panahon ng pagkamulat

18

Click here to load reader

Transcript of panahon ng pagkamulat

Page 1: panahon ng pagkamulat
Page 2: panahon ng pagkamulat

PANAHON NG PAGKAMULAT (1872-1896) Sa loob ng mahabang panahong pananakop ng

mga kastila sa Pilipinas, maraming tangkang paghihimagsik ang naganap ngunit walang nagtagumpay sapagkat iba-iba ang layunin ng bawat isa.

Page 3: panahon ng pagkamulat

1872 - nagbago ang takbo ng daigdig sapagkat unti-unti nang namulat ang mga Pilipino sa masa at malupit na pamamalakad ng mga mananakop.

Page 4: panahon ng pagkamulat

Sa panahon din ito nagising ang matagal nang nahihimbing na damdaming makabayan ng mga Pilipino.

Kinabibilangan ito ng mga intelektwal na sina Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez-Jaena, Antonio Luna, Jose Ma. Panganiban, Pedro Paterno at Pascual Poblete.

Page 5: panahon ng pagkamulat

Kilusang Propaganda - ito ay isang kilusang itinatag ng mga Pilipinong intelektwal na naghahangad ng pagkakaroon ng pagbabago sa mga batas na ipinatutupad ng mga Kastila at reporma sa Sistema ng kanilang pamamahala sa Pilipinas.

Page 6: panahon ng pagkamulat

MGA PILIPINONG NABIBILANG SA KILUSANG ITO AY ANG SUMUSUNOD:Dr. Jose P. Rizal - isinilang noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna si Rizal o mas kilala sa palayaw na Pepe. Siya ay isang manggagamot, makata, nobelista, pintor, dalubwika, siyentipiko at higit sa lahat, siya ang pambansang bayani ng Pilipinas.

Page 7: panahon ng pagkamulat

HALIMBAWA:1.Sa Aking mga Kabata – ito ang kauna-unahang tulang isinulat ni

Jose Rizal sa edad na walo. Ipinahayag niya sa tulang ito ang kanyang pagpapahalaga at pagmamahal sa sariling wika.

2. Noli Me Tangere – ito ay nobelang panlipunan na sinulat ni Rizal. Tinatalakay sa nobelang ito ang kabulukan sa lipunan sa panahon ng Kastila. “Huwag Mo Akong Salangin” o “ Touch Me Not” ang kahulugan ng nobelang ito na inihandog ni Rizal sa inang bayan.

Page 8: panahon ng pagkamulat

3. El Filibusterismo – karugtong ito ng nobelang Nole Me Tangere na nangangahulugang “ Ang Pagsusuwail”.

4. Mi Ultimo Adios ( Ang Huling Paalam ) – ito ang itinuturing na kahuli-hulihang akdang naisulat ni Rizal. Ang kauna-unahang nagsalin ng tulang ito sa wikang Tagalog ay si Andres Bonifacio.

Page 9: panahon ng pagkamulat

5. Sa Mga Kababaihang Taga-Malolos – isa itong liham na ipinadala ni Rizal sa mga kababaihan ng Malolos upang batiin ang mga ito sa kanilang paninindigan at pagnanais na matuto.

Page 10: panahon ng pagkamulat

Marcelo H. del Pilar - kilala sa mga sagisag na Plaridel, Dolores Manapat, Piping Dilat at Pupdoh si Marcelo H. del Pilar na isinilang noong Agosto, 1850. Itinatag niya ang pahayagang Diariong Tagalog noong 1882 at humalili siya kay Graciano Lopez- Jaena sa pagiging patnugot ng pahayagang La Solidaridad.

Page 11: panahon ng pagkamulat

Ilan sa mga natatanging akda ni Marcelo H. del Pilar ay ang:

1.Dasalan at Tocsohan – tinuligsa ni del Pilar sa akdang ito ang mga prayle. Ang mga salita sa panalangin o dasal ay pinalitan niya ng mga panunukso sa paring Kastila.

2. Caiigat Cayo – isa itong librito na nagtatanggol sa Noli Me Tangere laban sa ginawang pagtuligsa rito ni Padre Jose Rodriguez.

Page 12: panahon ng pagkamulat

3. Sagot ng Espanya sa Hikbi ng Pilipinas – ito ang tulang isinulat ni del Pilar bilang sagot sa tulang sinulat ni Herminigildo Flores na kanyang dating guro.

Page 13: panahon ng pagkamulat

Graciano Lopez-Jaena - Tubong Jaro, Iloilo si Graciano. Noong 1876, isinulat niya ang isang akdang tumutuligsa at naglalarawan sa mga paring masisiba, ambisyoso at hindi karapat-dapat na alagad ng simbahan. Pinamagatan niya itong Fray Botod. - si Graciano Lopez-Jaena ang nagtatag ng pahayagang La Solidaridad.

Page 14: panahon ng pagkamulat

Antonio Luna - gumamit siya ng sagisag na Taga-ilog. Bagamat isang parmasiyutiko si Antonio Luna, nakapag-ambag din siya sa larangan ng panitikan. Ilan sa mga akdang naisulat niya ay ang Impresiones na naglalarawan sa labis na kahirapang dinaranas ng isang pamilyang naulila sa ama na isang kawal at Noche Buena na naglalarawan naman ng aktwal na buhay ng mga Pilipino noon.

Page 15: panahon ng pagkamulat

Mariano Ponce - isang matibay na haligi ng kilusang Propaganda si Mariano Ponce. Siya ay tubong Baliwag, Bulacan. Gumamit siya ng mga sagisag na Tikbalang, Naning at Kalipulako. Isa sa mga akdang sinulat ni Mariano Ponce ay ang dulang Ang Pagpugot kay Longhino na itinatanghal sa Malolos Bulacan.

Page 16: panahon ng pagkamulat

Pedro Paterno - nakilala si Pedro Paterno sa kanyang nobelang Ninay na sinasabing kauna-unahang nobelang panlipunan sa Kastila na sinulat ng isang Pilipino.

- isang tunay na manunulat na manunulat na masigasig na tagapagpalaganap ng damdaming makabayan ng mga Pilipino.

Page 17: panahon ng pagkamulat

Jose Ma. Panganiban - isang magaling na mamamahayag at mananalumpati si Jose Maria Panganiban o mas kilala sa sagisag na Jomapa. Tubong Camarines Sur si Jomapa na kilala sa pagkakaroon ng Memoria fotograpica. Ilan sa mga akda niya ay ang A Nuestro Obispo, El Pensamiento at Noche de Mambulao.

Page 18: panahon ng pagkamulat

Pascual Poblete - Siya ang kauna-unahang nagsalin ng Noli Me Tangere sa wikang Tagalog. Siya ay isang magaling na mamamahayag na kasamahan ni Marcelo H. del Pilar sa pahayagang Diariong Tagalog. Dahil sa pagiging magaling sa larangan ng pamamahayag, tinagurian si Pascual Poblete bilang Ama ng Pahayagan.