REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

67

description

REDEEMING RUTH 2 Ptr. Alvin Gutierrez 7:00AM Tagalog Service

Transcript of REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

Page 1: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service
Page 2: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

REDEEMING RUTH #2 “ANG KAMAY NG DIYOS SA ATING KAPALARAN”

Page 3: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

Ruth 2:1-13Isang araw, sinabi ni Ruth kay Naomi, "Pupunta po akosa bukid at mamumulot ng mga uhay na naiiwan ng mgagumagapas. Doon ako sa may likuran ng sinumang papayag."Sumagot si Naomi,"Ikaw ang bahala, anak." Kaya't siRuth ay nagpunta sa bukid at namulot ng mga uhay, kasunodng mga gumagapas. Nagkataong ang napuntahanniya ay ang bukid ni Boaz, isang kamag-anakni Elimelec na napakayaman atiginagalang sa kanilang bayan.

Page 4: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

4 Di nagtagal, dumating naman si Boaz mula sa Bethlehem. "Sumainyosi Yahweh," ang bati niya sa mga gumagapas. "Pagpalain naman kayo ni Yahweh!" sagot nila.5 Nang makita si Ruth, itinanong ni Boaz sa katiwala, "Sino angbabaing iyon?"6 "Siya po ang Moabitang kasama ni Naomi nang umuwi rito mula saMoab," sagot ng katiwala. 7 "Nakiusap po siyang makapamulot ngnalaglag na mga uhay. Pinayagan ko naman. Kaya't maagang-maagapa'y naririto na siya. Katitigil lamang niya para magpahinga sandali."

Page 5: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

8 Nilapitan ni Boaz si Ruth at kinausap, "Anak, huwag ka nangpupunta sa ibang bukid. Dito ka na lamang mamulot kasama ngaking mga manggagawang babae. 9 Tingnan mo kung saan silagumagapas, at sumunod ka. Sinabi ko na sa mga tauhan ko nahuwag kang gambalain. At kung ikaw ay nauuhaw, malaya kanguminom ng tubig mula sa aking banga."

10 Nagpatirapa si Ruth, bilang pagbibigay galang, at nagtanong, "Ako po ay isang dayuhan, bakit po napakabutininyo sa akin?"

Page 6: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

11 Sumagot si Boaz, "Nabalitaan ko ang lahat ng ginawa mo saiyong biyenan mula nang mamatay ang iyong asawa. Alam koring iniwan mo ang iyong mga magulang at sariling bayan upangmanirahan sa isang lugar na wala kang kakilala. 12 Pagpalain kanawa ni Yahweh dahil sa iyong ginawa. Gantimpalaan ka nawani Yahweh, ang Diyos ng Israel sapagkat sa kanya ka lumapit at nagpakupkop!" 13 Sumagot si Ruth, "Salamat po. Pinalakasninyo ang aking loob sa inyong sinabi. Kahit ako'y isang hamakna lingkod at sa katunaya'y hindi kabilang sa inyong mgamanggagawa, naging mabuti kayo sa akin."

Page 7: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

MARA MEANS BITTER; SHE’S A BITTER OLD WOMAN

(Ang ibig sabihin ng MARA ay KAPAITAN. Siya ay tumandang may

pait sa kalooban.)

Page 8: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

Ang ibig sabihin ng pangalan nya ay “lakas, galing, matipuno”

Page 9: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

Siya rin ay tinatawag na“MATAPANG”

Page 10: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

Siya rin ay tinatawag na“MAYAMAN”

Page 11: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

Siya rin ay tinatawag na“MADISKARTE”

Page 12: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

Siya ay MATAPANG, MAYAMAN at MADISKARTE. Ibig sabihin ay kaya

nyang solusyunan ang mgaproblema, kahirapan at pagsubok. Siyaay lalaking hindi sumusuko. Siya BOAZ

ay tunay na lalaki.

Page 13: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

Ang pamumulot ng natira ay isang pang mahirap na

gawain.

Page 14: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

Iniutos ng Diyos sa Lumang Tipan na anglupa ay sa Kanya. Lahat ng bunga at ani

nito ay sa Kanya rin. Kaya nga nais Niyanghuwag kukunin lahat ng mga nahuhulog

na ani upang may makukuha at ikakabuhay ang mga balo at mga

mahihirap.

