SENAKULO

16
SENAKULO SCENE 1 NARRATOR: Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan kaya’t ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na Anak upang ang sinumang sumapalataya sa Kanya ay di mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Ginawa Niya ito hindi upang hatulan ang sanlibutan kundi ito’y iligtas. Noong si Augustos Cezar ang emperador ng Roma, si Herodes naman ang hari ng Judea, isinugo ng Diyos ang anghel na si Gabriel upang ihatid ang mabuting balita sa isang dalaga sa Nazareth na nagngangalang Maria. Siya ay maglilihi lalang ng Espiritu Santo at Banal ang sanggol na ipanganganak niya at ito’y tatawagin Hesus. (Sabsaban scene) NARRATOR: Kinagabihan, may mga pastol na nag-aalaga ng mga tupa sa parang. Biglang nagpakita sa kanila ang isang anghel at ang kaluwalhatian ng Diyos ay nagliwanag sa paligid nila. ANGHEL: Sa araw na ito, isinilanag ang inyong tagapag-ligtas, ang Kristong Panginoon. Narito ang palatandaan, makikita ninyo sa isang sabsaban ang isang sanggol na nababalot nang lampin kasama ng kanyang ina. NARRATOR: Agad silang pumaroon upang Makita ang sanggol. Sila ang unang nagpahayag ng mabuting balita. SCENE 2 NARRATOR: Nang 12 taon na si Jesus isinama siya ni Maria at Jose sa Jerusalem para sa pista ng Paskwa ngunit ng sila ay papauwi na, nagpaiwan si Jesus nang hindi nila namalaya. Bumalik sila sa lungsod at ng ikatlong araw, siya natagpuan nila nakaupo sa templo kasama mga guro. GURO: Kahanga-kahanga siyang mangusap kanino anak ang batang ito JOSE: Siya’y taga Nazareth kasama po namin siya, ipagpaumanhin po ninyo NARRATOR: Ang lahat ng nakarining ay namangha sa kanya.

description

Script

Transcript of SENAKULO

Page 1: SENAKULO

SENAKULO

SCENE 1

NARRATOR: Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan kaya’t ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na Anak upang ang sinumang sumapalataya sa Kanya ay di mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Ginawa Niya ito hindi upang hatulan ang sanlibutan kundi ito’y iligtas.

Noong si Augustos Cezar ang emperador ng Roma, si Herodes naman ang hari ng Judea, isinugo ng Diyos ang anghel na si Gabriel upang ihatid ang mabuting balita sa isang dalaga sa Nazareth na nagngangalang Maria. Siya ay maglilihi lalang ng Espiritu Santo at Banal ang sanggol na ipanganganak niya at ito’y tatawagin Hesus.

(Sabsaban scene)

NARRATOR: Kinagabihan, may mga pastol na nag-aalaga ng mga tupa sa parang. Biglang nagpakita sa kanila ang isang anghel at ang kaluwalhatian ng Diyos ay nagliwanag sa paligid nila.

ANGHEL: Sa araw na ito, isinilanag ang inyong tagapag-ligtas, ang Kristong Panginoon. Narito ang palatandaan, makikita ninyo sa isang sabsaban ang isang sanggol na nababalot nang lampin kasama ng kanyang ina.

NARRATOR: Agad silang pumaroon upang Makita ang sanggol. Sila ang unang nagpahayag ng mabuting balita.

SCENE 2

NARRATOR: Nang 12 taon na si Jesus isinama siya ni Maria at Jose sa Jerusalem para sa pista ng Paskwa ngunit ng sila ay papauwi na, nagpaiwan si Jesus nang hindi nila namalaya. Bumalik sila sa lungsod at ng ikatlong araw, siya natagpuan nila nakaupo sa templo kasama mga guro.

GURO: Kahanga-kahanga siyang mangusap kanino anak ang batang itoJOSE: Siya’y taga Nazareth kasama po namin siya, ipagpaumanhin po ninyoNARRATOR: Ang lahat ng nakarining ay namangha sa kanya. Maria: Anak bakit mo ito ginawa mo sa amin , balisang-balisa kami ng iyong ama sa paghahanap sayoJESUS: Bakit nyo ako hinahanap hindi nyo ba alam na dapat kong gawin ang Gawain ng aking Ama.NARRATOR: At lumago siya sa karunungan at pangangatawan at nagbibigay lugod sa Diyos at mga tao.

