Taon 34 Blg. 33 Misa de Gallo — Puti Disyembre 23, 2020 S ......ng kanyang kalooban. (T) 3. Tapat...

4
Mula sa pangkat ng mga pagdiriwang sa karangalan ng Mahal na Birhen ang mga pangunahing dasal ng Misa de Gallo. Taon 34 Blg. 33 Misa de Gallo — Puti Disyembre 23, 2020 S amot-saring bersiyon ng kuwento ni Juan Tamad ang mababasa natin sa iba’t ibang aklat, peryodiko, komiks, telebisyon, at maging sa internet. Pinakabantog ang Juan na naghihintay sa pagkalaglag ng bunga sa ilalim ng puno ng bayabas. Mayroon ding Juan na pinabili ng kaniyang nanay ng alimango sa palengke. Dahil sa katamarang buhatin ang mga ito pauwi, sinabihan ni Juan ang mga alimango, “Umuwi kayo kay Nanay” saka pinakawalan ang mga ito. May Juan na pinagbenta ng puto ng kaniyang ina pero ipinakain lamang ito sa mga palakang nasa munting dugatan nang dahil sa, alam n’yo na, katamaran. Iba-iba man ang naratibo, iisa lamang ang ibig ipakahulugan ng mga ito—na batugan si Juan o ang Pilipino. Ipinako sa krus ang imahen ni Juan, ng Pilipino, bilang lahing tamad. Bunga na rin siguro ng ating mahabang kasaysayang kolonyal (sumikat ang kuwento ni Juan Tamad noong 1900s, panahon ng mga Amerikano). Ngunit salungat ito sa sarili nating karanasan, hindi ba? Sinong makapagsasabing tamad ang Pilipinong doktor at nars na nasa unahan ng pakikipaglaban sa COVID-19? Sinong makapagsasabing tamad ang mga Pilipinong OFW na nakipagsapalaran at nalubog pa nga sa utang, makapaghain lamang ng disenteng pamumuhay sa hapag ng kinabukasan ng kanilang mga mahal? Sinong makapagsasabing tamad ang magsasakang dahilan ng kaning may pandan sa ating hapag? Malagim man ang pagkakapinta sa imahen ni Juan sa ating kamalayan, pilit pa ring nagpupumiglas ang katotohanan—Sa kabila ng dagok ng mga delubyo sa buhay, kailanman, si Juan, hindi tamad. Si Juan, dakila. ‘Di naman natin aakalaing dakila rin ang Juan na tinutukoy sa Ebanghelyo. Malayo sa inaasahan ng kanilang mga kamag-anak, hindi pangkaraniwan ang magiging anak nina Elisabet at Zacarias. “Wala sa iyong kamag-anak na tinatawag sa pangalang ito” (Lc 1:61). Hango sa Hebreong Iohannan, “Mapagpala ang Diyos” ang direktang salin at kahulugan ng pangalang “Juan” o “John.” Kaya’t labis na lamang siguro ang pagkagulat ng mga kamag-anak nina Elisabet at Zacarias. Baka nga may nagsambit pa, “Aba’t nababaliw na ‘ata ang dalawang ito’t kakaiba pa ang ipapangalan sa kaisa-isa nilang anak!” Marahil nga, kwestyunable rin ang pagiging “mapagpala” ng Diyos sa kinahinatnan ng buhay ni Juan Bautista. Alalahaning naging mahirap siya at pinugutan pa ng ulo sa huli. Saan banda rito ang pagiging mapagpala ng Panginoon? Saan banda ang kaniyang kadakilaan? Ngunit kung si Juan Baustista mismo ang tatanungin, marahil kaniyang sasabihin, “Juan ang aking pangalan at tunay na pinagpala ako ng Diyos higit pa sa sukdulan.” Sapagkat isang mahalagang tungkulin ang ipinagkatiwala ng Diyos kay Juan—Ang ituro si Kristo. Nauna si Juan kaysa kay Hesus. Mayroon na nga siyang mga tagasunod bago pa magsimula si Hesus sa kaniyang ministeryo. Ngunit nang makadaupang- palad na niya si Hesus, itinuro siya ni Juan: “Siya ang Kordero ng Diyos.” At iniwan siya ng kaniyang mga tagasunod upang sundan si Hesus (Jn 1:29-37). Mapagpala ang Diyos kay Juan at pinapurihan naman ni Juan ang Diyos. Ito ang nagpapadakila sa kaniyang buhay. Paano natin isinasaloob at isinasabuhay ang pagpapala ng Diyos sa atin? Ito ang itinatanong sa atin ng mga pagbasa. Tayong mga nakakakilala sa ating Taga- pagligtas, tayong kaniyang hinirang at dinakila, anong ginagawa natin sa pagpapalang makilala at mahalin ng Diyos? Nitong mga nakaraang buwan na puno ng paghihirap at dagok sa buhay, anong klaseng Juan ang ating isinaloob at siyang namutawi? Nawa’y maipahayag at maipahiwatig ng ating pamu- muhay at pakikipagkapwa ang kadakilaan ng Diyos sa bawa’t isa. Sapagkat bawat isa sa ati’y pinagpala. Sapagkat bawat isa sa ati’y dinakila. —Ian Gabriel C. Ceblano Juan Dakila

