Tagalog-Novena to Santo Nino (Bookfold)

2
Page 4 N: O mapagpalang Santo Niño B: Dinggin Mo at ipagkalooban ang aking kahilingan. MAGDASAL NG BUONG TAIMTIM NG ISANG AMA NAMIN, ABA GINOONG MARIA AT LUWALHATI SA AMA. Panghuling Panalangin Panghuling Panalangin Panghuling Panalangin Panghuling Panalangin Oh katamistamisang Hesus! Talos kong Ikaw ay bukal ng pag- ibig at madlang awa. Ikaw ay makapangyarihan, nguni't makatarungan at mapagsaklolo. Hindi mo pinababayaan ang huminingi sa Iyo ng ano mang tulong. Dahil diyan, ako ay dumudulog sa Iyo ngayon. Oh, mahal na Sto. Ni�o at isinasamo ko po sa Iyo na bigyan ng katahimikan ang aking kaluluwa. Ilayo ako sa mga tukso at sa ano mang kasamaan at hulugan ako ng Iyong mahal na biyaya. Siya nawa. MAGDASAL NG BUONG TAIMTIM NG ISANG AMA NAMIN, ABA GINOONG MARIA AT LUWALHATI SA AMA. Page 1 N N N N N N O O O O O O V V V V V V E E E E E E N N N N N N A A A A A A T T T T T T O O O O O O S S S S S S A A A A A A N N N N N N T T T T T T O O O O O O N N N N N N I I I I I I Ñ Ñ Ñ Ñ Ñ Ñ O O O O O O Ang Pagsisisi Ang Pagsisisi Ang Pagsisisi Ang Pagsisisi Panginoon kong Hesukristo , Diyos na totoo at tao namang totoo, gumawa at sumakop sa akin, pinagsisihan kong masakit sa tanang loob ko ang dilang pagkakasala ko sa Iyo, na ikaw nga ang Diyos ko, Panginoon ko at Ama ko na iniibig kong higit sa lahat. Nagtitika akong matibay na di na ako muling magkakasala sa Iyo, at nagtitka naman akong magkukumpisal ng dilang kasalanan ko. Umaasa akong patatawarin Mo rin alang-alang sa Iyong mahal na Pasyon at pagkamatay Mo sa Krus dahilan sa akin. Siya nawa. Paghahandog Paghahandog Paghahandog Paghahandog Oh, katamistamisang Hesus! Inihahandog ko po sa Iyo ang aking kaluluwa; sapagkat dahil sa pag-ibig sa Sangkatauhan, Ikaw ay nagkatawang-tao at upang magbigay ng halimbawa ng kababaan, Ikaw ay sumilang sa isang yungib na sinisilungan ng mga hayop. At Ikaw ay napalagay lamang sa isang sabsaban. Alang-alang nga sa pag-ibig mo at pagpapakasakit, ako'y nagtitikang matibay na hindi na muling magkakasala sa Iyo. At nawa'y pagkalooban Mo po ako ng Iyong mahal na biyaya na aking pakaiingatan, sa hangad na kung ako'y mamatay, ako'y maging marapat sa kaluwalhatian ng Langit. Siya nawa.

description

Novena to the Santo Nino (bookfold)Tagalog versionThis is also called the Novena to the infant child, Jesus

Transcript of Tagalog-Novena to Santo Nino (Bookfold)

Page 1: Tagalog-Novena to Santo Nino (Bookfold)

Page 4

N: O mapagpalang Santo Niño

B: Dinggin Mo at ipagkalooban ang aking kahilingan.

MAGDASAL NG BUONG TAIMTIM NG

ISANG AMA NAMIN,

ABA GINOONG MARIA

AT LUWALHATI SA AMA.

Panghuling PanalanginPanghuling PanalanginPanghuling PanalanginPanghuling Panalangin

Oh katamistamisang Hesus! Talos kong Ikaw ay bukal ng pag-

ibig at madlang awa. Ikaw ay makapangyarihan, nguni't makatarungan

at mapagsaklolo. Hindi mo pinababayaan ang huminingi sa Iyo ng ano

mang tulong. Dahil diyan, ako ay dumudulog sa Iyo ngayon. Oh, mahal

na Sto. Ni�o at isinasamo ko po sa Iyo na bigyan ng katahimikan ang

aking kaluluwa. Ilayo ako sa mga tukso at sa ano mang kasamaan at

hulugan ako ng Iyong mahal na biyaya. Siya nawa.

MAGDASAL NG BUONG TAIMTIM NG

ISANG AMA NAMIN,

ABA GINOONG MARIA

AT LUWALHATI SA AMA.

