Paigtingin ang anti-imperyalistang paglaban! Palayasin ang mga ...

8
KULTURA SETYEMBRE 2016 Larawan mula sa manilatoday.net. Pambansang protesta, walkout para sa edukasyon at karapatang pantao sa anibersaryo ng Martial Law Kabataan kinundena ang pambobomba sa Davao Mga positibong kinalabasan ng pagbubukas ng usapang pangkapayapaan Pulong ng UP Board of Regents, binulabog ng protesta laban sa eUP at STS Masaker ng 4 na magsasaka sa Nueva Ecija, pagpaslang sa lider-magsasaka sa Isabela MRT, pinabulok ng pribatisasyon 3 4 5 6 7 8 \\ Ituloy sa p2 Paigtingin ang anti-imperyalistang paglaban! Palayasin ang mga base at tropang Amerikano! Dapat samantalahin ang mga matatapang na pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa imperyalismong Estados Unidos (US) para palakasin at palawakin ang anti-imperyalistang paglaban, panawagan para sa pagpapalayas sa mga tropang Amerikano at paggigiit ng pambansang soberanya ng bansa. Sa nakaraang pagpupulong ng ASEAN, inihayag ni Duterte sa tapat mismo ng pangulo ng US na si Barack Obama na ang Pilipinas ay hindi na utusang bansa ng US at na dapat managot ang US sa pagmasaker nito ng mga Pilipino sa kasaysayan ng pananakop nito sa bansa. Tugon ito sa inaasahang pagbanat naman ng US sa anti-mamamayan at anti-demokratikong kampanya kontra- droga na inilulunsad ni Duterte. Ikinuwento at ipinakita ni Duterte ang mga larawan ng naganap na pagmasakaer ng mga Amerikano sa Bud Dajo noong 1906 na bahagi ng madugong giyera ng agresyon at kolonisasyon sa bansa mula 1899 hanggang 1913. Ilang araw matapos, binalikan naman niya ang Balangiga massacre sa Samar noong 1901 kung saan pinatay ang lagpas sa 2,500 na Pilipino matapos iutos ng heneral ng US na patayin ang lahat ng mga mas matanda sa 10 taong gulang.

Transcript of Paigtingin ang anti-imperyalistang paglaban! Palayasin ang mga ...

Page 1: Paigtingin ang anti-imperyalistang paglaban! Palayasin ang mga ...

KULTURA

SETYEMBRE 2016

Larawan m

ula sa manilatoday.net.

Pambansang protesta, walkout para sa edukasyon at karapatang pantao sa anibersaryo ng Martial LawKabataan kinundena ang pambobomba sa DavaoMga positibong kinalabasan ng pagbubukas ng usapang pangkapayapaanPulong ng UP Board of Regents, binulabog ng protesta laban sa eUP at STSMasaker ng 4 na magsasaka sa Nueva Ecija, pagpaslang sa lider-magsasaka sa IsabelaMRT, pinabulok ng pribatisasyon

3

4

5

6

7

8

\\ Ituloy sa p2

Paigtingin ang anti-imperyalistang paglaban! Palayasin ang mga base at tropang Amerikano!Dapat samantalahin ang mga matatapang na pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa imperyalismong Estados Unidos (US) para palakasin at palawakin ang anti-imperyalistang paglaban, panawagan para sa pagpapalayas sa mga tropang Amerikano at paggigiit ng pambansang soberanya ng bansa.Sa nakaraang pagpupulong ng ASEAN, inihayag ni Duterte sa tapat mismo ng pangulo ng US na si Barack Obama na ang Pilipinas ay hindi na utusang bansa ng US at na dapat managot ang US sa pagmasaker nito ng mga Pilipino sa kasaysayan ng pananakop nito sa bansa.

Tugon ito sa inaasahang pagbanat naman ng US sa anti-mamamayan at anti-demokratikong kampanya kontra-droga na inilulunsad ni Duterte.

Ikinuwento at ipinakita ni Duterte ang mga larawan ng naganap na

pagmasakaer ng mga Amerikano sa Bud Dajo noong 1906 na bahagi ng madugong giyera ng agresyon at kolonisasyon sa bansa mula 1899 hanggang 1913. Ilang araw matapos, binalikan naman niya ang Balangiga massacre sa Samar noong 1901 kung saan pinatay ang lagpas sa 2,500 na Pilipino matapos iutos ng heneral ng US na patayin ang lahat ng mga mas matanda sa 10 taong gulang.

Page 2: Paigtingin ang anti-imperyalistang paglaban! Palayasin ang mga ...

2 SETYEMBRE 2016 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANEDITORYAL

PUNONG PATNUGOTKarlo Mikhail Mongaya

MGA KAWANIAlexia Fuentes, Issa Baguisi, Gem Aramil, Ingrid Shannah Calapit,

Eden Mae Galas, Gena Terre, James Relativo, Jackie Tan Gonzales, Jaque Eroles, Jay Lahoy, John Ian Alenciaga, John Levi Masuli,

Nona Al-Raschid, Uno Knobles, Reeza Rosalada, Vencer Crisostomo

Para sa mga suhestyon, komento at kontribusyon, makokontak kami sa mga sumusunod:

[email protected]

www.anakbayan.org

facebook | Anakbayan Phils

twitter | @anakbayan_ph

Matapos nito, inanunsyo ni Duterte na dapat umalis na ang mga tropang Amerikano sa Mindanao. Bago pa man naging pangulo, nauna nang pinahayag ni Duterte ang pagtutol sa pag-iistasyon ng mga tropang Kano at pagpapalipad ng drones sa Davao City bilang alkalde.Natatangi si Duterte sa mga pangulo ng bansa na matapang na tumindig laban sa imperyalismong US at naghayag ng nagsasariling patakarang panlabas. Kahit pa nakalagay sa konstitusyon ang nagsasariling patakarang panlabas, wala pang pangulong nangahas na tumunggali sa US at sumagka sa pagsusulong ng interes nito sa bansa at sa daigdig.