Transcript of Taon 34 Blg. 33 Misa de Gallo — Puti Disyembre 23, 2020 S ......ng kanyang kalooban. (T) 3. Tapat...

Page 1: Taon 34 Blg. 33 Misa de Gallo — Puti Disyembre 23, 2020 S ......ng kanyang kalooban. (T) 3. Tapat ang pag-ibig, siya’ng umaakay/ sa tumatalima sa utos at tipan./ Sa tumatalima,

Mula sa pangkat ng mga pagdiriwang sa karangalan ng Mahal na Birhen ang mga pangunahing dasal ng Misa de Gallo.

Taon 34 Blg. 33 Misa de Gallo — Puti Disyembre 23, 2020

Samot-saring bersiyon ng kuwento ni Juan Tamad ang

mababasa natin sa iba’t ibang aklat, peryodiko, komiks, telebisyon, at maging sa internet. Pinakabantog ang Juan na naghihintay sa pagkalaglag ng bunga sa ilalim ng puno ng bayabas. Mayroon ding Juan na pinabili ng kaniyang nanay ng alimango sa palengke. Dahil sa katamarang buhatin ang mga ito pauwi, sinabihan ni Juan ang mga alimango, “Umuwi kayo kay Nanay” saka pinakawalan ang mga ito. May Juan na pinagbenta ng puto ng kaniyang ina pero ipinakain lamang ito sa mga palakang nasa munting dugatan nang dahil sa, alam n’yo na, katamaran. Iba-iba man ang naratibo, iisa lamang ang ibig ipakahulugan ng mga ito—na batugan si Juan o ang Pilipino.

Ipinako sa krus ang imahen ni Juan, ng Pilipino, bilang lahing tamad. Bunga na rin siguro ng ating mahabang kasaysayang kolonyal (sumikat ang kuwento ni Juan Tamad noong 1900s, panahon ng mga Amerikano). Ngunit salungat ito sa sarili nating karanasan, hindi ba? S inong makapagsasabing tamad ang Pilipinong doktor at nars na nasa unahan ng pakikipaglaban sa COVID-19? Sinong makapagsasabing tamad ang mga Pilipinong OFW na nakipagsapalaran at nalubog pa nga sa utang, makapaghain lamang ng disenteng pamumuhay sa hapag ng kinabukasan ng kanilang mga mahal? Sinong makapagsasabing tamad ang magsasakang dahi lan ng kaning may pandan sa ating hapag? Malagim man ang pagkakapinta sa imahen ni Juan sa ating kamalayan, pilit pa ring nagpupumiglas ang

katotohanan—Sa kabila ng dagok ng mga delubyo sa buhay, kailanman, si Juan, hindi tamad. Si Juan, dakila.

‘Di naman natin aakalaing dakila rin ang Juan na tinutukoy sa Ebanghelyo. Malayo sa inaasahan ng kanilang mga kamag-anak, hindi pangkaraniwan ang magiging anak nina Elisabet at Zacarias. “Wala sa iyong kamag-anak na tinatawag sa pangalang ito” (Lc 1:61). Hango sa Hebreong Iohannan, “Mapagpala ang Diyos” ang direktang salin at kahulugan ng pangalang “Juan” o “John.” Kaya’t labis na lamang siguro ang pagkagulat ng mga kamag-anak nina Elisabet at Zacarias. Baka nga may nagsambit pa, “Aba’t nababaliw na ‘ata ang dalawang ito’t kakaiba pa ang ipapangalan sa kaisa-isa nilang anak!” Marahil nga, kwestyunable rin ang pagiging “mapagpala” ng Diyos sa kinahinatnan ng buhay ni Juan Bautista. Alalahaning naging mahirap siya at pinugutan pa ng ulo sa huli. Saan banda rito ang pagiging mapagpala

ng Panginoon? Saan banda ang kaniyang kadakilaan?