(Papatayin ang ilaw sa muling pagbubukas nito ay ang eksena sa kasalan sa cana may mga nagsasayawan,kumakain, naguusap, at nagiinuman)

SCENE 3*nagkakasiyahan ang lahat*

KATIWALA: Marami pa pong panauhing dumarating. Isang tapayan nalang po ng alak ang nalalabiPati nga po ang alak na nakalaan para sa mga panauhing pandangal nabawasan na po namin

Page 2: SENAKULO

INA: hay naku wag mo nga akong abalahin sa mga bagay na yan eto nga’t di ako magkandaugaga sa pageestima ng mga panauhin dito. Puntahan mo nalang si nana Maria baka meron syang maitutulong sa inyo.KATIWALA: Sige po (lalapit kay Maria) Nana Maria may konti po tayong problemaMARIA: Ano yun?KATIWALA: Naubusan po tayo ng alak at saka marami pa pong tao at marami pa pong dumarating, Ano na ho ang gagawin natin?MARIA: Ako ang bahala halika sumunod ka, (lalapit kay Jesus at ito’y bubulungan) Anak naubusan sila ng alak mapapahiya ang pamilya ng bagong kasal.JESUS: Ina hindi pa ho panahon wala po akong magagawa sa problemang ito, mabuti pa ho imungkahi natin magpabili sila sa bayanMARIA: Sa ganitong oras ng gabi? Wala ng panahon gawan mo ng paraan (pupuntahan nila ang mga tapayan na puno ng tubig darasalan)JESUS: Isilbi nyo ito.KATIWALA: HO? (NAGTATAKA) Eh tubig po ang laman ng tapayan MARIA: Sumunod ka nalangKATIWALA: Sige ho.BISITA 1: Hay salamat narito na ang alak BISITA 2: oo nga kanina pa tayo naghihintayBISITA3: Ang sarap nito, ito na yata ang pinakamasarap na alak ang natikman ko KATIWALA: Ang tubig naging alak paano nangyari yun? ALIPIN: Matikman nga, ang SARAP! Ibang iba ito sa mga natikman kong alak.( ang mga bisita nagpalitan ng kuro kuro tungkol sa alak,)

SCENE 4

JESUS: Ang tumatanggap sa inyo ay tumatanggap sa akin at ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa nagsugo sa akinSASARDOTE mataba: ipinamamarali mo raw na ikaw ay anak ng Diyos!?JESUS: At hinuhusgahan mo kung sino ang banal at kung sino ang makasalananSASARDOTE: kami ang mga alagad ng Diyos dito sa lupa marami kang binabagong katuruan, nalalaman mo ba ang pinakamahalaga batas ng Diyos.JESUS: Ibigin ang Diyos ng buong puso, buong isip, buong kaluluwa at buong lakasSASARDOTE: haha alam ng lahat yan..yan ang unang utos na binigay kay moises hah..JESUS: at kasing halaga ng unang utos ay mahalin mo ang iyong kapwa lalo na ang mga malilit tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.(sila umalis na inis)NARRATOR: Patuloy na nagturo at nangaral si Jesus ng mabuting mabalita tungkol sa paghahari ng Diyos (pinagaling nya ang mga may sakit at ang mga may kapansanan, sya’y napabantog sa buong bansa dinala sa kanya ang lahat ng may mga sakit, mga inaalihan ng Demonyo, mga himatayin, mga paralitiko na kanyang pinagaling)

*papasok ang inaalihan ng demonyo**Nagwawala ang inaalihan ng demonyo habang nilalapitan ni Jesus*

INAALIHAN NG DEMONYO: Anong pakialam mo sa akin Jesus ng nazaret naparito ka ba parapuksain kami ? JESUS: sino ka?

Page 3: SENAKULO

*babalik sa normal*

INAALIHAN NG DEMONYO: Panginoon tulungan po ninyo ako.

*aalihan ulit ng demonyo*

INAALIHAN NG DEMONYO: Kilala kita, kilala kita, ikaw ang banal na mula sa DiyosJESUS: tumahimik ka, tumahimik ka, tumahimik ka (habang nagwawala ang inaalihan ng demonyo)INAALIHAN NG DEMONYO: Panginoon maraming salamat po. Pinalaya po ninyo ako mula sa pagpapahirap ng demonyo. Maraming salamat po!

SCENE 5

JESUS: kung kayo’y mananalangin ganito ang sasabihin ninyo: Ama namin sumasalangit ka sabahin ang ngalan mo mapasaamin ang kaharian mo sundin ang loob dito sa lupa at para na sa langit bigyan mo kami ng aming makakain sa araw-araw at patawarin mo kami sa aming mga kasalanan tulad ng pagpapatawad naming sa nagkakasala sa amin ilayo mo kami sa tukso at iadya sa masama amen JESUS: Anong sinasabi nila tungkol sa anak ng tao?ALAGAD1: sabi raw po nila ay kayo si Juan bautista na muling nabuhayALAGAD2: ayon naman po sa iba si moises daw po kayoALAGAD3: ang sabi po nila ay kayo daw si eliasJESUS: ikaw naman simonSIMON: kayo po si Kristo ang anak ng Diyos na buhayJESUS: sa sinabi mo yang simon nahayag na na pinagpala ka ng langit walang karaniwang tao nakakaalam ng katotohanan mula ngayon tatawagin kitang Pedro ang bato at sa ibabaw ng batong ito itatayo ko ang aking simbahan maging ang pintuan ng impierno ay hindi makakapanaig dito ipagkakaloob ko syo ang susi ng kalangitan. (sound)

