Pagsusuri at pagtiyak ng manunulat sa kanyang mga layunin

9
Abigail Alfaro PAGSUSURI AT PAGTIYAK NG MANUNULAT SA KANYANG MGA LAYUNIN

description

 

Transcript of Pagsusuri at pagtiyak ng manunulat sa kanyang mga layunin

Page 1: Pagsusuri at pagtiyak ng manunulat sa kanyang mga layunin

Abigail Alfaro

PAGSUSURI AT PAGTIYAK NG MANUNULAT SA KANYANG MGA

LAYUNIN

Page 2: Pagsusuri at pagtiyak ng manunulat sa kanyang mga layunin

Masusing tinatalakay ng may-akda ang paniniwala o paninindigan tungkol sa isang isyu makaraang mapagtimbang timbang ang kalakasan at kahinaan ng dalawang panig na sangkot. Dapat bang pagkalooban ng amnestiya ang mga sundalong

nag aklas noong administrasyong Arroyo at ibalik sa tungkulin?

Dapat bang ipasa sa Kongreso ang Reproductive Health Bill na maghahain sa mga mamamayan ng mas maraming artipisyal na pamamaraan ng pagpigil sa pagbubuntis?

Kailangan pa ba ang pagbuo ng Truth Commission na magsisiyasat sa mga eskandalong kinasangkutan ng nakalipas na administrasyon?

PAGPAPALIWANAG

Page 3: Pagsusuri at pagtiyak ng manunulat sa kanyang mga layunin

Ang pananaw ng may akda ay inaasahang makakatulong sa mambabasa na maliwanagan sa isyu at makabuo ng sari l i niyang matalinong pagkukuro

Halimbawa: Hindi puwedeng makaiwas sa sisi ang media sa nangyaring

bloodbath sa Luneta. Ang aking mga kabaro sa hanapbuhay ay dapat ding sisihin sa nangyaring pamamaslang sa walong turista ng hostage-taker na si dating police Senior Inspector Rolando Mendoza. Hindi na isinaalang-alang ng aking mga kabaro ang mga buhay ng hostage nang si la’y magbigay ng mga ulat tungkol sa nangyayari gayong alam nila na naka-monitor si Mendoza sa TV at nakikinig sa radyo. Walang pakialam ang mga mamamahayag na ini lalagay nila sa panganib ang buhay ng mga hostage nang wala si lang habas sa pagbibigay ulat sa nangyayari.

PAGPAPALIWANAG

Page 4: Pagsusuri at pagtiyak ng manunulat sa kanyang mga layunin

Ang naging ugat ng pagwawala ni Mendoza ay nang makita niya sa TV na inaaresto ang kanyang kapatid na pulis na si Gregorio ng kapwa pulis. Bakit pa ipinapalabas sa TV ang pag aresto sa kapatid ngayong nabuburyong na ang hostage takersa mga sandaling ‘yon? May limitasyon sa pagbibigay sa publiko ng ulat ng mamamahayag. Kapag nanganganib ang seguridad ng bansa o mga buhay ng mga inosenteng tao, dapat ay ipagliban muna ng mamamahayag o report o ng diyaryo o ng radio at TV stations ang pagbibigay ulat sa publiko. Oo nga’t may karapatan ang publiko na malaman ang nangyayari sa kanilang paligid, pero kapag buhay o seguridad ng estado ang nakataya, dapat ay ipagliban muna ang balita.

PAGPAPALIWANAG

Page 5: Pagsusuri at pagtiyak ng manunulat sa kanyang mga layunin

Ang isang halimbawa ay kidnapping . Kapag nilabas ng media ang kidnapping ng isang mayamang negosyante, for example, at ang ransom demand na hinihingi ng mga kidnapper, inilagay nito sa panganib ang buhay ng biktima. Alin ang uunahin ng media, ang mabigyan ng balita ang publiko o mailigtas ang buhay ng kidnap victim? Siyempre ang buhay ng kidnap victim. Pero hindi nangyari iyan doon sa insidente ng Luneta. Nahihiya rin ako sa kapalpakan ng aking mga kabaro na nagresulta sa pagwawala ng hostage-taker. Humihingi ako ng paumanhin sa nangyari.“Dapat sisihin ang media sa nangyari sa Luneta,” Mon Tulfo Target ni Tulfo, Bandera, Agosto 31, 2010

PAGPAPALIWANAG

Page 6: Pagsusuri at pagtiyak ng manunulat sa kanyang mga layunin

Pinasasaya o pinatatawa ang mga mambabasa sa pamamagitan ng pagtuon sa di seryosong mukha ng mga pangyayari

Ginagamitan ng magaan na wika upang lalong mabisa ang pagkiliti sa awdyens.

Halimbawa: Alam ni Sir na di ako nag tsi-cheat. Imposibleng makapag-

cheat sa cellphone kapag exam. Lalo na sa physics. Una, may ¼ index card kaming lahat para doon tingnan ang formula. Sa ganitong estilo, masasabing pinsan ni Hitler si Sir sa pagte-terrorize at pagto-torture sa aming mga estudyante sa pamamagitan ng kanyang pang-genocide na exams. Puwedeng gumamit ng kahit ano (calculator, scientifi c calculator, abacus , butil ng mais o munggo, mga daliri sa kamay at paa), sa pagso-solve sa kanyang mga problema na pinoproblema ko ngayon.

PAGBIBIGAY ALIW

Page 7: Pagsusuri at pagtiyak ng manunulat sa kanyang mga layunin

Pangalawa, open notes, open books, open tables at lahat ng gusto kong i-open at i-close, kahit prayer book, Biblia, Qur’an, Summa Theologica ni Santo Tomas at Saligang Batas ng Pilipinas. Pero, kahit mangopya ako kahit kanino, o humingi pa ako ng saklolo sa kaluluwa ng mga ninuno kong namayapa, malamang, hindi pa rin tatama ang sagot ko.

Ligo na u, Lapit na me, Eros S. Atalia

PAGBIBIGAY-ALIW

Page 8: Pagsusuri at pagtiyak ng manunulat sa kanyang mga layunin

Kabanata 6-Paglalapat: Palihan sa Pagsulat at Pagkritik ; Sayusay—Sining ng Mabisang Pagpapahayag ni Aurora E. Batnag, Teresita F. Fortunato, Alvin Ringgo C. Reyes

http://youronevoicecanmakeadiff erence.wordpress.com/luneta-bloodbath-and-a-damaged-institution/

http://www.goinsurancerates.com/kidnapping-ransom-insurance/

columbia.sunne.ws

SANGGUNIAN

Page 9: Pagsusuri at pagtiyak ng manunulat sa kanyang mga layunin

Salamat ho sa pakikinig!