T · probisyong nagbabawal sa mga da-yuhan na magpatakbo ng kanilang negosyo at magmay-ari ng lupa...

10
Editoryal T aliwas sa kanyang mga pangako, wala pang makabuluhang pag- babagong ipinatutupad si Presidente Rodrigo Duterte ng GRP na tumutugon sa kagyat na pangangailangan ng bayan. Mas naging mapagbigay siya sa malalaking negosyante, sa US, sa militar at sa mga burukratang kapitalista. Hindi dama ng mamamayan ang ipinamamara- ling "Narito na ang Pagbabago!" Ang unti-unti pagpapakitid ng daan ng usapang pangkapayapaan sa nagdaang mga araw ay nagpapaliit lalo sa posibilidad na ipatupad ang mga pagbabagong hiling ng mga magsasa- ka, manggagawa at karaniwang mamamayan. Mulat sa pagiging reaksyunaryo sa esensya ng rehimeng Duterte, isi- nusulong ng mga pwersang pamban- sa-demokratiko ang pakikipagtakti- kal na alyansa dito sa batayan ng mga pangakong progresibong pag- babago at kasaysayan ng pakikipag- ugnayan at pakikipagtulungan ni Duterte sa mga rebolusyonaryong pwersa sa Davao. Tumingkad ang potensyal nito nang hinirang niya sa kanyang gabinete ang mga lider-ma- sa at pwersa ng demokratikong kilu- sang masa, nang paulit-ulit na na- ngakong palayain ang mga bilang- gong pulitikal at konsultant ng NDFP pabor sa usapang pangkapayapaan, at nang ibinukas ang kanyang tanggapan para makipag- usap sa mga pwersang pambansa- demokratiko. Puspusang kumikilos ang mga pwersang pambansa-demokratiko sa pagbubuo at pagsusulong ng adyen- da ng bayan para sa pagbabago. Inihaharap nila kay Duterte ang mga kagyat na kahilingan ng bayan para sa lupa, trabaho, dagdag sahod, mababang presyo, pabahay, serbi- syong pangkalusugan at edukasyon. Iginiit nila ang pagpapalaya ng mga bilanggong pulitikal, pagwawakas sa militarisasyon sa kanayunan, pag- babasura sa EDCA, pag- ba- baklas sa mga baseng militar ng US at pagpapaalis sa lahat ng mga dayuhang tropang US sa Pilipinas. Para sa mamamayang umaasa sa makabuluhang mga pagbabago, ma- babaw ang State of the Nation Address (SONA) ni Duterte noong Hulyo 25. Kung bubusisiin, wala si- yang inilahad doon na anumang kongkretong hakbanging tumutugon sa pinakamalalaki at kagyat na problema ng bayan. Walang kauku- lang pansin at pag-aapura sa pina- kamatitingkad na problema ng tra- baho, dagdag sweldo at mataas na presyo ng pagkain at mga bilihin. Ang ipinagmalaki ni Duterte ay ang kanyang niraratsadang "gerang kontra-droga" na ngayo'y isa nang malawakang kampanya ng walang pakundangang pamamaslang. Mahi- git nang 800 ang pinatay ng mga pulis at ng mga vigilanteng hawak nito at ng mga sindikato sa droga. Ang tagumpay

Transcript of T · probisyong nagbabawal sa mga da-yuhan na magpatakbo ng kanilang negosyo at magmay-ari ng lupa...

Page 1: T · probisyong nagbabawal sa mga da-yuhan na magpatakbo ng kanilang negosyo at magmay-ari ng lupa sa Pilipinas. Matagal na itong itinutulak ng US bilang kundisyon sa pagsali ng Pilipinas

Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas

Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-MaoismoANG

Pinakikitid ni Duterte ang daantungo sa pagbabago at kapayapaan

Tomo XLVI I Bl g. 1 5

Agosto 7, 2 01 6

www. phi l i ppi nerevol uti on. net

Editoryal

Taliwas sa kanyang mga pangako, wala pang makabuluhang pag-babagong ipinatutupad si Presidente Rodrigo Duterte ng GRP natumutugon sa kagyat na pangangailangan ng bayan. Mas naging

mapagbigay siya sa malalaking negosyante, sa US, sa militar at sa mgaburukratang kapitalista. Hindi dama ng mamamayan ang ipinamamara-ling "Narito na ang Pagbabago!" Ang unti-unti pagpapakitid ng daan ngusapang pangkapayapaan sa nagdaang mga araw ay nagpapaliit lalo saposibilidad na ipatupad ang mga pagbabagong hiling ng mga magsasa-ka, manggagawa at karaniwang mamamayan.

Mulat sa pagiging reaksyunaryosa esensya ng rehimeng Duterte, isi-nusulong ng mga pwersang pamban-sa-demokratiko ang pakikipagtakti-kal na alyansa dito sa batayan ngmga pangakong progresibong pag-babago at kasaysayan ng pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan niDuterte sa mga rebolusyonaryongpwersa sa Davao. Tumingkad angpotensyal nito nang hinirang niya sakanyang gabinete ang mga lider-ma-sa at pwersa ng demokratikong kilu-sang masa, nang paulit-ulit na na-ngakong palayain ang mga bilang-gong pulitikal at konsultant ng NDFPpabor sa usapang pangkapayapaan,at nang ibinukas ang

kanyang tanggapan para makipag-usap sa mga pwersang pambansa-demokratiko.

Puspusang kumikilos ang mgapwersang pambansa-demokratiko sapagbubuo at pagsusulong ng adyen-da ng bayan para sa pagbabago.Inihaharap nila kay Duterte ang mgakagyat na kahilingan ng bayan parasa lupa, trabaho, dagdag sahod,mababang presyo, pabahay, serbi-syong pangkalusugan at edukasyon.Iginiit nila ang pagpapalaya ng mgabilanggong pulitikal, pagwawakas samilitarisasyon sa kanayunan, pag-babasura sa EDCA, pag- ba-baklas sa mga

baseng militar ng US at pagpapaalissa lahat ng mga dayuhang tropangUS sa Pilipinas.

Para sa mamamayang umaasa samakabuluhang mga pagbabago, ma-babaw ang State of the NationAddress (SONA) ni Duterte noongHulyo 25. Kung bubusisiin, wala si-yang inilahad doon na anumangkongkretong hakbanging tumutugonsa pinakamalalaki at kagyat naproblema ng bayan. Walang kauku-lang pansin at pag-aapura sa pina-kamatitingkad na problema ng tra-baho, dagdag sweldo at mataas napresyo ng pagkain at mga bilihin.

