Quarter 3 - Modyul 8

12
Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Zest for Progress Zeal of Partnership Edukasyon sa Pagpapakatao Quarter 3 - Modyul 8: Mag-Recycle ang Lahat Para sa Magandang Bukas Name of Learner: Grade & Section: Name of School: 4

Transcript of Quarter 3 - Modyul 8

Page 1: Quarter 3 - Modyul 8

Republic of the Philippines

Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Zest for Progress

Zeal of Partnership

Edukasyon sa Pagpapakatao Quarter 3 - Modyul 8:

Mag-Recycle ang Lahat Para sa

Magandang Bukas

Name of Learner:

Grade & Section:

Name of School:

4

Page 2: Quarter 3 - Modyul 8

2

Alamin

Magandang araw mag-aaral!

Nasubukan mo na bang tumulong sa pagpapanatiling malinis sa iyong

pamayanan?

Ang malinis na kapaligiran ay kaaya-ayang pagmasdan. Ito ay nagbibigay ng

sariwang hangin na ating kailangan upang tayo ay makaiwas sa sakit.

Sa iyong palagay, sa anong mga paraan na makaambag ka kahit sa simpleng

gawain sa araw-araw upang manatiling malinis at maayos ang iyong paligid?

Sa modyul na ito, iyong matutunan ang pagtulong sa pagpapanatili ng kalinisan

at kaayusan ng kapaligiran sa pamamagitan ng pagsasagawa ng muling paggamit

ng mga patapong bagay. (recycling)

Layunin ng modyul na ito ang gabayan kayo sa pagkamit ng kasanayang ito:

12. Nakatutulong sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kapaligiran

saanman sa pamamagitan ng:

12.3. pagsasagawa ng muling paggamit ng mga patapong

bagay. (recycling)

EsP4PPP-III-i-22

Page 3: Quarter 3 - Modyul 8

3

Subukin

Pagmasdan ang larawan. Ipagpalagay na iyong naranasan ang sitwasyong ito.

Pagnilayan ang maaring naging dahilan kung bakit nagkaroon ng ganitong

sitwasyon.

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Ano kaya ang matinding dahilan ng pagbaha tulad ng nasa larawan?

2. Ano-ano ang maaring masamang epektong dulot sa kalusugan at

kapaligiran ng palagiang pagbaha?

3. Kung ang bawat tao ay matutong mag-recycle ng mga patapong bagay,

maiiwasan kaya ang:

• pagbaha?

• pagkakasakit ng mga tao?

• Pagdumi ng kapaligiran?

Pangatwiranan ang iyong mga sagot.

Page 4: Quarter 3 - Modyul 8

4

Modyul

8

Balikan

Sa nakaraang modyul, inyong napag-aralan ang pagpapanatili ng kalinisan at

kaayusan ng kapaligiran saanman sa pamamagitan ng pag-iwas sa pagsusunog ng

anumang bagay. Sa modyul na ito, inaasahang mas mapapalawig pa ang iyong

kaalaman sa mga paraan upang mabawasan ang mga kalat ng basura sa ating

paligid.

Gawain:

Panuto: Pag-aralan ang mga larawan. Magbigay ng limang paraan upang maiwasan

ang pagsusunog ng ating mga basura.

Mga sagot:

1. ________________________________________________________

2. ________________________________________________________

3. ________________________________________________________

4. ________________________________________________________

5. ________________________________________________________

Mag-Recycle ang Lahat Para sa Magandang Bukas

Page 5: Quarter 3 - Modyul 8

5

Tuklasin

Magagamit pa ba natin ang mga patapong bagay na mayroon sa ating bahay

at paligid? Ang sagot opo. May mga bagay na akala natin ay wala ng pakinabang

ngunit kung ating gamitin ang ating malawak na kaisipan makakabuo tayo ng

panibagong gamit mula sa mga ito. Ang tawag nito ay ang pag-recycle.

Kompletuhin ang talahanayan sa ibaba. Sa unang hanay, isulat ang mga

patapong bagay na mayroon sa inyong tahanan na maaari pang gamitin. Isulat sa

ikalawang hanay ang maaaring gawin dito. Sa huling hanay naman itala ang

maaaring maging epekto sa kapaligiran ng iyong gagawin.

Mga patapong bagay

sa tahanan

Ano ang iyong

gagawin?

Maaaring epekto sa

kapaligiran

Halimbawa:

Lata ng gatas

Lilinisin kong mabuti ang

lata nang may pag-iingat

at tataniman ko ng

halaman.

Mababawasan ang kalat

sa paligid .

1.

2.

3.

Sagutin ang mga tanong:

1. Ano-ano pang bagay ang wala sa listahan na gusto mong i-recycle?

2. Bakit kaya mas mabuting gamitin muli ang mga ito kaysa itapon agad-

agad? Pangatwiranan ang iyong sagot.