Dapat samantalahin ang mga pahayag ni Duterte para higit na palakasin ang anti-imperyalistang paglaban ng kabataan at mamamayan. Dapat ilunsad ang malawak na kampanya ng anti-imperyalistang edukasyon sa mga paaralan, komunidad at mga pagawaan laban sa kaisipang at kulturang kolonyal na ipinalaganap ng US.

Mainam na balikan ang madugong kasaysayan ng kolonisasyon ng US sa bansa na pumatay sa aabot sa 1.5 milyong Pilipino o nasa lagpas sa 10% ng populasyong nasa 7 milyon. Isinagawa ang napabangis na mga masaker, tortyur, pagsunog sa mga komunidad at pagsupil sa paglaban ng mamamayan.

Maaaring hikayatin si Duterte na maglunsad ng kampanya para pasiglahin ang makabayang edukasyon at hamunin siyang ibasura ang kolonyal na sistema ng edukasyong namamayani sa bansa.

Dapat itulak si Duterte na isakongkreto ang mga patakaran para sa pagtatanggol

ng soberanya ng bansa at pagpapalayas ng mga base at tropang Amerikano hindi lamang sa Mindanao kundi sa buong bansa. Sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement, nagtatayo na ng mga base ang US sa iba’t ibang mga kampo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) gaya ng sa Nueva Ecija, Pampanga, Palawan, Mactan at Cagayan De Oro.

Matagal na ring naka-istasyon sa iba’t iba pang lugar sa bansa ang mga tropang Amerikano sa kubli ng “assistance” at iba’t ibang operasyon kabilang na ang mga regular na “rotating troops” at mga dumadaong sa bansa para sa “rest and recreation” na naglalagay sa mga kababaihan sa peligro ng rape at abuso.

Sa mga mayor na kampo gaya ng Camp Aguinaldo ng AFP at Camp Crame ay may mga ahente ng Federal Bureau of Investigation at may mga eksklusibong compound na para lamang sa US sa loob ng kampo ng AFP. Ang patuloy na pagdetine kay Scott Pemberton, sundalong pumatay kay Jennifer Laude sa pasilidad na kontrolado ng mga Amerikano ay malinaw ding paglabag sa soberanya at dignidad ng bansa.

Dapat palakasin ang panawagan para ibasura ang mga di-pantay na kasunduan gaya ng Mutual Defense Treaty, Mutual Support and Logistics Agreement, Visiting Forces Agreement at Enhanced Defense Cooperation Agreement.

Ang nagsasariling patakarang panlabas ay dapat mangahulugan ng pagtapos sa pagpapakatuta sa US at pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang mga bansa nang patas, at gumagalang sa soberanya at pambansang dignidad ng bawat isa.

Magbubukas din ito ng mga oportunidad sa pantay na kalakalan sa mga bansang dating sarado dahil sa pagkatuta sa US gaya ng Venezuela, Iran, Cuba, Russia, North Korea at Tsina na makakapag-alok sa bansa ng mga kinakailangang rekurso sa mas mababang presyo sa mga pantay na kasunduan. Maaaring itulak ang relasyon sa Tsina nang hindi nagiging tuta nito at sa mga kasunduang may malinaw na mga pagpigil sa mapagsamantala at di-pantay na mga probisyon.

Dapat itong tumagos sa malinaw na programang pang-ekonomiya na nakakapagpaunlad sa kakayanang tumindig sa sarili habang malayang nakikipagkalakalan at nagpapahintulot ng mga pamumuhunan na makakaambag sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa. Dapat itakwil ang mga patakaran ng neoliberal na globalisasyon na itinutulak ng US sa pamamagitan ng GATT, WTO, APEC, TPP at maging ng Tsina sa RCEP. Sa halip, dapat itulak ang tunay na repormang agraryo, pambansang industriyalisasyon at mga patakarang pang-ekonomiya na tunay na tutugon sa makabayan at demokratikong interes ng mamamayan.

Sa pagpapalakas ng kampanyang anti-imperyalista, dapat higit na lumawak at lumakas ang Anakbayan at mga organisasyon ng kabataan sa buong bansa, maitayo ang malalaki at malalakas na mga balangay, umigpaw ang mga mobilisasyong masa at maramihang sumanib sa pakikibaka ng batayang masa.

Page 3: Paigtingin ang anti-imperyalistang paglaban! Palayasin ang mga ...

3TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | SETYEMBRE 2016 BALITA

Malawakang pagkilos ng kabataan at mag-aaral ang naganap sa Metro Manila, Baguio City, Pampanga, Laguna, Cebu, Iloilo, Tacloban, Cagayan de Oro, Davao, at iba pang mayor na sentrong rehiyonal upang itulak ang gobyernong Duterte na ipatupad ang libreng edukasyon para sa lahat, ang pagpapatuloy ng usapang kapayapaan, at pagrespeto ng karapatang pantao.

Ayon sa Anakbayan, ang mga malaking protesta ng kabataan ay nakatuon sa paghimok kay Duterte na dalhin ang pinangakong “pagbabago” sa sektor ng edukasyon sa pamamagitan ng mga mapagpasyang hakbang laban sa pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin at mga neoliberal na patakaran tulad ng K-12 at mga reporma sa kurikulum na pahirap sa mamamayan.

