Sining Ng Pananaliksik
-
Upload
grace-onate -
Category
Documents
-
view
427 -
download
8
description
Transcript of Sining Ng Pananaliksik
![Page 1: Sining Ng Pananaliksik](https://reader034.fdocument.pub/reader034/viewer/2022050616/5695d2031a28ab9b0298c6fa/html5/thumbnails/1.jpg)
1
SINING NG PANANALIKSIK Mga Pahinang Preliminari o Front Matters Fly Leaf 1 – ang pinakaunang pahina ng
pamanahong-papel. Walang nakasulat na kahit ano sa pahinang ito. Sa madaling sabi, blangko ito.
Pabalat – ang tawag sa pahinang nagpapakilala sa pamagat ng pamanahong-papel. Nakasaad din dito kung kanino iniharap o ipinasa ang papel, kung saan asignatura ito pangangailangan, kung sino ang gumawa at panahon ng kumplesyon. Kung titingnan sa malayuan, kailangang magmukahang inverted pyramid ang pagkakaayos ng mga informasyong nasa pahinang ito.
![Page 2: Sining Ng Pananaliksik](https://reader034.fdocument.pub/reader034/viewer/2022050616/5695d2031a28ab9b0298c6fa/html5/thumbnails/2.jpg)
2
Dahon ng Pagpapatibay – ang tawag sa pahinang kumukumpirma sa pagkakapasa ng mananaliksik at pagkakatanggap ng guro ng pamanahong-papel.
Sa pahina ng Pasasalamat o Pagkilala tinutukoy ng mananaliksik ang mga individwal, pangkat, tanggapan o institusyong maaaring nakatulong sa pagsulat ng pamanahong-papel at kung gayo’y nararapat pasalamatan o kilalanin.
Sa Talaan ng Nilalaman - nakaayos ang pagbabalangkas ng mga bahagi at nilalaman ng pamanahong-papel at nakatala ang kaukulang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.
![Page 3: Sining Ng Pananaliksik](https://reader034.fdocument.pub/reader034/viewer/2022050616/5695d2031a28ab9b0298c6fa/html5/thumbnails/3.jpg)
3
Sa Talaan ng mga Talahanayan at Graf - nakatala ang pamagat ng bawat talahanayan at/o graf na nasa loob ng pamanahong-papel at ang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.
Ang Fly Leaf 2 - ay isa na namang blangkong pahina bago ang katawan ng pamanahong papel.
![Page 4: Sining Ng Pananaliksik](https://reader034.fdocument.pub/reader034/viewer/2022050616/5695d2031a28ab9b0298c6fa/html5/thumbnails/4.jpg)
4
KABANATA 1: ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
A. Ang Panimula o Introduksyon – ay isang maikling talataang kinapapalooban ng pangkalahatang pagtalakay ng paksa ng pananaliksik.B. Sa Layunin ng Pag-aaral – inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilan kung bakit isinasagawa ang pag-aaral. Tinutukoy din dito ang mga ispesifik na suliranin na nasa anyong patanong
![Page 5: Sining Ng Pananaliksik](https://reader034.fdocument.pub/reader034/viewer/2022050616/5695d2031a28ab9b0298c6fa/html5/thumbnails/5.jpg)
5
C. Sa Kahalagahan ng Pag-aaral – inilalahad ang signifikans ng pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa ng pag-aaral. Tinutukoy ditto ang maaaring maging kapakinabangan o halaga ng pag-aaral sa iba’t ibang individwal, pangkat, tanggapan, institusyon, profesyon disiplina o larangan.
D. Sa Saklaw at Limitasyon – tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik. Dito itinatakda ang parameter ng pananaliksik dahil tinutukoy dito kung anu-ano ang varyavol na sakop at hindi sakop ng pag-aaral.
![Page 6: Sining Ng Pananaliksik](https://reader034.fdocument.pub/reader034/viewer/2022050616/5695d2031a28ab9b0298c6fa/html5/thumbnails/6.jpg)
6
E. Itinatala naman sa Definisyon ng mga Terminolohiya – ang mga katawagang makailang ginamit sa pananaliksik at ang bawat isa’y binigyan ng kahulugan. Ang pagpapakahulugan ay maaaring konseptwal (ibinibigay ang istandard na definisyon ng mga katawagan) o operasyunal (kung paano iyon ginamit sa pamanahong-papel/pananaliksik).
