Repormasyon: Mga dahilan ng repormasyong protestante

10
Repormasyon Mga Dahilan ng Repormasyong Protestante

Transcript of Repormasyon: Mga dahilan ng repormasyong protestante

Page 1: Repormasyon: Mga dahilan ng repormasyong protestante

RepormasyonMga Dahilan ng Repormasyong Protestante

Page 2: Repormasyon: Mga dahilan ng repormasyong protestante

RepormasyonNoong 1500, halos lahat ng tao sa Kanlurang

Europe ay kasapi sa Simbahang Katoliko. Sa panahong ito, naging isang malakas na institusyon ang Simbahan sa Europe. Gayumpanan, kinuwestyon ang ilang gawain ng tauhan ng Simbahan gaya ng simony o pagbili ng posisyon sa Simbahan at indulhensiya o pagbebenta ng kapatawaran. Halos kalahati ng mga Katoliko sa Kanlurang Europe ay sumama sa mga bagong relihiyosong pangkat na itinatag ng mga repormista na tinawag na Protestante. Ang mga kaganapang ito ay tinawag na Repormasyong Protestante. Ito ay isang pag-aalsa o protesta upang magkaroon ng reporma sa Simbahang Katoliko.

Page 3: Repormasyon: Mga dahilan ng repormasyong protestante

Mga Dahilan ng Repormasyong Protestante

Page 4: Repormasyon: Mga dahilan ng repormasyong protestante

Dahilan ng Paglaganap ng Repormasyong Protestante

Ang mga ideya ng Renaissance ukol sa indibidwal at sekular na pamumuhay ang humamon sa awtoridad ng Simbahan

Page 5: Repormasyon: Mga dahilan ng repormasyong protestante

Suliranin ng Simbahang KatolikoInilahad ng mga Kritiko ng Simbahan na

naging maluho ang ilan sa mga naging lider ng Simbahan at hindi na naisasagawang mabuti ang kanilang mga espiritwal na tungkulin. Mataas ang batayan ng mga tao mula sa pagkilos ng mga tauhan ng Simbahan. Kabilang sa mga unang repormista ay sina John Hus at John Wycliffe. Nagpatuloy ang paghingi ng reporma noong 1500 kung saan ay may isang mongheng Aleman na humamon sa Simbahan, si Martin Luther.

Page 6: Repormasyon: Mga dahilan ng repormasyong protestante

Simula ng Repormasyong Protestante

Page 7: Repormasyon: Mga dahilan ng repormasyong protestante

Martin Luther

Isang mongheng Aleman na nag-aral ng abogasya subalit noong 1505,naging monghe ito nang pumasok sa isang monasteryo kung saan sinikap nang mamuhay ng banal sa pamamagitan ng madalas na penitensya.

Page 8: Repormasyon: Mga dahilan ng repormasyong protestante

Pagpapasimula ni Martin Luther ng Repormasyong ProtestanteNoong 1517 pinasimulan ni Martin ang

Repormasyong Protestante. Ipinahayag ang pagtutol sa pagbebenta ng indulhensiya ng isang pari na nagngangalang Johann Tetzel para sa pagpapagawa ng St. Peter’s Cathedral sa Rome. Binigyan ni Tetzel ng impresyon na mabibili ng mga tao ang kanilang kaligtasan sa pamamagitan ng indulhensiya.

Page 9: Repormasyon: Mga dahilan ng repormasyong protestante

Ninety-Five Thesis

Isang dokumento na isinulat ni Luther na argumento laban sa pagbebenta ng indulhensiya. Sinasabing ipinako niya ito sa pintuan ng Simbahan ng Wittenburg sa Germany upang hikayatin ang mga iskolar na makipagdebate sa kanya ukol sa indulhensiya.

Page 10: Repormasyon: Mga dahilan ng repormasyong protestante

Ang Tugon ng Simbahan kay LutherNoong Hunyo 15 1520 inutos ni Pope Leo X sa

isang sulat na bawiin ni Luther ang kanyang mga pahayag o harapin ang parusang ekskomunikasyon. Tumugon si Luther sa pamamagitan ng pagsunog ng sulat.Hinatulan siya ng parusang kamatayan. Pero pansamantalang tinago siya ni Frederick The Wise. Bumalik si Luther sa Wittenberg noong 1522. Ang mga taong tagasunod ni Luther ay nagtatag ng hiwalay na relihiyosong pangkat na malaon ay tinawag na Lutherians.