Pamanahong Papel Sa Bullying Hannah

15
Paunang Salita Sa panahon na ang lahat ng tao ay kinikilala na ang kanilang karapatan upang sa lahat ng pagkakataon ay mapangalagaan ang kanilang sarili para sa kanilang ikabubuti. May mangilan- ngilan pa din sa atin ang hindi maiiwasan malagay sa isang tagpo ng buhay natin na hindi tayo matutukso o maaabuso ng iba. Tinatawag itong “bullying” sa ingles. Ang pag-aaral na ito na pinamagatang “Lumalalang Kaso ng Bullying”, ay isang pag-aaral ukol sa mga karanasan ng bawat isang indibidwal lalo na sa paaralan kapag sila ay naloloko o naaabuso ng ibang tao. Bawat detalye ay aking inilhad sa pag- aaral na ito upang mas lalong maunawaan ng bawat isa kung bakit hindi dapat tayo pumapayag sa “bullying”. Upang mailathala ang mga tamang iimpormasyon para sa pag- aaral na ito, gumamit ako ng sarbey na naglalaman ng 3 (tatlo) tanong na sinagot ng mga mag-aaral mula sa Mataas na Paaralang Lakan Dula na nagmula sa iba’t ibang pangkat at taon. Sa iba pang aspeto, ang pagtalakay ko sa usapin na ito ay magbibigay kaliwanagan at mga marapat gawin ng isang tao kapag siya ay nahaharap sa ganitong uri ng problema. Ang “bullying” ay maari naman maiwasan ng bawat isa kung magkakaroon ng pagkaka- unawaan sa bawat isa at pag-intindi. Sana ay may matutuhan kayo sa aking pananaliksik na ito at nawa’y nabigyang kaalaman din kayo sa maaring idulot ng “bullying” sa ating mga anak kapatid at bawat isa sa atin.

description

thesis

Transcript of Pamanahong Papel Sa Bullying Hannah

Page 1: Pamanahong Papel Sa Bullying Hannah

Paunang Salita

Sa panahon na ang lahat ng tao ay kinikilala na ang kanilang karapatan upang sa lahat ng pagkakataon ay mapangalagaan ang kanilang sarili para sa kanilang ikabubuti. May mangilan-ngilan pa din sa atin ang hindi maiiwasan malagay sa isang tagpo ng buhay natin na hindi tayo matutukso o maaabuso ng iba. Tinatawag itong “bullying” sa ingles.

Ang pag-aaral na ito na pinamagatang “Lumalalang Kaso ng Bullying”, ay isang pag-aaral ukol sa mga karanasan ng bawat isang indibidwal lalo na sa paaralan kapag sila ay naloloko o naaabuso ng ibang tao. Bawat detalye ay aking inilhad sa pag-aaral na ito upang mas lalong maunawaan ng bawat isa kung bakit hindi dapat tayo pumapayag sa “bullying”.

Upang mailathala ang mga tamang iimpormasyon para sa pag-aaral na ito, gumamit ako ng sarbey na naglalaman ng 3 (tatlo) tanong na sinagot ng mga mag-aaral mula sa Mataas na Paaralang Lakan Dula na nagmula sa iba’t ibang pangkat at taon.

Sa iba pang aspeto, ang pagtalakay ko sa usapin na ito ay magbibigay kaliwanagan at mga marapat gawin ng isang tao kapag siya ay nahaharap sa ganitong uri ng problema. Ang “bullying” ay maari naman maiwasan ng bawat isa kung magkakaroon ng pagkaka-unawaan sa bawat isa at pag-intindi.

Sana ay may matutuhan kayo sa aking pananaliksik na ito at nawa’y nabigyang kaalaman din kayo sa maaring idulot ng “bullying” sa ating mga anak kapatid at bawat isa sa atin.

Page 2: Pamanahong Papel Sa Bullying Hannah

Talaan ng nilalaman

I. Panimula/ Introduksyon

II. Paglalahad ng Layunin

III. Kahalagahan ng Pag-aaral

IV. Saklaw at Delimitasyon ng

Pag-aaral

V. Mga Kaugnay na Literatura at

Pag-aaral

VI.Pamamaraan ng Pangangalap

ng Datos

VII.Paglalahad at Interpretasyon ng

mga Datos

VIII. Buod

IX. Konklusyon

X.Rekomendasyon

XI. Bibliyograpiya

XII. Apendix

Page 3: Pamanahong Papel Sa Bullying Hannah

Kabanata I.