Ngunit kung si Juan Baustista mismo ang tatanungin, marahil kaniyang sasabihin, “Juan ang aking pangalan at tunay na pinagpala ako ng Diyos higit pa sa sukdulan.” Sapagkat isang mahalagang tungkulin ang ipinagkatiwala ng Diyos kay Juan—Ang ituro si Kristo. Nauna si Juan kaysa kay Hesus. Mayroon na nga siyang mga tagasunod bago pa magsimula si Hesus sa kaniyang ministeryo. Ngunit nang makadaupang-palad na niya si Hesus, itinuro siya ni Juan: “Siya ang Kordero ng Diyos.” At iniwan siya ng kaniyang mga tagasunod upang sundan si Hesus (Jn 1:29-37). Mapagpala ang Diyos kay Juan at pinapurihan naman ni Juan ang Diyos. Ito ang nagpapadakila sa kaniyang buhay.

Paano natin isinasaloob at isinasabuhay ang pagpapala ng Diyos sa atin? Ito ang itinatanong sa atin ng mga pagbasa. Tayong mga nakakakilala sa ating Taga-pagligtas, tayong kaniyang hinirang at dinakila, anong ginagawa natin sa pagpapalang makilala at mahalin ng Diyos? Nitong mga nakaraang buwan na puno ng paghihirap at dagok sa buhay, anong klaseng Juan ang ating isinaloob at siyang namutawi?

Nawa’y maipahayag at maipahiwatig ng ating pamu-muhay at pakikipagkapwa ang kadakilaan ng Diyos sa bawa’t isa. Sapagkat bawat isa sa ati’y pinagpala. Sapagkat bawat isa sa ati’y dinakila.

—Ian Gabriel C. Ceblano

JuanDakila

Page 2: Taon 34 Blg. 33 Misa de Gallo — Puti Disyembre 23, 2020 S ......ng kanyang kalooban. (T) 3. Tapat ang pag-ibig, siya’ng umaakay/ sa tumatalima sa utos at tipan./ Sa tumatalima,

Antipona sa Pagpasok[Sedulius](Basahin kung walang pambungad na awit)

Maligayang bati sa ’yo, dakilang Ina ni Kristo sapagkat isinilang mo ang Diyos na naging tao, Hari ng langit at mundo.

Pagbati(Gawin dito ang tanda ng krus)

P - Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo, ang pag-ibig ng Diyos Ama, at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo nawa’y sumainyong lahat.B - At sumaiyo rin.

Paunang Salita(Maaaring basahin ito o isang katulad na pahayag)

P - Dumating na ang takdang araw at naisakatuparan ang panalangin ng mag-asawang Zacarias at Elisabet. Sa pag-silang ni Juan, muling pinagsalita ng Diyos ang napiping ama nito na si Zacarias. Naging ganap sa kanilang harapan ang pangako ng mapagpalang Diyos.

Mga kapatid, madama nawa nating táyo rin ay mahalaga para sa Diyos—tulad ni Juan na magiging Tagapagpakilala kay Hesus. Táyo rin ay mayroong natatanging misyon sa buhay: ang tanggapin ang Panginoon at ipamalita sa iba ang kanyang kagandahang-loob.

Pagsisisi

P - Mga kapatid, tinipon tayo bilang kaanib ng Diyos kaya dumulog tayo sa maawaing Panginoong nagpapatawad na lubos. (Tumahimik)

P - Sinugong Tagapagpagaling sa mga nagsisisi, Panginoon, kaawaan mo kami.B - Panginoon, kaawaan mo kami.P - Dumating na Tagapag-anyayang mga makasalana’y magsisi, Kristo, kaawaan mo kami.B - Kristo, kaawaan mo kami.P - Nakaluklok ka sa kanan ng Diyos Ama para ipamagitan kami, Panginoon, kaawaan mo kami.B - Panginoon, kaawaan mo kami.

P - Kaawaan tayo ng maka-pang yarihang Diyos, patawarin tayo sa ating mga kasalanan, at

patnu bayan tayo sa buhay na walang hanggan.B - Amen.

