Pinagbuting Maternal Health Program, isusulong2 AAYAA AAARA CARD MRI Ngunit sa kabila ng magagandang...

20
1 SULONG: PAHAYAGANG PANGKAUNLARAN NG CARD MRI | Ika-15 anibersaryo ng CARD MBA, ipinagdiwang ni Cyrene Lubigan Ipinagdiwang ng CARD Mutual Benefit Association (CARD MBA) ang kanilang ika-15 anibersaryo noong Setyembre 9, 2014, na taon-taon ay tinatawag na “Microinsurance Day.” Dumalo sa nasabing okasyon ang mga kasapi ng Samahan, mga kawani at mga espesyal na panauhin. Kasabay nito, idinaos din ang Annual General Membership Meeting ng Samahan upang maisagawa ang eleksyon ng mga bagong Lupon ng Patnugot. Mula sa 22 nominado, pito ang nahalal na bubuo sa bagong Lupon ng Patnugot, ito ay sina: Cynthia D. Fajarito, Nimfa M. Santos, Abundia C. Manabes, Haydee G. Eulin, Lelibeth A. Alberio, Shirley V. Isidro, at Evengeline R. Yonson. Ang mga nabanggit na bagong halal ay magkakaroon ng pagkakataong makapaglingkod ng dalawang taon. Samantala, mayroon pang anim na kasalukuyang lupon na may natitira pang isang taon ng paglilingkod. Bukod dito Anibersaryo at Savings Month sabay na ipinagdiwang ng CARD Bank ni Raffy Antes at Lourdes Virtudez Sabay-sabay na nagdiwang noong ika-1 ng Setyembre, 2014 ang mga kliyente at empleyado ng lahat ng sangay ng CARD Bank sa buong bansa para sa “CARD Bank’s Savings Day.” Ito rin ang ika-17 taon ng pagkatatag ng CARD Bank. Sa nasabing pagdiriwang, nagkaroon ng mga misa ng pasasalamat na sinundan ng seminar patungkol sa kahalagahan ng pag-iimpok. Ang mga nagbukas naman ng savings account ng araw na iyon ay nakatanggap ng payong, tumblers at mga kwaderno depende sa halaga ng kanilang opening amount. Nagkaroon din ng mga paligsahan at pagkakaloob ng mga premyo sa mga naunang 17 depositors sa bawat sangay. Ang buwan ng Setyembre ay malawakang kinikilala bilang Savings Month para sa mga kliyente ng CARD Bank. Sa katunayan, ang unang araw ng Setyembre ng taong ito ay isa Pinagbuting Maternal Health Program, isusulong ni Raffy Antes Ang Millenium Development Goals (MDG), na isinusulong ng Nagkakaisang Bansa (United Nations) mula pa noong 2000 at inaasahang maaabot sa taong 2015 ay nagkaroon ng magagandang resulta sa Pilipinas. Partikular dito ang pagtaas ng haba ng buhay (life expectancy), pinagbuting access sa edukasyon, pang-ekonomiyang oportunidad, at pagbaba ng bilang ng mga taong nagkakaroon ng iba’t ibang uri ng nakakahawang sakit. Sundan sa pahina 2 Sundan sa pahina 5 Sundan sa pahina 2 Photo by Karl Grobl

Transcript of Pinagbuting Maternal Health Program, isusulong2 AAYAA AAARA CARD MRI Ngunit sa kabila ng magagandang...

Page 1: Pinagbuting Maternal Health Program, isusulong2 AAYAA AAARA CARD MRI Ngunit sa kabila ng magagandang resulta nito, ang usapin ng maternal health na kabilang sa MDGs ay kailangan pa

1SULONG: PAHAYAGANG PANGKAUNLARAN NG CARD MRI |

Ika-15 anibersaryo ng CARD MBA, ipinagdiwangni Cyrene Lubigan

Ipinagdiwang ng CARD Mutual Benefit Association (CARD MBA) ang kanilang ika-15 anibersaryo noong Setyembre 9, 2014, na taon-taon ay tinatawag na “Microinsurance Day.” Dumalo sa nasabing okasyon ang mga kasapi ng Samahan, mga kawani at mga espesyal na panauhin. Kasabay nito, idinaos din ang Annual General Membership Meeting ng Samahan upang maisagawa ang eleksyon ng mga bagong Lupon ng Patnugot.

Mula sa 22 nominado, pito ang nahalal na bubuo sa bagong Lupon ng Patnugot, ito ay sina: Cynthia D. Fajarito, Nimfa M. Santos, Abundia C. Manabes, Haydee G. Eulin, Lelibeth A. Alberio, Shirley V. Isidro, at Evengeline R. Yonson. Ang mga nabanggit na bagong halal ay magkakaroon ng pagkakataong makapaglingkod ng dalawang taon. Samantala, mayroon pang anim na kasalukuyang lupon na may natitira pang isang taon ng paglilingkod. Bukod dito

Anibersaryo at Savings Month sabay na ipinagdiwang ng CARD Bankni Raffy Antes at Lourdes Virtudez

Sabay-sabay na nagdiwang noong ika-1 ng Setyembre, 2014 ang mga kliyente at empleyado ng lahat ng sangay ng CARD Bank sa buong bansa para sa “CARD Bank’s Savings Day.” Ito rin ang ika-17 taon ng pagkatatag ng CARD Bank.

Sa nasabing pagdiriwang, nagkaroon ng mga misa ng pasasalamat na sinundan ng seminar patungkol sa kahalagahan ng pag-iimpok. Ang mga nagbukas naman ng savings account ng araw na iyon ay nakatanggap ng payong, tumblers at mga kwaderno depende sa halaga ng kanilang opening amount. Nagkaroon din ng mga paligsahan at pagkakaloob ng mga premyo sa mga naunang 17 depositors sa bawat sangay.

Ang buwan ng Setyembre ay malawakang kinikilala bilang Savings Month para sa mga kliyente ng CARD Bank. Sa katunayan, ang unang araw ng Setyembre ng taong ito ay isa

Pinagbuting Maternal Health Program, isusulongni Raffy Antes

Ang Millenium Development Goals (MDG), na isinusulong ng Nagkakaisang Bansa (United Nations) mula pa noong 2000 at inaasahang maaabot sa taong 2015 ay nagkaroon ng magagandang resulta sa Pilipinas. Partikular dito ang pagtaas ng haba ng buhay (life expectancy), pinagbuting access sa edukasyon, pang-ekonomiyang oportunidad, at pagbaba ng bilang ng mga taong nagkakaroon ng iba’t ibang uri ng nakakahawang sakit. Sundan sa pahina 2

Sundan sa pahina 5 Sundan sa pahina 2

Photo by Karl Grobl

Page 2: Pinagbuting Maternal Health Program, isusulong2 AAYAA AAARA CARD MRI Ngunit sa kabila ng magagandang resulta nito, ang usapin ng maternal health na kabilang sa MDGs ay kailangan pa

2 | SULONG: PAHAYAGANG PANGKAUNLARAN NG CARD MRI

Ngunit sa kabila ng magagandang resulta nito, ang usapin ng maternal health na kabilang sa MDGs ay kailangan pa ring pagtuunan ng pansin sa Pilipinas. Marami pa ring mga ina ang namamatay habang sila ay nagbubuntis, habang nanganganak, o pagkatapos manganak.

Kaya naman para makaambag sa pagtugon ng Pilipinas sa hamong ito, ang CARD Mutually Reinforcing Institutions (CARD MRI), ang Freedom from Hunger (FFH) at ang Microcredit Summit Campaign (MCS) ay magkakatuwang na maglulunsad ng isang proyektong makakatulong sa pagpapanatili ng maayos na kalusugan ng ina at ng iba pang kababaihan sa Pilipinas. Ito ay ang “Healthy Mothers, Healthy Babies: Kalinga kay Inay” Project.

Naglalayon din ang proyektong ito na makatulong sa Philippine Microfinance and Health Consortium, isang samahan ng mga microfinance institutions (MFIs) sa Pilipinas na mas mapahusay pa ang kani-kanilang mga serbisyong pangkalusugan. Sa kasalukuyan ay mayroong 18 MFIs na kasapi ang samahang ito.

“Noong sinisimulan namin ng FFH ang programa para sa kalusugan noong 2006, batid naming kami ay tumutugon sa mga pangagailangan ng aming kliyente at makakapag-ambag din kami sa Millennium Development Goal, partikular sa pagsugpo sa kahirapan at sa pag-angat ng estado ng maternal health sa Pilipinas,” ayon kay Dr. Jaime Aristotle B. Alip, Founder at Managing Director ng CARD MRI. Si Dr. Alip, na naniniwala na ang mabuting kalusugan ay isa sa mga pangunahing paraan upang masugpo ang kahirapan, ay umaasa na ang proyektong “Kalinga Kay Inay” ay mapapalawig pa para maabot ang higit pang mahihirap na pamilyang Pilipino. “Nais namin na walang sinuman sa kasapi ng CARD ang mamatay dahil sa kahirapan o pagkakasakit,” pagtatapos ni Dr. Alip.

Samantala, ayon naman kay Steve Hollingworth, ang Pangulo at CEO ng FFH, na ang Pilipinas ay may mataas na bilang ng maternal mortality. Ang pakikiisa namin sa CARD MRI at Microcredit Summit Campaign ay isang mahalagang hakbang patungo sa pagpapababa ng mortality rate. Dagdag pa niya na ang proyektong ito ay isang mabuting halimbawa ng pagsasama-sama at pagtutulungan ng mga sektor na pampinansyal at pangkalusugan upang mapabuti ang kasulugan ng mga kababaihan at ng buong pamilya.