SCENE 6

LALAKI1: ano po ang dapat naming gawin para matupad ang kalooban ng DiyosJESUS: manalig kayo sa sinugo nya

*Masisira ang bubuong ng bahay may lalabas na paralitiko..*

SIMON: Hoy bakit nyo ginigiba ang bahay koANAK NG PARALITIKO: Patawad po hindi po kami nakapasok sa ibaba dahil sa dami ng mga tao, kami na lang po ang magpapag awa ng bubunguan, ibig lang po ng aming amang paralitiko na mapagaling agadJESUS: Kaibigan, pinatatawad na kita sayong mga kasalananSASARDOTE3 : Anong karapatan mong magpatawad Diyos ka ba?JESUS: Alin ba ang madaling sabihin? Pinatatawad ka na sa iyong kasalanan o ang tumindig ka at lumakad, tumayo ka at lumakad ngayon din ( suspense sounds) (At ito’y nakatayo)PARALITIKO: (unti-unting tatayo) Salamat po(umiiyak) salamat JESUS: sige umuwi ka naBABAE: Guro malubhang malubha na ang iyong kaibigan si lazaro

SCENE 7

Page 4: SENAKULO

MARTHA: Maria, maria, dumarating ang guro asikasuhin mo sila at ipagluluto ko sila ng makakainMARIA: Panginoon kung kayo sana’y narito hindi namatay ang aking kapatidJESUS: si Lazaro ay mabubuhay MARIA2: nanalig po ako, babangon sya sa araw ng paghuhukomJESUS: ako ang muling pagkabuhay, ang sinumang naniniwala sa akin, patay man ay mabubuhay muli at ang nabubuhay at naniniwala ay hindi mamamatay kailanman, halika gising natin si lazaro, (at sila ay nagpunta sa libingan ni lazaro)MARIA1: Guro nasa gitna po syaJESUS: alisin ang takipMARIA2: Ngunit may 4 na araw na syang naililibing, maaring nabubulok na ang kanyang katawanJESUS: masasaksihan ng nanalig ang kaluwalhatian ng Diyos, tanggalin ang takip,Dakila ama salamat at ngayon pa lang ay dinidinig nyo ang aking panalangin ibigay nyo sa mga naririto ang paniniwalang ako ang pagkabuhay na muli at ang sumasampalataya ay walang kamatayan,…. Lazaro tumindig ka!MARTHA at MARIA: LAZARO! LAZAROMARIA: Guro maraming salamat po! maraming salamatLAZARO: maraming salamat po Guro! maraming salamat

SCENE6Nasa bundok sila nagpapahinga sila Santiago, juan, at tila nakita nila si moises, elias na kausap ni JesusSIMON: tiago,tiago (ginigising ito)TIAGO: Juan, juan( ginigising ito)JUAN: si moises si elias_____SIMON: Panginoon gagawa po kami ng tatlong kubol isa sa inyo, isa kay moises at isa kay elias dumito na lang po tayoTINIG NG DIYOS: Ito ang aking anak, ang aking hinirang sya ang inyong pakinggan(HOLY SOUNDS)JESUS: Kung ano ang inyong nasaksihan at narinig ngayong gabi ay huwag nyong sasabihin kanino man (Holy sounds)

SCENE 8

*Ang pasok ni kristo sa Jerusalem habang umaawit ng hosanna, may dalang palaspas*

TAO 1: si hesus si hesus TAO 2: Purihin nandito na si hesusTAO 3: Guro naghintay ako ng ilang araw upanag Makita kaTAO 4:mabuhay si kristo,TAO 5:osana osana osana anak ni David(lahat ng tao’y nagsisigaw ng osana osana osana anak ni davidSASARDOTE1(lou veloso): tignan nyo ang lahat ay sumusunod sa kanyaSASARDOTE2: at yan ay dahil yan sa pagbuhay nya kay lazaro ng bitanya, hah! Pagnakatataon mababaliwala tayo at mawawala ang ating mga taga-sunodSASARDOTE3: anong kapangyarihan meron ang mapagpanggap na yan at napapasunod nyan ang lahatSASARDOTE1: hindi kaya sadyang ganyan kapag ang kapangyarihan ay mula sa langit

Page 5: SENAKULO

SCENE 9*Natungo si Jesus sa bahay dalanginan , may maagtitinda ng sari sari, may nagsusugal, may magnanakaw, may mga nangdaraya*

