proyekto sa A.P

download proyekto sa A.P

of 16

  • date post

    21-Mar-2017
  • Category

    Education

  • view

    226
  • download

    5

Embed Size (px)

Transcript of proyekto sa A.P

Sto. Domingo intergrated school

Sto. Domingo intergrated school Proyekto sa A.P.8

Submitted ni: unice ylarde m.Submitted kay: mary flor mercado A.

Ang katangian ng klima sa asya.

Mga katangian ng klima Habagat.Amihan.

Habagat

Halimbawa ng habagat sa asya

Ang Hanging Habagat (Southwest Monsoon) ay isang maulap, mainit, at basang klima na karaniwang nabubuo sa pagitan ng mga buwan ng Mayo at Hunyo at lumalakas sa mga buwan ng Hulyo at Agosto. Kadalasang nagmumula ang kaulapan ng hanging habagat sa timog-kanlurang bahagi ng Pilipinas na maaaring dumaan pakanluran, patimog, o patimog-silangan. Maaaring magkaroon ng mga hanging nagmumula sa karagatan o kalupaan sa tuwing mahina ang paggalaw ng hanging habagat.

Mainit at mamasa-masa ang hanging habagat na may temperaturang 25.5 sentigrado hanggang 27.5 sentigrado. Nabubuo ito kapag dumaloy ang mainit at basang hangin sa timog-kanluran at nagdudulot ng malakas na pag-ulan sa kanlurang bahagi ng bansa na maaaring magtagal nang isang linggo. Nakaaapekto ito sa klima ng Pilipinas tuwing buwan ng Mayo hanggang Septyembre.

Bagama't hindi tiyak kung kailan nagsisimulang kumilos ang kaulapan sa Dagat Timog Tsina, naitala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pamumuo ng hangin nang hilagang-silanganin tuwing Abril, timog-silanganin tuwing Mayo, katimugan sa buwan ng Hunyo at timog-kanluranin pagsapit ng Hulyo, Agosto at Setyembre. Noong 1991 at 1992, maagang pumasok ang habagat sa bansa sa buwan ng Hunyo, kasabay ng pagputok ng Bulkang Mayon.

amihan

Ang Hanging Amihan (Northeast Monsoon) ay isang malamig at tuyong hangin na nababasa sa pagsipsip nito ng tubig habang kumikilos. Kadalasan itong nakaaapekto sa Pilipinas tuwing buwan ng Oktubre hanggang Marso.

Malamig at tuyo ang hanging amihan na may temperaturang -5' F sa pamumuo. Nahihigop nito ang hangin sa hilagang-kanluran ng Karagatang Pasipiko, at dumarating sa Pilipinas na may 77' F.Nabubuo ang hanging amihan sa paghalo ng malamig na hangin mula sa Asiatic anticyclone na may direksyong tumatawid sa bansang Hapon. Dumaraan ito sa Pilipinas mula sa hilaga o silangang bahagi ng bansa. Maaari itong magsimula sa buwan ng Oktubre, magiging napakalakas sa buwan ng Enero, at hihina lamang pagdating ng Marso at tuluyang mawawala pagsapit ng Abril.Mabibigat na stratocumulus na mga ulap na may panaka-nakang pag-ulan.

Bakit nagbabago ng klima sa ating bansa?

dahil umiikot ang mundo sa sarili nyang axis at nagiiba ang kalagayan ng araw natin paginit o ulan kungumiikot ito dito na natin malalaman kung uminit man o umaraw.

Dito natatapos ang aking proyekto