Pang- Angkop Grade 6

11
Pag- ugnayin ang mga sinasabi Pang- angkop

Transcript of Pang- Angkop Grade 6

Page 1: Pang- Angkop Grade 6

Pag- ugnayin ang mga sinasabi

Pang- angkop

Page 2: Pang- Angkop Grade 6

Naglalagay ng paalala o patalastas ang mga magkaibigang Roy at Dan. Tinutulungan nila ang kapitan ng barangay sa proyekto ukol sa kalinisa at katahimikan sa kanilang barangay.

Saan kaya natin magandang ilagay ang streamer?

Doon sa madaling makita.

Saan nga?

Sa may pader. Madali ito mababasa ng mga tao.

Page 3: Pang- Angkop Grade 6

Hindi puwede, marami nang nakadikit na babala roon.

Alam ko na. Bakit hindi natin ito isabit sa mga punong nasa daan.

Oo nga. Isabit natin ito sa mga punong nasa magkabilang daan. Maraming tao ang makakakita rito.

Page 4: Pang- Angkop Grade 6

Pansinin ang usapan ng magkaibigan. May ginamit na mga katagang nag- uugnay sa mga salita.

magandang ilagaymadaling makitaitong mababasanakadikit na babalapunong nasa magkabilang daan

Ano ang gamit sa mga pahayag ng pang- ugnay na –ng at na?

Page 5: Pang- Angkop Grade 6

Ginagamit na pang- ugnay ang mga katagang ito ng salitang naglalarawan at ng salitang inilalarawan. Tinatawag na pang- angkop ang na at –ng.

Halimbawa:

batang masipagmabait na bata

Ang na ay hindi ikinakabit sa salitang inaangkupan, samantalang ang –ng ay ikinakabit sa salitang inaangkupan nito.

Page 6: Pang- Angkop Grade 6

Gawain 1

Buuin ang mga pangungusap sa paglalagay ng na at –ng.

1. Umalis patungo____ probinsya ang mag- anak.2. Bibisitahin nila ang kanila___ mga kamag- anak.3. Mangunguha rin sila ng sariwa___ prutas at gulay sa bukid.4. Maliligo rin sila sa malinis ____ ilog sa tabi ng kanila___

bahay.5. Makikipaghabulan din sila sa mga hayop ____ maamo sa

parang.

Page 7: Pang- Angkop Grade 6

Gawain 2Buuin ang mga parirala upang bumuo ng kwento. Gamitin sa pangungusap ang mga pariralang may na at –ng.

1.tulay na kawayan2.buhanging pino3.sariwang hangin4.mapuputing bato at malinaw na tubig5.matataas na bundok

Page 8: Pang- Angkop Grade 6

Gawain 3Piliin ang mga pang- angkop na –ng at na sa bawat pangungusap. Sabihin ang dalawang salitang pinag- uugnay ng mga ito.1.Maraming magandang balak si Linda sa kaniyang

pagtatapos.2.Ipinangako niya sa sariling lalo siyang magsisipag sa

pag- aaral.3.Siya ay dating tamad na mag- aaral.4.Ngunit ngayong pasukan ay nagbago na siya.5.Matiyagang nagbabasa siya ng aklat.

Page 9: Pang- Angkop Grade 6

6. Kahit makapal na aklat ay tinatapos niyang basahin.7. Maraming bagong kaalaman siyang nakukuha sa mga aklat.8. Tahimik ma aklatan ang paborito niyang puntahan.9. Maraming aklat siyang nahihiram ditto.10. Umuuwi siyang masaya pagkagaling sa aklatan.

Page 10: Pang- Angkop Grade 6

Gawain 4Sumulat ng mga nais mong gawin ngayong magtatapos ka na sa elementarya. Ituloy ang sumusunod na mga pahayag. Gawin ito sa sagutang papel…1.Nais kong…2.Nangangako akong…3.Hindi na ako…4.Lalo kong…5.Magiging masipag…

Page 11: Pang- Angkop Grade 6

Tandaan:Ang mga pang- ugnay na –ng at na ay tinatawag na pang- angkop. Ginagamit ang mga ito sa pag- uugnay ng mga salitang naglalarawan at inilalarawan.