Ang ipinagmalaki ni Duterte ayang kanyang niraratsadang "gerangkontra-droga" na ngayo'y isa nangmalawakang kampanya ng walangpakundangang pamamaslang. Mahi-git nang 800 ang pinatay ng mgapulis at ng mga vigilanteng hawaknito at ng mga sindikato sa droga.Ang tagumpay

Page 2: T · probisyong nagbabawal sa mga da-yuhan na magpatakbo ng kanilang negosyo at magmay-ari ng lupa sa Pilipinas. Matagal na itong itinutulak ng US bilang kundisyon sa pagsali ng Pilipinas

Agosto 7 , 2016 ANG BAYAN2

Editoryal: Pinakikitid ni Duterte ang daantungo sa pagbabago at kapayapaan 1

Paglaya ng mga konsultant, naantala 3

Pagdedeklara ng ceasefire sa Agosto 20 4

Tigil-putukan ni Duterte, di sinunod 5

Buntis, pinaslang ng paramilitar 6

72nd IB, inambus 6

Parangal kay Ka Wendell 7

Sosyo-ekonomikong adyenda 7

Libu-libo, lumahok sa SONA 8

Mga lokal na guro ng Partido 9

Protesta sa Lumbia Airport 10

Kumperensya sa people's rights 10

Mga kontraktwal ng MRT, sinisante 10

Tomo XLVI I Bl g. 1 5 | Agosto 7, 2 01 6

NilalamanANG

Ang Ang Bayan

ay i ni l a l abas sa

wi kang Pi l i pi no,

Bi saya,

H i l i gaynon, Waray

at I ngl es. M aaari

i tong i-download mul a sa Phi l i ppi ne

Revol uti on Web Central na matatagpuan

sa www.philippinerevolution.net

Tumatanggap ang Ang Bayan ng mga

kontri busyon sa anyo ng mga arti kul o at

bal i ta. H i ni hi kayat di n ang mga

mambabasa na magpaabot ng mga puna

at rekomendasyon sa i kauunl ad ng ati ng

pahayagan. M aaabot kami sa

pamamagi tan ng email sa:

cppinformationbureau@gmail. com

Ang Ang Bayan ay i ni l a l athal a dal awang beses bawat buwan

ng Komi te Sentral ng Parti do Komuni sta ng Pi l i pi nas

ni Duterte ay sinusukat sa bilang ngnapapatay at sa nililikha nitong sin-dak sa bayan. Dapat punahin si Du-terte sa pagtatanggol at astang wa-lang pakialam sa dami ng napatay.Buklurin ang lahat ng mga nagingbiktima, tunay mang sangkot sa dro-ga o hindi, para ipagtanggol ang ka-nilang karapatang-tao at isulongang katarungan.

Malulutas lamang ang laganapna problema ng droga kung luluta-sin ang laganap na problema ng ka-walang trabaho, kagutuman at ka-hirapan na sanhi ng desperadongpagkapit ng milyun-milyon sa dro-ga. Maling ituring silang kriminal.Sa halip na kalinga at tulong, buongdahas ng estado ang itinapat sa ka-nila ni Duterte. Mas malala, itinu-tok sa kanila ang PNP at AFP, namay iba't ibang paksyong kontrola-do ng nagriribalang sindikato. Hindimaglalao'y mabibigo ang gerang itoni Duterte at malalantad bilangisang marahas na gitgitan sa implu-wensya, kontrol at teritoryo ng mganagriribalang sindikato.

Habang madugo ang paraan ng

pagsupil sa mga biktima ng droga,naging maingat at marahan namansiya sa paghawak sa malalakinginaakusahang kriminal. Ang iba'y ti-nanggap pa sa Malacañang, itinu-ring na bisita sa himpilan ng PNP atbinigyan ng pagkakataong maka-pagpaliwanag sa midya, kahit pa si-la'y inakusahang nasa tuktok ngsindikato sa droga.

Tulad ng pagtrato sa malalakingdrug lord, naging mapagbigay din siDuterte sa interes ng malalakingnegosyante, sa mga kriminal na bu-rukratang kapitalista, sa militar atpulis at pati na sa US.

Sa kabila ng paulit-ulit na pag-babanta ni Duterte sa mga kapita-listang nagpapatupad ng "endo,"wala pa siyang naging kongkretonghakbangin kaugnay nito. Hindi manlamang niya tinutukan ang tampokna kaso ng Tanduay na tumatang-ging ipatupad ang regularisasyon ngmga dekontratang manggagawa,kahit pa itinakda na ito ng korte.

Pumapalakpak ang malalakingkapitalista sa pagpapatuloy ni Du-terte ng mga patakarang neoliberal,

kabilang ang ibayong pagpapaluwagng mga patakaran at regulasyonpara madaling makapamunuhan.Paulit-ulit ang kanyang banta sa"mapanirang" pagmimina, subalitmagluluwag sa mga pamantayan sapolusyon sa ngalan ng "industriya-lisasyon", na sa mga paliwanag niDuterte ay katulad rin noon na na-katuon sa pagpapapasok sa mgadayuhang pamumuhunan.

Pinalakpakan rin si Duterte ngmalalaking kriminal na burukratangkapitalista, laluna si Benigno Aqui-no III at ang pinalaya na si GloriaArroyo at ang kanilang mga kasa-pakat sa pandarambong. Ibinasurana niya ang panawagan ng bayanna papanagutin at parusahan sinaAquino at Arroyo sa pagsabing hin-di na raw niya pag-aaksayahan ngpanahon ang mga kasalanan ng na-karaan.

Naging mapagbigay din si Du-terte sa US. Hindi na narinig muli sakanya ang dating pagtutol niya sapaggamit ng militar ng US ng mgapasilidad sa Davao. Ang pagbisitang mga susing upisyal ng US ay si-nalubong ng desisyon ng KorteSuprema na pinal na pinagtibay angEDCA. Pumalakpak si Duterte nangtumanggap ng $32 milyon paradiumano sa pagpapalakas ng AFP.Malamang na wala na siyang gaga-wing hakbangin para ilipat pa angnanggahasang sundalong Amerika-no na si Pemberton mula sa espe-syal na kulungang binabantayan ngUS patungo sa kulungang hawak ngPilipinas.

Puspusang sinusuportahan niDuterte ang pakanang "cha-cha"(charter change) o pagbabago ngkonstitusyon para baguhin ang sis-tema ng gubyerno tungong pederalna anyo nito. Pumapalakpak angmga reaksyunaryong pulitiko, lalu-na ang mga warlord at dinastiyangpampulitika, dahil lalo nitong pag-titibayin ang kanilang kapangyari-han sa kani-kanilang mga rehiyonat prubinsya.

Tuwang-tuwa rin ang gubyer-nong US at mga papet nito dahilpagkakataon ang chacha para

Page 3: T · probisyong nagbabawal sa mga da-yuhan na magpatakbo ng kanilang negosyo at magmay-ari ng lupa sa Pilipinas. Matagal na itong itinutulak ng US bilang kundisyon sa pagsali ng Pilipinas

ANG BAYAN Agosto 7 , 2016 3

tanggalin sa konstitusyon ang mgaprobisyong nagbabawal sa mga da-yuhan na magpatakbo ng kanilangnegosyo at magmay-ari ng lupa saPilipinas. Matagal na itong itinutulakng US bilang kundisyon sa pagsali ngPilipinas sa Trans-PacificPartnership.

Mahigit nang isang buwan sa po-der si Duterte pero wala pa siyangnapalalayang detenidong pulitikal.Bagaman binati ng PKP ang unilateralo isang-panig na pagdeklara ni Duter-te ng tigil-putukan noong SONA bi-lang pampabwelo sa usapang pangka-payapaan, higit na mas mahalaga angtuparin niya ang pangakong palayainang mga konsultant ng NDFP upangmakalahok sila sa napipintong mganegosasyon.

Naging mas mapagbigay si Du-terte sa mga pulis at sundalo. Kali-wa't kanan ang papuri sa mga sun-dalo at pulis at pagpapangako ngpagdodoble ng sahod at dagdag nabenepisyo. Nagbubulag-bulagan siyasa napakahabang listahan ng mgakrimen at paglabag sa karapatang-tao. Sa kabila ng utos niyang tigil-putukan, hinayaan niya ang AFP namagpatuloy sa mga operasyongpangkombat, saywar at militarisa-syon sa komunidad. Pumalakpak angmga militarista nang binawi ni Du-terte ang kanyang deklarasyong tigil-putukan.

