng sinumang nagnanais na bumisita at mamasyal dito. Umabot sa 36 na tourism establishments ang nagbigay ng kanilang suporta upang magkaroon ng kaganapan ang nasabing proyekto.

Ang nasabing brochure ay ilalagay sa ilang mga establisyemento, hotel, restaurants, daungan at paliparan upang mabilis na maipakalat at ang tanggapan ng Provincial Tourism ang nakatalagang mag-market nito.

naging matagumpay ang paglulunsad ng travel guide na dinaluhan ng mga opisyales ng CPTbI sa pangunguna ng Presidente nito na si Mr. Aquino Garcia, mga kinatawan mula sa Cavite Travel and Tours Association, Cavite Restaurants Association, Cavite Hotels and Resorts Association, SM Supermalls, Imus Institute, De La Salle University – Dasmariñas at GbR Museum.

Pagkatapos ng programa, nagtungo ang mga panauhin sa Cavite Republic para sa pamamahagi ng Traveler’s Guide at upang ipagdiwang na rin ang matagumpay nilang paglulunsad na pinangunahan ng Provincial Tourism Office sa ilalim ng pamamahala ni Ms. Liberty A. Herrera.

“Ang New Cavite Travel Guide ay nakatakdang magamit para sa susunod na tatlong taon ngunit sa dami ng suportang natanggap ng nasabing proyekto at mga establishments na nagnanais na mapabilang din sa brochure, muli kaming maglalabas ng ikalawang edisyon sa loob lamang ng isa at kalahating taon,” ayon kay Ms. Herrera. Amy C. Cabrera

Ano ang ISO?Ang ISO o International Organization

for Standardization ay isang pederasyon ng mga organisasyong pangpamantayan na binubuo ng kinatawan mula sa 163 bansa sa buong mundo. Halaw sa Greek word na “isos” na nangangahulugang “pantay”, nabuo ang organisasyon noong ika-23 ng Pebrero, 1947 bilang isang non-governmental organization na nagtatakda ng pamantayang pang-industriya at komersyo. Ang Pilipinas ay isa sa mga kasapi ng ISO at kinakatawan ito ng bureau of Product Standards ng Department of Trade and Industry.

Maraming pamantayan ang binuo ng ISO para sa iba’t ibang sangay at larangan kabilang ang ISO 9001:2008 na nagtatakda ng mga rekisito para sa Quality Management System. Ang mga pamantayan sa ilalim nito ay dinisenyo upang tulungan ang mga organisasyon na siguruhing maipagkakaloob ng sapat at tuloy-tuloy ang mga pangangailangan ng mga kliyente. Pinalalakas din nito ang organisasyon upang makabuo ng mga mekanismo na titiyak sa patuloy na pagsasaayos ng mga produkto o kaya’y serbisyong ipinagkakaloob.

bagama’t kadalasang sa mga pribadong kumpanya ito ipinatutupad, mahalaga ang ISO 9001 certification sa pamahalaang lokal sapagkat inaasahang maitataas nito ang antas ng kumpyansa ng mamamayan sa serbisyo ng gobyerno dahil sa mas

episyenteng sistemang ipinatutupad. May positibong epekto rin ito sa koleksyon ng buwis, sa moral ng mga empleyado at sa mahusay na pagpapasya ng administrasyon batay sa mga kongkretong basehan. Ito rin ang susi sa tuloy-tuloy na pagpapahusay ng serbisyo publiko.

orientation seminar sa mahigit 200 kalahok noong ika-19 ng Disyembre 2011 sa Sangguniang Panlalawigan Session Hall. Matapos nito, isinunod ang top management orientation para sa mga myembro ng Sangguniang Panlalawigan at department heads kasama si DAP Vice

Bagong Cavite Travel Guide

KInILALA nI Gob. Jonvic Remulla ang dalawang kabataang Kabitenyo na nagbigay ng karangalan sa lalawigan sa kanilang mga nakamit na tagumpay – sina Denesse Cajulis ng Cavite City at Mark Anthony Quintos ng bacoor.

Pinagkalooban niya ng sertipiko ng pagkilala at medalya si Cajulis, isang mag-aaral na nagtapos bilang summa cum laude sa kursong bA in Marketing sa London Metropolitan University. Si Cajulis ay consistent honor student sa St. Joseph College at President Lister naman sa Southville Foreign University sa Las Piñas bago siya nag-aral sa United

Kingdom. Si Quintos naman, isang mag aaral

na nasa ikaanim na baitang sa Aniban Central School ay nanalo ng bronze medal sa 7th International Math and Science Olympiad na ginanap sa bali, Indonesia noong isang taon. Pinagkalooban siya ng gobernador ng dalawampung libong piso at dalawang set ng computer.

Ipinahayag ni Gob. Remulla ang paghanga sa mga kabataang pinarangalan sa kanilang pagsisikap sa pag aaral at pagpapamalas ng galing sa iba’t ibang larangan dala ang dangal ng Kabitenyo.

Dangal ng Lahing KabitenyoDENESSE CAJULIS

MARK ANTHONY QUINTOS

Seal of Good Housekeeping

MAPAyAPAnG pamayanan, tahimik na tirahan para sa sambayanan – ito ang hangad ni Gov. Jonvic Remulla para sa mamamayan ng Cavite. At upang matiyak ang pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan ng lalawigan, gayundin, mapahusay ang pagganap sa tungkulin ng mga alagad ng batas, ipinamahagi ni Gobernador Remulla ang ikalawang batch ng mobile patrol vehicles sa hanay ng kapulisan ng Cavite Provincial Police Office noong ika-13 ng Pebrero sa Trece Martires City. Tinanggap ito ni Provincial Director Senior Superintendent John C. bulalacao sa harap ni Police Chief Supt. James Andres b. Melad, Regional Director, Police Regional Office IV-A at Police Director Gen. nicanor A. bartolome, Chief ng Philippine national Police. May kabuuang bilang na dalawampung mobile patrol cars at dalawang multi-cabs na kumpleto sa accessories gaya ng blinkers, stickers, sirens at radio communications ang ipinagkaloob sa CPPO simula ng maupo ang gobernador bilang punong ehekutibo ng lalawigan. Ipinamahagi ang unang batch kabilang ang 10 mobile patrol cars, 25 base radio, 46 mobile radio, 55 handheld radio, isang unit na repeater system, 21 sets ng SwAT tactical equipments, isang pirasong combat shield, isang pirasong dynamic entry black hawk at buckles para sa miyembro ng CPPO noong ika-13 ng Hunyo ng nakaraang taon. binigyang-diin ng gobernador na ang serbisyong maaaring ipagkaloob ng lokal na pulisya ay mapabubuti sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng sapat na kagamitan at sasakyan upang agarang makatugon sa emergency situations at masugpo ang krimen at iligal na gawain sa lalawigan. “Ang katahimikan at kaayusan ay susi sa

pag-unlad at ito ay maaring makamit sa pamamagitan ng maayos na pakikipag-ugnayan at kooperasyon sa lokal na pulisya. Hinihikayat natin ang ating mamamayan na suportahan ang pamahalaang panlalawigan at ang PnP sa pagpapanatili ng kaligtasan ng ating komunidad,” anang gobernador. Tiniyak at ipinangako ni Governor Remulla sa CPPO ang pamimigay ng sampung sasakyan kada taon ng pamahalaang panlalawigan o 50 sasakyan sa loob ng limang taon. Dumalo sa naturang pagdiriwang ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa pamumuno ni bise Gobernador Recto Cantimbuhan, mga alkalde at bise alkalde ng iba’t ibang munisipalidad, mga konsehal at mga namumuno sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, gayundin ang mga kawani ng pamahalaang panlalawigan. Gina P. Pereña

Pamamahagi ng ikalawang batch ng Patrol Vehicles para sa kapulisan

Pagpasok ng buwan ng Pebrero, pormal nang sinimulan ang pagpapatupad ng quality management system at kaugnay nito inilunsad ang Quality Policy ng pamahalaang panlalawigan noong ika-6 ng Pebrero bilang isa sa mga rekisito para sa sertipikasyon. nakasaad dito ang panata ng mahusay na paglilingkod at mga hakbang na gagawin tungo sa pag-abot ng mga ito gayundin ang countdown para sa ISO certification na hinihintay ng lahat. Ito na rin ang hudyat ng pormal na simula ng teknikal na proseso para sa sertipikasyon.

Mula noon, tuloy-tuloy ang mga pagsasanay na ginagawa upang maisakatuparan ang mga pagbabagong kailangan tungo sa sertipikasyon. Dumaan din sa internal audit ang mga tanggapang kasama sa sertipikasyon at pinag-aralan ang kalakasan at kahinaan ng mga sinuring tanggapan maging ang mga pagwawastong kailangang gawin upang maisaayos ang mga ito. Patuloy na hinihimok ni Gov. Remulla ang lahat ng empleyado na makiisa sa pagbabagong anyo at sistema ng kapitolyo dala ng ISO certification. Panawagan niya na gawing kultura ang mahusay na paglilingkod, maayos na disposisyon sa trabaho, presentableng pananamit at pagkilos upang maging magandang halimbawa sa lahat ng kawani ng gobyerno. Sa gumagandang kalidad ng serbisyo-publiko ng pamahalaang panlalawigan, hindi na malayong makamit ang minimithi nitong pagkilalang Cavite, First Class, World Class.

Tatak ISO ...Mula sa pahina 1

isinulat ni: Gina P Pereña kuha ni: Victor B. Bibit

HInDI MATATAwARAn ang kahalagahan ng kaayusan at katahimikan sa isang lipunan. Sapagkat karugtong ng katahimikan ng pamayanan ang kaunlaran ng lalawigan, isinusulong ni Gob. Jonvic Remulla ang mas epektibong paraan upang mapanatili ito.

Sa pamamagitan ng pagtatalaga ng sapat na pondo para sa Cavite Philippine national Police na pinamumunuan ni Provincial Director John C. bulalacao, malaki ang ibinaba ng crime rate sa lalawigan. Ayon sa datos, may 18.80 porsiyento ang ibinaba ng krimen sa Cavite mula 2010 hanggang 2011.

Maliban sa suportang pinansyal, kagamitan at sasakyan na ipinagkakaloob ng pamahalaang panlalawigan sa kapulisan, sinisikap rin ni Gov. Jonvic Remulla na mailagay sa mas angkop na lugar ang headqurters ng Cavite PnP upang mas mapahusay ang serbisyo nito mula sa dating himpilan sa Camp Pantaleon Garcia sa lungsod ng Imus tungo sa mas malawak na Camp Melencio de Sagun sa Osorio, Trece Martires City.