(Ang Suliranin at ang Saligang pag-aaral nito)

Panimula/ Introduksyon

Sa panahon kung saan lahat ng kabataan ay tila alam na lahat ng bagay sa

mundo, hindi maiiwaasan ang sakitan at samaan ng loob. Sa mabilis na pag-ikot ng

mundo kasabay ng mabilis na pagkatuto ng tao sa kung anumang bagay sa kanyang

paligid, lumaganap ang isang di pangkaraniwang suliranin na kung saan ang mga

kabataan ang madalas na nabibiktima nito. Bunga marahil siguro ng inggit o di kaya’y

paggaya sa matanda, ang mga kabataan ay namulat na sa tinatawag na “bullying”.

Isang di pangkaraniwang problema na madalas ng kinakaharap ng mga paaralan at

komunidad sa panahin ngayon. Ang bullying sa wikang tagalog ay pang-aasar o

panloloko. Madalas itong ginagamit sa mga estudyante. May mga lokong estudyante na

gustong gusto nilang nanloloko o nang-aasar sa kanilang kapwa estudyante. Minsan

humahantong pa ito ng sakitan. Marami sa mga kabataan na ito na nasasangkot sa

mga ganitong klase ng kaguluhan, ay maaring naimpluwensyahan ng kapwa nila

kamag-aral o di kaya ay dala ng inggit o galit para sa taong ginagawan nila nito. Sa

kabilang banda, ang mga taong nagagawan ng mga panlolokong ito o mas alam sa

tawag na mga biktima o “mga nabubully” ay may mga iba’t ibang istilo sa pag-iwas sa

mga gulong kagaya nito. Sila ang mga nabibiktima ng mga “bully” na ito na

humahantong pa nga minsan sa depresyon na maaring maging sanhi ng pakawalang-

tiwala sa sarili o di kaya ay pagkamatay.

Page 4: Pamanahong Papel Sa Bullying Hannah

Layunin ng Pag-aaral

Ang “bullying” o panloloko sa kapwa ay isang seryosong usapin na dapat

talakayin upang sa gayon ay maiwasan na ang mga gawaing ito na

nakakapagpahamak sa maraming tao. Sa ganitong uri ng problema marapat na lamang

na bigyan na karapmpatang solusyon na maaring magamit ng bawat isa sa atin upang

maprotektahan natin an gating sarili laban sa gabitong Gawain. Ang pag-aaral sa

“bullying” ay tatalakay sa malawakang suliranin na ito kung saan maraming kabataan

ang nadadamay at nasasaktan. Layunin nito na magbigay ng kongkretong solusyon

para sa bawat isa.

Kahalagahan sa pag-aaral

Sa Kabataan:

Ang pag-aaral sa “bullying” sa mga paraan upang maiwasan ito ay makakatulong

ng malaki sa atin, mga kabataan upang di masangkot sa ganitong kaguluhan.

Makakatulong din ito para mas maunawaan natin ang mga dahilan sa likod ng

pambubully.

Sa Komunidad:

Mahalaga na matalakay ang “bullying” upang sa gayon ay magkaroon rin ng

kaalaman ang komunidad ukol sa mga pangyayaring ito ng sa gayon ay agad nilang

maaksyunan o matulungan ang mga taong kailangan saklolohan.

Page 5: Pamanahong Papel Sa Bullying Hannah

Sa pamahalaan:

Nakakatulong ito upang malaman ang bawat hinaing at paghihirap na

nararanasan sa “bullying” para ng sa gayon ay magakaroon ng mas matibay na batas

laban sa ganitong uri ng pananakit sa kapwa

Sa simbahan:

Ang pag-aaral na ito ang siyang maaring daan para malaman ng simbahan ang

mga paraan at tulong na kaya nilang maibigay para sa mga nabibiktima at

mambibiktima sa usaping “bullying”

Page 6: Pamanahong Papel Sa Bullying Hannah

Kabanata II.

( Mga Kaugnay na literatura at Pag-aaral)

Ang “bullying” ay ang pananakit o panloloko sa kapwa na nakakapagdulot ng

kakaibang depresyon sa tao. Ayon sa isang blog na pinamagatang “Kapamilya News

Ngayon ni Ted Failon” talamak na ang nagaganap na pangbubully sa loob ng Pilipinas.