LALAKE: Bili na kayo magagandang tela,BABAE: Prutas, prutas,LALAKE: Damihan nyo ang bili ang Diyos ay malulugod nyanLALAKE:Eto meron akong itinitindang mga bangaLALAKE:Bili na kayo ng alahasBABAE: Naku! Peke naman ang alahas mo eh,BABAE: magnanakaw…..magnanakaw… ayun hulihin nyoJESUS: (galit)Jerusalem dating syudad ng banal, matapat sa Diyos, anong ginawa ninyo at ang temple ng ama ko ay ginawa nyong pugad ng magnanakaw (nagwala si jesus sinira ang mga paninda dun) ito ay bahay dalanginan, templo ng DiyosSASARDOTE3: Hoy banyaga hindi ka taga rito wala kang karapatan sa temploJESUS: at sinong nagbigay ng pahintulot para dumihan ang temploPINAKAPUNONG SASARDOTE: Lalaki marami na kaming nadinig sa aral mo’t gawa anong gusto mong gawin wasakin ang temploJESUS: ang templo ay hindi basta patong-patong na bato ito ay tahanan ng Diyos at hindi basta mawawasak habang sya’y naririto, wasakin nyo ang templo at sa tatlong araw ito’y ibabangon koPINAKAPUNONG SASARDOTE: tatlong araw! Aba ginawa ito sa loob apatnapo’t anim na tao at ibabangon mo lamang sa loob lamang ng tatlong araw! Hunghang! JESUS: Sinabi mo na ngunit hindi mo naintindihan.SASARDOTE3: ano sa palagay mo banal na capias?PINAKAPUNONG SASARDOTE: mahirap humatol sa unang tingin kailangan syang subaybayan alamin ang kanyang inaaral..SASARDOTE2: at pinagsasabing anak daw sya ng Diyos, kaisa ng Diyos, kapantay ng Diyos.

JESUS: Jerusalem …

SCENE 10

*Lalapit ang isang bulag*

BULAG: nakakakita na ko, nakakakita na ko, nakakakita na ko,____(3) basbasan nyo koSASARDOTE2: Hangal!kung totoong nakakakita ka na ang Diyos ang nagbigay syo ng paningin hindi ang makasalanan yan..BULAG: dati po akong bulag, ngayon po nakakakita na ko, salamat po, salamat po ang humplos sa aking mga mataJESUS: naniniwala ka ba sa anak ng taoBULAG: sino po yun?JESUS: ang kausap mo ngayonBULAG: LUBOS PO AKONG NANALIGSASARDOTE1: Alam ko na hindi ito ang pulubi, kamukha sya ng bulag na dating nagpapalimos sa tabi ng hagdanan hindi sya bulag, dinala mo sya rito para gumawa kayo ng palabasJESUS: naparito ako upang makakita ang bulag at mabulag ang may mata.SASARDOTE3: Aba! Pinalalabas mo ba na kaming nasa matuwid ang bulag

Page 6: SENAKULO

JESUS: kung ikaw ay bulag wala kang kasalanan, pero kung nakakakita ka ikaw ay may salaSASARDOTE2: manloloko eksperto ito sa paghabi ng kasinungalingan.JESUS: sa lahat ng aking sasabihin at gagawin kaisa ko ang aking amaSASARDOTE3: nasaan ang iyong amaJESUS: hindi nyo ko kilala, hindi nyo rin kilala ang aking ama, pagsusundin nyo ang aking turo malalaman nyo ang katotohanan at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyoSASARDOTE3: mga anak kami ni Abraham at kailanman ay hindi kami naging alipin bakit kailangan naming lumayaJESUS: kung tunay kayong anak ni Abraham hindi nyo hahangarin patayin akoSASARDOTE2: tangin ang Diyos ang kinikilala naming ama, kami ang tunay na anak ng DiyosJESUS: Ang Diyos ang inyong ama bakit hindi nyo ko magawang mahalin gayo’y nagmula ako sa kanya dahil mga anak kayo ng Demonyo at ang kagustuhan nya ang gusto nyong gawinSASARDOTE3:inangking mo nan a ama mo ang Diyos at ipinantay mo pa ang sarili mo sa kanyaJESUS:sinasaliksik nyo ang kasulatan sa paniniwalang doon nyo makikita ang buhay na walang hanggang wala kayong pag-ibig sa Diyos ang hinahangad nyo ay parangal sa isa’t-isat at hindi parangal para sa iisang Diyos

*Nagkakagulo ang mga tao may hinahabol silang isang babae*

TAO 1: sandali sandali, Guro tamang-tama pagnagkamali ng sagot may kaso na tayo laban sa kanyaTAO 2: Guro, kayo ang higit na nakakaintindi sa batas ang babaeng ito ay nahuli namin sa akto nakikiapid sa hindi asawa hindi nararapat lamang na sya’y pukulin hanggang sa mamatay..(sigaw ng mga tao pukulin) JESUS: ang sinuman sa inyo na walang pagkakasala ay syang magpukol ng unang bato (ang lahat ay natigilan)BABAE: makasalan po ako, nangangalunya po ako, patawad poJESUS: Pinatatawad na kita, umuwi ka na at iwasang magkasala muli

