Proyekto sa lit2 ni Olegario D. Toledana

31
ANG AKING TALAMBUHAY Ako si Olegario Diaz Toledana, labing siyam na taong gulang, nag-aaral sa unibersidad sa Tinambac na “Partido State University” ang pangalan. Ako ay anak nina Ginoong Graciano Agustin Tolenada at Ginang Gloria Diaz Tolenada. Kung mapapansin ninyo na may pagkakaiba ang aking apilyedo sa mga magulang ko, dahil yan sa maling pagkaka patala ng nag pa anak sa nanay ko. Pinagawan sana nang aking tatay ng affidavit subalit di naman pala nakarating sa NSO kung kaya hanggang ngayun ay Toledana ang ginagamit ko. Ako nga pala ay isang binabaing lumaki sa Brgy. Magtang. Lumaking malusog, masipag at mapagmahal na anak. Mula ng ako ay tumungtong ng unang baitang hangang ikalimang baitang sa mababang paaralan,hindi ako naaalis sa listahan ng magagaling sa klase subalit ng ako ay tumungtung ng ika-anim na baitang ay hindi ako pinalad na makasali sapagkat mahuhusay rin ang aking mga nakatunggali pero kahit ganon masaya parin ako sapagkat nakapagtapus ako at nakuha ko naman ang aking Diploma. Nang ako ay tumungtong ng High School maraming nagbago sa buhay ko hindi na ako masyadong nag-aaral sa bahay namin , biglang gumuho ang mundo ko, maraming nagsabi na dahil lang ito sa mga problemang tinatamasa ng aming pamilya , marami ring nag sabi na dahil ito sa pang-iibang bayan ng dalawa kong kapatid na lalaki, lahat ng gawain ng mga ito sa bahay namin ay naipasa sa akin lalo pa noong manganak ang panganay naming kaptid at ang aming butihing Ina. Pero lahat nang ‘yun ay malayong-malayo sa dahilan ko, sapagkat ang dahilan ng kawalan kong Interes sa pag-aaral ay mula ng aking makilala si Jesus Emmanuel Amaro Jr. III. Si Amaro ay isang matipunong lalaki na nakilala ko sa unang baitang ko sa mataas na paaralan. Nang malaman ito ng karamihan, marami ang nagulat at nag sabing “bakit ka nag

Transcript of Proyekto sa lit2 ni Olegario D. Toledana

Page 1: Proyekto sa lit2 ni Olegario D. Toledana

ANG AKING TALAMBUHAY

Ako si Olegario Diaz Toledana, labing siyam na taong gulang, nag-aaral sa unibersidad sa Tinambac na “Partido State University” ang pangalan. Ako ay anak nina Ginoong Graciano Agustin Tolenada at Ginang Gloria Diaz Tolenada. Kung mapapansin ninyo na may pagkakaiba ang aking apilyedo sa mga magulang ko, dahil yan sa maling pagkaka patala ng nag pa anak sa nanay ko. Pinagawan sana nang aking tatay ng affidavit subalit di naman pala nakarating sa NSO kung kaya hanggang ngayun ay Toledana ang ginagamit ko. Ako nga pala ay isang binabaing lumaki sa Brgy. Magtang. Lumaking malusog, masipag at mapagmahal na anak. Mula ng ako ay tumungtong ng unang baitang hangang ikalimang baitang sa mababang paaralan,hindi ako naaalis sa listahan ng magagaling sa klase subalit ng ako ay tumungtung ng ika-anim na baitang ay hindi ako pinalad na makasali sapagkat mahuhusay rin ang aking mga nakatunggali pero kahit ganon masaya parin ako sapagkat nakapagtapus ako at nakuha ko naman ang aking Diploma.

Nang ako ay tumungtong ng High School maraming nagbago sa buhay ko hindi na ako masyadong nag-aaral sa bahay namin , biglang gumuho ang mundo ko, maraming nagsabi na dahil lang ito sa mga problemang tinatamasa ng aming pamilya , marami ring nag sabi na dahil ito sa pang-iibang bayan ng dalawa kong kapatid na lalaki, lahat ng gawain ng mga ito sa bahay namin ay naipasa sa akin lalo pa noong manganak ang panganay naming kaptid at ang aming butihing Ina.

Pero lahat nang ‘yun ay malayong-malayo sa dahilan ko, sapagkat ang dahilan ng kawalan kong Interes sa pag-aaral ay mula ng aking makilala si Jesus Emmanuel Amaro Jr. III. Si Amaro ay isang matipunong lalaki na nakilala ko sa unang baitang ko sa mataas na paaralan. Nang malaman ito ng karamihan, marami ang nagulat at nag sabing “bakit ka nag kaganyan?anu ang nangyari sayo?’’. Kahit ako ay hindi ko alam kung bakit ako nagkaganito ,simula noon halos lahat ng tao sa paligid ko ay tinutukso ako pero para sa akin hindi ako nasasaktan sa mga sinasabi ng ibang tao , masmasakit kasi sa akin kapag tinutukso ng mga kaklasi namin si Amaro na may sayad sa pag-iisip. Napansin ko rin naman iyon at ‘yon rin ang nagtulak sa akin upang muling bumangon, sa pagkat napansin kong hindi masyadong interisado si Amaro sa pag-aaral. Pero sabi ko kung mag-aaral ako at kapag naka pasa ako ibigsabihin hindi ko na makakasama pa ang iniirog ko kahit kailan, kaya naman ang lahat ng nalalaman ko sa paksa ay pinapaalam ko sa kanya, nang sa gan’on lagi kaming mag kasama, pasa ako pasa rin ang mahal ko.

