Pananaliksik: Autism
description
Transcript of Pananaliksik: Autism
University of perpetual Help System DALTA- Molino Campus
Molino 3, Bacoor, Cavite
S.Y. 2008-2009
KABANATA I
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
1. Introduksyon
Sa Ingles, autism ang tawag sa espesyal na kondisyon ng taong may di-normal
na pag-unlad. “May sariling mundo” ang bansag naman sa Tagalog bilang
paglalarawan sa autism. Ang manipestasyon kasi ng di-normal na kalagayang ito ay
kilos na parang walang kaugnayan sa paligid ng tao at mistulang gumagalaw siya sa
sariling kapaligiran. Ang autism o autistic spectrum disorder ay isang komplikadong
kapansanan na may kaugnayan sa pag-unlad o paglaki ng bata, na may mahalagang
epekto sa paraan kung paano ang isang tao ay nakikipagtalastasan, nakikisalamuha sa
ibang tao at makapagsaad ng emosyon at ideya. Ang mga salitang “Autistic
Spectrum” ay kalimitang ginagamit sapagkat ang ganitong kalagayan ay nagkakaiba–
iba sa mga tao. Ang Asperger Syndrome ay isang kalagayan na nasa hulihang bahagi
ng spectrum kung saan mas maayos ang kalagayan o “more able end”. Sa bahaging
hulihan ng spectrum kung saan hindi gaanong maayos ang kalagayan o “less able
end” ay ang Kanner’s Syndrome o pinagsama-samang sintomas ng sakit na ito, na
tinutukoy na klasikong autism. Ang autism ay abnormalidad kung saan nahihirapan
ang utak sa pagproproseso sa mga nakalap nitong impormasyon o pakiramdam. Ito ay
nagdudulot ng suliranin sa isang batang autistic dahil apektado ang kanyang
pakikisalamuha at pagkatuto.
1
University of perpetual Help System DALTA- Molino Campus
Molino 3, Bacoor, Cavite
S.Y. 2008-2009
Laganap ang autism sa buong mundo at karaniwang makikita ang mga
sintomas nito sa unang tatlong taon ng isang bata.
Ang mga kondisyon at balangkas ng pag-uugali kaugnay ng “early infantile
autism” o “maagang autism na nagmula pa sa pagkasanggol” ay unang inilarawan ng
psychiatrist sa bata na si Leo Kanner (1943). Ayon kay Kanner, kabilang sa mga
pangunahing katangian ng ganitong kundisyon ang matinding kaibahan sa
pakikisalamuha sa lipunan, sa pakikipagtalastasan, masyadong mahirap ang proseso
ng pag-iisip at may mga ritwal na balangkas ng pag-uugali. Sa halos kasabay na
panahon sa Europa, isang halos katulad na grupo ng mga bata ang inilarawan ni Hans
Asperger (1944), natatangi sila dahil sa pagiging kakaiba, inosenti at hindi naaangkop
na pakikisalamuha sa lipunan, mahabang bulul-bulol at putul-putol na pananalita,
kahinaan sa hindi-berbal na pakikipagtalastasan, mababaw na mga interes at
mahinang kakayanan sa koordinasyon sa pagkilos ng katawan at sa pag-iisip.
Inilarawan din sila na nahihirapan sa paggamit ng kasanayan sa isang paraang
maaaring baguhin at kapaki-pakinabang. Ang ginawa ni Leo Kanner (1943) at ni
Hans Asperger (1944) ang siyang bumuo ng batayan ng ating pagkaunawa sa Autistic
Spectrum Disorder sa kasalukuyan. Habang marami pang mga debate tungkol sa
kahulugan ng autism, at lalong-lalo na sa Asperger Syndrome, tanggap na ngayon sa
pangkalahatan na ang autism pati na ang Asperger
2
University of perpetual Help System DALTA- Molino Campus
Molino 3, Bacoor, Cavite
S.Y. 2008-2009
Syndrome ay kabilang sa isang mas malaking grupo ng mga sakit na may kaugnayan
sa pakikisalamuha at pakikipagtastasan sa lipunan, na karaniwang kilala bilang
Autistic Spectrum Disorder (ASD).
2. Layunin ng Pag-aaral
Ang pamanahong-papel na ito ay nagbibigay ng impormasyon hinggil sa
autism at naglalayong matugunan ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang kahulugan ng autism?
2. Ano ang sanhi ng autism at mayroon bang lunas ito?
3. Anu-ano ang mga damdamin ng mga maysakit na autism? Nang kanilang
pamilya?
4. Ano ang damdamin pananaw at saloobin ng mga mamamayan sa autism?
5. Sapat na ba ang mga programa ng gobyerno at medya tungkol sa autism?
2. Kahalagahan ng Pag-aaral
Sa kasalukuyan, marami na sa bawat miyembro ng pamilya ang nagkakaroon
ng autism. Kaya naniniwala ang mga mananaliksik sa kahalagahan ng pag-aaral nito.
Lingid sa kaalaman ng mga tao, lalo na sa mga ordinaryong mamamayan ang
tunay na kahulugan ng autism. Marami ang natatakot o di kaya’y kinakaawaan ang
taong may sakit na autism. Sa tulong ng pananaliksik na ito ay maibibigay ang
tamang impormasyon sa mga mamayan.
3
University of perpetual Help System DALTA- Molino Campus
Molino 3, Bacoor, Cavite
S.Y. 2008-2009
Mahalaga ang mga impormasyong ito, upang makatulong lalung-lalo na sa
may autistic sa pamilya. Sa pamamagitan nito, ay malalaman nila ang sanhi, bunga at
kung may lunas ba ito? Makakatulong din ito upang maibahagi sa mga mambabasa
ang saloobin ng mga autistic at pati na rin ang kanilang pamilya.
Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, maaari ring malaman kung sapat na
ba ang kaalaman ng mga mamamayan tungkol sa autism at kung ano ang mga
saloobin nila. Bukod dito, maaari ring malaman kung sapat na ba ang tulong at
impormasyong naipamahagi ng gobyerno tungkol dito.