Paulit-ulit si Duterte na nagsa-sabing may dugong katutubo, perohanggang ngayon, wala siyangginagawang hakbangin pa-ra tulungang ligtas namakauwi ang ilandaangpamilyang Lumad nanagbakwit sa DavaoCity. Hanggang ngayon,walang tigil angmilitarisasyon sa kani-lang mga lugar. Tila bi-ngi si Duterte sa sigawna pauwiin na ang mgasundalong nagkakamposa kanilang mga paara-lan, barangay hall at mgabahay.

Unang itinakda ang

usapang pangkapayapaan sa unanghati ng Hulyo. Subalit naantala na itonang naantala matapos hindi ginamitni Duterte ang hawak niyang ka-pangyarihang para agad tuparin angpangakong palayain ang 22 konsul-tant ng NDFP at halos 550 deteni-dong pulitikal. Idinaan pa ni Dutertesa masikot na prosesong ligal. Bilangdating piskal, alam na alam ni Duter-te kung papaanong sinampahan nggawa-gawang kasong kriminal angmga aktibista at rebolusyonaryo pa-ra pagtakpan ang sa esensya'y pam-pulitikang panunupil laban sa kanila.

Sabik man ang mga rebolusyo-naryong pwersa na muling simulanang usapang pangkapayapaan, naka-handa rin silang maghintay na tupa-rin ni Duterte ang pangakong pagpa-palaya sa mga konsultant ng NDFP.Bukod sa kailangan ang paglahok nilasa negosasyon, ang pagpapalaya sakanila ay magsisilbing patunay namayroon isang salita si Duterte atmapagkakatiwalaang tutuparin anganumang kasunduang pipirmahan sausapan.

Matapos niyang balewalain angsariling pangakong palayain ang mgakonsultant ng NDFP, nag-imbento nanaman ngayon si Duterte ng paniba-gong ultimatum laban sa paggamitng BHB ng eksplosibo bilang kundi-syon sa negosasyong pangkapayapa-an. Kung pagbabatayan lamang angmga naging kilos ni Duterte sa naka-raang mga linggo, makikitang lumiliit

ang potensyal na may matatamongmakabuluhan sa pamamagitan ngusapang pangkapayapaan.

Sa kabila nito, dapat patuloy nagamitin para sa kapakanan ng bayanang ilang pagbubukas ni Duterte sapambansa-demokratikong kilusan,kabilang ang paghirang ng mga lider-masa sa ilang upisina ng gubyerno atang pagiging bukas ng kanyangtanggapan para sa tuwirang pakiki-pag-usap upang ihapag at igiit angmga usapin ng mamamayan.

Subalit ang mas mahalaga, dapatpatatagin ng sambayanang Pilipinoang kanilang pambansa-demokrati-kong paninindigan at organisadonglakas. Mabuting bagay na pukaw angsambayanang Pilipino at determina-dong isulong ang kanilang mga paki-kibaka. Batid nila ang potensyal athangganan ng taktikal na alyansakay Duterte na ang mas mahalaga ayang pagsusulong ng kanilang pakiki-baka.

Dapat isulong nang puspusanang mga pakikibaka laban sa imper-yalismo, pyudalismo at burukratangkapitalismo. Kaliwa't kanan ang mgaproblema ng bayan na dapat puspu-san nilang harapin at labanan. Dapatpag-ibayuhin ng mga manggagawa,magsasaka, maralitang lungsod, mgakabataan at estudyante, mga kawaning gubyerno, mga kababaihan, mig-rante, maliliit na propesyunal at ibapang demokratikong sektor ang ka-nilang mga pakikibaka.

Habang mahigpit na nakaan-tabay sa anunsyo ng tigil-putukanpara sa usapang pangkapayapaan,dapat todo-largang ilunsad ng Ba-gong Hukbong Bayan (BHB) ang mga

taktikal na opensiba sa buong ban-sa upang isulong ang digmangbayan at para magkamit ng masmarami pang tagumpay. Ilun-sad ang mga pananambang,reyd at iba pang anyo ng ani-hilatibong taktikal na opensibana may layuning magsamsamng papalaking bilang ng mgasandata para armasan angdumaraming Pulang mandirig-

ma ng BHB.

Page 4: T · probisyong nagbabawal sa mga da-yuhan na magpatakbo ng kanilang negosyo at magmay-ari ng lupa sa Pilipinas. Matagal na itong itinutulak ng US bilang kundisyon sa pagsali ng Pilipinas

Agosto 7 , 2016 ANG BAYAN4

niniktik na nagtatarget sa mga ko-munidad na sibilyan, bagay na na-ging sanhi ng engkwentro sa Kapa-long, Davao del Norte.

Idinahilan ni Duterte angsagupaang ito upang takdaan angPKP ng ilang oras noong Hulyo 28para ipaliwanag ang insidente. Nangmakapagpaliwanag na ang nauukolna kumand ng BHB noong Byernes,kinabukasan ay nagtakda naman si-ya ng hanggang alas-5 ng hapon nataning para magdeklara ang PKP ngtigil-putukan. Naglabas ng pabatidang PKP na magpapahayag ito nangalas-8 ng gabi. Kalahating oras bagonito, iniatras ni Duterte ang kan-yang deklarasyon ng tigil-putukan atminanduhan ang AFP na magpatuloyng mga operasyon.

Ayon sa PKP, “napakakaprit-yoso para sa Presidente ng GRP namagpataw ng taning na oras o arawlamang ang bilang para sumunodang PKP sa kanyang masum-pungan.”

Mula Hunyo pa ay naghahandana ang PKP ng borador para sapansamantalang unilateral na tigil-putukan para sa usapang pangka-payapaan. Ngunit nagdeklara naagad ng tigil-putukan si Dutertekahit hindi pa niya natutupad angpangakong palayain ang mga kon-sultant ng NDFP at mga bilanggongpulitikal. Kaya pinili ng PKP na ma-ging maingat at sadyang sinubay-bayan muna ang sitwasyon sa ba-tayang antas kahit pa man minan-duhan na ang BHB na magsagawang aktibong depensa.

Anang PKP, “Hindi magpapa-sindak ang PKP na magmando saBHB ng pagtitigil-putok habangpatuloy ang mga armadong tropang AFP sa kanilang mga operasyongpagtugis-at-paglipol at mga ulol naopensibang sumusupil sa mga ko-munidad na sibilyan. Ang mgaopensibang ito ng AFP mismo aynakapigil sa PKP na mas maagangmagdeklara ng tigil-putukan.

Pagbubukas ng pormal na peace talks,posibleng maantala—NDFP

Pinag-aaralan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) angposibilidad na ipagpaliban ang pormal na pagbubukas ng usapang pang-

kapayapaan sa Agosto 20 kung hindi mapapalaya ang mga konsultant nito.Ito ang pahayag ni Luis Jalandoni, punong negosyador ng NDFP, noongAgosto 6. Ito ay matapos tanggihan ng Korte Suprema noong Agosto 5 angpetisyon na palayain ang walong konsultant nito at dalawang detenidongpulitikal.

Bago nito, hiningi ng Office ofthe Solicitor General, ang tumata-yong abugado ng gubyerno, na pan-samantalang palayain sina TirsoAlcantara, Alex Birondo, WinonaBirondo, Maria Concepcion Bocala,Reynante Gamara, Alan Jazmines,Ma. Loida Magpatoc, AdelbertoSilva, Benito Tiamzon at WilmaTiamzon. Ang naturang mgadetenido ay humaharap sa mga ga-wa-gawang kasong kriminal na na-kasampa sa mga rehiyunal na korte.