Ngunit ng ako ay mag iika-dalawang baitang na sa mataas na paaralan ay may hindi inaasahang pangyayari ang naganap sa buhay ko. Nagkasakit ang aking lolo sa balat, o skin disease kung tawagin, kaya kinailangan itong idala sa Ospital. Mahal na mahal ko ang lolo ko,kaya hindi ako pumayag na hindi sumama, sapagkat mula pa nang ako’y bata pa lamang ay ito na ang lagi kong kasakasama sa pamamasyal. Nanatili kami sa BICOL MEDICAL CENTER o BMC sa NAGA ng mahigit dalawang buwan.

Page 2: Proyekto sa lit2 ni Olegario D. Toledana

Habang ako ay nasa ospital, iniisip ko lagi-lagi,araw-araw kahit sa oras ng pagtulog ko kung pumasok ba si Amaro, anu na kayang ginagawa niya?, na susondan kaya niya ang mga aralin?. At dahil d’yan hinangad ko noon na sana hindi siya pumasok ,sana bumagsak siya para umulit s’ya ng 2nd year.

Lumabas kami noon sa buwan nang Agosto,ngunit hindi parin tumigil ang pahirap ng tadhana sa buhay ko, lumala uli ang sakit ng lolo ko at hindi tumagal namatay rin ito. Pagkatapos ng pagluksa si Amaro parin ang nasa isip ko. Dumating pa ang panahon na ako naman ang nagkasakit. Nagka dingue ako,blood infection, at olser sa bitoka. Akala ko noon wakas na ng buhay ko, hindi ko na makikita pa ang pinakamamahal ko.

Lumipas ang mga buwan,dumating muli ang araw ng pasukan, hindi ko ito pinalagpas. Agad akong nagpalista. Sa pagpasok ko, aking nakasama ang tatlo kong dating kamag-aral. Ngunit kahit pa nakasama ko sila, hindi parin nabuo ang kasiyahan sa buhay ko, dahil sa paglipas ng isang buwan ay hindi ko nasilayan ang mukha ng aking sinisinta. Ngunit isang araw, araw ng eleksyon ng SSG member sa paaralang Gregorio Ocampo Bercasio Memorial High School, nakikinig kami ng meeting de avanse ng mga kandidato, nang bigla akong kabigin ng kamag-aral kong si Eden at pilit akong pinapatingin sa isang lalaking naka puti na kausap ng isa naming guro. Bigla akong natulala at halos lumundag sa tuwa ang puso ko nang masilayan ang lalaki at malamang ang pinapantasyahan ko ay muling nag balik.

Biglang napuno uli ng kasiyahan ang buhay ko, lalo pa nang aking malamang kamag-aral ko ito. Mas lalo pa akong kinikig nang kausapin ako nito at sinabihan akong namis daw niya ako. Ngunit nang panahon na iyon ay nagsimula na namang kumontra sa akin ang tadhana. Natukso si Amaro sa dalagang nag ngangalang Rizza Danabar na kamag-aral pa namin at kaibigan ko rin. Nagsama ang dalawa ng limang buwan, inaamin ko na nasaktan ako pero ako ay nagparaya, dahil alam ko naman na hindi ako kailan man mamahalin ni Amaro.

Hinayaan kong magsama ang dalawa, hindi nagtagal nag hiwalay rin sila. Lumipas ang mga araw, dumating ang araw ng pagtatapos. Umalis si Amaro, pumunta ng Cavite. Wala akong magawa sa bahay kung kaya ay nag hanap ako ng mapaglilibangang trabaho sa Sentro ng Tinambac at doon ko nakilala si Bb. Charie Din, isang binabae na may katungkulan sa Munisipyo. Kinuha niya ako bilang katulong niya sa Cultural office, nag enjoy ako doon pero kahit ganun ay hindi ko parin nakakalimutan si Amaro. Lagi ko itong tiniteks at tinatawagan.

Habang nasa trabaho ako nakilala ko ang ilang kalalakihan. Muntik na akong tukso sa isa sa mga kalalakihan, ngunit nasa isip ko parin si Amaro. Isang gabi kinausap ako ni Bb. Din at sinabihan akong s’ya na ang mag papa-aral sa akin sa Don Servillano Platon National High School. Ngunit hindi ako pumayag dahil iniisip ko na kapag pumayag ako ay hindi ko na makikita pa si Amaro kahit kailan.

Matapos ang limang buwan umuwi ako sa Brgy. Magtang dahil malapit na naman ang pasukan, eksayted na akong pumasok uli at muling makita ang aking Prince Charming.

Page 3: Proyekto sa lit2 ni Olegario D. Toledana

At hindi ako nagkamali sa aking desisyon, ngunit hindi sana kami magiging magkaklase ni Amaro dahil magkahiwalay kami ng klase, buti na lang lumipat ito kung saan ako naroon at sa panahong iyon ay nasa ikatlong baitang na kami sa mataas na paaralan. At masayang nagsasama at nag-aaral.

Ang akala ko malaya ko nang makakasama ang mahal ko, pero hindi pala. Nakasama namin muli si Rizza, nalaman ko din na mahal parin ito ng mahal ko, at balak nitong magkabalikan sila ni Rizza. Masakit man sa loob ko, pero nag desisyon akong palayain na ang sarili ko mula sa kadilimang tinatamasa, sa mundo ng pag-ibig. Naisip kong magbago, pero kahit ganun hindi parin mawala saakin ang pagiging benabae, lalo na kapag nakikita ko si Amaro, sinabi ko pa noon na mula sa araw ng aking pagbabago ay ituturing ko na lamang matalik na kaibigan sina Amaro at Rizza.

