Pagwawakas ng komposisyon

11
Pagwawakas ng Komposisyon

Transcript of Pagwawakas ng komposisyon

Page 1: Pagwawakas ng komposisyon

Pagwawakas ng Komposisyon

Page 2: Pagwawakas ng komposisyon

• Mahalaga ang wakas ng komposisyon.

• Ito ang huling nababasa o naririnig kaya ito rin ang huling bagay na nakikintal sa isip ng mambabasa at tagapakinig.

• Dahil dito, mahalagang ulitin o buurin sa wakas ang mahahalagang isipang nababanggit sa gitna ng komposisyon.

• Mahalagang tandaan na pagkatapos matalakay ang nais ipaliwanag o masabi ang nais isalaysay o maipamalas ang nais na mailarawan, tapusin na ang isinusulat.

Page 3: Pagwawakas ng komposisyon

1. Ibigay ang buod ng paksa.

• Ang pagbubuod ang pinakapraktikal na gamitin sa lahat ng paraan ng pagwawakas ng komposisyon.

• Pagbubuod--madalas itong gamitin sa pagwawakas ng isang akda.

• Sa mga uri ng talata ayon sa kalagayan nito sa komposisyon, ang nagbubuod na talata ay ang pangwakas na talata ng komposisyon.

Page 4: Pagwawakas ng komposisyon

Halimbawa:

1. “ Sa isipang ito, maaamin nating si Rizal ay mahigpit na tagapagtaguyod ng mga karapatang pantao at kahit na wala na siya sa ating piling, siya ay patuloy na nagtatanggol sa ating mga karapatan sa pamamagitan ng kanyang mga kaisipan at isinulat tungkol sa bagay na ito.” (Pangwakas na talata ng “Si Rizal at ang Karapatang Pantao,” A.P. Tumangan)

Page 5: Pagwawakas ng komposisyon

2. “Alam kong marami pang bundok ng mga problemang kailangan nating sampahin upang maging ganap na katotohanan ang bagay na ito. Kaya nga ngayon, bukod sa ating sama-samang pagsisikap, magkaisa rin tayong manalangin na ang sariling wika na natin ang gamitin sa ating lipunan, paaralan at gobyerno upang ganap na tayong lumaya sa wika, sa isip at sa pagkatao.” (Wakas ng talumpating “Sariling Wika Para sa Bansang Malaya,” A.P. Tumangan)

Page 6: Pagwawakas ng komposisyon

2. Pag-iiwan ng isang tanong/mga tanong.

Halimbawa:

“Sa hamong ito ng panahon, handa ba kayo? Nasa inyo ang kasagutan, mga kaibigan! (Wakas ng talumpating “Wikang Filipino, Galing ng Pilipino”, ni A.P. Tumangan)

Page 7: Pagwawakas ng komposisyon

3. Mag-iwan ng hamon.

Halimbawa:

“Sa mga balikat ninyo nakasalalay ang pagtatagumpay o kabiguan ng ating wikang Filipino. Mahalin ninyo ito at pagmalasakitan at ito’y magtatagumpay, magwalang-bahala kayo at ito’y mabibigo!” (Wakas ng talumpating “Istandaridisasyon ng Filipino,” A.P. Tumangan)

Page 8: Pagwawakas ng komposisyon

4. Maaaring gumawa ng panghuhula.

Halimbawa:

“Sa panahong iyon, magkahawak-kamay na nating haharapin nang buong tatag at walang anino ng takot at pangamba ang Ngayon at ang Kinabukasan ng ating bansa. At natitiyak ko . . . sa tulong ng ating Dakilang Lumikha . . . makakabuo tayo ng isang bansa . . . isang Pilipinas na dakila, masagana at kaiga-igayang panahanan.” (Wakas ng talumpating “Ang Kabataan sa Pagbuo ng Bansa,” ni A.P. Tumangan)

Page 9: Pagwawakas ng komposisyon

5. Magwakas sa angkop na sipi.

Halimbawa:

Nais kong hiramin ang pahayag ni Rizal na “nasa inyong kabataan ang pag-asa ng bayan sa kinabukasan.” Sasabihin ko naman ngayon, nasa inyong kabataan ang pag-asa ng ating sariling wika.

Page 10: Pagwawakas ng komposisyon

6. Maaaring sariwain ang suliraning binanggit sa simula.

Halimbawa:

“Kailangan natin ngayon ang isang uri ng moralidad at pagiging relihiyoso na katulad ng kay Rizal. Kailangan natin ang uri ng kanyang pananalig sa Diyos upang matanggap nating tayo ay tagapangasiwa lamang ng Diyos sa mga bagay na nilikha Niya sa ating kapaligiran at hindi siyang tagawasak ng mga ito dahil sa hangarin natin sa kapangyarihan at kasakiman sa kayamanan.” (Wakas ng sanaysay na “Si Rizal at ang Likas na Yaman,” ni A.P. Tumangan)

Page 11: Pagwawakas ng komposisyon

MARAMING SALAMAT PO!