Samakatuwid, sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, ang mga mamamayan ay
magkakaroon ng sapat na impormasyon at kaalaman kung ano ang dapat gawin kung
saka-sakaling makasalamuha sila ng isang taong may autism. Nais ding
maipamamahagi ng mga mananaliksik na hindi dapat katakutan, kaawaan o
pandirihan ang taong may autism. Bagkus ay kailangan nila ang pang-unawa at
pagmamahal.
4. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagbibigay-linaw tungkol sa
kahulugan, sanhi at lunas kung mayroon man ang austism. Saklaw din ng
pananaliksik na ito ang pagsusuri ng damdamin, pananaw, kaalaman at saloobin ng
4
University of perpetual Help System DALTA- Molino Campus
Molino 3, Bacoor, Cavite
S.Y. 2008-2009
mga mamamayan tungkol sa autism. Limitado lamang ang dami ng respondente at
mas binigyang pansin ang mga ordinaryong mamamayan sa pag-aaral na ito dahil sa
kakulangan sa panahon.
Pinili rin ng mga mananaliksik ang mga ordinaryong mamamayan pagkat sila
ang sumasalamin sa tunay na katayuan ng isang Juan dela Cruz sa ating bayan. Mula
sa kanila ay malalaman kung sapat na ba ang impormasyon at tulong ng ibinibigay ng
gobyerno.
5
University of perpetual Help System DALTA- Molino Campus
Molino 3, Bacoor, Cavite
S.Y. 2008-2009
6
University of perpetual Help System DALTA- Molino Campus
Molino 3, Bacoor, Cavite
S.Y. 2008-2009
KABANATA II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
Ang isyu ng Autism ay hindi na lingid sa kaalaman ng mga tao. Marami nang
pag-aaral ang ginawa hinggil dito. 1 sa 150 na bata sa buong mundo ay may autism.
Sa Pilipinas na lamang, tinatayang kalahating milyon ang mayroong kondisyon na
ganito. Pero hindi dapat ito ituring na katapusan ng mundo, dahil sa tamang paggabay
ng mga magulang pwede parin silang mamuhay ng normal, o hindi kaya’y maging
matagumpay tulad ng ilang mga may autism, na ngayon ay unti-unti na rin lumilikha
ng sarili nilang pangalan.
Ayon kay Eric Schopler & Gary Mesibov (1992), ang autism ay karaniwang
nagkakaroon ng misconception sa mga tao. Ang autism ay isang neurological illness
na nakakaapekto sa isang indibidwal sa kakayahan nitong makipag-usap at
makisalamuha sa iba. Sila rin ay maaring makaranas ng mag isyu sa kanilang motor
skils at pag poproseso ng impormasyon. Sinabi rin ni Wing, na hindi kilala ang
eksaktong sanhi ng autism. Ito ay pinaniniwalaan na resulta ng abnormalidad sa
estraktura ng utak. Ito rin ay pinaniniwalaang namamana at genetic.
Ayon din sa aklat ni Patricia Howlin (Autism - preparing for adulthood),
nagkakaroon din kadalasan ng autism ang bata kapag sa panahon ng pagbubuntis ng
ina ay may medical na isyu tulad ng x syndrome, esklerosis, rubella at iba pa. Naging
argumento rin kung ang standard vaccine ay maari ring mag resulta sa autism.
7
University of perpetual Help System DALTA- Molino Campus
Molino 3, Bacoor, Cavite
S.Y. 2008-2009
Ayon sa pag-aaral na ginawa ni Dr John Cannell, sinasaad na ang ating utak
ay kumokolekta ng mgha impormasyon na nasa ating paligid. Nakukuha ang mga
impormasyong ito mula sa ating senses – sa ating nakikita, naririnig, nahahawakan,
nalalasahan at naamoy. Ang ating utak ang siyang responsible sa mga senses na ito at
nagre-react sa impormasyong ating natatanggap.
Ngunit sa mga taong may autism ang impormasyong ito ay nakukuha nila
ngunit hindi kayang tanggapin ang lahat ng ito ng kanilang utak. Normal ang kanilang
pandinig, ngunit hindi nila maintindihan ang sinasabi ng kanilang kausap. At kung
minsan ang tunog na mahina sa iba ay parang sobrang lakas sa kanila. Normal rin ang
kanilang paningin ngunit may mga bagay na hindi kayang tanggapin ng kanilang mga
mata pero may iba kinagigiliwan naman nila. Mahirap para sa kanila ang
maintindihan ang nangyayari sa kanilang kapaligiran.
Palatandaan ng autism
Kapag may ngumiti, iisipin mong Masaya ang taong ito o kaya’y
nakikipagkaibigan. Alam ng ating utak kung anong ibig ipakahulugan ng ngiti.
Ngunit ang mga taong may autism ay hindi alam ang bagay na ito. Sanay rin ang mga
normal na tao sa mga ingay na naririnig sa araw-araw tulad ng ingay ng trapiko,
tawanan ng mga bata, kantahan sa mga bar at iba pa. sa mga may autism hindi nila
gusto ang mga ingay na ito dahil sensitibo ang kanilang tainga sa mga ito.
Mapapansin din na ang ibang kilos at pananalita nila ay paulit-ulit at ayaw nilang
8
University of perpetual Help System DALTA- Molino Campus
Molino 3, Bacoor, Cavite
S.Y. 2008-2009
makipag eye contact sa kausap. Mahirap din para sa kanila ang magsalita at umintindi
sa sinasabi ng ibang tao.
Kung ang isang normal na tao ay gusting-gusto na makasama ang mga
kaibigan, ang mga taong may autism naman ay nahihiyang makisalamuha sa iba
maging sa kanilang sariling pamilya. Lahat tayo ay may kaibahan at uniqueness. Ang
taong may autism rin ay ganoon, ilan sa kanila ay hirap intindihin ang buhay habang
ang iba naman ay hindi gaano kalaki ang problema. Ang mga normal na bata ay nag-
aaral sa iskwelahan, habang ang mga batang may autism ay nagaaral sa mga special
centers o bahay na lang at may iba rin pumapasok sa ilang regular schools na
tumatanggap ng mga special childrens. Ang mga normal na estudyante ay maraming
mapag-aaralan sa loob ng isang araw samantalang ang mga may autism ay isa o
dalawang bagay lang ang kanyang naiintindihan, bagama’t mataas ang kanilang
kaalaman sa bagay na ito.