SCENE 11

SASARDOTE2: hindi lamang ang Jesus na yan ang dapat itakwil ng simbahan, kundi pati ang kanyang mga alagad na nagkakalat na sya ang mesiyasSASARDOTE4: papaano kung yan ang totoo, marami ng mga tao ang nakasaksi ng kanyang kababalaghan, ang pilay nakalakad, ang bulag nakakita, pati na ang patay binuhayCAIPAS: Napakababaw ng iyong paniniwala nicodemus, marami syang taga-sunod, madali sa kanila ang gumawa ng palabas o kuha ng mga nagkukunwaring bulag at pilay at madali ring magpatay-patayan (magtatawanan ang mga sasardote)SASARDOTE4: pero nakasulat na ang Diyos ay magpapadala sa atin ng mesiyas mahirap ba paniwalaan kung ngayon tayo gustong padalahan? At si Jesus ang pinadala ng Diyos.CAIPAS: isang karpentero na may tapang magsabi na sya raw ay anak ng DiyosSASARDOTE4: anong masama sa isang karpentero? Si Haring david nga nagsimula isang pastol nakasulat ba na ang mesiyas ay mababalot ng magagarang damit, na may nakaputong na koronang ginto?SASARDOTE3: sandali lang necodemus napapansin ko na unti-unting lumalalim ang paghanga mo sa karpenterong yan hindi ako magtataka bukas makalawa ikaw na ang magiging tagapagtanggol ng taong yan (magtatawanan sila)CAIPAS: kung magsalita sya sa mga makasalanan, pinapatawad kita..Aba!Diyos lamang ang maaring magpatawad kung sabagay sa kasaysayan ng ating bansa ilan na ba nagkukuwanring propeta, pero ang taong ito gustong wasakin ang matatandang nating paniniwala.

Page 7: SENAKULO

SASARDOTE1: pero anong gagawin natin baka pag dumami ang kanyang mga taga sunod ikagalit ito ng emperyo ng romano was akin ang ating temple at ang buong bansaSASARDOTE2: mas higit kong kinatatakutan ang ating mga kababayan kaysa sa mga sundalo ni pilatoSASARDOTE3: oo nga po marami na po ang humihiwalay sa atin at sa mapanlinlang nananaligSASARDOTE1:Pero kung tayo’y meron gagawin laban sa kanya, baka ito ang mag-udyok sa mga taong bayan at magalit sa atin at talikuran tayo ng lubusanCAIPAS: Huh!? Talagang wala kayong nalalaman, hindi kayo ang nagiisip, ako ang gagawa ng paraan kung paano sa iisang tao lamang magagalit ang roma, at isang tao lamang ito ang mamatay at hindi masasangkot ang buong bayan, sa ganung paraan hindi na tayo mag-iisip pa, kung paano natin sya ipapapatay!..naniniwala ba kayo sa akin?! Naniniwala ba kayo?SASARDOTE1: naniniwala po kami dakilang capias, subalit papaano nyo makukuha magalit ang roma at hahatol sa taong ito?SASARDOTE2: baka sa atin matunton ang balak na ito, ano sa palagay nyo dakilang capias?CAIPAS: ako ang bahala!LALABAS SI JUDAS AT BINIGYAN NG MGA PILAK

SCENE 12

SIMON: Panginoon huhugusan po ninyo ang paa ko?JESUS:darating ang araw maiintindihan mo ang aking ginagawaSIMON:Panginoon hindi po ako makakapayag kahit kailanJESUS:kapag hindi ka pumayag wala kang kaugnayan sa akinSIMON: ho? Hindi lang po ang aking paa panginoon pati na rin ang aking kamay at ang aking ulo.JESUS: ang pinapakita kong halimbawa ay pagpapakumbaba sana gawin nyo sa isa’t isa,… (maghuhugasan ang mga alagad)

*huwag limutin*

JESUS: lahat kayo ay malinis na, maliban sa isa….matutupad ang nakasulat isa sa mga kasalo sa hapag kainan na ito ang magtataksilALAGAD: Panginoon ako po ba? Kung hindi po ako panginoon sino po? Sino po? Sino po sa aming mga alagad ninyo?JESUS: kung sino ang bibigyan ko ng tinapay sya na nga(lalapit kay Judas)JESUS: huwag mo na patagalin ang dapat mong gawin Hudas(biglang tatakbo si Hudas)JESUS:mahahayag ang kaluwalhatian ng Diyos sa anak ng tao, mga kapatid hindi na tayo magsasama-sama ng matagal hahanapin ninyo ko ngunit sa aking paroroonan hindi kayo makaksunod kung papaano ko kayo minahal magmahalan kayo upang Makita ng lahat na kayo nga ang aking mga alagadSIMON:Panginoon bakit hindi ako maaring sumunod sa iyong pupuntahan handa kong ialay syo ang aking buhayJESUS: Pedro sa gabing ito, bago tumilaok ang manok tatlong ulit mo kong itatatwa……..huwag kayo mag-alala, manalig din kayo sa Diyos at manalig din kayo sa akin sa bahay ng aking ama ay maraming silid, paroon ako upang ipaghanda kayo ng matitirhan babalik ako at isasama ko kayo alam na ninyoAng daan sa pupuntahan koALAGAD: Panginoon hindi po naming alam kung saan ka pupunta, paano naming malalaman ang daanJESUS: ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay, walang makakapunta sa ama kung hindi sa pamamagitan ko, ako ang puno ng ubas at kayo naman ang mga sanga lahat ng mananatili sa akin at ako

