Pambansang Kita by: Princess Jeen Baloyos and Jilian Jacinto
Transcript of Pambansang Kita by: Princess Jeen Baloyos and Jilian Jacinto
![Page 1: Pambansang Kita by: Princess Jeen Baloyos and Jilian Jacinto](https://reader031.fdocument.pub/reader031/viewer/2022012304/5871ea691a28ab6a7b8b7d81/html5/thumbnails/1.jpg)
Yunit III:ARALIN 2:
PAMBANSANG KITA
![Page 2: Pambansang Kita by: Princess Jeen Baloyos and Jilian Jacinto](https://reader031.fdocument.pub/reader031/viewer/2022012304/5871ea691a28ab6a7b8b7d81/html5/thumbnails/2.jpg)
KAHALAGAHAN NG PAGSUKAT SA PAMBANSANG KITA
Stanley Brue
Ayon sa kanilang Economics Principles, Problems, and Policies (1999), ang kahalagahan ng pagsukat sa pambansang kita ay ang sumusunod:
![Page 3: Pambansang Kita by: Princess Jeen Baloyos and Jilian Jacinto](https://reader031.fdocument.pub/reader031/viewer/2022012304/5871ea691a28ab6a7b8b7d81/html5/thumbnails/3.jpg)
KAHALAGAHAN NG PAGSUKAT SA PAMBANSANG
KITA
Campbell R. McConnell
![Page 4: Pambansang Kita by: Princess Jeen Baloyos and Jilian Jacinto](https://reader031.fdocument.pub/reader031/viewer/2022012304/5871ea691a28ab6a7b8b7d81/html5/thumbnails/4.jpg)
1. Ang sistema ng pagsukat sa pambansang kita ay nakapagbibigay ng ideya tungkol sa antas ng produksiyon ng ekonomiya sa isang partikular na taon at maipaliwanag kung bakit ganito kalaki o kababa ang produksiyon ng bansa.
![Page 5: Pambansang Kita by: Princess Jeen Baloyos and Jilian Jacinto](https://reader031.fdocument.pub/reader031/viewer/2022012304/5871ea691a28ab6a7b8b7d81/html5/thumbnails/5.jpg)
2. Sa paghahambing ng pambansang kita sa loob ng ilang taon, masusubaybayan natin ang direksiyon na tinatahak ng ating ekonomiya at malalaman kung may nagaganap na pag-unlad o pagbaba sa kabuuang produksiyon ng bansa.
![Page 6: Pambansang Kita by: Princess Jeen Baloyos and Jilian Jacinto](https://reader031.fdocument.pub/reader031/viewer/2022012304/5871ea691a28ab6a7b8b7d81/html5/thumbnails/6.jpg)
3. Ang nakalap na impormasyon mula sa pambansang kita ang magiging gabay
ng
mga nagpaplano sa ekonomiya upang bumuo ng mga patakaran at polisiya na
makapagpapabuti sa pamumuhay ng mga mamamayan at makapagpapataas
sa economic performance ng bansa.
![Page 7: Pambansang Kita by: Princess Jeen Baloyos and Jilian Jacinto](https://reader031.fdocument.pub/reader031/viewer/2022012304/5871ea691a28ab6a7b8b7d81/html5/thumbnails/7.jpg)
4. Kung walang sistematikong paraan sa pagsukat ng pambansang kita, haka-haka lamang ang magiging basehan na walang matibay na batayan. Kung gayon, ang datos ay hindi kapani-paniwala.
![Page 8: Pambansang Kita by: Princess Jeen Baloyos and Jilian Jacinto](https://reader031.fdocument.pub/reader031/viewer/2022012304/5871ea691a28ab6a7b8b7d81/html5/thumbnails/8.jpg)
5. Sa pamamagitan ng National Income
Accounting, maaaring masukat ang kalusugan ng
ekonomiya.
![Page 9: Pambansang Kita by: Princess Jeen Baloyos and Jilian Jacinto](https://reader031.fdocument.pub/reader031/viewer/2022012304/5871ea691a28ab6a7b8b7d81/html5/thumbnails/9.jpg)
![Page 10: Pambansang Kita by: Princess Jeen Baloyos and Jilian Jacinto](https://reader031.fdocument.pub/reader031/viewer/2022012304/5871ea691a28ab6a7b8b7d81/html5/thumbnails/10.jpg)
MGA PARAAN NG PAGSUKAT SA GNI
• Ayon kay Villegas at Abola (1992), may tatlong (3) paraan ng pagsukat sa GROSS NATIONAL INCOME:
![Page 11: Pambansang Kita by: Princess Jeen Baloyos and Jilian Jacinto](https://reader031.fdocument.pub/reader031/viewer/2022012304/5871ea691a28ab6a7b8b7d81/html5/thumbnails/11.jpg)
1. Paraan Batay sa Paggasta
(Expenditure Approach)
![Page 12: Pambansang Kita by: Princess Jeen Baloyos and Jilian Jacinto](https://reader031.fdocument.pub/reader031/viewer/2022012304/5871ea691a28ab6a7b8b7d81/html5/thumbnails/12.jpg)
Ang Pambansang ekonomiya ay binubuo ng
Apat na sektor: Sambahayan, bahay-
kalakal, pamahalaan at panlabas na sektor.
