Ponolohiya.ppt

40
-- ang tawag sa maagham na pag-aaral ng tunog -- pinag-aaralan ang wastong bigkas ng mga tunog na tinatawag na ponema.

Transcript of Ponolohiya.ppt

Page 1: Ponolohiya.ppt

-- ang tawag sa maagham na pag-aaral ng tunog-- pinag-aaralan ang wastong bigkas ng mga tunog na tinatawag na ponema.

Page 2: Ponolohiya.ppt

Ponetiko – ang galaw at bahagi ng katawan ng tao saklaw sa pag-aaral kung saan isinagawa ng tunog sa pagsasalita o wastong pagbigkas.

Ponema – ang tawag sa mga yunit ng tunog ng isang wika

( Phoneme) phone -- tunog eme -- makabuluhan-- tumutukoy ito sa makabuluhang tunog –

ang bawat ponema ay maaaring makapagbago ng kahulugan ng isang salita

Hal. Nasa- pasa-- Maari ring di makapagpabago – Malayang

nagpapalitan Hal. Babae-babai; lalake-lalaki

Page 3: Ponolohiya.ppt

Ponemang Katinig – binubuo ng 16 na ponema– 16 / b/, /p/, /k /, /g/, /d/, /t/, /h/, /s/, /l/, /r/, /m/,

/n/, /ng/, /w/,/y/, / ˆ ΄ -/.

Ponemang Patinig - ayon sa mga linggwista at ilang mananaliksik, tatatlo lamang ang patinig ng Filipino; /a/, /i/, at /u/. Ayon kay Cubar (1994) ang fonemang /e/ at /o/ ay hiram na salita sa Kastila at English.

Page 4: Ponolohiya.ppt

ang tunog na /e/ at /i/ o /o/ at /u/ ay malayang nagkakapalitan na hindi nagbabago ang kahulugan ng mga salita-- Allophone

Diptonggo/ Malapatinig – tumutukoy ito sa pinagsamang tunog ng isang patinig /a,e,I,o,u / at tunog ng isang malapatinig /w, y/ sa iisang pantig. (aw, iw, ow,ay ey,oy,uy) Hal. araw, ayaw, baboy atbp.

Klaster o Kambal Katinig– ito ay magkasamang tunog ng dalawang ponemang katinig sa iisang pantig; matatagpuan ito sa– inisyal, sentral, pinal Hal. Blusa, kwento, hwag atbp.

Page 5: Ponolohiya.ppt

Pares Minimal – magkatugmang salita na hindi magkaugnay na kahulugan subalit tugmang-tugma sa bigkas maliban sa isang ponema. Hal. Pala-bala ; hari- pari

Ponemang Malayang Nagpapalitan (Allophone)– malayang nagpapalitan ang e at I; o at u. Hal. lalake- lalaki,

Impit na tunog o Glotal sa Pasara – ang ponemang ito ang bukod tanging inirerepresinta ng titik o letra sa halip ay tuldik na paiwa ( ΄ ) para sa salitang malumi, tuldik na ( ˆ ) para sa salitang maragsa, kung ang tunog na ito ay nasa pusisyong pinal ng salita at kung minsan inireprisinta rin ito ng gitling kung ang tunog na ito ay nasa gitna ng salita sa pagitan ng panlapi o salitang nagtatapos sa katinig at ang kasunod na salita ay nagsisimula sa patinig.

Ang mga salitang natatapos sa tunog na impit at tinatawag na malumi at maragsa tulad ng mga halimbawa:

Salitang Malumi Salitang Maragsa1. bata ΄ - child pipi ˆ - fattened2. nasa ΄- desire, wish tala ˆ - list,note

Page 6: Ponolohiya.ppt

Ponemang Suprasegemental Tono – tumutukoy ito sa pagtaas at pagbaba

ng tinig. -- nakukuha ang mensahe ng kausap– nangangaral, naiinis, nang-iinsulto, nagtatanong, nakikiusap o nag-uutos.

Haba- tumutukoy sa haba ng bigkas sa pantig ng salita na may patinig o katinig.