Page 8: SENAKULO

sa kanya ay syang mamumunga ng sagana, wala kayong magagawa kung kayo’y hihiwalay sa akin ang hindi mananatii sa akin ay matutuyo at itatapon gaya ng mga sanga sila’y titipunin at susunugin kung papaano ako inibig ng ama gayun din naman iniibig ko kayo kaya’t manatili kayo sa aking pag-ibig magmahalan kayo tulad ng pagmamahala ko sa inyo, wala ng hihigit pa sa isang taong nagbigay ng buhay nya para sa kanyang kaibigan, hindi kayo ang pumili sa akin ako ang pumili at humirang sa inyo upang kayo ay humayo at mamunga at manatili kayong bunga, ano mang hilingin nyo sa akin ama sa aking pangalan ay ipagkakaloob nya sa inyo, …ito ang aking katawan kunin nyo to at kanin………nandito ang aking dugo kunin ninyo ito at inumin biglang tanda ng bagong tipan…………

SCENE 13

Pananalangin sa getsemani

JESUS: Ama ko pinagkaloob mo akong kapangyarihan at katauhan upang magbigay ng buhay na walang hanggan at upang kilalanin ka nila ang iisa at tunay na Diyos at ako si Kristo ang sugo, natapos ko na ang pinagagawa mo sa akin, kaya ama ko ipagkaloob mo sa akin ang karangalan taglay ko sa piling mo bago____ ang sanlibutan (nagtatangis si hesus)

*kunin mo o Diyos*

HUDAS: kung sino ang aking hahalikan s yang inyong pakay JESUS: Ama kung maari ninyong alisin ang karo ng paghihirap sa balikat ko ngunit ang inyong kalooban hindi ang aking masusunod(nagtatangis)……(lalapitan ang mga alagad) ilang ulit kong hinihiling sa inyo na ako’y inyong samahang magdasal bakit ninyo ako tinutulugan dumating na ang panahon Na ang anak ng tao ay sasailalim sa kapangyarian ng masasama….. heto na at darating ang magkakanulo sa akin……(lalapit si hudas)HUDAS magandang gabi guroJESUS: Sino ang hinahanap ninyo?Kawal: Si Hesus na taga-nazarethJESUS: Ako si Hesus. Kung ako ang hinahanap ninyo hayaan ninyong umalis angmga taong ito.*magkakagulo*JESUS: magsitigil kayo, ibaba nyo ang sandata, matutupad ang naka sulat sa banal na aklat..(ibabalik ang tenga ng kawal lahat sila ay na mangha) kailangan pa bang magdala ng armas para ako ay dakpin bat hindi ninyo ginawa ito nagtuturo sa templo..Kawal: tama nayan! Dalhin siya kay capias

SCENE 14Dinala si hesus kay capiasCAIPAS: ginugulo mo ang mga taong bayan sa mga baluktot mong aral kung sila’y mailto at magaklas paano ko yan pananagutan sa romaNECODEMUS: si barabas ang nagsisimula ng pag-aalsa, sya’y dinakip naCAIPAS: wag mo ipasok sa usapang ito si barabas ibsan na yan ang pagkauhaw ng mg aroma sa dugo nating mga judio.NECODEMUS:baka naman, pati ang nazarenong ito na kadugo natin ay papahatulan natin kay poncio pilatoCAIPAS: masyado kang mabilis necodemus, hindi natin sya inuusig gusto lang natin pakinggan kung ang tunay nyang layunin ay ang pagwawatak ng ating lahiSASARDOTE: ikaw madalas mong ipagsigawan na anak ka ng Diyos, tapatin mo ako sino ka bang talaga, ikaw ba ang mesiyas ang tunay na anak ng Diyos?