Nang ako ay nasa ikaapat na baitang na sa mataas na paraalan, naging maayos ang aking pag-aaral, kinalimotan ko ang pagpapantasya o pagmamahal kay Amaro. Lagi na ulit akong nakakasali sa listahan ng mahuhusay sa klase, nakaka sali narin ako sa mga activity sa paaralan, subalit di parin nawawala ang mga suliranin ko sa pag-ibig. Nakaklase ko ulit sina Amaro, at Rizza; ang tadhana nga naman. Pero sabi ko sawa na ako sa pagmumukha n’ya. At nakilala ko ang dalawang lalaking gwapo, matipuno, mapurma, maapel, kaso nga lang ay basaguliro. Kung kaya bumagsak parin ako kay Amaro.

Makalipas ang ilang buwan ay dumating ang araw ng aming J/S prom sa mismong araw ng mga puso. Subalit nawasak nanaman ang puso ko ng makita ko ang dating hinahangaan kong lalaki ng ako ay nasa mababang paaralan pa lamang. Nag papansin ako sa kanya subalit denedma niya ako “how sad diba”. At mula sa gabing yun ay ipinangako ko sa sarili ko,sa mga kaibigan ko at sa lahat nang nasa paligid ko ng mga sandaling pauwi na ako sa bahay na isasara ko nang tuluyan ang aking damdamin at di na ako magmamahal muli.

Kaya naman hanggang ngayon ay wala akung kasintahan at tatanda akong walang kasintahan dahil sawa na akung masaktan. Kung meroon man kayung narinig mula sa akin na ako’y may sinisinta yan ay kathang isip ko lang at kung meroon man yan ay laro- laro lamang.

Page 4: Proyekto sa lit2 ni Olegario D. Toledana

ANUNG SAKLAP NAMANTula

Akda ni:Olegario D. Toledana

Buhay estudyante ay sadyang mahirap,Lalo na sa mga mataas ang pangarap.

Ayaw umupa’t malayo sa pamilya,Pipilit, nang makapasok ng maaga.

Ang mga Ina na hiram na lang ng hiram,Nang maibigay ang edukasyong mainam.Sapagkat anak nila’y nais mapagtapos,Nang sa hirap ng buhay ay makaraos.

Ang kanilang ama’y bogbog sa trabaho,At sa iba pang bayan ay nakidayo.

Habang pamilya’y naghihintay ng sweldo,Na pang bayad sa utang at pang kunsumo.

Anung saklap namang anak ay mawala,Sa dilim malalagutan ng hininga.Lahat ng hirap mauuwi sa wala,Dahil sa taong walang pagkaawa.

Page 5: Proyekto sa lit2 ni Olegario D. Toledana

Kasalukuyang kalagayan ng wikang Pilipino

Ang wikang pilipino sa kasalukuyan ay sadyan nakakalungkot sapagkat marami nang binago at dinagdag na mga salita. Kung kaya’t malimit na ang mga pilipino ay di na nagkakaintindihan. Nagkalat sa buong Pilipinas ang iba’t ibang uri ng salita na pinagpipilitang idagdag sa wikang pilipino, halimbawa na lamang ay ang Gay Language at Mga Salitang Kalye. Mayroon ding mga hiram na salita na ibinabahagi sa ating wikang Pilipino.

Ang alam ko ang wikang pilipino ay binuo upang maging iisang salita nating mga pilipino subalit dahil sa ating iba’t ibang dayalikto ay unti-unti nang nawawala ang tinatawag na wikang Pilipino. Kung kaya naman sa tuwing binabasa ko ang mga sinaunang mga akda ay kalimitang di ko ito maunawaan sapagkat maaring ang mga salita ay naglaho na o napalitan na nang ibang salita sa wikang Pilipino.

Kapag ang sistemang ito nang ating wika ay magpapatuloy hangang sa maging kritikal maaaring ang wikang Pilipino ay maging bahagi na lamang nang mga kasaysayan nang Pilipinas sa darating na mga panahon. Sana’y wag nating hayaang mangyari ito, pagtulungan nating ibangon ang ating sariling wika, ang wikang Pilipino.

Page 6: Proyekto sa lit2 ni Olegario D. Toledana

MON LEON (maikling kuwento)

Akda ni : Olegario Toledana

Noong unang panahon sa isang liblib na pook ng Tinambac, mayroong isang lalaking nagngangalang Leonardo ang namamasyal sa kagubatan, at ang diwatang nagbabantay sa gubat na Alena ang pangalan ay umibig sakanya. subalit nabigo ito kay Leonardo sapagkat may ibang mahal ito, yun ay si Monalisa. Nagalit si Alena sapagkat hindi ito tumatanggap ng pagkabigo.

Sa galit ay isinumpa nito si Monalisa isang gabing tirik na tirik ang bilog na buwan.

Ikaw babae..Maghihirap ka sa iyong panganganak,taong leon ang iyong iluluwal at ikaw ay mamamatay..

At tumawa ito ng pagkalakas lakas at saka naglaho sa karimlan ng gabi.Natakot ang mag-asawa sa sumpa ni alena kung kaya pinuntahan nila ang lahat ng

albularyo sa Nayon subalit wala sa kanilang nakatulong. Umalis sila sa Nayon at nagpakalayo layo. Nanirahan sila sa nakababatang kapatid ni Leonardo na si Jana.

Lumipas ang mga taon, masayang nag sama sina Monalisa at Leonardo, at naganap ang sinabi ng diwata at nabuntis nga si Monalisa.

Ah!!! Leonardo, manganganak na yata ako...Ha...?, teka tatawag ako ng hilot, Jana bantayan mo ang ate Mona mo, tatawagin ko

lang si Aleng RositaSige po kuya! Bilisan mo po...

