PILIPINAS

36
MGA MAGAGANDANG TANAWIN SA PILIPINAS

description

mga magagandang tanawin atmakasaysayang lugar sa pilipinas

Transcript of PILIPINAS

Page 1: PILIPINAS

MGA MAGAGANDANG

TANAWIN SA PILIPINAS

Page 2: PILIPINAS

1. Hagdan Hagdan Palayan sa Banaue             Kilalang-kilala sa buong daigdig ang tanawing ito. Sa katunayan, ito ay tinagurian natin na “8th Wonder of the World.” Ang tinutukoy kong tanawin ay matatagpuan sa Banaue, Ifugao. Ito ay ang hagdan-hagdang palayan na pinagbuwisan ng buhay ng ating mga ninuno. Itoay nayari lamang sa pamamagitan ng kanilang mga kamay. Tanda ito ng sipag at pagkamalikhain ng mga unang Pilipino.

2. Talon ng Pagsanjan Sa bayan ng Pagsanjan, lalawigan ng Laguna, matatagpuan ang isang napakagandang talon, ang Talon ng Pagsanjan. Malawak at malinaw ang tubig na nagbubuhat sa talonna ito. Higit sa lahat ay kahali-halinang tingnan ang bagsak ng tubig na parang sinasaliwan ng malamyos na tunog ng lagaslas ng tubig-batis. 

Page 3: PILIPINAS

3. Lawa ng Taal

Ang Lawa ng Taal ay isang lawang tubig-tabang sa lalawigan ng Batangas sa pulo ngLuzon, Pilipinas. Ang lawa ay nasa isangcaldera na nabuo ng napalaking mgapagputok sa pagitan ng 500,000 at 100,000 taong nakararaan. Ito ang pangatlong pinakamalaking lawa sa Pilipinas (ang pinakamalaki ay ang Lawa ng Laguna).

4. Hundred Islands\

Ang Hundred Islands National Park (Pangasinan:Kapulo-puloan o kaya Taytay-Bakes) ay isang destinasyong panturista na matatagpuan sa Barangay Lucap, Lungsod ng Alaminos, Pangasinan, Pilipinas. Ito ang unang pambansang parke ng Pilipinas. 

Page 4: PILIPINAS

5. Chocolate hills 

Ang Chocolate hills ay isang burol. Nagiging berde ito pag tag-ulan, at kulay chocolate kung tag-araw. Ito ay matatagpuan sa Bohol. Kilala ito dahil sa kulay tsokolate. Maramin turista ang nagpupunta sa Bohol para makita ang chocolate hills. Ang Chocolate Hills ay isang malawak na lupain kng saan matatagpuan ang napakaraming burol. Ito ay tinawag na Chocolate Hills dahil ito ay kulay tsokolate tuwing tag-init/tag-tuyot at ito naman ay kulay berde tuwing tag-ulan. Ito ay makikita sa Brgy. Carmen sa Bohol. Ang dahilan kung bakit hindi ito tinutubuan ng kahit anong puno dahil sa ilalim nito ay puno ng limestone. Umaabot ng 1,776 na burol ang matatagpuan na nakakalat.

6. Manila Bay

Ang manila bay ang isang look na nagsisilbing daungan sa Manila o sa Luzon. Napalilibutan rin ito ng mga hotel at parke na dinarayo ng lahat.

Page 5: PILIPINAS

7. Palawan

Ang Palawan ay isang pulong lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyong Mindanao. Ang Lungsod ng Puerto Princesa ang kapital nito at ang pinakamalaking lalawigan sang-ayon sa laki ng lupain. Bumabagtas ang mga pulo ng Palawan mula sa Mindoro hanggang Borneo patungong timog-kanluran. Matatagpuan ito sa pagitan ng Dagat Timog Tsina sa hilangang-kanluran at Dagat Sulu sa timog-silangan.

8. Mayon Volcano

Matatagpuan sa lalawigan ng Albay sa bansang Pilipinas ang aktibong Bulkang Mayon. Inihahambing ito sa Bundok Fuji ng bansang Hapon dahil sa tila perpekto nitong hugis. Matatagpuan ang Lungsod ng Legazpi ilang kilometro sa timog nito.

Ayon sa mga volcanolohigo, isa itong stratovolcano o kompositong bulkan. Ang tila simetriko niton kona ay nabuo sa pamamagitan ng pagkapatong-patong ng mga daloy ng lahar at lava. Dahil umaabot ng halos 50 beses na ang mga pagsabog nito sa nakaraang 400 taon, itinuturing itong pinakaaktibong bulkan sa buong bansa. Matatagpuan ito sa isang convergent plate boundary1 sa gitna ng Platong Eurasian at ng Plato ng Plipinas.

Page 6: PILIPINAS

9. Tubbataha Reefs Natural Park

Ang Bahurang Tubbataha, Hapilang Tubbataha o Batuharang Tubbataha ay isang pulong batuharang na binubuo ng mga kural o batong-bulaklak na matatagpuan sa Dagat Sulu ng Pilipinas. Isa itong santuwaryong-dagat na pinangangalagaan ng Pambansang Marinang Liwasan ng Bahurang Tubbataha (Tubbataha Reef National Marine Park). Naging nominado ito para sa pagiging "bagong pitong kahanga-hanga sa kalikasan."

10. Maria Christina Falls

Ang talon ng Maria Cristina ay ang pinakamalaking mana ng Iligan at isa sa tanyag na tanawin dito sa Pilipinas. Ito ay itinuturing na pinakamarilag sa dalawampung talon na matatagpuan sa “City of Majestic Waterfalls”- Iligan City. Nasa taas na 320 talampakan at 9.3 kilometro ang layo mula sa lungsod. Nagmumula ang tubig nito sa Lawa ng Lanao na matatagpuan sa Marawi City at dumadaloy patungong Agus. Sa katunayan, siyamnapung bahagdan ng tubig nito ay ginagamit sa pagsuplay ng enerhiya sa hydroelectric power plant, ngunit nananatiling mapang-akit ang lagaslas nito.

Page 7: PILIPINAS

MGA MAKASAYSAYANG

LUGAR SA PILIPINAS

Page 8: PILIPINAS

1. RIZAL SHRINE SA CALAMBA- Itinuturing na makasaysayanang Rizal Shrine sa Calamba Laguna sapagkat dito lumaki si Dr. Jose Rizal.