Gloria

Papuri sa Diyos sa kaitaasan at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya. Pinupuri ka namin, dinarangal ka namin, sinasamba ka namin ipinagbubunyi ka namin, pinasasalamatan ka namin, dahil sa dakila mong ang-king kapurihan. Panginoong Diyos, Hari ng langit, Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Pangi noong Hesukristo, Bugtong na Anak, Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, tanggapin mo ang aming kahilingan. Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama, maawa ka sa amin. Sapagkat ikaw lamang ang banal, ikaw lamang ang Panginoon, ikaw lamang, O Hesukristo, ang Kataas-taasan, kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen.

Pambungad na Panalangin

P - Manalangin tayo. (Tumahimik)Ama naming makapang-

yarihan, ipagkaloob mong kami’y magkamit kailan man ng kalusugan at kagalingan sa aming katawan at kalooban. Pakundangan sa pagdalangin ng laging Birheng si Santa Mariang mahal kami nawa’y mahango sa hapis sa kasalukuyan at makinabang sa kaluwalhatiang walang katapusan sa pama-magitan ni Hesukristo kasama ng Espiri tu Santo magpa-sawalang hanggan.B - Amen.

Unang Pagbasa [Mal 3:1-4, 23-24](Umupo)

Ang pagdating ni Elias ang siyang tanda ng muling pag-uugnayan ng Diyos at ng kanyang bayan. Ang pagbasang ito ang nasa likod ng kapanganakan ni Juan na pumarito sa espiritu ni propeta Elias.

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Malakias

NARITO ang pahayag ng Makapangyarihang Panginoon, “Ipadadala ko ang aking sugo upang ihanda ang daraanan ko. At ang Panginoon na inyong hinahanap ay biglang darating sa kanyang templo. Darating ang pinakahihintay ninyong sugo at ipahahayag ang aking tipan.”

Ngunit sino ang makatatagal pagdating ng araw na iyon? Sino ang makahaharap pag siya’y napakita na? Siya’y parang apoy na nagpapadalisay sa bakal at parang matapang na sabon. Darating siya para humatol at dadalisayin niya ang mga saserdote, tulad ng pagdalisay sa pilak at ginto. Sa gayon, magiging karapat-dapat silang maghandog sa Panginoon, at ang mga handog na dadalhin ng mga taga-Juda at Jerusalem ay magiging kalugud-lugod sa kanya, tulad ng dati. Ngunit bago dumating ang nakahihindik na araw ng Panginoon, isusugo ko sa inyo si Propeta Elias. Muling magkakalapit ang loob ng mga ama’t mga anak. Kung hindi’y mapipilitan akong pumariyan at wasakin ang inyong bayan.

— Ang Salita ng Diyos.B - Salamat sa Diyos.

Salmong Tugunan (Slm 24)

T - Itaas n’yo ang paningin kaligtasa’y dumarating.

1. Ang kalooban mo’y ituro, O Diyos,/ ituro mo sana sa aba mong lingkod;/ ayon sa matuwid, ako ay turuan,/ ituro mo, Poon, ang katotohanan. (T)

2. Mabuti ang Poon at makata-rungan,/ sa mga salari’y guro at patnubay;/ sa mababang-loob siya yaong gabay,/ at nagtuturo

PASIMULA

PAgpapahayag ng salita ng diyos

Page 3: Taon 34 Blg. 33 Misa de Gallo — Puti Disyembre 23, 2020 S ......ng kanyang kalooban. (T) 3. Tapat ang pag-ibig, siya’ng umaakay/ sa tumatalima sa utos at tipan./ Sa tumatalima,

ng kanyang kalooban. (T)

3. Tapat ang pag-ibig, siya’ng umaakay/ sa tumatalima sa utos at tipan./ Sa tumatalima, siya’y kaibigan,/ at tagapagturo ng banal na tipan. (T)

Aleluya (Tumayo)

B - Aleluya! Aleluya! Hari’t batong panulukang Saligan ng Sambayanan, halina’t kami’y idangal. Aleluya! Aleluya!

Mabuting Balita (Lc 1:57-66)

P - Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San LucasB - Papuri sa iyo, Panginoon.

DUMATING ang oras ng panga nganak ni El isabet , at nagluwal siya ng isang sanggol na lalaki. Nabalitaan ng kanyang mga kapitbahay at mga kamag-anak na siya’y pinagpala ng Panginoon, at nakigalak sila sa kanya.