Diin - tumutukoy ito sa lakas ng bigkas sa pantig na kailangang bigyang-diin.

Antala/ Hinto/ Pagtigil – saglit na pagtigil

Page 7: Ponolohiya.ppt
Page 8: Ponolohiya.ppt

Ang Prinsipal na sangkap ng Pananalita

Ang enerhiya ay ang nalilikhang presyon o presyur ng papalabas na hiningang galing sa baga na siyang nagpapakatal sa mga babagtingang pantinig na siyang gumaganap na artikulador. Lumilikha ito ng tunog na minomodipika ng bibig na siya namang nagiging patunugan o resonador. Ang itinuturing na mga resonador ay ang bibig at guwang ng ilong

Page 9: Ponolohiya.ppt

Ang bibig ng tao ( tingnan ang larawan ni OSCAR) ay may apat na bahaging mahalaga sa pagbigkas ng mga tunog.

1.Dila at panga ( sa ibaba)2.Ngipin at labi ( sa unahan)3.Matigas na ngalangala ( sa itaas)4.Malambot na ngalangala ( sa likod)

Page 10: Ponolohiya.ppt

2 uri ng ponemaPonemang Segmental– 21 ponemaPonemang Suprasegmental

Page 11: Ponolohiya.ppt

Tsart ng Ponemang Segmental na Katinig

Paraan ng Pagbigkas o Artikulasyon

Punto ng Artikulasyon

Panlabi (bilabial)

Pangngipin ( dental)

Panggilagid

Pangngalala

Panlalamunan (Larinjal)

Impit (glottal)

Matigas (palatal)

Malambot (velar)

Pasara: w.t.Pasara: m.t.

pb

td

kg

?

Pasutsot: w.t.(Fricative)

s h

Pailong: m.t.(nasal)

m n ŋ (ng)

Pagilagid: m.t. (lateral)

l

Pangalatal:m.t. (flap)

r

Malapatinig: m.t.

y w

Page 12: Ponolohiya.ppt

Punto ng Artikulasyon– tumutukoy sa kung anong bahagi ng bibig naisasagawa ang pagbigkas sa ponema

Paraan ng Artikulasyon– pagbigkas sa paraan ng pagpapalabas ng hangin sa bibig o ilong.

Page 13: Ponolohiya.ppt

Tsart ng Segmental ng Ponemang Patinig

Ayos ng Dila

Bahagi ng Dila

Harap Sentral likod

mataas i u

gitna e o

mababa a

Page 14: Ponolohiya.ppt

MorpolohiyaIto ang tawag sa pag-aaral ng mga morpema ng isang wika at ng pagbubuo ng mga ito sa salita.

Tinatawag din itong palabuuan.

Page 15: Ponolohiya.ppt

MorpemaAng tawag sa pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan.

May tatlong uri ng morpema– istem/salitang-ugat, panlapi at morpemang binubuo ng isang ponema.

Page 16: Ponolohiya.ppt

Istem/ Salitang- ugat– ay ang payak na salitang walang panlapi. Ang mga ito ay maaring pangngalan, pang-uri at pandiwa.

Panlapi– tinatawag na di- malaya sapagkat nalalaman lamang ang kahulugan nito kapag naisama na ito sa istem.

Tinatawag na panlaping makangalan, kapag ang nabubuong salita ay pangngalan; panlaping makauri, kapag ang nabubuong salita ay pang-uri at panlaping makadiwa, kapag ang nabubuong salita’y pandiwa.

Page 17: Ponolohiya.ppt

Morpemang binubuo ng isang ponemaMatatagpuan ito sa mga salitang buhat sa

Kastila– senador/ senadora; mayor/ mayora

• sa mga salitang nagtatapos sa o na nangangahulugan ng lalaki at sa mga salitang nagtatapos sa a na nangunguhulugang babae— barbero/ barbera; Aurelio/ Aurelia at iba pa.

Page 18: Ponolohiya.ppt

Bukod sa mga istem at mga panlapi, nakabubuo rin ng mga bagong salita sa pamamagitan ng pag-uulit at pagtatambal ng mga salita.