Dumating ang mga sandali dumating sina Leonardo at si Aleng Rosita at sinimulan ang pagpapa-anak kay Mona. Habang nagsasagawa ng Operasyon ang hilot ay lumabas muna si Leonardo, at doon niya muling nasilayan si Alena sa may di kalayuan nakatawa.

Hindi niya ito pinansin hanggang sa narinig niya ang sigaw mula sa loob ng bahay ay dali-dali siyang pumasok upang alamin ang kalagayan ng kanyang asawa.

Aleng Rosita ano pong nangyari?,bulalas niyaImpakto,Impakto,Impakto ang anak n’yo Leonardo, Impakto!!! Nagsusumigaw na

pahayag ng matandaHuh? Gulat na tanung ni Leonardo at napatingin sa bata, hindi ito bata kundi isang

Leon

Tatakbo na sana palabas ang hilot at si Jana nang bigla silang harangin ni LeonardoTeka! Pagpipigil niya.

Page 7: Proyekto sa lit2 ni Olegario D. Toledana

Aleng Rosita Pakiusap po wag n’yong ipagsabi ito. At wag po nin’yong iwan ang aking asawa sapagkat kailangan ka po niya. Pakiusap po Aleng Rosita, Pakiusap po... Pagmamakaawa niya.

Papalitpalit ng tingin ang matanda sa bata at kay Leonardo... Sa makalipas na isang minuto ay nagdisisyon rin ang matanda.

Segi papayag ako. Subalit ano ang plano mo sa anak n’yo? Dilikado kung bubuhayin mo yan.

Ipinapangako ko po aleng Rosita na lalaki siyang normal na tao sapagkat papalakihin ko siya sa magagandang asal at mabuting kalooban.

Ikaw ang bahala subalit ito lang ang sasabihin ko. Dilikado ang gagawin mo Leonardo.

Salamat po!!! At tumungo sa tabi ng asawa’t anak.

Lumipas ang mga panahon lumaki si Moleo na palihim ang tunay na pagkatao subalit sa pagtungtung niyang sampung taong gulang ay nagsimula na siyang magpapalit palit nang anyo, kung kaya alam na niya ang kanyang pagkatao.

Isa na siyang binata noon at lagi niyang kasama ang kanyang tita Jana at ang kaibigan niyang si Loida. Madalas siyang pumunta sa bahay nina aleng Rosita kaya di malayong mahulog ang loob ni Junmar sa kanya.

Si Junmar ay ang binabaing kapatid ni Loida na anak ni aleng Rosita. Mula nang magkaisip ay nagi nang matalik na magkaibigan sina Moleo at Loida, at nang sila ay high school na ay nakilala ni Loida si Christian isang Chickboy sa Maynila. Nabighani ito sa kagandahan ni Loida kung kaya di nito mapigil ang sarili na mainis kay Moleo sapagkat ito ang laging kasama ng dalagang iniibig niya.

Para namang loka-loka itong si Junmar sa pagpapapansin kay Moleo, dead na dead talaga ito kay Moleo kaya naman madalas biroin ni Jana at Loida si Moleo.

Uy! Moleo...tukso ni JanaWag mong paiiyakin ang kapatid ko ha!.. Dugtong naman ni Loida at humalakhak

ang dalawa.Hay naku! Tigilan n’yo nga ako,,, pag gaganti ni MoleoHoy! Loida pagsabihan mo nga yong kapatid mo, nakakahiya kaya sa mga classmate

natin! Padamdam na sugpong niya.Ayaw ko nga... Sumbat ni Loida at muling humalakhak.

Isang dapit hapun maagang lumabas ang bilog na buwan, pauwi na sina moleo kasama ang tita Jana niya at si Loida. Habang naglalakag ay nakaramdam siyang kakaiba sa kanyang katawan, naramdaman niyang lumalaki ang katawan niya, pumupula ang buhok at humahaba ang mga kuko. Napatigil siya sa paglalakad.

Moleo bakit? Nagtatakang tanong ni JanaAhh! Wala po tita.. Tugon niya

Page 8: Proyekto sa lit2 ni Olegario D. Toledana

Naku! Kailangan ko na pong magmadali, segi po tita mauna na po ako..sabay takbo.Anung nangyari do’n? Gulat na tanong naman ni Loida.Ewan! Gulat ding tugon ni Jana

Pag dating ni Moleo sa bahay nila napansin ni Leonardo ang pagmamadali ng anak.

Oh! Anak maaga ka atang umuwi ngayon? Pananahilan ng ama.Ngunit hindi siya nito tinugon at tumuloy-tuloy sa kanyang silid. Napansin ni Leonardo ang kaunting pulang buhok ng anak sa may likuran.

Malamang magpapalit anyo nanaman ang anak ko... Naibulong niya sa sarili, sabay sinundan ang anak ngunit nang makarating ito sa tapat ng silid ni Moleo ay narinig niya ang malakas na ungol ng Lion. Ninais niyang buksan ang pinto ngunit na isip niyang makakabuting hayaan na muna niya ito. Bumalik na siya sa kusina upang maghanda ng kanilang hapunan at pagtagal ay dumating na rin si Jana.

Kung buhay lang sana si Mona di sana’y hindi ako ang nag luluto rito...Habang nag hahanda ay naisip ni Leonardo.

Si Monalisa ay namatay isang araw mula ng mailuwal si Moleo. Ilang sandali pa ang lumipas ay bumaba na si Moleo mula sa kanyang silid.

Oh! Kumusta na ang pakiramdam mo? Bulalas ni Leonardo sa anakOk lang naman po itay... Tugon ni Moleo sa malumanay na bosesOh sya’t halika na. Sumabay ka na sa amin ng tita Jana mo.Ano pong ulam itay?Siyempre tulad kanina!Nanaman? Kapag ganyan uli ang ulam bukas di na ako kakain.Pasensya ka na anak kasi di pa ako nakaka punta ng palingke eh.Ayus lang po itay. Gusto mo tay kami na lang ni tita ang mamamalingke? Talaga?Oo naman po..Wag na ako na lang.

