Research Paper

23
PANIMULA Ngayon, ang listahan ng mga oportunidad sa advertisement sa kabuuan nang iba't-ibang mga format ng media ay halos walang hanggan. Mapapanood sa telebisyon at maririnig mo sa radyo ang iba’t ibang uri ng mga patalastas na nagtatanghal sa iba’t ibang mga produkto at serbisyo. Nagkalat na rin ang mga posters at naglalakihang billboards na nagbibida sa mga produktong kanilang itinatampok. Hindi lamang dito nagtatapos ang mga lathala ng mga produkto, pati na rin sa internet at mga social networks ay karaniwang matutunghayan ito. Nilalayon ng mga nabanggit na medyum ng paglalathala o advertisement na makakuha ng pansin at mahikayat ang mga konsumer na tangkilikin at bilhin ang kanilang mga produkto at serbisyo. Gamit ang mga marketing strategies na ito, napapalabas nila ang magandang panig ng kanilang mga produkto. Ngunit kadalasan, pawang mga huwad o di kaya’y kulang ang mga 1

Transcript of Research Paper

Page 1: Research Paper

PANIMULA

Ngayon, ang listahan ng mga oportunidad sa advertisement sa kabuuan nang iba't-

ibang mga format ng media ay halos walang hanggan. Mapapanood sa telebisyon at

maririnig mo sa radyo ang iba’t ibang uri ng mga patalastas na nagtatanghal sa iba’t ibang

mga produkto at serbisyo. Nagkalat na rin ang mga posters at naglalakihang billboards na

nagbibida sa mga produktong kanilang itinatampok. Hindi lamang dito nagtatapos ang mga

lathala ng mga produkto, pati na rin sa internet at mga social networks ay karaniwang

matutunghayan ito.

Nilalayon ng mga nabanggit na medyum ng paglalathala o advertisement na

makakuha ng pansin at mahikayat ang mga konsumer na tangkilikin at bilhin ang kanilang

mga produkto at serbisyo. Gamit ang mga marketing strategies na ito, napapalabas nila ang

magandang panig ng kanilang mga produkto. Ngunit kadalasan, pawang mga huwad o di

kaya’y kulang ang mga impormasyong ito para mabigyang tulong ang mga mamimili na

makagawa ng mabuting desisyon sa pagpili at pagbili.

Sa pagkilala ng mga medya ng komunikasyon sa paglathala, mas magiging matalino

at praktikal ang bawat desisyon ng mga konsumer sa kanilang pagbili at maiiwasan ang

malawakang panloloko o pandadaya ng mga advertising media.

1

Page 2: Research Paper

PAGLALAHAD NG MGA SULIRANIN

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay upang malaman ang mabuti at

masamang epekto ng medya sa gawing pagbili ng mga konsumer partikular na ang mga U01

na mag-aaral ng FILBAS230.

Sa pananaliksik masasagot ang mga sumusunod na katanungan.

1. Anu-ano ang iba’t ibang medya ang ginagamit sa advertisement?

2. Anu-ano ang mabuting epekto ng medya para sa mga konsumer?

3. Anu-ano ang masamang epekto ng medya para sa mga konsumer?

4. Paano lalabanan ang masamang epekto ng medya sa mga konsumer?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang resulta ng pag-aaral na ito ay maaaring makatulong sa mga mamimili o mga

konsumer na mapagtanto at timbangin ang kanilang desisyon pagdating sa pagbili ng mga

produkto o serbisyong bibilhin. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, tayo ay magkaroon ng

kamalayan sa nakakakumbinsing kapangyarihan o convincing power ng medya sa iba’t ibang

uri ng tagapanood at tagabasa ng mga patalastas.

Ang kinalabasan ng pag-aaral na ito ay maaaring maging aid ng mga konsumer sa

paggawa ng matalinong desisyon sa hinaharap. Hindi na sila madaling mahikayat sa

pamamagitan ng mga depektibong mga pangako ng advertisement.

2

Page 3: Research Paper

KAHULUGAN NG MGA TERMINOLOHIYA

Ang advertising ay isang uri ng komunikasyon inilaan upang manghimok ng isang

madla (mga manonood, mga mambabasa o tagapakinig) upang kumuha ng ilang mga

aksyon.