3. Kung patuloy mong isasagawa ang pag-recycle, ano ang malawakang

epekto nito sa ating bansa?

Page 6: Quarter 3 - Modyul 8

6

Suriin

Suriin mo ang bawat sitwasyon. Piliin ang titik ng tamang sagot para sa bawat

bilang. Isulat sa patlang.

____ 1. May Nakita kang nakatambak na mga lumang gulong ng sasakyan sa

likuran ng inyong bahay. Ano ang iyong gagawin?

A. Pabayaan ko nalang ang mga ito.

B. Hakutin at itapon namin sa malayo.

C. Sunugin na lang ang mga gulong.

D. Sasabihin ko kay inay at sa aking mga kapatid na ayusin ito at gawing

taniman ng halaman.

____ 2. Naabutan mo ang iyong kapatid na sinusunog ang kanyang mga lumang

kagamitan sa paaralan. Ano ang sasabihin mo sa iyong kanya?

A. Isama mo ang sa akin.

B. Pipilian natin ng walang mga sulat at tatahiin upang magamit.

C. Isusumbong kita ni nanay!

D. Bilisan mo ang iyong ginagawa.

____ 3. Naglalakad kayo ng iyong mga kaklase papauwi mula sa paaralan nang

mapansin mong may mga nagkalat na plastik na bote ng softdrinks sa tabing

daan. Ano ang iyong gagawin?

A. Pabayaan ko na lang.

B. Yayain ko ang aking mga kaklase na bilisan ang paglalakad.

C. Sasabihin ko sa kanila na pupulutin namin at magagamit sa proyekto sa

paaralan.

D. Sasabihin ko sa kanila na maglalaro kami pagdating sa bahay.

Page 7: Quarter 3 - Modyul 8

7

Pagyamanin

Pagtatasa 1

Gawain: Concept Mapping

Panuto: Pag-aralan ang graphic organizer sa ibaba. Punan ang mga bilog ng

concept map ng mga mabuting idudulot kung ang lahat ng tao ay mag-recycle ng mga

patapong bagay.

Pagtatasa 2

Kompletuhin ang bawat bilang sa ibaba.

1. Magsisimula na akong mag-recycle dahil alam kong _______________________

________________________________________________________________

2. Bago ako bumili ng isang bagay _______________________________________

________________________________________________________________

3. Kung hindi pa alam ng kapatid ko ang pag-recycle dapat ko _________________

_________________________________________________________________

Page 8: Quarter 3 - Modyul 8

8

Isaisip

Mula sa ating tahanan, paaralan o pamayanan man, ang mga basura ay

hindi maubos-ubos. Kung minsan ang mga ito ay umaapaw na sa mga basurahan.

Maraming pagkakataon pa na naitatapon na lamang ang mga ito nang sama-sama.

Pero ano nga ba talaga ang dapat gawin ng mga tao upang mabawasan ang

sobrang dami ng basura sa araw-araw?

Natutuhan mo na sa mga naunang aralin ang kahalagahan ng pagbubukod-

bukod ng mga basura. Sumunod naman dito ang kaalaman na ipinagbabawal ng

batas ang pagsusunog ng mga ito. Ngunit ginagawa ba talaga ang pagbubukod-

bukod ng basura, ang pag-iwas sa pagsusunog at ang pag-recycle?

Kapag ito ay naging praktis na ng bawat isa, ito ay isang magandang

halimbawa na maipamana sa mga sumusunod na salinlahi. Kaya’t kumilos na tayong

lahat upang makatulong sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kapaligiran

hindi lamang sa ating bansa kundi pati na rin sa buong daigdig.

Isagawa

Pag-isipan at pagnilayan kung ano ang maaaring gawin kapag ni-recycle

ang sumusunod na kagamitan. Isaalang -alang ang mga produkto na maaaring

magamit ng mga tao sa komunidad.

Mga Patapong Bagay Produkto na Pwedeng Magawa Mula sa Patapong Bagay

Mga plastik na bote

Mga lumang diyaryo o magasin

Mga basyong lata ng gatas

Iba’t ibang tuyong karton

Mga tuyong dahon

Page 9: Quarter 3 - Modyul 8

9

Tayahin Pangkat A

Panuto: Pag-aralan ang bawat tanong o pangungusap. Piliin ang titik

ng tamang sagot at isulat sa patlang.

____ 1. Anong programa ng pamahalaan ang naglalayong mapanatili ang malinis at

maayos na kapaligiran?

A. Anti-dengue Campaign C. 4P’s Program

B. Clean and Green Movement D. Anti-Drug Campaign

____ 2. Maraming plastik na bote ng softdrinks sa inyong kusina. Ano ang gagawin

mo sa mga ito?

A. Itapon ito sa basurahan C. gagawin kong dekorasyon

B. Pabayaan na lang D. itago sa bodega

____ 3. Nakita mo ang iyong mga pinsan na sinusunog ang mga gulong. Ano ang

gagawin mo?