Page 15: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

Si Naomi at Ruth ay mahirap at nasa isanglugar na tigib din ng kahirapan. Pero

pursigido si Ruth na magtrabaho at gawinang lahat ng maaaring gawin sa

pananampalataya, pag-asa at pagtitiwalasa Diyos upang makaahon sa kahirapan.

Siya rin ay nanalangin sa Diyos upang silaay basbasan sa kanilang buhay.

Page 16: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

Hindi ito SWERTE, PAGKAKATAON o AKSIDENTE. Ito ay KALOOBAN

at BIYAYA NG DIYOS.

Page 17: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

Ang KALOOBAN, BIYAYA at PAGKILOS ng Diyos ay makikita sa aklat ng

Ruth. Minsan ay kumikilos ang Diyossa isang milagrong nakikita at samga bagay na hindi nakikita ang

Kanyang mga kamay.

Page 18: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

Hindi itoSWERTE, KARMA, PAGKAKATAON, TSAMBA o AKSIDENTE kung hindi ang

mabuti at makapangyarihangpagkilos ng kamay ng Diyos gaya ng

sinabi sa Bibliya.

Page 19: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

Santiago1:1717 Ang lahat ng mabuti at ganap na

kaloob ay buhat sa Diyos, mula sa Amana lumikha ng mga tanglaw sa

kalangitan. Hindi siya nagbabago, o nagpapakita ng bahagya mang

pagbabago.

Page 20: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

ISAIAS 65:1111 Ngunit kayo na nagtakwil kay

Yahweh at lumilimot sa aking banal nabundok,kayo na sumamba kay Gad at

Meni, mga diyos ng suwerte at kapalaran;

Page 21: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

Bilang mga Kristiyano, hindi tayo naniniwala saSWERTE, KARMA, PAGKAKATAON, TSAMBA o AKSIDENTE. Tayo ay naniniwala sa mabuti at

makapangyarihang pagkilos ng kamay ng Diyos. Hindi ibig sabihin nito’y wala tayong kalayaang

magdesisyon para sa ating sarili. Gaya niRuth, siya ay nagtiwala sa karakter ng Diyos na

Siya ay mabuti at makapangyarihan.

Page 22: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

Si Ruth ay isang mabuting babae. Siya ay may magandang karakter. Siya ay masipag. Siya ay tapat. Siya ay masigasig na magtrabaho para pakainin ang kanyang sarili at ang kanyang

biyenan. Siya ay tulad ng babaeng binabanggitsa Kawikaan 31 na dapat pamarisan ng lahat ng

mga babae.

Page 23: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

UNA, ang makakapaghalina kayBoaz ay ang karakter ni Ruth.

Page 24: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

PANGALAWA, Hindi inilayo niBoaz ang kanyang paningin sa

kanyang nagustuhan.

Page 25: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

Pag masdan ang paglago ngsitwasyon. Bago siya kumausap sababaeng nagugustuhan nya, Siyamuna ay Kristiyano. Siya ay may trabaho. Siya ay naglakas-loob

lapitan si Ruth. Yan ang nagsusi nyasa kanyang tagumpay.

Page 26: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

Si Boaz ay nagtatanggol, nagbibigay at nag-

aalaga.

Page 27: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

Mabuti ang magingmaginoo o “gentleman”.

Page 28: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

Dapat ituring ng mga kalalakihan ang mga babaebilang mga kapatid. Ganun si Boaz. Trinato niyang

kapatid si Ruth. Minahal niya, kinausapnya, pinapakain nya, inaalagaan nya, binibigyan ng

pagkakataong magtrabaho at magkaroo ng mgakaibigan at sinisigurado nyang walang makakagalaw

ng masama kay Ruth. Yun ang mabuting lalaki. Yun angmaka-Diyos na lalaki. Walang bahid ng kasamaan ang

kanyang layunin kay Ruth.

Page 29: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

Ang bawat babae ay may karapatang tanungin ang lalaki

sa kanyang intensyon.