2. FORT SANTIAGO-Nasa Intramurros, Maynila. Dito ikinulong ng mga Espanyol si Rizal bago barilin sa Bagumbayan ( Luneta)

Page 9: PILIPINAS

3. RIZAL PARK- Matatagpuan sa Luneta sa Maynila. Dito binaril ng mga sundalong Espanyol si Rizal noong ika-30 ng Disyembre 1896.

4. AGUINALDO SHRINE Sa kawit Cavite matatagpuan. Ito ang bahay ni Emilio Aguinaldo. Sa balkonahe ng bahay na ito inihayag ni Heneral Aguinaldo ang kalayaang Pilipinas noong ika- 12 ng Hunyo 1898. Kasabay nito ang pagwagayway ng watawat ng Pilipinas sa unang pagkakataun. Sa pagkakataon din ito unang pinatugtog ang Himig ng Lupang Hirang ang ating pambansang awit.

Page 10: PILIPINAS

5. PUGAD- LAWIN- Matatagpuan sa Lungsod ng Quezon. Dito naganap ang makasaysayan Sigaw sa pugad lawin noong ika-23 Agosto 1896. 

6. KRUS NI MAGELLAN - Sa Lungsod ng Cebu matatagpuan. Isang replikan nalamang ang makikitasa loob ng gusali. May walong dingding o hugis octagon. 

Page 11: PILIPINAS

7. PALASYO NG MALACANANG - Matatagpuan sa Maynila. Ito ay opisyal na tirahaan ng Pangulo ng Pilipinas. Itnayo ito noong panahon ng pananakop ng mga Espanyo.

8. SIMBAHAN BARASOAIN - Malolos Bulacan matatagpuan, Sa Simbahang ito unang nagpulong ang mga hinirang na kinatawan sa Kongreso ng Malolos noong ika15 ng Setyembre 1898. Dito Binuo ang saligang batas ng Malolos sa pamumuno ni Felipi Calderon. 

Page 12: PILIPINAS

9. CORREGIDOR - Sa isang pook ng look ng Maynila ang Corregidor, ito ay sakop ng Cavite. Naging tangulan ito ng mga Pilipino nang sakupin ng mga Hapones ang ating bansa. Ang mga sundalong Pilipino at Americano ay magkasamang lumaban sa mga sundalong Hapones. Ipinamalas nila ang kanilang tapang at galing sa pakikipaglaban. 

10. DAMBANA NG KAGITINGAN Samat Bataan - Isang malaking krus.Ito ay itinayo bilang parangal sa mga sundalong Pilipino at Amerikano na lumaban sa mga Hapones noong ikalawang Digmaan Pandaigdigan.

Page 13: PILIPINAS

MGA BAYANI AT KANILANG

KONTRIBUSYON SA KASAYSAYAN NG

PILIPNAS

Page 14: PILIPINAS

Si Marcelo Hilario del Pilar y Gatmaitan (Agosto 30, 1850 - Hulyo 4, 1896), kilala rin bilang ang "Dakilang Propagandista", ay isang ilustradonoong panahon ng Espanyol. Ang kanyang pangalan sa dyaryo ay Plaridel. Binili niya kay Graciano Lopez Jaena ang La Solidaridad at naging patnugot nito mula noong 1889 hanggang 1895. Dito niya isinulat ang kanyang pinakadakilang likha ang La Soberania Monacal en Filipinas at La Frailocracia Filipina. Isinulat din niya ang “Dasalan at Tuksuhan” na tumitira sa mga mapang-abusong prayle.

Isinilang si Marcelo H. del Pilar sa isang nayon sa Cupang, San Nicolas, Bulacan noong Agosto 30, 1850. Siya ang bunso sa sampung magkakapatid ng mayamang magasawang sina Don Julian del Pilar, isang gobernadorcillo at Doña Blasa Gatmaitan. "Hilario" ang dating apelyido ng pamilya ngunit, dahil sa kautusang alinsunod kay Gobernador-heneral Narciso Claveria noong 1849, ay idinikit ang "del

Pilar" upang mapangalagaan ang kanilang pamilya sa mga kastila. Ang apelyido ng pamilya nila'y isina-Kastila bilang pagsunod sa kautusan ng Gobernador-heneral Narciso Claveria noong 1849. Ang kanyang kapatid na si Padre Toribio H. del Pilar ay isang pari na ipinatapon ng mga Kastila sa Guam noong 1872.

Si del Pilar ay nagsimulang mag-aral sa kolehiyong paaralan ni Ginoong Jose A. Flores at lumipat sa Colegio de San Juan de Letran at muling lumipat sa Unibersidad ng Santo Tomas kung saan huminto siya ng walong taon sa pag-aaral pero natapos din sa kursong abogasya noong 1880. Noong Hulyo 1, 1882, itinatag niya ang Diariong Tagalog (ayon kay Wenceslao Retana, isang Kastilang manunulat, ang unang labas ay inilathala noong Hunyo 1, 1882) kung saan binatikos niya ang pang-aabuso ng mga prayle at kalupitan ng pamahalaan. Humingi siya ng mga kaukulang pagbabago. Ilan pa sa kanyang mga isinulat ay ang mga sumusunod: Dudas, Caiingat Cayo, Kadakilaan ng Diyos, Dasalan at Tuksuhan, Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas, Pasyong Dapat Ipag-alab nang Puso ng Taong Babasa, La Soberania Monacal en Filipinas, at La Frailocracia Filipina. Nakipag tulungan si Marcelo sa kaniyang mga kakampi upang mapatalsik nila ang mga kalaban.

Noong 1888, sumulat siya ng manipesto na naglalayong patalsikin ang mga prayle sa Pilipinas, na nilagdaan ng 810 katao sa isang pambayang demonstrasyon at iniharap sa Gobernador ng Maynila. Ipinagtanggol din niya ang mga sinulat ni José Rizal kagaya ng Noli Me Tangere laban sa mga prayleng sumasalakay rito. Nang pinag-uusig siya ng mga Kastila at noong 1888, tumakas siya patungo ng Espanya sanhi ng kanyang panawagang pagpapatapon sa Dominikanong Arsobispo Pedro P. Payo.