Upang bigyan ng karagdagang ayuda ang PnP sa pangangalaga ng kaayusan at katahimikan sa lalawigan, ang Cavite

rin ang unang pamahalaan panlalawigan na nagtatag ng isang public safety office bilang isang regular na departamento

Katahimikan at kaayusan ng pamayanan, para sa kagalingan ng mamamayan

ni Gina P. Pereña

ISO CERTIFIED: Si Gob. Remulla habang nagsasalita sa harap ng mga empleyado kaugnay ng ISO Orientation Seminar.

Unang Yugto…Ang proseso ng

ISO certification ay kadalasang tumatagal ng anim hanggang walong buwan depende sa bilis ng pagkilos ng organisasyon. Subalit target ng pamahalaang panlalawigan na matapos ito ng mas mabilis sa loob ng apat hanggang limang buwan. Inihayag ni Gov. Jonvic Remulla ang plano para sa ISO certification at itinalagang Quality Management Representative si G. Alvin Mojica para manguna sa ISO cerification project kasama ang ISO core team na binubuo naman ng mga piling empleyado mula sa iba’t ibang tanggapan. Sa pakikipagtulungan at ayuda ng Development Academy of the Philippines, inilatag ang serye ng mga gawain na kailangang matupad ng pamahalaang panlalawigan at mga pamantayan na kailangan nitong abutin.

Ginanap ang unang ISO general

President Arnel Abanto. Ang mga myembro naman ng ISO Core Team ay dumaan sa isang intensibong training-workshop sa QMS documentation sa DAP Tagaytay City noong ika18-20 ng Enero kung saan hinasa ang kanilang kakayahan sa pangangalap, paglalatag at pagproseso ng mga datos kaugnay ng quality management system.

Puspusang Trabaho para sa ISO…

PLAKE NG KARANGALAN: Makikita sa larawan si Gob. Remulla habang tinatanggap ang plake ng Seal of Good Housekeeping mula kay DILG Sec. Jesse Robredo.

PATROL VEHICLES PARA SA CPPO: Ipinakikita ni Gob. Jonvic Remulla ang patrol car na ibinigay sa CPPO sa harap ni Provincial Director Senior Superintendent John C. bulalacao ,Police Chief Supt. James Andres b. Melad, Regional Director, Police Regional Office IV-A at Police Director Gen. nicanor A. bartolome, Chief ng Philippine national Police. Makikita rin sa larawan si Mayor Strike Revilla ng bacoor.

ng serbisyo publiko upang makamit ang nais na maging pinakamahusay na lalawigan sa larangan ng pamamahala sa taong 2012.

Ito ay matapos makuha ng lalawigan ng Cavite ang ikawalong pwesto sa sampung top performing province sa Local Governance Performance Management System (LGPMS) ng DILG. Ang Cavite rin ay hinirang bilang Regional Gawad Pamana ng Lahi 2011 Awardee – Provincial Category.

“nais nating isulong ang layunin na maging pinakamahusay na lalawigan sa buong Pilipinas na mayroong pinakamabisang paraan ng pamamahala . Ang mga parangal na ating tinanggap ay magsisilbing inspirasyon upang mas pagbutihin natin ang pagsisilbi sa mga kapwa Kabitenyo at maisabuhay ang ating mithiin na Cavite, First Class, world Class,” ani Gobernador Remulla.

ni Gina P. Pereña

sa organisasyon nito - ang Cavite Office of Public Safety na may iba’t ibang dibisyon: ang Road Safety Division, Personal Protection Division, Disaster Risk Reduction and Management Division at Environment Protection Operations Division.

Patuloy rin ang pagpapalakas ng PnP sa kanilang hanay sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pagsasanay at pag-recruit ng karagdagang tauhan na tutugon sa kakulangan upang mailapit sa tamang ratio na isang pulis sa kada isanlibong katao.

Mayroong kabuuang 132 PnP qualified applicants ang inindorso sa ORPHRDD (R-1) para sa 2nd Phase Cy 2011 Regular Recruitment Program, anim na PnP personnel ng Cavite PPO ang nakapasa sa Lateral Entry Program Cy 2011, 86 PnP personnel sa Individual Training Program, 116 personnel sa Specialized Training Program. 11, 158 naman ang lumahok sa Unit Training Program.

Sa patuloy na magandang ugnayan at pagtutulungan ng kapulisan at pamahalaang panlalawigan, nakatitiyak tayo ng isang payapang lipunan.

January - June 2012Vol. 3 Issue 1

January - June 2012Vol. 3 Issue 14 5Balita

TUMAnGGAP ng suportang pinansyal na nagkakahalaga ng P400,000 ang Palangue Agrarian Reform Cooperative sa naic, Cavite mula sa Philip Morris Fortune Tobacco Corporation (PMFTC) bilang bahagi ng kanilang corporate social responsibility (CSR) program. Ang seremonyal na paggawad nito ay ginawa kasunod ng Monday flag raising ceremony sa kapitolyo noong ika-20 ng Pebrero sa Trece Martires City. naghayag naman si Gov. Jonvic Remulla ng kanyang pasasalamat sa PMFTC sa kanyang lingguhang mensahe. Ayon kay Cynthia Lapid, Provincial Agrarian Reform Officer, ang iginawad ng PMFTC ay malaking tulong sa operasyon ng kooperatiba kung saan kabilang ang pangangalakal ng mga gulay, pagpapanatili ng kanilang mini-grocery at pagtitinda ng ilang produkto gaya ng liquefied petroleum gas (LPG) at mga pangangailangan ng mga magsasaka. Saklaw din nito ang loan assistance sa mga miyembro na nagnanais mamuhunan para sa kanilang pagsasaka at pangangalakal. Samantala, ipinahayag ni PMFTC Representative Engr. boyet Mercado na ang nasabing CSR program ay kampanya nila sa buong bansa, at ang pagpili nila sa Palangue Coop ay umpisa ng kanilang

proyekto na kung magtatagumpay ay maraming kooperatiba pa ang maaaring mabiyayaan ng katulad na suporta. Malaki ang pasasalamat ng pangulo ng Palangue Agrarian Reform na si Joselito Tibayan sa PMFTC gayundin sa DAR-Cavite, sa suportang kanilang natanggap na tiyak na makapagpapataas ng kalidad ng mga serbisyong handog ng kooperatiba sa mga magsasaka at miyembro nito. Higit pa rito, abut-abot ang pasasalamat niya sa pag-unawa at pagtugon sa pangangailangan ng mga magsasaka. Rochelle Dones

P400,000 Tulong sa isang kooperatiba ng magsasaka sa Cavite

Opinyon

JUANITO VICTOR C. REMULLA, JR. Gobernador

Serbisyong sapat sa panunungkulang tapat….

EDITORYALKulturang ISO, tulay sa progreso

Mga minamahal na Kabitenyo,Sa edisyong ito ng ating opisyal na

lathalain, ikinagagalak kong ipaabot sa inyo ang tagumpay na ating nakamit sa pagiging

kauna-unahang ISO certified provincial government ng Cavite na bunga ng ating magsisikap na

itaas ang kalidad ng serbisyo para sa inyo.

Ito ay isa sa mga legasiyang nais kong maging

tatak ng

Kung babalikan marahil sa kasaysayan ng kapitolyo ang taong 2012, pinakamalaking tatak na maiiwan ang ISO certification na nasungkit nito. bakit nga naman hindi, dito nagkaroon ng tila ISO hype ang lahat ng empleyado, mula sa hepe hanggang sa karaniwang empleyado mapa-utility worker o security personnel. bawat isa, may pagbabago mula sa pagkilos, pananamit at sa pangkalahatang kalidad ng trabaho. Pag pumasok ka sa kapitolyo, iisipin mong ikaw ay nasa isang pribadong kumpanyang may istriktong pamantayan sa mga kawani nito, mas propesyunal, maayos at listo sa paghahatid ng serbisyo.

Hindi naman nasayang ang pagbabagong-anyo kahit pa sabihing noong una, talagang maraming nanibago, dala siguro ng umiiral na mentalidad na madali sa lahat ng trabaho ang maging empleyado ng gobyerno – isang siste na naging tila kultura na lalo na sa mga ilang dekada na ang inilalagi sa gobyerno. bakit nga hindi? balikan natin halimbawa ang simpleng pagpasok sa opisina. noong una, sulat kamay lang ang attendance. Tapos nauso ang bundy clock pero may mga nakakalusot sa “pakisuyo” para mag-in and out. nang sinimulan ang biometrics, madami ang nanibago dahil hindi nga naman pwede ipadala ang darili ng mga kamay para ipakisuyo ang pag-log sa machine. Pero kalaunan, nakasanayan din at nabago ang sistemang papasok kung anumang

oras gusto.nang simulan ang ISO, tila

nabulabog ang mga ugat at nahalukay maging ang mga inaagiw na sulok ng kapitolyo. Isang malaking hakbang tungo sa pagsasaayos ng sistema na pinaiiral upang mas mapaglingkuran ng maayos ang mga kliyente na may iba’t ibang pakay sa mga tanggapan ng pamahalaang panlalawigan. Malaking bagay ang pagbibigay-diin dito ng pamunuan at ang ipinakitang dedikasyon ng ISO core team upang tutukan ang karagdagang trabahong iniatang sa kanila. naging maganda rin ang pagtanggap ng mga empleyado sa mga pagbabagong kailangang gawin mahirap man ito sa una.

ngayong nakuha na ang pinapangarap na ISO certification, wag naman sanang tuluyang maglaho na tila nga isa lamang hype o ningas kugon ang pagbabagaong dala ng ISO. bagkus ay maging isa na itong kultura na isinasabuhay ng bawat empleyado sa kapitolyo at magsilbing isang matatag na tulay na maghahatid sa atin sa inaasam na progreso na magmumula sa kung paano natin paglingkuran ang ating mga mamamayan.

Panghuli, huwag nating kakalimutan na anumang oras ay maaring bawiin ang sertipaksyon sa sandaling may makitang hindi pagtalima sa pamantayan ang mga tanggapan sa kapitolyo. Isipin sana natin na karaniwang tao ang makikinabang sa mahusay nating serbisyo, hindi anumang organisasyon na susukat lamang sa klase ng ating trabaho.

noong hindi pa ako nagtatrabaho sa gobyerno at kasalukuyan akong naglilingkod sa isang pribadong tanggapan, nahihiwagaan ako sa takbo ng buhay ng mga taong gobyerno. Maraming katanungan ang naglalaro sa aking isipan ukol sa kanila. Totoo kaya ang mga naririnig ko noon na kapag sa gobyerno ka nagtatrabaho, ikaw ay corrupt, walang ginagawa sa opisina at paupo-upo lamang? Paanong ang isang simpleng kawani ng pamahalaan ay nakaka-afford ng mga mamahaling kagamitan, may magagandang bahay at magagarang sasakyan?