Sa Metro Manila, nagwalkout ang mga mag-aaral mula sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) main campus sa Sta. Mesa, UP Diliman, UP Manila, at sa mga pribadong pamantasan

sa University Belt sa Manila. Pagdating ng tanghali, dumagsa ang bulto ng mga nagprotestang mag-aaral sa harap ng University of Santo Tomas at nagmartsa patungo sa Mendiola.

Ang pambansang araw ng protesta ay nakakuha rin ng suporta ng mga administrador at samahan ng edukador kabilang na sina UP Diliman Chancellor Mike Tan, PUP President Emanuel De Guzman, National Youth Commission, Catholic Educators Association of the Philippines, at Philippine Association of State Universities and Colleges.

Kinundena ng Anakbayan ang diktadurang Marcos dahil sa buktot nitong papel sa kasaysayan, hindi lamang sa korupsyon at paglapastangan ng karapatang pantao kundi pati na rin sa pagpapatupad ng deregulasyon ng edukasyon na nagresulta sa 5,000-7000% na pagtaas sa halaga ng matrikula mula sa P700-2,600 kada semestre noong 1982 sa P40,000-80,000 ngayong taon.

Ayon sa grupo, ang pagtutol sa Martial Law ay pag-alala rin sa papel ng diktadurang Marcos sa pagpapatindi ng kumersyalisasyon ng sistemang edukasyon sa pamamagitan ng pag-atas ng Education Act of 1982 na nagpahintulot sa mga paaralan na magtaas ng matrikula at iba pang bayarin na walang regulasyon ng gobyerno.

Nagpahayag din ang Anakbayan ng pagkundena sa nagpapatuloy na serye ng extrajudicial killings, ang pagbabalik ng mandatory ROTC (Reserved Officer Training Corps), at ang mga hakbang upang ilibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayan. Ayon sa grupo, si Marcos ay isang berdugo at mandarambong na kailanman ay hindi maituturing na isang bayani.

Ang pambansang protesta ay idinaos din bilang pagsuporta sa pagbabalik ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyernong Duterte at ng National Democratic Front of the Philippines na inaasahan ng Anakbayan na magreresulta sa pagpapalaya ng mga bilanggong pulitikal at mga makabuluhang repormang sosyo-ekonomiko na sasagot sa ugat ng armadong labanan.

Libu-libong kabataan at mag-aaral mula sa iba’t ibang dako ng bansa ang nagmartsa sa mga lansangan at nagwalkout sa kanilang mga paaralan at pamantasan bilang bahagi ng “Pambansang Araw ng Pagkilos para sa Edukasyon, Kapayapaan, at Karapatang Pantao” na itinaon sa ika-44 na anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law.

Pambansang protesta, walkout para sa edukasyon at karapatang pantao sa anibersaryo ng Martial Law

Larawan m

ula sa Manila C

ollegian.

Page 4: Paigtingin ang anti-imperyalistang paglaban! Palayasin ang mga ...

4 SETYEMBRE 2016 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANBALITA

Duterte hinimok na palayasin ang mga tropang kano

Nananwagan ang Anakbayan sa gobyernong Duterte na palayasin ang lahat ng mga tropang kano na kasalukuyang nananatili sa bansa at tuluyang ibasura ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), Visiting Forces Agreement (VFA), at iba pang di-pantay na kasunduan na nagsesemento sa mala-kolonyal na pagka-alipin sa US Habang pinupuri ng Anakbayan ang mga pahayag ng gobyernong Duterte na nagpapakita ng hangaring kumawala ang bansa sa dominasyon ng US, nanawagan ang grupo ng mga mapagpasyang hakbang upang wakasan ang di-pantay, di-makatarungan, at mapanupil na ugnayang US-PH.

Bago tumungo sa pulong ng Asean Summit sa Laos noong Setyembre 5, tinuligsa ni Duterte sa isang porum ang pangulo ng US na si Barrack Obama at binanggit ang pagmasaker ng mga tropang Amerikano ng mga Pilipinong Moro sa Bud Dajo noong 1906. Ani Duterte, hindi na isang kolonya ng Estados Unidos ang Pilipinas. Muling niyang binanggit ang mga kalupitan na ginawa ng imperyalismong US noong sinakop nito ang Pilipinas sa harap ng mga lider ng Asean sa Laos. Pagbalik ni Duterte sa Pilipinas ay binanggit niya naman ang pagmasaker ng mga tropang Amerikano ng lahat ng residente ng Samar na may edad 10 pataas matapos ang

matagumpay na pagsalakay ng mga Pilipinong rebolusyonaryo sa Balangiga noong 1901. Kasabay ng pagdeklara ng isang malayang patakarang panlabas na hindi dindiktahan ng US ay inanunsyo ni Duterte ang pangangailangan ng pagpapaalis ng mga tropang kano sa Mindanao at paghinto sa joint naval patrols kasama ang mga bapor na pandigma ng US sa West Philippine Sea. Ayon sa Anakbayan, makasaysayang ang pagkakaroon ng isang Pilipinong pangulo na handang tumindig laban sa imperyalismong US. Hinimok ng grupo si Duterte na huwag bawiin ang kanyang mga makabayang pahayag at bagkus ay mas palalamin ang pagtanggol sa pambansang kasarinlan. Naglunsad ng isang kilos-protesta sa harap ng US Embassy ang iba’t ibang makabayang grupo, kabilang na Anakbayan, noong Setyembre 16, sa ika-25 na anibersaryo ng pagbabasura ng US-PH Military Bases Treaty noong 1991.

Matapos ang serye ng mga matatapang na salita ni Pangulo Rodrigo Duterte laban sa Estados Unidos at pagpahayag ng isang nagsasariling patakarang panlabas, hinimok ng Anakbayan si Duterte na isakongkreto ang kanyang pagtindig laban sa panghihimasok at pagdidikta ng US sa Pilipinas.