![Page 7: Sining Ng Pananaliksik](https://reader034.fdocument.pub/reader034/viewer/2022050616/5695d2031a28ab9b0298c6fa/html5/thumbnails/7.jpg)
7
KABANATA II: MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
Tinutukoy dito ang mga pag-aaral at mga babasahin o literaturang kaugnay ng paksa ng pananaliksik. Kailangan matukoy ng mananaliksik kung sinu-sino ang mga may-akda ng naunang pag-aaral o literature, disenyo ng pananaliksik na ginamit, mga layunin at mga resulta ng pag-aaral. Mahalaga ang kabanatang ito dahil ipinaalam ditto ng mananaliksik ang aksalukuyang estado ng kaalaman kaugnay ng kanyang paksa.
![Page 8: Sining Ng Pananaliksik](https://reader034.fdocument.pub/reader034/viewer/2022050616/5695d2031a28ab9b0298c6fa/html5/thumbnails/8.jpg)
8
Hangga’t maaari, ang mga pag-aaral at literaturang tutukuyin at tatalakayin dito ay iyong mga bago o nalimbag sa loob ng huling sampung taon. Pilitin ding gumamit ng mga pag-aaral at literaturang loKal at dayuhan. Hangga’t maaari rin, tiyaking ang mga material na gagamitin ay nagtataglay ng mga sumusunod na katangian: (a) objektiv o walang pagkiling; (b) nauugnay o relevant sa pag-aaral; at (c) sapat ang dami o hindi napakakaunti o napakarami.
![Page 9: Sining Ng Pananaliksik](https://reader034.fdocument.pub/reader034/viewer/2022050616/5695d2031a28ab9b0298c6fa/html5/thumbnails/9.jpg)
9
MGA HANGUAN NG INFORMASYON O DATOS
Ayon kina Mosura, et al. (1999), ang mga hanguang primarya (primary sources):
Mga individwal o awtoridad, Mga grupo o organizasyon tulad ng pamilya,
asosasyon, unyon, fraternity, katutubo o minorya, bisnes, samahan, simbahan at gobyerno,
Mga kinagawiang kaugalian tulad ng relihiyon at pag-aasawa, sistemang legal at ekonomik at iba pa, at
Mga pampublikong kasulatan o dokumento tulad ng konstitusyon, batas-kautusan, treaty o kontrata at ang lahat ng orihinal na tala, katitikan sa korte, sulat, jornal at talaarawan o dayari.
![Page 10: Sining Ng Pananaliksik](https://reader034.fdocument.pub/reader034/viewer/2022050616/5695d2031a28ab9b0298c6fa/html5/thumbnails/10.jpg)
10
Ang mga Hanguang Sekundarya (secondary sources) naman ay:
Mga aklat tulad ng diksyunaryo, ensayklopidya, taunang-ulat o yearbook, almanac at atlas,
Mga nalathalang artikulo sa jornal, magazin, pahayagan at newsletter,
Mga tisis, disertasyon at pag-aaral ng fisibiliti, nailathala man ang mga ito o hindi, at
Mga monograf, manwal, polyeto, manuskrito at iba pa. Ang ELEKTRONIKO: internet
![Page 11: Sining Ng Pananaliksik](https://reader034.fdocument.pub/reader034/viewer/2022050616/5695d2031a28ab9b0298c6fa/html5/thumbnails/11.jpg)
11
KABANATA III: DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
Ang kabanatang ito ay nahahati sa mga sumusunod na bahagi:
1. Sa Disenyo ng Pananaliksik – nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pag-aaral. Para sa inyong pamanahong-papel, iminumungkahi naming ang pinakasimple na , ang deskriptiv-analitik na isang disenyo ng pangangalap ng mga datos at informasyon hinggil sa mga salik o factors na kaugnay ng paksa ng pananaliksik.
2. Sa bahaging, tinutukoy ang mga Respondente ng sarvey, kung ilan sila at paano at bakit sila napili.
![Page 12: Sining Ng Pananaliksik](https://reader034.fdocument.pub/reader034/viewer/2022050616/5695d2031a28ab9b0298c6fa/html5/thumbnails/12.jpg)
12
3. Sa Instrumento ng Pananaliksik – inilalarawan ang paraang ginamit ng pananlksik sa pangangalap ng mga datos at informasyon. Iniisa-isa rito ang mga hakbang na kanyang ginawa at kung maaari, kung paano at bakit niya ginawa ang bawat hakbang. Sa bahaging ito, maaaring mabanggit ang intervyu o pakikipanayam, pagko-conduct ng sarvey at pagpapasagot ng sarvey-kwestyoneyr sa mga respondent bilang pinakakaraniwan at pinakamadaling paraang aplikable sa isang deskriptiv-analitik na disenyo.