Pinagbuting Maternal Health sa Pilipinas...(mula sa pahina 1)

ay mayroon ding dalawang independent board of trustees. Sa pagtatapos ng pagtitipon ay nagbigay ng ilang mensahe si Deputy Commissioner Ferdinand George Florendo ng Insurance Commission (IC). Aniya, “Kung ipagpapatuloy ng CARD MBA ang kanyang nasimulan, natitiyak ko na may magandang kinabukasan para sa susunod na henerasyon.” Ikinagagalak din niya na mula pa noong 1999 ay nakakatulong na ng IC ang CARD MBA sa layunin nitong mabigyang seguro ang bawat pamilyang Pilipino.

Dumalo rin sa pagdiriwang ang mga kinatawan ng pamunuan mula sa CARD Mutually Reinforcing Institutions (CARD MRI), CARD Bank, CARD SME Bank, Rizal Rural (Taytay, Rizal) Bank (RRB), CARD Pioneer Microinsurance, Inc. (CPMI), at RIMANSI.

ULAT PAG-UNLAD

Ika-15 anibersaryo ng CARD MBA, ipinagdiwang(mula sa pahina 1)

Tinatayang mahigit sa 600,000 na mahihirap na kababaihan mula kanayunan ang mabibigyan ng benepisyo ng programang ito sa pagtatapos ng taong 2015.

at Instagram. Ang titulo ng kaniyang blog ay pinukaw ng Moriones Festival, isang pagdiriwang pangkultura tuwing mahal na araw sa isla ng Marinduque. Si Rilles ay nagmula sa bayan ng Torrijos sa naturang islang lalawigan.

Likas na mahilig sa potograpiya si Rilles. Katunayan, siya ay mayroong pormal na pagsasanay dito. Dala niya lagi ang kaniyang camera saan man siya pumunta. Sinasamantala niya ang mamasyal tuwing katapusan ng linggo o holidays, opisyal na pagpupulong at iba pang pagkakataon upang kumuha ng mga larawan lalo ng mga tanawin. Ang mga larawan at artikulo ni Rilles ay naitampok na rin sa Cruising, travel magazine ng Manila Bulletin at Choose Philippines, travel website ng ABS-CBN.

Si Rilles ay Regional Director ng CARD, Inc. Mindanao 3. Mayroon na siyang mahigit na siyam na taong paninilbihan sa CARD. Siya ay kumukuha ng Master in Productivity at Quality Management sa Development Academy of the Philippines bilang iskolar ng CARD. Kasal siya kay Winalyn Samarita, isang guro sa pampublikong paaralan sa Muntinlupa. Ang mag-asawa ay may kaisa-isang anak na limang taong gulang.

Selyo ng Talento(mula sa pahina 20)

Page 3: Pinagbuting Maternal Health Program, isusulong2 AAYAA AAARA CARD MRI Ngunit sa kabila ng magagandang resulta nito, ang usapin ng maternal health na kabilang sa MDGs ay kailangan pa

3SULONG: PAHAYAGANG PANGKAUNLARAN NG CARD MRI |

Microfinance services ng CARD, ibinibigay na rin sa Myanmar

ULAT PAG-UNLAD

Hindi na lamang sa Pilipinas makapagbibigay ng serbisyong microfinance ang CARD MRI.

Noong Agosto 29, 2014, ang CARD Myanmar Company Limited ay nakakuha ng temporary permit to operate mula sa Myanmar Microfinance Supervisory Enterprise ng Myanmar upang magbigay ng mga produkto at serbisyong pang-microfinance. Ang permit na ito ay maaaring baguhin taon-taon.

Pangunahing tinatarget ng kompanyang ito na mabigyan ng pagkakataon ang mga taga-Myanmar, lalo na ang mga naninirahan sa mahihirap na lugar, na mag-impok sa pormal na pamamaraan para sa kanilang kinabukasan. Sa pagdating ng taong 2017, inaasahan ng kompanya na makatulong sa mahigit 26,000 mamamayan ng Myanmar.

Sa kasalukuyan ay mayroon ng walong local staff, isang interpreter, isang local finance officer, at pitong account officers ang nasabing kompanya. Ipinapatupad din dito ang metodolohiya ng pagsasagawa ng center meeting, kung saan tinatagpo ng account officer ang isang grupo ng kababaihan para magbayad ng utang, mag-aral tungkol sa iba’t ibang paksa, at makihalubilo sa isa’t isa. Nakapagbukas na ito ng isang center sa Thin Ghan Chun, Bago, Myanmar na mayroong 25 miyembro. Ang unang loan disbursement sa center na ito ay naganap noong Setyembre 25, 2014 na may inisyal na loan amount na Ks 50,000 – Ks 100,000 (mahigit PhP2,200 hanggang PhP4,400) para sa 18 bagong miyembro.

Sa mga darating na panahon, sisikapin ng kompanya na mapuntahan pa ang ibang lugar sa Myanmar na hindi pa naaabot ng ibang MFIs. Patuloy na isasapuso at isasagawa nito ang misyong makapagbigay ng serbisyo sa mga rural na komunidad sa Myanmar.

Una nang nabigyan ng rehistro bilang service company ang CARD Myanmar noong Disyembre 2013 upang makapagbigay ng training at consultancy sa microfinance institutions sa Myanmar. Ang rehistrong ito ay may bisa hanggang taong 2018.

ni Cyrene Lubigan at Faye Ochoa

*Ang patalastas na ito ay mula sa CARD Bank, Inc.

Page 4: Pinagbuting Maternal Health Program, isusulong2 AAYAA AAARA CARD MRI Ngunit sa kabila ng magagandang resulta nito, ang usapin ng maternal health na kabilang sa MDGs ay kailangan pa

4 | SULONG: PAHAYAGANG PANGKAUNLARAN NG CARD MRI

Bawat miyembro, siguradong naka-seguro sa CARD MBAni Raffy AntesBase sa datos ng AIA Group noong 2012, ang Pilipinas ay isa sa may pinakamababang bilang ng mga tao na may insurance na kung saan tinatayang nasa 1.1% lamang ng buong populasyon natin ang mayroon nito.

Nakakabahala ang bagay na ito sapagkat tayo ay nasa panahon kung saan patuloy na lumalakas at mas nagiging mapanira ang mga kalamidad na dumarating; kaya’t ito rin ang panahon na kailangan ng bawat isa sa atin ang katiyakan ng bukas.

Sa bawat sakuna na dumarating sa Pilipinas, libo-libong tao ang naaapektuhan. Nakalulungkot na libo-libo rin sa kanila ang walang insurance na makakatulong sana sa kanilang muling pagbangon at pag-uumpisa. Ang malungkot na katotohanang ito ay bunga na rin ng kawalan ng kakayahan ng karamihan na bumili ng insurance sapagkat ito ay mahal kaya mas nakakarami ang walang access upang bumili nito.

Nakita ito ng CARD. Dahil dito, nanguna ang CARD sa paghahatid ng insurance na hindi lamang abot-kaya kundi mabilis din at simple. Ito ang microinsurance.

Itinatag ng CARD ang CARD Mutual Benefit Association (CARD MBA) noong 1999. Ito ay isang institusyon na pag-aari at pinamamahalaan mismo ng mga kasapi ng CARD MRI.

Mga benepisyong siguradoAng bawat kasapi ng CARD MRI ay awtomatikong kasapi ng CARD MBA at nakaseguro na kasama ang kanyang mga legal dependents.

Bilang mga nakaseguro, ang mga benepisyo nila ay Basic Life Insurance Program (BLIP), Retirement Savings Fund (RSF),

Credit Life Insurance Program (CLIP), Golden Life Insurance Program (GLIP), at ilang Donated Benefits.

Bukod sa mga ito, ang Samahan ay nagbibigay din ng libreng kasal sa mga mag-asawang nais maging legal ang pagsasama para rin maging legal dependent ang kanilang kinakasama at masakop ng mga benepisyo.

Sa panahon ng mga kalamidad, namimigay din ang CARD MBA para sa mga apektadong kasapi ng relief goods na naglalaman ng bigas, sardinas, corned beef at mga pangunahing gamot.

“Ang kakayahang tumugon ng CARD MBA sa mga pangangailangan ng mga kasapi ay napakahusay. Kaya naman, ang lahat ng mga claims ay binabayaran agad ng Samahan sa loob lamang ng 1-3-5 araw,” buong pagmamalaking sabi ni May S. Dawat, General Manager ng CARD MBA, Inc.

Ang CARD MBA ay mayroon ding Build-Operate-and-Transfer (BOAT) Program para sa mga organisasyong nais magpatupad ng kanilang sariling Mutual Benefit Association.

Dumaraming benepisyaryoPinataas ng CARD MBA ang kamalayan at pag-unawa ng bawat isa patungkol sa microinsurance, lalo na sa mga kasapi nito. Kaya naman, ito ay nagdulot ng pagtaas ng bilang ng kasapi mula sa 28,531 noong 1999 at umabot na sa dalawang milyon sa kasalukuyan. Kung ipagpapalagay na ang bawat pamilya ay may limang (5) miyembro, ang Samahan ay sumiseguro ng sampung milyong indibidwal.

Nito lamang Agosto 2014, tumaas ng 15% ang bilang ng mga nakasegurong indibidwal.