Page 9: SENAKULO

JESUS: ako ngaJESUS: makikita ninyo pagdating ng takdang oras ang anak ng tao ay nakaupo sa kanan ng nagsugo sa kanyaCAIPAS: (sinira ni capias ang kanyang kasuotan ng marinig nya ang mga sinabi ni jesus)..sya raw ang anak ng Diyos alisin yan sa aking harap baka magkamali akong lumuhod at sumamba sa kanya dalhin sya kay poncio pilato…SASARDOTE: ANO SA PALAGAY MO?CAIPAS: Dapat syang mamatay ano pang patotoo ang kailangan natin tayo na ang nakarinig sa sarili nyang bibig

SCENE 15Mga nagpapainit sa labas ng hukumanBabae1: kilala kita, is aka sa mga alagad ni hesusSIMON: hindi ko sya kilalaBabae1: sya ngaLalake: hoy pedro nakita kita sa templo kasama mo ang nazarenoSIMON: hindi, hindi ko kilala yunLalake: kasama mo!Lalake2: ikaw wag kang magkaila kasama ka ni hesusSIMON: hindi (dadaan sila jesus sa kinatatayuan ni simon)Biglang tumilaok ang manok naalala ni simon ang sinabi hesus, ito nagiiyak)panginoon patawad po

*awit ng paghahangad**papasok si hudas*

HUDAS: Nasaan kayo, nasaan kayo, nasaan kayo, hindi ko kailangan ang inyo pilak dahil wala kabayaran ang mga aral nya, walang kasinghalaga ang aking panginoon, panginoon…nasaan ang aking panginoon, nasaan sya ang hari ng langit at lupa, ang hari ng mga hari ang aking Diyos ..si hesus, si hesus!

SCENE 16

SUNDALO: mahal na prokoradorSASARDOTE2: ipagpatawad ninyo Dakilang prokorador an gaming biglaang pagdating at kayo’yPILATO; naabala?! Bilisan nyo lang kami’y nagpupulong,SASARDOTE2: binabaluktot ng taong ito ang ating tamang relasyon sa DiyosPILATO: wala akong pakialam sa inyong pananampalataya, ang tungkulin ko ay ang tahimik na pamamalakad ng gobyerno ng roma, may nasabi ba sya laban sa emperador? O laban sa gobyerno ng romaSASARDOTE3: Hindi naman po tuwirang kontra pero,PILATO: Hindi ko sya sakop, litiis nyo sya ayon sa inyong batasSASARDOTE1: pero nagpapakilala syang hari, hindi bat paglaban na rin yan sa emperador ng romaSASARDOTE2: higit pa yun sa paghihimagsik dakilang prokorador, papaano sya magiging hari kung hindi nya balak pabagsakin ang pamahalaan?PILATO: ang taong ito ay sinasabi nyong mapanganib, ikaw tinatawag mo ang iyong sariling hari, hari ka nga ba?HESUS: ang kaharian ko’y hindi sa sanlibutang ito kung hindi ito ang aking kaharian ipinaglaban na sana ako ng aking mga tauhan

Page 10: SENAKULO

PILATO: kaharian? Oh eh di hari ka ngaHESUS: kayo na ang nagsabi na ako’y hari.., totoo isinilang ako para maging saksi ng katotohanan ang lahat ng naniniwala sa matuwid ay nakakarinig sa aking tinigMatauhan at magtanda pagkatapos palayainSASARDOTE2: hindi maaari dakilang prokorador ang taong yan ang nanunulsol sa aming mga kababayan upang maghimagsik at nagbabawal ng pagbabayad ng buwis kay cezarPILATO: wala kayong sapat na katibayan sa ibinibintang ninyoSASARDOTE1: pinaniniwala nya ang mga tao n sya ang kristo hari ng buong hudea mula sya sa galilee ngayon ay narito naPILATO: ang taong ito’y mula sa galilee taga galilee ba sya?SASARDOTE3: opo dakilang prokorador, sya ay taga nazaret sa galileePILATO: kung ganun dalhin sya kay herodes nagmula sya sa galilee sakop sya ni herodes(at dinala si hesus kay herodes)

SCENE 17

SUNDALO: narito na po si hesus pinadala ni poncio pilatoHERODES: marami na kong magagandang bagay nababalitaan tungkol sayo at matagal ko ng gustong Makita kita, bata ka pa pala, at kung papaunlakan mo ibig kong pakitaan mo ko ng signus, kababalaghan o kaya ay milagro sa oras na ito baka sakaling maniwala pa ko syo, totoo bang ikaw rin si juan bautista na nabuhay ng muli…bakit ayaw mong sumagot, ayaw mo bang sambahin ka naming ngayon, di bat sabi mo’y Diyos ka rin…mga alipin sya raw ay hari, magsilapit kayong lahat at lumuhod at magbigay galang at sambahin ang hari(may lumapit na alipin at lumuhod) noong una gusto kitang ipapatay dahil natakot ako syo nangamaba sa katanyagan mo at mga paghihimala, yun pala isa kang lang inutil na ilusyon…(SYA AY BINATUKAN NG ISANG ALIPIN) ALIPIN: Hesus kung tunay ka nga sa Diyos hulaan mo kung sino ang bumatok syo hahahaHERODES:HERODES: ibalik sya kay pilato wala sa kautusan nating humusga ng taong isa ulo(Muli ay ibinalik si hesus kay pilato)

*Si hesus ay pinaghahampas ng latigo*

SCENE 18

PILATO: Tignan mo ang lalaking ito magsalita kai pagtanggol mo ang sarili mo sino ka anu ka magpapakamatay ka ba o baka hindi mo alam na kapangyarihan ko ang palayain ka o ipako ka sa krus anu bang dapat kong gawin sa taong ito.