Pagdating sa Espanya, pinanguluhan niya ang pangkat pampulitika ng La Asociacion Hispano-Filipino (Ang Samahang Kastila-Pilipino) noong Enero 12, 1889, isang samahang pambayan na binubuo ng mga Pilipinong propagandista at mga kaibigang Kastila sa Madrid upang manawagan sa pagkakaroon ng pagbabago sa Pilipinas. Pagkatapos, pinalitan niya si Graciano Lopez Jaena bilang patnugot ng La Solidaridad noong Disyembre 15, 1889, isang pahayagang pampulitika na inilathala minsan tuwing ikalawang linggo na siyang nagsilbi bilang tinig ng Kilusang Propaganda. Naglathala rin siya ng mga liberal at progresibong artikulo at sanaysay na nagbunyag sa kalagayan ng Pilipinas.

Labis na naghirap si del Pilar sa pagpapalimbag ng La Solidaridad. May panahong hindi siya kumakain at may panahong hindi narin natutulog ang manunulat. Upang makalimutan ang gutom, may panahong namumulot siya ng upos na sigarilyo sa mga daan. Ang pondo para sa pag-papalimbag ng pahayagan ay paubos na. Malaking suliranin sa kanya ang walang tulong pinansyal na dumarating mula sa Pilipinas dahilan kung bakit huminto ang paglalathala ng pahayagan noong Nobyembre 15, 1895 sanhi ng kakulangan sa pondo. Kahit gaano ang hirap na dinadanas niya, nagpatuloy pa rin siya sa pagsusulat para sa ikalalaya ng Pilipinas.

Katulad ni Andres Bonifacio, naniwala siya sa paghihimagsik. Dahil dito, nagpasya siyang umuwi ng Pilipinas upang tumulong kay Bonifacio.

Page 15: PILIPINAS

Si Andrés Bonifacio (Nobyembre 30, 1863 - Mayo 10, 1897) ay siyang namuno sa rebolusyon ng Pilipinas laban sa Espanya, ang unang rebolusyon sa Asya na lumaban sa pananakop ng mga bansang imperyalista sa Europa.

Siya ay isinilang noong ika-30 ng Nobyembre, 1863 sa Tondo, Maynila. Ang kanyang magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro. Siya ay nagsimulang mag-aral sa paaralan ni Don Guillermo Osmeña sa Meisic sa Binondo, Maynila subalit siya'y maagang nahinto sa pag-aaral. Bagamat siya'y nahinto sa pag-aaral, may angkin siyang talino at marunong siyang bumasa at sumulat, at dalubhasa na rin sa pagsasalita sa wikang Kastila.

Naulila sa magulang nang maaaga sa edad na 14. Naging tindero siya ng ratan at pamaypay na gawa sa papel de hapon. Nagtrabaho din siya bilangclerk, sales

agent at bodegista (warehouseman). Nahilig siyang basahin ang mga nobela ni Jose Rizal at nang itinatag ang La Liga Filipina, sumapi siya kasama ni Apolinario Mabini.

Bagamat mahirap ay mahilig bumasa at sumulat ng mga bagay na may kabuluhan lalo na kung ito ay tungkol sa bayan, karapatang-pantao at kasarinlan ng inang-bayan. Siya ay may diwa ng paghihimagsik laban sa malupit na mananakop na Kastila. Siya rin ay nagnais na magbangon ng pamahalaang malaya na naging daan upang kanyang maitatag ang Katipunan na kakatawan sa himagsikan at upang maging wasto at panatag sa kanyang adhikaing kalayaan ng bayan. Noong 1892, matapos dakpin at ipatapon si Dr. Jose Rizal sa Dapitan, itinatag ni Bonifacio ang Katipunan o kilala rin bilang "Kataastasan,Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan" (KKK), isang lihim na kapisanang mapanghimagsik, na di naglaon ay naging sentro ng hukbong Pilipinong mapanghimagsik. Kasama ni Bonifacio ay sina Valentin Diaz, Deodato Arellano (bayaw ni Marcelo H. del Pilar), Teodoro Plata (bayaw ni Bonifacio), Ladislao Diwa, at ilang manggagawa sa pagtatag ng Katipunan sa Calle Azcarraga (ngayon ay Avenida Claro M. Recto) malapit sa Calle Candelaria (ngayon ay Kalye Elcano).

Sa pagtatag ng Katipunan, kinilala si Andres Bonifacio bilang "Ama ng Rebolusyon" sa Pilipinas. Si Bonifacio at ang kanyang mga kasamahan sa Katipunan ay may iisang layunin na marahil ay siyang naging dahilan upang ang kanilang pakikidigma ay maging matagumpay.

Sa Katipunan, "Supremo" ang kanyang titulo at di naglaon nang itinatag niya ang Pamahalang Mapaghimagsik ay tinawag siyang "Pangulo ng Haring Bayang Katagalugan". Dito rin niya nakilala si Gregoria de Jesus na tinawag niyang Lakambini. Noong Agosto 23, 1896, sa maliit na baryo ng Pugad Lawin (ngayo'y Bahay Toro, Project 8, Lungsod Quezon) sa Balintawak ay tinipon nya ang mga Katipunero at isa isa'y pinunit ang kanilang mga sedula.

Sa gitna ng rebolusyon, isang halalan ang naganap sa Tejeros, Cavite, sa kahilingan ng mga Katipunerong Magdalo na ang lumahok ay mula sa Cavite lamang. Nanalo sa pagka-pangulo si Emilio Aguinaldo, Lider ng Katipunang Magdalo at ang Supremo ay naihalal sa mababang posisyong Tagapangasiwa ng Panloob (Interior Director).