Pag-uulit-- may tatlong paraan a. Parsyal o di-ganap na pag-uulit – unang pantig

lamang ang inuulit. Hal. babasa, susulat, aawit b. Ganap na pag-uulit– buong salitang-ugat ang inuulit. Hal. Araw-araw, gabi-gabi

c. Kumbinasyon ng parsyal at ganap na pag-uulit hal. Tutulog-tulog, sasayaw-sayaw, aalis-alis

Pagtatambal – pinagsasama sa isang pahayag ang dalawang salitang pinagtambal para makabuo ng isang salita.

a. Malatambalan-- hal. Tsaang-gubat, bahay-ampunan

b. Tambalang-ganap— hal. Bahag+hari=rainbow; balat+sibuyas=

maramdamin

Page 19: Ponolohiya.ppt

Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko1. Asimilasyon / ŋ/ o /ng/ a. Asimilasyong di- ganap / parsyal

hal. Pampalengke pambayad pandama pangkahoy

b. Asimilasyong ganap hal. Pang-+palengke pamalengke

pang-+bahay pamahay pang-+tabing panabing pang- +kahoy pangahoy

pan-+talo panalo

Page 20: Ponolohiya.ppt

[ pam-] [ pan-] [ pang-]

Pampuno Pandakot Pang-abono

Pambata Panligo Pang-ihip

Pambenta Panregalo Pang-ekis

pampalo Pansukat Pang-uso

Pantali Pang-ospital

Pangkayod

pangnanay

panggisa

pangwagayway

pangyero

Page 21: Ponolohiya.ppt

2. Pagpapalit ng Ponemaa. /d/-- /r/ ≈ madami ≈ marami –pag

patinig ang hulihan ng unlapi.

b. /d/ -- /r/ ≈ lipad+ -in ≈ lipadin ≈ liparin

[-in/ -an] pahid+ -an ≈ pahidan ≈ pahiran

c. /h/ -- /n/ ≈ kuha+han ≈ kuhahan ≈ kuhanan

d. /0/ -- /u/ ≈ laro+an ≈ laruan≈ bunso ≈ bunsung-bunso

Page 22: Ponolohiya.ppt

3. Metatesis/ Maylipat a. Nagkakapalit ang /l/ o /y/ ng salitang-ugat kapag ginigitlapian ng [-in] ang mga ito.

hal. -in- + laro ≈ nilaro-in- + yari ≈ niyari-in- + regalo + an ≈ rinegaluhan ≈

niregaluhan

b. Pagkakaltas ng ganaphal. silid + an ≈ silidan ≈ sidlan

atip + an ≈ atipan ≈ aptantakip+-an ≈ takipan ≈ takpan

Page 23: Ponolohiya.ppt

4. Pagkakaltas ng Ponema-- kung ang huling ponemang patinig ng

salitang-ugat ay nawawala sa paghuhulapi nito.

hal. Bukas + an ≈ bukasan ≈ buksan asin + an ≈ asinan ≈ asnan

5. Paglilipat- diin-- kapag nilalapian ang mga salita,

nagbabago ang diin nito.hal. Basa + -hin ≈ bahin takbo + -han ≈ takbuhan uwi + -an ≈ uwian

Page 24: Ponolohiya.ppt

6. Pagdaragdag o Pagsusudlong-- pagdaragdag ng isa pang hulapi

gayong mayroon nang hulapi ang nasabing salitang-ugat.

hal. tukso + han + an ≈ tuksuhan

7. Pag- iisa ng dalawa o higit pang salita o pag-aangkop

-- pagsasama ng bahagi o pantig ng dalawang salita.

hal. wika + mo ≈ kamo

tayo na ≈ tena

hintay ka ≈ teka

Page 25: Ponolohiya.ppt

Pagbubuo ng mga Salita1. Paglalapi – pagkakapit ng iba’t ibang uri ng panlapi

sa isang salitang0ugat, nakabubuo ng iba’t ibang salita na may kani-kaniyang kahulugan.

hal. Tubigma-+tubig = matubig (maraming tubig)pa-+tubig = patubig (padaloy ng tubig)tubig+-an= tubigan (lagyan ng tubig)tubig+-in = tinubig (pinarusahan sa tubig)