Hindi na sumabad si Moleo sapagkat alam n’ya ang ibig sabihin ng kanyang ama. Nang mga sumunod na araw naiba na rin sawakas ang ulam nila.

Linggo noon ng pumonta si Moleo kina Loida upang yayaing mag simba.

Tao po!!! Aling Rosita... Tawag niyaOh! Moleo andyan kana pala. Kanina ka pa hinihintay ni Loida. Paliwanag ng

matanda.

Mula sa taas ay narinig niya ang magkapatid na ani mo’y nag-aaway.

Te! Sasama ako! Segi na te oh! Please. Ang pakikimaawa ni Junmar.

Page 9: Proyekto sa lit2 ni Olegario D. Toledana

Wag na, hindi naman pagsisimba ang hangad mo eh! Pagtututol ni Loida.Ah basta sasama ako! Nay kasi oh si ate ayaw akong isama. Pag mamaktol ni

Junmar.Hay naku Anak! Isama mo na at di ka rin naman niyan titigilan. Ani ng Ina.Segi! Pero wag na wag kang makakamaling mag binowang ha! Okay. Sumbat ni

Loida sa kapatid.Okay! Fine! Pag sang ayun ni Junmar.

Pagkatapos ng misa.Papauwi na si Moleo, naramdaman niya nanaman ang pagbabago ng kanyang

katawan. Naramdaman n’ya ring may nakasunod sa kanya. Mabilis siyang tumago sa ilalim ng kagubatan at hindi na niya napigilan ang pagbabagong anyo, at ito ay nasaksihan ni Christian sapagkat ito pala ang sumusunod sa kanya upang kausapin s’ya tungkol kay Loida.

Si Moleo isang taong lion? Gulat na tanung sa kanyang sarili.

Di nagtagal ngumiti ito na parang dimonyo, nanlalaki ang mata, abot tinga ang ngiti.

Ngayon alam ko na ang sekreto mo Moleo!!! Humanda ka !Sabay takbo papalayo.

Habang papauwi si Christian iniisip niya ang nalaman niya kay moleo.

Kaya pala kapag bilog ang buwan at niyayaya namin ay hindi siya sumasama dahil may sa impakto pala ang mukong na ‘yon.

Alam na kaya ni Loida na nag aanyong Lion si Moleo?Sa tingin ko hindi pa. Dahil kung oo bakit pa siya makikipakaibigan sa impaktong

‘yon.

Kinaumagahan tinawagan ni Christian ang kayang pinsan sa karatig nayon. Nabalitaan kasi niya na magbubukas ito ng Perya doon at naisip niyang nababagay doon si Moleo. Hindi siya pumasok sa paaralan sapagkat nakipag-usap siya sa kanyang pinsan. At nang magkasundo na ang magpinsan ay tinipon ni Christian ang kayang mga katropa at kinausap.

Mga tol humanda kayo mamayang gabi..Bakit chris may reresbakan ba?May huhulihin tayong malaking hayopHah?

Di man nila naintindihan ang pahayag ni Christian ay sumang-ayun ang mga ito. At kina gabihan habang nakatirik ang bilog na buwan at papauwi si Moleo galing sa bayan ay napansin niyang may nakasunod sa kanya. Bigla siyang kinabahan kung kaya naman

Page 10: Proyekto sa lit2 ni Olegario D. Toledana

ay nagmadali siya sa pag lalakad subalit sa unahan ay hinarang na siya ng isang naka maskarang lalaki at itinakip sa kanya ang panyong may pangpatulog.

Nagising si Moleo na nakatakip ang mga mata, nakatali ang kamay at paa. Panay ang sigaw niya at paghingi ng tulong subalit wala ni isa man ang duminig sa kanya. Samantala ang ama niya na si Leonardo at ang kapatid nito na si Jana ay nagpatulong na sa paghahanap sa kanya at sa pag aalala ay di naiwasang sisihin ng makapatid ang kanilang sarili sa pagkawala ni Moleo.

Sa pagsapit ng tanghali ay narinig ni Moleo ang pag-uusap ng dalawang lalaki sa labas.

Anu insan nahuli n’yo ba?Oo naman insan ako pa.Oh paano yan yung usapan natin!Oo naman wag kang mag alala hito at dala ko.!Ayus..

Pakatapos ng pag uusap ay tumungo ang dalawa sa silid kung asaan si Moleo.

Sino kayo? Anung kailangan n’yo sa akin? Pagtatanong niya.Wag ka nang dumaldal at di mo na kailangan pangako ay makilala. Sagot ni Christian

at muling pinatulog si Moleo at ibinigay sa kanyang pinsan na si Carlo upang idala sa Perya.

Dalawang araw nang naghahanap sina Leonardo kay Moleo subalit hindi nila ito na tagpuan hanggang sa may marinig silang usap-usapan ng ilang ale sa bayan.

Naka punta kana ba mare sa Perya sa karatig nayon natin?Dipa nga eh...Punta tayo mamaya may taong lion daw doon eh..Totooba yon mare.? Baka costume lang naman!Ewan pero paano natin malalaman kung di natin makikita diba!Oo nga nu! Segi punta tayo mamaya.O segi!

Nang marinig ito ng magkapatid ay inisip nilang si Moleo ang sinasabing taong lion at agad nilang inalam kung saan matatagpuan ang Perya sa karatig nayon.