Dahil sa ang mga kasapi ng Magdalo ay mga may kayang tao sa hilagang-kanlurang bahagi ng Kabite at kanilang mga taga-sunod, ayaw nila kay Andres Bonifacio sapagkat ito ay isang laki sa hirap at ayaw nilang tanggapin na sila ay pinamumunuan ng isang mahirap na kagaya ng Supremo kaya't minamaliit nila ang kakayahan nito. Nang sinubukan ng mga kasapi ng lupon ng mga Magdalo na usisain ang kakayahan ni Andrés Bonifacio na gawin ang tungkulin ng isang Tagapangasiwa ng Panloob, na ayon sa kanila ay gawain lamang ng isang abogado, nainsulto si Bonifacio. Idineklara ng Supremo, bilang pangulo ng Katipunan, na walang bisa ang naganap na eleksyon dahilan sa pandaraya sa botohan ng mga Magdalo. Dahil dito, kinasuhan si Bonifacio ng sedisyon at pagtataksil ng mga Magdalo. Habang hindi pa naka-aalis ng Cavite, siya ay ipinahuli at ipinapatay ni Aguinaldo sa kanyang mga tauhan. Iniutos kayMariano Noriel na ibigay ang hatol sa isang selyadong sobre kay Lazaro Makapagal. Iniutos ang pagbaril kay Bonifacio kasama ang kanyang kapatid na lalaking si Procopio Bonifacio noong ika-10 ng Mayo, 1897 malapit sa Bundok Nagpatong (o Bundok Buntis).

Noong 1918, sinikap ng pamahalaan ng Pilipinas na hanapin ang labi ni Andrés Bonifacio sa Maragondon. Ayon sa isang grupo ng mga opisyal ng pamahalaan, mga dating rebelde at isang lalaking nagpakilala bilang dating kasambahay ni Bonifacio, nahanap daw ang kaniyang mga buto sa isang taniman ng kawayan noong 17 Marso 1918. Inilagay ang mga labi sa huling pamamahala ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas, at itinipon ito sa Lumang Gusaling Batasan (ang kasalukuyang Pambansang Museo ng Pilipinas) hanggang sa nawala ang urna noong panahon ng Labanan sa Maynila ng 1945.

Page 16: PILIPINAS

Si Melchora Aquino (kapanganakan Enero 6, 1812, kamatayan Marso 2, 1919) o Tandang Sora ay hindi nagkaroon ng pagkakataong mag-aral subalit kung pakikipagkapwa tao ang pag-uusapan ay nasa kanya na ang mga katangiang maaring ituro ng isang guro sa paaralan. Siya ay may isang maliit na tindahan sa Balintawak. Tinagurian siyang Tandang Sora, sapagkat matanda na siya noong sumiklab ang himagsikang pinamumunuan ni Andres Bonifacio noong taong 1896.

Siya ay ikinasal kay Fulgencio Ramos, isang cabeza de barrio ay may anim na anak. Namatay si Ginoong Ramos noong pitong taong gulang pa lang ang kanilang bunsong anak. Mula noon siya na ang nagtaguyod sa buong pamilya at

hindi muling nagpakasal.

Noong Agosto, 1896, ang kalupitan ng mga Kastila ay lalong tumindi dahil sa pagkakatuklas ng nalalapit na paghihimagsik ng mga katipunero niAndres Bonifacio. Maraming mamamayan ang hinuli at pinahirapan at pilit na pinagtatapat ng tungkol sa mga lihim ng Katipunan. May mga nakatakas at sa kagubatan nakapagtago at dito nila nakatagpo si Tandang Sora. Kinupkop sila ng matanda, pinakain at pinabaunan ng konting salapi at pinapupunta sa lugar na ligtas sa pag-uusig ng mga Kastila. Lahat ng dumudulog sa munting tahanan ni Tandang Sora ay kanyang pinagyayaman, bata man o matanda, babae o lalaki.

Natunugan ng mga Kastila ang kabutihan ni Tandang Sora, lalo na sa mga katipunero kaya't siya ay hinuli at ipinatapon sa pulo ng Marianas. Bumalik sa Pilipinas si Tandang Sora nang ito ay nasa pamahalaan na ng mga Amerikano. Matandang-matanda na siya at walang nalalabing ari-arian. Nabuhay siyang isang dukha at namatay sa karalitaan noong Marso 2, 1919.

Siya ay nakahimlay sa kanyang bakuran sa Balintawak (na ngayon ay kinatatayuan ng Himlayang Pilipino, Tandang Sora, Lungsod ng Quezon)

Page 17: PILIPINAS

Isinilang si Emilio Jacinto noong Disyembre 15, 1875 sa Trozo, Maynila. Ang mga magulang niya ay sina Mariano Jacinto at Josefa Dizon. Nag-aral siya sa kolehiyo ng San Juan de Letran at kumuha ng abogasya sa UST ngunit ito ay natigil nang siya ay sumapi sa Katipunan noong 1893. sa gulang na 19 siya ay isa sa mga magagaling na pinuno ng Katipunan.

Kinilala siyang Utak ng Katipunan. Gumamit siya ng sagisag-panulat na Pingkian sa Katipunan. Itinatag niya ang pahayagang Kalayaan, ang pahayagan ng katipunan. Ito'y pinamatnugutan katulong si Pio Valenzuela. ang sagisag-panulat na kanyang ginamit ay Dimas Ilaw. Siya ang sumulat ng Kartilya ng Katipunan. Si Jacinto ay lubhang nasugatan ngunit pinakawalan dahil sa sakit na malaria at disenterya. siya ay binawian ng buhay sa Sta. Cruz, Laguna noong abril 16, 1899 sa edad na 23.

Page 18: PILIPINAS

Si Mariano Ponce (Marso 23, 1863-Mayo 23, 1918) ay isang Pilipinong manggagamot na naging pinuno ng Kilusang Propaganda na hinimok ang mag-rebolusyon ang Pilipinas laban sa mga Kastila noong 1896.

Siya ay ipinanganak sa Baliwag, Bulacan noong Marso 22, 1863. Ang kanyang mga magulang ay sina Don Mariano Ponce at Maria delos Santos.

Siya ay nag-aral ng Elementarya sa Baliwag at nagtapos ng haiskul sa isang pribadong paaralan. Sa Colegio de San Juan de Letran siya nagtapos ngBachiller en Artes. Nag-aral siya ng medisina sa Unibersidad Sentral ng Madrid.

Nakilala siya bilang propagandista, manunulat, manggagamot at tanyag na repormista sa panahon ng

propaganda. Pinamatnugutan niya ang pahayagang La Solidaridad at aktibong kasapi ng Asosacion Hispano-Filipino.

Noong panahon ng Propaganda, gumamit siya ng sagisag na Tikbalang, Nanding at Kalipulako sa kanyang pagsusulat. Kilala siya bilang aktibong \ mananaliksik ng mga propagandista.

