PAGTATASA

4

Click here to load reader

Transcript of PAGTATASA

Page 1: PAGTATASA

GABAY PARA SA PANUNURING PAMPELIKULA (IKATLO AT IKAAPAT NA TAON)

AUG 20, '08 2:20 AMBY RYAN   FOR

EVERYONE

I. Tungkol sa Pelikula   A. Pamagat ng Pelikula:        (Ibibigay ng mag-aaral ang pamagat ng pelikulang sinuri at pagpapakahulugan sa pamagat.

Maaaring sagutin ang katanungang bakit?)    B. Direktor:

(Pangalan ng Direktor)    C. Prodyuser:

(Pangalan ng Prodyuser o mga prodyuser)    D. Pangunahin tauhan:

(Pangalan ng karakter – artistang gumanap – paglalarawan)    E. Tema ng Pelikula:            (Ano ang paksang tinatalakay sa pelikula?)    F. Buod ng Pelikula            (Magbigay ng maikling buod ng pelikula.)II. Mga Aspektong Teknikal

A.    Musika(Nababagay ba ang mga tunog at musikang ginamit sa pelikula? Nakatulong ba ang musika sa paguhit ng emosyon at pagpapatingkad ng kagandahan ng kwento?)

B.     Sinematografi(Maganda ba ang kabuuang kulay ng pelikula? Mapusyaw ba o matingkad ang pagkakatempla ng kulay na kuha ng mga camera? Maganda ba ang visual effects na ginamit?)

C.     Pagkasunud-sunod ng mga Pangyayari(Maayos ba ang pagkakasunud-sunod ng mga eksena? Hindi ba ito nakalilito? Lahat ba ng tagpo ay malinaw at mahalaga sa pinapaksa?)

D.    Pagganap ng mga Arista(Maganda ba ang pagka-ganap ng mga artista?Makatotohanan ba ang emosyong kanilang pinapapakita? Paano nakatulong ang kanilang pag-arte sa pag-unawa sa nilalaman?)

E.     Tagpuan(May maganda bang tagpuan ang pelikula? Nakatutulong ba ang tagpuan sa kabuuang palabas? Angkop ba ang mga tagpuang ginamit sa tema at kwento ng pelikula?)

III. Kahalagahang PantaoA.    Paglalapat ng Teoryang Realismo

(Makatotohanan ba ang mga pangyayaring pinapapakita sa pelikula? Anu-ano ang mga isyu na tinalakay sa pelikula na maihahalintulad sa mga isyung nagaganap sa lipunan?)

B.     Paglalapat ng Ibang Teoryang pampanitikan (Para sa ikaapat na taon)Magbigay ng tatlong eksena o tagpo sa pelikula na gumait ng iba pang teorya maliban sa Realismo.

C.     Mga AralKaramihan sa mga pelikula ay gumagamit ng Christ like character kung saan ang bida ay may mga katangiang katulad kay Kristo. Sa pelikulang Caregiver, Paano maihahalintulad

Page 2: PAGTATASA

ang pangunahing karakter sa mga katangian ni Kristo. Gamitin ang Venn Diagram sa bahaging ito.

D.    Kabuuang Pananaw(Paano naiiba ang pelikulang ito sa mga pelikulang napanood mo?Naangkop ba ang pelikula sa atin. Karapat-dapat bang panoorin ang pelikula? Bakit?)

   Paunawa: Kailangang patalata ang pagsagot ng mga mag-aaral sa mga ibinigay na katanungan

KUNG GAGAWA KA NG TULA

      MADALING mahirap ang gumawa ng tula. At katunayan nito, hindi lahat ng manunulat ay makakasulat ng tula. Maraming manunulat ang nagsasabing hindi sila maksulat ng tula. Marami din makata ang hindi makasulat ng kuwento o nobela. Gayunman, mas maraming makasulat ng tula at makasulat na rin ng kuwento. At karamihan at kalimitan ay nagsimulang magsulat ng tula ang manunulat bago sa kuwento.       Maaaring sabihing nakagisnang talino ang pagsusulat. Maari din dahil sa pagkakaiba ng ating pagkatao, tulad ng pagkakaiba ng ating panlasa, pag-iisip, pangmalas, pang-amoy at pandama. May mga taong sanlaksa na yatang aklat sa tula ang nabasa pero ni isa ay wala siyang nasulat na tula. At may mga tao ding hindi nagbabasa ni hindi nag-aral kaya pero makasulat siya ng magagandang tula.       Kalimitang hindi maintindihan o mahirap intindihin ang isang tula. At kalimitan nito, ang sumulat lang sa tula ang tunay na nakakaintindi ng kanyang tula. At di naman kalimitan,