Hindi agad malalaman kung may autism ang isang bata. Hindi ito malalaman
kahit magpakuha pa ng blood test para malaman ba kung may autism ba ang isang
bata o wala. Minsan kinakailangan ng isang propesyonal o grupo ng mga espesyalista
para masabing may autism ang isang bata. Ang mga taong ito ay maaring
pediatrician, speech panthologist o mga magulang na may anak na may autism na
higit na nakakaintindi sa kalagayan ng batang may autism.
Napansin namin na mula sa mga pag-aaral na nabanggit ay kadalasang
nagkakaroon ng misconception ang mga tao hinggil sa mga taong may autism. Hindi
9
University of perpetual Help System DALTA- Molino Campus
Molino 3, Bacoor, Cavite
S.Y. 2008-2009
rin nilalahad dito ang pananaw at damdamin ng mga mamamayan. Nawa’y ang
pananaliksik na ito ay maging gabay nila at maging panimula upang malaman ang
kahulugan ng autism. At sa pag-aaral din na ito ay mailahad ang pananaw at
damdamin ng mga mamamayan hinggil sa autism.
10
University of perpetual Help System DALTA- Molino Campus
Molino 3, Bacoor, Cavite
S.Y. 2008-2009
KABANATA III
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
1. Disenyo ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamaraang
deskriptib-analitik na pananaliksik. Sa pag-aaral na ito inilarawan at sinuri ang sanhi,
lunas, damdamin, pananaw at kahulugan ng autism ng mga napiling respondente ng
mga mananaliksik.
2. Mga Respondente
Ang mga mananaliksik ay nagpasyang maghati sa pagbibigay ng mga
kwestyuneyr sa mga napili nilang respondente. Sa pag-aaral na ito pumili ng
limampung (50) respondente ang mga mananaliksik. Sampung (10) respondente sa
bawat isang mananaliksik.
Higit sa kalahati ng mga respondente ay mag-aaral ng narsing sa
University of Perpetual Help System-DALTA Molino Campus. Dahil sila ang higit na
magkakaroon ng kaalaman hinggil sa autism. Ilan pa sa mga respondente ay mga
kaibigan at kilala ng mga mananaliksik sa labas ng institusyong nasabi. Sa
limampung respondente tatlongpu’t pito (37) ay babae at labintatlo (13) ay lalaki.
Pansinin ang kasunod na talahanayan para sa distribusyon ng edad ng mga
respondente:
11
University of perpetual Help System DALTA- Molino Campus
Molino 3, Bacoor, Cavite
S.Y. 2008-2009
Talahanayan 1
Distribusyon ng mga respondente ayon sa edad.
Edad Dami ng Respondente Porsyento ng Kabuuang
Dami
14-15 6 12%
16-17 14 28%
18-19 9 18%
20 pataas 21 42%
Kabuuang Dami 50 100%
3. Instrumentong Pampananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey.
Ang mga mananaliksik ay naghanda ng sarbey-kwestyuneyr na naglalayong
makapangalap ng mga datos upang masuri ang damdamin, pananaw at kaalaman sa
autism ng mga respondente.
Nagsagawa rin ng mga pangangalap ng mga impormasyon ang mga
mananaliksik sa iba’t ibang mga hanguan sa aklat, proposal, pamanahong-papel.
Kumuha rin ang mga mananaliksik ng ilang impormasyon sa internet.
12
University of perpetual Help System DALTA- Molino Campus
Molino 3, Bacoor, Cavite
S.Y. 2008-2009
Bukod sa mga nabanggit, nag-interbyu ang mga mananaliksik ng isang guro
sa University of Perpetual Help System-DALTA. Siya ay miyembro ng isang
organisasyong Autism Society of the Philippines. Kinapanayam namin siya upang
makakuha ng mga datos at detalye tungkol sa autism.
3. Tritment ng mga Datos
Dahil ang pamanahong-papel na ito ay isang panimulang pag-aaral lamang at
hindi naman isang pangangailangan sa pagtatamo ng isang digri tulad ng tisis at
disertasyon, walang ginagawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pag-
aaral na ito sa pamamgitan ng matataas at kompleks na istatistikal na pamamaraan.
Bilang o dami lamang ng mga pumili sa bawat pagpipiliang aytem sa kwestyuner ang
inalam ng mga mananaliksik. Samakatuwid, ang pagta-tally at pagkuha ng porsyento
lamang ang kinailangang gawin ng mga mananaliksik.
Limampu (50) lamang ang dami ng respondente kaya naging madali para sa
mga manananaliksik ang pagkuha ng porsyento dahil sa kaunti lamang ang nasabing
bilang.
13
University of perpetual Help System DALTA- Molino Campus
Molino 3, Bacoor, Cavite
S.Y. 2008-2009
KABANATA IV
Grap 1
Distribusyon ng mga Respondente ayon sa Kasarian
Nalaman sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na porsyento at impormasyon
sa bawat grap. Inalam ang distribusyon ng mga respondente ayon sa kanilang
kasarian. Pitumpu’t apat na porsyento (74%) sa kanila ay mga babae at dalawampu’t
anim na porsyento (26%) ay mga lalaki.
14
University of perpetual Help System DALTA- Molino Campus
Molino 3, Bacoor, Cavite
S.Y. 2008-2009
Grap 2
Distribusyon ng mga Respondente ayon sa Edad
Labingdalawang porsyento (12%) sa mga respondente ay nasa edad 14-15.
Ang dalawampu’t walong porsyento (28%) sa mga respondente ay may edad 16-17.
Ang mga sumusunod naman ay labingwalong porsyento (18%) ay nasa edad 18-19.
Ang natitirang apatnapu’t dalawang porsyento (42%) naman ay pawang may edad 20
pataas.
15
University of perpetual Help System DALTA- Molino Campus
Molino 3, Bacoor, Cavite
S.Y. 2008-2009
Grap 3
Pananaw ng Respondente sa Autism
Limampu (50) lahat ang respondent. Animnapu’t walong porsyento (68%) ang
nagsasabing abnormalidad ang autism. Dalawampu’t anim na porsyento (26%) sa
kanila ang nagsabing sakit ito. Ang apat na porsyento (4%) naman ang nagsabing
walang pakialam. Ang dalawang porsyento (2%) ay may iba pang mga opinion tulad
ng maiinis daw sila sa taong may autism. Walang porsyento (0%) ay nakakahawa ang
autism.