Page 30: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

May mabuti at maganda karakter at reputasyon si Ruth. Maraming nakaalam ngkabutihang loob na ipinakita nya sa kanyang

biyenan. Bagamat bago palang nyanakikilala ang Diyos at mahirap ang kanyangbuhay. Hindi naging hadlang ito upang siya

ay maging mabuti, masipag at mapagmahal.

Page 31: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

Ito ay napakagandang simula ng isangrelasyon. Si Boaz ay mapanalanginingtao. Kaya sinimulan niya ang lahat sa

panalangin maging ang kanyangrelasyon kay Ruth.

Page 32: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

May malaking impluwensya an gating panalangin sa pagkilos ng kamay ng Diyos sa

ating buhay. Dahil mabuti at makapangyarihan ang Diyos, maaari tayonglumapit sa Kanya at humingi at alam natingtayo ay Kanyang diringgin at tutugunan an

gating panalangin ayon sa Kanyangkalooban.

Page 33: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

Natugunan ba ang panalangin ni Boaz? Nangyari ba ang pinapanalangin ni Boaz?

OO. Sino ang pinadala ng Diyos para maging sagot sa kanyang panalangin? Si

Boaz. Ayon sa atin binasa, minsankelangan din nating sagutin an gating

mga sariling panalangin.

Page 34: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

Natugunan ba ang panalangin ni Boaz? Nangyari ba ang pinapanalangin ni Boaz?

OO. Sino ang pinadala ng Diyos para maging sagot sa kanyang panalangin? Si

Boaz. Ayon sa atin binasa, minsankelangan din nating sagutin an gating

mga sariling panalangin.

Page 35: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

DALAWANG LAYUNIN NG PANALANGIN

Page 36: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

MINSAN ANG PANALANGIN ANG NAGPAPAKILOS SA KAMAY NG DIYOS

Page 37: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

MINSAN ANG PANALANGIN ANG NAGBABAGO NG PUSO NG MISMONG

NANANALANGIN

Page 38: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

KADALASAN NANANALANGIN TAYO NGUNIT NAKAKALIMUTAN NATING KUMILOS PARA MATUGUNAN ANG

ATING PANALANGIN.

Page 39: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

HUWAG LANG BASTA MANALANGIN. TUGUNAN MO ANG IYONG

PANALANGIN.

Page 40: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

Ginawa din ni Hesus iyon. Ginawa niya iyonnung nasa Krus Siya at ipinalangin Nyangpatawarin ng Ama ang mga nagkasala sa

Kanya. At anu ang kanyang ginawa? SinagotNiya ang sarili Niyang panalangin sa

pamamagitan ng pag-alay ng Kanyang buhaypara sa kapatawaran ng lahat. Ipinanalangin ni

Boaz si Ruth. At tinugon ni Boaz ang kanyangpanalangin.

Page 41: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

Ang inaakala nating mga aksidente saating buhay ay nagiging isang buong

pagtatahi at pagtatagpi ng Diyos sa isangnapagandang bahagi sa ating buhay ayon

sa Kanyang layunin at kalooban.

Page 42: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

Huwag lang manalangin para saiba, kundi matututo din tayong

tugunan ang mga iyon lalo’t binigyantayo ng kakayahan para sagutin iyon.

Page 43: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

Napakagandandangpaghahalintulad ng Diyos sa

Kanyang sarili ang pakpak. Isa itongpagpapahiwatig ng Kanyang

kabutihan sa atin.

Page 44: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

Ang mga babae ay naghahanap ngtunay na lalaking marunong mag-

alaga at mabuti. Gaya niBoaz, dapat marunong mag-

alaga, mag-gabay, magtanggol, at magbigay ang mga lalaki.

Page 45: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

Nilagpasan ni Boaz ang bataspapunta sa biyaya. Hindi lang nya

binigay ang hinihingi sa kanykundi nilagpasan niya ito.

Page 46: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

Ang mabuting balita ay tulad niRuth, tayo rin ay mga walang Diyosdati. Tayo ay makasalanan, rebeldeat may pangit na nakalipas. Tayo ay lumapit sa Diyos na walang-wala at

si Hesus an gating Boaz. Yun angmabuting balita.

Page 47: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

Sinabi ni Charles Haddon Spurgeon na isang dakilang mangangaral ng

Salita ng Diyos na si Hesus “ang atingdakilang Boaz”.

