Pagsasalin

6
Pagsasalin Ang paglilipat ng kahulugan ng pinagmulang wika sa target na wika (Larson, 1984 ). Isang proseso ng paglilipat sa pinakamalapit na katumbas ng diwa o mensaheng nakasaad sa wikang isasalin (Nida at Taber, 1969). Mga Dahilan ng Panghihiram Mapunan ang kakulangan sa talasalitaan Katumpakan (precision) – Nanghihiram upang hindi mabago ang nais ipakahulugan sa mensahe. Hal., Pahingi pa nga ng popcorn. Tanda ng pagbabago (transition) – Nanghihiram ng salita upang mabago ang daloy ng usapan. Hal., Ang sarap magbakasyon sa probinsya! Anyway, kumusta naman dito noong wala ako? Pa-impress (snob appeal) – Nagagamit din ang salitang hiram upang maiangat ang estado ng sarili sa lipunan. Hal., He’s really guwapo talaga. And gosh! I’m so kilig when he makes pa-cute to me. / Hey, man, watcha doin? Ang cool ng gig n’yo last week. Pagkukubli (secrecy) – May pagkakataong gumagamit ng salitang hiram upang itago ang pinag-uusapan sa mga taong nakikinig. Hal., Winner ang keyk n’yo! Pagpapatawa (comic effect) – Nagagamit din ang mga hiram na salita sa pagbibiro at pagpapatawa, mula sa pagkakamali sa paggamit o pagbigkas at paglalaro ng salita hanggang sa kamalian ng iba’t ibang personalidad

description

 

Transcript of Pagsasalin

Page 1: Pagsasalin

Pagsasalin

• Ang paglilipat ng kahulugan ng pinagmulang wika sa target na wika (Larson, 1984 ).

• Isang proseso ng paglilipat sa pinakamalapit na katumbas ng diwa o mensaheng nakasaad sa wikang isasalin (Nida at Taber, 1969).

Mga Dahilan ng Panghihiram

• Mapunan ang kakulangan sa talasalitaan

• Katumpakan (precision) – Nanghihiram upang hindi mabago ang nais ipakahulugan sa mensahe. Hal., Pahingi pa nga ng popcorn.

• Tanda ng pagbabago (transition) – Nanghihiram ng salita upang mabago ang daloy ng usapan. Hal., Ang sarap magbakasyon sa probinsya! Anyway, kumusta naman dito noong wala ako?

• Pa-impress (snob appeal) – Nagagamit din ang salitang hiram upang maiangat ang estado ng sarili sa lipunan. Hal., He’s really guwapo talaga. And gosh! I’m so kilig when he makes pa-cute to me. / Hey, man, watcha doin? Ang cool ng gig n’yo last week.

• Pagkukubli (secrecy) – May pagkakataong gumagamit ng salitang hiram upang itago ang pinag-uusapan sa mga taong nakikinig. Hal., Winner ang keyk n’yo!

• Pagpapatawa (comic effect) – Nagagamit din ang mga hiram na salita sa pagbibiro at pagpapatawa, mula sa pagkakamali sa paggamit o pagbigkas at paglalaro ng salita hanggang sa kamalian ng iba’t ibang personalidad sa pagsasalita nito. Hal., Mayroon akong LOVEnat kaya kailangan ko ng KISSpirin at yaCAPSULE.

Kahalagahan ng Pagsasalin

1.Pagpapalaganap ng kaalaman o kaisipang nakapaloob sa akda.

2.Pagbibigay-liwanag sa kasaysayan at kultura ng ibang bansa o panahon.

Page 2: Pagsasalin

3.Pagpapakilala sa mga bagong mambabasa ng isang akdang itinuturing na makabuluhan ng isa o ilang tao.

4.Higit na nagkakaunawaan at nagkakadamahan ng kanilang interaksyon.

Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Tagasalin

. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.

2. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin.

3. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin.

4. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.