16
University of perpetual Help System DALTA- Molino Campus
Molino 3, Bacoor, Cavite
S.Y. 2008-2009
Grap 4
Pananaw ng mga Respondente Hinggil sa Sanhi ng Autism
Sa palagay ng limampu’t anim na porsyento (56%) na respondente, ang hindi
maayos na pagbubuntis ng mga ina ay maaring maging resulta ng Autism. Ang
tatlongpu’t dalawang porsyento (32%) naman ay nagsabing namamana ito. Ang
walong porsyento (8%) ay may ibang kasagutan tulad ng nakukuha daw ito sa
chromosomes ng tatay at nanay, nakukuha din daw ito sa hindi tamang kapaligiran na
17
University of perpetual Help System DALTA- Molino Campus
Molino 3, Bacoor, Cavite
S.Y. 2008-2009
kinalakhan at iba pa. At ang apat naman na porsyento (4%) ay walang kaalaman sa
autism. Walang porsyento (0%) ang nagsabing virus ito.
Grap 5
Saloobin ng mga Respondente sa isang taong may Autism
Inalam ng mga mananaliksik ang saloobin ng mga respondente sa sakit na
autism. Walumpu’t apat (84%) ang nagsabing naaawa sila sa mga taong may autism.
Sampung porsyento (10%) ang may iba pang opinion hinggil sa saloobing ng mga
respondente tulad ng…. Dalawang porsyento (2%) ang nandidiri sa autism. Dalawang
18
University of perpetual Help System DALTA- Molino Campus
Molino 3, Bacoor, Cavite
S.Y. 2008-2009
porsyento (2%) rin ang nagsabing natatakot sila sa mga taong may autism. Ang
natitirang dalawang porsyento (2%) ay walang pakialam sa mga may autism.
Grap 6
Pinagmulan ng Kaalaman ng mga Respondente Hinggil sa Autism
Hinggil naman sa kung saan nagmula ang kaalaman na ito ayon sa nakalap ng
mga mananaliksik, limampung porsyento (50%) sa aming respondente ang nagsabing
nagmula sa telebisyon ang kanilng kaalaman at labingwalong porsyento (18%) naman
19
University of perpetual Help System DALTA- Molino Campus
Molino 3, Bacoor, Cavite
S.Y. 2008-2009
sa paaralan nila ito nalaman. Ang labingdalawang porsyento (12%) ay sa libro at
walong porsyento (8%) ang may iba pang kasagutan tulad ng narinig nila ito mula sa
kanilang mga magulang. Ang apat na porsyento (4%) ay nagsabing sa internet at ang
natitirang apat na posyento (4%) ay sa mga dyaryo. Walang sumagot o walang
porsyento (0%) naman ay sa radio ito naririnig.
Grap 7
Pansariling Asesment ng mga Respondente sa Kanilang Kaalaman Hinggil sa Autism
Hinggil sa palagay ng mga respondente sa tanong na pansariling asesment,
apatnapu’t anim na porsyento (46%) sa kanila ay may katamtamang kaalaman sa
20
University of perpetual Help System DALTA- Molino Campus
Molino 3, Bacoor, Cavite
S.Y. 2008-2009
autism, apatnapu’t apat na porsyento (44%) ang nagsabing kaunting kaalaman sa
autism, apat na porsyento (4%) ang walang kaalaman at apat na porsyento (4%) ang
sumagot ng iba pang kaalaman. Ang natititrang dalawang porsyento (2%) ang
nagsabing alam na alam nila ang autism. Walang porsyento (0%) ang sumagot ng
walang pakialam.
Grap 8
Damdamin ng mga Respondente kung Magkakaroon ng Autism sa Kanilang Pamilya
21
University of perpetual Help System DALTA- Molino Campus
Molino 3, Bacoor, Cavite
S.Y. 2008-2009
Inalam rin ng mga mananaliksik ang damdamin ng mga respondente hinggil
sa posibilidad ng pagkakaroon ng may autism sa kanilang pamilya. Limampu’t
dalawang porsyento (52%) sa kanila ang nababahala. Samantalang labingwalong
porsyento (18%) ang hindi nangangamba. Labing apat na porsyento (14%) ang
nagsabing nakakaramdam ng takot at ang natitira pang sampung porsyento (10%) ay
nagsabi na madidismaya sila. Samantala, anim na porsyento (6%) ang may iba pang
sinagot tulad ng malulungkot sila at ang iba naman ay tatanggapin ito pagkat ito ay
pahintulot ng Diyos sa lahat ng nangyayari sa buhay.
Grap 9
Pansariling Asesment ng Respondente kung Sapat ba ang Tulong na Naibibigay
ng Gobyerno sa mga Taong may Autism
22
University of perpetual Help System DALTA- Molino Campus
Molino 3, Bacoor, Cavite
S.Y. 2008-2009
Sa palagay ng limampung porsyento (50%) kaunti ang ginagawa ng ating
pamahalaan sa autism. Tatlongpung porsyento (30%) naman ang nagsabing walang
naitulong ang pamahalaan. Ang walong porsyento (8%) sa kanila ay sapat lamang
ang nagawa ng pamahalaan at ang walong porsyento (8%) ulit ay walang
espesalisasyon. Ang natitirang apat (4%) ay may iba pang sinabi tulad ng hindi ra ito
inaasikaso ng pamahalaan. Walang porsyento (0%) ang pumili ng sapat na sapat ang
tulong ng gobyerno.
Grap 10
Pananaw ng mga Respondente kung Sapat ba ang Pondo na inilalaan ng
Pamahalaan para sa mga Taong mayAutism
23
University of perpetual Help System DALTA- Molino Campus
Molino 3, Bacoor, Cavite
S.Y. 2008-2009
Animnapung porsyento (60%) ang sumagot na kaunti lamang ang kanilang
pananaw ukol sa pondo ng ating pamahalaan. Walong porsyento (8%) ay sapat na raw
ang ibinibigay ng pamahalaan. Anim (6%) ang nagsabing walang pakialam. Ang
natitirang apat na porsyento (4%) ay iba pang pananaw. Walang porsyento (0%) ang
sapat na sapat na ang pondo ng pamahalaan para sa autism.
