Republika ng roma (group2)
-
Upload
godwin-lanojan -
Category
Education
-
view
197 -
download
17
Transcript of Republika ng roma (group2)
Ang Republika ng
Roma
Ang Republika
Sang-ayon sa tradisyon pinaalis ng mga Roman ang punong Etruscan at nagtayo ng Republika, isang pamahalaang walang hari.
EtruscanAng mga Etruscan ay ang pinakamahalagang mga tao sa sinaunang Italya noong bago dumating ang sinaunang mga Romano. Namuhay sila sa Etruria, na kilala sa kasalukuyan bilang Tuskanya. Nagtatag sila ng isang makapangyarihang imperyo sa hilagang-kanluran ng Italya. Sila ang unang mga naghari sa Roma. Nasa kaganapan ang kanilang imperyo noong mga 500 BK. Pagsapit ng mga 300 BK, nasanib ang Imperyong Etrusko sa kabihasnan ng Sinaunang Roma.
Noong 509 B.C.E namuno si Lucius Junius Brutus at nagtagumpay sa pagtataboy sa mga Etruscan. Pagkatapos maitaboy ang huling haring Etruscan na si Tarquinius Superbus, Itinatag ni Lucius Junius Brutus ang isang Republika. Tumagal ito mula 509 hanggang 31 B.C.E.
Si Lucius Junius Brutus - Pinanglanang Brutus o mangmang sa Roma, dahil nagpapanggap siyang mangmang ng araw na sana patayin siya ni Tarquinus Superbus.
Tarquinius Superbus - Ang hari ng Etruscan, at nagtatag sila ng isang Republika, ang pamahalaan
Lucius Junius Brutus
Tarquinius Superbus
Republika lamang sa pangalan ang mga pamahalaan dahil laan lamang ito sa mga maharlika o patrician. Pawang mga patrician ang dalawang konsul, ang diktador at ang lahat ng kasapi sa senado. Mga kapos sa kabuhayan ang plebeian at kasapi ng Assembly na binubuo ng mga mandirigmang mamamayan. Walang kapangyarihan ang plebeian at hindi rin makapag-aasawa ng patrician.
Sa halip na pumili ng hari, naghalal ang mga Roman ng dalawang konsul na may kapangyarihang tulad ng hari at nanunungkulan sa loob lamang ng isang taon. Bawat isa ay may kapangyarihang pigilan ang pasya ng isa. Dahil sa pagkakahati ng kapangyarihan ng mga konsul, humina ang sangay tagapagpaganap. Sa oras ng kagipitan, kinakailangang pumili ng diktador na manunungkulan sa loob lamang ng anim na buwan. Nagtatamasa ang diktador ng higit na kapangyarihan kaysa sa mga konsul.
PatricianDi tulad ng Athens na isang demokratiko, sa Republikang Romano ang namuno ay mga aristokrata. Lahat sila ay nagmula sa mga mayayamang may-ari ng mga lupa na tinatawag na patrician.
PlebeiansSila ay mga karaniwang tao na ang mula sa mayamang mamamayan, negosyante, artisano, magsasaka hanggang sa mga manggagagawa. Bilang mamamayan sila ay nagbabayad ng buwis at naglilingkod sa sandatahan ngunit hindi kapantay ng mga tinamasang karapatan ng mga patrician ang kanilang tinamasang karapatan.
Thanks for Watching!
Presented By: Alfred B. Anero
Marshall Fhilindo C. Gavan
Angelo C. Hernandez
Franklin Godwin M. Lañojan
Adrian Joshua Orolfo Martinez
Charla Shean A. Villanueva
Rowaine Nicar L. Lozano
Submitted To: Marilou A. Belarmino