Ayon dito, maraming dahilan kung bakit nabubully at nambubully ang isang tao.

Maaring nabubully sila dahil sa kakulangang pinansyal, pisikal na kaanyuan, at pisikal

na kapansanan. Bunsod nito, maraming kabataan ang katutuwaan siya at gagawan ng

mga panloloko. Sa kabilang banda, ayon sa pananaliksik ni Ted Failon, maari namang

nambubully ang isang tao dahil sa inggit, galit o kaya’y impluwensiya ng barkada sa

kanya. Karaniwan na ngang laman ito ng mga pahayagan at telebisyon. Samu’t saring

balita ang aking naririnig araw-araw ukol sa “bullying”. Nagaganap ito lalong lalo na sa

mga paaralan pribado man o pampubliko. Sabi ni Ben Tulfo, ang “bullying” ay

pagpapakita ng pagiging dominente ng isang tao. Kung kaya’t dahil sa lumalalang

kaso ng “bullying” napagpasyahan ng DepEd o Department of Education na tuligsain

na ang problemang ito na nakakapagdulot ng pinsala sa bawat kabataan. Ayon sa

DepEd, nais nilang gumawa ng isang maikling pelikula ukol sa epekto ng “bullying” sa

kada isang indibidwal upang maunawaan ng lahat ang hindi magandang pangyayari

na maaring maranasan ng isang tao. Ayon sa kanila, marapat na ang guro ang siyang

maghubog sa kabataan upang hindi mamulat ang kanilang mga isipan sa ganitong uri

ng kapaligiran at para mapanatili na rin ang kapayapaan. Nais ng bawat isa sa mga ito

na masolusyunan at maaksyunan ang ganitong uri ng suliranin, ngunit marapat na

tayo ring mga kabataan ang siyang kumilos para malabanan ang sakit sa lipunan na

tinatawag na “bullying”.

Page 7: Pamanahong Papel Sa Bullying Hannah

Kabanata III:

(Mga Pamamaraan ng Pangangalap ng Datos)

Disenyo at Pamamaraan sa Pananaliksik:

A. Disenyo ng Pananakilsik:

Ang pamamaraan na ginamit upang maisakatuparan ang pananaliksik na ito ay

impormatib na naglalayon na mibigay ang saloobin ng mga kabataan sa paaralang

Lakan Dula para sa usaping “bullying”.

B. Mga Respondent:

Ang mga sumagot sa aking mga katanungan ay mula sa mag-aaral ng Lakan

Dula na nagmula sa iba’t ibang pangkat at taon na nasa 13-16 na taon at maaring

nakaranas na ng “bullying”

C. Insrumentong Ginamit:

Ang instrumentong ginamit upang masagawa ang pananaliksik na ito ay

pagkuha ng mga mahahalagang inpormasyon mula sa libro at internet.

D. Tritment ng mga Datos:

Ang pamanahong papel na ito ay naglalaman lamang ng mga katanungan at

interbyu ukol sa mga karanasan ng isan indibidwal sa kanyang paligid na

ginagalawan.

Page 8: Pamanahong Papel Sa Bullying Hannah

KABANATA IV:

(Pagsusuri, paglalahad at Interpretasyon ng mga datos)

SARBEY

Ano ang “bullying”

4

3

2

1

Sagot ng mga kabataan

Pang-aalipusta o Pang-aabusoPang-aapiPananakitPang-aalipin

Ayon sa depinisyon na ibinigay ng mga kabataan 4 sa bawat 10 mag-aaral ang

naniniwala na ang “bullying” ay maihahanay sa pang-aabuso ng kapwa. At ang

natitirang bahagi naman ay nahati sa iba’t iba pang depinisyon na nakikita ninyo sa

ibabaw.

Page 9: Pamanahong Papel Sa Bullying Hannah

Naging biktima ka na ba ng “bullying”?

3

7

Sagot ng Kabataan

OoHindi

Makikita sa grap sa itaas na 7 sa bawat 10 mag-aaral ng paaralang Lakan Dula

ay hindi nabiktima ng ganitong klaseng karahasan. Ngunit kung atin pa ring titingnan

ang 3 porsyento ay malaking bahagi na rin para masabi na ang suliranin sa “bullying”

ay malaki pa rin at nakakaapekto sa bawat estudyante

Ano sa tingin mo ang dahilan ng “bullying”?