A. Sasali ako sa kanila

B. Hayaan sila sa kanilang ginagawa

C. Di ko sila papansinin

D. Sasabihan ko sila na pwede pang pakinabangan ang mga ito.

____ 4. Bakit mahalaga na sumunod sa batas kahit na walang nakakakita sa iyo?

A. Dahil ito ay nakabubuti sa atin at sa ating kapaligiran.

B. Dahil natutunan natin mula dito ang ang pagkakaroon ng disiplina.

C. Dahil napananatili nito ang kaayusan ng ating kapaligiran o pamayanan.

D. Ang lahat ng nabanggit sa A hanggang C ay tama.

____ 5. Nakita mo ang iyong kapatid na pinagsama-sama ang mga basura sa isang

lalagyan. Ano ang sasabihin mo sa kanya?

A. Sasabihan ko siyang bawal ang kanyang ginawa at kailangan pagbukud-bukurin ang mga ito.

B. Tama lang ang kanyang ginawa.

C. Isusumbong ko siya kay nanay.

D. Tutulungan ko na lang siya.

Page 10: Quarter 3 - Modyul 8

10

____ 6. Ito ay programa sa gobyerno upang maayos na mapangasiwaan ang ating

mga basura.

A. Proper waste segregation C. Curfew

B. Anti-drug campaign D. Reforestation Program

____ 7. Nagwawalis ang iyong nanay sa inyong bakuran pagkatapos ay susunugin

niya ang mga ito. Ano ang iyong gagawin?

A. Panonoorin ko lang siya.

B. Sasabihin kong ipinagbabawal ang pagsusunog ng basura.

C. Hayaan ko na lang siya baka magalit.

D. Isusumbong ko na lang kay tatay.

____ 8. Anong patakaran sa paaralan ang maaaring sundin upang ito ay

mapanatiling malinis at maganda?

A. Huwag magtakbuhan sa hagdan C. Bawal mag-ingay

B. Huwag pitasin ang mga bulaklak D. Munting basura pakibulsa

____ 9. Maraming natirang mga pahina na walang sulat sa iyong kwaderno sa

nakaraang pasukan. Ano ang gagawin mo sa mga ito?

A. Tatanggalin ko at pagsamahin upang magamit pa.

B. Susunugin ko na lang.

C. Itapon sa basurahan.

D. Pabayaan ko at bibili na lang ng bago.

____ 10. Ano ang pwede mong gawin sa mga walang laman na babasaging bote?

A. Itapon na lang sa ilog C. Pabayaan na lang

B. Babasagin ang mga ito D. Lalagyan ng mga likidong gamit

Page 11: Quarter 3 - Modyul 8

11

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: EULOGIO V. DELA CERNA Teacher I, Palpalan Elementary School District 11, Division of Pagadian City Editors/QA: JUANITO N. CANTILA JR., EdD OIC – PSDS, District 14

Tagasuri: Tagaguhit: Tagalapat: Tagapamahala: DANNY B. CORDOVA, EdD, CESO VI OIC Schools Division Superintendent MARIA COLLEEN L. EMORICHA, EdD, CESE OIC-Assistant Schools Division Superintendent MARIA DIOSA Z. PERALTA CID, CHIEF MA. MADELENE P. MITUDA, EdD EPS-LRMDS JOVITA S. DUGENIA EPS-EsP

Susi sa Pagwawasto

Sanggunian

• Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao 4, Batayang Aklat, pp 259-268

Page 12: Quarter 3 - Modyul 8

1

Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom

Here the breezes gently Blow,

Here the birds sing Merrily, The liberty forever Stays,

Here the Badjaos roam the seas

Here the Samals live in peace

Here the Tausogs thrive so free

With the Yakans in unity

Gallant men And Ladies fair

Linger with love and care

Golden beams of sunrise and sunset

Are visions you’ll never forget

Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound,

Every valleys and Dale

Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,

Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,

Ilongos,

All of them are proud and true

Region IX our Eden Land

Region IX

Our..

Eden... Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer

One night I had a dream. I dreamed

that I was walking along the beach

with the LORD.

In the beach, there were two (2) sets

of footprints – one belong to me and

the other to the LORD.

Then, later, after a long walk, I

noticed only one set of footprints.

“And I ask the LORD. Why? Why? Why

did you leave me when I am sad and

helpless?”

And the LORD replied “My son, My son,

I have never left you. There was only one

(1) set of footprints in the sand, because it

was then that I CARRIED YOU!

I think that I shall never see A

poem lovely as a tree.

A tree whose hungry mouth is prest

Against the earth’s sweet flowing breast;

A tree that looks at God all day,

And lifts her leafy arms to pray;

A tree that may in Summer wear A

nest of robins in her hair;

Upon whose bosom snow has lain;

Who intimately lives with rain.

Poems are made by fools like me,

But only God can make a tree.