Bilang isa sa Mutually Reinforcing Institutions ng CARD MRI, ang CARD MBA ay magpapatuloy sa maayos na ugnayan sa iba pang institusyon sa CARD MRI patungo sa isang patuloy na proseso ng pagtuklas at paglikha ng isang mas mahusay at sapat na serbisyo para sa CARD at sa mga kasapi nito. “Ang CARD ay patuloy na magsasagawa ng hakbang upang malampasan ang hamon ng panahon,” ayon kay Dr. Jaime Aristotle B. Alip, Founder at Managing Director ng CARD MRI kung saan kabilang ang CARD MBA.

ULAT PAG-UNLAD

CARD Mutual Benefit AssociationOperations Update

August 2014

Page 5: Pinagbuting Maternal Health Program, isusulong2 AAYAA AAARA CARD MRI Ngunit sa kabila ng magagandang resulta nito, ang usapin ng maternal health na kabilang sa MDGs ay kailangan pa

5SULONG: PAHAYAGANG PANGKAUNLARAN NG CARD MRI |

Bawat miyembro, siguradong naka-seguro sa CARD MBAni Raffy Antes

ULAT PAG-UNLAD

CARD Mutual Benefit AssociationOperations Update

August 2014

Insuring your Golden Years: Grand Launching ng Golden Life Insurance Program (GLIP)ni Cristy Enriquez

Opisyal na inilunsad ng CARD MBA ang kanilang pinakabagong produkto na kilala bilang Golden Life Insurance Program (GLIP). Ito ay magkasabay na ginanap sa Bay at San Pablo City, Laguna noong ika-7 ng Agosto, 2014. Ang bagong programang ito mula sa Basic Life Insurance Program (BLIP) ay nakatuon sa pagpapatuloy ng paghahatid ng serbisyo sa mga miyembro at pagbibigay ng produkto ng seguro para sa mga magreretirong mga miyembro sa iba’t ibang institusyon ng CARD MRI.

Ang paglulunsad na nabanggit ay dinaluhan ng mga miyembro na may edad na 65-69 na taong gulang. Ito ay naglalayon na taasan ang kamalayan at pag-unawa sa tampok na produkto at iba pang mga probisyon ng GLIP. Ito ay malugod ding dinaluhan ng ilang mga inimbitahang bisita tulad nila Wilfredo M. Llanto, PDIC Chairperson at ng ilang CARD MRI Executive sa pangunguna ni Dr. Jaime Aristotle B. Alip, Founder at Managing Director, Dolores M. Torres, CARD Bank President & CEO pati na rin ang mga namumuno sa CARD MBA na sina Virginia D. Baldo, CARD MBA President, dalawang (2) Lupon ng Patnugot at ang CARD MBA General Manager na si May S. Dawat.

Sa tagline nito na “Insuring your Golden Years”, ang CARD MBA ay naglalayon na mabigyan ang mga kasapi ng kapasidad na magkaroon ng seguro (insurance) na tatagal hanggang sa ika-100 taong gulang. Ang Golden Life Insurance Program ay isang opsyonal na produkto ng seguro para sa mga miyembro sa pagsapit ng kanilang mandatory

Anibersaryo at Savings Month sabay na ipinagdiwang ng CARD Bank(Mula sa pahina 1)

Mga miyembro at kawani ng CARD Bank, Inc. habang ipinagdiriwang ang “Savings Day.”

lamang hudyat sa pagsisimula ng hanay ng mga gawain para sa buong buwan. Kabilang dito ang lingguhang Credit with Education (CwE) kung saan tatalakayin sa mga centers ng CARD Bank ang kahalagahan ng pag-iimpok kasama ang pagtalakay sa iba’t ibang savings products nito.

MEMBERSHIP UPDATE

Particular Number

Total Insured Individuals 10,142,435

Total Member Served 2,143,047

Active Members 2,028,487

Resigned Members for the month 114,560

Recognized Members for the month 319,914

CLAIMS PAYMENT

Particular # of Individual Amount

Basic Life Insurance Program

Death 14,147 244,321,500.00

TPD 140 4,962,000.00

MVAH 3,505 14,647,948.56

Life Refund 102,098 79,959,687.93

Loan Redemption 2,906 35,230,716.24

Retirement Savings Fund (RSF)

RSF-Retirement 228 431,261.68

RSF-Refund of Contribution 102,638 60,139,561.01

Donated Benefits 1,572 3,023,500.00

NON FINANCIAL SERVICES

Particular # of Individual Amount

CDRAP 196,726 63,372,397.82

Mass Wedding 78 51,535.01

Para sa katanungan tungkol sa nasabing produkto, maaari kayong tumawag sa (049) 5622878.

exit age na 70 taong gulang kung saan maaari silang magpatuloy bilang kasapi ng CARD at magkaroon ng pribilehiyo na tangkilikin ang serbisyo ng Golden Life Insurance Program (GLIP).

Isa sa mga tampok ng produkto na maaaring tangkilikin ng mga kasapi sa mga benepisyo ng Golden Life Insurance Program ay ang dalawang pagpipilian, Option 1 na may Php25,000.00 na halaga ng benepisyo at may lingguhang premium na nagkakahalaga ng Php50.00 at Option 2 na may Php50,000.00 na halaga ng benepisyo at may lingguhang premium na nagkakahalaga ng Php100.00 na kinakailangang bayaran sa loob ng sampung taon. Ang produktong ito ay eksklusibo lamang para sa mga miyembro ng CARD.

Page 6: Pinagbuting Maternal Health Program, isusulong2 AAYAA AAARA CARD MRI Ngunit sa kabila ng magagandang resulta nito, ang usapin ng maternal health na kabilang sa MDGs ay kailangan pa

6 | SULONG: PAHAYAGANG PANGKAUNLARAN NG CARD MRI

TAMPOK PAGSULONG: Mga sanaysay para sa iyong pag-asenso

Bakit mahalagang suportahan at pagyamanin ang sektor ng agrikultura?ni Jeffrey Rilles

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na kahirapan ang pangunahing problema na kinakaharap ngayon ng bansa. Maraming mukha ng kahirapan sa bansa. Paano nga ba tayo makakaahon at ano ang dapat unahin?

Ang produksyon ng produktong agrikultural ay mababa kaya nagiging mahal ang halaga ng ating mga pangunahing bilihin. Nakakalungkot na kinakailangan pa nating umangkat sa ibang bansa ng mga pagkaing kaya naman nating payabungin. Hindi ito kapani-paniwala sa isang bansa na maraming likas na kayamanan.

Lumaki ako sa probinsya ng Marinduque na kung saan kasabihan na ng matatanda na “magsipag ka lang magtanim, hindi ka magugutom” o kaya’y “magsipag ka lang, madaming isda sa sapa”. Tama nga naman. Noong bata pa ako kapag inuutusan ni nanay na kailangan ng pansahog sa sinigang, pipitas lang ako ng kahit anong gulay sa likod bahay o kung

Pangalagaan ang ating pusoni Bianca Sacramento

Noong Setyembre 29 ay ginanap ang World Heart Day. Kaya naman, bigyan natin ng pansin ang isa sa pinakamahalagang bahagi ng ating katawan—ang ating puso.

Ang ating puso ang siyang nagpapadaloy ng dugo sa ating buong katawan. Hindi ito tumitigil upang makapagpadaloy ng dugo na siyang nagdadala ng oxygen at nutrisyon sa bawat bahagi ng katawan.

Naisip mo ba na paano kung ito ay humina o di kaya ay tumigil?

Sakit sa puso o di kaya ay atake sa puso ang maaaring mangyari sa iyo. Ayon sa datos na nakalap ng CARD MBA sa kanilang claims update, sakit sa puso ang pinakamalimit na sanhi ng pagkamatay ng miyembro. Kung iisipin, maraming mga dahilan ang nasa likod nito. Ano-ano nga ba ang mga dahilan ng pagkakaroon ng sakit sa puso o heart-related disease?

Ayon kay Dr. Roderick Belen, retainer physician ng CARD MRI, isa sa mga dahilan ay ang pagkaing siksik sa cholesterol gaya ng karneng maraming taba. Ang

wala hihingi lang ako sa kapitbahay, ayos na. Kung bibilihin ang gulay o isda sa aming probinsya, ito ay barya lamang kung ikukumpara sa presyo nito sa supermarket. Bakit nga ba? At “Anong konek sir?” tanong ng katabi kong Account Officer habang sinusulat ko ito at ibinabahagi ang mga “kwentong gulay” ko noong aking kabataan.

Simple lang. Dahil halos lahat ng mga taga-Marinduque kung hindi magsasaka ay mangingisda.

Mayaman ang ating bansa sa natural resources at maliwanag ang ating kinabukasan kung susuportahan lang ang sektor ng agrikultura. Mas maraming magsasaka, mangingisda at tagatangkilik ng sektor na ito, mas maraming pagkain para sa bawat pamilyang Pilipino – walang kakulangan at mura ang bilihin sapagka’t maraming supply.

Suportang pinansyal sa pamamagitan ng access sa mababang pautang na walang collateral at walang documentary requirements ang hatid ng Agri-Microfinance Program (AMFP) ng CARD MRI. Sa pamamagitan ng AMFP loan,

cholesterol kasi ay dumidikit sa palibot ng ating mga ugat. Sa pagtagal ng panahon, naiipon ang cholesterol dito hanggang sa kumapal nang kumapal ito. Kung ito’y magpapatuloy, mahaharangan ang daluyan ng dugo sa ugat, at magkakaroon ng atake sa puso.