Page 1

NNNNNNNNOOOOOOOOVVVVVVVVEEEEEEEENNNNNNNNAAAAAAAA TTTTTTTTOOOOOOOO SSSSSSSSAAAAAAAANNNNNNNNTTTTTTTTOOOOOOOO NNNNNNNNIIIIIIIIÑÑÑÑÑÑÑÑOOOOOOOO

Ang PagsisisiAng PagsisisiAng PagsisisiAng Pagsisisi

Panginoon kong Hesukristo , Diyos na totoo at tao namang

totoo, gumawa at sumakop sa akin, pinagsisihan kong masakit sa tanang

loob ko ang dilang pagkakasala ko sa Iyo, na ikaw nga ang Diyos ko,

Panginoon ko at Ama ko na iniibig kong higit sa lahat. Nagtitika akong

matibay na di na ako muling magkakasala sa Iyo, at nagtitka naman

akong magkukumpisal ng dilang kasalanan ko. Umaasa akong

patatawarin Mo rin alang-alang sa Iyong mahal na Pasyon at

pagkamatay Mo sa Krus dahilan sa akin. Siya nawa.

PaghahandogPaghahandogPaghahandogPaghahandog

Oh, katamistamisang Hesus! Inihahandog ko po sa Iyo ang aking

kaluluwa; sapagkat dahil sa pag-ibig sa Sangkatauhan, Ikaw ay

nagkatawang-tao at upang magbigay ng halimbawa ng kababaan, Ikaw

ay sumilang sa isang yungib na sinisilungan ng mga hayop. At Ikaw ay

napalagay lamang sa isang sabsaban.

Alang-alang nga sa pag-ibig mo at pagpapakasakit, ako'y

nagtitikang matibay na hindi na muling magkakasala sa Iyo.

At nawa'y pagkalooban Mo po ako ng Iyong mahal na biyaya na

aking pakaiingatan, sa hangad na kung ako'y mamatay, ako'y maging

marapat sa kaluwalhatian ng Langit. Siya nawa.

Page 2: Tagalog-Novena to Santo Nino (Bookfold)

Page 2

PanalanginPanalanginPanalanginPanalangin

Oh, maawaing Hesus!

Nanalig po akong lubos na Ikaw ay Diyos na totoo, bugtong na

Anak ng Diyos at tunay na Anak ni Maria.

Sa pagkilala ko sa Iyong kabutihan at pagkamahabagin, pinupuri

po Kita at sinasamba.

At sa kabanalbanalan Mong pangalan, hinihiling kong ako'y

pagkalooban Mo po ng iyong biyaya at ng hinihingi ko sa pabnonobena

na ito, kung baga marapat sa Iyong kaluwalhatian at ikagagaling ng

kaluluwa ko. Siya nawa.

Mga kahilingan sa Santo NiñoMga kahilingan sa Santo NiñoMga kahilingan sa Santo NiñoMga kahilingan sa Santo Niño

N: O Banal na Sanggol, Diyos na makapangyarihan at bukal ng mga

biyaya, ako ay naninikluhod sa Iyong harapan. Buong puso

akong sumasamba, sumasampalataya at nagmamahal. Lubos

akong nagsisisi sa aking mga kasalanan. Iniaalay ko sa Iyo ang

aking sarili. Itulot Mo na ako ay matulad sa Iyong mga

kabanalan, gawin Mo akong maamo, mababang-loob, matiisin,

malinis, maunawain sa kapwa at masunurin sa kalooban Mo.

O Hesus, Ikaw ang nagsabi na anuman ang aming hingin sa Ama

sa ngalan Mo ay ipagkakaloob sa amin; buong pagsusumamo na

hinihiling ko sa Ama sa kabanal-banalan Mong Pangalan at sa

pamamagitan ni Santa Mariang Birhen na ipagkaloob sa akin

ang biyayang ito…(idaing ang kahilingan)

Page 3

N: O mapagpalang Santo Niño

B: Dinggin Mo at ipagkalooban ang aking kahilingan.

N: O Hesus, Ikaw ang nagsabi: "Lumapit kayo sa Akin, kayong mga

napapagal at nabibigatan at kayo ay Aking pagiginhawain."

Buong pananalig akong lumalapit sa Iyo at sa pamamagitan ni

Santa Mariang Birhen, ay isinasamo kong ipagkaloob Mo sa akin

ang biyayang ito...(idaing ang kahilingan)

N: O mapagpalang Santo Niño

B: Dinggin Mo at ipagkalooban ang aking kahilingan.

N: O Hesus na isinilang sa gitna ng karalitaan, ngunit nagtataglay

ng pangalang Hesus na ang ibig sabihin ay "Tagapagligtas," Ikaw

ang Hesus ng mga nagdaralita at iligtas Mo kami sa aming

kagipitang pangkabuhayan.

N: O mapagpalang Santo Niño

B: Dinggin Mo at ipagkalooban ang aking kahilingan.

N: O Emmanuel, na ang ibig sabihin ay "Ang Diyos ay sumasa-atin."

Suma-amin Ka nawang lagi at ipagtanggol Mo kami sa lahat ng

panganib ng kaluluwa at katawan.

N: O mapagpalang Santo Niño

B: Dinggin Mo at ipagkalooban ang aking kahilingan.

N: O Hesus nasa bisa ng Iyong pangalan, ang maraming tao ay

nalunasan sa kanilang mga karamdaman, maawa Ka sa mga

maysakit at pagkalooban Mo sila ng lunas ng kaluluwa at

katawan.

(Humingi ng awa para sa sarili at para sa iba na nais tulungan)