Speech delivered by Chief Justice Maria Lourdes P. A...
Transcript of Speech delivered by Chief Justice Maria Lourdes P. A...
1
Speech delivered by Chief Justice Maria Lourdes P. A. Sereno during the Launch of the Enhanced Justice on Wheels (EJOW) Program on February 14, 2014 in Mandaluyong City
Salamat po. Maaari po yung mga may upuan umupo muna at kapwa tayo mga
kapatid ko magrelax tayo sa araw na ito, pagkat di lang ito Araw ng Puso, ito ay
pagpapakita ng puso ng hudikatura sa taong-bayan at ang puso ng leadership ng
Mandaluyong, kasama ng leadership ng Mandaluyong sa Kongreso para sa taong
bayan. Ikinalulugod ko po na ang kadate ko ngayon araw ay mga tagaMandaluyong.
Marami hong sinabing totoo kanina si Congressman at Majority leader ng
House [Neptali M. Gonzales II] na totoo. At tama rin po ang mga sinabi ng inyong
napakagiting na alkalde [Benjamin “Benhur” Abalos] na noon ko pa hinahangaan.
Ngunit tama rin po ang mga sinasabi ng aking mga kapwa mahistrado sa Korte
Suprema na marami po kaming nais na gawin na ukol sa pagbibigay ng hustisya sa
ating bayan. Ngayon po, ganito po ang ating gagawin at ito po ang itatak sa isip nyo
na magiging tuntunin ng hudikatura. Ang hudikatura po ngayon, sa pamumuno ng
Korte Supreme kasama ng aking mga kapwa mahistrado, hindi po kami naghihintay
na pumutok ang problema. Alam po natin na ang taong-bayan ay matiisin. Marami
nga pong mga reklamo sila na nasa puso lang nila. Gaya nga po nang sinasabi ni
Congressman Gonzales, naghihimutok ang kanyang dibdib kung bakit ilang oras nya
2
kailangang maghintay upang ma-ipatunayan ang kasong kanyang dinudulog sa
hukuman. Ang isang huwes ay parang walang damdamin at walang konsiderasyon sa
oras ng kapwa nya.
At sinasabi ko po ganito po ang aming magiging tuntunin. Alam po namin
yung mga hindi nyo po pa linalabas na hinaing. Nararamdaman po namin ito. At
hindi po namin hinintay na pumutok ang problemang ito sa aming harapan at ma-
iskandalo kami at maidyaryo kami. Ngunit alam po namin kasi ang paghihirap ng
isang pamilya na nawalan ng ama dahil sya ay nasa piitin habang taon ay hinihintay
na madinig ang kanyang kaso. Nararamdaman po namin ang sakit ng isang anak na
dahil lamang ang ama o ina ay naroon sa kulungan at hindi pa nasesentensyahan ay
naghihintay ng ibabaon sa iskwela at pumapasok sa iskwela na kumakalam ang
sikmura nya dahil di pa sya nag-aalmusal. Alam po natin ang kagitingan ng mga
kababaihan—nagiging nanay, tatay, tagahanapbuhay upang itaguyod lamang ang
kinabukasan ng kanyang mga anak sapagkat maaring sya ay iniwanan ng kanyang
mister upang maki-apid sa ibang babae. Alam po namin yon ang mga sikreto ng mga
pamilya na nagsasakitan sa isa't-isa na gumagamit ng hindi tamang karahasan. At
alam din po namin na habang may mayroong injustice sa ating bayan hindi po tayo
papaboran ng Panginoon, bagkus ang ating pag-unlad bilang isang bansa ay
mapipigilan dahil na rin sa ating kawalan ng damdamin para sa ating kapwa.
3
Ang puso po ng hudikatura ay laging nakikinig sa mga daing nyong iyon.
Naiintindihan po namin ang ambisyon nyo sa buhay na umunland ang inyong
pamilya at makita ang mga anak nyo ay nag-aaral at nagtataguyod ng kanya-kanyang
pamilya na napakahuhusay na mga citizens ng ating bansa. Alam po namin yun na
nasa puso nyo po ang napakaigting na ambisyon na makita na may kapayapaan at
magandang samahan ang ating bayan. Kaya di po kami maghihintay sa demanda ng
kahit sino man bago kami gagalaw. Araw-araw at maraming bahagi ng aming mga
gabi, ginugugol namin upang pag-aralan kung bakit ba hindi mabilis ang pag-usad
ng hustisya sa ating bayan.