Isa rin sa mga nabanggit na sanhi ng sakit sa puso ay ang kakulangan sa pisikal na gawain. Ang mga pisikal na gawain gaya ng pag-eehersisyo ay mainam sa ating puso dahil nakakatunaw ito ng taba sa ating katawan. Kung tutulungan natin ang ating puso sa pagtunaw ng mga ito, mapapanatili

Sundan sa pahina 9

Sundan sa pahina 7

Sama-samang nag-ehersisyo ang mga myembro at kawani ng CARD MRI sa isa sa mga Lay Forum na isinasagawa ng BotiCARD, Inc.

Page 7: Pinagbuting Maternal Health Program, isusulong2 AAYAA AAARA CARD MRI Ngunit sa kabila ng magagandang resulta nito, ang usapin ng maternal health na kabilang sa MDGs ay kailangan pa

7SULONG: PAHAYAGANG PANGKAUNLARAN NG CARD MRI |

Edukasyon, una sa CARD MRIni Raffy Antes

Sa pagnanais na mabigyan ng magandang kinabukasan ang bawat pamilyang Pilipino at sa paniniwalang edukasyon ang isa sa mga mahalagang salik upang makamit ito, ang CARD MRI ay naglunsad ng iba’t ibang programang pang-edukasyon na sinuportahan din ng ilan pang mga institusyon na may katulad na layunin.

Ang mga nasabing programa ay iniakma mismo ng CARD sa pangangailangan ng mga kliyente nito.

Ito ay ang mga sumusunod:

Zero Dropout ProgramHunyo 2011, binigyang-tuon ng CARD na magkaroon ng isang pang-edukasyong programa para sa elementarya upang matiyak na ang mga anak ng mga kliyente ng CARD ay matututong magbasa at magsulat. Kaya naman nabalangkas ang Zero Dropout Program. Ito ay isang programa na may layunin na mabigyan ng madaling access ang mga kliyente ng CARD sa isang loan product na may mababang interes, na maaari lamang gamitin sa pagpapaaral ng mga anak sa elementarya.

Ang programa ay unang sinuportahan ng WS Family Foundation. Si Ginoong Washington SyCip ay naniniwala na sa pamamagitan ng 1,600 na sangay ng CARD MRI sa buong Pilipinas, libo-libong pamilya ang magkakaroon ng pagkakataon na makapagpaaral at makapagpatapos ng kanilang mga anak sa elementarya. Dagdag pa, ang programang ito ay tinatayang makakabawas ng malaki sa bilang ng mga batang hindi marunong magbasa at magsulat.

Sa kasalukuyan, marami na ring mga organisasyon at indibidwal na sumusuporta sa Zero Dropout Program.

UP Educational LoanNoong 2013, may isang mag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) ang kinitil ang sariling buhay dahil sa kakulangan ng pantustos sa kanyang pag-aaral. Ito ay isang nakakalungkot na pangyayari na nagbigay daan upang mapag-usapan ng pamunuan ng CARD MRI ang pagbalangkas ng isang loan product na para sa mga mag-aaral ng UP.

Ang programa ay naumpisahan sa tulong ni Atty. Arnel Casanova. Naglalayon ito na makapagbigay ng pinansiyal na tulong sa mga mag-aaral sa UP sa pamamagitan ng pagpapahiram sa kanilang mga magulang o guardians na kinakailangang miyembro ng CARD MRI.

Sa kasalukuyan, ang nabanggit na dalawang programang pang-edukasyon; ang Zero Drop Out Program at ang UP Educational Loan, ay nakatulong na sa mahigit 75,000 mga mag-aaral sa buong Pilipinas.

Ayon kay Dr. Jaime Aristotle Alip, ang Founder at Managing Director ng CARD MRI, sa pamamagitan ng mga programang pang-edukasyon na ito, mabibigyan ang bawat pamilyang Pilipino ng mas matatag na bukas.

TAMPOK PAGSULONG: Mga sanaysay para sa iyong pag-asenso

na may mababang interest at flexible mode of payments, magkakaroon ng lakas ang mga nasa sektor ng agrikultura lalo na ang mga nasa kanayunan na kadalasan ay hindi pa naaabot ng mga formal banking institutions. Ang programang ito ay nagsisilbing motibasyon at sandigan ng mga Pilipinong sumusuporta sa agrikultura sapagka’t alam nila na may mahihiraman sila ng puhunan bukod pa sa napakaraming benepisyo gaya ng insurance, savings, edukasyon, trainings, atbp.

Isang malaking pag-asa para sa mga magsasaka, mangingisda at iba pang nasa sektor ng agrikultura ang Agri-Microfinance Program ng CARD MRI. Kapag mayaman o maunlad ang sektor ng agrikultura, mayaman at walang kasalatan sa pagkain ang isang lugar, ang isang bansa, at siguradong madaling maaabot ang pag-unlad.

Bakit mahalagang suportahan...(mula sa pahina 6)

Sundan sa pahina 9

Sundan sa pahina 7 *Ang patalastas na ito ay mula sa CARD Bank, Inc.

Page 8: Pinagbuting Maternal Health Program, isusulong2 AAYAA AAARA CARD MRI Ngunit sa kabila ng magagandang resulta nito, ang usapin ng maternal health na kabilang sa MDGs ay kailangan pa

8 | SULONG: PAHAYAGANG PANGKAUNLARAN NG CARD MRI

TAMPOK PAGSULONG: Mga sanaysay para sa iyong pag-asenso

Solar Energy tungo sa kasaganaanni Joy Ambatang

Ang simula Taong 2008 ng magkaroon ng Renewable Energy Program ang CARD-Business Development Services Foundation Inc (CARD-BDSFI). Ito ay bunga ng isang pag-aaral na isinagawa sa mga kasapi ng CARD sa Mindoro, Masbate at Palawan kung saan marami pang komunidad ang walang serbisyo ng kuryente. Dagdag pa, ayon sa Kagawaran ng Enerhiya (DOE), ang mga lokal na electric cooperatives ay wala pang kakayahan na magbigay ng serbisyo sa mga malalayong lugar lalo na yaong mga magkakalayo ang mga kabahayan.

Nilalayon ng Renewable Energy Program na gamitin ang enerhiya mula sa iba’t ibang renewable sources upang magkaroon ng ilaw ang mga komunidad na nangangailangan nito. Naniniwala ang CARD-BDSFI na ang pagkakaroon ng ilaw ay magdudulot ng positibong epekto sa kabuhayan at kalusugan ng pamilya pati na rin sa edukasyon ng mga bata.

“Upang mas pahusayin pa ang programa, noong 2010 ay humiling kami sa TERI (Technology Energy Research Institute) ng India na matulungan kami sa pagsusuri ng iba’t ibang produkto ng renewable energy. Nakipag-ugnayan din kami sa kanilang mga supplier at partner dito sa Pilipinas. Nagkaroon din kami ng kasunduan na hindi magiging eksklusibong supplier ng CARD-BDSFI ang TERI upang mas marami pang mapagpipiliang mga produkto ng renewable energy ang mga kasapi na aayon sa kanilang pangangailangan at gusto. Sa ngayon, mayroon tayong tatlong suppliers na kung saan regular kaming kumukuha ng produkto,” ang paliwanag ni Clarissa Dimaculangan, Senior Manager ng CARD-BDSFI.

Sa kasalukuyan ay mga produktong gumagamit ng enerhiya

mula sa araw o solar energy products ang available sa CARD-BDSFI. Ang mga produktong ito ay mabibili sa pamamagitan ng cash basis o solar energy loan.

“Sa anim na taon ng pagpapatupad ng programa, mayroon ng 15,000 units ang naipagbili ng CARD-BDSFI hindi lamang sa mga kasapi ng CARD kundi pati na rin sa mga kawani. Aming sisikapin na makapagbili pa ng 50,000 units hanggang taong 2018 upang masigurado na mas maraming komunidad pa ang madulutan namin ng positibong pagbabago sa kalusugan, kabuhayan at edukasyon ng kanilang mga mamamayan,” ayon kay Clarissa.

Mga BenepisyoIsa sa mga direktang magandang naidudulot ng paggamit ng solar energy ay ang pag-iwas sa paggamit ng lamparang de gas. Bukod sa makatitipid na sa pagbili ng gas, hindi pa makalalanghap ng usok ang pamilya. Hindi na rin kailangang tipirin ang ilaw kung kaya’t kahit medyo malalim na ang gabi ay maaari pa ring maasikaso ang negosyo na magdudulot ng mas mataas na produksyon. Dagdag pa, mas komportable ring makapag-aaral ang mga bata sa gabi.

Ang isa sa pinakamagandang parte ng programa ay ang tinatawag na after sales service. Sinisigurado muna ng mga kawani ng CARD-BDSFI na bago mag-install ng produkto ay nakapagsagawa ng isang malalim na talakayan para lubos na maunawaan ng bumili ang wastong paggamit at pag-aalaga ng iba’t ibang parte ng produkto tulad ng solar panels at ng solar lamps.

Dagdag pa rito, lahat ng mga kawani ng CARD-BDSFI ay marunong magkumpuni at mag-ayos ng mga produktong kanilang ipinagbibili. Kaya naman mabilis silang makakatugon sa mga after sales concerns ng mga bumili.

Page 9: Pinagbuting Maternal Health Program, isusulong2 AAYAA AAARA CARD MRI Ngunit sa kabila ng magagandang resulta nito, ang usapin ng maternal health na kabilang sa MDGs ay kailangan pa

9SULONG: PAHAYAGANG PANGKAUNLARAN NG CARD MRI |

TAMPOK PAGSULONG: Mga sanaysay para sa iyong pag-asensoPangalagaan ang ating puso

(mula sa pahina 6)natin itong gumagana nang maayos.