Sa halip na kaagad na palayain,iniutos ng Korte Suprema na hinginng solicitor general sa nauukol nakorte sa mga rehiyon ang pagpapa-laya sa mga detenido dahil doon hi-wa-hiwalay na nakasampa at nililitisang kanilang mga kaso.

Kasabay nito, binawi ng KorteSuprema ang pahintulot ng pansa-mantalang kalayaan ni Rafael Bay-losis, isa pang konsultant ng NDFP,matapos ihinto ng huli ang pagharapsa korte dahil sa mga banta sa kan-yang seguridad mula sa mga pwersang estado.

Samantala, ikinabahala ng mgaabugado at tagapagtanggol ngkarapatang-tao ang pagtatakda ngKorte Suprema ng limitasyon sagalaw ng mga konsultant na sinaVicente Ladlad at Randall Echanis.Habang kinumpirma ng korte angpaggawad ng pansamantalang kala-yaan sa kanila kaugnay ng kanilangnakalagak na pyansa samantalangdinidinig ang kanilang mga kaso,pinagmumukha naman nito nanakakulong sila.

Bago nito, naglabas ng pahayagang Partido Komunista ng Pilipinasnoong Hulyo 31 na handa itongmagdeklara ng unilateral na pansa-

mantalang tigil-putukan sa Agosto20, kasabay ngunit hiwalay, sa pa-mahalaang Duterte. Maitatakda angmagiging haba ng tigil-putukan sapamamagitan ng mga negosasyon.

Sa naturang pahayag, mulingipinahayag ng PKP ang lubos napagsuporta sa pagpapatuloy ngusapang pangkapayapaang NDFP-GRP upang matalakay ang ugat ngarmadong tunggalian. Inaasahan ngPartido na tutuparin ng pamahala-ang Duterte ang pangako nitongpalayain ang lahat ng konsultant ngNDFP maging ang lahat ng bilang-gong pulitikal na inaresto at ikinu-long sa ilalim ng mga rehimengArroyo at Aquino.

Tulad ng naunang plano, maaa-ring magpalitan ang NDFP at GRP ngmga deklarasyon ng tigil-putukanupang matalakay ang mga usapinpara sa kooperasyon at koordina-syon at itakda ang mga paraan paramaiwasan ang mga labanan, di-pag-kakaunawaan at miskomunikasyon.

Nagdeklara ng unilateral na ti-gil-putukan si Duterte noong Hulyo25 ngunit binawi din niya ito mata-pos ang limang araw dahil diumanosa hindi pagtugon ng NDFP ngsariling tigil-putukan.

Taliwas sa pahayag ni Duterte,agarang tumugon ang PKP at BHB sadeklarasyon ni Duterte noong Hulyo25 sa pamamagitan ng pagpapatu-pad ng modang aktibong depensahabang tinataya pa ang kalagayan.

Ngunit iminando ng hepe ngAFP na ipagpapatuloy ng mga tro-pang pangkombat ang tinaguriang“civil-military operations” o CMO sailalim ng Oplan Bayanihan, na na-ngangahulugan ng mga operasyongkombat, saywar, surbeylans at pa-

Page 5: T · probisyong nagbabawal sa mga da-yuhan na magpatakbo ng kanilang negosyo at magmay-ari ng lupa sa Pilipinas. Matagal na itong itinutulak ng US bilang kundisyon sa pagsali ng Pilipinas

ANG BAYAN Agosto 7 , 2016 5

Deklarasyong tigil-putukan ni Duterte, walang nagpatupad

komunista." Patuloy din ang opera-syon sa bayan ng Magpet. NoongHulyo 27, idineploy ang mga platunng 84th IB sa hiwa-hiwalay na mgakomunidad sa Toril, Davao City. SaSta. Cruz, Davao del Sur, nag-ope-rasyon ang mga tropa ng 2nd ScoutRanger Battalion noong Hulyo 29.

Sa Southern Tagalog, ipinahayagni Patnubay de Guia, tagapagsalitang NDF sa rehiyon, ang walang-tigilna mga operasyong militar sa Rizal,Batangas at Quezon, sa balatkayongoperasyong “peace and develop-ment” at kontra-droga. Noong Hulyo25, sinalakay ng mga tropa ng mili-tar ang isang yunit ng hukbong ba-yan sa Brgy. Dela Paz, Lopez,Quezon kung saan nasawi si KaRaymart.

Samantala, nagpatuloy ang pag-okupa ng mga pwersa ng 8th ID sapampublikong pasilidad kagaya ngeskwelahan, simbahan, mga daycarecenter, waiting shed hanggang samga kabahayan ng mga masangmagsasaka sa Northern Samar. Ayonsa ulat ng Rodante Urtal Command(BHB-Northern Samar), naglunsadng mga operasyong kombat ang mgapwersa ng AFP sa mga kabahayan atgumalugad sa kagubatan noongHulyo 25-26. Ang presensya ng mi-litar sa lugar ay nagdulot ng takot samga residente kung kaya’t napipigi-lan silang magtungo sa kanilang mgasakahan.

Wala ni isang yunit ng AFP nabumalik sa baraks. Ang mismongorder na “suspension of offensivemilitary operations” ni AFP ChiefGen. Ricardo Visaya, na alaga ngberdugong si Jovito Palparan, ayang pagpapatuloy ng tinaguriang“civil-military operations” sa ba-langkas ng Oplan Bayanihan.

Walang kampo ng AFP sa mgasibilyang komunidad ang tinanggal.Ang mga tropang pangkombat ngAFP sa mga komunidad ng Lumaday hindi umatras kahit isang pulga-da. Libong mamamayang Lumadang nananatili sa mga sentro ngebakwasyon dahil hindi ligtas angkanilang pag-uwi.

Ang mga yunit pangkombat ngAFP ay patuloy na nag-operasyonsa buong bayan. Noong Hulyo 27,inambus ng BHB ang nag-oopera-syong tropa ng 72nd IB at parami-litar na Alamara sa Kapalong,Davao del Norte. (Tingnan angkaugnay na artikulo sa pahina 6.)

Noong Hulyo 26, nag-opera-syon ang 24 na tropa ng AFP saSan Miguel, Catanduanes at nang-tortyur kay Gerald Teves, isangmag-aabaka. Iginapos ng lubid angkanyang mga kamay at leeg,tinakluban ng plastic angkanyang ulo, itinali saisang puno at sinipang tatlong beses salikod. Ang kanyangtiyuhin na si UndangTeves ay isinailalim sainterogasyon. Napili-tan ang tiyo niya naumamin na kasapi si-ya ng BHB upang ti-gilan lamang angpagpapahirap sakanyang pamangkin.

Sa Sorsogon, lalo

pang dumagdag ang tropa ng 31stIB, ayon kay Ka Samuel Guerrerong Celso Minguez Command (BHB-Sorsogon).

Noong Hulyo 26, pumasok samabundok na mga barangay ngBarcelona ang isang platun ng31st IB. Sa loob ng limang arawhanggang Hulyo 30, sinaklaw ngoperasyon nila ang mga baryo ngSan Vicente, San Antonio, Fab-rica, San Ramon, Sta. Lourdes atBagacay.

Sa bayan ng Juban, nagsagawaang mga sundalo ng operasyongmilitar sa mga barangay ng Cata-nusan at Calateo at ganoon din samga barangay ng Sinibaran, Ba-locawe at Bariis ng bayan ng Mat-nog. Sinaklaw din ng operasyongkombat ang mga barangay ng Bu-say, Lote at Bulala ng bayan ngMagallanes simula Hulyo 26.