Sa pagpasok ko bilang isang kawani sa tanggapan ng Provincial Information and Community Affairs Department, namulat ako sa maraming bagay na nagpapagulo sa aking isipan. nalaman ko ang mga kasagutan sa mga tanong na hindi lamang marahil ako ang nag-iisip. Oo, natuklasan kong may mga kawaning gumagawa ng katiwalian at sumusweldo ng walang trabahong natatapos, subalit marami pa rin naman pala ang tapat at may malasakit sa hanapbuhay. bilang isang kawani ng gobyerno, masakit kapag may naririnig kang puna o kamalian. Subalit kailangang matutuhan nating pakisamahan at tanggapin ang mga ipinupukol na masasakit na salita ukol sa atin. nasa kamay natin kung tayo ba ay matutulad sa mga taong mapagkamal ng salapi o sa mga taong nagpapakasakit upang maibangon ang puri ng mga kawani ng gobyerno. Hindi lamang sa iba kailangang patunayan na karapat dapat tayo sa ating sinumpaang tungkulin. Higit kaninuman, kailangang patunayan natin sa ating mga sarili ang kahalagahan ng mga magagandang katangian na itinuro sa atin ng ating mga magulang. Kailangang maging sensitibo tayo sa kahalagahan ng pagbibigay ng angkop na serbisyo-publiko lalo na sa kapwa natin kabitenyo.

Sa paglulunsad ng kampanya upang maging kauna-unahang lalawigan na ISO certified, malaki ang naging pagbabago sa lahat ng

tanggapan ng lokal na pamahalaan. Sabi nga nila, “me ISO fever sa kapitolyo” at nakahahawa ang siglang nadarama ng bawat isa. Ang lahat ay may ngiti na sa mga labi sa pagtanggap ng mga bisita, ang bawat tanggapan ay malinis at kaaya-aya , at higit sa lahat nagkaroon ng takot ang karamihan na gumawa ng katiwalian. bakit? Sapagkat noon pa man, sinikap na ng gobernador na maalis ang korapsyon at

katiwalian sa kapitolyo at magbagong anyo ang mga kawani nito. Kailangang presentable ang lahat sa pagbibigay ng serbisyo publiko, maging ito ay sa itsura, gayundin sa pag –uugali. bawal ang masungit. bawal ang nakasimangot. bawal ang tiwali sa gobyerno. Sikapin natin na mabura ang stigma na kapag sa gobyerno nagtatrabaho, automatic corrupt! Mali ito. Sapagkat marami pa ring kawani ang nagpapahalaga sa dangal at prinsipyo. Marami pa ring tao sa gobyerno ang sinserong tumutulong sa kapwa. Mayroon pa ring hindi nasisilaw sa kinang ng salapi at taas ng posisyon. Mayroon pa ring hindi takot sa pagbabago kung ito naman ay para sa kapakanan ng nakararami. Himukin natin ang iba na huwag padala sa kaway ng tukso. Himukin natin ang iba na magpakatao!

pamahalaang panlalawigan kung saan ang mga kawani ay kaisa sa paghahatid ng serbisyong tapat, marangal at maipagmamalaki. Katuparan ito ng ating hangaring maitatag ang progresibong sistema sa gobyerno na tutugon sa pangangailangan ng mamamayan na pantay at walang kinikilingan, mabilis at epektibo.

Samahan ninyo kami sa patuloy na pagtataguyod ng mahusay na paglilingkod tungo sa maunlad na lalawigan.

Mensahe

MULInG PInATUnAyAn ni Gob. Jonvic Remulla ang malasakit sa sektor ng agrikultura na isinusulong din ng kanyang ama, si dating gobernador Johny Remulla, sa isang Stakeholders Forum noong ika-18 ng Mayo sa provincial gymnasium sa Trece Martires City kung saan nagsama-sama ang humigit-kumulang 1400 magsasaka, mangingisda, livestock raisers, mga municipal/city agriculturists, agricultural officers, agricultural technicians at mga organisasyon mula sa iba’t ibang bayan at lungsod upang isulong ang sangay ng agrikultura sa lalawigan.

Sa naturang okasyon, nabigyan ng pagkakataon ang mga stakeholders na makakalap ng kaalaman at makatanggap ng mga tulong na ipinamahagi ng Department of Agriculture sa pangunguna ni Sec. Procesor Alcala at Regional Field Unit IV-A Director Vilma Dimaculangan kasama ang mga direktor ng bawat sangay ng ahensya gayundin ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Provincial Agriculturist, Engr. Mario Silan at ng kanilang buong tanggapan.

Layon ng Stakeholders Forum na bigyan ng pagkakataon si Sec. Alcala na mabisita ang iba’t ibang proyektong pang-agrikultura sa Cavite at malaman ang mga isyung kinakaharap ng lalawigan ukol dito. Sa kanyang pagdalaw, personal niyang nakita ang kalagayan ng mga magsasaka, mangingisda at mga livestock raisers na makakatulong sa pagbalangkas ng mga hakbang upang matugunan ang kanilang pangangailangan. Kabilang naman sa mga binisita ni Sec. Alcala ang Gen. Trias Dairy Raisers Cooperative at Pig City (JE Farm) sa Gen. Trias , Uplang Green Farm at Café Amadeo Development Cooperative sa

Stakeholders ForumAmadeo.

Kasabay ng Forum, iginawad ang plake sa mga nanalong natatanging Magsasaka o Asosasyon ng lalawigan ng Cavite na kalahok sa GAwAD SAKA Regional Search for Outstanding Achievers. Kabilang sa mga nagwagi sina Elmer R. Rodriguez, Outstanding Large Animal Raiser (Imus), Teodoro M. dela Cruz, Outstanding High Value Crops Farmer (Amadeo), Sergio b. Garcia, Outstanding Small Animal Raiser (Amadeo), Kervin R. Rosano, Outstanding young Farmer (Indang), bacoor Municipal Fisheries and Aquatic Resources Management Council, Outstanding MFARMC, and Magallanes women’s Club Multi-Purpose Cooperative, Outstanding Agri- Entrepreneur (Magallanes).

Isang Memorandum of Agreement (MOA) ang nilagdaan ni Gob. Remulla kasama si Regional Executive Director Vilma M. Dimaculangan ng DA-RFU-IV-A para sa gagamiting traktora para sa Mais Kabitenyo project.

MATAGUMPAy na nilagdaan ang isang memorandum of agreement para sa paglulunsad ng Integrated Demonstration Project at pagsusulong ng sektor ng agrikultura at pangisdaan sa lalawigan noong ika-16 ng Marso sa provincial gymnasium sa Trece Martires City. Ang nasabing pagdiriwang ay naidaos sa pagtutulungan ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ng tanggapan ng Provincial Agriculturist, Cavite Modern Growers, Inc. (CMGI) at ng Upland Green Farm. Laman ng nasabing kasunduan ang mga itinatakda ng Agriculture and Fisheries Modernization Act (AFMA) kabilang ang pagbibigay prayoridad ng pamahalaan sa pananaliksik at pag-aaral sa larangan ng pagsasaka at pangingisda upang matustusan ang pangangailangan ng mga magsasakang Caviteño. Layunin din nito na bigyan ng ibayong prayoridad at suporta ang pagtatatag ng isang integrated demonstration farm sa lalawigan. Sa pamamagitan ng programang ito, tuturuan ang mga magsasaka ng tamang pamamaraan ng pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman gamit ang mga makabagong teknolohiya. Magsisilbi rin itong show-window sa mga Lakbay Aral para sa mga magsasakang nais madagdagan ang kaalaman sa larangan ng pagsasaka. Kabilang sa mga lumagda sa nasabing Memorandum of Agreement sina Gov. Juanito Victor C. Remulla, Jr. na kumakatawan sa Pamahalaang Panlalawigan, Dir. Vilma M. Dimaculangan, OIC at Regional Executive Director ng Department of Agriculture RFU IV-A, Mr. Jose Alfonso R. Oposa, farm manager ng

Upland Green Farm at si Mayor benjarde A. Villanueva ng Pamahalaang Lokal ng Amadeo. nagkaroon din ng Technology Forum kung saan tinalakay ni Mr. Anthony C. Cortes, Manager ng East west Seed Philippines Farm Ready ang Modern Technologies in Growing Vegetables Particularly on Farm Ready Technology. Samantala, ibinahagi naman ni Mr. Joselito T. Tibayan, isang Magsasaka Siyentista ang kaniyang kaalaman sa Nutrition Farming.Ang nasabing pagdiriwang ay dinaluhan din nina Vice – Gov. Recto M. Cantimbuhan, bM Irene bencito, Vice – Chairman ng Committee on Agriculture, Mayor benny Dimero ng Indang, Mr. Edilberto Silan, Consultant on Agro-Modernization at pangulo ng CMGI, at Engr. Mario C. Silan, Provincial Agriculturist. Amy C. Cabrera

INTEGRATED DEMONSTRATION FARM, SISIMULAN SA CAVITE

STAKEHOLDERS FORUM: Si Gob. Remulla sa kanyang mensahe sa mga kalahok.

MASAyANG PAGSALUBONG: Si PA Efren nazareno habang nakikipagkamay kay Sec Proceso Alcala ng Department of Agriculture.

PARTICIPANTS SA STAKEHOLDER FORUM: Kabilang ang mga mangingisda, magsasaka ivestock raisers, mga municipality/city agriculturists, agricultural officers, agricultural technicians at mga organisasyon mula sa iba’t ibang bayan at lungsod ang dumalo sa Stakeholder Forum.

INTEGRATED DEMO FARM: Lumagda sa isang MOA si Gob. Jonvic Remulla, kasama sina (mula kaliwa)Engr. Mario C. Silan, Prov’l Agriculturist; Vice-Gov. Recto M. Cantimbuhan; bM Irene bencito, Vice–Chairman ng Committee on Agriculture; Dir. Vilma M. Dimaculangan, OIC at Regional Executive Director ng DA RFU IV-A; Mayor benny Dimero ng Indang; Mayor benjarde A. Villanueva ng Amadeo at Mr. Jose Alfonso R. Oposa, farm manager ng Upland Green Farm.