Isa po na natukuyan namin na kalunos-lunos na sitwasyon ay ang ating mga
kulungan na puno ng mga nasa piitan ng mga taong naakusan na karamihan ay ukol
sa bawal na droga. Kaya ano po ang mga ginawa namin. Hindi lamang po kami may
Enhanced Justice on Wheels Program na sampung taon na ngayon, na binibilang na
natin na isang napaka-succesful na programa sa sampung taon. Ngunit hindi pa lang
ho iyon. Kami po sa Korte Suprema nag-iisip na po ng rules upang i-release ang mga
detention prisoners na maari nang i-release kaagad-agad sa mga taong maaring
pagkatiwalaan sa inyong komunidad. Kaya't natutuwa kami na ang Kongreso ay
iniisip din ang kapakanan ng mga taong napipiit ng napakatagal dahil ang mga kaso
nila ay di nadidinig. Hindi lang po namin binabago ang rules. Ako po, bilang Pinuno
4
ng ating Justice Sector Coordinating Council, kasama ko po si DILG [Department of
the Interior and Local Government] Secretary Mar Roxas at si DOJ [Department of
Justice] Secretary Leila De Lima, sinabi ko po sa kanila na kaya laging napo-postpone
ang mga kaso ng mga detention prisoners ay dahil sa kakulangan ng prosecutors.
“Kaya, Secretary De Lima, maari po bang ninyong siguraduhin na ang matching ng
prosecutors natin ay one is to one. Kasi ho di maari na ang isang prosecutor ay
nagsisilbi sa limang korte. Ibig sabihin po once a week lang sya maga-appear kaya
ang mga criminal case po ay once-a-week lang magkakaroon ng slot.”
Ngayon kung sinasabi nyo pong 600, eh kung halimbawa ang drug court ay
may 2,000 cases, isipin nyo na lang po in simple mathematics: kung ang isang
prosecutor ay lima ang rinerelyebo kelan po maka-kalendaryo yan? Apat na buwan.
Matapos ang apat na buwan, tatawagin na ulit ang kaso, ano mangyayari? Yung
testigo na pulis na nanghuli dun sa accused ay wala na sa estasyon. Ang nangyayari
po—alam nyo pong mga huwes yon—yung inyong mga puso dumudugo na, nakaka-
awa na, kung meron lang sana kayo na karapatan sa batas, pakakawalan nyo na lang
yung tao kasi yung testigong pulis ay wala! So ano pong ginawa namin? Nandun po
si Secretary Roxas, nandun po ang PNP leadership, sinabi ko po na, “Hindi po maaari
na lagi na lang pong napopostpone. Napakalaking kakulangan ng katarangunan ang
nangyayari na wala yung witness na nanghuli. Hindi po ito pwedeng gawin na
5
individual responsibility lang ng pulis na sumipot sya sa hearing kundi gawin rin po
nating command responsibility ng PNP leadership at lalagay po sa personnel file ng
mga pulis kung hindi po sila sisipot.” So ganon na po ang ginagawa namin at copy
furnished po lagi si Secretary Roxas. May pilot program na po tayo doon na ginawa na
po natin sa Quezon City, ilang buwan na po, at alam nyo po dumadating na ng
malimit ang ating mga testigo. Now, nandito po si DCA Villanueva, sya po ang
tumutulong sa bagay na iyon. At ibig sabihin ko po, ito po ang punto, marami pang
detalye ang kailangan kasi hindi lang po pulis, kailangan po yung chemist, kailangan
din po ng PAO. Halimbawa po walang lawyer na magdedefend, paano naman po
uusad kung walang defense yung accused? Ipo-postpone ulit po. So kailangan
dagdagan ang PAO lawyers. Now, ito po ay responsibilidad ng ehekutibo.
Congressman, kung maaari pong sabihin natin please sa DOJ na may
administrative jurisdiction both of the national prosecution service and the PAO,
pwede po ba one-is-to-one ang matching? Tignan nyo po ang mga sinasabi ng mga
judges everytime. Ano ang number one reason kung bakit napo-postpone ang mga
kaso? Either kulang ang prosecutors, either kulang ang PAO lawyers or hindi
sumisipot ang witnesses. Kung kaya lamang sana nila papakawalan na nila yun dahil
sa maling-mali ang sitwasyon, ngunit di namin kayang gawin yun na basta-basta sa
batas. Magagalit po ang law enforcement, magagalit po ang DOJ kapag papakawalan
6
namin yun. Kaya nandun po kami sa isang conversation. Pag-usapan natin kung ano
ba talaga ang utang natin sa taong-bayan. Hindi po ba utang natin sa taong-bayan na
gumawa ng sistema na ang lahat ng mga sangay na may kinalaman sa criminal
justice ay laging nag-uusap? Hindi po ba responsibilidad natin na i-ensure na yung
mga resources ay tama lamang? Lahat ng personnel requirements ay naroroon?