Ang online advertising ay isang anyo ng promosyon na gumagamit ng Internet at

World Wide Web para sa mga layunin na ipinahayag ng paghahatid ng mga mensahe

sa pagmemerkado upang maakit ang mga kustomer. Mga halimbawa ng mga online

advertising na isama ang contextual ads sa mga resulta ng search engine na pahina,

banner ads, Rich Media Ads, Social network ng advertising, interstitial ads, online na

inuri sa advertising, advertising network at mga e-mail sa marketing, kabilang ang

mga e-mail na spam.

Ang isang social network ay isang sosyal na istraktura na ginawa ng mga indibidwal

na (o organisasyon) na tinatawag na "nodes," kung saan ay nakatali (konektado) sa

pamamagitan ng isa o mas tiyak na mga uri ng interdependency, tulad ng

pagkakaibigan, pagkakamag-anak, mga karaniwang interes, pinansiyal na exchange,

masuya, seksuwal na relasyon , o mga relasyon ng paniniwala, kaalaman o mabuting

pangalan.

Ang marketing ay ang proseso kung saan ang mga kompanya ay natukoy kung ano

ang mga produkto o serbisyo na maaaring makakuha ng interes ng mga mamimili, at

ang diskarte sa paggamit sa mga benta, mga komunikasyon at business

development.3

Page 4: Research Paper

Ang konsumer ay isang malawak na label para sa anumang indibidwal o kabahayan

na gamitin ang mga kalakal at serbisyo na nabuo sa loob ng ekonomiya.

Ang konsumer behavior ay ang pag-aaral ng kung kailan, bakit, paano, at kung saan

ang mga tao ay bumibili n o hindi bumili ng produkto.

Ang infomercial ay isang patalastas sa telebisyon na tumatagal ng limang minute o

higit pa. Nilalayon nitong magbigay ng impormasyon sa mga manonood tungkol sa

mga adhikaing panlipunan.

Ang commercialism ay isang konsepto kung saan nilalayon ng mga negosyante na

gamitin ang mga imahe, serbisyo at iba pa upang pagkakitaan.

Ang radio advertising ay isang form ng advertising sa pamamagitan ng daluyan ng

radyo.

Ang billboards ay malaking istruktura na matatagpuan sa mga pampublikong lugar

na kung saan ipinapakita patalastas sa paglipas naglalakad at motorists.

SAKLAW NG PAG-AARAL4

Page 5: Research Paper

Ang pag-aaral na ito ay base sa mga reaksyon at panayam sa 40 na mag-aaral ng

FILBAS, seksyon U01 ukol sa masama at mabuting epekto ng medya sa kanilang gawing

pagbili o buying habits. Sa 40 estudyante ng U02, kalahati lamang dito ang aming isinurbey.

Ang mga karagdagang mga impormasyon ay nanggaling sa internet, aklat at iba pang mga

nalathala na may kaugnayan sa pag-aaral.

Nakakatiyak na ang paggawa ng surbey ay sinunod sa sayintipikal na pamantayan

upang makasiguro na anumang data na nakalap ay mapagkakatiwalaan.

PAGLALAHAD NG MGA DATOS

Isa sa palatandaan ng isang mabisang merkado ay sapat na pagkalat ng

impormasyon at mahusay na sistema ng komunikasyon. Sa pamamagitan ng iba’t ibang uri

5

Page 6: Research Paper

ng lathala of advertisement mapupunan ang pangangailangang ito. Ang medya ay isang

mabisang pwersang nagdadala ng ninais na mga resulta sa pamamagitan ng pag-engganyo

sa tagapanood, tagabasa o tagapakinig na tumugon ayon sa ibig na sagot ng advertiser.

Nilalayon ng isang lathala na makuha ang atensyon ng mga inilaang konsumer at mapilitan

silang tangkilikin ang mga iniendorsong produkto o serbisyo.

Base sa aming pag-aaral, humigit kumulang 62% o mayorya ng mga konsumidor ang

nahihimok na sumubok ng isang bagong produkto o brand ng isang produkto kapag ito ay

inilathala. Ang mga lathala ay karaniwang binubuo upang maragdagan ang konsumpsyon ng

mga mamimili sa isang tiyak na klase ng produkto sa pamamagitan ng pagtatatak.

Gumagawa sila ng imahe ng isang produkto upang mapukaw ang kyuryusidad ng isang

pangkaraniwang tao. Sa pamamaraang ito, nakamtan ng mga advertiser ang kanilang unang

layunin na pukawin ang interes ng publiko at kalaunan ay makumbinsi sila na subukan ito.