TULONG MULA SA (PMFTC):nagpasalamat si Gob. Remulla (ikalawa sa kanan) at bise Gob. Recto Cantimbuhan(kaliwa) sa pamunuan ng PMFTC dahil sa P400,000 halagang suporta sa Palangue Agrarian Reform Cooperative sa naic.

Samantala, iba’t ibang proyektong pang-agrikultura na nagkakahalaga ng P22,292,600 ang hatid ng DA sa pangunguna ni Sec. Alcala para sa mga magsasaka ng Cavite. Kabilang dito ang dalawang four wheel drive heavy duty tractor (Mais Kabitenyo at Gen. Trias ), Coffee Roasting Facility (Amadeo), Village Level Coffee Processing Facility (Silang), Aquasilviculture sa Cavite State University (naic Campus), Farm to Market Road (Kaytambog, Indang), Diversion Dam (Tambong Kulit, Indang), Small Water Impounding Project (Carmona), dalawang Shallow Tube Well (Upland Green Farm, Pangi, Amadeo), 20 ph meter at iba’t ibang

uri ng binhi ng palay at mga gulay para sa mg magsasaka ng Cavite.

bukod pa dito ang ipina-raffle sa lahat ng dumalo sa Stakeholders Forum gaya ng isang hand tractor, isang rice thresher, isang collapsible dryer, isang hemit cocoon dryer, limang drum seeder, 20 knapsack sprayers, limang kalabaw, sampung kambing, 10 biik, at 30 bags ng white corn. Para sa mangingisda, namigay ang DA ng isang motorboat, 10 gill nets at limang motor ng bangka.

Vilma Constanteat Gina Pereña

January - June 2012Vol. 3 Issue 1

January - June 2012Vol. 3 Issue 1 Balita6 7

MULInG PInATUnAyAn ni Gobernador Jonvic Remulla ang kanyang pagpapahalaga sa mga Kabitenyong nagbibigay ng karangalan sa lalawigan ng Cavite. Kasabay ng flagraising ceremonies, kinilala ng pamahalaang panlalawigan ang galing ni Rodolfo Sarmiento, tubong Tagaytay City na nag-uwi ng dalawang silver at isang bronze medal sa chess competition ng 6th ASEAn PARAGAMES na ginanap sa Solo City Indonesia noong ika-12-21 ng Disyembre ng nakaraang taon.

Si Sarmiento ay visually impaired simula pa noong kanyang kabataan. Sa kabila nito, pinatunayan niyang hindi hadlang ang kapansanan sa pagkamit ng tagumpay basta’t may pagsisikap at dedikasyon.

Ipinagkaloob kay Sarmiento ang isang sertipiko ng pagkilala at sampung libong piso mula kay Gov. Remulla bilang gantimpala sa kanyang tagumpay.

“Hindi tayo magsasawa na kilalanin at suportahan ang mga kababayang nagbibigay karangalan sa ating lalawigan. Patuloy nating ipakita na ang mga Kabitenyo ay laging nangunguna sa anumang larangan. Gaya ng pagsisikap

Tagumpay sa kabila ng kapansanannatin na maging number one ang Cavite sa local governance, tularan natin ang mga Kabitenyong ito na nagpapamalas ng kanilang galing upang makilala ang husay ng mga mamamayan ng Cavite,” ani Gob. Remulla. Gina P. Pereña

Balita

AnG SAnGGUnIAnG P a n l a l a w i g a n ng Cavite, sa pangunguna ni Vice Governor Recto M. C a nt i m b u h a n , kasama ang 17 Board Members, ay nakapagpasa ng dalawang mahahalagang o r d i n a n s a pagpasok pa lamang ng taong 2012.

U p a n g m a t u g u n a n ang lumalaking

suliranin tungkol sa paglaganap ng sakit na “dengue”, ang Sanggunian ay nagtakda ng kautusan sa lahat ng barangay na nasasakupan ng probinsiya. Ayon sa Provincial Ordinance no. 2012-001 na ipinasa noong ika-9 ng Enero, at pangunahing inakda ni Kgg. Irene P. bencito mula sa ika-pitong distrito, kaagapay ang 17 bukal, ang lahat ng mga barangay sa Cavite ay kinakailangang magpatupad ng mga programa at gawain, katulad ng regular na paglilinis sa kanilang nasasakupan, na makakatulong upang maiwasan ang sakit na “dengue.” Ang kautusang ito ay alinsunod din sa nais ng Department of Health (DOH) na maging kaagapay ng mga barangay sa pagtugon sa sakit na ito. noon namang ika-6 ng Pebrero, ang Provincial Ordinance no. 2012-002 na may pamagat na “A Code Adopting and Pursuing a Public Private Partnership (PPP) Approach Towards Development, Creating

a PPP Regulatory Authority, and Providing Appropriations and Incentives Therefor and For Other Purposes” ay ipinasa sa sanggunian. Ito ay bilang pagtugon na din sa panawagan ni Gov. Jonvic Remulla na isakatuparan ang Public-Private Partnership (PPP) sa probinsya na magiging kapaki-pakinabang sa Cavite. Layunin ng PPP na paigtingin ang samahan ng lokal na pamahalaan at ng pribadong sektor at maging magkatuwang sa pagsasagawa ng mga proyektong pang-imprastruktura at iba pang development projects para sa mas mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng sambayanang Caviteño. Ang mga interesado at may kakayahan mula sa pribadong sektor ay kinakailangan ding sumunod sa mga itinakdang panuntunan na ipatutupad ng PPP-Selection Committee at PPP Regulatory Authority. Ang dalawang lokal na batas na ito ay ilan lamang sa malinaw na pagpapatunay na ang Sangguniang Panlalawigan ay kaagapay ng ating Gobernador upang masiguro ang paghahatid ng de-kalidad na serbisyo sa publiko. Sa kasalukuyan ay marami pang mga mungkahing batas ang patuloy na pinag-aaralan ng sanggunian. Sa kabila nito, ang sanggunian ay patuloy sa pagsasaliksik ng mga issues at concerns na maaaring tugunan ng panlalawigang ordinansa at resolusyon.

SANGGUNIANG PANLALAWIGAN… TUMUTUGON SA KASALUKUYANG PANGANGAILANGAN

ni Michelle F. Alcid, Provincial Board Secretary

KAUGnAy ng kampanya ng pamahalaang panlalawigan na mabawasan ang nalilikhang basura sa mga komunidad at gawing alternatibong kabuhayan ang mga ito, isang livelihood training ang matagumpay na isinagawa ng waste Management Division ng Provincial Government-Environment and natural Resources Office (PG-EnRO) sa brgy. Sta. Isabel, Kawit, Cavite noong ika-17 ng Enero. Isa ito sa serye ng mga pagsasanay na hatid ng tanggapan sa ilalim ng Waste Minimization Project para sa lalawigan.

Positibo ang tugon ng mga residente sa proyekto na malugod na sinuportahan ng punong barangay na si brgy. Captain Jaime Esguerra. Dumalo rin sina Engr. Rey Santos bilang kinatawan ni Mayor Tik Aguinaldo at si G. Galicano Columna,

Kabuhayan mula sa basura,proyekto ng PG-ENRO

Acting MEnRO na kapwa nagpahayag ng pagsuporta sa proyekto. nagpahayag din sila ng pagnanais na maisagawa rin sa ibang barangay ang livelihood training na sinimulan ng PG-EnRO upang madagdagan ang kaalaman kung paano kumita mula sa basura.

Pangunahing layunin ng proyekto ang makapagbigay ng malawak na kaalaman ukol sa solid waste management upang mabawasan ang suliranin sa basura ng lalawigan sa paraang magbibigay sa mamamayan ng dagdag na kabuhayan at pagkakakitaan. Itinuturo sa pagsasanay kung paano mag-recycle ng mga patapong bagay na maaari pang pakinabangan at ng paggawa ng mga pandekorasyon gaya ng pencil holders, kurtina at bag.

(kontribusyon mula sa PG-ENRO)

UPAnG MAPALAGAnAP ang kaalaman ukol sa isyu ng child trafficking at magkaroon ng grupo ng mga tagapagsanay sa komunidad patungkol sa problemang ito, nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite sa pangunguna ng Provincial Social welfare and Development Office ng tatlong araw na Community Educators Training Against Child Trafficking noong Pebrero 6-8, 2012 sa Ceremonial Hall ng kapitolyo sa Trece Martires City.

Dinaluhan ang training ng mga Municipal/City Social welfare and Development Officers, mga guro, mga punong-guro at mga PnP women and Children Desk Officers. Layon nito na pukawin ang interes ng pamayanan sa isyu ng child trafficking gayundin ang kamalayan ng iba’t ibang sektor sa pag-iwas at pagpuksa sa problemang ito.

Ang child trafficking ang isa sa mga usaping kinakaharap ng mga bata at itinuturing na isang krimen sa Pilipinas ayon sa Republic Act 9208 o ang The Anti-Trafficking in Persons Act of 2003. Ito ang pangangalap (recruitment), pagbibiyahe, paglipat o pagtanggap ng mga bata sa layuning ma-exploit sa sekswal na paraan, iligal na pag-aampon para magamit sa iligal na mga gawain gaya ng panglilimos at drug trade, pagpapalit ng mga body organs, child brides at child soldiers.

Pinangunahan ang pagsasanay ng training team mula sa Philippine Against Child Trafficking (PACT), isang network ng mga advocates sa karapatan ng mga bata na may layuning makabuo ng mga

komunidad na mangangalaga sa mga bata laban sa trafficking.

Kabilang sa mga tinalakay sa training ang mga paksang human rights and children’s rights, kahulugan ng trafficking in persons, mga epekto nito at ang mga salik na nakakaimpluwensiya sa child trafficking. Tinalakay din ang iba pang kaugnay na batas na magbibigay ng higit na proteksyon sa mga bata at binigyang diin ang Community Education bilang isang istratehiya upang mapalawak ang kaalaman ng mga kalahok at komunidad sa ilang mahahalagang impormasyon gaya ng mga lugar na ginagawang destinasyon at pinagmumulan ng mga biktima ng trafficking.