Ang pinagkakagastusan ng bawat sektor ay ang
sumusunod:
![Page 13: Pambansang Kita by: Princess Jeen Baloyos and Jilian Jacinto](https://reader031.fdocument.pub/reader031/viewer/2022012304/5871ea691a28ab6a7b8b7d81/html5/thumbnails/13.jpg)
A.Gastusing Personal (C) – napapaloob dito ang mga gastos ng mga mamamayan tulad ng pagkain, damit, paglilibang, serbisyo ng manggugupit ng buhok, at iba pa.
B.Gastusin ng mga mamumuhunan (I) – kabilang ang mga gastos ng mga bahay-kalakal tulad ng mga gamit sa opisina, hilaw na materyales para sa produksiyon, sahod ng manggagawa at iba pa.
![Page 14: Pambansang Kita by: Princess Jeen Baloyos and Jilian Jacinto](https://reader031.fdocument.pub/reader031/viewer/2022012304/5871ea691a28ab6a7b8b7d81/html5/thumbnails/14.jpg)
C. Gastusin ng pamahalaan (G) – kasama rito ang mga gastusin sa pagsasagawa ng mga proyektong panlipunan at iba pa.D. Gastusin ng Panlabas na Sektor (X- M) – makukuha ito kung ibabawas ang iniluluwas o export sa inaangkat o import.
![Page 15: Pambansang Kita by: Princess Jeen Baloyos and Jilian Jacinto](https://reader031.fdocument.pub/reader031/viewer/2022012304/5871ea691a28ab6a7b8b7d81/html5/thumbnails/15.jpg)
E. Statistical Discrepancy (SD) – ang anumang kakulangan o kalabisan sa pagkwenta na hindi malaman kung saan ibibilang. Ito ay nagaganap sapagkat may mga transaksyong hindi sapat ang mapagkukunan ng datos o impormasyon.F. Net Factor Income From Abroad (NFIFA) – tinatawag ding Net Primary Income. Makukuha ito kapag ibinawas ang gastos ng mga mamamayang nasa ibang bansa sa gastos ng mga dayuhang nasa loob ng bansa.
![Page 16: Pambansang Kita by: Princess Jeen Baloyos and Jilian Jacinto](https://reader031.fdocument.pub/reader031/viewer/2022012304/5871ea691a28ab6a7b8b7d81/html5/thumbnails/16.jpg)
•Ang formula sa pag kwenta ng Gross National Income sa pamamaraan batay sa paggasta o expenditure approach ay :
•GNI = C + I + G + ( X – M ) + SD + NFIFA.
![Page 17: Pambansang Kita by: Princess Jeen Baloyos and Jilian Jacinto](https://reader031.fdocument.pub/reader031/viewer/2022012304/5871ea691a28ab6a7b8b7d81/html5/thumbnails/17.jpg)
2. Paraan Batay sa Pinagmulang Industriya (Industrial Origin/Value Added Approach )
![Page 18: Pambansang Kita by: Princess Jeen Baloyos and Jilian Jacinto](https://reader031.fdocument.pub/reader031/viewer/2022012304/5871ea691a28ab6a7b8b7d81/html5/thumbnails/18.jpg)
Sa paraaang batay sa pinagmulang industriya, masusukat ang GDP ng bansa kung pagsasamahin ang kabuuang halaga ng produksiyon ng mga pangunahing industriya ng bansa. Kinapapalooban ito ng sektor ng agrikultura, industriya, at serbisyo. Sa kabilang banda, kung isasama ang Net Factor Income from Abroad o Net Primary Income sa kompyutasyon, masusukat din nito ang GNI ng bansa.
![Page 19: Pambansang Kita by: Princess Jeen Baloyos and Jilian Jacinto](https://reader031.fdocument.pub/reader031/viewer/2022012304/5871ea691a28ab6a7b8b7d81/html5/thumbnails/19.jpg)
3. Paraan Batay sa Kita ( Income Approach )
![Page 20: Pambansang Kita by: Princess Jeen Baloyos and Jilian Jacinto](https://reader031.fdocument.pub/reader031/viewer/2022012304/5871ea691a28ab6a7b8b7d81/html5/thumbnails/20.jpg)
A. Sahod ng mga manggagawa – sahod na ibinabayad sa sambahayan mula sa mga bahay-kalakal at pamahalaan.
B. Net Operating Surplus – tinubo ng mga korporasyong pribado at pag-aari at pinatatakbo ng mga pampamahalaan at iba pang mga negosyo.
C. Depresasyon – pagbaba ng halaga ng yamang pisukal bunga ng pagkaluma, bunga ng tuloy tuloy na paggamit paglipas ng panahon.