4. Sa Tritment ng mga datos – inilalarawan kung anong istatistikal na paraan ang ginamit upang ang mga numerical na datos ay mailarawan . dahil ito’y isang pamanahong-papel lamang, hindi kailangang gumamit ng mga kompleks na istatistikal tritment. Sapat na ang pagkuha ng porsyento o bahagdan matapos mai-tally ang mga kasagutan sa kwestyoneyr ng mga respondente.
![Page 13: Sining Ng Pananaliksik](https://reader034.fdocument.pub/reader034/viewer/2022050616/5695d2031a28ab9b0298c6fa/html5/thumbnails/13.jpg)
13
KABANATA IV: PRESENTASYON AT INTERPRETSYON NG MGA DATOS
Sa kabanatang ito inilalahad ang mga datos na nakalap mananliksik sa pamamagitan ng tekstwal at tabular o grafik na presentasyon. Sa teksto, inilalalhad ng mananaliksik ang kanyang analisis o pagsusuri.
![Page 14: Sining Ng Pananaliksik](https://reader034.fdocument.pub/reader034/viewer/2022050616/5695d2031a28ab9b0298c6fa/html5/thumbnails/14.jpg)
14
KABANATA V: LAGOM’ KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
Nahahati ang kabanatang ito sa tatlo:1. Sa Lagom, binubuo ang mga datos at informasyong
nakalap ng mananaliksik na komprehensivong tinalakay sa Kabanata III.
2. Ang Konklusyon ay mga inferences, abstraksyon, implikasyon, interpretasyon, pangkalahatang pahayag, at/o paglalahad batay sa mga datos at informasyong nakalap ng mananaliksik.
3. Ang Rekomendasyon ay mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning natukoy o natuklasan sa pananliksik.
![Page 15: Sining Ng Pananaliksik](https://reader034.fdocument.pub/reader034/viewer/2022050616/5695d2031a28ab9b0298c6fa/html5/thumbnails/15.jpg)
15
MGA PANGHULING PAHINA
1. Ang Listahan ng sanggunian ay isang kumpletong tala ng lahat ng mga hanguan o sorses na ginamit ng mananaliksik sa pagsulat ng pamanahong-papel.
2. Ang Apendiks ay tinatawag ding Dahong-Dagdag. Maaaring ilagay o ipaloob ditto ang mga liham, formularyo ng evalwasyon, transkripsyon ng intervyu, sampol ng sarvey-kwestyoneyr, bio-data ng mananaliksik, mga larawan, kliping, at kung anu-ano pa.
![Page 16: Sining Ng Pananaliksik](https://reader034.fdocument.pub/reader034/viewer/2022050616/5695d2031a28ab9b0298c6fa/html5/thumbnails/16.jpg)
16
PETSA NG PAGPASASetyembre 8: Kabanata 1 (10 pts)Setyembre 13: Kabanata 2 at 3 (20 pts)
Setyembre 17: Kabanata 4 : burador (10 pts)
Setyembre 20: Nirebisang Kabanata 4 (10 pts)
Setyembre 24: Kabanata 5 (10 pts)Setyembre 27 at 29 : PAGDEDEPENSA NG PAG-AARAL (100 pts)
![Page 17: Sining Ng Pananaliksik](https://reader034.fdocument.pub/reader034/viewer/2022050616/5695d2031a28ab9b0298c6fa/html5/thumbnails/17.jpg)
17
Sa bawat pagpasa sa e-mail ay magpakilala. Isulat ang pamagat ng pag-aaral at ang mga pangalan lamang ng mga tumulong sa ipinasang output.
![Page 18: Sining Ng Pananaliksik](https://reader034.fdocument.pub/reader034/viewer/2022050616/5695d2031a28ab9b0298c6fa/html5/thumbnails/18.jpg)
18
PAGPUPUNTOS
1. Peer Evaluation2. Group Leader
Evaluation3. Defense with Rubric
![Page 19: Sining Ng Pananaliksik](https://reader034.fdocument.pub/reader034/viewer/2022050616/5695d2031a28ab9b0298c6fa/html5/thumbnails/19.jpg)
19
BATAYAN SA ARAW NG DEPENSA
Malikhaing PresentasyonPagpapaliwanag at pangangatwiran
Pagsunod sa format o teknikal na aspeto
GramatikaPagsunod sa takdang araw
![Page 20: Sining Ng Pananaliksik](https://reader034.fdocument.pub/reader034/viewer/2022050616/5695d2031a28ab9b0298c6fa/html5/thumbnails/20.jpg)
20
Isang masaya at
makabuluhang pananaliksik!
![Page 21: Sining Ng Pananaliksik](https://reader034.fdocument.pub/reader034/viewer/2022050616/5695d2031a28ab9b0298c6fa/html5/thumbnails/21.jpg)
SINING PANANALIKSIK SA FILIPINOPROF. GRACE P. ONATE