KABANATA V
LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON
1. Lagom
24
University of perpetual Help System DALTA- Molino Campus
Molino 3, Bacoor, Cavite
S.Y. 2008-2009
Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang malaman ang damdamin,
pananaw at kaalaman ng mga mag-aaral sa University of Perpetual Help System-
DALTA, Molino Campus (UPHS) at ng ilang mga kaibigan o kakilala ng mga
mananaliksik sa labas ng institusyong nasabi hinggil sa “Autism”.
Gamit ang disenyong deskriptib-analitik, ang mga mananaliksik ay
nagdisenyo ng sarbey-kwestyuneyr na pinasagutan sa limampung (50) respondente
na nag-aaral sa UPHSD at ng ilang mga kakilala ng mga mananaliksik. Bukod sa mga
nabanggit, nag-interbyu ang mga mananaliksik ng isang guro sa University of
Perpetual Help System-DALTA. Siya ay miyembro ng isang organisasyong Autism
Society of the Philippines. Kinapanayam namin siya upang makakuha ng mga datos at
detalye tungkol sa autism.
2. Kongklusyon
Batay sa mga nakalap na datos, humantong ang mga mananaliksik sa
sumusunod na kongklusyon:
a. Ang kaalaman ng mga respondente hinggil sa autism ay katamtaman
lamang.
b. Ang kaalaman ng mga respondente hinggil sa sanhi ng autism ay kaunti
lamang.
25
University of perpetual Help System DALTA- Molino Campus
Molino 3, Bacoor, Cavite
S.Y. 2008-2009
c. Karamihan din sa may autism sa pamilya ay nahihiya na ipaalam ang
kanilang kalagayan at karamihan din sa kanila ang nahihrapan na
tanggapin ito.
d. Karamihan sa mga respondente ay nababahala kung sila ay magkakaroon
ng kamag-anak na may autism.
d. Telebisyon ang pinakakaraniwang hanguan ng impormasyon hinggil sa
autism.
e. Karamihan sa mga respondente ay naaawa sa mga taong may autism.
3. Rekomendasyon
Batay sa mga napormulang kongklusyon, buong pagpapakumbabang
inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod.
a. Para sa pamahalaan, paigtingin pa ang pagbibigay ng impormasyon sa
mga mamamayan hinggil sa autism upang magkaroon ng sapat na
impormasyon at kaalaman kung ano ang dapat gawin kung saka-sakaling
makasalamuha sila ng isang taong may autism. Karaniwan sa telebisyon
naririnig ng mga tao ang autism kaya dapat lang na palawakin ng medya
ang pagbibigay ng impormasyon sa radyo, dyaryo at iba pa.
b. Para sa mga namumuno sa mga ospital at klinika, magsagawa ng mga
seminar na maaring pamunuan ng mga dalubhasang mga empleyado sa
26
University of perpetual Help System DALTA- Molino Campus
Molino 3, Bacoor, Cavite
S.Y. 2008-2009
ospital upang higit na mabigyan ng kaalaman ang mga tao hinggil sa
autism.
c. Para sa mga propesor sa bawat kolehiyo, lalo na sa mga nagtuturo ng mga
may kinalaman sa kursong narsing, nawa’y maging instrumento sila sa
pagpapalaganap ng mga impormasyong kaugnay sa autism.
d. Para sa mga mag-aaral, mas palawakin pa ang kaalaman sa autism upang
maging mas epektib na nars sa hinaharap.
e. Para sa may mga autistic sa pamilya dapat hindi nila ito ikahiya bagkus
ay bigyan ng pagmamahal at pagunawa.
f. Para sa may autism sa pamilya dapat ay hindi sila mahiya at matakot
upang matulungan sila at mas maging madali na maunawaan nila ang
dapat na gawin sa sitwaston na ito.
APENDIKS A
27
University of perpetual Help System DALTA- Molino Campus
Molino 3, Bacoor, Cavite
S.Y. 2008-2009
Marso 5, 2009
Lupong PampananaliksikDepartamento ng FilipinoUniversity of Perpetual Help System-Dalta
Pinagpipitaganang Myembro ng Lupon,
Buong-paggalang naming ipinapasa ang sumusunod na paksa at mga tentatibong pamagat-pampananaliksik n gaming pamanahong-papel sa Filipino 2 para sa inyong ebalwasyon at pagsang-ayon.
Larangan/Disiplina: BS Nursing Paksa: Autism
Mga Mungkahing Pamagat:
a.) Ang Mundo ng Autism: Kahulugan, Sanhi, Lunas at Pananaw ng mga Mamamayan
b.) Autism: Sakit na hindi dapat pandirihan
c.) Pananaw at Damdamin ng mga mamamayan sa sakit na Autism
Lubos na gumagalang, Binigyang-pansin:
Shayne Marie C. Apon Gng. Sylvia G. Gollayan
Lider ng Pangkat Propesora
Pasya ng Lupon:
28
University of perpetual Help System DALTA- Molino Campus
Molino 3, Bacoor, Cavite
S.Y. 2008-2009
__________ Tinanggap at sinang-ayunan ang pamagat __________.
__________ Tinanggap at sinang-ayunan ang pamagat __________ nang may rebisyon.
__________ Iminumungkahing magdisenyo ng ibang pamagat hinggil sa paksang napili.
__________ Iminumungkahing palitan ang paksa at pamagat ng pag-aaralan.
Gng. Sylivia G. Gollayan
APENDIKS B
29
University of perpetual Help System DALTA- Molino Campus
Molino 3, Bacoor, Cavite
S.Y. 2008-2009
Marso 5, 2009
Bb. Kismette CepePropesora ng University of Perpetual Help System-Dalta Molino CampusMiyembro ng Autism Society of the Philippines
Pinagpipitagang Propesora,
Maalab na Pagbati!
Kaugnay ng isinusulat naming pamanahong-papel sa Filipino 2 tungkol sa “Kahulugan, Sanhi, Lunas at Pananaw ng mga Mamamayan hinggil sa Autism” nais po sana naming humingi sa inyo ng pahintulot upang kayo ay aming makapanayam sa petsa, oras at lugar na inyong itatakda.