Samantala sa mga oras na iyon ay naisipang dalawin ni Christian si Moleo sa Perya at bigla siyang dinatnan nang awa at kunsensya nang makita ang kalagayan ni moleo. Walang saplot sa katawan, nak akulong sa malaking silda naka kadena ang mga kamay at paa. At ang masaklap pa ay may lata ng latigo at may pasa sa mukha si Moleo.

Nang mataohan si Christian ay tumungo sa pinsa at kinausap ito.

Insan anung ginawa ninyo kay moleo?

Page 11: Proyekto sa lit2 ni Olegario D. Toledana

Eh nagmamatigas eh!Pero wala ito sa napag- usapan natin. Eh anu ngang magagawa ko insan eh nag mamatigas nga ayaw magtrabaho. At saka

Perya ito nag babayad ako ng malaki kaya kailangan ko ring kumita nang malaki. At isa pa baka nakakalimutan mo ibinenta mo na siya sa akin at binayaran kita sa gusto mung halaga 20,000 yun insan.

Kung ganun babawiin ko na s’ya.Anu ako loko-loko? Diko na s’ya ibibigay sayo. Hahaha!

Di nga na bawe ni Christian si Moleo sa kamay ng kanyang pinsan at dahil doon ay mastumindi pa ang kanyang kunsensya. Kinagabihan bilog na bilog ang buwan. Inihahanda na ang palabas sa Perya. Habang abala ang lahat ay pinuntahan ni Christian si Moleo at tinangkang itakas ito.

Moleo gising.Nang marinig ito ni Moleo ay dali dali itong bumangon at nagulat nang makita si

Christian.A anung ginagawa mo dito? Baka mahuli ka nila! Moleo patawarin mo ako.Hah? Bakit?Ako ang dahilan kung bakit ka andito. Ipinagbili kita sa pinsan ko ng malaman kong

isa kang taong lion at para mawala ka sa tabi ni Loida kaya ko nagawa ito.Anu? Ikaw? Pero paano?Patawad Moleo! Patawad! Pero wag kang mag alala andito ako para iligtas ka.Ako ililigtas mo? Paano? Heto ang susi. Halika at kakalasan kita.

Habang kinakalasan ni Christian si Moleo napansin ni Carlo na nawawala ang susi kung kaya dalidali siyang pumonta sa likod ng tanghalan upang tingnan si Moleo ngunit naka alis na ito. Subalit sinundan niya parin ito sa labas.

Nang mga oras ding yun ay nanghihina na si Moleo dulot ng mga pasa at latay ng latigo sa kanyang katawan. At habang sila’y nasa daan ay narinig nila ang sigaw ni Carlo.

Christian... Ibalik mo saakin ang kinuhamo..Bilis na Moleo at baka ma abotan tayo ni Carlo.Iwan mo na ako Chris nang hihina na ako. Di ko na kayang tumakbo..Anu ka ba Moleo di kita iiwan dito. Halika na

Hindi nag laon ay tumumba si Moleo at naging lion. At inabot nga sila ni Carlo.

Sina sabi ko na nga ba’t ikaw ang kumuha sa taong lion ko.Di mo siya pag aari.Anu? Hindi? Mataohan ka nga Chris. Ibininta mo sya sa akin at binayaran kita kaya

pag-aari ko na s’ya.Dika tumupad sa usapan..

Page 12: Proyekto sa lit2 ni Olegario D. Toledana

Binayaran na nga kita diba! Kaya bahala na ako kung ano ang gagawin sa kanya. At tsaka kasalanan ko ba kung matigas ang ulo ng lion na yan?

Hindi ko siya ibibigay sayo.Ah ganun segi pero lasapin mo to..

At bumunot ng baril si Carlo at ipinutok kay Christian subalit hinarang ni Moleo ang bala kung kaya ito ang tinamaan sa dibdib.

Puputokan pa sana ni Carlo si Christian subalit dumating ang mga pulis kasama sina Leonardo, Jana, Loida, Aleng Rosita, at si Junmar.

Ayus kalang ba Chris?Bakit mo tinatanung kung ayus lang ako? Ikaw ang dapat tanungin ko n’yan. Alagaan mo si Loida ha!Anu bang pinagsasabi mo? Di ka Mamamatay dadalhin ka namin sa ospital.Wag na.

Sabay nalagutan ng hininga si Moleo.

Tulong... Sigaw ni ChristianAt nakalapit na rin ang hindi makapaniwalang ama na si Leonardo.Niyakap ng mahigpit ang anak at sunod sunod na nagtanung.

Bakit kailangang umabot sa ganito? Binawe mo na ang asawa ko bakit pati anak ko? Bakit di nalang ako ang kunin mo? Bakit?

Isang sandali pa ay lumiwanag ang buong lugar at kanilang nasilayan ang napakagandang dilag na nakalutang sa hangin at yun ay ang diwatang si Alena.

Bina bawe ko na ang sumpa sa iyong anak Leonardo sapagkat napatawad na kita. Aking napagtanto na mali ang aking ginawa. Sapagkat nalaman kung ang nagmamahal ay handang magparaya at magbuwis ng sariling buhay para sa iba.Sana ay patuloy kayung magmahalang mga tao, alisin ang ingit sa inyong mga puso at patuloy na magpakumbaba upang patuloy rin kayong mabuhay nang mapayapa.

At pagkaraan ay naglaho na ang diwata. Nagliwanag ang buong katawan ni Moleo, nawala ang mga sugat,pasa at latay sa katawan niya at muli siyang nabuhay ng gabing iyon. Natuwa ang lahat at na hawi ang mga luha sa mga mata ng bawat isa ng kanilang muling masilayan na si Moleo ay muling nabuhay.