Page 48: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

Gaya ng pagbisita ni Boaz sa kanyang lupain, gayundin angDiyos na binisita tayo sa lupa. Makikita nating gaya ng

pagtingin ni Boaz kay Ruth, gayundin ang pagtingin ni Hesussa atin. Gaya ng paghabol ni Boaz kay Ruth, gayundin ang

paghabol ni Hesus. Gaya ng kabutihan ni Boaz kayRuth, gayundin ang kabutihan ni Hesus sa atin. At gaya nghindi lang pagtupad kundi sobra pa sa inaasahan ni Boaz

upang maipakita ang pagmamahal niya kay Ruth ay gayundin ang ginawa ni Hesus sa Krus ng kalbaryo para

tubusin tayo sa ating mga kasalanan at ipakita na mahalNiya tayo. Gay ng pabor na pinakita ni Boaz kay Ruth ay sya

ring pabor ang binigay ni Hesus sa atin.

Page 49: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

Nauunawaan ni Boaz na siya ay lumapitdin sa Diyos na walang-wala at siya ay

nagpapasailalim din sa Kanya at ang lahatng mayroon sya ay nagmumula lamang saKanya. Kaya si Boaz ay mapagbigay kasi

nauunawaan niya na wala siyangpagmamay-ari at ang lahat ng kanyang

kayaman ay galing lang sa Diyos.

Page 50: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

Si Boaz ay lalaking punung-puno ng biyayaat pabor mula sa Diyos. Ito rin ang dahilankaya siya importante sa kwento sa Biblyadahil sa siya ay ginamit ng Diyos upang

mabuo ang kwento ng Kanyang pagkilos. Makikita rin ang pagtulong ng Diyos sa mg

amahihirap at balo maging sa mga ulila.

Page 51: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

Ang “Robinhood Theology” ay nagsasabing angmga mayayaman ay masasama at ang mga

mahihirap ay mabubuti. Ang “Prosperity Theology” naman ay nagsasabing gusto tayo ng

Diyos na yumaman at kapag hindi tayoyumaman, kasalanan natin yun. Masdan ang

buhay ni Boaz at Ruth hindi sila sumasang-ayonsa dalawang nabanggit na katuruan.

Page 52: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

Sa Bibliya, dalawa ang uri ng mayayamanat dalawa rin ang uri ng mahihirap. May mayamang hindi tuwid at banal at may

mayamang tuwid at banal. Mayroon ding mahirap na hindi tuwid at banal at may

mahirap na tuwid at banal.

Page 53: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

Hindi importante kung mayaman o mahirap ka, ang tanong ay kung

tuwid at banal ka ba o hindi.

Page 54: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

Hindi nakabase sa estado ng buhaynatin ang ating pagiging tuwid at

banal at pagiging malapit sa Diyos.

Page 55: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

Hindi importante kung mayaman ka o mahirap. Hindi yun angbasehan ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Hindi rin yun basehan n gating pananampalataya. Yun ay regalo ng Diyos sa atin sa

pamamagitan ni Hesus. Ibinigay Niya ang buhay Niya para saatin. Siya ay ipinanganak, namatay, inilibing at muling nabuhay.

Pinatawad Niya tayo at iniligtas. Tulad ni Ruth, maaari natingtanungin ang Diyos bakit Niya ginawa ito. Ang isasagot Niya sa

atin ay dahil mahal na mahal Niya tayo. Ang Kanyangbiyaya, pag-ibig, habag at pabor sa atin. Hindi tayo karapat-dapat pero Kanya tayong minahal. Yan ang ating Panginoon

Hesus.

Page 56: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

Binigyan din tayo ng pagkakataon ng Diyosupang maging Boaz sa iba. Kung mayroon man

tayong pera, pagkain o kakayanan upangtumulong sa iba ay marapat nating ipagkaloob

ito ng walang hinihintay na kapalit. At kahittayo man ay kapos o salat, maaari pa rin tayong

tumulong sa iba sa pamamagitan ngpagbabahagi.

