Seremonya Sa Pagtatalaga Ng Mga Batang Scout

10
“SEREMONYA SA PAGTATALAGA NG MGA “JUNIOR AT SENIOR SCOUTS” I.Pagpasok………………………………………………………………………………………………………. Papasok ang tropa sa hudyat ng Namamahalang Puno (Troop Leader) at bubuo g kakal-kabayong hugis (Horse shoe Formation) II. ANG SEREMONYA: 1. Namamahalang Puno o Lider ………………………………………………………………………………….. a) “Kayo ngayo’y itatalaga sa Junior/Senior Troop” Silang ________ at ________ ng Bulacan GS Council”. a) Sindihan ang pinakamalaking kandila.) “Ang kandilang ito na aking sisindihan ay kumakatawan sa diwa ng Iskauting na inaasahan naming siyang tatanglaw sa inyo habang kayo’y nabubuhay. b. Ang tatlo pang kandila na sisindihan din ay kumakatawan sa tatlong bahagi ng Pangako ng Girl Scout. 2. Katulong na Lider (Co-leader) Tatawag ng tatlong panauhin upang magsindi ng kandila ang bawat isa. (a) Sisindihan ag kandilang nasa gitna. Unang Panauhin. Ang kandilang sisindiha’y pangako ang binabanggit, Una ito siyang sagisag, punung puno ng pag-ibig; Ukol ito sa Lumikhang kay Bathalang nasa langit, At kasama ang sa bayang kadluan ng tuwa’t hapis. (b) Sisindihan ag pangalawang kandila . (Pangalawa) Ikalawang kandilang sisindiha’y sakop pa rin ng pangako, Sagisag ay kabaitang sa tao’y siyang sugo ; Ang pagtulong sa kapuwa’y laging taos, hindi biro. Pagkat bunga ay ligaya kung pagtulong ay nasa puso. (c) Sisindihan ang ikatlong kandila. (Pangatlo) Ang ikatlong sisindiha’y yaong batas na susundin.

Transcript of Seremonya Sa Pagtatalaga Ng Mga Batang Scout

Page 1: Seremonya Sa Pagtatalaga Ng Mga Batang Scout

“SEREMONYA SA PAGTATALAGA NG MGA“JUNIOR AT SENIOR SCOUTS”

I.Pagpasok……………………………………………………………………………………………………….

Papasok ang tropa sa hudyat ng Namamahalang Puno (Troop Leader) at bubuo g kakal-kabayong hugis (Horse

shoe Formation)

II. ANG SEREMONYA:

1. Namamahalang Puno o Lider …………………………………………………………………………………..

a) “Kayo ngayo’y itatalaga sa Junior/Senior Troop”

Silang ________ at ________ ng Bulacan GS Council”.

a) Sindihan ang pinakamalaking kandila.) “Ang kandilang ito na aking sisindihan ay kumakatawan sa diwa

ng Iskauting na inaasahan naming siyang tatanglaw sa inyo habang kayo’y nabubuhay.

b. Ang tatlo pang kandila na sisindihan din ay kumakatawan sa tatlong bahagi ng Pangako ng Girl Scout.

2. Katulong na Lider (Co-leader) Tatawag ng tatlong panauhin upang magsindi ng kandila ang bawat isa.

(a) Sisindihan ag kandilang nasa gitna. Unang Panauhin.

Ang kandilang sisindiha’y pangako ang binabanggit,

Una ito siyang sagisag, punung puno ng pag-ibig;

Ukol ito sa Lumikhang kay Bathalang nasa langit,

At kasama ang sa bayang kadluan ng tuwa’t hapis.

(b) Sisindihan ag pangalawang kandila . (Pangalawa)

Ikalawang kandilang sisindiha’y sakop pa rin ng pangako,

Sagisag ay kabaitang sa tao’y siyang sugo ;

Ang pagtulong sa kapuwa’y laging taos, hindi biro.

Pagkat bunga ay ligaya kung pagtulong ay nasa puso.

(c) Sisindihan ang ikatlong kandila. (Pangatlo)

Ang ikatlong sisindiha’y yaong batas na susundin.

Mayro’ng sampu yaong bilang, isa-isang babanggitin;

Buod nito’y katutura’y may magandang layo’t turing,

Maliwanag at malinag kapag iyong nanamnamin.

3. Pagsisindi ng sampung kandila na siyang isasagawa ng sampung Girl Scouts.

(Kanan 1) Ang Babaeng scout ay malinis ang isip salita at gawa.