![Page 21: Pambansang Kita by: Princess Jeen Baloyos and Jilian Jacinto](https://reader031.fdocument.pub/reader031/viewer/2022012304/5871ea691a28ab6a7b8b7d81/html5/thumbnails/21.jpg)
•Di -Tuwirang Buwis – Subsidya• Di – tuwirang buwis – kabilang dito ang sales tax, custom duties, lisensya at iba pang di – tuwirang buwis.• Subsidiya - salaping binabalikat at binabayaran ng pamahalaan nang hindi tumatanggap ng kapalit na produkto o serbisyo. Isang halimbawa nito ang pag-ako ng pamahalaan sa ilang bahagi ng bayarin ng mga sumasakay sa Light Rail Transit.
![Page 22: Pambansang Kita by: Princess Jeen Baloyos and Jilian Jacinto](https://reader031.fdocument.pub/reader031/viewer/2022012304/5871ea691a28ab6a7b8b7d81/html5/thumbnails/22.jpg)
LIMITASYON SA PAGSUKAT NG
PAMBANSANG KITA •Bagamat kayang sukatin ang pambansang kita ng bansa, hindi parin ito perpektong batayan na hinda nabibilang sa pagsukat ng pambansang kita katulad ng sumusunod:
![Page 23: Pambansang Kita by: Princess Jeen Baloyos and Jilian Jacinto](https://reader031.fdocument.pub/reader031/viewer/2022012304/5871ea691a28ab6a7b8b7d81/html5/thumbnails/23.jpg)
Hindi Pampamilihang
Gawain •Sa pagsukat ng pambansang kita, hindi kabilang ang mga produkto at serbisyong binuo ng mga tao para sa sariling kapakinabangan. Bagamat walang salaping nabubuo sa mga naturang gawain, ito naman ay nakabubuo ng kapaki-pakinabang na resulta.
![Page 24: Pambansang Kita by: Princess Jeen Baloyos and Jilian Jacinto](https://reader031.fdocument.pub/reader031/viewer/2022012304/5871ea691a28ab6a7b8b7d81/html5/thumbnails/24.jpg)
Impormal na Sektor •Malaking halaga ng produksyon at kita ay hindi naiuulat sa pamahalaan tulad ng transaksyon sa black market, pamilihan ng illegal na droga, nakaw na sasakyan at kagamitan, at illegal na pasugalan upang makakuha ng resultang pabor sa kanila. May mga legal na transaksyon na hindi rin naiuulat sa pamahalaan tulad ng pagbibinta ng kagamitan pang segunda – mano, at upa sa nagtatapon ng basura. Ang mga ito ay hindi naibibbilang sa pambansang kita.
![Page 25: Pambansang Kita by: Princess Jeen Baloyos and Jilian Jacinto](https://reader031.fdocument.pub/reader031/viewer/2022012304/5871ea691a28ab6a7b8b7d81/html5/thumbnails/25.jpg)
Externalities o Hindi sinasadyang epekto
•May halaga na kalimitang hindi nakikita sa pagsukat ng pambansang kita.
HALIMBAWA:Ang gastos ng isang planta ng kuryente upang mabawasan ang perwisyo ng polusyon ay kabilang sa pagsukat ng pambansang kita samantala ang halaga ng malinis na kapaligiran ay hindi binibilang sa pambansang kita.
![Page 26: Pambansang Kita by: Princess Jeen Baloyos and Jilian Jacinto](https://reader031.fdocument.pub/reader031/viewer/2022012304/5871ea691a28ab6a7b8b7d81/html5/thumbnails/26.jpg)
Kalidad ng Buhay
•Bagamat sinasabing ang pagtaas ng pambansang kita ay
pagbuti rin ng katayuan sa buhay ng mga tao. Sa
katunayan, maraming bagay na hindi kabilang sa pagsukat ay nakakatulong sa pagbuti ng pamumuhay ng tao tulad ng
malinis na kapaligiran at malusog na pamumuhay.
![Page 27: Pambansang Kita by: Princess Jeen Baloyos and Jilian Jacinto](https://reader031.fdocument.pub/reader031/viewer/2022012304/5871ea691a28ab6a7b8b7d81/html5/thumbnails/27.jpg)
Kalidad ng Buhay •Ang lahat ng limitasyong ito ay magsasabing hindi mainam na
sukatan ng kagalingan ng pagkatao ang pambansang kita.
Gayunpaman, kahit may limitasyon ang pagsukat,
pinapakita naman nito ang antas ng pagsulong ng
ekonomiya.
![Page 28: Pambansang Kita by: Princess Jeen Baloyos and Jilian Jacinto](https://reader031.fdocument.pub/reader031/viewer/2022012304/5871ea691a28ab6a7b8b7d81/html5/thumbnails/28.jpg)
THANK YOU FOR WATCHING GUYS!!!!
ADVANCE MERRY CHRISTMAS!!!
CREATED BY: BALOYOS, PRINCESS JENN JACINTO, JILLIAN