Nang ikawalong araw, dumalo sila sa pagtutuli ng sanggol. Zacarias sana ang ipangangalan sa kanya—gaya ng kanyang ama—ngunit sinabi ng kanyang ina, “Hindi! Juan ang ipangangalan sa kanya.” “Subalit wala isa man sa iyong mga kamag-anak ang may ganyang pangalan,” wika nila. Kaya’t hinudyatan nila ang kanyang ama at itinanong kung ano ang ibig niyang itawag sa sanggol. Humingi siya ng masusulatan at sumulat ng ganito: “Juan ang kanyang pangalan.” At namangha s i l a n g l a h a t . Pa g d a k a ’ y nakapagsalita siya at nagpuri sa Diyos. Natakot ang lahat ng kanilang kapitbahay, anupat naging usap-usapan sa buong kaburulan ng Judea ang mga bagay na ito. Pinakaisip-isip ito ng lahat ng nakaalam at ang kanilang tanong: “Magiging ano nga kaya ang batang ito?” Sapagkat maliwanag na sumasakanya ang Panginoon.

— Ang Mabuting Balita ng Panginoon.B - Pinupuri ka namin, Pangi-noong Hesukristo.

Homiliya (Umupo)

Pagpapahayag ng Pananampalataya (Tumayo)

B - Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa.Sumasampalataya ako kay Hesu-kristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat, nagkata-wang-tao siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao, nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit. Naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumulang paririto at huhukom sa nanga-bubuhay at nangamatay na tao.Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao at sa buhay na walang hanggan. Amen.

Panalangin ng Bayan

P - “Mapagpala ang Diyos.” Ito ang kahulugan ng pangalang Juan. Mana langin tayo sa Ama na tayo ri’y pagpalain ngayong Kapaskuhan at sa bawat yugto ng ating buhay. Buong pagtitiwala nating sambitin:

T - Panginoon, pagpalain mo kami.

L - Para kay Papa Francisco, mga obispo, pari, diyakono, at mga relihiyoso’t relihiyosa: Masalamin nawa ang pagpapala ng Diyos sa pamamagitan ng kanilang pamumuhay at paglilingkod. Manalangin tayo: (T)

L - Para sa mga pinuno ng ating lipunan: Pahalagahan nawa nila ang pagkatao ng bawat mamamayan sa pamamagitan ng kanilang pag-papahayag ng katotohanan at pag-sasabuhay ng mga turo ni Hesus. Manalangin tayo: (T)

L - Para sa mga nawawalan ng pag-asa: Lingapin nawa sila ng Panginoon sa pamamagitan ng mga taong handang tumulong

at magmalasakit sa kapwa. Manalangin tayo: (T)L - Para sa ating pamayanan: Matuto nawang magdamayan at magbayanihan ang bawat-isa upang lumago tayo sa kapayapaan at kagalakan. Manalangin tayo: (T)

L - Para sa mga Yumao: Manahan nawa sila sa kaluwalhatian ng Diyos magpakailanman. Manalangin tayo: (T)

L - Sa i l ang sanda l i ng ka t ah im ikan , a t i ng i pa -nalangin ang iba pang mga pangangailangan ng ating pamayanan pati na rin ang ating pansariling kahilingan (Tumahimik). Manalangin tayo: (T)

P - Panginoon, patuloy mong pagpalain ang iyong bayan. M a g s i k a p n awa k a m i n g masundan ang kalooban mo habang kami’y nananabik sa pagdating ni Hesukristong Anak mo at aming Panginoon ngayon at magpasawalang hanggan.B - Amen.

Paghahain ng Alay (Tumayo)

P - Manalangin kayo...B - Tanggapin nawa ng Pangi-noon itong paghahain sa iyong mga kamay sa kapurihan niya at karangalan sa ating kapaki nabangan at sa buong Sambayanan niyang banal.

Panalangin ukol sa mga Alay

P - Ama naming Lumikha, ang iyong nagkatawang-taong Anak ay tumulong nawa sa aming ginagawa upang siya na iniluwal ni Maria nang di bumawas kundi lalo pang nagpaganap sa pagkabirhen, ay magpagindapat na kalugdan mo ang aming paghahain sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan sapagkat siya ang Panginoong kasama mo at ng Espiritu Santo magpasa-walang hanggan.B - Amen.Prepasyo (Adbiyento II)

P - Sumainyo ang Panginoon.B - At sumaiyo rin.P - Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.