Samantala, sinabi ni Engr. Efren C. nazareno bilang kinatawan ng gobernador na upang maging first class at world class na lalawigan ang Cavite, kailangang mapuksa ang mga kriminal lalo na ang

Community Educators Training Against Child Trafficking

ni Rebecca Arca Patricio

MEDALyA NG KARANGALAN: Si Gob. Remulla habang ipinagkakaloob ang medalya ng karangalan kay Rodolfo Sarmiento

ni Gov. Remulla sa bawat kubo, kung saan magiliw na nagpaunlak magpakuha ng litrato ang gwapong gobernador kasama ang mga empleyado. busog hindi lamang ang mga mata at tenga sa magagandang tanawin at musika kundi maging ang mga tyan sa iba’t ibang putahe sa hapag, kasama ang nakakatakam na lechon at mga pakulo ng bawat opisina. Sa cheer dance, nasungkit ng Orange Team (binuo ng COPS, UPAO, Community Affairs) ang kampeonato at nakapag-uwi ng P20,000; naluklok naman sa 1st Place ang Green Team (PHO) na nag-uwi naman ng P10,000. Hindi rin naman talunan ang Red at yellow Team na kapwa tumanggap ng consolation prize na P5,000. Samantala, masayang nag-uwi ng P10,000 at plake si Sonia Mendoza ng PICAD, tinanghal na kampeon sa Sing-Galing 2012, habang nakamit naman ni Alice Mojica mula sa PEO ang P5,000. Panalo rin sina Roldan Viray ng PHO at MJ Ardina ng Treasurer’s Office na nakapag-uwi rin ng plake at cash prize. Hindi naman umuwing luhaan ang ibang kalahok sapagkat nabigyan din sila ng papremyo.

Rochelle V. Dones

MAAGA ang saya sa tag-init ng mga kawani ng kapitolyo ngayong taon sa ginanap na Sama-Summer 2012 sa Marines base, Ternate noong ika-23 ng Marso. Isa ito sa mga programa ni Gov. Jonvic Remulla na nagsasaalang-alang sa kapakanan ng mga empleyado. naniniwala ang gobernador na kung nagkakaisa at masaya ang lahat na nagtatrabaho, sigurado ang maayos at tapat na serbisyo sa bawat Kabitenyo. binati ni Gov. Remulla ang tagumpay ng programa na pinangunahan ng Provincial youth and Sports Development Office (PySDO) sa pamumuno ni Romel Enriquez at Ferdinand belamide. Katuwang ang Office of the Provincial Governor (OPG), bumuo ang PySDO ng mga kompetisyon na maglalabas ng talento ng ilang kawani ng kapitolyo gaya ng kakaibang gimik sa videoke challenge, makulay na cheer dance competition at ang biritan sa Sing-Galing 2012. bukod dito, naaliw nang husto ang mga empleyado habang nanonood at nakikinig sa musika ng Artikulo band. Dagdag kasiyahan din ang pagbisita

BISE GOBERNADOR: Si bise Gobernador Recto Cantimbuhan h a b a n g p inangungunahan ang session kasama ang mga bokal ng lalawigan.

MGA BOKAL NG CAVITE: Ang mga bokal habang abala sa regular session ng Sangguniang Panlalawigan.

SA PILING NG GOBERNADOR: Masayang nagpakuha ng larawan ang mga empleyado ng kapitolyo kasama ang gobernador sa sama summer sa Ternate, Cavite

LECTURE: Si G. Alvin Mojica habang nagbibigay ng mensahe sa mga dumalo sa Child Trafficking seminar.

CHILD TRAFFICKING SEMINAR: Dinaluhan ang training ng mga Municipal/City Social welfare and Development Officers, mga guro, mga punong-guro at mga PnP women and Children Desk Officers kasama sina G. Alvin Mojica at Fely Servanez ng PSwDO.

mga nagpapalaganap ng child trafficking. nagbigay rin ng kanyang mensahe sa mga kalahok si board Member Irene bencito.

Sa huling araw ng pagsasanay, ang mga kalahok ay hinati sa tatlong grupo upang sumailalim sa isang practicum sa 13 barangay sa lungsod. nagbigay sila ng mga lecture tungkol sa child trafficking sa mga opisyales ng barangay, mga magulang at mahihirap na pamilya sa komunidad.

January - June 2012Vol. 3 Issue 1

January - June 2012Vol. 3 Issue 1Balita Balita8

MULInG nAGTULOnG ang Provincial youth and Sports Development Office (PySDO) at ang Provincial Population Office (PPO) upang matagumpay na maisakatuparan ang 2nd Adolescent Health and Youth Development Training cum Youth Camp na ginanap sa Trece Martires City national High School (TMCnHS) noong Marso 21-22, 2012. Isandaan at apatnapung kabataan sa high school kasama ang kanilang mga advisers mula sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa Districts 2, 5, 6 at 7 ng lalawigan ang lumahok sa proyektong pangkabataan ng pamahalaang panlalawigan.

Sinimulan ito ng isang simple ngunit makabuluhang programa na pinasinayahan ni G. Ferdinand A. belamide, OIC-Provincial Administrator for Community Affairs. Sa pangunguna nina Gng. Lorena R. Cron ng PPO at G. Romel R. Enriquez ng PySDO at sa pakikipagtulungan ng Dep-Ed –Cavite na kinatawan ni Dra. Cristina M. Austria, naimbitahan ang mga resource persons mula sa PopCom Regional Office IV-A na pinangunahan ni Director Lolita C. Layser upang magbigay ng kaalaman.

Tinalakay sa youth camp ang iba’t ibang paksa na makakatulong sa mga kabataan tulad ng Self Awareness, Brain Orientation, Value Classification,

2nd Adolescent Health and Youth Development Training cum Youth Camp sa Cavite

b I L A n G TUGOn sa mga usapin at problemang kinakaharap n g a y o n ng bansa kaugnay ng reporma sa edukasyon, i s i n a g a w a sa kauna-u n a h a n g pagkakataon ang 2012 C a v i t e E d u c a t i o n Summit sa pangunguna n g pamahalaang panlalawigan ng Cavite

sa pamumuno ni Gov. Jonvic Remulla katuwang ang Sangguniang Panlalawigan Committee on Education, Provincial Planning and Development Office at ang

Ayala Foundation. Ginanap ito sa Eagle Ridge Golf and Country Club, Gen. Trias noong ika-13 ng Hunyo.

Panauhing pandangal sa pagtitipon si Department of Education (DepEd) Secretary Armin A. Luistro na nanguna sa pagtalakay sa K to 12 program at nagbahagi ng nilalaman ng education roadmap ng ahensiya. Dito idiniin niya na ang direksyong tatahakin ng kagawaran ay mapapagtagumpayan sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan partikular ang mga nasa barangay level. Mahalaga ang papel ng mga Punong barangay partikular sa pagtukoy kung sino at ilan sa kanilang nasasakupan ang kabilang sa mga Out-of-School Youth (OSY). Aniya, ang kagawaran ay handang lumikha ng mga programang tutugon sa mga OSy sa pamamagitan ng mga specialized programs gaya ng ALS (Alternative Learning School) at Home Study program bilang panghikayat sa mga kabataan sa buong lalawigan na magtapos ng high school, maging pormal,

informal o ALS man. Kaugnay pa dito, nagbigay ng hamon si bro. Armin sa mga nagsidalo para sa unang isandaang (100) barangay na makakapagpaskil sa kanilang lugar ng slogan na “Sa barangay namin, walang Mangmang.”

Tinukoy din sa talakayan ang limang (5) kakulangan sa pagpapatupad ng programang K-12: 1)upuan, 2)libro, 3) guro, 4)classroom, at 5)toilet. Upang tugunan ang problemang ito, sinabi ni bro. Armin na ang unang dalawang kakulangan na nabanggit ay nakahandang punan ng

Kagawaran ngayong taon. Samantala, ang huling tatlo ay nakaplano para sa taong 2013, kung saan magiging bahagi ang tulong na manggagaling sa mga LGUs kaugnay ng pagpapatayo ng mga school building.

naniniwala siya na kung bawat ahensya ay magkakaisa at patuloy na magbibigay ng suporta, magiging tagumpay ang isinusulong na reporma sa sistema ng

InIULAT nI Governor Jonvic Remulla ang kasalukuyang kalagayan ng mga bata sa lalawigan pati na ang mga iba’t ibang proyekto at programa ng pamahalaang panlalawigan upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga ito alinsunod sa itinadhana ng batas sa mga karapatang pambata sa State of the Children Report kamakailan sa lingguhang pagtataas ng watawat sa Provincial Gymnasium, Trece Martires City.

Sa kanyang ulat, binigyang diin ni Gov. Remulla ang mga programang naipatupad sa pangangasiwa ng Provincial Health Office (PHO) upang mapangalagaan at maproteksyunan ang mga bata gaya ng pagbibigay ng bakuna, Hepa b1, pagsasailalim sa newborn screening, pagbibigay ng OPV, anti-measles, mumps and rubella (MMR), bCG, Vit. A at pagpurga sa napakaraming bata.

naglaan din ng malaking pondo para sa Garantisadong Pambata Program at Food for Growth o Supplemental Feeding program bilang pagtugon sa survival right o karapatang mabuhay ng mga bata. Sa development right o karapatang umunlad naman ng mga bata, ang Cavite ay nagtala ng mataas na literacy rate na umabot sa 96.52% at upang maipagpatuloy ang mataas na rating na ito, naglaan ang probinsiya ng P45,062,528.00 para sa pagpapagawa ng mga school buildings, iba’t ibang pasilidad ng paaralan, mga

Mga programang pangkabataan, tinalakay ng gobernador saState of the Children Report

kagamitan sa Information Technology at pagpapagawa ng mga Day Care Centers.

Idinagdag niya na naglaan ang Pamahalaang Panlalawigan ng limang milyon para sa Educational Assistance kung saan may 1,045 na mga estudyante na tinaguriang “Isko ng Lalawigan” ang nabiyayaan. Isang special project din ang binigyang pansin sa pagsisimula ng kanyang pamamahala. Katuwang ang Council for the welfare of Children (CwC), ang Early Childhood Care and Development (ECCD) program ay naitaguyod. natugunan din ang karapatang maipagtanggol o protection right at karapatang makilahok o participation right ng mga kabataang ito.

Sa huli, hinimok ng gobernador ang lahat ng mga magulang na malaki ang magagawa nila upang maibigay sa kanilang mga anak ang nararapat tulad ng edukasyon, tamang nutrisyon, maayos na tahanan, malinis na kapaligiran, tamang pagpapalaki, pag-aaruga at kalinga. Aniya, handang tumulong ang pamahalaang panlalawigan sa mga magulang na matugunan ang mga pangangailangang ito ng mga bata.

nagbigay siya ng kasiguraduhan na ito ay maisasakatuparan sa pagtutulungan ng lahat at winakasan ang kanyang pag-uulat sa pagsasabing: “nais kong maging TAPAT SA bAyAn, TAPAT SA USAPAn.”