Page 26: Ponolohiya.ppt

2. Pag-uulit – paraan ng pagbuo ng salita mula sa morpemang salitang-ugat.

Pag-uulit na ganaphal. Taon taun-taon bahay bahay-bahay

Pag-uulit na Parsyal usok uusok balita bali-balita

Pag-uulit na parsyal at ganap sigla masigla-sigla saya masaya-saya

Page 27: Ponolohiya.ppt

3. Pagtatambal ng salita - pagbubuo ng salita na pinagsasama ng dalawang morpemang salitang-ugat.

a. Inilalarawan ng ikalawang salita ang unang salitahal. Taong- bundok, kulay- dugo

b. Tinatanggap ng unang salita ang ginagawa ng unang salitahal. Ingat- yaman, pamatid- uhaw

c. Ipinapakita ng ikalawang salita ang gamit ng unang salita hal. Bahay-aliwan, silid- aralan

d. Isinasaad ng ikalawang salita ang pinagmulan ng unang salitahal. Batang-lansangan, kahoy- gubat

e. Kasabay o katimbang ng ikalawang salita ang unang salitahal. Urong- sulong, lulubog-lilitaw

Page 28: Ponolohiya.ppt

Pagtatambal ng dalawang salitang-ugat na maaaring makalikha ng ikatlong kahulugan

hal.basag + ulo = basaguloanak+ pawis = anakpawisdalaga+ bukid = dalagambukid

Page 29: Ponolohiya.ppt

SintaksAng pagkakaalam kung paano pinagsasama-

sama ang mga salita para bumuo ng mga parirala at mga pangungusap.

Ito ay may kinalaman sa sistema ng mga tuntunin at mga kategori na siyang batayan ng pagbubuo ng mga pangungusap.

Pag-aaral ng istraktura ng mga pangungusap.1a. * binulsa ko ang mabangong panyo1b. * bumulsa ko ang mabangong panyo1c. * Ibinulsa ko ang mabangong panyo.

Page 30: Ponolohiya.ppt

Parirala at Sugnay Sugnay

-- isang lipon ng mga salitangmay simuno o paksa at panaguri-- buo o hindi buo ang diwa.

1.Sugnay na makapag-iisa – nagtataglay ng buong diwa o kaisipan. Hal. Ako ay nakahiga,nang siya’y umalis.

2.Sugnay na di-makapag-iisa – di buo ang diwahal. Kung ako’y mayaman, hindi na ako magtatrabaho.

• Parirala -- lipon ng salita na walang paksa o simuno at

panaguri at wala ring buong diwa o kaisipan.

Page 31: Ponolohiya.ppt

PangungusapIsang salita o lipon ng mga salita na

nagpapahayag ng buong diwa.

2 Bahagi ng pangungusapKaraniwang ayos – nauuna ang panaguriDi- karaniwang ayos– nauuna ang paksa sa panaguri. (ay)

Page 32: Ponolohiya.ppt

Anyo ng Pangungusap1. Payak na pangungusap– binubuo ng isang

paksa at isang panaguri na may iisang diwaa) May payak na paksa at payak na panaguri.

Hal. Pinsan ko po siya.b) May tambalang paksa at payak na panaguri.

hal. Nagsusulat ng komposisyon ang guro at ang mga mag-aaral.

c) May payak na paksa at tambalang panagurihal. Ang mga bata ay nagsasayaw at umaawit.

d) May tambalang panaguri at tambalang paksa.hal. Namimili ng paninda sa ibang bansa at nagbebenta sa Pilipinas sina Aling Nena at Menchie.

Page 33: Ponolohiya.ppt

2. Tambalang Pangungusap-- binubuo ng dalawang magkatimbang na payak na pangungusap.-- dapat magkaugnay ang mga ito at nagkakaisa sa kahulugan.

Pandugtong = pangatnig = at, o, pero, ngunit, subalit o datapwat , : , ;

3. Hugnayang Pangungusap-- Binubuo naman ito ng dalawang sugnay.-- Buo ang diwa ng isang sugnay, habang ang isang sugnay ay hindi

Pandugtong = dahil,kung,kapag,nang,sapagkat,upang at iba pa.

