Panandang Kohesyong Gramatikal

10
Kohesyong Gramatikal

description

Paglinang sa maanyong paggamit ng pangungusap.

Transcript of Panandang Kohesyong Gramatikal

Page 1: Panandang Kohesyong Gramatikal

Kohesyong Gramatikal

Page 2: Panandang Kohesyong Gramatikal

Ano nga ba ito? Ito ay mga salitang tulad ng panghalip

na nagkakawing sa mga salita, parirala at sugnay.

Nakababagot na mabasa at marinig ang mga salitang paulit-ulit na ginagamit sa isang texto o pahayag.

Maiiwasan ang nabanggit na pag-uulit kung gagamit tayo ng panghalip tulad ng siya, niya, kanila, at iba pa. Ang paggamit ng mga panghalip upang humalili sa pangngalan ay tinatawag na pagpapatungkol.

Page 3: Panandang Kohesyong Gramatikal

1. Pagpapatungkol na Anapora

-ito ay panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa unahan ng pangungusap.

Page 4: Panandang Kohesyong Gramatikal

Halimbawa:

a. Patuloy na dinarayo ng mga turista ang Isla ng Boracay sa Aklan dahil sila’y totoong nagagandahan dito.

b. Si Gracia Burnham ay isa sa mga dayuhang turista na pumunta sa Dos Palmas Resort dahil ayon sa kanya, paborito niya itong pasyalan.

Page 5: Panandang Kohesyong Gramatikal

2. Pagpapatungkol na Katapora

Ito ang panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa hulihan.

Page 6: Panandang Kohesyong Gramatikal

Halimbawa:

a. Patuloy nilang dinarayo ang Isla ng Boracay sa Aklan dahil ang mga turista’y totoong nagagandahan dito.

b. Siya ay isa sa mga dayuhang turista na patuloy na pumupunta sa Dos Palmas Resort sa Palawan dahil ayon kay Gracia Burnham paborito niya itong pasyalan.

Page 7: Panandang Kohesyong Gramatikal

_____1. Isa sa mga panlipunang sakit ng mga Pilipino ay pagkakaroon ng kaisipang kolonyal kung kaya tayo ay nawawalan ng pagpapahalaga sa ating lahi.

_____2. Ang pagdaong ng mga Amerikano sa Pilipinas ay maituturing na sumpa at pagpapala, sila ay nakabuti at nakasama.

_____3. Mananatili itong sakit na papatay sa ating lipunan, dahil ang Amerikanisasyon ay tila isang sakit na nakakahawa.

Page 8: Panandang Kohesyong Gramatikal

2. Elipsis – Ito ay ang pagtitipid sa pagpapahayag. May mga salitang hindi na inilalagay o nawawala dahil naiintindihan na ito sa pahayag.

Halimbawa:

Wala ng ibang hinangad ang mga Pilipino kundi ang makapunta sa bansang iyon.

Ang paglala ng kahirapan ay dahil sa mga taong tulad nila.

Page 9: Panandang Kohesyong Gramatikal

Pagsasanay:

Isulat sa patlang ang PA kung pagpapatungkol sa anapora ang panghalip na may salungguhit at PK kung pagpapatungkol sa katapora ang ginamit na panghalip na may salungguhit sa pahayag.

_____1. Isa sa mga pangunahing pinagkakakitaan ng buwis ng bansa ang turismo dahil ito ay nagbibigay ng napakalaking pera sa kaban ng bansa.

_____2. Sa panahon ng kanyang panunungkulan, pinatunayan ng dating Pangulong Fidel V. Ramos na kaya niyang paunlarin ang turismo sa Pilipinas.

Page 10: Panandang Kohesyong Gramatikal

_____3. Ayon sa mga nakaaalam ng takbo ng negosyo sa bansa, bumagsak daw ang turismo sa administrasyong Estrada dahil mahina raw siyang pangulo.

_____4. Isa siyang ekonomista kaya alam ng Pangulong Arroyo kung paano paikutin sa kanyang palad ang salapi ng bansa.

_____5. Ito ang pangunahing dahilan ng pagbagsak ng turismo sa bansa kaya ang terorismo ay patuloy na sinusugpo ng Administrasyong Aquino.