Lubos po ang aming paniniwala sa inyong pagkadalubhasa sa nasabing paksa na aming pag-aaralan. Makakatulong po sa ito nang lubos tungo sa matagumpay na pagsulat ng aming pamanahong-papel.
Dalangin po namin ang inyong pagpapahintulot sa aming pakiusap.
Lubos na gumagalang, Binigyang-pansin:
Shayne Marie C. Apon Gng. Sylvia Gollayan
Lider ng Pangkat Propesora
30
University of perpetual Help System DALTA- Molino Campus
Molino 3, Bacoor, Cavite
S.Y. 2008-2009
APENDIKS C
TRANSKRIPSYON NG INTERBYU KAY Bb. KISMETTE CEPE, MARSO 6, 2009
Mga Interbyuwer:Shayne Marie Apon Czarina Iva BodegonAnamarie Cabiles Michelle Angela AndacaJesamine May Arceo
Ana: Magandang hapon Po Binibining Cepe.Paano po kayo napasali sa Autism Society of the Philippines?
Maam Cepe: 3 years ago, nagbigay ng libreng seminar ang Hopeless School sa mga taong propesyonal at magulang ng mga batang may autism. Naging interesado ako kaya’t lumahok ako sa Autism Society of the Philippines upang malaman ko ang konsepto ng Autism.
Michelle: Ano po yung programa ng autism society of the Philippines?
Maam Cepe: Nagbibigay ng libreng seminar sa mga magulang may anak na mayautism upang malaman ang advantages at disadvantages nito sa mga taong nakapaligid sa kanya.
Shayne: Base po sa inyong kaalaman ano po ba ang autism?
Maam Cepe: Ito ay isang developmental disorder at abnormalidad sa paglaki ng isang bata. Ma dedetect na ang bata ay may autism kapag hindi normal ang proseso ng paglaki dahil sa bawat taon ng kanyang paglaki ay may mga hakbang na kailangan gawin upang malaman ang kanyang abilidad kung siya siya ay normal o hindi. Halimbawa sa unang taon ng paglaki ng bata ay dapat marunong na siyang maglakad at tumayo. . at the age of 3 malalaman kung may autism ang isang bata kung mabagal ang pagdevelop ng kanyang abilidad kumpara sa mga normal na bata na kasing edad niya.
31
University of perpetual Help System DALTA- Molino Campus
Molino 3, Bacoor, Cavite
S.Y. 2008-2009
Czaina: Ano po ba ang mga klasipikasyon ng autism spectrum disorder?
Maam: may limang classification ang autism spectrum disorder. Ang una ay pervasive development disorder/ childhood disintegrative, pangalawa ay asperger syndrome na nanggaling sa doctor na si Hans Asperger, pangatlo ay Rett’s Syndrome, pang-apat ay pervasive development disorder not otherwise specified at ang panglima ay autism.
Jesamine: Paano po ba malalaman kung ang bata ay may autism?
Maam Cepe: Ito ay may 3 sintomas, una yung stereotypical behavior/bizarre behavior ito yung mga batang nakafocus sa isang bagay lang, napaka hyperactive, nag hahand flapping at head banging. Ang pangalawa naman ay communication problems, merton itong dalawang klase, ang non-verbal at verbal. Sa non-verbal iton yung mga batang hindi makapagsalita ng maayos. Kapag may gusto sila ay umuungol sila o di kaya’y gumagamit ng ibang bagay upang maituro kung ano ang kanilang gusto. Ang verbal naman aty mga batang utal-utal makipagsalita at ang pangatlo ay problems in social organization, ito yung mga batang walang feelings sa ibang tao.
Ana: Ano po ba ang sanhi ng autism?
Maam Cepe: Walang known na cause pero may mga theories na nagsasabi kung ano ang sanhi ng autism tulad ng vaccines na ginagamit sa mga bata , dahil rin daw sa genes ng magulang, maging sa maling pagbubuntis ng ina at marami pang iba.
Michelle: May programa po ba ang gobyerno para sa mga batang may autism?
Maam Cepe: Meron programa ang gobyerno natin. Sa bawat region ay nagpapatayo sila ng mga SPED centers upang doon i-train ang mga batang may autism.
Shayne: Gaano po ba katagal ang autism?
32
University of perpetual Help System DALTA- Molino Campus
Molino 3, Bacoor, Cavite
S.Y. 2008-2009
Maam Cepe: Lifelong ito at wala pang naiimbentong any cures ditto. Meron lamang mga therapist na ginagawa sa kanila upang mas mapabuti ang kalagayan nila.
Czarina: Maam maraming salamat po sa pagpapaunlak ninyo ng panahon sa
interbyu na ito.
Maam Cepe: Walang anuman. Goodluck sa research niyo!
33
University of perpetual Help System DALTA- Molino Campus
Molino 3, Bacoor, Cavite
S.Y. 2008-2009
APENDIKS D
Marso 5, 2009
Francisco Sosa Jr., RN. MANDekana, Kolehiyo ng NarsingUniversity of Perpetual Help System-Dalta
Ginoo,
Mabunying Pagbati!
Kami po ay isang pangkat ng mga mag-aaral ng BSN I-A na kasalukuyang kumukuha ng asignaturang Filipino 2, sa ilalim ng pamamahala ni Propesora Sylvia Gollayan. Isa po sa mga pangangailangan ng nasabing asignatura ay ang pagsulat ng isang papel-pampananaliksik.
Sa kasalukuyan po. Kami ay naggsusulat ng isang pamanahong-papel tungkol sa “Kahulugan, Sanhi, Lunas at Pananaw ng mga mamamayan hinggil sa Autism”.
Kaugnay po nito, nais po naming hingin ang pahintulot ng inyong tanggapan upang kami’y makapamahagi ng sarbey-kwestyoneyr sa ilang mag-aaral ng University of Perpetual Help System-Dalta Molino Campus.
Ang mga datos ng aming makakalap sa sarbey ay makatutulong po nang lubos sa aming pag-aaral.
Inaasahan po naming ang inyong positibong pagtugon sa aming kahilingan.