Malinis na lagi yaong kaisipan

Sa salita ri’y gayo’t gawai’y marangal;

Kung makipag-usap di inililiban

Page 2: Seremonya Sa Pagtatalaga Ng Mga Batang Scout

Nang hindi masira sa salitaan.

Laging ganyan kami sa Bagong Lipunan.

Dangal nitong lahi , sa lahat ay huwaran,

Malinis na gawa ay isang karangalan,

May magandang bukas at may kaunlaran.

(Kaliwa 2 ) Ang Babaeng Scout ay Mahabagin.

Ako’y mahabagi at hadag dumamay,

Sa lahat ng tao, saan mang lugar,

Ang aking tungkulin ay pakinabangan,

Di lang ng kaanak kundi ng iba man.

Maganda ang aking hangad na pagtulong

Sumigla ang iba sa munti kong layon.

Nais kong umunlad iba kong kanayon,

Guminhawa sila sa lahat ng panahon.

(Kanan 3) Ang Babaeng Iskawts ay Disiplinado

Ang Magandag disiplina ay laging taglay

Sa puso,diwa, lakas at buhay

Sa bawat gawain, sa pagtulong, sa pagsasanay

May lakas na pagpipigil sa ginagawang pag-damay

May disiplia ako sa bawat balakin .

May pagpipigil ako sa mapusok kong damdamin.

Aking nilalabanan ag masidhing nasain.

Makapagbigay lamang sa kapwa ng magandang simulain.

(Kanan 4) Ang Babaeng Iskawt ay Masipag

Ang taong masipag,marami ang natutulungan

Maraming kawanggawa ang natutuklasan.

Sagana sa kaibigan, sagana sakaligayahan.

At hindi dinadalaw ng anumang kalungkutan.

Ang taong masipag,taglay ang kasiyahan.

Masigla ang tahanan, gayondin ang bayan.

Page 3: Seremonya Sa Pagtatalaga Ng Mga Batang Scout

Mapagkawanggawa asa lahat ng nangangailangan.

Tumutulong sa kapawa hanggang libingan.

(Kanan 5 ) Ang Babaeng Iskawt ay Masunurin sa Batas

Pagsunod sa batas ang lagging nasa isip.

Sapagkat ang batas ay dapat sundin at igalang

Bawat batas ng bayan ay taglay angpagmamahalan

Kaya’t angpaggalang sabatas ay dapat pag-aralan.

Ang tao’y kaya laging napapahamak

Laging nabibigo,nalulungkot,at sawi sa lahat

Ang tunay na sanhi at kadahilanang tapat.

Hindi sa batas marunong tumupad.

(Kaliwa 6) Ang Babaeng Scout ay Matapat.

Ang Babaeng Scoutsa kapwa ay laging matapat,

Isipan ay malinis, at dibdib, lagging bukas,

Matapat kung dumamay, sa isa o sa lahat

Walang halong pag-iimbot, walang ganting hinahangad.

Ang ganitong kasalan’y bukal sa diwa at isipan.

Ang gumawa at maglingkodsa kapwa’y lagging pakay,

Ang tungkulin at pagdamay saiba ay karangalan,

Iyan ang laging nasa isp nitong Babaeng scout araw-araw.

(Kanan 7) Ang Babaeng Scout ay Matulungin sa Kapwa.

Ang Babaeng Scout ay Matulungin sa Kapwa.

Sa lahat ng tao samundong ibabaw,

Maralita kapuspalad, gahol sa buhay

Aking pinaliligaya hanggang makakayanan.

Uliran ang kilos sa pakikpanayam.

Sapagkat marangal ang puso’t isipan,

Handang tumulong at laang makiramay

Sa bawatsandali, sa bawat oras, sa buong buhay.

Page 4: Seremonya Sa Pagtatalaga Ng Mga Batang Scout

( Kaliwa 8) Ang Babaeng Scout ay Mapitagan sa Lahat ng May Buhay.

Bawat hayo na ay buhay ay dapat galang,

Sapagkat gaya din natin sila’y nilalang

Nang Poong Bathala upang tayoy matulungan

Sa ating pakikipamuhay sa mundong ibabaw.

(Kanan 9) Ang Babaeng Scout ay may Sariling Paniniwala.

Ang lahat ng tao ay may sariling paninindigan

May sariling paniniwalaat karapatan.

Kaya nating tumayo sa sariling paanan.

Sapagkat tayong lahat ay may angking katalinuhan.