Rebecca Arca Patricio

SA nGALAn ng patuloy na pagbibigay ng tulong sa mga kabataang Kabitenyo upang maabot ang kanilang mga pangarap sa pamamagitan ng edukasyon, mas pinag-ibayo ng Pamahalaang Panlalawigan sa direktiba ni Gov. Jonvic Remulla sa Provincial Scholarship Committee ang pagkakaloob ng scholarship sa mga estudyanteng hangad makapagtapos ngunit walang sapat na kakayahan upang tustusan ang mga gastusin sa pag-aaral.

Upang mas mapadali ang proseso ng aplikasyon ng mga iskolar ng lalawigan, binuksan sa mga mag-aaral ang Online Registration sa website ng lalawigan noong ika-16 hanggang ika-30 ng Abril taong kasalukuyan. Sa pamamagitan nito, mas maagang nabibigyan ng impormasyon ang mga aplikante kung kwalipikado o

ATM CARDS PARA SA MGA ISKOLAR NG LALAWIGANhindi base sa inisyal na assessment upang maihanda ng maaga ang mga kaukulang requirements at maiwasan ang matagal at mahabang pila sa pagproseso ng aplikasyon.

binago rin ang sistema ng pagbibigay ng scholarship grant mula sa dating cash grant na personal na ibinibigay sa mga mag-aaral. ngayon, ang mga nakapasang iskolar ay binigyan ng kani-kanyang ATM card kung saan nila matatanggap ang grant mula sa Pamahalaang Panlalawigan. Sa huling bilang, mayroong isang libong (1,000) s c h o l a r s h i p grant na ang n a i p a m i g a y para sa unang semestre ng A.y. 2012-2013.

n a g i n g mabilis at madali ang proseso ng pagkuha ng pinansyal na tulong pang-edukasyon mula sa Scholarship Program ng Pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Land bank of the Philippines (LbP)-Trece Martires City branch. Ang mga estudyante ay dumalo sa isang Orientation na ginanap sa Provincial Gymnasium, ika-22 ng Hunyo na sinabayan na rin ng pagpapasa ng kanilang aplikasyon para makakuha ng personal nilang ATM cards. Del L. Llacer

MInSAn pang pinatunayan ng mga mag-aaral na Caviteño ang kanilang angking husay sa iba’t ibang kasanayan nang mamayagpag sila sa CALAbARZOn Regional Skills Competition na ginanap sa Sisters of Mary Technical Education Institute-Cavite, Inc. sa bayan ng Silang noong Pebrero 15-17 ng kasalukuyang taon. Matatandaang nagkaroon din ng Cavite Provincial Skills Competition noong isang taon, at ang mga nanalo sa Provincial Skills Competition ang naging kinatawan sa regional level kung saan nagpaligsahan ang mga kalahok mula sa Cavite, Laguna, batangas, Rizal at Quezon.

Sa labing-apat na kasanayan na pinaglabanan, pito ang pinangunahan ng mga Caviteño kabilang ang automobile technology, fashion technology, IT network cabling, mechatronics servicing at mechanical engineering design-CAD na pawang pinagwagihan ng mga mag-aaral ng

C A L A B A R Z O N Regional Skills Competition 2012

Discovering the Journey of the Adolescents at Threats and Risks Confronting Adolescents. Ang pinakahuli ay ang paksa sa leadership na ibinahagi ni Director Efren

M. Echavia ng DILG.Pinakatampok na bahagi ng programa

ang Governor’s Hour kung saan personal na nakausap ng mga mag-aaral ang

9

Sisters of Mary Technical Education Institute dito sa Cavite. Ang graphic design ay pinangunahan naman ng mag aaral ng Power Skills Technical Center of Cavite at ang IT software application ay napagtagumpayan ng national College of Science and Technology-Cavite.

nagbigay suporta sa kompetisyon si TESDA Regional Director Cecile b. Gutierrez at Cavite Provincial Director Leticia O. Ogbac. naging panauhin din sina Mayor Clarito A. Poblete ng Silang, Cong. Roy M. Loyola ng 5th District ng Cavite at Cong. Ayong Maliksi ng 3rd district ng Cavite na pawang nagbigay ng kani-kanyang mensahe. naging panauhing pandangal si TESDA Secretary Joel Villanueva na pormal na nagbukas ng kompetisyon.

Todo suporta ang pamahalaang panlalawigan ng Cavite sa proyekto sa pangunguna pa rin ni Gob. Jonvic Remulla at kasabay nito, kanyang ikinagalak at ipinagmamalaki ang galing at talino ng mga mag-aaral na Caviteño. Del L. Llacer

edukasyon sa bansa at makakahubog ng mas mahuhusay na mag-aaral na magsisipagtapos sa hayskul. Target din sa susunod na taon ang computerization at connectivity sa mga paaralan sa lalawigan bilang bahagi ng inumpisahang reporma ayon sa kalihim ng edukasyon.

Dahil mahalaga ang papel ng lokal na pamahalaan sa tagumpay ng K-12, inilahad ng Provincial Planning Development Officer, Mr. Jesus I. barrera ang tugon sa hinihinging inputs ng DepEd kasama ang bilang ng mga paaralan, unibersidad, mag-

aaral at maging ang bilang ng mga commercial establishments sa buong lalawigan. Matapos ang pagbabahagi ng impormasyon, nagkaroon din ng open forum upang matalakay ang mga pros and cons ng K to 12 at mga paglilinaw na nais marinig ng mga kalahok.

Inaasahan ang positibong ambag ng K-12 program sa pagsisikap ng Pamahalaang Panlalawigan na palawigin ang Investment at magkakaroon ng mas madaming oportunidad

sa trabaho upang makasuporta sa lumolobong populasyon sa Cavite na umabot na sa 3.09 milyon.

Kasama rin sa mga dumalo sina DepEd-Cavite Superintendent Dr. yolanda Carpina, mga lokal na opisyal ng pamahalaan, mga guro at pinuno ng bawat paaralan at mga civic organization sa lalawigan na dapat makaalam sa bagong proyekto.

Rochelle V. Dones

ama ng lalawigan ng Cavite – Gov. Jonvic C. Remulla sa isang munting talakayan. Dito ibinahagi niya ang kanyang buhay-kabataan hanggang sa kanyang pamumuno sa bayan. Tinugon din ng gobernador ang mga tanong ng mga delegado na may kinalaman sa kanilang pagiging kabataan at mag-aaral. Ipinahayag ng gobernador na nais niyang makaugnayan muli ang mga kabataan kalahok upang mapag-usapan at masulusyunan ang mga problemang kinakaharap ng mga ito.

nagkaroon din ng planning workshop na pinangunahan nina G. Enriquez at G. Eric O. Maglabe ng PySDO at ang resulta nito ay inilahad ng bawat grupo sa pamamagitan ng pagsasadula ng kanilang mga natutunan sa Youth Camp at kung paano nila ito maisasabuhay sa mga darating na panahon.

Sa pagtatapos ay nagbigay ng mensahe ang principal ng TMCnHS na si Gng. Constancia D. Luclucan at kanyang ipinahayag ang pagnanais na mag-host muli

ng ganitong mga gawain sa kanilang paaralan sa malapit na hinaharap.

K to 12 PROGRAM: Panauhing pandangal sa pagtitipon si Department of Education (DepEd) Secretary Armin A. Luistro. nasa kanang larawan naman ang delegasyon ng DepEd sa pangunguna ni Dr. yolanda Carpina.

ATM CARD PARA SA SCHOLAR: Si G. Alvin Mojica at bb. Camille Del Rosario habang ibinabahagi ang proseso ng scholarship program at paggamit ng ATM card ng mga “Isko ng Lalawigan”.

January - June 2012Vol. 3 Issue 1

January - June 2012Vol. 3 Issue 1

nAKIKIISA ang pamahalaang panlalawigan ng Cavite sa kampanya ng Department of Tourism (DOT) upang isulong ang bagong Tourism slogan na “It’s more fun in the Philippines” at palaganapin ito sa programang pang-turismo sa lalawigan at patunayang sa larangan ng turismo, “It’s more fun in Cavite”! Sa pagpupulong ng mga tourism officer mula sa iba’t ibang bayan at lungsod noong ika-23 ng Pebrero na ginanap sa balite Falls sa Amadeo sa pangunguna ni Mrs. Liberty A. Herrera, Provincial Tourism Officer, napagkasunduang tangkilikin ang bagong kampanya ng DOT upang maisulong at maiangat pa ang turismo sa lalawigan. Sa tulong ni Gov. Jonvic Remulla at ng Provincial Tourism Office katuwang ang mga tourism officer, ang bawat munisipyo at siyudad ay gagawa ng iba’t ibang slogan na naaayon sa tagline ng DOT. Ang mga nagawang slogan na

It’s more fun in Cavite…ito ay makikita sa mga social networking sites gaya ng Facebook, Twitter at MySpace upang mas mabilis na maipakita sa mamamayan. Sa paraang ito, mas matutulungang maiangat ang turismo sa lalawigan ng Cavite. Layunin din ng proyekto na mas maipakilala pa at tuklasin ang mga natatagong kagandahan ng lalawigan. Hinihikayat din ang lahat na makiisa sa pagtangkilik ng Cavite Tourism sa Facebook, Twitter, at MySpace. (kontribusyon mula sa Prov’l TourismOffice)

MULInG GInUnITA ang Tejeros Convention kasabay ng pagdiriwang ng ika-115 na anibersaryo ng pagkatatag ng Philippine Army (Hukbong Katihan ng Pilipinas) noong ika-16 ng Marso, 2012 sa Casa Hacienda, Tejeros Convention, Rosario, Cavite. May temang Hukbong Katihan: “Naglilingkod sa Mamamayan, Pinapanatiling Matiwasay ang Buong Bayan”, pinangunahan ni Gov. Juanito Victor C. Remulla, Jr. ang paggunita kasama sina Major General Eduardo D del Rosario, Commander ng 2nd Infantry Division ng Philippines Army na kumakatawan kay Lt. Gen Emmanuel T bautista, Commanding General ng Philippine Army at Sen. Francis Joseph G. Escudero, bilang mga panauhing pandangal. naganap ang Tejeros Convention noong Marso 22, 1897 sa Rosario, Cavite. nabuo ang pamahalaang rebolusyonaryo sa naturang kumbensyon na naging daan upang maitatag ang Unang Republika ng Pilipinas. Dahil sa naging bahagi ng kasaysayan ang kaganapang ito,

Anibersaryo ng Tejeros Convention at Philippine Army, ginunita sa Cavite

ipinagdiwang na taun-taon ang anibersaryo sa lalawigan. bahagi ng paggunita ang pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Heneral Emilio G. Aguinaldo kasama ang mga opisyales ng pamahalaang bayan ng Rosario na sina Mayor Jose M. Ricafrente Jr. at Vice Mayor Jose Rozel E. Hernandez, board Member Ryan R. Enriquez ng Unang Distrito ng Cavite; EPM Cesar EA Virata, Pangulo ng Cavite Historical Society; boyblue Abaya, kinatawan ni Cong. Joseph Emilio A. Abaya ng Unang Distrito; Gov. Jonvic Remulla; Maj. Gen. Eduardo D del Rosario at Sen. Francis Joseph G. Escudero. nakibahagi rin sa pagdiriwang sina G. Federico D. Rios, pinuno ng Hukbo ng beterano at brig Gen Alex n Albano, Commanding General ng Army Reserve Command.