Lubos na gumagalang, Binigyang-pansin:
Shayne Marie C. Apon Gng. Sylvia Gollayan
Lider ng Pangkat Propesora
34
University of perpetual Help System DALTA- Molino Campus
Molino 3, Bacoor, Cavite
S.Y. 2008-2009
APENDIKS E
Mahal naming Respondente,
Una sa lahat nawa’y kasiyahan tayo nang Poong Maykapal sa araw na ito.
Kami ay mag-aaral ng University of Perpetual Help System DALTA - Molino. Sa aming Filipino 2, kami ay kasalukuyang nagsusulat ng pamanahong-papel tungkol sa Ang Mundo ng Autism: Kahulugan, Sanhi, Lunas at Pananaw ng mga Mamamayan.
Nangangalap kami ngayon ng mga impormasyon. Mangyaring sagutan po ninyo nang buong katapatan ang mga sumusunod na aytem. Malaki po ang maitutulong nito sa amin. Asahan po ninyo na magiging kompidensyal ang mga impormasyong inyong ibabahagi sa amin.
Maraming Salamat po!
Lubos na Gumagalang,
- Mga Mananaliksik
Direksyon: Punan ng angkop na impormasyon o datos ang mga kasunod na patlang. Kung may
pagpipiliaan, bilugan lamang ang letra ng iyong sagot.
1. Pangalan (Opsyunal) :
2. Kasarian:
Edad:
3. Sa inyong palagay ano ang Autism?
A. Sakit
B. Abnormalidad
C. Nakakahawa
35
University of perpetual Help System DALTA- Molino Campus
Molino 3, Bacoor, Cavite
S.Y. 2008-2009
D. Walang kaalaman
Iba pa:
4. Sa iyong palagay, ano ang sanhi ng Autism?
A. Virus
B. Namamana
C. Resulta ng hindi maayos na pagbubuntis ng ina
D. Walang Kaalaman
Iba pa:
5. Ano ang iyong saloobin sa isang taong may Autism?
A. Naawa
B. Nandidiri
C. Natatakot
D. Walang pakialam
Iba pa:
6. Saan mo narinig ang tungkol sa Autism?
A. Radyo D. Internet
B. Telebisyon E. Libro
C. Dyaryo F. Paaralan
Iba pa:
7. Sa iyong palagay sapat na ba ang iyong kaalaman tungkol sa Autism?
A. Alam na alam D. Walang kaalaman
B. Kaunting kaalaman F. Walang pakialam
C. Katamtamang kaalaman
Iba pa:
8. Kung sa pamilya ninyo ito mangyari ano ang iyong damdamin tungkol dito?
A. Takot C. Mababahala
B. Madidismaya D. Mababahala
36
University of perpetual Help System DALTA- Molino Campus
Molino 3, Bacoor, Cavite
S.Y. 2008-2009
Iba pa:
9. Bilang isang mamamayan ng Pilipinas, sa tingin mo ba sapat na ang tulong na
binibigay ng gobyerno sa mga taong may autism?
A. Sapat na sapat D. Walang naitulong
B. Sapat F. Walang espesyalisasyon
C. Kakaunti
Iba pa:
10. Sa iyong palagay sapat ba ang pundo na inilalaan na gobyerno para sa may
autism?
A. Sapat na sapat D. Walang naitulong
B. Sapat F. Walang pakialam
C. Kakaunti
Iba pa:
☺Maraming Salamat po! ☺
37
University of perpetual Help System DALTA- Molino Campus
Molino 3, Bacoor, Cavite
S.Y. 2008-2009
APPENDIKS F
Marso 7, 2008
PROP. MYLA PILAR PAMPLONA
Propesora, University og Perpetual Help System-DALTA
Mahal naming Propesora,
Mabunying pagbati!
Kaugnay ng pasalitang presentasyon ng pamanahong-papel namin na may pamagat na Ang Mundo ng Autism: Kahulugan, Sanhi, Lunas at Pananaw ng mga Mamamayan, nais po naming kayong anyayahan upang maging panelist na pinaniniwalaan naming makapagbibigay ng mga propesyunal at kapakipakinabang na input tungo sa lalong ikatatagumpay n gaming pananaliksik.
Gaganapin po an gaming presentasyon sa Marso 9, 2009, Lunes, sa ganap na ala-una ey medya ng hapon, sa EROOM.
Dalangin po naming ang inyong pagpapaunlak sa aming paanyaya.
Kalakip po nito ang kopya n gaming pamanahong-papel at pormularyo sa pag-eebalweyt ng pasalitang presentasyon para pos a maaga ninyong paghahanda kung tatanggapin ninyo an gaming paanyaya.
Marami pong salamat at patuloy nawa kayong pagpalain ng Poong Maykapal!
Lubos na gumagalang, Binigyang-pansin:
Shayne Marie C. Apon Gng. Sylvia Gollayan
Lider ng Pangkat Propesora
38
University of perpetual Help System DALTA- Molino Campus
Molino 3, Bacoor, Cavite
S.Y. 2008-2009
APENDIKS H
PORMULARYO SA PAG-EEBALWEYT NG PAMANAHONG-PAPEL
Pamagat :
Mananaliksik :
Taon at pangkat : Semestre: Taong Akademiko:
Sistema ng Pagmamarka:
Apat (4) na puntos ang pinakamataas na maaaring ibigay sa bawat aytem. Maaaring magbigay ng puntos na may desimal (halimbawa: 1.7, 2.3, 3.5) ayon sa paghuhusga ng ebalweytor. Pagsama-samahin ang mga nakuhang sub-total ng puntos upang makuha ang kabuuang marka.
A. Paksa at Suliranin:
1. Signipikant at napapanahon ba ang paksa ng pananaliksik?
2. Sapat ba ang pagtalakay sa introduksyon?
3. Malinaw at sapat ba ang saklaw at limitasyon ng paksa
upang makalikha ng mga valid na paglalahat?
4. Maayos at malinaw ba ang pamagat at angkop ba iyon
sa paksa ng pag-aaral?
5. Malinaw, ispesipik at sapat ba ang mga tiyak na layunin
ng pag-aaral?
39
University of perpetual Help System DALTA- Molino Campus
Molino 3, Bacoor, Cavite
S.Y. 2008-2009
6. Sapat at matalino ba ang pagpili sa mga terminong
binigyan ng depinisyon at malinaw ba ang
pagpapakahulugan sa bawat isang termino?