Iniulat naman ni Rigoberto F.Sanchez, tagapagsalita ng BHB-Southern Mindanao Regional Com-mand, na tinukoy ng 39th IB ang13 baryo sa Kidapawan City paraisailalim sa Peace and DevelopmentOutreach Program upang pawiindiumano dito ang “impluwensyang

Hindi ipinatupad, bagkus ay parang tinuya pa, ng Armed Forces of thePhilippines (AFP) at mga galamay nitong paramilitar ang deklarasyong

tigil-putukan ni Presidente Duterte noong Hulyo 25-30. Hindi nakita sa mgalarangan ng labanan ang pagpapatupad ng deklarasyon, sa kabila ng pam-publikong pahayag ng AFP na sinusuportahan nito ang tigil-putukan.

Page 6: T · probisyong nagbabawal sa mga da-yuhan na magpatakbo ng kanilang negosyo at magmay-ari ng lupa sa Pilipinas. Matagal na itong itinutulak ng US bilang kundisyon sa pagsali ng Pilipinas

Agosto 7 , 2016 ANG BAYAN6

Buntis, pinaslang

ng grupong paramilitar

ISANG BUNTIS ang napaslang at pito angnasugatan sa walang pakundangang pagpa-paputok ng mga myembro ng NIPAR (NewIndigenous People’s Army for Reform) saSityo Tibugawan, Barangay Kawayan, SanFernando sa Bukidnon noong Hulyo 30. Nasakasalan noon ang mga biktima, kasama ang150 pang mga Lumad. Ang NIPAR ay isanggrupong paramilitar na pinatatakbo ng yunitng AFP sa lugar at pinamumunuan ni AldeSalusad, kilala bilang Butsoy.

Kaagad na namatay si Makinit Gayoranmatapos siyang tamaan ng bala sa dibdib.Hawak-hawak niya noon ang panganay ni-yang anak na sanggol. Lima sa pitong suga-tan ay mga bata. Marami sa mga dumalo sakasalan, kabilang ang matatanda, ay nagsi-talunan sa katabing bangin para iwasan angmga bala. Bago ang pamamaril, nakita niArnold Manhura sina Salusad at kanyangmga tauhan sa Sityo Spring na armado atnaka-unipormeng sundalo. Pinayuhan sila niManhura na huwag nang tumuloy sa kasalan.Si Manhura ang kinatawan ng mga Lumad sakonseho ng lokal na pamahalaan.

Responsable ang NIPAR at si Salusad sapagpaslang kay Jimmy Laguyon, kapitan ngBarangay Dao, noong Marso 2012 dahil sapagtanggi ng huli na papasukin ang malala-king kumpanya ng minahan sa lugar. Sangkotdin si Salusad at ang kanyang grupo sa pag-patay kay Datu Asal Aranyo dahil sa pare-hong dahilan.

Ayon kay Datu Jimboy Mandagit, lider ngkomunidad, bahagi ang pamamarill sa pagta-tangka ng NIPAR at ng 68th IB na palayasinang mga Lumad para makapasok ang SanRoque at Apex Mining sa lugar.

Samantala, nagpapatuloy pa rin ang ha-rasment sa mga guro ng mga Lumad at akti-bistang sumusuporta sa kanila. Sa tangkangpaninindak, nilapitan noong Hulyo 24 si Ron-nie Garcia ng mga sundalong nakasuot-sibil-yan habang inalagaan niya ang kanyang lolosa Davao Regional Hospital sa BarangayApokon, Tagum City. Si Garcia angtumatayong pinuno ng Salugpongan Ta TanuIgkanugon Community Learning Center.

Sa Abra, nakatanggap noong Hulyo 22ng tatlong sunud-sunod na text na pagba-banta si Ronald Gustilo, provincial coordina-tor ng Makabayan-Abra at upisyal ng Kakai-lian Salakniban Tay Amin Nagtaudan.

72nd IB, inambus sa Davao del Norte

Binigo ng BHB-Compostela Valley North Davao South AgusanSub-regional Command ang opensibang militar na inilulun-

sad ng 72nd IB kasama ang grupong Alamara sa pamamagitanng matagumpay na ambus sa Barangay Gupitan, Kapalong,Davao del Norte noong Hulyo 27. Agad na nasawi si PanggongBukad na myembro ng Alamara at nasugatan ang apat nilangkasamahan.

Isinagawa ang ambusmatapos mapag-alaman ngyunit ng BHB na nag-oopera-syon ang mga sundalo, kasa-ma ang Alamara, sa pinanini-walaan nilang pwesto ngBHB, tinatayang 20 kilometroang layo mula sa de-detatsment ng huli. Ang am-bus ay alinsunod sa atas ngBHB-Pambansang Kumand saOperasyon sa mga Pulangmandirigma na huwag bibi-taw sa alerto at aktibong de-pensa sa harap ng idinekla-rang unilateral na tigil-putu-kan ni Rodrigo Duterte sakanyang State of the NationAddress noong Hulyo 25.

Binalewala ng tropa ngAFP at Alamara ang naturangkautusan nang umalis sila sakanilang detatsment sa Bara-ngay Patil noong Hulyo 26 pa-ra maglunsad ng operasyongkombat.

Upang pagtakpan ng AFPang hindi pagkilala sa kautu-san ni Duterte, ipinalaganapnilang pabalik sila sa de-tatsment nang maganap angambus.

"Ang BHB ay mahigpit natumatangan sa diwa ng mu-ling pagbubukas ng usapangpangkapayaan upang matu-gunan ang ugat ng gera sibil,kinikilala ang kautusang tigil-putukan ng pangulo ng GRPna si Duterte, at mahigpit natumutupad sa direktiba ngpambansang pamunuan ngPKP. Ang militaristang pang-katin ng AFP at mga parami-litar nitong katulad ng Ala-mara ang lumilibak sa kani-

lang commander-in-chief atlantarang nananabotahe sausapang pangkapayapaan",sabi ni Aris Francisco, taga-pagsalita ng Comval-NorthDavao-South Agusan Subre-gional Command."

Samantala, pinarusahanng Bagong Hukbong Bayan-Antonio Licawen Command(BHB-ALC) ang maliit naplantang gumagamit ng la-song cyanide sa SityoNacawcawa, Barangay Pa-tiacan, Ilocos Sur noongHulyo 23. Enero pa lamang aybinalaan na ng BHB angkumpanya na itigil ang pag-gamit ng lason sa mga ope-rasyon nito. Matagal nangisinasapanganib nito angkalusugan dahil narurumihanang pinagkukunan ng inu-ming tubig sa Sityo Madapoy,Patungcaleo at mga barangaysa ibaba ng ilog.

Noong nakaraang taon aynagkaroon ng dayalogo angmeyor, mga magsasaka samga barangay ng Patiacan,Patungcaleo, Lamag, Mali-deg, Banoen, at Cayos sa ba-yan ng Quirino na dinaluhanlamang ng isa sa mga kum-panya ng mina. Naganap angdayalogo matapos ipetisyonng mga magsasaka ang pag-papasara sa mga operasyonng pagmimina sa Patiacandulot ng nangyaring fishkill omaramihang pagkamatay ngisda sa ilog ng Balas-iyan.Hindi naipangako ng mayorang pagpapahinto ng mapa-minsalang pagmimina at pag-laon ay binalewala ito.