10-year Solid Waste Management Plan:Matagumpay na naisagawa ang isang writeshop ukol sa 10-year solid waste management plan ng pamahalaang panlalawigan ng Cavite sa pamumuno ng Provincial Government-Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO), Waste Management Division sa pakikipagtulungan ng Association of Cavite Environment and Natural Resources Office (ACENRO). Ginanap ito noong ika-27 ng Enero, 2012 sa Gen. Trias Sports Park sa Brgy. Santiago, Gen. Trias, Cavite.

Layunin ng programa na mabigyan ng gabay ang bawat Local Government Unit sa pagbuo ng kanilang sariling solid waste management plan. Ito ay alinsunod sa pagtupad sa RA 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000. Ayon sa nasabing batas ang bawat lokal na pamahalaan ay kinakailangang magkaroon ng plano ukol sa solid waste management.

UPAnG MAIAnGAT at mapaunlad ang industriya ng kape sa lalawigan, nagdaos ang pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Gob. Jonvic Remulla at bayan ng Amadeo sa pangunguna ni Mayor benjarde Villanueva, ng Pahimis Coffee Festival noong ika-17-18 ng Pebrero sa munisipyo ng Amadeo, Cavite. nagsilbing panauhin at pangunahing tagapagsalita sina Senador Francis Pangilinan, Chairman ng Agriculture and Food Committee at Secretary Proceso J. Alcala ng Department of Agriculture.

ngayong taon, tampok sa naturang pagdiriwang na may temang “Pahimis, Atin Ito” ang pagbibigay parangal sa pinakamahusay na magsasaka ng kape. Magkakaroon din ng engrandeng parada at street dance sa unang araw, kasabay ang pagbubukas ng trade fair at exhibit, pagtatanghal ng street dancers at cultural night. Sa ikalawang araw, magkakaroon naman ng fun run, sabayang pagtatanim ng kape,

Pahimis Festival tungo sa maunlad na industriya ng kape sa Cavite

seminar sa coffee quality refresher course, coffee farm tour, misa ng pasasalamat, at isang music at variety show.

Layon ng taunang pagdiriwang ng Pahimis Coffee Festival na mapaunlad ang produksyon ng kape sa kanilang bayan para sa domestic at global consumption upang maiangat ang estado ng produksyon ng kape at maibalik ang interes ng mga magsasaka sa pagtatanim nito.

Rochelle V. Dones

IPInAGKALOOb ang Certificate of Training sa mga estudyanteng nagsipagtapos ng libreng computer training courses ng Cavite Computer Center sa ginanap na 20th Recognition Day sa Provincial Gymnasium ng siyudad ng Trece Martires noong nakaraang ika-19 ng Mayo 2012. Ang tema ng naturang selebrasyon ay “ W o r l d - C l a s s Cavite: Providing Quality ICT Education and Training”.

D i n a l u h a n ito ng ilang p a n a u h i n g p a n d a n g a l tulad nina bise Gobernador Recto Cantimbuhan, G. Rene Tongson, OIC Provincial Cooperative, Livelihood and Enterprise Development Office, Gng. Leticia Ogbac, TESDA-Cavite Provincial Director, at bb. Camille Lauren del Rosario, CCC Administrator at IT Division Head.

Sa kanyang mensahe para sa mga nagsipagtapos, iginiit ni Dir. Leticia Ogbac

Cavite Computer Center 20th Recognition DayBalita Balita10 11

ang kahalagahan ng mga technical o vocational courses sapagkat ang mga natutunang kaalaman at kasanayan ay

malaking tulong hindi lamang upang magkaroon ng trabaho kundi para makiisa sa pagpapaunlad sa lalawigan ng Cavite at sa buong bansa. Pinaalala naman ni Vice Governor Recto Cantimbuhan ang kahalagahan ng computer literacy lalo na’t ang paggamit sa makabagong teknolohiya

ay laganap sa lahat ng sangay ng gobyerno at lipunan.

bukod sa mga talumpati,nagkaroon din ng pagkakataong magpakitang gilas ang ilang CCC students at staff sa kanilang inihanda at ipinakitang special number.

T i n a t a y a n g mahigit 1,000 estudyante ang n a g s i p a g t a p o s sa taong ito. Mula sa kanyang pagkakatatag noong 1999, mayroon nang 27,812 estudyante ang nabigyan ng edukasyon at kasanayan sa larangan ng teknolohiya ang Cavite Computer Center.

Ang pamunuan ni Governor Jonvic Remulla ay lubos ang tiwala at suporta

sa kalidad ng edukasyon na ibinibigay ng CCC. buo ang kanyang pag-asa na marami pang mga kababayan natin ang kanilang matutulungan at mapagkakalooban ng libreng computer training course para na rin sa kanilang pansariling kaunlaran.

Adelaida Llacer

SA KAUnA-UnAHAnG pagkakataon, binisita ng board For Librarians at ng Professional Regulation Commission (PRC) ang Cavite Provincial Library o ang Aklatang Panlalawigan ng Kabite sa Legislative bldg., Provincial Capitol Compound noong ika 22 ng Pebrero 2012 sa pangunguna ni bFL Chairman, Dir. Corazon M. nera, bFL Member Mila M. Ramos kasama ang kinatawan ng PRC na si Ms. Ana P. Guallar bilang bahagi ng kanilang gawain na tingnan ang kalagayan ng mga pampublikong aklatan sa buong bansa. Layunin ng pagbisitang ito na alamin kung ang bawat pampublikong aklatan ay sumusunod sa tinatawag na library standards na ipinatutupad ng bFL at ng PRC para sa mga pampublikong silid aklatan. Isa na rito ay ang pagkakaroon ng mga rehistradong librarian na dapat na nagpapatupad ng mga alituntunin ukol sa pangangasiwa ng aklatan. buong pagmamalaking ibinahagi nina Gng. Milagros A. Pangilinan, Librarian IV at Concepcion P. Villanueva, Librarian III, kapwa rehistradong librarian ng Aklatang Panlalawigan ang mga naisakatuparang plano at programa ng aklatan sa tulong ng pamahalaang panlalawigan. Ilan sa mga papuri sa aklatang panlalawigan ang

BOARD FOR LIBRARIANS (BFL): BUMISITA SA AKLATANG PANLALAWIGAN NG KABITE

pagkakaroon ng isang modernong gusali, sopistikadong mga gamit at pasilidad katulad ng e-library na nagkakaloob ng libreng serbisyo sa mamamayan lalung lalo na sa mga mag-aaral sa pribado man

o pampublikong paaralan kung saan kitang kita ang suporta ng pamahalaang panlalawigan. binisita rin sa kauna-unahang pagkakataon ang medical library sa General Emilo Aguinaldo Memorial Hospital (GEAMH). Si Gng. Merconi Fermanejo ang nakatalagang medical librarian at isa ring rehistradong librarian. Ipinagmalaki niya na bagama’t maliit at kulang sila sa mga pasilidad, kasama sa

plano ng bagong administrasyon ng ospital na ilipat at bigyan ng bagong mukha ang medical library ng ating lalawigan kasabay ng isinasagawang pagsasaayos tungo sa ISO certification ng pamahalaang

panlalawigan. Ang General Trias Municipal Library sa pangangasiwa ni Gng. Marie Dimaranan ay sorpresa ding binisita ng bFL. bagama’t isang lisensiyadong guro, si Gng. Dimaranan ay naka-enroll sa Dalubhasaang normal ng Pilipinas upang magkaroon ng sapat na kaalaman sa pagiging isang librarian. Ikinalugod ng bFL Chairman ang kaalamang maayos ang operasyon ng pampublikong aklatan dahil sa maigting na suporta ni Gen. Trias Mayor Luis A. Ferrer IV. bukod sa nakita nilang pasilidad, nakita rin nila ang serbisyo publiko sa pagtanggap sa mga street children na kahit walang

tsinelas at madudungis ay malugod na tinatanggap sa kanilang silid aklatan.napakasarap pakinggan ang mga puna na pasadong pasado ang ating mga pampublikong aklatan. Ito ay isang halimbawa lamang ng pag-unlad, na ang aklatan ay isang instrumento na nakatutulong sa ating pamayanan, sa ating mga kabataan, mahirap man o mayaman. Halina kayo at silipin ang ating aklatan! (kontribusyon mula sa Prov’l Library)

ISAnG nAIIbAnG paggunita sa ika-114 na taon ng proklamasyon ng kasarinlan ng Pilipinas na inorganisa ng Cavite Provincial Tourism board Incorporated (CPTbI) – ang “Takbo sa Kalayaan, Isalba ang Kalikasan”, isang fun run upang makalikom ng pondo para sa paglilinis ng Imus River at pagpapalaganap ng kampanya sa pangangalaga ng kapaligiran ang isinagawa kamakailan.

Katuwang ang i68 Events and Allied Services, ginanap ang fun run sa Lungsod ng Trece Martires noong Hunyo 9, 2012 na sinuportahan at inindorso ni Gob. Jonvic Remulla at DILG-Cavite Provincial Director Efren Echavia. Mahigit 500 ang lumahok kabilang ang mga kawani ng kapitolyo, mga organisasyon, lokal at pribadong sektor sa lalawigan at tumakbo sa 3k, 5k

at 10k event. naghandog din ng tulong ang Provincial Tourism Office at Jollibee Food Corporation sa ikatatagumpay ng fun run.

Ang mga nagwagi para sa 3k ay sina G. Marvin Lim (20:54 minuto) at Ms. Trisha Ramirez (21:56 minuto). Sina Ms. Josephine Dulay at Ma. Fe Capilitan (31 minuto) ang nanguna sa 5k at napanalunan naman nina G. Samuel Tarus (36.30 minuto) at

CCC GRADUATION: Makikita sa larawan ang isa sa mga mag-aaral na tumanggap ng sertipikasyon ng pagtatapos sa CCC, kasama sina (mula kaliwa): bb. Camille Del Rosario,CCC Administrator at IT Division Head; G. Rene Tongson, OIC Provincial Cooperative, Livelihood and Enterprise Development Office, bise Gob. Recto M. Cantimbuhan at Gng. Leticia Ogbac, TESDA-Cavite Provincial Director.