ASAWA NI PILATO: Palayin mo sya wag mong dungisan ang iyong mga kamay sa dugo ng taong walang kasalanan.

SUNDALO: May kaugalian alang-alang sa pista ng paskwa ang prokorador ay maaring magpalaya ng isang bilanggo may hatol ng kamatayan

PILATO: Tama! Magagamit ko yan dalawa ang aking bilanggo si Barabas

Page 11: SENAKULO

SUNDALO: Hayaan mo na ang tao ang magpasya ginawa nyo na ang inyong tungkulin at napagbigyan na din ang mga pariseo siguro naman makakaligtas pa ang taong iyon mukha naman walang kasalanan.

PILATO: Tignan natin

*may mga taong nanunulsol sa mga tao na c barabas ang isigaw*

LALAKE:1 Si barabas ang isisigaw natin, si barabas , si barabasLALAKE2: pero kailangan mailigtas ang ating guro napakabuti nyang taoLALAKE1: ang kailangan natin ay Si barabas para mamuno, para ipagpatuloy an gating kilusan di ba?SUNDALO: sa kagandahang loobng dalawang emperador at sa muling pakikiisa sa inyo ng mahal na prokorador ay muling ipagdiriwang ang pista ng paskwa sa pamamagitan ng pagpapalaya ng bilanggo, si Hesus pinagbibintangang may balak na maghari sa buong hudea… at si barabas nahatulang nagkasala sa panghihimagksik at pag patay.PILATO:narito ang inyong hari si HesusBAYAN: wala kaming kinikilalang hari kundi si cezar at nagsigawan ang mga taoPILATO: inuulit ko sino sa kanila ang gusto ninyong palayain si hesus o si barabas(at nagsigawan ang mga tao si barabas)BAYAN: palayain si barabasINANG MARIA: Diyos ko iligtas nyo sya wala syang kasalananMAGDALENA:si hesus ang takbuhan natin mga may sakit, marami na syang pinagaling, binuhay nya si lazaroMARIA1: maawa kayo wala syang kasalanan(ngunit patuloy ang mga taong bayan sa pagsigaw ng pangalan ni barabas)PILATO: kayo ang nagpasya, palayain si barabas kamatayan sa krus para sa nazareno (naghugas ng kamay si pilato

SCENE 19

*Nagpasan nang krus si hesus*SUNDALO: bilisan mo ang bagal mo (sabay sipa kay hesus)*lalapit ang mga kababaihan ng herusalem*HESUS: huwag ako ang inyong tangisan kundi ang inyong sarili at ang mga anak ninyong nakalublob sa kasalanan…(patuloy ang pasakit kay kristo at dalawa pang magnanakaw)..*Nasalubong nila c simon na taga cireneo*SUNDALO: ikaw dali tulungan mo siyaSIMON CIRENE: Bakit po? Napadaan lamang po ako.*Si simon ang nagbuhat ng krus ni kristo**Nilapitan ni veronica c hesus at pinunasan ang mukha**Patuloy ang paglalakad ng patungong kalbaryo**Pinako sa krus si kristo**Pinagsapalaran nila ang damit ni kristo*SUNDALO:oh ano akala ko ba hari ka nasaan ang mga tauhan moSUNDALO: iligtas mo ang iyong sariliSASARDOTE: kung ikaw nga anak ng Diyos bumaba ka dyanAng mga huling wika ni kristoAma patawarin mo sila hindi alam ang kanyang ginagawa

Page 12: SENAKULO

HESTAS: hoy kung totoong sinasabi mong anak ka ng Diyos bakit hindi mo iligtas ang iyong sarili pati na rin kamiDIMAS: hindi ka na nahiya hestas talaga may pagkakasala tayo, ngunit sya malinis walang sala, higit pa ang kanyang parusa…. Panginoon, panginoon, wag nyo ko kalilimutan pagdating ninyo sa inyong kaharianHESUS: sinasabi ko syo ngayon din isasama kita sa paraiso…Ako’y nauuhaw binigyan sya sukang alak….Babae masdan mo ang iyong anak, lalake masdan mo ang iyong inaAma ko, ama ko bakit inyo ako pinabayaan,…naganap na ang lahat, ama sa inyong kamay inihahabilin ko ang aking kaluluwa……namatay si hesus, sinibat ng sundalo ang tagiliran ni jesus at biglang lumindol