Yun po ay isang bagay ukol sa criminal justice system kaya ito pong EJOW ay
importante kasi nakikita po ng lahat ng participants ng criminal justice system na
importante sa judiciary na hindi po may festering cells of injustice sa ating bayan, na
hindi ba parang nakalimutan na lang natin ang ating mga kapatid na nasa piitin na
para bang balewala ang kanilang buhay sa atin. Importante po ang mga pangarap
nila sa pagbuo po ng bayang Pilipino. May karapatan po silang mangarap ng isang
napakagandang kinabukasan. At kung hindi po tayo mag-usap—ang Korte
Suprema, ang DOJ, ang PNP, ang local government—paano na po ang mga pangarap
na iyon? Tayo po—tayo po na nasa gobyerno—ang nagiging hadlang bagkus ang
dapat nga po nating responsibilidad ay tayo ang taga-usad ng mga pangarap ng ating
mga kababayan. Isa lang po ito.
Kaya masayang-masaya po ako sa Mandaluyong kasi hindi na ho nila
hinihintay na tawagin ang pansin nila ukol sa isang kakulangan na kailangan punin
7
sa kanilang kababayan, ngunit sila na ho ang nakikipag-usap sa taong bayan upang
malaman kung ano ang pangangailangan ng mga tagaMandaluyong.
Ngayon po, kinantyawan ko po si Mayor Abalos, “Mayor, kaya nyo pa po ba na
mag-absorb ng responsibilities. Syempre po ang mga judges natin kailangan nila
sabihin na gusto nila yun.” Kasi po ang next phase, ang wave of the future, the future
that we in the judiciary, the Supreme Court, are dreaming for our country is a future
aided by technology and technology requires money, and technology requires a lot of
people coordinating, talking to each other, laying down the infrastructure.
Ano po ang future ng judiciary na pinanaginipan ko araw-araw at bahagi ng
aking mga gabi at sinusulat ko sa drawing board ko lagi? Unang-una po yung
sinasabi ni Congressman Gonzales, ang iniisip ko po ay isang sistema na ang mga
subpoena natin ay electronic na lahat. Hindi na po tayo gugugol ng pera at
sasayanging ang napakalaking espasyo at panahon sa pag-serve ng subpoena. Kung
magagawan natin nang electronic infrastructure na ang mga subpoena at ang notices
ay gagawing electronic lahat, and even some of the information you need, pwede na sa
SMS, gagawin po natin yun. Dahan-dahan po nating gagawin yun, dahil ang
mangyayari po, hindi lamang po ang kapulisyahan na mga testigo ang nakakaalam,
“Nandito na pala ang tawag sa amin ng Korte upang i-schedule ang testigo namin.”
Ngunit ang mga abugado na gaya ni Congressman Gonzales at gaya ni Mayor Abalos,
8
hindi na po pipila ng tatlong oras upang lang matawag sa second call ang kanilang
kaso. Kundi dahil meron na po tayong electronic bulletin board, in the future pwede
na po nating piliin ang ating sariling schedule sa available court calendar. In short, ang
mga ginugugol nyong pera para sa gasolina, yung oras, yung traffic, yung carbon
footprints natin, hindi na po tayo pabigat sa buhay. Alam nyo po sa isang korte sa
Quezon City, may nagse-spearhead na ho na ang order na binibigay nya—di pa po
desisyon no—ibibigay in open court, ipi-print at ise-serve kagad. So if we can think of
a future that bridges what we have now—na naiintindihan naman po natin ang ating
kasalukuyang kalagayan—at isang future na ang judicial system and the allies of the
judicial system—DOJ, PNP, PAO, NaPros, the DSWD—are working together not to
burden people, but really to lift the burdens from the backs of our already
overburdened fellow Filipinos.
Ang mandato po ng gobyerno pagaan-in ang kalbaryo na dinadaanan ng
karamihang pamilyang Pilipino. Ang mandato po ng gobyerno ay magsilbi, at ang
pagsisilbi na ito ay ang reward na ginagawad sa kanya ng taong-bayan. Kaya't
natutuwa po ako kasi kahit ano pa namang gawin naming pananaginip sa judiciary,
kahit ano pong paghikayat ko sa aming judges, court workers, sa aming sheriffs,
clerks of courts, legal researcher—kahit ano pa pong incentives ang ibigay sa atin,
kung hindi po natin kapwa kapit-bisig ang local government, ang mga sectors ng DOJ,
9
etc., kung hindi po tutulong ang community, kung hindi po kayo nandyan to give
moral support hindi po magiging totoo ang justice—ang katarungan—sa ating
bayan.