TUMAKBO TAyO: Ang mga kalahok sa Fun Run mula sa ibat ibang munisipyo ng lalawigan.

TEJEROS CONVENTION ANNIVERSARy: Masayang nag-uusap sina Gob. Jonvic Remulla at Sen. Francis Escudero kasabay ng pagdiriwang ng anibersaryo ng Tejeros Convention.

Rebecca Arca Patricio

Ms. Aileen Tolentino (I oras at 2 minuto) ang kategoryang 10k. binigyan ng special award sina Carla Garcia (12 taong gulang) bilang pinakabatang mananakbo at G. Laurel bienvenido (72 taong gulang) bilang pinakamatandang mananakbo. Isang plake ng pagkilala ang iginawad sa Lungsod ng Dasmariñas para sa pinakamaraming bilang ng mga lumahok. Lahat ng nagwagi ay nag-uwi ng medalya, gift certificates at cash.

Dumalo rin sa nasabing takbuhan si G. Aquino Garcia, pangulo ng CPTbI, bM Rex Mangubat ng ika-3 Distrito ng Cavite at AbC President Angelo Hugo ng Dasmariñas.

ni Rebecca Arca Patricio

January - June 2012Vol. 3 Issue 1

bILAnG PAGPAPATIbAy sa tuluy-tuloy na suporta sa programang pangkalusugan ng lalawigan, muling nagpaabot ng tulong ang Pamahalaan ng South Korea sa pamamagitan ng Korea International Cooperation Agency (KOICA) sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite para matugunan ang mga suliraning pangkalusugan ng mga mamamayan. Isang ground breaking ceremony ang ginanap noong ika-22 ng Marso para sa itatayong Cavite Collaboration Center for Public Health sa tabi ng General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital sa Trece Martires City na sinasabing kauna-unahang pagamutan sa Pilipinas na magbibigay ng iba’t-ibang serbisyo medikal na magbibigay lunas sa mga problemang pangkalusugan ng mga Caviteño.

Tinatayang abot tatlong milyong dolyar ang inilaan ng gobyerno ng South Korea para sa pagpapagawa ng nasabing pagamutan. bukod sa modernong mga kagamitan ay magpapadala din ng mga eksperto sa medisina ang South Korea. Itinakdang matatapos ang tatlong palapag na pagamutan sa dulo ng taong ito kung saan magkakaroon ng Epidemiology and Surveillance Unit, Health Promotion Unit, water Analysis Laboratory, Family Planning Unit, Multi Purpose Surgical Facilities, blood Collection Unit, Tb Diagnostic Unit at mga opisina ng Technical Service, Korea Overseas Volunteers (KOV) at ng Provincial Health Team ng Department of Health. May mga conference rooms at isang

Cavite Collaboration Center for Public Health

200-seater auditorium din sa gusaling ito upang magsilbing lugar para sa mga pagsasanay at symposia.

Ang ground breaking ceremony ay pinangunahan ng pangalawang pangulo ng KOICA na si Hon. Jong Seon Lee, Health Secretary Enrique T. Ona at Gov. Juanito Victor C. Remulla, Jr. Dumalo rin sa okasyon ang iba pang opisyal ng Department of Health at pamahalaang lokal ng Cavite.

Ang Cavite Collaboration Center for Public Health ay ang ikatlong parte ng Korea-Philippines Friendship Project sa Cavite. Ang una ay ang pagtatayo ng Korea-Philippines Friendship Hospital noong 2002, ang ikalawang yugto naman ng proyekto ay noong 2008 kung saan isinagawa ang pagpapabuti ng nakatayong pasilidad at ang pagtatayo ng Medical Arts building (MAb). Adelaida L. Llacer

ngayong panahon ng tag-ulan ay patuloy ang pagpapaalala ng Provincial Health Office na mag-ingat sa kasalukuyang lumalaganap na mga sakit na WILD kung maituturing.

Ang WILD:W - ang mga water borne diseases gaya ng diarrhea, cholera, hepatitis A at typhoid

fever – uminom lamang sa alam nyong malinis at ligtas na water sourcesI - para sa influenza – i-observe ang tamang paghuhugas ng kamay at takpan ang ilong

at bibig kapag bumabahing , sa ganitong paraan, maiiwasan ang pagsalin ng mikrobyoL - para sa leptospirosis – iwasan ang maglangoy o magbabad sa baha na maaaring

kontaminado ng leptospirosis, gumamit ng mga protective gears gaya ng bota, gloves at iba pa. Kung hindi maiiwasan ang paglusong sa tubig baha ay maaaring uminom ng pre-exposure prophylaxis, magtanong lamang sa inyong mga health center.

D - para sa Dengue Fever – mag “4-s pa rin laban sa dengue!”Unang S-Search and Destroy

- Itaob ang mga bote , lata at iba pang maaring pamugaran ng kiti-kiti at panatilihin ang kalinisan ng kapaligiran

PangalawangS–Selfprotectivemeasures- Maaaring gumamit ng mga mosquito repellant at magsuot ng panta-

lon at mahabang manggasPangatlongS-Seekearlyconsultation

- Kumonsulta agad sa pinakamalapit na health center o ospital kung mayroong lagnat at rashes

Pang-apat na S – say no to indiscriminate fogging- Ang fogging ay ginagawa lamang kapag mayroong outbreak.

Health AdvisoryBalita12

MULInG nAGPAMALAS ng kahusayan ang Pamahalang Panlalawigan sa ipinatutupad nitong sistematikong programa at agresibong kampanya sa pangongolekta ng buwis matapos tumanggap ng pagkilala ang Provincial Assessor’s Office sa pamumuno ni G. Raymundo Salazar nang makapagtala ang Cavite ng 3.28 pagtaas sa Total Taxable Valuation para sa taong 2011 na may katumbas na halagang P2,655,787,790 – ang pinakamataas sa lahat ng lalawigan na sakop ng Region IV-A. Ito ang ikaapat na magkakasunod na taong nasungkit ng lalawigan ang naturang parangal.

nakamit ang malaking pagtaas sa Total Taxable Valuation ng magsagawa ng General Revision of Assessment kung saan nagkaroon ng pag-a-update sa buwis na ipinapataw sa iba’t ibang klasipikasyon ng Real Property na sakop ng lalawigan 2009 at 2010 at naging epektibo noong 2011. Ito ang naging dahilan ng pagtaas sa Total Taxable Valuation ng lalawigan. Mula sa Total Taxable Valuation bago ang 2011 GRA na nagkakahalaga lamang ng P80,937,705,250, ipinakita ng partial results ng GRA ang paglaki ng halaga na umaabot sa P129,600,346,470 o 60.12 na porsiyentong pagtaas ng Total Taxable Valuation.

Dahil dito, kinilala ang lalawigan bilang

Pagkolekta ng Buwis,Pinabilis

hall of famer para sa naturang parangal. Ipinagkaloob ito ng tanggapan ng Regional Director, bureau of Local Government Finance, batangas City noong ika -24 ng Abril 2012 sa lungsod ng Dasmarinas. Ang unang parangal ay ipinagkaloob noong ika-23 ng nobyembre 2006 bilang pagkilala sa pagtaas ng taxable valuation ng mga pagmamay-ari na sakop ng Cavite sa huling tatlong buwan ng 2005. Sinundan ito ng isa pang parangal noong ika-25 ng Enero, 2010 dahil sa pinakamalaking pagtaas ng 2.96 porsiyento sa Taxable Assessed Valuation sa Real Property sa buong CALAbARZOn region para sa taong 2009. Ang ikatlong parangal naman ay nakamit noong ikatlo ng Marso, 2011 para sa pagtaas ng Total Taxable Assessed Valuation para sa taong 2010.

Maituturing din na isa pang tagumpay ng pamahalaang panlalawigan ang pagkahirang bilang pangulo ng Regional Association of Treasurers and ASSESSORS sa Region IV-A (REGATA IV-A) kay Provincial Assessor Raymundo Salazar. Siya ang nangunguna sa tanggapan sa patuloy na

pagsisikap upang makapaghat id ng tapat at mahusay na serbisyo publiko.

S a m a nta l a , binigyan rin ng pagkilala si Provincial T r e a s u r e r Josephine D. Daza dahil sa pagkamit ng

lalawigan ng 3rd Highest Efficiency in the Collection of Business Taxes and Revenues mula sa Economic Enterprise sa lahat ng lalawigan sa Region IV-A at paglampas sa 2011 Revenue Collection Target ng LGU mula sa mga fees and charges.

Gina P. Pereña

“Ang pagkamahinahon at pagtitiyaga ay mga susi upang mabuksan ang pinto ng tagumpay.”

At matamis na tagumpay ang nakamit ng Cooperative Division Head ng Provincial Cooperative, Livelihood and Entrepreneurial Development Office (PCLEDO) na si Khervy Reyes nang mapabilang ang kanyang pangalan sa may 1,995 pasadong Certified Public Accountant sa listahang inilabas ng Professional Regulation Commission(PRC) noong Mayo 23,2012.

Matapos ang mahinahong pagrereview ay nagbunga ang pagtitiyaga sa pangarap na matagal na inasam. “It’s my aspiration to be a CPA. It’s a life-long aspiration,” sabi ni G.Reyes, na nagsimula pa noong magtapos

COOP DIVISION HEAD NG PCLEDO,ISA NANG GANAP NA CPA

ng bachelor of Science in A c c o u n t a n c y . natapos na rin ni G. Reyes ang kanyang Masters in business Administration at nasa proseso ng dissertation defense para sa kanyang Doctor of Philosophy, Major in business Management.

“wala talagang imposible kung tayo ay maniniwala sa Panginoon at magiging mahinahon. Kasama ang panalangin, tiwala sa sarili at suporta ng pamilya, kaibigan at kasama sa trabaho, nakamit ko ang pangarap na ito,” pagwawakas ni G. Reyes.

CCCPH, IKATLONG PROyEKTO NG KOICA: Makikita sa larawan si Gob. Remulla(nasa gitna), bise Gob. Recto Cantimbuhan (ikalawa sa kaliwa), pamunuan ng GEAMH at KPFPH, opisyales ng KOICA at DOH.

GROUNDBREAKING CEREMONy: Si Gob. Remulla kasama ang mga opisyal ng KOICA.

Provincial Treasurer Josephine D. Daza

Provincial Assessor Raymundo Salazar