Si Putot Module

download Si Putot Module

of 5

description

NSTP module

Transcript of Si Putot Module

  • Si Putot: Ang Asong Maikli ang Buntot Kuwento ni Mike L. Bigornia, Iginuhit ni Charles Funk

    I. Layunin (Objectives) A. Kaalaman a. Makilala Ang ibat ibang uri ng hayop b. Malaman ang kahulugan ng mga salitang magkasalungat c. Matutunan ang katumbas sa Ingles ng ilang piling salita. B. Pandamdam a. Madagdagan ang pagpapahalaga sa kalikasan

    b. Matutuhang tanggapin ang pagkakaiba ng pisikal na itsura mapatao man o hayop

    C. Kakayahan a. Matukoy kung sino ang nagmamay-ari ng mga buntot b. Ayusin ayon sa haba ang mga buntot c. Makasabay sa pampasiglang Gawain

    II. Mga Kakailanganin ( Materials Needed) Para sa Pag-aalis ng Balakid:

    Mga salitang nakasulat sa metacards Mga larawan ng mga hayop sa kwento

    Pre- reading

    Pagganya/ Motibasyon Cut-out ni Putot na umiiyak

    Reading Libro: Si Putot Larawan ng mga hayop Talakayan:

    Pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari-timeline- nakasulat sa piraso ng papel

    Pagpapalawig: Pagpapares ng buntot sa hayop:

    - larawan ng mga hayop at mga buntot

    Post-reading

    Pagpapayaman: -mga salitang nakasulat sa metacards -mga larawan ng ibat ibang tao

    III. Pamamaraan (Procedure) A. Bago Magbasa (pre-reading activity) 1. Pampasigla (ice breaker)

    5 min Ituturo ang aksyon na kaagapay ng sumusunod na kanta: May magsasakang may aso, pangalan niya ay BINGO, B-I-N-G-O (3X), pangalan niya ay BINGO

    2. Paghahanda para sa leksyon

    1 min Pagpapaalala sa mga mahalagang patakaran gaya ng pakikinig, pakikilahok, atbp.

  • 3. Pag-alis ng Balakid (Unlocking of difficulties)

    10 min Maipaunawa ang kahulugan ng mga sumusunod na salita/parirala sa pamamagitan ng: Iaakto Magpapakita

    ng larawan Magbigay ng sitwasyon

    Himutok

    Brotsa Plomera panot

    Dangal Kapintasan

    Ipapakita at babasahin ng guro (ipapaulit sa mga bata) isa-isa ang mga salita tapos ay:

    Ipapakita ng guro kung paano maghimutok, kalian mo makikita ang mga taong naghihimutok?

    Ipakita ang larawan ng brotsa. Sino ang kadalasang gumagamit ng brotsa?

    Ipakita ang larawan ng plomera. Saan nakakakita ng plomera? Para saan ito?

    Ipakita ang larawan ng panot. Ano ang itsura ng isang panot?

    Magbigay ng sitwasyon kung saan ipinapakita ang kahulugan ng dangal. (Magulang ikinararangal ang anak.)

    Magbigay ng sitwasayon kung saan ipinapakita ang kahulugan ng kapintasan. Tama bang mamintas tayo ng kapwa?

    Babasahin uli ang mga salita at ipapaulit sa mga bata matapos ang bawat salita

    4. Motibasyon/ Pagganyak bago Magbasa

    3 min Ipapakita ang librong ikukuwento. Eenganyuhin ang mga bata na alamin kung Bakit umiiyak si Putot? sa larawang ididikit sa pisara/dingding. Isulat kung ano sa tingin ng mga bata ang dahilan kung bakit nalulungkot si Putot.

    B. Pagbabasa (reading) 1. Bago magkwento, basahin ang pamagat ng libro,

    may-akdaat gumuhit ng larawan. 2. Habang nagbabasa, ipapakita ang larawan at ituturo

    ng guro ang linya na binabasa. Siguraduhing nakikita ng maayos ng mga bata ang mga larawan at salita.

    Ididikit ang larawan ng bawat hayop na kaiingitan ni Putot sa palibot ng larawan ng umiiyak na Putot kanina.

    Ipauulit sa mga bata kung bakit naiingit si Putot sa mga hayop na ito.

    3. Pagkatapos ng kuwento, balikan ang tanong kung bakit umiiyak si Putot sa simula ng kuwento. Tingnan kung tama ang hula ng mga bata.

  • C. Mataopos magbasa (Post-reading) 1. Talakayan 3 min 1. Sinu-sino ang mga hayop na kinainggitan ni Putot?

    2. Ayusin ayon sa pagkakasunud-sunod sa kuwento ang mga pangyayari na nakasulat sa mga piraso ng papel. Pagkatapos mabuo, basahin ulit ito. 3.Ano ang natutuhan ni Putot sa dulo ng kuwento?

    2. Pagpapaliwanag (Engagement)

    15 min 1. Pagpapares Ikabit ang buntot sa nagmamay-ari nito.

    2.Pagtuklas sa kahulugan ng magkasalungat na salita: Masaya at Malungkot Mahaba at Maiksi Unat at Kulot

    3. Pagguhit (before and after) Iguhit ang luha at ang nakasimangot na bibig ni

    Putot. Iguhit ang nakangiting bibig ni Putot. 3. Pagpapayaman (enrichment)

    1. Pagtukoy sa ibat ibang hayop Tukuyin ang ibat ibang hayop. Kumpletuhin ang pangalan ng hayop. Baybayin ang

    bawat letra. Ipakita ang katumbas na salita sa Ingles.

    2. Pagtukoy sa ibat ibang hitsura ng tao Tukuyin ang mga pisikal na katangian ng tao. Magpakita ng larawan. Magbigay ng halimbawa.

    3. Ibigay ang dahilan ng pagkakaiba ng hitsura ng tao man o hayop.

    Pakikibagay sa kapaligiran. Magbigay ng halimbawa.

    Silbi sa kalikasan. Magbigay ng halimbawa. Pagtatasa (tinanggal muna ang ilang larawan para magkasya sa email) Unang Bahagi: Punan ang patlang ng nawawalang letra.

    1. lor_ 2. _aka

    3. p_sa

    4. bu_at_

    5. k_bay_ 6. bab_y

    Ikalawang Bahagi: Pagdugtungin ng linya ang magkapares na salita at larawan 7. Mahaba

  • 8. Maikli

    9. Masaya 10. Malungkot

  • ---Theresa Tan, Lara Lacap

    ---Theresa Tan, Lara Lacap