Page 7: T · probisyong nagbabawal sa mga da-yuhan na magpatakbo ng kanilang negosyo at magmay-ari ng lupa sa Pilipinas. Matagal na itong itinutulak ng US bilang kundisyon sa pagsali ng Pilipinas

ANG BAYAN Agosto 7 , 2016 7

Usapang pangkapayapaan 2016

Ang adyenda para sa mgarepormang sosyo-ekonomiko

Tatalakayin sa muling pagbubukas ng pormal na usapangpangkapayapaan sa pagitan ng Gubyerno ng Republika ng

Pilipinas (GRP) at National Democratic Front of the Philippines(NDFP) ang mahahalagang repormang sosyo-ekonomiko. Layunin nitong lu-tasin ang mga ugat ng armadong tunggalian at ilatag ang pangunahing mgarekisito para sa isang makatarungan at pangmatagalang kapayapaan. Angadyendang ito ang itinakda ng 1992 The Hague Joint Declaration ng GRP atNDFP bilang ikalawang substantibong adyenda ng negosasyon.

Sa naturang usapan nanakatakdang simulan ngayongAgosto 20, tatalakayin at ihahapagng NDFP ang panukala nito upangmabuo ang kumprehensibong ka-sunduan sa mga sosyo-ekonomi-kong reporma (ComprehensiveAgreement on Socio-EconomicReforms o CASER).

Ang panukalang mga repormang NDFP ay nakabatay sa pagsusu-ring nananatiling malakolonyal atmalapyudal ang lipunang Pilipino,at ang kalutasan sa krisis na ito ayang pakikibaka para sa tunay napambansang kalayaan at demokra-sya at katarungang panlipunan.

Noon pang 1998 nabuo ngNDFP ang borador ng mga panuka-la, at sa mga sumunod na taon aypinaunlad pa ang mga ito. Nahahatiito sa walong kategorya:

1) soberanya sa ekonomya atpambansang patrimonya;

2) repormang agraryo at pag-papaunlad sa agrikultura;

3) pambansang industriyalisa-syon at pagpapaunlad ng ekonomya;

4) pagpaplano sa ekonomya;5) mga karapatan ng mamama-

yan, kabuhayan at serbisyong pan-lipunan;

6) pangangalaga sa kalikasan,rehabilitasyon at kumpensasyon;

7) mga patakaran sa pananala-pi; at

8) dayuhang pakikipag-ugnayansa ekonomya at kalakalan.

Sa pangkalahatan, ang mga re-pormang sosyo-ekonomiko ang pa-ngunahing nilalaman ng negosa-syong pangkapayapaan. Ang pagi-

ging atrasado at ang papalubhangkalagayan ng lipunang Pilipino samga larangang nabanggit, at angbunga nitong matinding kahirapanat kaapihan ng mamamayan, angbatayan ng malawak na diskuntentoat armadong paglaban.

Batid ng rebolusyonaryong ki-lusan na sa kalahatan, hindi mada-ling makuha ang naturang mga re-porma habang nananatili ang ka-pangyarihan ng imperyalismong US,malalaking panginoong maylupa atmalalaking burgesya kumprador, athabang kontrolado nila ang reak-syunaryong armadong pwersa.Kung kaya armadong pakikibaka parin ang pangunahing paraan ngpagbabago, habang pumapangala-wa ang ligal na demokratikong ki-lusang masa at pangatlo ang paki-kipagnegosasyon. Mula pa dekada80, palagian nang bukas ang NDFPsa pakikipag-usapang pangkapaya-paan sa GRP upang magamit angmga pagkakataon, gaano man kaliit,na makapagbuo ng kasunduan parasa mapayapang paglutas ng arma-dong tunggalian sa pamamagitan ngmga batayang sosyo-ekonomiko atpampulitikang reporma.

Malalim na hangarin ng mama-mayang Pilipino at ng buong rebo-lusyonaryong pwersa ang makata-rungan at pangmatagalang kapa-yapaan, at handang gamitin anganumang paraan upang makamitito.

(Tatalakayin sa susunod na mga isyuang mga detalye ng bawat laranganng reporma.)

Ka Wendell,

estudyanteng mandirigma

PINARANGALAN NG NationalDemocratic Front-Southern Min-danao Region at ng buong rebo-lusyonaryong kilusan si WendellGumban (Ka Joaquin), 30, komu-nista at mandirigma ng BagongHukbong Bayan (BHB). Napas-lang si Ka Joaquin sa isang sagu-paan sa Sityo Pongpong, Andap,New Bataan, Compostela Valleynoong Hulyo 23, kasama si SarioMabanding (Ka Glen).

Unang naging myembro ngKabataang Makabayan si KaJoaquin noong patnugot siya ngPhilippine Collegian ng Universityof the Philippines (UP) sa Dili-man, Quezon City. Hindi nagta-gal, narekrut siya bilangmyembro ng Partido Komunistang Pilipinas. Lumahok siya sa li-gal na kilusang masa, partikularsa kilusang manggagawa, bagonagpultaym sa BHB sa SouthernMindanao noong 2011.

Sa BHB, ginampanan niyaang mahahalagang tungkulin ka-ugnay sa konsolidasyon ng Parti-do sa mga baseng gerilya at sahanay ng mga Pulang mandirig-ma. Bilang Pulang mandirigma,pinangibabawan niya ang mgakahinaang bunsod ng kanyanguring pinagmulan, kasabay ngkanyang pisikal na mga limita-syon. Kabilang dito ang pag-aaralat paggagap ng isang di-pamilyarna lengwahe at kultura. Nasaalala siya ng mga Lumad atmagsasakang pinagsilbihan niyabilang isang masayahin atmahusay na kasama.

Huwaran si Ka Joaquin bilangkabataang nakapag-aral na tu-mugon sa panawagan na sumapisa BHB at direktang lumahok sadigmang bayan.

Dinala ang kanyang mga labisa UP-Diliman kung saanpinarangalan siya ng kanyangmga kaklase at kasama sakilusang kabataan-estudyante,gayundin ng mga nakasama niyasa Kilusang Mayo Uno.

Page 8: T · probisyong nagbabawal sa mga da-yuhan na magpatakbo ng kanilang negosyo at magmay-ari ng lupa sa Pilipinas. Matagal na itong itinutulak ng US bilang kundisyon sa pagsali ng Pilipinas

Agosto 7 , 2016 ANG BAYAN8

40,000, lumahoksa People’s SONA

Ang pagkilos sa State of the Nation Address (SONA) ngayong taon angpinakamapayapa at pinakamalaki sa nakaraang mahigit dalawang

dekada. Ito ang pagsasalarawan ni Renato Reyes, pangkalahatang kalihim ngBayan, sa naturang pagkilos.

Umabot sa 40,000 na nagmulapa sa iba’t ibang bahagi ng bansaang lumahok sa pagkilos upang ipa-nawagan kay Rodrigo Duterte naisulong ang makabayan at progresi-bong programa para sa mamama-yan.

Kaiba sa mga protesta sa SONAsa nakaraan, binati at kinamayan ngmga pulis ang mga nagmartsa tu-ngong Batasang Pambansa.

Bitbit ng mga nagmartsa angmga higanteng myural na nagsasa-larawan ng kahilingan ng mamama-yan. Sa unang pagkakataon, nakala-pit sila sa Batasan Pambansa saaraw ng SONA.

Ipinanawagan ng mga raliyistaang 15-puntong People’s Agen-da—ang listahan ng mga kahingianpara sa maka-mamamayan at maka-bayang mga patakaran upang tugu-nan ang ugat ng kahirapan. Kabi-lang dito ang pagpawi sakontraktwalisasyon, pagpapalaya samga bilanggong pulitikal, pagpapa-tupad ng tunay na reporma sa lupaat pagpapatigil sa malawakangpagmimina.