Kaya't alam ko po na naiinitan na po kayo. Alam ko pong uhaw na kayo. Alam
ko pong inip na inip na kayo na malaman kung sino ang unang preso na tatawagan
ang kaso at maaring mapalaya sa araw na ito. Alam ko po ang mga preso natin gusto
na nilang magpakita ng kanilang mga ngipin sa ating mga kasama. At alam ko po nais
nyo na pong umusad at makita talaga kung paano ang EJOW Program ay tumatakbo
ngayon.
Ngunit bigyan nyo po ako ng pagkakataon na magbigay ng aking taos-pusong
pasasalamat. Salamat po talaga. Mula sa pusong malalim ang pagbubukal ng utang na
loob sa aking mga kapatid sa Mandaluyong, at sa liderato ng Mandaluyong, kasama
na ang liderato ng Mandaluyong sa Kongreso.
Gusto ko naman po tawagin ang representante ng mga bayani ng hudikatura.
Maari ko bang hingin na pagbigyan na po ng mga huwes, tumayo po kayo at
magbow po kayo at ipakita at ipa-abot ang pagmamahal sa taong-bayan. Sila po ang
mga bayani na tinuturing ko sa hudikatura. Hindi po sila pwede sumagot sa mga
atake sa kanila ng media. Kaawa-awa po sa isang panig ang kanilang sitwasyon.
Malimit po pag nag-oovertime ang kanilang mga staff, sila ang kailangang magbunot
10
sa bulsa nila ng pera para sa hamburger, at pag may sakit po, sino ang naglalabas ng
pera kundi ang mga ina at ama ng ating mga hukuman sa Mandaluyong; at ang
kanilang mga kanang kamay ang mga clerks of court ng Mandaluyong—kung hindi
po sa kanila hindi po aandar ang ating mga hukuman, at yung pang iba pong mga
employees ng judiciary, pakitaas po ng kamay; at ang pakikipag-ayon nyo po sa akin
na meron po tayong sagradong usapan sa ating taongbayan—ang isang kasunduan
at panghabangbuhay na pangako na pagsisilbihan po natin ang taongbayan ng
buong pagmahal at lahat ng ating kalakasan.
So marami pong salamat. Ikinalulugod ko po na nandito ako sa Tiger City.
Nandito po ako sa isang napaka-intelligent city, napakaproactive city. Nawa'y
magpatuloy po ang inyong kaunlaran. Maaari ko rin pong i-assure sa inyo na ang
leadership ng Supreme Court—nandito po si Justice [Mariano] Del Castillo, maaari
pong palakpakan po natin sila, sya ang lagi kong date sa totoo lang—at ang leadership
ng administration ng lower courts—si Court Ad [Jose] Midas Marquez, DCA [Thelma]
Bahia, DCA [Raul] Villanueva—may fans club dito... kamukha ba ni Daniel Padilla?
Hindi ko sasabihin kung sino ah, kung si Raul o si Midas—at ang ating Chief Public
Information Officer, si Atty. [Theodore] Te, of course si Justice [Adolfo] Azcuna, ang
pinakanumber one teacher ng judiciary, chancellor ng Philippine Judicial Academy;
11
ang aking mga napakamabubuting alalay, si Chief of Staff si Atty. Honey [Oliveros],
Judicial Staff Head si Atty. Zaldy [Trespeses].
But of course let me acknowledge after I leave, I know that the leadership in
Mandaluyong, I will of course trust that it is in good hands, EJ [Executive Judge]
Monique [Ignacio] and EJ [Executive Judge] Flordeliza [Silao]. Please, my beloved
judges, I know that the road ahead of us is always difficult. I know that you have been
working overtime with no expectation of any additional reward. Trust me that we are
doing everything we can to professionalize promotion in the judiciary, and that is a
message I have always told the Judicial and Bar Council. Unfortunately, the ability for
you to get promoted in the higher ranks that are available are actually narrow,
because there really are not many vacant seats beyond the RTC level. You are already
occupying very prime positions. But please work and serve, and I know that you do,
not because you are expecting to be promoted further but simply because you love
justice and the people that justice is supposed to serve. I trust the future, and I leave
the future in your hands. And with God's grace, we will show our people a judiciary
that they can really be proud of.