Ayon sa Anakbayan, isang teroristang atake ang pambobomba sa Davao na hayagang tumarget ng mga sibilyan. Naniniwala ang grupo na ang insidenteng ito ay naglalayong magtanim ng takot sa mamamayan at hadlangan ang mga hakbangin ng kasalukuyang gobyerno tungo sa pagkamit ng kapayapaan.

Sa kabila ng pag-angkin ng responsibilidad ng mga teroristang grupong nakikiisa sa bandidong Abu Sayyaf, hinimok ng Anakbayan ang gobyernong Duterte na maglunsad ng mas malalim na imbestigasyon at maging mapagbantay sa doble-karang alok na tulong ng Estados Unidos.

Ayon sa grupo, hindi dapat kalimutan ang kaso ni Michael Meiring, isang Amerikanong ahente na hindi sinadyang magpasabog ng mga bomba sa kanyang kwarto sa Evergreen Hotel sa Davao City noong 2002. Mga parehong bomba ang ginamit sa pambobomba sa Davao Airport at Sasa Wharf noong 2003.

Nagbabala ang grupo na ang US ang may kagagawan ng interbensyong militar, kudeta, teroristang aksyon, operasyong paniktik, at iba pang maruming pakana sa buong daigdig at walang kredibilidad na mamuno sa imbestigasyon ng pagsabog sa Davao.

Ayon pa sa grupo, isang bukas na sikreto na itinatag ang Abu Sayyaf sa tulong ng Armed Forces of the Philippines at ng US Central Intelligence Agency kung saan inamin pa ni Kumander Robot na sinanay sila ng Amerikanong bomb expert na si Jefrey Scheiling sa kanilang kampo. Tumatanggap ang Abu Sayyaf ng suporta, armas, at proteksyon mula sa militar.

Naglunsad ang Anakbayan at iba pang grupo ng kabataan ng mga pagkilos sa iba’t ibang mga pamantasan sa Kamaynilaan noong hapon ng Setyembre 6 upang kundenahin ang pambobomba.

Nagbabala ang grupo laban sa mga pakana na gamitin ang insidente upang ipatupad ang

batas militar, pagkitil sa mga karapatang sibil, at pagtugis sa mga inosenteng sibilyang Moro sa pagkukunwaring depensahan ang seguridad.

Tinutulan ng Anakbayan ang depektibong deklarasyon ng “national state of emergency due to lawless violence” na ginagamit ng AFP na rason upang magdeploy ng mga tropang militar sa mga sentrong sibilyan sa buong bansa. Para sa grupo, hindi mapipigilan ang mga bandidong operasyon ng Abu Sayyaf sa pamamagitan ng paghihigpit sa mga kalayaang sibil ng mamamayan.

Ayon sa grupo, ang pinalawak na presensya ng AFP ay magbibigay sa US ng mas malaking impluwensya sa bansa. Idiniin ng grupo na ang AFP ang siyang pangunahing haligi ng imperyalistang US sa bansa.

Naniniwala ang Anakbayan na may mga masamang pwersa na nagnanais lumikha ng kalagayan na magbibigay-katwiran sa pagpapadala ng mas maraming tropang Amerikano sa bansa at pagpapalawak ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Nagpahayag ang Anakbayan ng pakikiramay at pakikiisa sa mga pamilya at mga mahal sa buhay ng mga biktima ng pambobomba sa Davao City noong gabi ng Setyembre 2. Mariing kinundena ng grupo ang pambobomba kung saan 15 inosenteng sibilyan ang namatay at mahigit 71 naman ang sugatan.

Kabataan kinundena ang pambobomba sa Davao

www.anakbayan.orgbisitahin ang

Page 5: Paigtingin ang anti-imperyalistang paglaban! Palayasin ang mga ...

5TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | SETYEMBRE 2016 LATHALAIN

1Pagpapatupad at pagpapatibay ng mga naunang kasunduan

Kabilang dito ang Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and other International Humanitarian Law (CARHRIHL); The Hague Joint Declaration ng 1992; Joint Agreement on Safety Immunity Guarantees (JASIG); at Joint Agreement on the Formalization, Sequence and Operationalization of the Reciprocal Working Committees of the GRP and NDFP Negotiating Panels. Maaari pang palawigin ang mga nasabing kasunduan batay sa mga magiging pag-uusap ng dalawang panig.

2Pagbubuo muli ng listahan ng JASIGTinanggap ng panel ng GRP ang listahang

binigay ng NDFP na protektado at dapat protektahan ng JASIG. Pinagkasunduan din ang magiging pamamaraan ng dokumentasyon, pangangalaga ng dokumento at beripikasyon nito.

3 Pagpapabilis sa negosasyong pangkapayapaan

Bukod dito, tinakdaan ring tapusin ang pagbubuo ng kasunduan sa mga reporma sa sosyo-ekonomiko sa loob ng anim na buwan. Kasabay ng pag-uusap dito ay ang mga pulong hinggil sa pagbabalangkas ng burador para sa pampulitika at konstitusyunal na reporma, gayundin sa pagtatapos ng armadong labanan at disposisyon ng mga pwersa. Muli ring bubuhayin ang Joint Monitoring Committee.

4 Mga pagpapalayaIkinalugod ng NDFP ang pagpapalaya ni

Pangulong Rodrigo Duterte sa mga peace consultant ng NDFP batay sa mga nakasaad sa JASIG. Pinagpugayan din ng NDFP ang pangako ng GRP na palalayain ang mga bilanggong politikal na maysakit, matatanda, masyado nang matagal na nakabilanggo at kababahan na nakatala sa listahan ng NDFP.