Ang pagkakaroon ng bisyo gaya ng pag-inom ng alak at paninigarilyo ay dapat ding iwasan dahil nakakapagdulot din ito ng komplikasyon sa puso. Ang alak, maging ang beer, ay siksik sa asukal at sa carbohydrates, mga sangkap na masama rin sa puso. Ang nikotina namang laman ng sigarilyo ay masama rin sa puso, maging sa iba pang bahagi ng ating katawan.

Huwag din nating kalimutan ang ating disposisyon. Totoo, marami tayong problemang kinakaharap. At kung hindi maganda ang ating disposisyon, makakapagdulot ito ng stress. At ang stress—maaring sa trabaho, sa pamilya, sa pansarili—ay ang isa sa mga pangunahing sanhi ng komplikasyon sa puso.

Marami mang sanhi ng pagkakaroon ng sakit sa puso, hindi ibig sabihin ay wala tayong maaaring gawin upang ito ay maiwasan. Ngayong alam na natin ang mga sanhi nito, mas maiisip natin ang mga hakbang na dapat gawin upang ito’y maiwasan.

“Anything in excess ay hindi maganda,” payo ni Dr. Belen. Tandaan natin ang prinsipyong ito hindi lamang sa pagkain, ganoon din sa ating uri ng pamumuhay. Hindi masamang kumain ng masasarap (at maaaring matataba) na pagkain, ngunit hinay-hinay lamang. Kung may okasyon, hindi rin masamang uminom ng alak, hinay-hinay lamang din. Piliin natin ang mas malusog na mga pagkain. Ugaliin nating kumain ng masusustansyang pagkain na makabubuti sa ating katawan.

Gaya ng nabanggit, ang uri ng pamumuhay at ang ating mga pisikal na gawain ay makatutulong sa pag-iwas sa komplikasyon sa puso. Maraming mga uri ng ehersisyo ang ating maaaring gawin gaya ng paglalakad o pagja-jogging. Maraming mga lugar ang mainam na puntahan—maaaring sa parke, o kaya naman sa mga lugar malapit sa ating mga tirahan. Mas masaya rin kung magsasama tayo ng mga kaibigan upang tayo ay maengganyong mag-ehersisyo. Isama na ang ating mga kumare o kumpare sa pagtakbo, pagsali sa zumba, o sa pagbuo ng isang fitness club.

Hindi madali ang pagkakaroon ng mas malusog na pamumuhay. Talagang disiplina, tamang disposisyon at haba ng pasensya ang kailangan para dito. Ngunit sabi nga ni Dr. Belen, “the price of being healthy is motivation.” Talagang ang kalusugan ay maituturing nating kayamanan. Dahil kung tayo’y malusog, mas marami tayong maaaring magawa.

Kaya hindi lamang tuwing ika-29 ng Setyembre dapat nating alalahanin ang pinakamahalagang bahagi ng ating katawan. Araw-araw nating tahakin ang daan patungo sa mas malusog at mas disiplanadong bersyon ng ating sarili.Tiyak, pasasalamatan tayo ng ating puso.

*Ang patalastas na ito ay mula sa CARD MRI Insurance Agency.

Page 10: Pinagbuting Maternal Health Program, isusulong2 AAYAA AAARA CARD MRI Ngunit sa kabila ng magagandang resulta nito, ang usapin ng maternal health na kabilang sa MDGs ay kailangan pa

10 | SULONG: PAHAYAGANG PANGKAUNLARAN NG CARD MRI

EDITORYAL

Ang paglulunsad ng SULONG bilang pahayagang pangkaunlaran ng CARD MRI ay isang ideyang napapanahon. Sa laki ng CARD MRI ngayon na may operasyon sa buong kapuluan ng Pilipinas at sa patuloy na paglaki nito, isang mainam na pagkakataon ang pagkakaroon ng isang pahayagang magiging tagapaghatid ng mga balita at impormasyong makatutulong sa ikauunlad ng bawat kasapi, kanilang pamilya at komunidad.

Ang mga kasapi ng CARD MRI ay halos mahigit na sa 2.6M ngayon. Mabilis pang dadami ang mga miyembro dahil sa seryoso at agresibo ang CARD MRI na abutin ang target nitong 5.3M miyembro sa pagtatapos ng 2015. Ang pahayagang ito ay isang mabisang paraan para sa mabilis na paghahatid ng mga impormasyong tungkol sa mga pangyayari at mga pagbabagong nagaganap sa CARD MRI, sa industriya ng microfinance at sa aspeto ng kaunlaran.

Ang SULONG ay susuporta sa Credit with Education, isang kampanya ng pagkakalat ng impormasyon tungkol sa pagnenegosyo, kalusugan, kasanayan sa buhay at mga patakaran at alituntuning may kaugnayan sa mga produkto at serbisyo ng mga institusyong pampinansiyal ng CARD MRI.

Sa pamamagitan din ng SULONG ay asahan nating matutugunan ang isyung hindi sabay na natatanggap ng mga staff ang mga memong nagsasaad ng mga pagbabago sa

mga patakaran at alituntunin; ganon din ang mga memong may kaugnayan sa paglulunsad ng mga bagong produkto at serbisyo. Magiging daan din ang SULONG sa pagpapadali ng pag-unawa sa mga nilalaman ng mga memo.

Ang SULONG ang pumalit sa KILAPSAW, ang newsletter ng CARD MRI na sinimulan noong 2009. Pormang tabloid ang SULONG at naglalaman ng higit na maraming bahagi kaysa sa KILAPSAW, mga bahaging tumatalakay sa iba’t ibang aspeto ng kaunlaran tulad ng microfinance, kabuhayan at pagpapalago ng negosyo, kalusugan at kalinisan, kapaligiran at kalikasan, edukasyon, atbp.

Hindi malayong mangyari na ang SULONG ay maging isang pambansang pahayagan ng kaunlaran kung magiging epektibo ito upang madagdagan ang kaalaman ng ating mga staff at miyembro, mga pamilya at pamayanan kung saan naroon ang CARD MRI. Hindi maikakaila na ang dagdag kaalaman ay mabisang gamot sa kamangmangan at malaking tulong upang gabayan ang pagdedesisyon. Sa kasalukuyan, tatlong lalawigan –Batanes, Aurora at Lanao del Sur - na lamang ang hindi napapasok ng CARD MRI.

Tulungan nating maparami ang mambabasa at tagapagtangkilik ng SULONG na maaaring maging natatangi bilang kauna-unahang pahayagang pangkaunlaran sa Pilipinas na malawak ang saklaw. Tayo nang umabante sa tulong ng SULONG!

Mabuhay ka, SULONG!

Page 11: Pinagbuting Maternal Health Program, isusulong2 AAYAA AAARA CARD MRI Ngunit sa kabila ng magagandang resulta nito, ang usapin ng maternal health na kabilang sa MDGs ay kailangan pa

11SULONG: PAHAYAGANG PANGKAUNLARAN NG CARD MRI |

ANG TAGAPAGTATAGIsang mensahe mula sa CARD MRI Founder at Managing Director, Dr. Jaime Aristotle B. Alip

Bahagi na ng ating kasaysayan at tradisyon ang maghangad ng kaginhawaan at kaunlaran. Lahat tayo ay nagnanais na makalaya sa bilangguan ng kahirapan. Marami sa atin ang patuloy na lumalaban, ang ilan ay nagtatagumpay ngunit ang karamihan ay nabibigo sa pakikipagsapalaran. Dahil dito itinatag ang CARD MRI, isang makabagong kilusang tutulong upang mabigyang katuparan ang ninanais ng karamihan, ang kaginhawaan.

EDITORYAL

Dr. Enrique NavarroEditor-in-Chief

Dr. Jaime Aristotle AlipEditorial Adviser

Marilyn ManilaCleofe FiguracionManaging Editors

Cyrene Grace LubiganAssociate Editor

Jeffrey Tandingan Lynie Joy Ambatang

Raffy AntesMharra Sarmiento

Writers

Czarina Bianca SacramentoJeffrey Rilles

Clarissa DimaculanganLourdesVirtudez

Roxanne Faye OchoaMelany Viajante

Gabriel Angelo ViajanteGillean Abiel Viajante

Krystyl LumoscoCristy Enriquez

Contributors

Taong 1986 nang magsimula ang CARD MRI na maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga kababaihan sa ating bayan. Sa paglipas ng panahon, ang CARD MRI sa tulong ng aming mga miyembrong naghahangad ng magandang pagbabago ay patuloy sa pagsulong upang makamit ang aming misyong labanan ang kahirapan.

Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 2.6 milyong miyembro ang nakikipagtulungan sa CARD MRI upang makamit ang pinapangarap na pagbabago. Mula sa hangaring maranasan ang kaginhawaan ay binigyan namin ng oportunidad ang mga miyembro na matutong mapalago ang kanilang negosyo mula sa maliit na puhunan. Sa paglipas ng panahon, ang CARD MRI ay patuloy na bumubuo ng mga programang may kaugnayan sa usaping pampinansyal, pangkabuhayan at edukasyon na makakapagpapa-unlad sa pamumuhay ng aming mga miyembro at makatutulong upang sila ay mas maging mabuti at responsableng mamamayan. Binibigyan din namin ng pagkakataon ang aming mga miyembro na maging tunay na nagmamay-ari ng CARD MRI dahil ang aming mga miyembro ay isa sa malaking dahilan kung bakit patuloy sa pagsulong ang CARD MRI.

