Pagpapasinaya sa akda- Noli Me Tangere
-
Upload
ghie-maritana-samaniego -
Category
Education
-
view
403 -
download
13
Transcript of Pagpapasinaya sa akda- Noli Me Tangere
Inihanda ni:
Gloria M. Samaniego
Guro sa Filipino
PAGPAPASINAYA SA AKDA
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
Unang nobelang
isinulat ni Rizal
El Filibusterism
o-kasunod ng Noli at inialay niya ito sa 3
paring martir - GOMBURZA
* Ang nobelang ito ay may temang
Panlipunan
NOLI ME TANGERE
“ Huwag Mo Akong
Salingin”( Kahulugan sa
Tagalog )
“Touch Me Not“
( Kahulugan sa Ingles )
- Una niyang isinulat ang Noli sa edad na 26 noong 1884, sa
Madrid, Espanya- Kalahati nito ay natapos niya
bago siya umalis ng Paris-Natapos niya ito noong
Pebrero 21, 1887 sa Berlin, Alemanya
- Tinustusan ito ni Dr. Maximo Viola
- Una itong nailimbag noong Marso 29, 1887- 2000 sipi ng akda
Uncle Tom’s Cabin
ni Harriet Beacher Stowe
( pumapaksa sa kasaysayan ng mga aliping negro na nakaranas ng pagmamalupit kamay ng mga puti )
- Naging inspirasyon ni Rizal sa pagsusulat ng
Akda
Kab. 25- Elias at Salome
- Nawawalang kabanata ng Nobela
- Hindi isinama sa unang imprenta dahil sa
kakulangan ng salapi
INANG BAYAN
( Pilipinas)
- Sa umpisa ay binalak niyang magpatulong sa
kanyang mga kaibigan sa pagsulat ng Nobela, subalit puro pag-inom at pambabae
ang inaatupag ng mga ito
- Kaya minabuti na lamang niyang sarilinin
ang pagsulat nito
Isinulat ang Noli:1. Matugunan ang paninirang
puri na ipinaratang ng mga Kastila sa mga pilipino at sa bansa.
2. Maiulat ang kalagayang panlipunan, uri ng
pamumuhay, paniniwala, pag-asa, mithiin, adhikain, karaingan at kalungkutan.
Isinulat ang Noli:3. Maihayag ang maling paggamit
ng relihiyon na ginagawang sangkalan sa paggawa ng
masama.4. Mailantad ang kasamaang
nagkukubli sa karingalan ng pamahalaan.
5. Mailarawan ang kamalian, masasamang hilig, kapintasan at
kahirapan sa buhay.
Pagkilala sa mga
Tauhan ng Nobela
Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin- Bugtong na anak ni Don
Rafael- Nag-aral sa Europa ng 7
taon- Kasintahan ni Maria Clara
- Nangarap na makapagpatayo ng paaralan
upang matiyak ang kinabukasan ng mga
kabataan sa San Diego
Maria Clara de los Santos y Alba
- Anak nina Donya Pia at Kapitan Tiago
- Matapat na kasintahan ni Ibarra
Elias
- Mahiwagang bangkero na nagligtas kay Ibarra sa
mga kapahamakan- May napakalungkot na
kahapon- Kasintahan ni Salome
Padre Damaso Verdolagas
- Dating kura sa San Diego- Siya ang susi ng
mahiwagang pagkatao ni Maria Clara at ng kabiguan
ni Crisostomo Ibarra
Padre Bernardo Salvi
- Paring Pransiskano- May lihim na pagtatangi
kay Maria Clara- Nasa kaniya ang mga liham na maglalantad sa
tunay sa pagkatao ni Maria Clara na siya naming
ginamit upang sirain ang pag-iibigan nila ni Ibarra.
