Puting Usa

3
PUTING USA (Mitolohiya) Si Tingal ay tahimik na naghihintay sa kugunan. Ang gabi ay madilim. Walang kagalaw-galaw ang mga dahon ng kahoy sa gubat. Ang maririnig paminsan-minsan ay huni ng mga ibon na nagmumula sa malayo. Katulad ng ibang Dumagat, si Tingal ay kailangang mangaso upang makahuli ng baboy-ramo, usa at matsing. Natutulog noon si Bandina, ang kanyang maybahay at munting anak sa kanilang kubo. Naalaala ni tingal kung bakit ang kanyang anak ay umiyak nang umagang iyon. Wala siyang makain at gutom na gutom. Idinalangin ni Tingal sa Bathala na siya’y palarin sa pangangaso. Mga oras ang lumipas sa paghihintay subalit walang hayop na dumating hanggang sa hindi na niya mapaglabanan ang kanyang antok. Kumapal mandin ang talukap ng kanyang mga mata at maya-maya pa’y napahiga sa lupa at nakatulog. May lumagutok sa sanga ng kahoy kaya siya’y nagulantang sa nalikhang ingay nito. Kanyang hinagilap agad ang kanyang pana at iniumang. Sa hindi kalayuan, sa kalapit ng batis ay namataan siyang nanginginaing usa. Ang ipinagtataka niya ay kung bakit ito ay puting-puti at naaninag niya na napakaganda ang kanyang mga sungay. Ang gandang usa sumaisip ni Tingal. Masarap itong pagsaluhan ng aking mag- ina, at tuloy natakam. Kagyat na humarap ang usa sa pinagtataguan ni Tingal. Muntik nang bininit niya ang pana upang tudlain ang nagulantang na usa. Kaibigan, huwag mo akong tudlain, ang sabi ng tinig. Huwag mong patayin ang puting usa sa gubat.

description

nmkj

Transcript of Puting Usa

Page 1: Puting Usa

PUTING USA (Mitolohiya)

Si Tingal ay tahimik na naghihintay sa kugunan. Ang gabi ay madilim. Walang kagalaw-galaw ang mga dahon ng kahoy sa gubat. Ang maririnig paminsan-minsan ay huni ng mga ibon na nagmumula sa malayo. Katulad ng ibang Dumagat, si Tingal ay kailangang mangaso upang makahuli ng baboy-ramo, usa at matsing.Natutulog noon si Bandina, ang kanyang maybahay at munting anak sa kanilang kubo. Naalaala ni tingal kung bakit ang kanyang anak ay umiyak nang umagang iyon. Wala siyang makain at gutom na gutom. Idinalangin ni Tingal sa Bathala na siya’y palarin sa pangangaso.Mga oras ang lumipas sa paghihintay subalit walang hayop na dumating hanggang sa hindi na niya mapaglabanan ang kanyang antok. Kumapal mandin ang talukap ng kanyang mga mata at maya-maya pa’y napahiga sa lupa at nakatulog.May lumagutok sa sanga ng kahoy kaya siya’y nagulantang sa nalikhang ingay nito. Kanyang hinagilap agad ang kanyang pana at iniumang. Sa hindi kalayuan, sa kalapit ng batis ay namataan siyang nanginginaing usa. Ang ipinagtataka niya ay kung bakit ito ay puting-puti at naaninag niya na napakaganda ang kanyang mga sungay.Ang gandang usa sumaisip ni Tingal. Masarap itong pagsaluhan ng aking mag-ina, at tuloy natakam.Kagyat na humarap ang usa sa pinagtataguan ni Tingal. Muntik nang bininit niya ang pana upang tudlain ang nagulantang na usa.Kaibigan, huwag mo akong tudlain, ang sabi ng tinig. Huwag mong patayin ang puting usa sa gubat.Nagtaka si Tingal. Siya’y nagpalinga-linga upang tiyakin kung sino ang nagsalita. Wala siyang makita. Ang gubat ay tahimik. Hindi siya mapalagay dahil sa tinig. Kanyang pinag-igi ang hawak sa pana upang humanda sa sinumang sasalakay.Kaibigan, para mo nang awa, ang muling narinig. Wala akong salapi subalit bibigyan kita kahit ano ang iyong hingin.Nanluwang ang mga mata ni Tingal. Ang tinig ay nanggaling sa puting usa. Bakit…? Bakit…? Siya’y natigagal.Hindi maalis ni Tingal ang pagkapako ng kanyang mga mata sa puting usa. Tulad ng isang nagpapalimos ang usa’y lumuhod at nagmakaawang iligtas ang kanyang buhay.Naalaala ni Tingal ang kanyang asawa’t anak sa kubo. Sila’y nagugutom. Siya ang hinihintay. Hindi ko mapaniwalaan ito. Ako’y pinaglalaruan yata ng tikbalang!Itinaas ni Tingal ang kanyang pana. Kanya itong pinakawalan at presto, tinamaan ang dibdib ng puting usa.

Wala kang habag. Wala kang puso! ang huling pahimakas ng usa. Nakalaan para sa iyo ang paghihiganti ng diyosa ng kabundukan! at ang usa ay nalupasay sa lupa.

Page 2: Puting Usa

Itinali ni Tingal ang usa sa tulos ng kawayan at kanya itong pinasan. Ang kahambal-hambal na huni sa may dako ng kakahuyan ay gumimbal sa kanyang kaluluwa. Sumikdo ang kanyang puso at wari bang babalang masamang mangyayari. Marahang-marahang ibinaling niya ang kanyang mga paa papunta sa kanilang munting kubo.

Masayang-masaya siyang sinalubong ng kanyang asawa’t anak. Si Bandina ay nagpuyos ng mga siit at gumawa ng apoy. Ang anak nama’y tuwang-tuwa pagka’t ang magagandang sungay ng usa ay ipinangako sa kanya upang gawin niyang laruan.

Nag-ihaw sila ng mga pirasong karne at ito’y pinasaluhan samantalang ikinukuwento ni Tingal ang pagsusumamo ng usa bago ito kanyang pinana.

Hindi mapalagay si Bandina dahil sa mga huling katagang habilin ng usa ayon sa kuwento ni Tingal, subalit ito’y ipinag-walang bahala ng lalaki dahil sa siya’y busog na busog. Nang sumunod na araw, ang mangangaso’y naratay sa banig. Walang magawa ang incantations at wild herbs. Sa buong tribo’y walang makagamot at makapagsabi kung ano ang sakit niya.

Isang gabing kalaliman at kadiliman ang lalaki’y tumayo at dinaanan siya ng sumpong. Ang puting usa! ang sigaw. Kumarimot ng takbong palabas si Tingal sa hindi mapigilan. Siya’y hinabol ng mag-ina hanggang sa kakahuyan at hanggang makarating sa lugar na kanyang pinaghulihan sa usa. Lumuhod siya sa lupa at nanalangin, Bathala, patawarin mo ako! at siya’y napatdan ng hininga.Ang hinala ni Bandina’y ang puting usa ay alaga ng diwata ng kagubatan.Si Tingal ay inilibing ng mag-ina sa lugar na kinabuliran ng usa. Siya’y pinabaunan ng asawa’t anak ng masaganang luha.Mula noon ang mga mangangasong Dumagat ay ayaw pumatay ng puting usa.

Sagutin ang mga katanungan

Mga Tauhan:1. ________________________-2. ________________________ -3. ________________________-4. ________________________-

Tagpuan_____________________________________________________________________________

Magandang Kaisipan/Aral na makukuha_____________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________

Buod: _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________