Sa ngayon ay may 1,598 opisina na sa buong bansa ang handang makipagtulungan sa inyo para sa hinahangad nating pagbabago. Sa 28 taong operasyon ng CARD MRI ay hindi nabawasan ang aming kagustuhang maitaas ang kalidad ng pamumuhay ng maraming pamilyang Pilipino. Ngunit ang pagbabago ay hindi nangyayari sa isang kurap lamang ng mga mata. Paunti-unti.

Nilalayon ng pahayagang ito na mabigyang inspirasyon ang

bawat mambabasa upang lalong mapabuti at mapaunlad ang

kanyang sarili, pamilya, at bansa. Isinusulong namin ang tapat at

totoong pagbabalita ng mga ulat na mahalaga para sa iyo.

SULONG!Editorial Board

Tulong-tulong. Hindi imposible ang aming layunin basta’t tayo’y nagkakaisa’t nagtutulungan, unti-unti nating makakamtan ang pagbabagong inaasam. Kasama ang CARD MRI, sabay-sabay tayong susulong para sa kaayusan at kaunlaran ng ating mga sarili at ng ating bayan.

Page 12: Pinagbuting Maternal Health Program, isusulong2 AAYAA AAARA CARD MRI Ngunit sa kabila ng magagandang resulta nito, ang usapin ng maternal health na kabilang sa MDGs ay kailangan pa

12 | SULONG: PAHAYAGANG PANGKAUNLARAN NG CARD MRI

Hijos de San Pablo or “Sons of San Pablo” was conceptualized to promote San Pablo City’s tourism

industry. The program wants the locals to take pride in their city. It also pays homage to the outstanding San

Pableños and their contributions to society. Experience our city, our heroes

and our history

Isa nga ba ako?ni Jeff Tandingan

Marahil ang mundo ay nababalot na ng matinding polusyong bunga ng ating sariling kasalanan. Nagagandahang kasinungalingan, harap-harapang dayaan, ito na ang laro ng mundong ating ginagalawan.

Ayon sa karamihan, “kung hindi mo sila kaya, sumama ka na lang sa kanila!” Sa bilyon-bilyon nating populasyon, nalulunod o kaya naman ay nilulunod na ang bilang ng taong pinipiling manindigan sa kung ano ang tama. Kabi-kabilang impluwensiya, iba’t ibang pangangailangan, sari-saring sitwasyon ang nag-uudyok sa karamihan na kalimutan kung ano nga ba ang nararapat. Marami na lang ang sumasabay sa malakas na agos kahit alam nilang malaki ang posibilidad na sila’y maaaring maumpog at malunod.

Marahil ay malaki ang magagawa ng ating itinuturing na “white lies.” Maaari tayong makakuha ng trabaho sa pagpapakilala sa ating sarili na hindi talagang tayo, makabenta ng ating mga produkto sa pagsasabing the best ito ngunit ang totoo’y depektibo, matanggap ng buong-buo ang ating bonus sa pagdedeklara ng maling impormasyon. Anuman ang ating dahilan, hindi tayo nagiging matapat sa ganitong klase ng pagkakataon. Hindi tayo nagiging patas, at lalong-lalo na, hindi tayo magiging TAMA. Maaaring makuha natin ang ating ninanais ngayon, ngunit handa ba tayo sa kalalabasan nito sa hinaharap? Lahat ng ating desisyon ay may resultang ating kakaharapin sa takdang panahon.

Matagumpay ka man ngayon, isang araw maaaring matumba ka sa balik ng iyong ginawa noon. Ngunit ang taong may integridad, kailanman ay walang dapat katakutan sa bawat bukas na paparating.

Buti na lamang, may mga taong pinipilit pa ring makaahon sa balong malalim na pinagkalaglagan. May ilan pang kayang tumayo sa kanilang prinsipyo. May ilan pang kayang maglakad nang may integridad. May ilan pang kayang gawin ang tama kahit walang mga matang nakatingin o tengang nakikinig.

Nais mong maging patas sa’yo ang mundo, ngunit ikaw ba ay totoong patas? Nais mong maging tapat sa iyo ang mga taong nakapaligid sa’yo, ngunit tunay ka nga bang tapat? Magsimula muna tayo sa ating sarili. Kahit paunti-unti. Ang prinsipyong ito ang magiging gabay natin tungo sa kaayusan at kaunlaran.

Ikaw, isa ka ba sa taong nagpapaagos na lamang o isang taong naninindigan? Pag-isipan mo!

REPLEKSYONPalaguin ang ating buhay ispiritwal

*Ang patalastas na ito ay mula sa CARD MRI Community Development Group.

For inquiries please contact us at (049) 562-4309 local 108 and look for Mr. Jeffrey Tandingan.

Page 13: Pinagbuting Maternal Health Program, isusulong2 AAYAA AAARA CARD MRI Ngunit sa kabila ng magagandang resulta nito, ang usapin ng maternal health na kabilang sa MDGs ay kailangan pa

13SULONG: PAHAYAGANG PANGKAUNLARAN NG CARD MRI |

Ano ang narating ng savings moni Clarissa Dimaculangan

Savings? Ano nga ba ito?

Matapos maka-graduate, regular na akong nag-iipon pero hindi sa ATM, kundi sa mga alkansiya lamang. Lagi ring ubos ang iniipon ko sa loob lamang ng isang linggo sapagkat may mga magulang akong sinusuportahan. Nang magka-asawa at magka-anak ako, higit pang nadagdagan ang mga pangangailangan. Kailangan kong pagsabayin ang pagsuporta sa aking magulang at anak kahit pa may sinusuweldo ring regular ang aking asawa. Pagkalipas ng maraming taon, binalikan ko ang aming pinansiyal na kalagayan, zero ang laman ng ATM at alkansiya naming mag-asawa.

Nang magbalik-bayan ang aking asawa ay nakapag-uwi siya ng kaunting halaga at nag-umpisa kaming mag-time deposit at regular na akong nakakapag-ipon ng P500.00 kada buwan. Pagkatapos ng dalawang taon, tumubo ang aming naipon ng humigit-kumulang P500.00.

Nito lamang 2011, isang masusing pag-aaral ang isinagawa naming mag-asawa sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga libro ukol sa pinansiyal na pag-iimpok. Dumadalo kami ng mga seminars tuwing Sabado at kinilala ang mga tao na nasa likod ng aming pag-iimpukan. Ito ay kakaiba sa ordinaryo sapagkat ito ay mutual funds at stock market. Isang pag-iimpok na hindi namin akalain na malaki ang ibinabalik na pera sa pamamagitan ng compounding interest.

DATI, ang aming formula ay;

INCOME less EXPENSES equals SAVINGS

NGAYON, ang aming formula ay;

Income less SAVINGS (nahahati pa ito sa iba’t ibang klase ng savings) less TITHINGS (mula 2014 lamang) equals EXPENSES

Sa umpisa ay masyado itong mahirap sapagkat disiplina ang kailangan at dapat na alam ito ng lahat ng miyembro ng iyong pamilya lalo’t higit ng iyong asawa.

Bukod sa pag-iipon naming mag-asawa, ako rin ay nag-iipon para sa aking ina na isa ring CARD Bank Stockholder.

Kada buwan ay naglalaan ako ng P1,100.00 para sa kanyang pangarap na makapunta sa New Zealand.

Sa tulong ng Panginoon ay nakapaglagak na kami ng investment sa real properties katulad ng isang parsela ng lupa (2,177 sqm agricultural lot) at isang house and lot (120 sqm (FA), 208 sqm (LA).

Ang kwento ng aking pag-iimpokni Kristyl Lumocso

Ako ay isang bank teller habang ang aking asawa na si Roy Clifford Lumocso naman ay isang account officer. Kapwa kami nagtatrabaho sa CARD. Simula nang ikasal kami noong Enero 2014, nag-iipon na talaga kami upang makabili ng sariling lupa at bahay. Nasa bangko ang pera namin upang siguradong hindi ito magagastos.

Sa tulong ng Panginoon ay nakakita na kami ng mabibiling lupa sa Pinan, Zamboanga del Norte. Ito ay may sukat na 150 metro kwadrado at nagkakahalaga ng PhP 22,500.00. Sa kasalukuyan ay kulang pa kami ng PhP 7,500.00 para sa kabuuang bayad. Ngunit nakaplano na ito na aming mapupunuan bago matapos ang taong 2014.

Kaming mag-asawa ay tunay na maligaya sa aming naipundar. Alam namin na isang pagsubok ang makapag-ipon sa panahon ngayon dahil sa patuloy na pagtaas ng bilihin. Subalit dahil sa pagtutulungan naming mag-asawa at sa disiplina na makapag-impok sa bangko ay natupad ang aming pangarap na magkaroon ng isang pag-aari na aming maipagmamalaki.

PULSO NG BAYAN

Hinahati ni Clarissa Dimaculangan ang kanilang pinagkakakitaan sa apat na bahagi: investments, tithes, savings, at expenses.

Page 14: Pinagbuting Maternal Health Program, isusulong2 AAYAA AAARA CARD MRI Ngunit sa kabila ng magagandang resulta nito, ang usapin ng maternal health na kabilang sa MDGs ay kailangan pa

14 | SULONG: PAHAYAGANG PANGKAUNLARAN NG CARD MRI

BAYANING SUMUSULONG

‘‘Ako at ang aking asawa ay nagkakaintindihan. Kung may

kailangan kaming pagdesisyunan ay pinag-uusapan namin iyon

nang mabuti. Humihingi rin kami ng mungkahi sa aming mga anak.