Page 57: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

Sa bawat pakikibahagi, sa bawat pagbibigay, sabawat pagtulong natin lalo sa mga mahihirap, sa

mga nangangailangan ay hindi upang tayo ay mahalin ng Diyos. Mahal tayo ng Diyos kahit hindinatin gawin yun. Hindi rin dapat natin gawin yun

dahil sa mabuting karma kundi dahil naranasan natinang kabutihan at kapangyarihan Niya. Nais ng Diyos

na iparamdam natin ang Kanyang pag-ibig sapamamagitan ng paggawa ng mga bagay na yaon.

Page 58: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

Si Boaz ay isang mabuting ehemplo ngpagbibigay ng may kagalakang tunay. Alamniya na hindi sa kanya ang lahat ng mayroon

siya kundi pahiram lamang ng Diyos sa kanya. Hindi naging mahirap ang pagbibigay kay Boaz kasi naranasan niya ang pag-ibig at kabutihanng Diyos kaya’t ibinabalik nya lang ito ng taos-

puso at may kagalakan.

Page 59: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

Hayaan nating kumilos angkamay ng Diyos sa buhay natin.

At sa pakikipagtulungan natin sakamay ng Diyos, ginagamit Niyatayo tulad ni Boaz upang maging

pagpapala sa iba.

Page 60: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

Hindi ito pormal na ministeryo. Siya ay nagpapakain. Siya ay kumukupkop. Siya ay

nangangalaga. Siya ay tumulong. Tayo rin, kahithindi man tayo mariwasa sa buhay ay maaaringmakagawa ng mga bagay na makakapagpasayasa Diyos tulad ni Boaz. Subukan nating magbigay

at matatamasa natin ang kaligayahang hindimaipaliwanag dulot nito.

Page 61: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

Muli, hindi basehan ang estado sa buhayupang tayo ay mahalin ng Diyos at

makatulong sa iba. Ang katuwiran at kabanalan ni Hesus an gating batayan ngating pagmamahal at pagtulong sa iba. Kung wala Siya sa buhay natin, wala rin

tayo.

Page 62: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

Gawin natin ang lahat ng magagawanatin upang makatulong sa iba at

magamit tayo ng Diyos bilang pagpapalasa marami. Tumulong tayo sa ating

simbahan, sa mga ulila, mga balo, mgamay kapansanan at mga mahihirap.

Page 63: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

Ang lahat ng ating pera ay kalooblamang ng Diyos sa atin. Wala tayongmaipagmamayabang sa ating kapwa. Ang pera itinutulong natin ay mula sa

Diyos, tayo ay ingat-yaman lamang Nya.

Page 64: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

Napakalaking pagpapala ang gamitin ngDiyos bilang pagpapala sa iba. Ibigaynatin ang lahat ng mayroon tayo sa

Diyos at hayaan nating gamitin Niya tayopara magbigay kaluwalhatian sa

Kanyang pangalan.

Page 65: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

Ang lahat ng mayroon tayo ay biyaya lang ngDiyos sa atin. Ito ay pabor Niya sa atin. Ito ay

bunga nga habag Niya sa atin. Huwag lamangnating ipanalangin ang mundo upangmagbago ito kundi tayo ay makiisa at

makibahagi sa pagbabago nito. Magpagamittayo sa Diyos at tayo ay Kanyang gagamitin sa

mga bagay na hindi natin inaasahan.

Page 66: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

Hindi natin lubos maisip kung papaano tayomaaaring gamitin ng Diyos kung tayo ay

lalapit sa Kanya at magpapagamit. Ibigaynatin an gating buhay sa Kanya. Humingi tayong tawad sa mga kasalanan natin at tayo ay Kanyang lilinisin at gagamitin sa mga kagila-gilalas na mga bagay na hindi natin inaakala

gaya ni Ruth.

Page 67: REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service

Sa pagbibigay natin n gating mga kaloob at ikapo, alalahanin natin na hindi atin ang perang ito

kundi sa Diyos. Wala tayong pagmamay-ari. Lahat ay sa Kanya. Sa ating pagbibigay ay ipinapahayag natinna Siya an gating Diyos, mahal natin Siya higit pa sa

kahit anu pa man at handa tayo magpagamit saKanya upang magbigay kaluwalhatian sa Kanyang

pangalan.