PAGSULAT NG LATHALAIN
-
Upload
chona-castro -
Category
Documents
-
view
4.611 -
download
585
Transcript of PAGSULAT NG LATHALAIN
isang pagkakamali ng baguhang manunulat ang isiping
bunga lamang ng sagimsim, guniguni o kathang isip ang
lathalain.`
Sanaysay itong batay sa tunay na pangyayari na
masusing pinag-aralan, nagtataglay ng pagpapaliwanag,
pananaliksik, bunga ng panayam maliban sa sariling
impresyon at karanasan ng sumusulat
May layunin itong magpabatid, mang-aliw, magturo, magpayo,
mangaral at ginagamitan ng makabagong pamatnubay.
Maaari itong Makita sa iba’t ibang panig ng pahayagan bilang
lathalaing pabalita, lathalaing pang-agham, lathalaing pang-
isports maliban sa iba pang tanging uri ng lathalain.
Ang mga sanaysay sa ilalim ng pangkaunlarang
komunikasyon at lathalaing pang-agham ay dapat
maihiwalay na pahina sa ibang kaurian ng mga lathalain
Madalas ang mga lathalain ay isinusulat sa paraang pataas
ang kawilihan upang lalo itong kapana-panabik.
Pagpapalawak ang uring ito ng balita sa
pamamagitan ng pagdaragdag ng
impormasyon at pagpapalalim sa anggulong
di-karaniwan, kababalaghan upang makuha
ang simpatiya o kawilihan sa iba.
HALIMBAWA: Ang Pagliligtas ng Batang Babae sa
Watawat sa Gitna ng Malakas na ulan
Tuon nito ay upang magbigay ng
kapaki-pakinabang na kaalaman at
may layuning magturo o magpayo.
HALIMBAWA: Nakaahon sa Kahirapan
Dahil sa Dahon ng Saging
Hindi ito talambuhay. Ang pokus ng
artikulong ito ay upang ilarawan ang
buhay , karanasan, pilisopiya, dahilan
ng kabiguan at tagumpay ng isang tao.
HALIMBAWA: Cory Aquino Dangal ng
Lahing Pilipino
Bagamat ito’y nagpapabatid din, ang
pinakapaksa nito ay hinggil sa kasaysayan
ng isang tao, lugar, bagay o samahan.
HALIMBAWA: SAMAFIL: Kabalikat ng Mag-
aaral sa Pagpapaunlad ng Wikang Filipino
Nahihinggil ito sa mga kakaibang
karanasan ng tao na maaaring kapulutan
ng aral o kawilihan.
HALIMBAWA: Ang Pakikipagpatintero kay
Kamatayan(kuwento ito ng isang car racer)
Ang pananaw, damdamin at
impresyon ng tao hinggil sa paksa ay
nakukuha sa pamamagitan ng
panayam. maaaring porlrmal o
impormal ang pagkuha ng tala subalit
naihanda na ang mga tanong bago pa
ang aktwal na pakikipanayam.
Ang layunin nito ay aliwin
at makapagpagaan sa
pakiramdam ng
mambabasa kaya’t pili ang
mga paksa
Sa uring ito, itinuturo ang mga tips o
proseso sa pagluluto, pagpapaganda,
mga proyekto at serbisyo.
HALIMBAWA: Tips kapag Naligaw sa
Gubat; Paraan ng Pagpapaputi
Naglalahad ito ng mga lugar na
napasyalan at impormasyon sa
mga ito.
HALIMBAWA: Kota Kinabalu… Isang
Sulyap sa kanyang Kagandahan
Tumatalakay ang uring ito ng mga
paksang may kinalaman sa engkanto,
multo, duwende at bahaging
supernatural.
HALIMBAWA: Ang Puting Duwende
Tumatalakay ito sa mga
paksang pang-agham at
karaniwang may isang pahina
sa pahayagan.
Nahihinggil ito sa mga
paksang pampalakasan.
Tulad ng isang sanaysay binubuo ito
ng tatlong bahagi at sumusunod sa
simulain ng wastong pagsulat- may
kaisahan, may kaugnayan ang mga
talata, may diin at kagandahan.