5 Proklamasyon ng amnestiyaAgad na inirekomenda ng panel ng GRP kay

Duterte na maglabas ito ng Proklamasyon ng Amnestiya, na ihahapag sa Kongreso, para sa pagpapalaya ng mga bilanggong nakatala sa listahan ng NDFP.

6 Tigil-putukanNagdeklara ng unilateral na

pansamantalang tigil-putukan ang Partido Komunista ng Pilipinas at ang Bagong Hukbong Bayan noong Agosto 28 bilang tugon sa deklarasyon ni Duterte ng walang-taning na unilateral na tigil-putukan noong Agosto 21.

7 Susunod na pagpupulongNakatakdang magpatuloy ang susunod na

pag-uusap sa Oslo sa Oktubre 8-12.

Maalab na pagbati ang pinapaabot ng Anakbayan sa matagumpay na muling- pagbukas ng usapang pangkapayapaan. Inaasahan nitong tugtutugunan ng pag-uusap ang pagpapalaya ng sobra mahigit 500 bilanggong pulitikal at ang pagpapatupad ng mga makabuluhang sosyo-ekonomiko at pulitikal na reporma na siyang lulutas sa mga ugat ng armadong labanan sa kanayunan.

Positibo ang kinalabasan ng muling-pagbubukas ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Government of the Republic of the Philippines (GRP) at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na ginanap sa Oslo, Norway noong Agosto 22 hanggang 28 sa tulong ng Royal Norwegian Government.

Matapos ang 15 taon ng pagkaunsyami ng usapang pangkapayapaan sa ilalim ng rehimeng Arroyo at BS Aquino, matagumpay na napagkasunduan ng dalawang panig ang pitong mahalagang punto:

Mga positibong resulta ng pagbubukas ng usapang pangkapayapaan

Kasaysayan ng kalupitan at krimen ng mga tropang Amerikano

1899-1916: Digmaang Pilipino Amerikano

Pinatay • Luzon: 600,000 (1/6 ng Luzon)• Batangas: 300,000• Bud Dajo, Jolo: 900• Bud Bagsak, Jolo: 2,000• Laksamana, Sulu: 400Lahat ng 10 taong gulang pataas sa Balangiga, Samar, Miag-ao, Iloilo,at Talipao, Jolo

Hinamlet• Buong Laguna at Batangas• Marinduque• Albay: 300,000 apektadoMahigit 9,000 namatay sa gutom, sakit

Sinunog• Buong Igbaras, Iloilo• Taguig, Marikina, Malabon• Rizal, Batangas• Balangiga, Samar• 20 bayan ng Bohol

1947-1991: Military Bases Agreement30 kaso ng pagpatay at panggagahasa

1998-Kasalukuyan:VFA at Balikatan

Ginahasa“Nicole” at “Vanessa”

Pambobomba• 2008: Datu Piang, Maguindanao Maimbung, Sulu• 2004 at 2005: Butian Marsh, Maguindanao• 2004: Umapoy Island, Tawi-Tawi

Pagpatay• Arsid Baharun 2004• Sardiya Abu Calderon 2004• Bizma Juhan 2006• Gregan Cardeno 2010• Jennifer Laude 2014

Larawan ni R

aymund Villanueva.

Page 6: Paigtingin ang anti-imperyalistang paglaban! Palayasin ang mga ...

6 SETYEMBRE 2016 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANBALITA

Kabilang din sa mga nagprotesta ang mga guro at kawani ng UP sa ilalim ng All UP Academic Employees Union at All UP Workers Union na nagbantang maghahain ng kaso sa Ombudsman matapos nilabag diumano ng administrasyon ng UP ang kanilang Collective Negotiation Agreement.

Naglunsad din ng mga kilos-protesta ang mga mag-aaral ng iba’t ibang pamantasan sa buong bansa bilang bahagi ng isang pambansang pagkilos para sa edukasyon, karapatang pantao, at kapayapaan.

Pulong ng UP Board of Regents, binulabog ng protesta laban sa eUP at STS

Matapos ang isinagawang protesta sa ground floor ng Quezon Hall, nilusutan ng mga mag-aaral at guro ang mga guwardiya upang makapasok sa meeting room ng BOR kung saan iniharap nila ang kanilang panawagan upang ibasura ang eUP Project at Socialized Tuition System (STS).

Ayon kay UP Student Regent Raoul Daniel Manuel, makatarungan ang ginawang kilos-protesta sa BOR sa kabila ng pagbibingi-bingihan ng nasabing lupon sa mga hinaing ng mga mag-aaral at iba pang sektor ng pamantasan.

Para sa mga nagprotesta, ang eUP Project ay isang malaking raket ni UP President Alfredo Pascual upang pagkakitaan ang mga computer systems ng pamantasan na ipinaubaya ng administrasyon sa mga pribadong korporasyon tulad ng Oracle at PLDT.

Nasa sentro ng eUP Project ang depektibong Student Academic Information System (SAIS) na nagtamo ng paulit-ulit na pagkasira ng mga computer server na nagresulta sa pagkaabala ng enrolment sa UP Los Baños nito lamang Agosto.

Ipinanawagan ng mga iskolar ng bayan ang pagbabasura sa STS. Sa kabila ng pagkukunwari nitong magbibigay ng subsidyo sa mga estudyanteng walang kaya, ang iskemang socialized tuition ay nagresulta sa 12,000% pagtaas ng matrikula sa UP mula sa dating P40/unit noong 1988 patungo sa kasalukuyang P1,500/unit.

Binulabog ng mahigit 200 nagpoprotestang mag-aaral at guro ang pulong ng University of the Philippines (UP) Board of Regents (BOR), ang pinakamataas na otoridad sa loob ng pangunahing pampublikong pamantasan sa bansa, noong Agosto 25.