Naglakbay siya sa iba't ibang Lugar tulad ng Canton, Hong Kong at Handow. Sa Hong Kong niya nakilala si Heneral Emilio Aguinaldo at sa Indo-China at Shanghai naman niya nakilala ang nagtatag at ang unang Pangulo ng Republika ng China na si Dr. Sun Yat Sen. Noong 1898 nang ipadala siya sa bansang Hapon upang makipag-ugnayan sa mga opisyales ng pamahalaan doon. Doon niya napangasawa si Akiyo Undangawa. Nagkaroon sila ng apat na anak.

Naglingkod siya bilang isang mambabatas sa Pambansang Asemblea, at kinatawan ng ikalawang distrito ng Bulacan.

Bilang manunulat, siya ay nakasulat ng mga akdang pampanitikan sa wikang Kastila, Tagalog at Ingles. Bilang tagapag-ambag sa Panitikang Pilipino, mula sa kanyang panulat ang Ang Alamat ng Bulacan, isang katipunan ng mga alamat; Mga Kuwentong Bayan sa Lalawigan ng Bulacan; Ang Pagpugot kay Longhinos, isang dulang itinanghal sa Liwasang Bayan ng Malolos; Ang Panitikan ng Kilusang Propaganda; Ang Makasaysayang Pag-aaral Tungkol sa Pilipinas, at marami pang iba.

Namatay siya sa sakit na tuberculosis sa Hong Kong noong Mayo 23, 1918.

Page 19: PILIPINAS

Si Gregorio del Pilar ay ang pinakabatang heneral na lumaban sa Digmaang Pilipino-Amerikano. Siya ay isinilang sa Bulakan, Bulakan noongNobyembre 14, 1875 kina Fernando del Pilar at Felipa Sempio.

Si del Pilar ay unang nag-aral kay Maestro de la san jose at pagkatapos ay nagpatuloy sa paaralan ng mananagalong na si Pedro Serrano Laktaw. Nag-aral siya sa Ateneo Municipal de Manila noong 1880 at tumira sa bahay ng kanyang tiyo na si Deodato Arellano kung saan sinasabing itinatag ang Katipunan. Sa murang isipan ni del Pilar natimo ang mapanganib na mensahero ng mga propagandista. Noong Marso 1896, nagtapos siya sa Ateneo sa kursong Bachiller en Artes, binalak niyang magturo

subalit sumiklab ang apoy.

Sa murang gulang sumapi siya sa Katipunan. Naging pinuno ng mga katipunero at sumanib siya sa tropa ni Col. Vicente Enriquez kung saan napalaban siya at bunga ng maigting na pagtatanggol siya ay nahirang bilang tinyente sa gulang na 19. Ginawa siyang heneral ng isang brigada sa gulang na 22. Ang pagsalakay niya sa Paombong, Bulakan at Quingwa (ngayon ay Plaridel, Bulakan) ang nagpatanyag sa kanya. Napahanga niya siAguinaldo at itinaas siya bilang tinyente kung saan pinalaya niya ang lalawigang ito. Nang mamatay si Hen. Antonio Luna si del Pilar ang humalili sa maliit na hukbo ni Aguinaldo. Nang tinugis sila ng mga Amerikano sa Pasong Tirad noong Disyembre 2, 1899, nagpaiwan siya upang abangan ang mga kaaway habang tumatakas si Aguinaldo.

Page 20: PILIPINAS

Si Antonio Luna (Oktubre 29, 1866 - Hunyo 5, 1899) ang nakakabatang kapatid ni Juan Luna.

Ipinanganak siya sa Maynila noong ika-29 ng Oktubre, 1866 sa Binondo, Maynila. Siya ang bunsong anak nina Joacquin Luna at Laureana Novicio. Nagtapos siya ng Bachiller en Artes sa Ateneo Municipal de Manila noong 1883 sa murang edad na 15. Kumuha rin siya ng kursong parmasyutika saUnibersidad ng Santo Tomas at nakamit niya ang kanyang lisensya sa kursong ito sa Unibersidad de Barcelona. Natapos din siya sa pagkakadalubhasa sa parmasyutika sa Gante, Belhika. Sa propesyon ay isa siyang parmasyotiko.

Ang pagsusulat ang libangan Antonio Luna. Iniakda niya ang El Nomatozario del Paerdismo na nalathala sa Madrid noong 1893. Ito ang kanyang pinakamalaki niyang naiambag sa literaturang pang-medisina. Siya ang nagtatag ng La Independencia at nagpapadala rin siya ng mga lathalain sa ibang pahayagan.

Sa simula pa lamang ay isa na siyang tagapagtaguyod ng paghingi ng reporma sa mapayapang pamamaraan. Dahil sa hinalang siya ay isa sa mga teroristang laban sa pamahalaan, dinakip siya ng mga maykapangyarihang Kastila, nilitis at ikinulong.

Nang siya ay makalaya, nag-aral siya ng iba't ibang paraan ng pakikipaglaban sa Gante. Pagbalik niya sa Pilipinas, sumapi siya sa rebolusyonaryong pamahalaan ni Emilio Aguinaldo. Hinirang siyang direktor ng digmaan at tagapamahalang heneral ng Hukbong Rebolusyonaryo. Siya ay ginawang kabahagi ng sandatahang lakas laban sa mga Amerikano.

Bilang isang sundalo, si Antonio ay mahigpit magparusa. Sa panahon ng pakikipagdigmaan, pinagsumikapan niyang maipailalim sa isang disiplina ang mga tauhan sa Batalyon ng Kabite. Isa sa kanyang madugong pakikipaglaban ay naganap sa La Loma na kung saan ay napatay si Major Jose Torres Bugallon. Marami pang ibang pinuno ng kalaban ang nagapi ni Heneral Luna ngunit dumating ang isang pagkakataon na sila ay natalo at ito ay naganap sa Caloocan.

Nasawi ni Heneral Luna noong ika-8 ng Hunyo, 1899 sa Cabanatuan sa lalawigan ng Nueva Ecija. Nagtungo siya roon sa pagtupad sa isang ipinalalagay na pagtawag ni Heneral Aguinaldo upang dumalo sa isang pulong.Habang nasa loob ng simbahan ng Cabanatuan, binaril siya ng mga sundalo ni Aguinaldo na inihingi niyang bigyan ng disiplina.