Gumamit ng makabagong
pamatnubay
Salaysay ng mga pangyayari
o pagpapaliwanag;maaaring
dalawa o higit pang talata.
Dapat may tie-in o kaugnayan sa simula.
Maaaring wakasan ang lathalain sa pamamagitan
ng buod ng buong artikulo, paghayag ng
pinakamahalagang puntosa unang pagkakataon,
isang tanong, mungkahi sa kahihinatnan, pag-
uulit sa simula, pag-uulit ng mga salitasa
pamagat at isang angkop na sipi.
Gawing maayos at malinaw ang
sulatin. Ang mga pangungusap
ay dapat umiinog sa paksang
tinatalakay.
Iwasang magsulat ng
mahahabang pangungusap
sa talata.
Gawing kapana-panabik ang
bawat talata upang
makapukaw ng interes.
Gumamit ng mga
magagaang salita
Dapat malinaw na
magkakahanay at
magkakaugnay ang mga
kaisipan
Ipundasyon ang sulatin sa
pamamagitan ng paglalagay
ng mga impormasyon, datos
at matalinong pananaliksik.
Magkaroon ng pag-uugnay
(tie-in) sa unang talata at
pangwakas na talata.
Gumamit ng hindi gasgas na
pamagat na di
nagbubunyag ng wakas
Pumatok sa Litsong Manok (success story)
Kahit Saan, kaahit kaailan
Dilaw ang Kulay ng kanyang Puso
Pangako ng kaluluwa
Hiniram na Ganda
a.Nakakaakit ba ito?b.Hindi ba ito nagbubunyag ng wakas?c.Orihinal ba ito?d.Maikli ba at nakakapukaw ng interese.Kawili-wili ba?
a. May kaisahan ba?
b. Ugnay-ugnay ba ang mga talata?
c. Tungkol lamang bas a isang paksa?
d. Maayosba o sabog ang magkakaayos ng
mga ideya
SIMULA – nakapupukaw ba ang simula para
magpatuloy magbasa? Baakit? Kung hindi,
anong puwedeng ipalit sa simula?
(panretorikang tanong, panggulantang na
pahayag, pasalaysay, siniping
sabi,kasabihan,talinghaga, ssuliranin)
SA WAKAS – Anong uri ng pagwawakas ang
ginamit?Buod ban g artiulo? Pahayag ng
pinakamahalagang bahagi sa kauna-unahang
pagkakataon? Isang katanungan? Mungkahi?
Porkast o hula? Sipi? Pag-uulit ng panimula?
Pag-uulit ng salita o pamaga?
Maligoy at masalita ba?
Gumamit ba ng malalim na salita?
Sobra ba ang haba ng mga pangungusap na
nagpalabo sa kaissipan ng pangungusap/talata?
Pormal o impormal bang wika ang ginamit?
nakatulong ba ito?
Kaninong akda ang dapat
maging una, ikalawa at
ikatlong ranggo? Bakit?
Pak!Bog! ito ang maririnig na mga
tunog habang walang sawang
sinasaktan ng isang lalaki ang
kanyang asawa sa San Jose Del
monte dahil daw sa selos.
Puso… pagmamahal… malasakit…
katapangan… determinassyon ang
mga nakita ko sa mga mobile teacher
sa Alternative learning System(ALS).
Nang mapanood ko sa ABS-CBN ang
kuwento ni Teacher Allan Abasolo ng San
Andres, Quezon, nanliit ako sa aking sarili.
Ako rin ay guro ng 13 taon subaalit hindi
ko matatapatan ang kabayanihan niya.
An gating planeta ay puno ng mga bayani,
matanda at bata, mayamn at mahirap, lalaki at
babae sa iba’t ibang kulay, laki at may anyo na
pinag-uugnay-ugnay tulad sa malaking habi ng
mantel. “Ito ang pahayag ni G. Efren
Penaflorida.
1.lathalaaing may makataong kawilihan
2.pormal
3.pamatnubaay na dikumbenssyunal
4.hindi bababa sa limang talata