I love you very much, my dear judges and court employees. Maraming salamat po
mula sa Padre Faura, sa leadership ng buong judiciary, to the wonderful, creative,
intelligent and beautiful people of Mandaluyong. Salamat po.
12
(DIFFERENT PROGRAM, SAME DAY. ADDRESSED TO THE BARANGAY OFFICIALS)
Salamat po. Magsi-upo po tayo. Napakasaya po ng Valentine's Day ko ho
ngayon, daig po kahit isang daang roses yung sinabi ninyo na tutulungan po nila ang
hudikatura. Kaya din po ako masaya na nandito kayo in full force kasi marami hong
ishe-share kami from the Philippine Judicial Academy na mga karapatan na nagiging
buhay lamang kung ang mga barangay officials ay tutulong—tuturo po nila kung
pano linalabas ang barangay protection order, pano ho iiwasan at pamamagitan ang
maaring mangyaring violence against women and children, paano ia-address ang
criminality sa ating mga kabataan. Maaari ho, ang mga batas ay nariyan upang ating
sundin. Ngunit kung hindi ho ang puso na naririto upang buhayin ang batas, walang
saysay ang ating ginagawa.
Kaya nga po anong tuwa kaniyang kwinento ni Mayor Abalos nang kanyang
nakita pagpagpapalaya sa isang nadetain. Naidetain po sya dahil sa sobra po nyang
gutom naginsist sya na pakainin sya sa carinderia, nakipag-away sya, nahawakan
nya ang kutsilyo, naging attempted homicide na po yun technically sa batas.
Mga kaibigan ko po, lalo na po yung nandyan sa media ngayon, hindi po ba
yung pinapanood po nating Les Miserables na si Jean Valjean ay nakulong nang
13
napakahaba sa napakadilim na piitan sa Pransya dahil nagnakaw sya ng tinapay
para sa nagugutom nyang kapatid ay naririto pa rin sa kalagitnaan ng ating paligid,
kahit sa isang lungsod na napakayaman gaya ng Mandaluyong—hindi po dahil
kulang ang pagmamahal ng liderato ng Mandaluyong sa kanyang mga kababayan,
ngunit mayroon na po tayong nangyayari na pagpapabaya sa mga pangangailangan
po ng mga maliit sa atin. Hindi po dapat na meron sa atin na nagpapasasa at
mayroon naman pong nagugutom hanggang maging desperado na mamilit na
pakainin at mapunta sa kulungan ng higit ng walong buwan.
Ngayong araw po ay nakalaya sya. Umiiyak sya gayon na rin ang kanyang ina.
Dapat po bang humantong ang mga bagay-bagay sa ganitong punto? Hindi po ba
dapat kailangan natin na kalingain ang ating kapwa, upang hindi mangyayari na ang
lipunan Pilipino ay hindi lipunang mapang-api sa mga maliliit? Kaya naririto po
kami handang magsilbi sa inyo sa pamamagitan ng pagbibigay po sa inyo ng aming
nalalaman ukol sa mga katarungan na maaring makuha sa ilalim ng batas, lalo na po
upang mapanitili ang kapayapaan sa ating mga importanteng barangay, gaya ng mga
barangay ng Mandaluyong.
Sa gitna po ng kaguluhan ng ating panahon ngayon, ang inyo pong araw araw
na paggugol ng panahon upang alagaan ang inyong kapwa sa inyong barangay—
kapitbahay man—o pamamagitan sa mga alitan upang makita na walang naapi sa
14
inyong mga purok ay napakahalaga sa pagtaguyod ng bansang Pilipinas.
Ang bansang Pilipinas ay hindi po itatayo dahil sa mga magagandang
monumento natin at sa mangilan-ngilang mga superstar na leaders na maaring
nating ma-iluklok. Ngunit ma-itatayo lang po ang ating bayan kung bawat isa sa inyo
araw araw ay mamahalin ang inyong trabaho at mamahalin ang inyong kapwa. At
dahil mahal nyo rin po ang inyong trabaho at inyong kapwa, alam ko po kayo ay nag-
aabang ng karagdagang karunungan upang pa-igtingin pa ang inyong serbisyo na
napakahusay na ang inyong paggawad. Kaya mula po sa parte ng hudikatura, ano po
ba naman ang kaya naming itulong kundi po pagalingin pa po ang inyong kaalaman
sa pagsisilbi sa bayan.
Mabuhay po ang mga pinunong barangay! Mabuhay po ang mga opisyales at
mga kawani ng lahat ng mga barangay ng Mandaluyong! At nawa'y mabuhay po ang
spirito ng pagsisilbo ng bayaning Pilipino. Maraming salamat po.