Tampok din sa pagkilos angpagsuporta sa magaganap na usa-pang pangkapayapaan sa pagitan ngGubyerno ng Republika ng Pilipinasat National Democratic Front of thePhilippines.

Lumahok sa pagkilosang 5,000 kataong de-legasyon mula saMindanao, halos4,000 mula saBicol, at ilang libomula sa EasternVisayas, SouthernTagalog, Central atNorth Luzon.

Ayon kay BaiAli Indayla, ikatlong

nominado ng Gabriela Women’sParty at tagapagsalita ng delega-syon mula sa Mindanao, layon nilangipasa kay Duterte ang sampung-puntong adyenda ng mamamayan saisla.

Ipananawagan din nila kay Du-terte na bigyang pansin ang pani-bagong kaso ng pag-atake sa mgaLumad. “Sa pangunahin, hiling na-min sa pangulo na paalisin na angtropang militar sa aming mga paa-ralan at komunidad upang makaba-lik na ang libong mga Lumad sa ka-nilang tahanan,” ani Indayla.

Sa Bicol, sinalubong ng delega-syon ng rehiyon ang delegasyon ngMindanao bago tumulak papuntangMaynila. Kalakhan ng sumamangBicolano ay mga magsasaka sa iba’tibang bayan ng rehiyon. Anila, ma-hirap sa kanilang mapalayo sa ka-buhayan ng limang araw pero dahilbatid nila ang kahalagahan ng kani-lang pagkilos, sumama sila sa ca-ravan.

Ayon sa mga Bicolano, mara-ming usapin ang nais nilang ipabatidsa rehimeng Duterte. Kabilang ritoang itinatayong paliparan sa Cama-rines Sur

na banta sa kanilang kabuhayan.Tatamaan ng naturang palipa-

ran ang daluyan ng irigasyon sa ka-nilang palayan, ani Jen Nagrampang Gabriela-Bicol.

Sumama sa martsa ang mang-aawit na si Aiza Seguerra upangmakiisa sa panawagan ng mga Lu-mad na palayasin ang mga militar sakanilang komunidad. Dumalo rin angmga makabayang kinatawan ngmamamayan sa programa bago tu-mungo sa Joint Session ng Kongre-so.

Matapos ang SONA, mulingnagpulong si Duterte at mga liderng progresibong organisasyon atmga lider ng Lumad. Dito ibinahagini Duterte ang kagustuhan nitongmakamit ang kapayapaan sa ilalimng kanyang termino at makapaglaanng mas malaking pondo sa serbi-syong panlipunan kapag maresolbana ang armadong tunggalian.

“Ang pagkilos na ito ay positiboat makasaysayan, subalit dapattayong patuloy na maging mapag-bantay dahil hindi garantiya angpakikipag-alyansa kay Duterte namayroong 100% pagkakasunduansa reporma at direksyong pang-e-konomya, panlipunan at pam-pulitika sa ating bansa. Patuloy angating laban at hindi natin ibababaang ating panawagan,” dagdag pa niReyes.

Nagkaroon rin ng katulad namga pagkilos sa Cagayan De Oro,Cebu at Tacloban.

Page 9: T · probisyong nagbabawal sa mga da-yuhan na magpatakbo ng kanilang negosyo at magmay-ari ng lupa sa Pilipinas. Matagal na itong itinutulak ng US bilang kundisyon sa pagsali ng Pilipinas

ANG BAYAN Agosto 7 , 2016 9

Mga lokal na guro ng Partido

Malaking bentahe talaga na mayroong mga lokal na instruktor ng BKP(Batayang Kurso ng Partido). Ito ang nabanggit ni Ka Eddie, myembro

ng sangay ng Partido sa lokalidad o SPL ng isang baryo sa Bicol at isa sa mgalokal na instruktor ng kurso. Nasa pagtitipon noon si Ka Eddie at naghahandapara sa paglulunsad ng kurso. Kasama niya ang tatlo pang kagawad ng SPL natumatayo ring mga instruktor. Bahagi sila sa pagsisikap na konsolidahin atpalawakin ang Partido sa kanilang prubinsya.

Ayon kay Ka Mari, isa sa mgakadreng nangangasiwa sa istap sainstruksyon ng prubinsya, panawa-gan ng Partido ang pagpaparami ngkasapian upang magbalikat sa pa-palaking mga responsibilidad sapag-abante ng digmang bayan. Ani-ya, "Noon pang huling bahagi ng2011, itinakda nang target angpagdoble sa bilang ng kasapian ba-wat anim na buwan." Para maharapang hamong ito, kinailangang ma-parami ang mga ibinibigay na BKPbilang rekisito sa pagpaparami ngmga ganap na kasapi ng Partido.

"Ang mga instruktor ang unangdapat maparami," ani Ka Mari."Isa sa tinukoy na dapat gawin ayang pagpapaunlad ng mga kadre ngmga SPL tungo sa pagiging mga lo-kal na instruktor para tuluy-tuloypa ring nailulunsad ang BKP kahitnasa ibang lugar ang mga pultaymna kadre sa instruksyon."

Sa pagkakatanda ng mga lokalding instruktor na sina Ka Norman,Ka RM at Ka Harry, Pebrero 2012sila inatasan ng mga namumunongkadre sa larangang gerilya na du-malo sa pagsasanay ng mgainstruktor para sa BKP o BKP-Instructors' Training (BKP-IT).Malugod nilang tinugunan ang atasna ito. Batid ni Ka RM na hindi biroang paggampan nila ng gawaingedukasyon sa kanilang baryo at satatlo pang kanugnog nito.

Sa dalawang magkasunod naBKP-IT sa taong iyon, inaral ng ma-higit 20 estudyante ang mga pama-maraan ng pagtuturo ng kurso.Paano nga ba ang pagpapalawig samahahalagang punto? Kailan gaga-mitin ang mga tulong biswal? Paanoang pagtutulungan ng mga instruk-tor? Paano kukunin ang interes ng

mga mag-aaral?Kailangang mabuo ang tiwala

ng mga mag-aaral sa instruktor,ayon kay Ka Norman. Kaya namanmahalaga ang paghahanda atpagkabisa sa paksa. Sang-ayondito, naalala ni Ka RM na imi-nungkahi niyang bigyan sila ngespesyal na pagbabalik-aral hing-gil sa Ekonomyang Pampulitikapara higit na makabisa ang paksa.Para naman kay Ka Harry, baga-ma't para umanong pinipiga angkanyang utak, pinangingibabawanniya ito sa hangaring matalas namaipaliwanag sa mag-aaral angmga leksyon.

Dalawang linggo matapos angunang bats ng BKP-IT, lumarga angunang pagtuturo. Bilang pagha-handa, tatlong araw bago ang si-mula ng pag-aaral ay nagtipon naang mga instruktor. “Wala nanguwian 'yon, panay rebyu na,” alalani Ka RM. “Gumugol din kami ngisang buong araw para sa practiceteaching.”

Ang bats na iyon ng BKP ay na-

sundan ng ilan pa. Sa loob ng taongiyon, batay sa mga ulat kina KaMari, nakapaglunsad ang laranganng 14 na bats ng BKP. Maibubwelopa ito, ayon kay Ka Mari, dahil nai-tayo na nila ang makinarya sainstruksyon.