Sa pagkamatay ni Antonio Luna nawalan ng isang dakilang kawal at pinuno ng rebolusyon ang Unang Republika ng Pilipinas.

Page 21: PILIPINAS

Ang Gomburza ay isang daglat - o pinagsama-samang piniling mga bahagi ng pangalan - para sa tatlong martir na paring Pilipinong sina Mariano Gomez, Jose Apolonio Burgos, at Jacinto Zamora na binitay sa pamamagitan ng garote noong Pebrero 17,1872 ng mga Kastila sa mga paratang ng pagpapatalsik ng pamahalaan na nagdulot ng pag-aalsa sa Cavite noong 1872. Nag-iwan ang kanilang pagkabitay ng mapait na damdamin sa maraming mga Pilipino, lalo na kay Jose Rizal, ang pambansang bayani ng Pilipinas. Inihandog ni Rizal ang kaniyang nobelang El Filibusterismopara magsilbing alaala sa tatlong paring ito.

Page 22: PILIPINAS

Si Heneral Miguel Malvar (ipinanganak Setyembre 27, 1865) ay isang Pilipinong pinuno ng kilusan noong Himagsikang Pilipino at sa kalaunan angDigmaang Pilipino-Amerikano. Bunsod ng sagupaan na nagpadakip kay Emilio Aguinaldo noong 1901, ipinagpatuloy niya ang pamamahala sa Hukbong Rebolusyonaryo .

Si Malvar ay ipinanganak noong Setyembre 27, 1865 sa Santo Tomas, Batangas nina Maximo Malvar at Tiburcia Carpio. Ang kanyang ama ay mayamang magsasaka ng tubo at palay kaya siya pati narin ang kanyang mga kapatid ay nakapag-aral. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, siya’y umunlad sa paglilinang ng kahel sa lupang pinagtrabahuhan niya ng husto. Siya rin ang nag-asawa at nagkaroon

ng pamilya.

Siya ay nagtapos ng primarya sa ilalim ng pagtuturo ni Valerio Malabanan at pagkatapos ay lumuwas ng Maynila upang ipagpatuloy ang pag-aaral.

Siya ay naging kalihim ng munisipyo ng Santo Tomas at naglingkod bilang capitan municipal. Siya ang naging lider ng kilusang laban sa Kastila sa Batangas, Naging heneral din siya nang matatag ng panlalawigang pamahalaan ng Cavite. Lahat ng kanyang pakikipaglaban sa Batangas ay naging matagumpay.

Si Heneral Malvar na kilala bilang isang magiting na heneral ay namatay noong Oktubre 13, 1911.

Page 23: PILIPINAS

Si Macario Sakay y de León ay isang Pilipino pangkalahatang sa Philippine Revolution laban sa Espanya at sa Philippine-Amerikano Digmaan. Sakay patuloy na pagtutol laban sa Estados Unidos ng pagsunod sa mga opisyal na Amerikano na deklarasyon ng pagtatapos ang Pilipino-Amerikano Digmaan sa 1902 at sa mga sumusunod na taon ay naging presidente ng Republika ang Tagalog, [1] Sakay ay conned ng Amerikano sa darating na pababa mula sa mga bundok sa pangako ng indulto para sa kanya at sa kanyang mga opisyal, sa tuktok ng pagbuo ng Philippine Assembly na binubuo ng mga Pilipino upang magsilbi bilang ang 'gate ng kalayaan. Kanyang SUMUKO ay ginawa sa isang kailangan para sa isang estado ng kapayapaan na parang matiyak ang halalan ng Pilipino delegates sa Philippine Assembly. Sakay naniniwala na pakikibaka ay Paglipat sa konstitusyunal na paraan, na may Assembly bilang ay nangangahulugan sa pagpanalo sa pagsasarili. Dominador Gómez, isang Pilipino na lider ng paggawa, ay pinahintulutan sa 1905 sa pamamagitan ng Gobernador General Henry Clay Ide upang makipag-ayos para sa SUMUKO ng Sakay at ang kanyang mga lalaki. Gómez nakilala may Sakay sa kanyang kampo at Nagtalo na ang pagtatatag ng

isang pambansang pagpupulong ay na gaganapin sa pamamagitan ng Sakay ng intransigence, at na ang ang mga establishment ay ang unang hakbang patungo sa pagsasarili ng Pilipino. Sakay sumang-ayon upang tapusin ang kanyang paglaban sa kondisyon na isang pangkalahatang indulto ipinagkaloob kanyang lalaki, na sila ay pinapayagan na magdala ng mga baril, at na siya at ang kanyang mga opisyal pinahihintulutan upang iwanan ang bansa. Gómez panatag Sakay na mga kundisyon na ito ay magiging katanggap-tanggap sa Amerikano, at Sakay ng sugo, General León Villafuerte, nakuha na kasunduan sa mga ito mula sa American Gobernador-Heneral. Sakay at Villafuerte nalakbay sa Manila, kung saan sila ay tinatanggap at inanyayahan sa reception at banquet. Isa imbitasyon ay nagmula mula sa tanod-bansa Chief, Col. Harry H. Bandholtz. Imbitasyong iyon ay isang kolonyal na bitag at Sakay at ang kanyang mga punong-guro lieutenants ay disarmed at naaresto habang ang partido ay nasa progreso. [2] [3] Sakay ay inakusahan ng "bandolerismo sa ilalim ng pandarambong Batas ng 12 Nobyembre 1902, na kahulugan sa lahat ng mga gawa ng armadong paglaban sa Amerikano panuntunan bilang banditry." Ang kolonyal Supreme Court ng Pilipinas upheld ang desisyon. [4] Sa Septiyembre 13, 1907, Macario Sakay ay hanged. Bago ang kanyang kamatayan, ginawa niya ang mga sumusunod na pahayag: "Kamatayan pagdating sa lahat ng sa amin maaga o huli, kaya ko harapin ang Panginoong makapangyarihan sa lahat mahinahon. Pero gusto kong sabihin sa iyo na hindi namin mga pangkat at magnanakaw, bilang Amerikano inakusahan sa amin, ngunit ang mga miyembro ng rebolusyonaryo lakas na defended aming ina bansa, ang Pilipinas! paalam! Long nakatira sa Republika at maaaring aming pagsasarili ipinanganak sa hinaharap! Long mabuhay ang Pilipinas! "

Page 24: PILIPINAS

Si Diego at Gabriela Sillang ang unang mag-asawang Pilipinong namuno sa isang paghihimagsik noong kolonisasyon ng mga Kastila sa Pilipinas.