Tayo ay nasa likuran ng kalalakihan

Nagpapalakas, nagpapasigla nagbibigay ng buhay,

Ang paninindigan natin ay matatag laging laang

Makatulong sa kanila sa pagpapalakas ng bayan.

(Kaliwa 10 ) Ang Babaeng Scout ay Mapagkakatiwalaan.

Maipagkakapuri sa lahat ng saglit,

Pagka’t karangala’y nasa puso at isip.

Ang gawang mabuti’ y laging nasa dibdib.

Upang ang katauha’y hindi magkabatik.

Bawat galaw niya ay pinag-aaralan.

At sa gawain niya’y maingat, uliran.

Masigla’t matapat, sa kilos at galaw.

Dangal at uliran nitong inang bayan.

Lider - Yaong mga Batas ay inyong narinig,

Mayroon pa ba ritong hindi ninyo nababatid?

Buong Tropa – Lahat po ng Batas aming naulinig

At ang bawat isa ‘y may-aral na hatid.

Pagsisindi ng Pangako:

Page 5: Seremonya Sa Pagtatalaga Ng Mga Batang Scout

(Banbalik na muli sa dating lugar.Kukunin ang nasa gitna ng tatlong kandilang nasa itaas.

“ Ang kandilang ito na sinisindihan saDiwa ng Iskauting ay kumakatawan sa unang bahagi

ng Girl Scout.” “ Sa aking karangalan ay sisikapin kong gampanan ang aking tungkulin sa

Diyos. “ ( Sasaludohabang binabanggit ang pangako.)

Sa pagiging Girl Scout una kong tungkulin,

Ang Diyos at bayan ay pakamahalin ;

Diyos ang lumalang nitong bayan natin

Kanyang pinayaman sq biayayang angkin.

(Kanan 6) Kukunin ang kandilang nasa gawing kanan )

“ Ang kandilang ito na sinisindihan sa Diwa ng Iskauting ay kumakatawan sa

ikalawang bahagi ng Pangako ng Girl Scout.”

“ Sa aking karangalanay sisikapinkong maglingkod sa bayan at sa aking kapwa.

Sa lahat ng dakokami aykinikilala

Sa pagtulong sa lahat, sa bayan at sa pamilya.

Mabubuting gawa ng paglilingkod laan sa iba.

Tatak at sagisag naming sa tuwi-tuwina.

(Kaliwa 7) Kukunin ang kandilang nasa gawing kaliwa.

“ Ang kandilangna sinisindihan sa Diwa ng Iskauting ay kumakatawan

sa ikatlong bahagi ng Pangako ng Girl Scout”.

Sa aking karangalan ay susundin ko ang mga Batas ng Babaeng Scout”.

Kahit na mahirap ang gawang tumupad

kaming mga Babaeng Scout ay handa sa lahat,

Yaong sampung sandigan marangal at sagisag,

Aming susundin ng buong pagtatapat

(Punong Namamahala; Muling hahakbang at magsasalita sa mga itatalagang kasapi.)

Mga batas at pangako nainyo’y binigkas,

Aking itatanong kung unawa’yganap;

Sa narinig ninyong mga paliwanag,

Mayro’n pa ba ritong sa isip ninyo’y salat?

(Sasagot ang tropa)

Page 6: Seremonya Sa Pagtatalaga Ng Mga Batang Scout

Malinaw nang lahat sa aming isipan,

Atsa ngayon kami ay nasisiyahan

Bats at pangakong sa ami’y tinuran

Mganda at malinaw at may kagalingan.

III.PAGPAPAKILALA SA PATROLYA--------------------------------------------------------------------------

Tatawagin ngPunong Namamahala ang bawat Lider ng Patrolya,

Mga Lider ng Patroya ________ maaari bang iharap ninyo ang inyong itatalagang

mga kasapi. Inihaharap ko ang bawat lider at mga kasapi ng Patrolya na aking

kaalaman ay matagumpay na nakasulit sa mga kinakailangan ng babaeng Scout

at ngayo’y handa na upang tunay na maging mga Girl Scouts.

IV. Pagkakabit ng Alpiler –----------------------Ninong at Ninang:

Paglalagay ng mga Panyo.------------------

V. AAWITIN ANG “ SCOUT CHANT” _-------------------------------------------------------------

VI. Aanyayahang muli ang mga ninong at ninang upang ikabit ang “WorldPin” at

iaabot ang katibayan ng pagiging kasapi. (babasahin ang mga pangalan ng ninong at ninang.)

Page 7: Seremonya Sa Pagtatalaga Ng Mga Batang Scout