Pagdiriwangng huling hapunan

Page 4: Taon 34 Blg. 33 Misa de Gallo — Puti Disyembre 23, 2020 S ......ng kanyang kalooban. (T) 3. Tapat ang pag-ibig, siya’ng umaakay/ sa tumatalima sa utos at tipan./ Sa tumatalima,

lamang ay gagaling na ako.

Antipona sa Komunyon (Lc 11:27)

Mapalad ang Birheng Maria, pinili ng Diyos Ama upang il’wal ang sugo n’ya Anak na kaisa-isa at Manunubos sa sala.

Panalangin Pagkapakinabang(Tumayo)

P - Manalangin tayo. (Tumahimik)Ama naming mapagmahal,

s a p a g s a s a l o n a m i n s a banal na pakikinabang ang iyong kagandahang-loob ay aming hinihiling upang ang pagpaparangal namin sa Mahal na Birhen at pagtulad namin sa kanya ay magpagindapat na aming paglingkuran ang pagganap sa kaloob mong kaligtasan sa pama magitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasa wa lang hanggan.B - Amen.

P - Sumainyo ang Panginoon.B - At sumaiyo rin.

Pagbabasbas

P - Magsiyuko kayo at hingin ang pagpapala ng Diyos. (Tumahimik)

Ang makapangyarihang Diyos Ama ng Bugtong na Anak na naparito na noon at hinihintay nating bumalik ngayon ay

B - Itinaas na namin sa Panginoon.P - Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.B - Marapat na siya ay pasala matan.P - Ama naming makapangyari-han, tunay ngang marapat na ikaw ay aming pasalamatan sa pama ma gitan ni Hesukristo na aming Pangi noon.

Ang pagsusugo mo sa kanya ay ipinahayag ng lahat ng mga propeta. Ang pagsilang niya’y pinanabikan ng Mahal na Birheng kanyang Inang tunay sa kapangyarihan ng Espiritung Banal. Ang pagdating niya’y inilahad ni San Juan Bautista sa kanyang pagbibinyag. Nga-yong pinaghahandaan namin ang maligayang araw ng kan-yang pagsilang, kami’y nana-nabik at nananalanging lubos na makaharap sa kanyang kadakilaan.

Kaya kaisa ng mga anghel na nag sisiawit ng papuri sa iyo nang walang humpay sa kalangitan, kami’y nagbubunyi sa iyong kada ki laan.B - Santo , Santo , Santo Panginoong Diyos ng mga hukbo! Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo! Osana sa kaitaasan! Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon! Osana sa kaitaasan! (Lumuhod)

Pagbubunyi (Tumayo)

B - Sa krus mo at pagkabuhay kami’y natubos mong tunay, Poong Jesus naming mahal, iligtas mo kaming tanan ngayon at magpakailanman.

Ama Namin

B - Ama namin...P - Hinihiling naming...B - Sapagkat iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang kapu -rihan magpakailanman! Amen.

Pagbati ng Kapayapaan

Paanyaya sa Pakikinabang(Lumuhod)

P - Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan. Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.B - Panginoon, hindi ako ka-rapat-dapat na magpatulóy sa iyo ngunit sa isang salita mo

siya nawang magpabanal sa inyo pakundangan sa liwanag ng kanyang pagdating at siya rin nawang pumuspos sa inyo sa pagpapala ngayon at magpasawalang hanggan.B - Amen.P - Patatagin nawa niya kayo sa pananampalataya, paligayahin sa pag-asa at pakilusin sa pag-ibig na puspos ng sigla ngayon at magpasawalang hanggan.B - Amen.P - Kayong nagagalak sa pagdating ng nagkatawang-taong manunubos ay puspusin nawa niya ng gantimpalang buhay na di matatapos kapag siya’y dumating nang may kadakilaang lubos magpasawalang hanggan.B - Amen.P - Pagpalain kayo ng makapang-yarihang Diyos, Ama at Anak (†) at Espiritu Santo.B - Amen.

Pangwakas

P - Humayo kayong taglay ang kapayapaan upang ang Panginoon ay mahalin at paglingkuran.B - Salamat sa Diyos.

Pagtatapos

Pakikinabang

Available at all ST PAULS BookstoresShop online: www.stpauls.ph

2 0 2 1