Lahat ay may opinyon,dahil sa ang aming negosyo ay kasali ang buong pamilya

tulad noong nag-uumpisa pa lamang kami sa pagnenegosyo.’’

– Ernanie Llema

Matapos makaranas ng hirap ng buhay sa Maynila, si Nanay Ernanie Llema at ang kanyang pamilya ay bumalik sa kanilang bayan sa Piña Island, Masbate noong 1988. Sa kadahilanang wala silang pinagkakakitaan, inalok siya ng kanyang bayaw na umpisahan nila ang ERC Seafood Buyer and Dealer.

Noong umalis ang kanyang bayaw ay nagdesisyon sila na ipagpatuloy ang kanilang nasimulang negosyo at nabuo ang REL Seafoods Buyer and Dealer. Mula sa kanilang ipon na P14,000 at isang motorboat na kanilang nabili ilang taon na ang nakalipas ay nakapagsimula sila ng buy-and-sell. Bumibili sila ng seafoods tulad ng pusit, alimango at hipon mula sa mga mangingisda sa kanilang barangay at ito naman ay kanilang dinadala sa Philips Seafood Manufacturing sa kanilang lugar.

Nagbunga ang maraming taon nilang pagsisikap. Mula sa kanilang kinikita ay nakabili sila ng mga karagdagang motorboat at nakapagsimula ng kanilang sariling operasyon sa pangingisda noong 1994. Ang kinukuha nilang mga mangingisda ay hinahatian nila ng kanilang kinikita. Sa ngayon ay mayroon na silang 29 motorboats.

Noong 2007, sumali si Nanay Ernanie sa CARD Bank, Inc. at nakahiram ng P7,000.00 sa kanyang unang loan. Makalipas ang anim na taon ay nakahiram siya ng P150,000.00 na ginamit naman nilang pandagdag kapital. Nakakuha sila ng mga kostumer sa Maynila tulad ng JHR Marine Product and

Negosyo ng pamilya, CARD Bank ang kasamani Mharra Sarmiento at Lourdes Virtudez 4GT Consignation. Noong 2012, sila ay pumasok sa isang

supply agreement sa isang international na kompanya ng crab meat manufacturing na nakabase sa Cebu.

Si Nanay Ernani ang namamahala ng kanilang negosyo sa tulong ng kanyang asawa at mga anak. Sa kasalukuyan ay meron silang 154 na empleyado. Katulad ng ibang negosyo ay nakaranas din sila ng mga pagsubok tulad ng pagkaubos ng kapital at kakulangan o pag-unti ng produksyon ng seafood. Mula sa kanilang naging karanasan sa negosyo, natutunan niya na importante ang tamang pagba-budget at pagpapanatili na bukas ang linya ng komunikasyon sa kanyang mga ka-partner at mga empleyado. Ang kanilang taunang benta ay umaabot sa P1.5M at kumikita ng kalahating milyong piso. Ito ay patunay lamang na maaaring maging isang matagumpay na negosyante ang isang simpleng maybahay.

Nanay of the month

Page 15: Pinagbuting Maternal Health Program, isusulong2 AAYAA AAARA CARD MRI Ngunit sa kabila ng magagandang resulta nito, ang usapin ng maternal health na kabilang sa MDGs ay kailangan pa

15SULONG: PAHAYAGANG PANGKAUNLARAN NG CARD MRI |

BAYANING SUMUSULONG Buhay Iskoni Raffy Antes

“Napakaraming tao rito sa mundo ang handang tulungan ka para maabot mo ang iyong mga pangarap sa buhay, kaya huwag mong sayangin ang bawat pagkakataon… Sunggaban mo na agad!” Ito ang ibinahagi ng isang iskolar ng CARD na si Billy Jhones Race, tubong San Pablo, na isang estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas sa Los Baños (UPLB) at kasalukuyang 5th year na sa kursong Electrical Engineering.

Hindi biro ang magpa-aral ng isang engineer. Bukod sa isa ito sa mga itinuturing na magastos na kurso, inaabot din ng limang taon ang isang mag-aaral upang makapagtapos sa nasabing kurso. Katulad ng ibang pamilya, naglalaan din ang magulang ni Billy ng badyet para matupad niya ang kanyang pangarap. Ngunit gaya rin ng ibang pamilya, dumadanas din ng mga pagsubok sina Billy pagdating sa pinansyal.

Malaki ang pasasalamat ng buong pamilya nang makapag-avail sila sa scholarship program ng CARD MRI. Taong 2010 siya simulang pumasok sa UP. Ayon sa kanya, ang pagiging iskolar ay may kaakibat na responsibilidad. Dagdag pa ang napakaraming inaasahan sa kanya. Ipinagmamalaki niya sa kanyang mga kaibigan at kamag-anak ang pagiging iskolar ng CARD. Para sa kanya, ito ay isang napakalaking bagay. Bawat bagay ay binibigyan niya ng importansiya, maliit man o malaki.

Sa mahabang daan papasok sa kanto ng Sambat sa Barangay Paiisa ng Tiaong Quezon, matatagpuan ang maliit na nipa hut na napapaligiran ng malawak na taniman ng sampaguita, palaisdaan at mangga na may mga nakabitin na duyan. Habang ikaw ay naglalakad, mararamdaman mo ang haplos ng simoy ng hangin na tila dinuduyan ka sa natural na ingay na dala ng mga ibon sa paligid. Malayo sa siyudad, sariwa ang hangin, maaliwalas at makulay – ito ang Woodburn Garden ni Ma. Pilar Garcia. SULONG : Para po sa iyo, sino po si Dr. Jaime Aristotle B. Alip noong hindi mo pa siya personal na nakikilala?

Pilar: Si Boss (ang magiliw na tawag ng nakararami kay Dr. Alip) para sa akin ay isang pinuno na nagpapatakbo ng isang bangko na mayroong misyong makatulong sa mga kababaihan. Kasi ‘yun ang alam ko noon sa CARD-Center for Agriculture and Rural Development. Ito ay para sa mga livelihood ng mga kababaihan . So, kahit na di ko pa siya nakikita noon, ang tingin ko sa kanya, siya ay isang tao na may malalim na adbokasiya na tumulong sa mga tao at naniniwala ako na seryoso siya rito.

SULONG: Noong personal mo na po siyang nakilala, sino na si Boss para sa iyo?

Pilar: Una kong nakita si Boss noong anniversary ng isang branch. Napatunayan ko sa sarili ko na si Boss talaga

Si Boss sa mata ng miyembroni Joy Ambatang

Sundan sa pahina 17

Sundan sa pahina 17

Page 16: Pinagbuting Maternal Health Program, isusulong2 AAYAA AAARA CARD MRI Ngunit sa kabila ng magagandang resulta nito, ang usapin ng maternal health na kabilang sa MDGs ay kailangan pa

16 | SULONG: PAHAYAGANG PANGKAUNLARAN NG CARD MRI

LUGAR PAMBATA

Ang bawat bata ay pinagkalooban ng iba’t ibang talento at kakayahang kapaki-pakinabang sa kanilang mga pamilya, komunidad, at sa lipunan. Kaya naman, ninanais ng bawat magulang na ang mga kakayahang ito ay lalo pang mapahusay at mapagyaman.

Si Melany Viajante ay isang kawani ng CARD MRI na ina ng apat na matatalino at magagaling na bata. Sa seksyong ito ay ibabahagi ni Melany sa atin kung paano maging B.E.S.T. para sa ating mga anak:

B – Believe that each child is unique. Huwag nating ikukumpara sa iba ang ating mga anak sapagkat bawat bata ay nilikhang may kanya-kanyang talentong maaaring mahubog sa tulong natin, bilang kanilang mga magulang.

E – Encourage children to explore new things. Turuan natin ang ating mga anak na lumaking may tiwala sa kanilang sarili. Turuan natin silang maging matapang sa pagharap sa mga pagsubok at manatili tayong nasa kanilang tabi sa bawat hakbang na kanilang tatahakin.

S – Support them whenever you see them do things in their own way. Hayaan natin silang matuto sa mga prosesong kanilang dapat na pagdaanan. Tayo ang magsisilbing lakas nila sa tuwing sila ay makakaramdam ng kahinaan at kawalan ng pag-asa. Bilang mga magulang, tayo ang kauna-unahang dapat na magdiwang sa tuwing sila ay nagtatagumpay. Higit kailan man, tayo dapat ang nasa tabi nila sa tuwing sila

Maging B.E.S.T, para sa iyong mga kids!

ay matatalo o mabibigo sa ano mang laban nila.

T – Teach your child to be grateful in all things! Dapat nating ipaalam at ipaunawa sa kanila na lahat ng kung ano ang meron sila ay biyaya ng Maykapal. Kaya’t mahalagang matuto silang magpasalamat sa Diyos sa bawat araw na sila ay nabubuhay. Turuan natin silang magbigay nang hindi naghihintay ng kahit ano mang kapalit. Turuan natin silang maging mapagmahal sa kapwa kagaya ng bilin ng ating Mahal na Diyos na “Mahalin ninyo ang inyong kapwa, kagaya ng pagmamahal ko sa inyo.” (John 15:12)

Siguraduhin nating ang ating mga anak ay handa sa ano mang hamon sa kanila ng bagong panahon. Nawa’y ang mga kabataan ngayon ay magsilbing mga mabubuti at kapaki-pakinabang na mamamayan na nilikha ng Diyos.

