Rehiyon iv a ok
-
Upload
jon-cello-subijano -
Category
Documents
-
view
8.177 -
download
2
description
Transcript of Rehiyon iv a ok
Mga Kategorya:
REHIYON IV-A(CALABARZON)
Mga Lalawigan
Kasaysayan
Mga Produkto
Mga kilalang tao
Topograpiya
Mga PinagkunangImpormasyon
Mga Lalawigan
Sa Rehiyon IV-A nagmula ang ilan sa mga bayani ng ating bansa. Gaya ni Gat Jose Rizal, na ipinanganak sa Lungsod ng Calamba sa Laguna at Apolinario Mabini na isinilang sa Tanauan, Batangas.
Nandito rin ang tatlo sa unang walong probinsya na kumakatawan sa walong sinag ng araw ng ating watawat at sila ang nanguna sa pag-aalsa laban sa mga Kastila. Kabilang dito ang Cavite, Laguna at Batangas.
KAUNTING KAALAMAN!
Cavite Laguna
Batangas
Rizal
QuezonBalik sa umpisa
Cavite
Ang Cavite ang pinakamaliit na probinsya sa buong CALABARZON. Ito ay may lawak na 1, 287.6 kilometro kwadrado.
Sa Cavite matatagpuan ang tahanan ng mga Aguinaldo sa Kawit. Sa tahanang iyon idineklara ang kalayaan ng ating bansa sa Espanya noong ika-12 ng Hunyo 1898.
Sa probinsyang ito namatay ang tatlong paring Pilipino na mas kilala sa tawag na GOMBURZA. Ito ay sina Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora. Namatay sila sa pamamagitan ng garote.
CaviteKabisera: Trece Martires Lungsod: 6Munisipalidad: 17
Balik sa Mga Lalawigan
Laguna
Ang Laguna ay kilala, dahil sa Lungsod ng Calamba isinilang ang pambasang bayani na si Gat Jose Rizal.
Ang pangalang Laguna ay nagmula sa salitang “La Laguna” na ipinangalan sa Lawa ng Laguna.
Ang Lawa ng Laguna ang syang pinakamalaking lawa sa buong bansa. Ito ay may lawak na kilometro kwadrado at lalim na pulgada.
Bukod sa Lawa ng Laguna, dito rin makikita ang Talon ng Pagsanjan sa bayan ng Pagsanjan at ang Pitong Lawa sa Lungsod ng San Pablo.
LagunaKabisera: Santa CruzLungsod: 5Munisipalidad: 25
Balik sa Mga Lalawigan
Batangas
Sa lalawigang ito makikita ang tanyag na Bulkang Taal. Ito ay isang isla o pulo na napapalibutan ng lawa na kung tawagin ay Lawa ng Taal.
Dito isinilang ang ilan sa mga kilalang tao sa probinsya, gaya ni Apolinario Mabini, dating Pangulong Jose P. Laurel at dating Pangalawang Pangulong Salvador H. Laurel.
BatangasKabisera: Batangas CityLungsod: 3Munisipalidad: 31
Balik sa Mga Lalawigan
Rizal
Ang Lalawigan ng Rizal ay isinunod sa pangalan ng ating pambasang bayani na si Gat Jose Rizal.
Ang kabisera ng lalawigan ay ang Lungsod ng Antipolo.
Ang dating kabisera ng probinsya, Pasig, ay nasa ilalim ngayon ng Kalakhang Maynila (National Capital Region)
RizalKabisera: Antipolo
CityLungsod: 1Munisipalidad: 14
Balik sa Mga Lalawigan
Quezon
Isinunod ang pangalan ng lalawigang ito sa ikalawang Pangulo ng Pilipinas na si Manuel L. Quezon.
Kilala ang probinsya dahil sa Bundok Banahaw. Ito ay dinarayo ng mga turista, lalo na kung panahon ng Kuwaresma.
QuezonKabisera: Lucena
CityLungsod: 2Munisipalidad: 39
Balik sa Mga Lalawigan
Sa rehiyong ito naganap ang ilan sa mga makasaysayang bahagi ng ating bansa.
Ang CALABARZON ay dating naging bahagi ng Southern Tagalog Region. Kasama sa rehiyong ito ang MIMAROPA na ngayon ay Rehiyon 4–B. Hinati sa dalawa ng rehiyong ito noong Mayo 17, 2002.
Ang Lungsod ng Calamba sa Laguna ang siyang sentro ng buong Rehiyon 4 – A. Ito ay ayon sa Executive Order No. 246 na nilagdaan noong Oktubre 28, 2003.
Kasaysayan
Balik sa umpisa
May mga bahagi sa probinsya na kung saan malawak ang mga kapatagan nito.
Malapit ito sa NCR (Kalakhang Maynila) at dito ay nagkaroon na ng mga naglalakihang gusali at imprastraktura.
Dito makikita ang pinakamalaking lawa sa buong bansa. Ito ay ang Lawa ng Laguna.
Sa Laguna rin matatagpuan ang tinatawag na “Pitong Lawa” na makikita sa lungsod ng San Pablo.
Topograpiya
Balik sa umpisa
Pinya
Saging
Niyog
Mga Produkto
Balik sa umpisa
Jose Rizal• Pambansang Bayani ng Pilipinas• Tubong Calamba City, Laguna.
Jose Laurel• Ikatlong Pangulo ng Pilipinas• Tubong Tanauan, Batangas
Emilio Aguinaldo• Unang Pangulo ng Pilipinas• Isinilang sa Kawit, Cavite.
Mga Kilalang Tao
Balik sa umpisa
Mga pinagkunang impormasyonhttp://en.wikipedia.org/wiki/CALABARZONhttp://en.wikipedia.org/wiki/Cavitehttp://en.wikipedia.org/wiki/Laguna_(province)http://en.wikipedia.org/wiki/Batangashttp://en.wikipedia.org/wiki/Rizalhttp://en.wikipedia.org/wiki/Quezonhttp://tl.answers.com/Q/
Ano_ang_mga_pangunahing_produkto_ng_Rehiyon_4
http://en.wikipedia.org/wiki/Jos%C3%A9_Rizalhttp://en.wikipedia.org/wiki/Jos%C3%A9_P._Laurelhttp://en.wikipedia.org/wiki/Emilio_Aguinaldogoogle.com
Dito na po nagtatapos ang diskusyong ito.
Maraming salamat sa paggamit nito at nawa
ay may natutunan kayo sa araling ito.
Balik sa umpisa