Mga Metodo sa Pagsasalin

Salita-sa-salita – Word-for-word translation ang tawag dito sa Ingles at katumbas ito ng sinabi ni Savory (1968) na: A translation must give the words of the original. Ginagamit ito para ipakita ang kahulugan ng mga salita at estruktura ng mga wikang tinatalakay.

Hal.

John gave me an apple.

Juan nagbigay sa akin mansanans.

Si Juan ay nagbigay sa akin ng mansanas.

Literal – Sa metodong ito, ang estruktura ng SL ang sinusunod at hindi ang natural at mas madulas na daloy ng TL, at kadalasan ding ang pangunahing katuturan (primary sense) ng salita ang ibinibigay na panumbas, hindi ang salitang may pinakamalapit na kahulugan sa orihinal.

Hal.

Page 3: Pagsasalin

My father is a fox farmer. That is, he raised silver foxes, in pens; and in the fall and early winter, when their fur was prime, he killed them and skinned them. (Mula sa maikling kuwentong “Boys and Girls” ni Alice Munro)

Ang tatay ko ay isang magsasaka ng lobo. Iyon, siya ay nagpapalaki ng mga lobong pilak; at sa taglagas at maagang taglamig, kung ang kanilang balahibo ay pinakamataas, siya ay pinapatay sila at binabalatan sila.

3. Adaptasyon – Ito ang itinuturing na pinakamalayang anyo ng salin dahil may pagkakataon na malayo na ito sa orihinal. Kadalasang ginagamit ito sa salin ng awit, tula at dula na halos tono na lamang o pangkalahatang mensahe ang nailipat sa salin.

Que sera sera!

Whatever will be, will be

The future’s not ours to see

Que sera sera!

Ay sirang-sira!

Ano ang mangyayari

Di makikita ang bukas

Ay sirang sira!

4. Malaya – Ayon kina Almario, et. al., ito ay “malaya at walang kontrol. At parang hindi na isang salin.” Ipinahihintulot nito ang pagdadagdag o pagbabawas ng mga salita na mas makakapagpalutang ng kahulugan ng orihinal.

Hal., “For the last twenty years since he is burrowed into this one-room apartment near Baclaran Church, Francisco Buda often strolled to the seawall and down the stone breakwater which stretched from a sandy bar into the murky and oil-tinted bay.” (Mula sa “The Drowning” ni F. Sionil Jose)

Page 4: Pagsasalin

Mayroon nang dalawampung taon siyang tumira sa isang apartment na malapit sa simbahan ng Baclaran. Si Francisco Buda ay mahilig maglibang sa breakwater na mabuhangin at malangis.

5. Matapat – Sinisikap ibigay ang eksaktong kahuluan ng orihinal habang sinusundan naman ang estrukturang gramatikal ng SL. Kung paano inihanay ang mga salita sa SL, gayon din ang ginagawang paghahanay ng mga salita sa TL. Dahil dito, nagkakaroon ng problema sa madulas na daloy ng salin.

Hal., When Miss Emily Grierson died, our whole town went to her funeral: the men through a sort of respectful affection for a fallen monument, the women mostly out of curiosity to see the inside of her house, which no one save an old manservant – a combined gardener and cook – had seen in the last yen years.

Nang mamatay si Bb. Grierson, ang buong bayan ay pumunta sa kanyang libing: ang mga kalalakihan, upang magpakita ng isang uri ng magalang na pagmamahal sa isang nabuwal na monumento, ang kababaihan, dahil sa pag-uusyoso upang makita ang loob ng kanyang bahay, na walang ibangnakakita kundi isang matandang utusang lalaki – na hardinero-kusinero – sa nakalipas na di kukulangin sa sampung taon.

6. Idyomatiko – Ang mensahe ng orihinal ay isinasalin sa paraang magiging madulas at natural ang daloy ng TL. Ginagamit dito ang idyoma ng TL at sadyang nagiging iba ang porma ng pahayag ngunit ipinapahayag ang mensahe sa paraang kawili-wiling basahin.

Hal.,

The boy had running nose.

Tumutulo ang ilong ng bata (hindi tumatakbo).