Si Maria Josefa Gabriela Silang y Cariño (Marso 19, 1731 - Setyembre 20, 1763) a

Si Diego ay ipinanganak noong Disyembre 16, 1730.

Si Gabriela . Nang namatay si Diego, ipinagpatuloy ni Gabriela ang pinaglalaban ng asawa. Ang kanyang katapangan no Gabriela ang naging inspirasyon ng pagtatag ng partido politikal na GABRIELA.

Siya ay ipinanganak bilang noong Marso 19, 1731 sa Caniogan, Ilocos Sur (Santa, Ilocos Sur). Siya ay nagpapakasal laban sa kanyang kagustuhan nang siya ay isa pa lamang menor de edad. Ang lahat ng mga pangyayaring iyon ay pawang kagustuhan lamang ng kanyang ama. Natupad ang nais ng ama ni Gabriela nang napunta kay Gabriela ang kayamanan ng kanyang asawa nang ito ay namatay at siya ay maagang nabiyuda.

Lumipas ang ilang taon at napangasawa naman ni Gabriela si Diego Silang. Magiting na lumaban si Diego sa mga Kastila at napalaya ang Vigan. Sila ay nanirahan sa Vigan magmula noong Setyembre, 1762, hanggang sa mamatay si Diego at muli nitong pagkabiyuda.

Ang naudlot na pakikipaglaban ni Diego Silang ay buong giting niyang ipinagpatuloy. Subalit sa kasamaang palad, ang kanyang puwersa ay nawalang laban sa libu-libong lakas ng mga Kastila at kawalan iteres ng mga Ingles nang nilagda ng kasunduan sa pagtatapos ng Pitong Taong Digmaan saParis noong Pebrero, 1763. Si Gabriela ay dinakip at binitay noong Setyembre 20, 1763. Siya ay tinaguriang Unang Babaing Heneral at Unang Babaing Martir dahil sa kanyang katapangan at kagitingan para sa kapakanan ng bayan.

Ang kanyang ama ay si Miguel Silang at kanyang ina ay si Nicolasa Delos Santos.

Page 25: PILIPINAS

Noong siya ay bata pa, nagtrabaho si Diego bilang katulong ni ---, kura paroko ng Vigan. Duon siya naging mahusay magsalita ng wikang Kastila. Siya ay pinadala ni Padre Crisolo bilang mensahero. Dinadala niya ang mga sulat mula sa Vigan papuntang Maynila sa pamamagitan ng bangka. Sa isa sa kanyang paglalakbay, ang kanyang bangka ay inatake ng mga katutubong Zambal sa baybayin ng Zambales. Ang ilang sakay ay nalunod at pinatay ng mga katutubo. Si Diego naman ay nakaligtas ngunit naging bihag. Siya ay pinalaya sa pamamagitan ng ransom na pinadala ng mga misonaryong Rekoleksyonista.

Pinakasalan niya ang biyudang si Josefa Gabriela na tubong Santa, Ilocos Sur. Sila ay 27 taong gulang nang ikasal.

Nang nasa Maynila si Diego, at naghihintay sa Galleon, nakita nya na maraming mga atakeng barko ang mga Ingles sa Maynila de Bay. NoongSetyembre 24, 1762 inatake ng hukbong Ingles ang Maynila. Nasakop ang Maynila noong Oktubre 1762. Ang pagsakop ay kabilang sa Pitong Taong Digmaan.

Napansin ni Diego na humihina ang hukbong Kastila at dito nya naisipang mamuno ng kilusang rebolusyonaryo sa Hilagang Luzon. Lumakas ang pwersa nito. Natatag siya ng sariling kampo sa isang mataas na bundok na kung saan matatanaw ang kabuuan ng lalawigan ng Vigan. Ito ay kilala ngayon bilang Bundok ng Silang.

Si Diego Silang ay isang mahusay na pinuno at disiplinadong militar. Upang magkaroon ng pondong panustos, siya ay nanghingi ng tulong sa mga mayayaman at mahihirap na tao, depende na rin sa kakayahan ng mga ito.

Habang abala ang mga Kastila sa pagkuha muli ng Maynila, iniutos ng pamahalaan na sumuko si Silang. Hindi sumuko si Silang at sinubukang pang makipagsanib pwersa sa mga Ingles. Sumulat siya ng liham sa pamahalaang Ingles sa pamumuno ni Lt. Gen. Dawson Drake. Dito niya kinilala ang pagsakop ng Maynila. Binigay niya ang kanyang pagsuporta kapalit ng pagkilala sa kanya bilang Sarjento Mayor at Alcalde Mayor ng Ilocos. Hiningi rin nya ang pagkilala sa pagtalaga ng mga opisyales sa Ilocos.

Sa ilalim ng pamumuno ni Diego Silang, binigyan niya ng pagkakataong mamuno ang kapwa Pilipino. Lahat ng mga tinanggal na Kastilang opisyal ay pinalitan niya ng mga karapat-dapat na Ilokanong sibil at opisyal-militar na naaayon din naman sa kagustuhan ng kanyang nasasakupan. Ang kanyang mga makatarungang batas ay ipinahayag sa iba't ibang bayan.

Nagpatawag ang mga opisyales ng Espanya (Audencia) sa Maynila sa pamumuno ni Simon de Anda at nagalok ng pabuya kung sino man ang papatay kay Diego Silang. Noong Mayo 28, 1763, binisita ni Miguel Vicos at Pedro Becbec, mga kaibigan ni Diego, si Diego sa kanyang kuta sa Casa Real sa Vigan. Tinaksil nila si Diego nang binaril nila ito kapalit ng pabuya ng Audiencia.

Sa hatang edad na 33, si Diego Silang ay binawian ng buhay. Dahil sa kanyang husay na pamumuno, siya ay tinaguriang Liberator ng Ilocos. Tinuloy ng kanyang asawang si Gabriela ang laban.