Sub-total:
B. Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
1. Sapat at angkop ba ang mga pag-aaral at literaturang
tinalakay?
2. Malinaw at maayos ba ang pagtalakay sa mga
pag-aaral at literaturang iyon?
3. Wasto at maayos ba ang dokumentasyon ng mga
pag-aaral at iba pang hanguang ginamit?
Sub-total:
C. Disenyo ng Pag-aaral
1. Angkop ba sa paksa ang pamamaraan/metodong ginamit
sa pananaliksok?
2. Malinaw ba ang disenyo ng pananaliksik at naayon
ba iyon sa sayantipik na metodo ng pananaliksik?
3. Sapat at angkop ba ang mga respondeng napili sa
paksa ng pananaliksik?
4. Malinaw at wasto ba ang disenyo ng instrumentong
ginamit sa pangangalap ng mga datos?
Sub-total:
40
University of perpetual Help System DALTA- Molino Campus
Molino 3, Bacoor, Cavite
S.Y. 2008-2009
D. Presentasyon ng mga Datos
1. Sapat, valid at relayabol ba ang mga datos na nakalap?
2. Maingat bang nasuri at nalapatan bang wastong
istatistikal tritment ang mga datos?
3. Sapat at angkop ba ang nagiging interpretasyon ng
mga datos?
4. Malinaw, maayos at consistent ba ang tekstwal at
tabular/grapikal na presentasyon ng mga datos?
Sub-total:
E. Lagom, Kongklusyon, at Rekomendasyon
1. Mabisa at sapat ba ang pagkakalagom sa mga datos?
2. Lohikat at valid ba ang mga kongklusyon? Nakabatay ba
iyon sa mga datos na nakalap?
3. Nasagot bas a kongklusyon ang mga ispesipikong
katanungan sa layunin ng pag-aaral?
4. Lohikal, pisibol, praktikal at ateynabol ba ang mga
inilahad na rekomendasyon? Natutugunan ba
ng mga iyon ang mga suliraning natukoy sa pag-aaral?
5. Malinaw, tuwiran at maayos ba ang paglalahad
ng mga lagom, kongklusyon at rekomendasyon?
Sub-total:
41
University of perpetual Help System DALTA- Molino Campus
Molino 3, Bacoor, Cavite
S.Y. 2008-2009
F. Mekaniks at Pormat
1. Wasto ba ang pormat ng bawat bahagi ng
pamanahong-papel? Nasunod ba ang tuntunin
at tagubiling tinalakay sa klase?
2. Nasunod ba ang mga tuntuning panggramatika sa
teksto ng pamanahong-papel?
3. Sapat at maayos ba ang pagkaka-proofread at
pagkakaedit sa teskto ng pamanahong-papel?
Sub-total:
Kabuuan/Katumbas na Marka (100)
Ebalweytor:
Petsa:
42
University of perpetual Help System DALTA- Molino Campus
Molino 3, Bacoor, Cavite
S.Y. 2008-2009
APENDIKS I
PORMULARYO SA PAG-EEBALWEYT NG PASALITANG PRESENTASYON
Pamagat :
Mananaliksik :
Taon at pangkat : Semestre: Taong Akademiko:
Sistema ng Pagmamarka:
Limang (5) puntos ang pinakamataas na maaring ibigay sa bawat aytem. Maaaring
magbigay ng puntos na may desimal (halimbawa: 1.7, 2.3, 3.5, 4.8) ayon sa
paghuhusga ng panelist. Pagsama-samahin ang mga nakuhang sub-total na puntos
upang makuha ang kabuuang marka.
A. Masteri
1. Naipamalas ba ng bawat myembro ng pangkat ang masteri
at kahandaan sa pagtalakay ng paksang naitakda
sa bawat isa?
2. sapat, malinaw at mapanghikayat ba ang pagtalakay
ng bawat isa?
3. sapat at malinaw ba ang mga inilahad na paliwanag at
halimbawa ng bawat myembro?
4. Wasto, sapat at mapanghikayat ba ang pagsagot ng
bawat isa sa mga katanungan ng mga panelist?
43
University of perpetual Help System DALTA- Molino Campus
Molino 3, Bacoor, Cavite
S.Y. 2008-2009
5. Obhetibo at valid ba ang mga pahayag ng bawat isa?
Naiwasan ba nila ang mga pahayag na may pagkiling,
prejudice, lihis sapaksa at walang katibayan?
Sub-total:
B. Pamamaraan
1. Lohikal ba ang presentasyon ng buong pangkat?
2. Gumagamit ba sila ng mga kailangang kagamitang
awdyo-biswal?
3. Angkop at epektib ba ang mga kagamitang ginagamit
ng pangkat?
4. Epektib at kompitent ba ang pangkat sa manipulasyon
ng mga kagamitan sa presentasyon?
5. Angkop at epektib ba ang pamamaraan o istratehiyang
ginagamit ng pangkat sa presentasyon?
Sub-total:
C. Artikulasyon
1. Sapat ba ang lakas ng tinig ng bawat myembro
ng pangkat sa pagsasalita?
2. Malinaw at wasto ba ang kanilang bigkas sa mga salita?
3. Angkop at epektib ba ang kanilang mga galaw, kumpas
at iba pang non-verbal cues?
4. Wala ba silang mga nakakadistrak na manerism sa
pagsasalita?
44
University of perpetual Help System DALTA- Molino Campus
Molino 3, Bacoor, Cavite
S.Y. 2008-2009
5. Wasto at angkop ba sa diwa ng mga pahayagan ang
kanilang bilis sa pagsasalita, tono, diin at hinto/pausing?
Sub-total:
D. Disiplina
1. Nagsimula at natapos bas a takdang oras ang
presentasyon ng pangkat?
2. Naging malinaw, matapat at magalang ba sila sa
pagsagot ng mga tanong ng panelist?
3. Naipamalas ba nila ang pagkakaisa at kooperasyon sa
presentasyon? Hindi ba monopolisado ng isa o ilan
ang mga Gawain?
4. Naipamalas ba ng bawat isa ang tiwala sa sarili?
5. Angkop ba ang anyo, ayos at kasuotan ng bawat isa?
Sub-total:
Kabuuan/Katumbas na Marka (100%)
Mga Puna at Mungkahi:
45