Kapitan Tiago/ Don Santiago de los
Santos- Kinikilalang ama ni Maria
Clara- Kilala sa San Diego
- Iniisip na ang sarili na isa na ring Kastila
Pilosopo Tasyo/Don Anastacio
- Isang matandang palaisip- Inaakala ng ilan na isa
siyang baliw
Donya Victorina de los Reyes de
Espadaña- Umaastang Espanyola kaya
nagiging katawa-tawa ang ayos at pananalita
- Maybahay ni Don Tiburcio
Donya Consolacion
- Asawa ng alperes- Maingay at eskandalosa- Ipinagpapalagay na ang
sarili ay di hamak na maganda kaysa kay Maria
Clara
Alperes
- Makapangyarihang kinatawan ng gobyernong
Espanyol sa San Diego- Laging kaalitan ang kura
na siya niyang kaagaw sa kapangyarihan
Sisa/Narcisa
- Ina nina Basilio at Crispin- Nabaliw dahil sa hirap ng kalooban dahil sa nangyari
sa kanyang mga anak
Tinyente Guevarra
- Opisyal ng militar na siyang nakakalam sa
pagkamatay ni Don Rafael, ang ama ni Ibarra
Don Tiburcio de Espadaña- Nagpapanggap na isang
doctor, pilay at bungal at kakatwang Espanyol
- Asawa ni Donya Victorina
Tiya Isabel
- Hipag ni Kapitan Tiyago- Butihing tiyahin ni Maria
Clara- Maalalahanin at tagapayo
ng pamangkin na itinuring na niyang sariling anak
Salome
- Kasintahan ni Elias- Nag-iisa sa dampa mula
nang maulila sa mga magulang
Basilio
- Panganay ni Sisa- Sa kanyang bisig namatay
ang ina- Nakita rin nito ang mahiwaga at bayaning pagkamatay ni Elias sa bundok ng mga ibarra
Crispin
- Nakababatang kapatid ni Basilio
- Pinagbintangan ng kura na nagnakaw at may
pahiwatig na namatay sa loob ng kumbento
Alfonso Linares
- Pamangkin ni Don Tiburcio- Naibibigang ipakasal ni
Padre Damaso para kay Maria Clara
Bruno at Tarsilo
- Magkapatid na nahikayat sumama sa paghihimagsik upang maipaghiganti ang pagkamatay ng kanilang ama sa kamay ng mga
Kastila
Kapitan Pablo
- Inapi ng mga Kastila ang pamilya at namundok para makaganti sa pagkamatay
ng mga anak
Lucas
- Kapatid ng taong madilaw na ginamit ng mga lihim na
kaaway ni Ibarra para patayin sa pagbabasbas ng
paarang ibig ipatayo ni Ibarra sa San Diego
- Isang indio
Padre Sibyla
- Paring Dominikano, bata pa, dating propesor at kura
sa Binondo- Kabaligtaran ng pagkatao
ni Padre Damaso na isang Pransiskano
Guro
- Taong magtataguyod ng edukasyon ng mga bata na
tutulong kay Ibarra sa ipatatayong paaralan.
- Makabago ang istilo ng pagtuturo
Kapitan Heneral
- Pinakamataas na punong Kastila na kumakatawan sa
pamahalaang Espanyol
Don Filipo- Isa sa mga nasangkot sa
paghihimagsik sa ibinintang kay Ibarra
- Sunud-sunuran sa mga Kastila
Kapitana Maria
- Ina ng kambal na nabilanggo, kasama ni
Ibarra- Siya ang babae na buo ang
loob upang harapin nang buong tapang ang naging
kapalaran ng kanyang mga anak
- Babaeng makabayan
Pedro- Sabungero
- Iresponsableng asawa ni Sisa
ALBINO- Dating seminarista na
nakasama sa piknik sa lawa
Kapitan Basilio, Kapitan
Tinong,at Kapitan Valentin
- Ilan sa mga kapitan sa bayan ng San Diego
Inday, Sinang,
Victoria at Andeng
- Mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego
Donya Pia Alba
- Masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos
na siya’y maisilang
Señor Nol Juan
- Namamahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng
paaralan ni Ibarra
Don Rafael Ibarra
- Ama ni Crisostomo Ibarra- Nakainggitan nang labis ni
Padre Damaso dahilan sa yaman
Balat- Nuno ni Elias na naging
isang tulisan
Don Saturnino
- lolo ni Ibarra na nagbigti sa puno ng balete
- Ama ni Don Rafael Ibarra
Don Pedro- Nuno ni Crisostomo
- Naging sanhi ng kasawian ng angkan ni Elias
San Diego
-Pangunahing Tagpuan sa Nobela
Kumakatawan sa mga Tauhan sa totoong buhay
1. Leonor Rivera- mahinhin at malapit sa Diyos
( Maria Clara)2. Jose Rizal- nag-aral sa ibang bansa at humingi ng payo sa mga pagpapasiya (Crisostomo Ibarra)
Kumakatawan sa mga Tauhan sa totoong buhay
3. Paciano – nakatatandang kapatid ni Rizal, ang madalas niyang hingan ng payo (Pilosopong Tasyo)4. Padre Antonio Piernavieja- kinapopootang paring Agustino sa Cavite na napatay ng mga rebolusyunaryo (Padre Damaso/ Padre Salvi)
Kumakatawan sa mga Tauhan sa totoong buhay5. Kapitan Hilario Sunico- isang
Pilipinong nagpasakop sa mga Espanyol at walang sariling desisyon (Don Filipo)6. Donya Agustina Medel de Coca- mayamang nagmamay-ari ng Teatro Zorilla at mga lupain, ayaw niyang tanggapin ang kanyang pagkapilipina. (Donya Victorina)
Kumakatawan sa mga Tauhan sa totoong buhay7. Magkapatid na Crisostomo-
sila’y taga-Hagonoy, namuhay nang puno ng pagdurusa (Basilio at Crispin)8. Mga Paring Pransiskano- mapanghamak at mapagmalupit lalo sa mga Pilipino (Mga Prayle)
Kumakatawan sa mga Tauhan sa totoong buhay9. Ang pagkabaliw ni Sisa ay kumakatawan sa pagkaluray ng Inang Bayan sa kamay ng mga kastila10. Ang marubdob na pagmamahal ni Ibarra kay Maria Clara ay sumisimbolo sa pagmamahal ni Rizal sa Inang Bayan11. Elias- ang katangian ni Elias ay sinasabing katangian ng Makabagong Rizal