Karaniwang tumatagal ng animna araw ang bawat inilulunsad naBKP, na kadalasang isinasagawa saloob lamang ng mga kabahayan sabaryo. Ang yunit milisya ang nag-titiyak na walang aberya sa segu-ridad. Sa pagrerekon sa palibot ngbaryo, nakakapagkalap na rin silang mga gulay at iba pang pagkain.Kinukuha rin ang suporta ng mgapanggitnang pwersa sa pagpapali-taw ng iba pang rekurso. Habangisinasagawa ang pag-aaral, nagta-taguyod sa iba pang mga gawain atpangangailangan ang ibang kaga-wad ng SPL at mga aktibista sabaryo. Batay sa pagtatasa ng mgakasama, kumpara sa nakasanayangparaan, ang mga BKP ngayon aymas mabilis, ligtas, at mas matipidsa gastos.

May natatanging bentahe angpag-iral ng mga lokal na makinaryasa instruksyon. Sabi ni Ka RM, dahilmagkababaryo, mas kapalagayang-loob nila ang mga estudyante kaya'tbuwelo ang mga tanong sa loob ngmga lektura. Ayon naman kay Ka

Page 10: T · probisyong nagbabawal sa mga da-yuhan na magpatakbo ng kanilang negosyo at magmay-ari ng lupa sa Pilipinas. Matagal na itong itinutulak ng US bilang kundisyon sa pagsali ng Pilipinas

Agosto 7 , 2016 ANG BAYAN10

Norman, dahil malalim ang pag-kakakilala ng mga instruktor samga estudyante, higit na nailala-pat ang mga diskusyon.

Isang halimbawa, ani KaEddie, ang panahong naging estu-dyante niya ang kanyang kapatidna si Ka Daisy. Sa pagkakataongiyon, batid niyang nasa prosesoang kapatid ng pagdedesisyon namagpultaym sa hukbo. Kung kayahabang tinatalakay ang paksangSaligang Proletaryong Pananawat Paninindigan sa Rebolusyon,angkop niyang naihalimbawa angkatayuan ng kapatid upang ma-engganyo ang ibang mag-aaralhabang lalupang hinihikayat si KaDaisy na magpultaym.

Layunin ng BKP na panimu-lang maarmasan ang mga mag-aaral ng mga prinsipyo ngMarxismo-Leninismo-Maoismo bi-lang gabay nila sa araw-araw narebolusyonaryong pagkilos. “Ta-lagang mahalaga ang mga pormalna pag-aaral dahil pormal dingnaipapatagos ang mga tungkulinsa reb,” pansin ni Ka RM.

Bumubukal din ang mga pala-gay ng mga instruktor hinggil sapagpapaunlad ng gawain. “Tinak-da ko sa sarili na dapat ay kabi-sado ko na ang paksa bago akolumipat o magdagdag.” sabi ni KaNorman. Para madagdagan angmga instruktor, tinukoy ng SPL atiba pang mga instruktor kung si-nu-sino pa sa baryo ang maaaringsanayin para maging mgainstruktor sa pormal na mga kur-so ng Partido.

Pinatunayan ng paggampanng mga lokal na makinarya sa BKPna napabilis ang pagbibigay ngBKP, na nagresulta din sa paglaking bilang ng mga ganap na kasaping Partido. Patunay sina Ka Nor-man, Ka RM, Ka Eddie, Ka Harryat lahat ng lokal na instruktor, naang gawaing edukasyon sa loobng baryo ay kayang-kaya at nara-rapat lamang na gampanan ngmga SPL bilang pagsasabuhay ngkanilang pamumuno at pagtatayong demokratikong gubyerno.

Protesta sa Lumbia Airport, muling inilunsad

NAGLUNSAD NG KILOS protesta ang mga aktibista, kasama ang tatlongAmerikano, sa harap ng Lumbia Airport noong Hulyo 29.

Itinali nina Arturo Viscara, Luis Patterson, at Kelsen Caldwell, mga ak-tibistang Amerikano, ang kanilang mga sarili sa tarangkahan ng Lumbia Air-port upang iprotesta ang paggamit sa paliparan bilang base ng US sa ilalimng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). Kabilang sila sa ma-higit 60 lokal na aktibista.

Ang Lumbia ang lokal na panghimpapawid na terminal sa Northern Min-danao bago ilipat ang paliparan sa Laguindingan tatlong taon nang nakara-an. Kasalukuyang pinangangasiwaan ito ng Philippine Air Force.

Ayon sa mga aktibistang Amerikano, magpepetisyon sila sa Kongreso ngUS upang tigilan ang pagpopondo sa EDCA. Nagsumite naman ng petisyonang lokal na mga aktibista kay Cagayan de Oro Mayor Oscar Moreno at saCity Council bilang suporta sa plano ng lokal na gubyerno na hingin angpaliparan sa pambansang gubyerno at itransporma ito sa isang komunidadng sosyalisadong pabahay at sentro ng komersyo.

Kumperensya sa karapatan ng mamamayan, idinaos

NOONG HULYO 23-24, idinaos ang International Conference for People’sRights in the Philippines (ICPRP) sa Davao City sa pangunguna ngInternational Coalition for Human Rights in the Philippines, sa paki-kipagtulungan sa Karapatan at Bayan. Dumalo rito ang mahigit 300 delegadomula sa iba’t ibang bayan na binuo ng mga aktibista, edukador, estudyante,taong simbahan, abugado, aktibista sa karapatang tao, at mga minorya.

Ipinagdiwang ng kumperensya ang ika-40 anibersaryo ng AlgiersUniversal Declaration on the Rights of Peoples. Pinagtibay nito ang pagsu-porta sa 1976 na deklarasyon na kumikilala sa pagtatayo at pagiging lehiti-mo ng mga kilusan sa pagpapalaya ng mamamayan at iba pang pangmasangkilusan para sa pagbabago, lalo na sa mga lugar na napakatindi ng mgatunggalian. Inilinaw sa kumperensya ang katangian ng “karapatan ng ma-mamayan” na lampas sa indibidwal na kalayaan at nagdidiin sa kolektibongmga karapatan ng aping mamamayan.

Ipinanawagan ng mga dumalo sa kumperensya ang muling pagpapatuloyng usapang pangkapayapaan, pagbabasura sa EDCA, pagpapalaya sa mgabilanggong pulitikal, at paggalang sa karapatan ng mga mamamayan.

Bago ang kumperensya, tatlong araw na nakisalamuha ang iba’t ibangtim ng mga delegado sa sampung piniling lugar sa Pilipinas upang ipakitaang kanilang suporta sa mga pangmasang pakikibaka roon. Kabilang dito angmga komunidad ng Buffalo-Tamaraw-Limus sa Maramag, Bukidnon, ArakanValley sa North Cotabato at Zinundungan Valley sa Cagayan.

Mga kontraktwal ng MRT, sinisante

TALIWAS SA MGA pangako ng rehimeng Duterte, nagpapatuloy ang “pag-endo” o pagsisante sa mga manggagawang kontraktwal. Pinakahuli sa mga“na-endo” o hindi na inalok ng bagong kontrata ang 50 empleyado ng MetroRail Transit (MRT) na mahigit sampung taon nang nagtatrabaho sa kum-panya. Kasabay nito ang pagpapapirma sa 70 iba pang empleyado sa isahanggang tatlong buwang kontrata ng empleyo. Sa kasalukuyan, anim nabuwan lamang ang kanilang mga kontrata. Ginamit ng maneydsment ng MRTang kapalpakan ng sistema ng pagtitiket para patalsikin ang naturang mgamanggagawa. Sinisante sila nang hindi binabayaran ang kanilang sahod sahuling buwan at para sa obertaym. Para punan ang mga nabakanteng tra-baho, nag-empleyo ang maneydsment ng mga kontraktwal na may mas ma-baba pang sahod at mas maiiksing kontrata.