6

Page 7: Research Paper

Ang aktwal na nilalaman at structuring ng mensahe sa isang patalastas ay

nakapahahatid ng epekto ng mapanghikayat na komunikasyon. Ang mga mensahe na

malinaw na nakasaad at simple ang konstruksiyon ay magkaroon ng mas mahusay na

pagkakataon na ilahad ang atityud at kagustuhan ng nagpadala o pinagmulan. Sa gayon,

malaki ang posibilidad ito ay magdadala ng ninanais na pagtugon (Markin, 1974).

Ayon sa aming panayam, ang mga TV o radio commercial at lathala sa pahayagan at

mga magasin ang maituturing na pinakaepektibong mass-market advertising format.

Kabilang sa iba pang instrumento ng medya, ang mga ito ang madaling ma-access ng mga

tao. Kaya hindi na nakapagtataka na kapag tayo ay nanonood ng telebisyon hindi natin

maiwasang mapansin na mas mahaba pa ang takbo ng mga patalastas kung ihahambing mo

takbo ng oras ng isang palabas. Karaniwang ang mga patalastas ay itinatapat sa mga high-

rating na mga palabas upang masigurong marami ang maaabot ng mensaheng ipinababatid.

Sa mga pahayagan naman, mapapansing mas marami ang lathala na nakalimbag sa mga

pahayagan at magasing nasa nasyonal na sirkulasyon o di kaya’y may maraming

mambabasa.

Isa ding mabisang aparato sa advertisement ang mga poster, billboard, fliers at mga

leaflets. Mapapatunayan ito sa mga naglalakihang mga billboards na nakatayo sa gilid ng

mga kalyeng palaging dinadaanan ng mga motorist. Ang iba naman ay namamahagi ng mga

7

Page 8: Research Paper

fliers at leaflets sa mga matataong lugar katulad ng mall, plasa, labas ng simbahan at iba pa.

Nakapaskil rin ang mga nakakatawag pansing mga poster sa mga pook na palaging

dinadaanan ng mga tao. Hindi na kataka-taka na hindi mo na makikita ang tunay na pintura

sa pader dahil sa dami ng poster na nakadikit dito.

Sa pag-usad ng makabagong teknolohiya, hindi na rin maiiwasan na umusad din ang

pamamaraan ng paglalathala. Hindi na lamang ito limitado sa mga telebisyon, radio at mga

nakalimbag na ads, usung-uso na rin ang paglalathala sa internet, lalo na sa mga social

networking sites tulad ng facebook, friendster, twitter, myspace at iba pang site kung saan

madalas bumisita ang mga internet user.

Ngunit hindi lahat na nakasaad sa isang advertisement ay totoo. Ang iba ay may

kasamang pagmamalabis o exaggeration sa paglalarawan at pagbibida ng kanilang mga

produkto. Pawang mga magagandang katangian ng isang produkto ang inilalagay sa lathala

at ang mga masamang epektong dulot ng produkto ay nilalaktawan. Sa kadahilanang ito,

nadadaya ang mga mamimili at hindi nila nakukuha ang karapat-dapat na benepisyo kapalit

ng kanilang pera.

Bukod sa masamang epekto, mayroon din naming mabuting dulot ang lathala. Sa

pamamagitan ng advertisement, malalaman ng mga tao ang iba’t ibang mga produktong

maaari nilang pagpilian. Maiiwasan ang monopolyo sa merkado dahil maitatatag ang

8

Page 9: Research Paper

kompetisyon sa pagitan ng mga prodyuser. Malalaman din ng mga konsumer kung may

bagong labas na produkto at madaragdagan ang kanilang mga pagpipilian.

Sa huli, ang pagpapasya kung paano tumugon sa isang lathala ay nasa kamay pa rin

ng konsumidor ngunit hindi maipagkakailang malaki ang impluwensya ng advertisement sa

desisyon ng mga konsumer. Kaya dapat mahubog ng isang konsumer ang analitikal at

mapagtanong na pag-iisip upang hindi agarang maengganyo ng mga mababaw na

advertisement.

PAGLALAGOM

9

Page 10: Research Paper

Para mas maunawaan ang isang bagay, dapat muna nating kilalanin ito para

magkaroon tayo ng malawak na pagbabasehan ng ating mga hinuha. Sa ating pananaliksik

nakilala natin ang iba’t ibang uri o porma ng lathala at natutunan rin natin ang intensidad ng

impluwensya ng bawat isa. Ang mga advertisement sa telebisyon, radyo, internet,

pahayagan, magasin, billboards, fliers at leaflets ay mga halimbawa lamang ng kumakalat na

medya na nakaaapekto sa mga desisyon ng mga konsumidor.