Page 10: Pamanahong Papel Sa Bullying Hannah

5

3

1 1

Sagot ng mga Kabataan

Problema sa pamilyaPagganti sa KapwaKawalang DisiplinaPera

Batay sa grap sa itaas, makikita na para sa mga kabataan o mag-aaral ng

Lakan Dula ang naniniwala na ang pangunahing dahilan ng “bullying” ay ang problema

sa pamilya. 5 sa bawat 10 katao an naniniwala na ito ang dahilan kung bakut patuloy

sa pagtaas ang mga nabibiktima ng “bullying”. Kung susumahin, sumunod lamang ang

pagganti sa kapwa, at nagkaparehas ang bilang sa kawalang disiplina at pinansyal na

problema. Kung gayon ating mahihinuha na ang mga dahilan kung bakit nangyayari

ang ganitong klasen karahasan ay nagmumula sa pamilya. Nagsisimula kung saan

dapat matuto ng tama ang mga kabataan.

Page 11: Pamanahong Papel Sa Bullying Hannah

KABANATA V:

(Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon)

Lagom:

Sa pananaliksik na ito, lumabas ang mga tunay na dahilan kung bakit marami sa

atin ang nabubully o nangbubully. Mga dahilan na pangkaraniwan na lamang dahil

maari ring maging dahilan ito sa iba pang problema ngunit dahil sa mga kadahilanan

na ito ay lalong lumalala ang mga kasong may kinalaman sa “bullying”. Ang mga

respondent na aking ginamit na may kaniya kaniyang bersyon ng karanasan

sa :bullying: ay nakatulong ng malaki upang mailahad ng maayos ang mga detalye na

maaring makatulong sa atin. Ang pananaliksik na ito ay bunga ng masinsinang

paghahanap ng mga kasagutan upang sa gayon maibigay ang mga tamang

impormasyon sa bawat isa. Sa tulong ng sarbey ay naipahayag ng mga kabataan ang

kani-kanilang saloobin ukol sa usapin na ito kung kaya’t nabigyan ang bawat isa ng

karapatan ihayag ang kanilang kinikimkim na saloobin ukol dito sa tulong ng mga

tanong na kanilang sinagot.

Konklusyon:

Sa bawat problema ay may solusyon. Kung kaya’t ang problema sa “bullying” ay

maari pang masolusyunan. Kung ang dahilan ay problema sa pamilya, maari pang

maagapan ito sa pamamagotan ng pakikipag-komunikasyon at mahinahong pag-

uusap ng bawat isa, sa tulong nito maaring mabawasan o maiwasan ang paglala

ng sitwasyon. Kung sa pagganti naman sa kpwa ang problema, hindi ba’t mas

masayang mamuhay sa isang lugar na payapa at lahat ng makakasalamuha mo ay

iyong kasundo? Tamang pagtanggap ang kailangan at pagpapatwad upang

matamo ang katahimikan at hindi na magawi pa sa masama. Kung iispin nating

mabuti walang dulot na maganda ang “bullying” sa kabataan man o maging sa

Page 12: Pamanahong Papel Sa Bullying Hannah

matatanda. Dito ay lagi tayong talo. Walang nanalo. Walang tunay na magiging

masaya.

Rekomendasyon:

Inirerekomenda ko na bilang isang mananaliksik ng pag-aaral na ito,

nirerekumenda ko na mas tibayan pa ang mga batas ukol sa “bullying”. Siguro mas

magiging maganda ang kapaligiran na hindi iniikutan ng mga ganitong karahasan.

Para sa akin, kung mapapakinggan lang ang mga hinaing ng mga kabataan, mas

magiging madali ang pagbabawas ng mga gaintong uri ng problema lalo pa’t mga

kabataan ang sangkot sa ganitong usapin. Sabi nga ni Gat Jose Rizal “Ang

kabataan ang pag-asa ng bayan”, ngunit kung ang kabataan ngayon ay

nagkakagulo, gumagawa ng mga di kanais-nais paano na ang kinabukasan? Kung

ang lahat ay di marunong makinig sa bawat hinaing na gustong ihayag ng bawat

isa?

Page 13: Pamanahong Papel Sa Bullying Hannah

Bibliograpiya:

www.google.com

www.philstar.com

www.essaydepot.com

www.deped-ne.net