Kina umagahan ay naging maayus na ang lahat. Naging normal na tao si Moleo, naging magkasintahan sina Loida at Christian, nakulong si Carlo, at naging matalik na magkaibigan sina Moleo at Christian. Subalit mayroong di nagbago at yon ay ang pagpapantasya ni Junmar kay Moleo.

Page 13: Proyekto sa lit2 ni Olegario D. Toledana

Nasaan ka manBy: Olegario Toledana

Sound from: On the wings of love

Kapag nakita ka mundo ko’y sumasaya

sa bawat araw ng buhay laging hanap

kaDi mapalagay

kapag dika nakikitaNais ko lang sa

tuwina ay kapiling ka

Nasaan ka man dika papalitan

Nag-iisa ka lang nasaan ka man

Nasaan kaman tanging ikaw lamang

At wala na ngang iba kahit na ikaw ay

nasaan man

Tumingin ka lang at ako’y matutunawSa bawat sulyap mo

ako’y nasisilaw

Kahit sabihin mang ako’y nababaliwAyus lang sapagkat kapiling ay ikaw

Nasaan ka man dika papalitan

Nag-iisa ka lang nasaan ka man

Nasaan kaman tanging ikaw lamang

At wala na ngang iba kahit na ikaw ay

nasaan man

At kung ika’y akin, ako’y sayo lang dinKahit na mailayo ka

pa sa akinNag-iisa ka lang, di

ka papalitanKahit na kaylan

ma’y nag-iisa ka lang

Page 14: Proyekto sa lit2 ni Olegario D. Toledana

Nasaan ka man dika papalitan

Nag-iisa ka lang nasaan ka man

Nasaan kaman tanging ikaw lamang

At wala na ngang iba(At wala na ngang

iba)

Nasaan ka man dika papalitan

Nag-iisa ka lang nasaan ka man

Nasaan kaman tanging ikaw lamang

At wala na ngang iba kahit na ikaw ay

nasaan man

TinambacBy olegario toledana

Tinambaqueno

kay saya sa san pascualKung dito ka makakasalSilibrasyon ng himoragat

Tuloy tuloy lang sa pag angat

Ibaling sa daming tanawinDi dapat natin palampasinDapat pa nating tangkilikin

Ito ay sariling atin

Tinambac kay gandang masdanTinambac ikay masisiyahan

Ating tuklasin ang kabayananDito tayo‘y mas sisiyahan

Tinambac kay gandang puntahanTinambac ikay masisiyahan

Ating tuklasin ang kabayananDito tayo‘y mas sisiyahan

Silipin ang isla CaaluanAt baybayin ng LibanonMga luntiang halaman

Ito’y handog ng kalikasan

Page 15: Proyekto sa lit2 ni Olegario D. Toledana

Hali na’t pumunta ng salogMasdan ang ganda ng cagliliog

Mga pagkaing nakakabosogAt fiestang nakakaindayog

Tinambac kay gandang masdanTinambac ikay masisiyahanAting tulasin ang kabayananDito tayo‘y mas sisiyahan

Tinambac kay gandang puntahanTinambac ikay masisiyahanAting tulasin ang kabayananDito tayo‘y mas sisiyahan

TINAMBAC

AWIT ng GROUP1Sound from: Camsur by Karylle

Intro:Tinambaqueño...

Luntiang bayan ng tinambacSa kasaysaya’y namumulaklakSa berding ilog ng himoragatSiguradong ikay mabibihag

Maraming pook sa TinambacMaaari nating puntahanSa tanawin ay mayaman

Pagkat ito ang tanging yaman

Chorus:Tinambac kay gandang masdan

Tinambac ikay masisiyahanAting tuklasin ang kayamanan

Dito tayo‘y masisiyahan

Tinambac kay gandang puntahanTinambac ikay masisiyahan

Ating tuklasin ang kayamananDito tayo‘y masisiyahan

Ref:

Tinambac paligid ay tubigSa Dagat, sa sapa at sa ilog

Mga pagkain ay nakakabusogAt fiesta’y nakakaindayog

Pook madalas na dayuhinSa awit ay bibigkasin

Caliliog, Tierra, at TambanMagtang, Antipolo’t Caaluan

Rap:Sa Tamban piyer ay matatagpuan

Sa Tierra ang fiesta ng tinagbaAng Cagliliog may malinis na dagat

At Caaluan ang Isla’y luntian

Tinambac lugar ng likas na yamanAng tanawin ay tyak kawiwilihan

Chorus:Tinambac kay gandang masdan

Tinambac ikay masisiyahanAting tulasin ang kayamanan

Page 16: Proyekto sa lit2 ni Olegario D. Toledana

Dito tayo‘y masisiyahan

Tinambac kay gandang puntahan

Tinambac ikay masisiyahanAting tuklasin ang kayamanan

Dito tayo‘y masisiyahan

Republic of the PhilippinesPARTIDO STATE UNIVERSITY

Tinambac CampusBinalay,Tinambac,Camarines Sur

Page 17: Proyekto sa lit2 ni Olegario D. Toledana

Ipinasa ni:

Olegario D. Toledana BSOA2

Ipinasa kay:

Bb. Hennecy B. Cabrejas

Bayan kung TinambacBy: Olegario Toledana

Sa paglipas ng taonDarating ang pag boto

Tayo ay nalilitoSa mga kandidato

Laganap ang krimenSa ating inang bayan

Dahil sa pulitikaTayo ay nag aaway

Bayan kung tinambacIkaw ngayo’y nasasadlak

Sa hirap anung saklapMga pinuno’y sadyang kurap

Patawarin mo sila Sa kanilang ginagawa

Sapagkat sila’y sabik sa pera

Page 18: Proyekto sa lit2 ni Olegario D. Toledana

Tulongan n’yo ako Ituwid ang daan

Sapagkat nais kongBayan natin umunlad

Alisin ang kabaIwasan ang pulitikaPumili ka ng tama

Upang di ka magdusa

Bayan kung tinambacIkaw ngayo’y nasasadlak

Sa hirap anung saklapMga pinuno’y sadyang kurap

Patawarin mo sila Sa kanilang ginagawa

Sapagkat sila’y sabik sa pera

Awit ng panitikanBy:Olegario Toledana

Page 19: Proyekto sa lit2 ni Olegario D. Toledana

Intro:Panitikan ay lupa gamitin

natinSa pagtuklas ng mga

akdang babasahinIto’y hanapin lang at saka

basahinAt maaantig ang ating

mga damdamin

Chorus:Panitika’y bituin

nagbibigay ningningSa mga kasagutang ating

hinihilingIto’y handang tumulong

sumagot sa atinWikang Filipino dito ay

ating gamitin

Ref:Literatura’y sagot ating

kaylanganSa mga tanong na tungkol

sa ating bayanIto ay sandigan nitong

kasarinlanSa bundok o burol, maging

kapatagan

Rap:Panitikan ay hangin siyang

bumubuhaySa mga nahihimlay na

kultura’t patayIto’y nagbibigay ng

sayang dalisaySa mga tradisyon at

pagtatagumpayOh yeah

Chorus:Panitika’y bituin

nagbibigay ningningSa mga kasagutang ating

hinihilingIto’y handang tumulong

sumagot sa atinWikang Filipino dito ay

ating gamitin

Coda:May alab ng apoy at lakas

ng batoAt kinang ng bituin na wari

ay gintoDamdamin ng Pinoy

matatag na hukboNa lakas ng ating pagka

pilipino.

Page 20: Proyekto sa lit2 ni Olegario D. Toledana

Chorus:Panitika’y bituin

nagbibigay ningningSa mga kasagutang ating

hinihilingIto’y handang tumulong

sumagot sa atinWikang Filipino dito ay

ating gamitin

Panitika’y bituin nagbibigay ningning

Sa mga kasagutang ating hinihiling

Ito’y handang tumulong sumagot sa atin

Wikang Filipino dito ay ating gamitin

Ang awit ng wika

Intro:Ang wika ay tubig na

nakakaputiNg pusong may sala at

bahid ng dumiManalangin lamang at

saka magsisiAt patatawarin ng Poong

mabuti

Chorus:Ang wika ay apoy

nagbibigay initSa sanggol na hulog ng

anghel sa langitAng inang kumalung at

siyang umawitWikang Filipino ang siyang

ginamit

Ref:Ang wika ay buto na

siyang tuntunganNitong mga paa ng mahal

Page 21: Proyekto sa lit2 ni Olegario D. Toledana

na bayanWika ay sandigan nitong

kasarinlanSa bundok o burol, maging

kapatagan

Rap:Ang wika ay hangin siyang

bumubuhaySa patid na hinga ng

kulturang patayIto’y nagbibigay ng siglang

mahusaySa mga tradisyon at

pagtatagumpayOh yeah

Chorus:Ang wika ay apoy

nagbibigay initSa sanggol na hulog ng

anghel sa langitAng inang kumalung at

siyang umawitWikang Filipino ang siyang

ginamit

Coda:May alab ng apoy at lakas

ng bato

At kinang ng tubig na wari ay ginto

Wikang Filipino’y matatag na hukbo

Na lakas ng iyong pagka Pilipino

Chorus:Ang wika ay apoy

nagbibigay initSa sanggol na hulog ng

anghel sa langitAng inang kumalung at

siyang umawitWikang Filipino ang siyang

ginamit

Ang wika ay apoy nagbibigay init

Sa sanggol na hulog ng anghel sa langit

Ang inang kumalung at siyang umawit

Wikang Filipino ang siyang ginamit

Page 22: Proyekto sa lit2 ni Olegario D. Toledana

PANITIKAN ANG RIGHTAwit ng group1-BSOA2

Kasaysayan ang simulaAt lahat nilathala

Nang ika’y mabasaIsipan ko ay gumanda

Puso kong may kulangBigla na lang sumaya

Panitikan ikaw ang simula

Hindi ko mapigilan ang aking nadarama

Kapag ako’y nagbabasaAng mundo ko’y gumaganda

Sabi pa nila panitikan at nobela

Alamat, dalit, dula, anikdota

Chorus:

Panitikan na ba ang right?Para tayo’y maging bright

Makakatulong ba ito sa pag-aaral ko?

Nag tuturo sya ng rightPara tayo’y maging brightBalagtasan, tula, bugtong,

duplo, at epiko

Panitikan na ba? Panitikan na ba?

Panitikan na ba?

Kahit na malabo di alam saan tutungo

Pero di pagkakait nalaman ko ang totoo

Page 23: Proyekto sa lit2 ni Olegario D. Toledana

Tungkol sa oda, soneto, at tulang liriko

Sana nga matulungan mo ako

Chorus:Panitikan na ba ang right?Para tayo’y maging bright

Makakatulong ba ito sa pag-aaral ko?

Nag tuturo sya ng rightPara tayo’y maging brightBalagtasan, tula, bugtong,

duplo, at epiko

Panitikan na ba? Panitikan na ba?

Panitikan na ba?

Kasaysayan parte ng buhay ko

Panitikan di mawawala sa puso ko

Chorus:Panitikan na ba ang right?Para tayo’y maging bright

Makakatulong ba ito sa pag-aaral ko?

Nag tuturo sya ng right

Para tayo’y maging brightBalagtasan, tula, bugtong,

duplo, at epiko

Panitikan na ba? Panitikan na ba?

Panitikan na ba?