Atin ding nahinuha na ang lathala ay parehong may inihahatid na mabuti at

masamang epekto sa mga tugon ng mga konsumer. Ang pagpapalaganap ng impormasyon

sa pamamagitan ng advertisement ay isa sa mga mabuting dulot nito. Nabibigyan din ng

mas maraming pagpipilian ang mga mamimili dahil mayroon silang malawakang kaalaman.

Nag-uudyok rin sa mga negosyante ang advertisement na pagbutihin ang kanilang mga

produkto at serbisyo dahil sa mahigpit na kompetisyon sa merkado.

Ngunit kung minsan ang mga advertisement rin ang dahilan kung bakit nadadaya ang

mga tao. Hindi lahat na sinasabi sa lathala ay pawing mga katotohanan, halos sa lahat ng

pagkakataon may pagmamalabis itong kalangkap o di kaya’y kinukubli ang masamang

epekto o side effect ng isang produkto.

KONGLUSYON10

Page 11: Research Paper

Ang isang lathala ay hindi palaging nagreresulta sa agarang pagbili ng produkto

ngunit nahihikayat nito ang mga mamimili na subukan ito. Sa pamamagitan ng iba’t ibang

uri ng patalastas, ang mga mamimili ay nagkakaroon ng ideya kung ano ang maaaring

kapakinabangan ng isang produkto. Kung ang ginagamit na medya sa paglathala ay kapani-

paniwala mas malaki ang tsansa na mahikayat ang isang mamimili.

Base sa aming pag-aaral, nakarating kami sa isang kongklusyon na ang mga mamimili

ay bulnerable sa makapangyarihang paghihikayat ng advertisement. Labingtatlo sa 21 na

respondent ang nagpatunay na susubukan nila ang isang produkto kapag ito ay may kalakip

na lathala. Bukod dito, sa gitna ng mga iba't-ibang paraan ng advertisement, ang telebisyon

at mga pahayagan ay may pinakamalawak na saklaw ng impluwensiya.

REKOMENDASYON

11

Page 12: Research Paper

Ang pagkamulat mula sa pagkamangmang ay isa sa mga hakbang upang tayo hindi

agarang maloko o malinlang ng mga naglipanang mga patalastas. Aming inirekomenda na

kilalanin mabuti ang isang produktong inilathala bago ito subukan. Dapat maging

mapaghanap ang mga konsumer ng impormasy6on at hindi lamang nakadepande sa mga

kaalamang ibinibigay ng telebisyon, radio at iba pa. Subukan ninyong tanungin ang mga

taong nakasubok na sa mga produktong nais ninyong bilhin upang magkaroon kayo ng ideya

kung ito’y angkop at matutumbasan ba nito ang halaga ng perang iyong binayad. Huwag

maging padalos-dalos sa inyong desisyon sa pagbili.

Maaari niyong i-tsek o basahin ang mga review at komentaryo ng mga ekspertong

manunuri ukol sa isang produkto. Mas mapagkakatiwalaan ito kung ihahambing sa mga

mababaw na advertisement. Ngunit sa huli nasa ang ating desisyon ay nakasalalay sa ating

mahusay na paghatol at pagtitimbang.

TALASANGGUNIAN

12

Page 13: Research Paper

Schiffman, Leon G. at Leslie Lazar Kanuk. Konsumer Behavior. Jurong, Singapore : Pearson Education Asia Pte Ltd., 2001.

Malkin, Rom J. Konsumer Behavior: A Cognitive Orientation. USA: Macmillan, 1974.

Sternthal, Brian. Konsumer Behavior: An Information Processing Perspective. USA: Prentice Hall College Div, 1982.

Hawkins, Del I. et al. Konsumer Behavior: Building Marketing Strategy. Boston: McGraw-Hill Irwin, 2004.

Olson, Jerry C. at J. Paul Peter. Konsumer Behavior and Marketing Strategy. USA: Irwin Professional Pub, 2007.

“Marketing” Encyclopedia Britannica. 2009 ed.

Advertising.Nakuha noong Mayo 13, 2010 mula sa

http://en.wikipedia.org/wiki/Advertising

Trosclair, Carroll. Advertising.Nakuha noong Mayo 15, 2010 mula sa

http://advertising.suite101.com/

APENDIKS

Sample Ng Mga Nasagutang Surbey

13

Page 14: Research Paper

14

Page 15: Research Paper

15

Page 16: Research Paper

16

Page 17: Research Paper

17