Mga mag-aaral sa SUCs, pipigain ng mas malaking singilin sa susunod na taon

Sa isang pagdinig sa Kongreso para sa budget ng Commission on Higher Education (CHEd) noong ika-31 ng Agosto, tantsa ng DBM na aabot sa 43.3 bilyong piso ang makokolekta ng SUCs mula sa revolving funds, mga donasyon, tuition, at “income collected from students.” Ito ay sa kabila ng matinding pagbabawas sa budget ng SUCs at pagbaba ng bilang ng mga papasok sa kolehiyo dahil sa K-12. Nangako naman si CHEd Chair Patricia Licuanan na hindi umano magtataas ng matrikula sa mga SUCs sa susunod na taon kahit may budget cut, dahil may iba pang mapagkukunan ng kita ang mga paaralan. Inatasan daw sila ng DBM na unahin ang pag-aasikaso sa budget imbis na sundin ang Normative Funding Formula na matagal nang dahilan ng pagbabawas ng budget, dahil pinagbasehan nito ang

iba’t ibang performance indicators ng mga SUC para sa karampatang pera na kanilang matatanggap. Ngunit pangamba pa rin ni Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago na sa mga estudyante pa rin ipapasa ang pasakit na gawa ng CHEd at DBM. Inilantad ni Elago ang datos ng DBM na 7.8 bilyong piso ay magmumula sa matrikula, at 4.3 bilyong piso naman sa pera pa rin mula sa mga estudyante–ang dalawang pinakamalalaking panggagalingan ng kikitain ng SUC. Hindi rin tunay na tataas ang budget ng SUCs sa 2017 dahil kung susuriin nang maigi, may malalaking bawas sa mga bahagi nito tulad ng perang pantustos sa pang-araw-araw na pagpapatakbo ng mga paaralan (Maintenance and Other Operating Expenses o MOOE) at pagpapagawa ng mga

bago nilang imprastraktura (Capital Outlay o CO), dagdag ni Elago.

Ganito rin ang nangyari sa kasalukuyang taon, kung saan tumaas ang pangkalahatang budget para sa SUCs sa 43.8 bilyong piso mula sa 42.3 bilyong piso noong 2015, ngunit may lampas sa 2-bilyong-pisong bawas naman sa MOOE at CO ng kanilang budget. Iginiit pa ni Elago na maaari pang maglaan ng mas malaking pera sa SUCs dahil may puwang pa para dito sa ipinapanukalang 2017 National Budget sa Kongreso. Lumalabas din na may natira pang bilyon-bilyong piso ang CHEd mula 2011 na para sana sa mga scholarship, ngunit hindi nila naipamigay sa mga nangangailangang estudyante dahil kulang sila umano ng mga tauhan para sa pagproseso ng mga papeles, at dahil hindi na magkatugma ang kalendaryo ng pasukan sa kolehiyo at pagpapatupad ng national budget.

Malaking bahagi ng inaasahang kikitain ng mga State Colleges and Universities (SUCs) sa susunod na taon ay manggagaling sa panipis na panipis nang bulsa ng mga estudyante sa gitna ng pagbabawas ng budget para sa mga paaralang ito, ayon sa Department of Budget and Management (DBM).

Larawan m

ula sa Tinig ng Plaridel.

Page 7: Paigtingin ang anti-imperyalistang paglaban! Palayasin ang mga ...

7TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | SETYEMBRE 2016 BALITA

College drop-outs, oobligahin muna mag-senior high bago magpatuloy sa pag-aaral

Lara

wan

mul

a sa

bul

atla

t.com

.Laraw

an mula sa M

anila Collegian.

Apat na magsasaka ang minasaker ng mga hinihinalang armadong tauhan ni Palayan City Mayor Adrianne Mae Cuevas sa loob ng Fort Magsaysay, Nueva Ecija noong Setyembre 3. Pinaslang naman ng tatlong kalalakihan ang lider-magsasaka na si Ariel Diaz, tagapangulo ng Danggayan Dagiti Mannalon ti Cagayan Valley (Dagami) sa kanyang sakahan sa Delfin Albano, Isabela nitong Setyembre 7.

Sila Baby Mercado, Eligio Barbado, Gaudencio Bagalay, at Violeta Mercado ay namamahinga mula sa buong araw na bungkalan o kolektibong pagsasaka na ipinatawag ng Alyansa ng mga Magbubukid na Nagkakaisa (Almana) sa loob ng 3,100 ektaryang Fort Magsaysay nang pinagbabaril sila bandang alas-2 hanggang alas-3 sa

hapon. Nagtamo ng mga sugat mula sa mga bala si Angelita Milan na idinala naman sa PJG Memorial Hospital sa Nueva Ecija.

Ang mga lupain sa Fort Magsaysay ay ibinigay na sa mga magsasaka sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ni dating pangulo Corazon Aquino matapos pumutok ang Bulkang Pinatubo noong 1991. Ngunit ang Deed of Transfer na pinirmahan ng mga magsasaka at ng mga ahensya ng gobyerno ay hindi nagresulta sa pag-aari ng mga magsasaka sa lupang kanilang sinasaka.

Mula pa noong 2008, agresibong ipinagkakait na ng 7th Infantry Division ng Philippine Army ang karapatan ng mga magsasaka na maangkin ang kanilang lupa sa Fort

Magsaysay. Masugid ding itinutulak ng 7th ID ang pagkansela ng Certificate of Land Ownership Awards (CLOA) na ibinigay sa mga magsasaka.

Ang pagpaslang naman kay Ariel Diaz, 52 taong gulang at ama ng 4 na kabataan, ay naganap sa gitna ng mga matutunog na pakikibakang masa ng mga magsasaka sa kanyang lokalidad laban sa mga pangangamkam ng kanilang lupa.