ang iba ay ni hindi maintindihan ang sariling tula.       Sabi ng mga kapwa natin manunulat at makata, para makasulat ka, kailangan ang patuloy, walang hanggang pagbabasa at pagsusulat. Intindihing mabuti. Kung kinakailangan ay ulit-ulitin para lang maintindihan. Pag-aralanng mabuti ang

mensahe ng tula. At tanungin din ang sarili kung bakit gano'n ang gustong ipakita o ipaintindi ng sumulat.

MGA BAHAGI NG ISANG TULA

Tema Pamagat

Estilo

Simula

Simbolo

Page 3: PAGTATASA

Katawan

Wakas

TEMA       Kapag nakapili ka na ng tema, subukan mong tanungin ang sarili mo kung bakit ito anbg napili mo. Ano ang maibibigay nito sa iyo. At ano ang maibibigay nito sa makakabasa. May matutunan din kaya sila?       Dapat masagot lahat ang mga ito bago mo simulang magsulat. Huwag lalayo sa tema. Kailangang paninidigan ito.

PAMAGAT       Bago mo simulan ang tula, isipin mo na ang pamagat. Kung layuan mo, baka iba na ang ulo at katawan. Kung bulaklak ang pamagat, kailangang tungkol sa bulaklak o dalaga ang tula.       Kadalasan, mahirap pumili ng pamagat. Pero kung alam mo na ang tema, parang mas madali na. Pwede ring kukuha sa unang linya ng tula o kukuha na lang sa stanza ang ipapamagat. Pwede ring tapusin muna ang tula bago lagyan ng angkop na pamagat.

ESTILO       Uri o anyo ito ng tula, kung paano ba ito naisulat. Kung ilang linya ba ang isang stanza, kung ilan ang salita ng isang linya, @bp..       Isa pang istilo ang paggamit ng maliliit na letra sa umpisa ng bawat salita. Pwede ring capital lahat ng umpisa. O salitan. Depende sa gusto ng makata.

SIMULA       Kung paano simulan kalimitan ang pinakamahirap na parte sa paggawa ng anumang sulatin, lalo na sa tula. Pero pag naumpisahan mo na, hindi na mahirap na dugtungan. Kailangang sa umpisa pa lang ay madakip mo na ang interes ng iyong mambabasa. Isipin mo sila. huwag ang iyong sarili. Kasi, pwedeng maganda na sa iyo pero para sa iba ay kabaliktaran. Dapat ding makita sa umpisa ang ganda ng isang tula.

SIMBOLO       Mahalaga ang simbolo sa isang tula. Kung wala nito ay natutulad sa bikas na aklat kung basahin mo at di ka na kailangang mag-isip pa. Nakikita ang ganda ng tula sa mga simbolo. At mahalaga ang simbolo sa alinmang sulatin. At lalong nagagamit ang simbolo sa tula. Halimbawa ang bulaklak. Hindi sa bulaklak ng isang halaman kundi sa isang dalaga napapatungkol.       Maraming simbolo, at lahat na yata na nasa ilalim ng araw ay simbolo, pwedeng gamiting simbolo. Pero huwag gagamit ng simbolong hindi mo matindihan o hindi mo alam ang ibig sabihin.

KATAWAN       Nasa katawan ng tula ang ibig mong ipakita, ipahiwatig ipadama, ipaamoy, ipalasa, @bp.. Dito nakikita ang problema at kung paano ito mareresolba.

WAKAS       Kung umpisa, may wakas. Kung gaano kahirap simulan ang isang tula, parang ganoon ding kahirap wakasan. Hindi basta na lang wakasan ang tula. Kailangang masagot lahat ang mga problema. Pwede namang wakasang nakabitin at bayaan mo nang isipin ng nakabasa ang nilalaman. Pwede ring kunin ang wakas sa unangstanza sa umpisa ng tula o kung saang linya na may kinalaman sa tema na tumutukoy sa pagkakalutas ng problema