Page 34: Ponolohiya.ppt

Pagpapahaba ng Pangungusap1. Pagpapahaba sa pamamagitan ng kataga

kataga- pa,ba,man,naman,nga,pala at iba pa.2. Pagpapahaba sa pamamagitan ng panuring

panuring = na at ng3. Pagpapahaba sa pamamagitan ng

kumplemento-- tinatawag na kumplemento ang bahagi ng panagui na nagbibigay ng kahulugan sa pandiwa.a. Kumplementong tagaganap– pinangungunahan ito ng panandang ng at mga panghalili nito.hal. Itininda ng kaibigan na babae ang bestida.

Page 35: Ponolohiya.ppt

b. Kumplementong Tagatanggap-- kung sino ang makikinabang sa sinasabi ng pandiwaPananda– para sa, para kay, at para kina.hal. Nagpaluto ng pagkain si Louie para sa mga bisitang darating.

c. Kumplementong Ganapan– Pananda– sa hal. Nagpiknik sila sa tabing ilog.

d. Kumplementong Sanhi – Isinasaad dito ang kadahilanan ng pangyayari ng kilos ng pandiwa.Pananda– dahil, sa, kay hal. Dahil kay Rosa, nahuli ng dating si Nora.

Page 36: Ponolohiya.ppt

e. Kumplementong Layon – tinutukoy ang bagay.Pananda – nghal. Nagtinda ng sapatos si Nanay.

f. Kumplementong Kagamitan o instrumento-- tumutukoy ito sa kung anong instrumento o kagamitan ang ginagamit para maisakatuparan ang kilos ng pandiwa.

Page 37: Ponolohiya.ppt

4. Pagpapahaba sa pamamagitan ng pagtatambal-- maaaring magtambal ang dalawang batayan o payak na pangungusap sa pamamagitan ng mga pangatnig na at, ngunit, datapwat, subalit, saka at iba pa. Hal. Dumating ang kanyang guro sa kanilang bahay subalit nakaalis na ang kanyang mga magulang.

Page 38: Ponolohiya.ppt

Pokus ng PandiwaTumutukoy sa kaugnayan ng pandiwa sa

paksa ng pangungusap.

1.Pokus sa Tagaganap o aktor– kapag ang paksa ng pangungusap ang tagaganap o nagsasagawa ng kilos na isinasaad ng pandiwa.Panlapi– mag,um, mang, makapag, maka, at mag.Hal. Nagsulat ng tula si Perla.

Page 39: Ponolohiya.ppt

2. Pokus sa layon– kung ang paksa ng pangungusap ay ang layon ng pandiwa.Panlapi– i-, -an, ma, ipa-, at –inHal. Ipadadala ko na kay Lorna ang relong binili ko.

3. Pokus sa Ganapan – kung ang paksa ay ang lugar na pinangyarihan ng kilos na isinasaad ng pandiwa.Panlapi-- -an, pag-, mapag, at pang- an/ han.Hal. Pinaglutuan ni Nena ng Bigas ang kawayan.

4. Pokus na Tagatanggap o Pinaglalaanan– kung ang paksa ng pangungusap ay ang tagatanggap o pinaglalaanan ng kilos.Panlapi– I, ipang- , at ipag.

Page 40: Ponolohiya.ppt

5. Pokus na kagamitan (Instrumental) -- kung ang paksa ay kagamitan o kasangkapan ng kilos.Panlapi– ipang-.Hal. Ipang-aasim ni Rosa sa sinigang ang sampalok.

6. Pokus sa Sanhi– nasa pokus sa sanhi o kadahilanan ang pandiwa kung ang paksa ng pangungusap ang sanhi o dahilan.Panlapi– ika-,Hal. Ikaliligaya ko ang pagtira sa iyong bahay.

7. Pokus Resiprokal– kung ang paksa ng pangungusap ay siyang tagaganap o tagatanggap ng kilos.Panlapi-- mag-, at mag –an.Hal. Muling nagsumbatan ang magkaibigan.