Kung nais mo ring ibahagi ang talento ng iyong anak, maaari mong ipadala ang kanilang maiikling kwento, sanaysay, tula, drawing, o kahit anong uri ng sining. Ito’y aming ilalathala sa susunod pang mga isyu ng SULONG!

Magpadala ng e-mail sa [email protected] o [email protected]!

Si Melany Viajante, isang kawani ng CARD MRI, kasama ang dalawa sa kanyang mga anak.

Ozone layer is the outermost layer of the atmosphere that protects living and non-living things from the UV rays of the sun. But since people didn’t care for the environment, the ozone layer became thin. I think we could protect the ozone layer by not burning plastic, cans, paper, leaves, and other things that will harm the environment. Stop using CFC (Chloro Fluoro Carbon) or any chemicals that could make the ozone layer thinner. And remember this verse:

“The earth is the Lord’s and all its fullness, the world and those who dwell therein.” Psalm 24:1

God loves the world so much that he gave us a wonderful place to live in. We must show God how grateful we are for this gift by taking good care of what He gave us. Let us protect the earth so the people of the next genera-tion could enjoy it as long as they live.

by Gabriel Angelo G. Viajante, 9 years oldA proud son of CARD MRI Staff

Help othersPray for themObey the elders

Three simple ways to show that you are a good child of God:

“Don’t let anyone look down on you because you are young, but set an example for the believers in speech, in life, in love, in faith, and in purity.” 1 Timothy 4:2

by Gillean Abiel G. Viajante, 8 years oldA proud son of CARD MRI Staff

Likhang Bulilit

Page 17: Pinagbuting Maternal Health Program, isusulong2 AAYAA AAARA CARD MRI Ngunit sa kabila ng magagandang resulta nito, ang usapin ng maternal health na kabilang sa MDGs ay kailangan pa

17SULONG: PAHAYAGANG PANGKAUNLARAN NG CARD MRI |

Three simple ways to show that you are a good child of God:

“Nais kong patunayan sa kanila na ako ay karapat-dapat sa oportunidad na ito.” Buong pusong sinabi ni Billy. “Alam ko kung paano at saan ko gagamitin ang oras ko,” dagdag niya.

Nagpapasalamat din si Billy dahil sa susunod na taon ay magtatapos na rin siya at laging nakaalalay ang CARD sa kanila. “Hindi man buong matrikula ko ang binabayaran ng CARD ay sapat na iyon sa amin dahil hindi lang naman ako ang pinag-aaral ng CARD. Marami rin kami. Mabuti na rin iyon at may katuwang ang magulang ko sa pagpapa-aral sa akin” masayang ibinahagi ni Billy.

ay may malalim na adbokasiya, magaling siyang mag-encourage ng tao at siya yung taong very down to earth. Tapos hanggang sa nagkasama kami sa mga Board meetings at sa ibang bansa. Hanggang sa ngayon, walang pinagbago si Boss doon sa kanyang mga adhikain sa mga members. Kumbaga, consistent siya. Mas nagiging inspired siya sa tuwing nakikita niyang may pagbabagong naidudulot sa buhay ng mga miyembro ang CARD.

Napatunayan din talaga ni Boss na ang CARD ay talagang CARD. Hindi siya napapanis at hindi siya nawawala, para siyang isang buto na patuloy na yumayabong. So, ganoon din ang pagkatao ni Boss pagdating sa kanyang adhikain sa CARD at saka di siya nagbago. Nariyan pa rin ang kanyang pagka-komekero at ang kanyang pagiging mababang loob, specially. At ang maganda sa kanya ay how he inspires the members to get through and more.

SULONG: Kung maihahambing mo po si Boss sa isang hero, sino po siya at bakit?

Pilar: Siguro siya si Jose Rizal. Kasi di ko naman siya nakita na maikukumpara sa ibang mandirigma nating mga bayani o kaya sa isang pintor. Sapagkat siya ay tahimik din, kay Rizal lang siya pwedeng maihalintulad. Kasi siya iyong hindi nauubusan ng pag-iisip, pagsusulat at pag-vivisualize ng mga pwedeng mangyari sa mga darating na panahon para sa isang komunidad partikular

Si Boss sa mata ng miyembro(Mula sa pahina 15)

Buhay Isko(Mula sa pahina 15)

Ang CARD MRI ay may scholarship program para sa mga miyembro nito, mga anak ng miyembro at para rin sa mga kawani. Ito ay paraan ng CARD MRI upang makatulong sa buong pamilya na mabigyan ng sapat na edukasyon ang mga miyembro at staff nito para sa mas matatag na bukas.

na sa kababaihan saka ng mga pamilya. Kasi kung ikukumpara nga natin; katulad kay Rizal noon, kahit nasa piitan, di siya tumigil sa paglaban, pag-aaklas, sa pamamagitan ng mga sulat kasi may gusto siyang mangyari sa kanyang bansa. Ganoon din si Boss, hindi siya titigil hanggang di nya nakikitang matatag na at may mabuting nangyari sa kanyang Institusyon.

Si Pilar ay labing pitong taon ng kasapi ng CARD Bank sa Kasama Ka 1 Center sa Lusakan, Tiaong, Quezon. Siya rin ang naging kauna-unahang pangulo ng CARD Mutual Benefit Association (CARD MBA) noong taong 2000. Sa kasalukuyan, siya ay abala sa pag-aasikaso at pagpapaunlad ng Woodburn Garden at pagdalo sa pagpupulong ng CARD.

Para sa katanungan tungkol sa nasabing produkto, maaari kayong tumawag sa

(049) 5624309

*Ang patalastas na ito ay mula sa CARD Bank, Inc.

Page 18: Pinagbuting Maternal Health Program, isusulong2 AAYAA AAARA CARD MRI Ngunit sa kabila ng magagandang resulta nito, ang usapin ng maternal health na kabilang sa MDGs ay kailangan pa

18 | SULONG: PAHAYAGANG PANGKAUNLARAN NG CARD MRI

Woodburn Garden

PAMPATALAS-ISIP

WORD PUZZLEHanapin ang mga salitang nakatala sa ilalim ng puzzle na ito.

MICROFINANCEINSURANCELEASINGSAVINGSPOVERTY

MISSIONALLEVIATEMEMBERSSCHOLARSHIPSCENTERCHIEF

LEADERSHIPSLEARNINGSCARD MRIINSTITUTIONS

M E M B E R S G N I N R A E L

M I N S T I T U T I O N S E E

M I C R O F I N A N C E E N A

I N P O V E R T Y T H D A D D

S S S O F T W A R E A U L A E

S L E A S I N G S L N C L N R

I A S A V I N G S L C A E G S

O H A O E E G S A V E T V E H

N O E W I I N T U I I I I R I

S H E A L T H E R R N O A E P

A A E A L T T M E D A N T D F

T L A N T S D R E A M N E P A

C E N T E R C H I E F S C Y I

O E X Z A L E W P S A H W E L

A D S C H O L A R S H I P S O

*Ang patalastas na ito ay mula sa CARD SME Bank, Inc.

Page 19: Pinagbuting Maternal Health Program, isusulong2 AAYAA AAARA CARD MRI Ngunit sa kabila ng magagandang resulta nito, ang usapin ng maternal health na kabilang sa MDGs ay kailangan pa
Page 20: Pinagbuting Maternal Health Program, isusulong2 AAYAA AAARA CARD MRI Ngunit sa kabila ng magagandang resulta nito, ang usapin ng maternal health na kabilang sa MDGs ay kailangan pa

20 | SULONG: PAHAYAGANG PANGKAUNLARAN NG CARD MRI

Tinago Falls. Ito ang larawan ng talon na itinampok sa espesyal na edisyon ng selyo ng PHILPOST. Ang talon ay matatagpuan sa Lanao del Norte. Ang larawan ay kuha ni Jeffrey Rilles, CARD Regional Director at contributor ng Sulong.

Napasama sa espesyal na edisyon ng mga selyo ng PHILPOST ang larawan ng Tinago Falls sa Iligan, Lanao del Norte na kuha ni Jeffrey Rilles, isa sa mga piling contributor ng SULONG. Ang kaniyang larawan ay kasama ng iba pang larawan ng mga di-kilala subalit kaakit-akit na mga waterfalls sa Pilipinas. Si Rilles ay naimbitahang sumali sa patimpalak ng PHILPOST ng FUNtastic Philippines, isang asosasyon ng amateur at professional photographers na gumagamit ng Facebook kung saan siya ay kabilang din.

Ang asosasyon ay partner ng PHILPOST sa patimpalak. Sa mga unang patalastas noong Hulyo 2014 ay pinagsumite ang mga interesadong lumahok ng mga larawan ng tourist spots sa Pilipinas. Makalipas ang isang buwan, ang mga larawan ay nilimita sa mga talon. Ang mga espesyal na selyo na naglalarawan ng mga talon sa Pilipinas ay isang proyekto ng PHILPOST bilang pagsuporta sa kampanya ng turismo sa Pilipinas.

Si Rilles ay unang napansin ng publiko sa kaniyang The Travelling Morion blog. Sa blog na ito niya inilalagay ang kaniyang mga photo shots na may kasamang mga paliwanag. Makikita na rin ang Travelling Morion sa Facebook, Twitter

Selyo ng talentoni Ike Navarro

Sundan sa pahina 2 *Ang patalastas na ito ay mula sa CARD MRI Information Technology.