Ilan sa mga kasong inasikaso ni Diaz ang pakikibaka ng mga lokal na magsasaka sa mga plantasyon ng tubo at kasaba, paglaban sa pagtatangkang gawing resettlement area ng mga rebel returnee ang kanilang mga sakahan, at pagtutol sa pangangamkam ng isang kumpanyang Aleman na nagbabalak na magtayo ng solar power plant. Nariyan din ang pakikibaka ng mga manggagawang bukid laban sa pangangamkam ng Green Futures Innovations – Ecofuel Land Development Inc.

Para sa Anakbayan, ang karumaldumal na pagpaslang sa mga magsasaka sa Nueva Ecija at Isabela ay isang patunay ng patuloy na paghahari ng mga panginoong maylupa sa kanayunan at kanilang paggamit ng pulitikal na kapangyarihan at kontrol ng armadong pwersa upang isulong ang kanilang pang-ekonomikong interes.

Nanawagan ang Anakbayan sa gobyernong Duterte na gumawa ng mga kagyat na hakbang laban sa mga salarin at bigyan ng hustisya ang mga biktima. Dagdag pa ng grupo, dapat bigyang prayoridad ng administrasyong Duterte ang pagpapatupad ng tunay na reporma sa lupa na babasag sa monopolyo sa lupa ng iilan at dayuhan sa pamamagitan ng libreng pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka.

Dagdag na pahirap sa mga estudyante ang ipinasang Resolution No. 264 Series of 2015 o ang “Lifelong Learner Track” ng Commission on Higher Education (CHED) na pipilit sa mga college dropout at high school graduate na di napasailalim ng programang K-12 na mag-enrol sa mga taong 2016-2018 bilang kanilang huling pagkakataon na tumungtong sa kolehiyo.

Sa ilalim ng “Lifelong Learner Track”, ang lahat ng mga nasabing mag-aaral na di tumupad sa utos na mag-enrol upang tapusin ang kanilang tersyaryong edukasyon sa mga taong 2016 hanggang 2018 ay pipilitin na kumuha ng Senior High School (SHS) sa ilalim ng programang K-12.

Sa katunayan, ang polisiyang ito ng CHED ay isa lamang iskema upang makapagkamal ng dagdag na kita ang mga pribadong pamantasan na humaharap sa kakapusan ng mga enrollee dahil sa lubos na implementasyon ng programang K-12.

Malinaw ang pagpanig ng CHED sa mga may-ari ng mga pribadong kolehiyo at unibersidad. Bukod sa nagsisilbi na lamang itong tagatatak sa bawat kagustuhan ng mga

pribadong paaralan na magtaas ng singil ay ipapahamak pa nito ang mas maraming bilang ng mag-aaral sa pamamagitan ng bagong resolusyong ito.

Nananawagan ang Anakbayan sa mga kabataan at mamamayan na ibasura ang

“Lifelong Learner Track” ng CHED kasabay sa pahirap, kolonyal, at kontra-estudyanteng K-12. Dapat pahintulutan ang mga mag-aaral na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral na hindi binibigyan ng dagdag na pasaning dalawang taon sa ilalim ng SHS.

Mariing kinundena ng Anakbayan ang sunud-sunod na mga pamamaslang sa mga magsasaka nitong unang bahagi ng Setyembre.

Masaker ng 4 na magsasaka sa Nueva Ecija, pagpaslang sa lider-magsasaka sa Isabela

Page 8: Paigtingin ang anti-imperyalistang paglaban! Palayasin ang mga ...

8 SETYEMBRE 2016 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANLATHALAINLa

raw

an n

i Ada

m D

avid

.

Walong sikyo, limang pulis, tatlong tanod ang pumalibot sa McDo, inaabangan kaming tatlo. Kulang ang dalang pera maski sa pinakamaliit na softdrink. Buti’t binigyan kami ng tubig ng isang mabait na serbidor habang hinihintay ang ilang kaibigang mas maalam sa batas kaysa sa amin; biniro pa niya ang bitbit kong limang-taong gulang na, sa susunod, baka posibleng makapag-spaghetti man lang siya nang walang nag-aabang na parak.

Ganiyan ang eksena sa EDSA corner Quezon Avenue sa Quezon City noong gabing inakusahan ako ng MRT3-DoTr ng bandalismo. Anila, gamit ang pentel pen, nagsulat ako ng “MRT bulok” sa loob ng treng sinakyan. Bagaman ayaw kong makulong o magmulta, aaminin kong karangalan ang akusasyon. Mas malaking karangalan ang mabulungan ng mga guwardiyang mismong nag-detain sa akin sa estasyong binabaan na bulok naman daw talaga ang MRT—sabi pa nga ng isa, mas alam pa niya kaysa sa karaniwang pasahero gaya ko kung gaano talaga ito kabulok—pero kailangan lang nilang hulihin ang mga hinahanap na vandal. Ilang linggo na kasing nagsusulat o nagkakabit ng propaganda sa mga tren at estasyon ng MRT, at napaparami na ang kanilang inaalis, tinutuklap, binubura, at pinipinturahan—mula simpleng slogan na “MRTC, magnanakaw!” hanggang mga sticker na mala-polyeto sa detalye tungkol sa pribadong pag-aari sa MRT sa kabila ng pagiging government-operated nito. Sang-ayon sila sa mensahe ng graffiti, pero napapagalitan ng management sa kahinaang mapatigil ang propaganda kontra-MRT Corporation sa sariling teritoryo. Ang kanilang kita’t seguridad sa trabaho, umaasa sa pagkahuli ko. Sa sira’t nakalaylay na overhead doorway panel nakasulat ang graffiti. Sa loob ng tren,