Page 26: PILIPINAS

Si Emilio Aguinaldo y Famy (Marso 22, 1869–Pebrero 6, 1964) ay isang Pilipinong heneral, pulitiko at pinuno ng kalayaan, ay ang unangPangulo ng Republika ng Pilipinas (Enero 20, 1899–Abril 1, 1901). Isang siyang nakibaka para sa kasarinlan ng Pilipinas. Pinamunuan niya ang isang bigong pag-aalsa laban sa Espanya noong 1896. Makaraang magapi ng Estados Unidos ang Espanya noong 1898, ipinahayag niya ang kalayaan ng Pilipinas at umupo bilang unang pangulo ng Pilipinas noong Hunyo 1899. Malakas ang kaniyang loob subalit nilarawang baguhan sapagkat naniwalang tatangkilin ng Estados Unidos ang kaniyang hangarin. Nang maging ganap at lantad ang mga hangarin ng Estados Unidos hinggil sa Pilipinas, muli niyang pinamunuan ang isang pag-

aaklas mula 1899 hanggang 1901. Nadakip siya sa bandang huli ng mga Amerikano noong Marso 1901, makaraang makipaglaban sa loob ng dalawang taon. Nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos subalit nagsuot ng isang itim na bow tie hanggang sa tuluyang nakamit ng Pilipinas ang kalayaan noong 1946. Tumakbo siya bilang pangulo noong 1935 ngunit nagapi sa halalan ni Manuel Quezon. Sa mga huling panahon ng kaniyang buhay, nagsilbi siya sa Konseho ng Estado ng Pilipinas.Siya rin ang pinakabatang pangulo ng Pilipinas.

Noong 1894, sumali siya sa Katipunan o ang K.K.K., isang sikretong organisasyon na pinamumunuan ni Andres Bonifacio, at dedikado itong organisasyon upang maitaboy ang manlulupig na Kastila at makamit ang kalayaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng dahas. Ginamit niya ang nom de guerre na Magdalo, para kay Maria Magdalena. Ang kanyang sangay ng Katipunan na pinamumunuan ng pinsan niya na si Baldomero Aguinaldo ay tinawag ding Magdalo.

Nagsimula ang Rebolusyon sa San Juan del Monte (siyang lungsod ng San Juan, Metro Manila]]. Ngunit sa simula ay hindi sumali ang sangay ni Aguinaldo dahil sa kakulangan ng armas, na isa sa mga dahilan ng pagkatalo ni Bonifacio sa Pinaglabanan. Habang napilitan sina Bonifacio na gumamit ng gerilya para makilaban, nanalo sina Aguinaldo sa iba't ibang laban na nakapagtaboy ng mga Espanyol ng panandalian.

Noong Pebrero 17, 1897, natalo nina Aguinaldo at ilang Katipunero ang puwersa na pinamumunuan ni Gobernador-Heneral Camilo de Polavieja sa Labanan sa Tulay ng Zapote sa Cavite. Si Heneral Edilberto Evangelista, inhinyerong sibil, rebolusyonaryo, at tagatayo ng trintsera, ay namatay sa labanang ito. Ang probinsya ng Cavite ay naging importanteng lokasyon ng Rebolusyon at dito rin nakanalo ang Magdalo ng marami laban sa Espanya.

Ngunit, lalong nagkaroon ng malaking agwat ang dalawang kampo sa Katipunan, ang Magdalo at Magdiwang. Dahil dito, napilitan si Bonifacio na mamagitan sa dalawang kampo. Naisip ng Magdalo na magtayo ng sarili nilang gobyerno. Si Bonifacio, kahit para sa kanya na ang Katipunan ay gobyernong ganap, pinayagan niya at pinamunuan rin ang isang halalan na sinimulan sa Kumbensyong Tejeros sa Tejeros, Cavite noong Marso 22, 1897. Nawala rito ang

Page 27: PILIPINAS

pamumuno niya kay Aguinaldo, at naboto bilang Ministro ng Interyor. Ito ay kinwestyon ni Daniel Tirona, na sinasabing hindi raw nararapat ito kay Bonifacio dahil siya ay hindi nakapagtapos sa pag-aaral. Nagalit si Bonifacio (nilabas ang kanyang baril at binaril na sana si Tirona kung hindi lang siya tumigil) at dineklarang null at di-wasto ang kumbensyon. Napilitan si Bonifacio na bumalik sa Morong, Rizal

Hindi na kinilala ni Bonifacio ang gobyernong pinamumunuan ni Aguinaldo at sinimulang ibalik ang kanyang awtoridad, pinagbintangan ang paksyon ni Aguinaldo ng pagtataksil at nagbibigay ng utos na taliwas sa mga utos ni Aguinaldo. Sa utos ni Aguinaldo, hinuli si Bonifacio at ang kanyang mga kapatid at sa isang mock trial, nahatulan ng pagtataksil at nasintensyahan ng kamatayan. Pagkatapos ng pag-aalanganin, naisip niyang tanggalin ang hatol, ngunit pagkatapos makumbinse ni Heneral Manuel Noriel, Pangulo ng Konseho ng Digmaan, at iba pa, binalik ni Aguinaldo ang hatol. Pinatay ang magkapatid na Andres at Procorpio sa pamamagitan ng firing squad noong Mayo 10, 1897 sa Bundok Hulog na malapit ng apat na kilometro kanluran ng Maragondon, Cavite.

Pagkatapos ng pagsimula ng Digmaang Espanyol-Amerikano, bumalik si Aguinaldo sa Pilipinas noong Mayo 19, 1898.

Noong Mayo 24, dineklara niya na siya ang lider ng buong militar at nagtatag ng gobyernong diktaturyal na siya bilang diktador.

Noong Hunyo 12, dineklara ang Kalayaan ng Pilipinas sa bahay ng mga Aguinaldo sa Cavite el Viejo, at binasa ang Batas na Nagpapahayag ng Kalayaan ng Pilipinas. Ito ay sinulat sa baybay Kastila ni Ambrosio Rianzares Bautista, isang kapamilya ni Jose Rizal, na siya ring bumasa.

Noong Hunyo 18, dineklara niya sa pamamagitan ng dekrito ang opisyal na pagtatag ng kanyang diktadurya. Noong Hunyo 23, dineklara naman niya ang gobyerno na rebolusyonaryo at hindi na diktadurya, siya pa rin bilang pangulo.

Page 28: PILIPINAS