hawak ko ito at ng iba pang pasahero para hindi humampas sa aming mga ulo. Halos araw-araw kong nakaka-engkuwentro ang ganitong kabulukan—pero ang mga sirang pasilidad at kilometrikong mga pila araw-araw, sintomas lang talaga ng tunay na pagkabulok ng MRT. Nakababa na ako sa tren at tumatawid sa bridgeway nang napansing sinusundan ako ng isang guwardiyang de-walkie-talkie, at nang pababa na’y sinalubong ng apat o limang sikyo na nagsabi sa aking nagbandalismo ako. Matapos ang kalahating oras, dumating ang aking mag-ina para sumaklolo’t sumuporta, at matapos ang halos dalawang oras, lumabas kami ng istasyon habang hina-harass kami sa buong proseso—hinihila nila ako, hinaharangan ang kabiyak ko, at hinahawakan maski ang batang buhat ko. Nang humiyaw ang kasama ko, may guwardiya pang nagbanta na “causing a public scandal” daw ito, na para bang krimen ang tumangging magpadampot sa mga sikyong gusto kaming dalhin sa ibang istasyon “para makipag-usap.” Dahil pinaalis nila ang mga pinara naming sasakya’t tinakot ang mga tsuper ng jeep at taxi, napilitan kaming sumugod sa McDo para magpalipas ng oras. Dito namin hinintay ang ilang kaibigang nagpakalma sa amin hanggang pumayag magpahatid sa barangay hall para sa isang usapang kinailangan lang din humantong sa istasyon ng mga pulis. Sa Kamuning police station ako na-detain nang dalawang gabi nang wala man lang maayos na kaso laban sa akin. Mabait man ang mga nakasalamuhang pulis—ang totoo, sang-ayon lang din ang marami sa kanila na bulok ang MRT, at sila lang din ang naagawan ko ng puwesto’t na-displace sa sariling tanggapan—di nito mabubura ang katotohanang napiit ako rito’t naagawan ng tatlong araw na pahinga’t hanapbuhay.

At ang katotohanang mas mapait pa riyan: inaresto akong simpleng pasaherong nagpoprotesta sa pang-aabuso ng MRT Corporation, gayong walang umaaresto sa mga negosyanteng may tunay na kontrol at pagmamay-ari sa pribatisadong mga riles. Dahil sa pribatisasyon, itinuturing na negosyo ang mga tren, hindi serbisyo. Walang dudang pribitisasyon ang nagpabulok dito—at samantalang kriminal ang turing sa vandal, hindi kriminal ang turing sa mga negosyanteng habang kumikita sa pribatisadong public utilities ay nagpapabaya lang dito. Sa katunayan, i-boycott man ito ng daanlibong pasahero dahil sa kolektibong inis sa pagkabulok nito, kikita pa rin ang MRT Corporation: sinigurado na ng pamahalaang kikita sila mula sa ating buwis, sakaling hindi sapat ang kitang makalap nila mula sa pasahe. Sa public-private partnership o PPP, may pagkiling talaga ang estado sa interes ng pribadong negosyante kaysa sa publiko. Kaya naman sa lahat ng pagtirik ng mga tren, walang inaresto. Sa lahat ng “technical problems” nito—kabilang ang pagsalpok ng bagon sa terminal, pagka-derail, at pagtilapon nito mulang elevated station ng Taft pabagsak ng intersection sa EDSA—walang inaresto. Sa lahat ng oras na naagaw sa mga mananakay kakapila sa mga istasyon, walang inaresto. Sa lahat ng tubong nakalap nina Sobrepena at mga kapwa nito komprador tulad nina Ayala at Pangilinan na kasosyo nito sa pagsasanegosyo ng mga tren, walang inaresto. Sa lahat ng naging bahagi ng mga nakaraang rehimeng nagsulong sa pagsuko ng public utilities mula kuryente’t tubig hanggang public transport sa kamay ng oligarkiya, salamat sa PPP, walang inaresto. Sa tunggalian ng mga uri, may talas ang burgesya komprador na palabasing manggagawa ang kalaban ng kapwa manggagawa—pentel pen ng pasahero laban sa batuta ng sikyo, posters ng progresibo laban sa posas ng pulis, salita ng pasahod ng korporasyon laban sa salita ng pasahod ng estadong kinokontrol ng korporasyon. Ganito ang taktika ni General Manager Roman Buenafe, burukratang latak ng rehimeng Aquino mula sa panahon ni Sec. Jun Abaya sa DOTC, at ng malalaking komprador gaya ni Sobrepena. Bagaman sila ang mga tuta ng makanegosyanteng interes, pero tayong mga manggagawa ang pinakakahol at pinakakagat nila sa isa’t isa.

Umaasa tayong sa ilalim ni Sec. Arthur Tugade — appointee ni Pangulong Rodrigo Duterte — aaraling muli ang mga makaisang-panig na kontratang pinasok ng mga nakaraang kriminal na rehimeng nagsubo sa atin sa pribatisasyon. Sa kanilang pagrerebyu, mahanap nila nawa ang paninindigang gawing serbisyo, hindi negosyo, ang mga pasilidad para sa public transport gaya ng MRT at LRT, nang sa gayo’y mabawi ito mula sa mga korporasyong may kasalukuyang kontrol dito para maibalik sa taumbayan.

Ni Angelo Suarez

MRT, pinabulok ng pribatisasyon

Si Angelo Suarez, Train Riders Network (TREN) convenor at premyadong makata na nanguna sa mga protesta laban sa #MRTbulok, ay iligal na inaresto at ikinulong nang 2 araw noong Agosto 24 hanggang 25. Ito ang kanyang salaysay.